Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Twitter: #HunterOnline or mention me : @Reynald_20
Votes and comments are highly appreciated, thank you!
PAGKAMULAT ko ng aking mata ay una kong pinagmasdan ang buong paligid. Okay, we are in one big island. May parte sa isla na parang siyudad at may parte rin naman na parang sinauna dahil sa mga lumang bahay na nakadikit sa mga puno. May magubat na bahagi at may malawak din namang kapatagan. Okay, this is a good map dahil malaki ang lugar, madaling posibleng makatakas kapag naipit sa sitwasyon.
Ang problema nga lang namin ay mas mahihirapan kaming mag-back up sa isa't isa lalo na't ang laki ng mapa.
[Orient Crown] Vegas (Callie): Here at upper right of the map malapit sa lumang simbahan. It will be easy kung magsasama-sama muna ang mga malalapit sa isang lugar para mas maiwasan ang clash. Saka na tayo maghiwa-hiwalay kapag may mga nabawas sa kalaban.
[Orient Crown] Maliupet (Liu): Leader yarn?
[Orient Crown] Vegas: Dumbell yarn?
[Orient Crown] Maliupet: Gago 'di ako pabigat.
I checked the map at ang pinaka-land mark na nakita ko ay 'yong Lighthouse.
[Orient Crown] Shinobi: Sa mga nasa lower left, magkita-kita tayo sa lighthouse. Let us stay together for the meantime bago tumungo sa center part of the map.
Isa sa mga natutunan ko sa larong ito ay huwag na huwag kang pupunta sa center part of the map sa early part ng laban. Karaniwan ng mga clash ay doon nangyayari. Baka nga doon pumunta ang Daredevils para mas maprotektahan nila ang isa't isa.
Maririnig ang malakas na hampas ng alon dahil natatanaw ko siya mula sa aking posisyon. Sinimulan kong tumakbo tungo sa light house na medyo malayo sa aking direksyon. Buhanginan ang tinatakbuhan ko at may mga puno ng niyog at buko akong nadadaanan.
Sandali akong napatigil sa pagtakbo noong may marinig akong kaluskos sa matataas na damo sa hindi kalayuan. Maya-maya lamang ay isang bala ng baril ang bumubulusok tungo sa aking direksyon. Mabilis akong tumalon pakananat napagulong sa buhanginan. Tumama ang bala sa puno ng buko.
"Sayang hindi tumama." Lumabas sa damuhan ang isang member ng Daredevils na mabilis na tumatakbo tungo sa direksyon ko.
[Daredevils] Gunner
Level: 84
"This is bad." Mabilis akong tumakbo papunta sa light house habang pinapaulanan niya ako ng bala at may ilan na tumatama sa braso ko at nababawasan ang health bar ko. Shit, hindi ako makakapalag lalo na't support role ako. Kung assassin pa rin ang role ko ay baka lugi na ito sa akin sa close-combat.
But now? I need to run as fast as I can and avoid this clash for the meantime.
"It will be great kung mai-e-eliminate ko ang Captain ng Orient Crown sa early part ng laban." Sabi niya. He used his skill at mabilis akong tumalon ang nagtago sa likod ng isang puno. Naputol ang puno at bumagsak habang ako ay dire-diretso akong tumakbo.
[Orient Crown] Knightmare (Noah): Captain, kumanan ka.
Mula sa kanan ay natanaw ko na mas maraming puno sa parteng ito. Agad kong sinunod ang sinabi ni Knightmare sa akin. Kumanan ako at nakasunod pa rin sa akin si Gunner. Napatingin ako sa health bar ko. "Shit nangangalahati na."
[Orient Crown] Knightmare: Huminto ka sa panglimang puno. Kunwari na-corner ka ni bobo.
Agad kong binilang ang puno kong nadaanan at huminto nga ako sa panglimang puno. Humahangos akong nakatingin sa kaniya. Inilagay ko sa likod ko ang violin ko at hinawakan ang violin bow ko at naging isang espada ito.
"Tingnan natin kung malalapitan mo ako, Shinobi." Nakangiti nitong sabi at ikinasa ang dalawang baril na hawak niya.
This is bad. Kung sunod-sunod na skill ang gagamitin niya ay paniguradong ma-e-eliminate ako sa laro.
Bawat hakbang niya ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I mean, Callie is the keyholder and shotcaller kung kaya't okay lang din naman kung ma-eliminate ako dahil hindi ganoon kalaki ang impact noon sa grupo. But still, gusto kong tumagal sa laban at makatapat sina Thaddeus.
Isang hakbang pa ang ginawa ni Gunner at ilang metro na lang ang layo niya sa akin. Nagpaputok siya ng baril at mabilis kong pinihit ang aking leeg para maiwasan ang balang papatama sana sa aking ulo. Seryoso akong nakatingin sa kaniya at may butil-butil na pawis ang bumababa mula sa aking noo.
"Yahooo!" Parehas kaming nabigla noong may isang tinig kaming narinig mula sa itaas—Si Knightmare. Holding his scythe he swing it towards Gunner. Hindi ito inasahan ni Gunner, naiwasan niya man ito ay nawalan naman ito ng balanse dahil sa pagkabigla. "Captain, ngayon na!" Knightmare shouted.
Mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon ni Gunner. Ilang beses siyang nagpaputok ng baril ngunit sinalo ni Knighmare ang mga balang iyon dahil mas puno pa ang health bar niya kaysa sa akin.
Hindi ko na hinintay na makatayo si Gunner. Malakas ko siyang sinipa sa mukha dahilan para mapagulong siya sa buhanginan.
Sword fire.
Nagkaroon ng apoy ang espadang hawak ko and I sliced Gunner upward. "Sino ngayon ang ma-e-eliminate ng maaga sa laban?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. "Knightmare!"
Biglang sumulpot si Knightmare sa likod ko and swing his Scythe multiple times.
[Daredevils] Gunner was eliminated by [Orient Crown] Knightmare!
Nag-apir kami ni Knightmare. "Nice save, Noah!" puri ko sa kaniya. Kumuha ako sa inventory ko ng ilang mga potion at mabilis na ininom. Unti-unting naghilom ang mga sugat ko.
"Mabuti na nga lang at narinig ko ang putok ng baril ni Gunner kung kaya't chineck ko 'yong lugar." Paliwanag sa akin ni Noah. "Sayang nga lang at hindi siya ang keyholder."
"Imposibleng keyholder 'yang si Gunner. Kung siya ang key holder, hindi papalag 'yan." Paliwanag ko sa kaniya. "Kailangan na natin pumunta sa light house."
Matapos mapuno ang buhay ko ay nagsimula na kami ulit ni Knightmare na maglakad. "Napansin ko lang, Captain! Noong huling laban din natin sa Daredevils ay tayong dalawa rin ang magkasama. Mukhang tayo ang destiny na maging duo at hindi si kuya Dion. Do you get déjà vu?" Pagkanta niya pa.
"Pangit ng boses mo." Reklamo ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang buong paligid dahil baka may biglaang atake na naman ang mangyari sa amin. "Malas tayo kapag tayo ang magkasama, eh." Biro ko sa kaniya.
"Ay grabe Captain! Alam mo kung sino ang malas? Si Kuya Larkin! Tingnan mo noong sinundan ko siya sa Talon na-deads ako. Malas sa grupo amp."
Nakarating kami sa light house at nakasilong mula sa initan si Rowbinhood (Robi) at Nodaichi (Larkin).
Napasapo sa mukha si Nodaichi. "Jusko po! Kasama ko na naman 'tong batang malas na 'to."
"Luh, galing sa rason kung bakit ako na-eliminate last time." Ganti ni Knightmare sa kaniya.
Great, apat kami ngayong magkakasama.
Paniguradong maliit na ang tiyansa na ma-ambush kami ng mga kalaban. "Ngayong magkakasama tayo, we need to head patungo sa center part ng mapa." I informed them.
[Orient Crown] Shinobi: Kasama ko sina Knightmare, Nodaichi, at Rowbinhood. We are heading toward the center part of the map.
[Orient Crown] Vegas: Ingat, I saw Zero (Thaddeus) kasama ang mga alipores niya na papunta rin sa area na iyon. I am with Rufus (Dion) and Esquire (Elvis).
[Orient Crown] Maliupet was eliminated by [Daredevils] Lost_Scroll!
"Bobo amp." Bulong ni Nodaichi noong marinig niya ang announcement. Si Lost_Scroll ang isa sa mga member na laging nakasunod kay Zero. It just means na nakalaban ni Liu sina Thaddeus. Thaddeus is well protected, baka nga hindi ako magugulat kung siya ang keyholder pero matalino si Thaddeus, hindi niya hahayaan na siya ang keyholder lalo na't mainit siya sa mata kapag mga tournament.
"Let's go." Utos ko kanila. Si Knightmare ang nangunguna sa paglalakad habang nasa gitna kaming dalawa ni Nodaichi (since hindi ganoon kataas ang mga defense namin), at nasa likod si Rowbinhood para kung sakali man may biglaang surprise attack ay mabilis niya kaming mapoprotektahan.
[Orient Crown] Vegas: Kailangan natin magsama-sama and after that, we will sort out kung ano ang puwede nating gawin para ma-ambush sina Zero.
Mula sa vision ko ay may nakita akong maliit na kubo sa itaas ng bundok, malapit ito sa gitnang siyudad ng mapa.
[Orient Crown] Shinobi: Left side of the center part of the map. May maliit na kubo. We can meet there.
[Orient Crown] Vegas: Okay. We can meet there. Use alternate routes para makapunta doon, avoid the center part of the map for possible ambush.
"So Callie can lead, huh?" Mahina kong bulong sa aking sarili habang naglalakad kami nina Nodaichi.
"Hindi naman siya i-i-scout ng international team kung hindi capable si Callie sa lahat." Sagot niya sa akin. "He really can lead, hindi niya lang din ginagawa kasi nga tamad siya sa ganiyang gawain. He believe that he is more of a follower than a leader."
"Saka, respeto iyon ni Vegas sa 'yo. You are the captain kung kaya't hindi siya nagmamagaling sa mga plano." Sagot naman ni Rowbinhood na nasa likod namin. "Pero ngayon, he step up his game para manalo tayo."
"Kapag sinabi ni Callie na hindi niya hahayaan na tayo ang fourth placer sa tournament na ito ay gagawin niya talaga. Trust his plan, hayaan mong maging Callie and friends tayo sa match na ito." Sabi ni Nodaichi sa akin.
Iniwasan namin ang center part of the map at dumaan sa mapunong bahagi ng isla papaikot para makarating sa may kubo.
Palingat-lingat ako sa paligid noong may marinig akong mga kaluskos. "Shhh." Wika ko at itinaas ko ang aking kamay. "Someone is here."
Natahimik sila at pinakiramdaman ang buong paligid. Ilang segundo na naging tahimik ang paligid at nawala ang aking mga naririnig.
"Wala Captain." Bulong ni Knightmare. "Tara na at dumirets—"
"Yuko!" Sigaw ko kay Knightmare. Mabilis ko siyang hinawakan sa ulo at pilit na pinadapa para maiwasan ang bumubulusok na dark orb sa aming direksyon.
Payuko kaming tumakbo at nagtago sa likod ng isang puno. Sumabog ang Dark orb at ramdam namin ang malakas na hangin at mga ilang bato tumalsik sa aming direksyon.
"Move, move!" Malakas kong sigaw at tumakbo kami papalayo. Hindi muna kami dumiretso sa may kitaan naming lugar dahil baka mas marami lang mapahamak.
Knightmare checked his inventory at naghagis ng tatlong smoke bomb para mabalutan ang lugar. Ginamit namin iyong tiyansa upang maghanap ng lugar na puwedeng pagtaguan.
Nagtago kami sa pagitan ng dalawang malaking bato na may mga talahib ng damo sa ibabaw.
"Hindi tayo puwedeng pumunta roon, masusundan nila tayo." Bulong ni Larkin. "Tangina nitong utak ni Thaddeus, bantay sarado kahit kalapit lugar ng siyudad para mahirapan tayo, eh."
Hindi ko rin alam kung bakit second placer lang ang Daredevils sa mga previous tournament? Grabe ang way of thinking ni Thaddeus. Siya 'yong definition na leader na puwede ka talagang mag-rely.
"Magpapahabol na ako sa kanila, Captain." Sabi ni Rowbinhood sa akin. "Hindi tayo makakadiretso doon apat ng magkakasama. Kung maghihiwalay-hiwalay naman tayo ay baka mas ma-gank lang tayo."
Nagkatinginan kaming apat. May pagsabog kami muling narinig at biglang tumayo si Rowbinhood, naghagis siya ng dalawang smoke bomb sa paligid. "Ililigaw ko sila. Sa kabilang direksyon ako dadaan. Kayo na bahala dumiskarte kung paano kayo tatakas." Umalis siya mula sa aming pinagtataguan.
"Siguro nga it will benefit the whole team kung may isang magsasakripisyo." sabi ni Nodaichi. "Ba't 'di na lang ikaw Knightmare."
"Luh, gusto ko pa ng exposure." Reklamo ni Knightmare at bahagya akong natawa.
Ilang segundo kaming naging tahimik at base sa mga naririnig namin ay palayo nang palayo ang bawat pagsabog. Hudyat lamang ito na naging epektibo ang plano ni Rowbinhood.
Dumungaw ako sa pagitan ng dalawang bato. Noong mapansin kong wala ng tao sa paligid ay doon na ako lumabas. Isang pagsabog pa ang narinig namin ngunit malayo na ito sa amin. "Tara na!" Aya ko sa kanila.
Tumakbo na kami tungo sa kubo sa may bundok. Kalagitnaan ng aming pagtakbo ay isang announcement ang aming narinig.
[Orient Crown] Rowbinhood was eliminated by [Daredevils] Revelusyon!
"Thank you, bro, libre kita melona mamaya," sabi ni Larkin habang tumatakbo kami. "Joke lang, mahal pala 'yon. Selecta na lang."
Pagkarating namin sa kubo ay lumingat-lingat kami sa paligid. Si Skorpion (Genesis) pa lang ang nandito. "Long time no see bestfriend!" Mabilis na lumapit sa kaniya si Knightmare.
Skorpion boredly looked into my direction. "Ba't hindi na lang ito ang na-eliminate?" Turo niya kay Knightmare.
Knightmare chuckled. "Nice to see you too."
Sa ilang minuto naming paghihintay ay dumating na rin sina Vegas. Pito kaming nandito ngayon: Ako, Rufus, Esquire, Knightmare, Skorpion, Nodaichi. Si ShadowChaser (Juancho) ay hindi makakasunod sa amin dahil nasa gitna siya ng mapa. Maigi siyang nagtatago upang hindi siya makita nila Zero.
"Gago ni Thaddeus, daming alipores na nakapalibot." Reklamo ni Vegas habang umiinom ng potion upang ma-restore ang buhay niya.
Sa ngayon ay may walong buhay pa sa Orient Crown at siyam naman sa Daredevils. Lamang sila sa tao pero tiwala akong kaya namin ito.
"Kailangan natin maghanap ng blind spot sa kanila. Check your map." We opened the map at lumabas ito sa vision namin. "Ilan ang na-encounter ninyong Daredevils noong papunta kayo rito, Shinobi?" Vegas asked.
"Hindi ko alam, hindi namin nakita." sagot ko sa kaniya.
"Tatlo ang humabol sa amin. More likely ay dalawa sa inyo. Apat ang nasa gitna ng mapa ayon kay ShadowChaser." Vegas explained. "It will be hard if sa kanang bahagi tayo dadaan." Maigi na paliwanag ni Egas.
"Doon tayo sa dinaanan natin." I informed him. "We can lure the other one papalayo samantalang puwede natin patayin 'yong isa." I informed him.
"Let assign the Skorpion sa paglito sa kalaban." Nodaichi explained. "'Mas maigi rin kung si Knightmare ang sasama sa kaniya, mas basa nila ang galaw ng isa't isa." Tumango si Genesis habang ngiting-ngiti si Noah.
"Rufus, kaya mong patayin si Revolusyon sa kabilang team? Mage 'to. Malambot lang." Sabi ni Vegas. "Huwag kang mag-alala, tatangkihan kita."
"Kaya ko." Rufus said.
"Good." Tiningnan kami ni Vegas. "Kung sakaling makapasok na tayo sa siyudad na parte ng mapa. Paniguradong may mga surpresang pag-atake si Zero. Just be prepare. Shinobi, ready your skill that will enhance the defense of everyone." Tumango ako kay Vegas.
He closed the map and clapped his hand. "Focus lang. Skorpion at Knightmare, 'wag kayong magkaka-error, crucial kayo sa plano para makapasok kami sa loob."
Ngumisi sa amin si Vegas. "Sigurado ako na isa kay Zero at dalawang alipores niya ang keyholder. Hindi nila hahayaan maging keyholder 'yong mga bantay sa labas ng siyudad."
Sa ilang buwan ko nang ka-team si Callie ay parang ngayon ko lang siya nakita na ganito kaseryoso. Noong sinabi niya na dadalhin niya kami hanggang grand finals, hindi siya nagbibiro doon. Hindi lang talaga yabang ang mayroon si Callie at naiintindihan ko na rin kung bakit siya kinukuha ng international team. He really know how to play this game.
"Let execute this plan na walang pagsisisi." Vegas shouted at inilatag ang kamay niya. "Be bold,"
Ipinatong namin ang kamay namin. "Gold!" We answered.
Sinigurado namin na puno ang health bar namin bago lumabas ng kubo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top