Chapter 145: The Plan

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes and comments are highly appreciated, thank you!

NOONG rookie ako ay malaking team ang tingin ko sa Daredevils, Phantom Knights, at Black Dragon. Sa tuwing may tournament kami ay laging sinasabi ng mga team mates ko ay sana huwag muna natin makatapat ang kahit sino sa tatlong 'yan sa competition.

But here I am, kasama sila Choji, Thaddeus, at Kurt sa isang interview dahil kaming apat na team ang semi-finalist para sa matches mamayang hapon at bukas. May dalawang laro pa mamayang hapon. Daredevils Vs. Orient Crown (Lower bracket) at Phantom Knights VS. Black Dragon (Upper Bracket)

Nakaupo kami sa harap ng long table at sunod-sunod na flash ng camera ang tumatama sa mata. Hindi ko nga sure kung nakadilat pa ako sa mga kuha nila dahil nakakahilo 'yong mga flash. "Choji, this question is for you, do you guys expected na makakapasok ulit kayo sa Semi-finals and do you have what it takes to defend your title as the champion of previous season?" The press asked.

Inabot ko kay Choji ang mic. "We do expected it already." Sagot ni Choji at napatango-tango ako. Signature na talaga ng Black Dragon ang maging mayabang at mahangin. "Siyempre nag-training kami at maganda ang ipinapakita naming laro sa bawat matches. Alam ko ring malakas ang tatlong team na nandito ngayon pero sisiguraduhin namin na maiuuwi namin ang kampionato ngayong season 4."

"How about threat? Sino 'yong nakikita mong threat para sa Black Dragon?" Follow-up question pa niya.

"No one." Choji said habang natatawa.

"I love the confidence. How about Thaddeus? From Season two and three ay second place kayo, this time ba, confident ka na kayo naman ang makakakuha ng trophy?" Iniabot ni Choji ang mic kay Thaddeus.

"Yes." sagot ni Thaddeus. Interview session pa lang ito pero ramdam ko na 'yong eagerness nila na manalo sa kumpetisyon. Sa bagay, few steps away na lang kami sa trophy lahat. "Kung confident ang iba ay confident din kami."

"How about Milan? Ginulat ninyo kaming Orient Crown dahil kakapasok ninyo lang sa pro scene, and here you are, will up against these three teams." Iniabot sa akin ni Thaddeus ang mic.

"Kahit ako rin po nagulat sa layo nang narating namin." Natawa ang mga tao rito. "Kasi 'di ba sa mga prediction ng mga streamers at analyst, they thought that we will be eliminated in early part of the competition, the highest possible rank na makukuha namin is top 7. But hello, we are in top 4 now and still have a chance to win the tournament." Kumaway ako sa camera.

"Siyempre we are grateful and very humbled that we are up against these three amazing teams. Top four is a huge achievement for us already but the goal is to become champion. It's always the trophy." I explained to them and they nodded na parang na-satisfy sila sa sagot ko.

"Also, you guys are the most controversial team in this season dahil sa nangyaring bullying at issue ni Larkin. How does it feel? Nahirapan ba kayo?" Pahabol na tanong noong isang interviewer.

"Hmm... I am just happy na nalinis 'yong pangalan namin. Also I will take this opportunity to say thank you to my fellow players," tumingin ako sa kanilang tatlo. "Na talagang inilaban nila na makapaglaro si Callie at Larkin kahit pa advantage na para sa kanila ito. At that moment, I really feel like Esports is one community."

"After this match, anong plano ninyo?" Tanong noong isang media galing sa TV station.

"Papahinga." Halos sabay-sabay naming sabi at natawa.

Kurt is the one who answered the question. "Kasi 'di ba, we trained for months para sa Season 4 tournament so limited 'yong time namin para sa family o para sa sarili namin. Siguro after the competition, it's safe to say na a lot of professional players will go home and rest."

May mga tinanong pa sila na mabilis namin sinagot. Actually kinakabahan nga ako dahil baka gawin nilang exaggerated 'yong mga headlines nila sa mga article nila.

Kasi ganoon naman 'di ba! Marami sa mga article writers na ang OA ng mga headline nila, talagang out-of-context para lang mapag-usapan. Well, gets ko naman dahil sa ganoon sila kumikita pero sana naman hindi sila willing manira ng obang tao just for one click sa article nila.

After the interview ay kinausap ko sina Sir Theo. "They are already waiting for you sa assigned room natin. We need to finalize our plan laban sa Daredevils mamayang alas-dos.

I checked the time and almost 11:30AM na, God, nakakapressure naman! I mean, may plano naman na kami pero hindi pa siya pulido dahil nga hindi rin kami sure kagabi kung sino sa No Mercy Esports at Daredevils ang makakatapat namin.

Nakita ko si Thaddeus na kausap ang coach nila. Nagpaalam ako kanila Sir Theo na kakausapin ko lang saglit si Thaddeus. I mean, ang laki nang naitulong niya para sa amin. Gusto ko lang din mag-thank you ng personal.

Noong nakita ako ni Thaddeus ay nagpaalam siya sa Coach nila. "Sunod ako Coach." He walked towRds my direction.

"Mukhang ready na ready ka na sa laban mamaya, ah." Panimula ko. "Congratulation sa pagkapanalo ninyo kanina."

"Thank... you?" Hindi niya siguradong sagot at bahagyang natawa. "I don't know if you are really happy sa pagkapanalo namin dahil kami sunod ninyong makakalaban."

"Hoy genuine 'yon!" Mabilis kong depensa at nailing si Thaddeus. "Pero gusto ko lang i-take 'yong opportunity na ito na makapag-thank you sa 'yo dahil baka mamaya ay hindi na tayo makapag-usap sa dami ng nangyayari." Natatawa kong sabi.

"Thank you for helping us. Nalinis ang pangalan ni Callie dahil sa 'yo." Sinsero kong sabi.

Nagkibit-balikat si Thaddeus. "Ginawa ko lang din ang sinabi ko sa 'yo. Sabihin na natin na bayad iyon dahil sa hindi mo pagsusumbong na nagve-vape ako sa fire exit." He chuckled. "Pero sorry rin, I posted your video without your consent. I need to do that as an evidence na tina-target nga kayo ng Laxus Familia."

Iniling ko ang aking kamay. "I totally understand, tama ka rin naman na dapat sinabi ko na agad sa kanila, e 'di sana naiwasan sana 'yong nangyari kay Callie."

He offered his hand. "May the best team win?" he asked.

Nakipagkamay ako kay Thaddeus. "May the best team win."

Pumamulsa si Thaddeus at tumalikod na. "You can call me Thad na lang. Thaddeus is pretty long."

"Bye, Thad na lang!" natatawa kong sabi. Lumingon siya at napailing.

Hindi ko talaga gets kung bakit ayaw nilang tinatawag sa pangalan nila. Dmitri, Calliber, Thaddeus is such an awesome name. Cool din naman 'yong mga nicknames nila pero mas may dating ang name talaga nila.

"Milan," tinawag ako ni Coach kung kaya't napalingon ako sa kaniya. "Meeting."

Pagbalik ko sa designated room ay pinapangunahan na ni Larkin at Callie ang pagpaplano. Nasa gitna sila ng diskusyon at sumingit ako. "Robi, gusto mo bang lumaro? Kaya mong maging key holder?" Callie asked. "Willing yata si Liu magpa-bench kung gusto mo lumaro."

"Ano nang napag-uusapan?" I asked Dion."

"Nag-aaway pa rin sila kung sino ang magiging keyholder." Sabi ni Dion sa akin.

"Mas okay nang si Liu ang lumaro," sabi ni Robi. "Crucial match 'to. Mas madalang magka-error sa akin si Liu." Robi informed.

"Liu, hindi eepekto 'yong aggressive playstyle mo rito. Matalino si Thaddeus, paniguradong may mga planong nakalatag diyan kapag may mga nagmaasik sa atin." Larkin said.

Kagabi ay gusto ko sanang i-push 'yong ling up na wala sina Callie at Larkin pero alangan sila Coach pagdating dito. I mean, gets ko naman sila, ngayong na-lift ang suspension nitong dalawa ay dapat i-take advantage namin. Kasi hindi kami puwedeng mag-experiment ng line up bigla-bigla, crucial 'to, if matatalo kami ay kami na ang magiging fourth place."

"Ako ang magiging keyholder." Callie declared.

My brows crunched. "Hindi puwede, nalaman nga nila last time na ikaw ang keyholder. Kung uulit tayo na ikaw ang key holder, parang sinasabi natin na willing tayo magpatalo sa kanila for the second time." I explained to him.

"I agree with Milan, ang keyholder natin ay 'yong least expected." Sabi ni Larkin. "Puwedeng si Milan, si Noah, Si Liu, o puwede ring si Genesis ulit."

"Kaya lang nila nalaman na ako ang keyholder last time ay dahil kay Milan," Callie said. "She's obvious na binabantayan niya ang health bar ko kaya nakatunog si Thaddeus."

Totoo naman, error ko 'yong part na 'yon.

"Allow me to be keyholder. Nasa kundisyon ako lumaro ngayon." He raised his right hand. "Bubuhatin ko kayo."

"Tangina nagyabang ka na naman." Reklamo ni Liu at napatawa kami kahit papaano.

"Hindi nila ako paghihinalaan dahil alam nilang natalo na tayo sa kanila na ako ang keyholder." Callie still persuade us. Nakatingin lang din sina Coach sa kaniya. "Basta wala kahit isa sa inyo ang titingin sa health bar ko."

"Of course we need to help you kung ikaw ang keyholder."

"Okay ganito," umayos nang pagkakaupo si Callie sa monoblock. "If I shouted wahhh in the game ibig sabihin kailangan ko na nang assistance at naiipit na ako sa team fight. Notice the W sound, ha! Iyon ang magiging signal ko na kailangan ko ng backup." Callie explained. "Subtle signal lang iyon."

"Si Genesis ang babantayan ko as a tank. Milan and Dion should be together since alam ni Milan kung paano isu-support si Dion, silang dalawa ang mag-handle ng kill."

"Let's asked Coach idea about your plan." I suggested.

Tumingin kaming lahat kay Coach Russel. "Callie, sigurado ka ba sa naiisip mo? This is a crucial match for us, naiintindihan ko rin kung nagda-doubt si Milan sa plano mo."

"Pagkatiwalaan ninyo ako." Callie said. "You guys know how I want us to be the champion. Hindi ko sasabutahihin ang buong team."

"I will go with Callie's plan." Larkin raised his hand. "Ngayon ko lang nakita na ganito kadesidido si Callie na lumaro."

"Let's give it a shot." Dion agreed.

"Gaano ka kasigurado na gagana ang plano mo?" Tanong ko kay Callie.

"Mga 70%, depende pa rin sa ilalatag na plano ng Daredevils." Seryosong sabi ni Callie sa akin. "I will be the one who will do shot call. Ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo dapat ka-grateful na ka-team ninyo ako." Pagmamayabang niya.

"Okay, let's go with your plan." I said.

"Thank you, Captain." Callie said. "Trust me, makakalaro tayo bukas. Hindi tayo uuwing fourth place sa Season 4 tournament."

Callie explained further his plan. It's quiet risky dahil gusto niyang pumatay si Dion as many as he can. Isa sa mga sinabi ni Callie ang pinakatumatak sa akin.

"Nag-change job and role tayo, abusuhin natin 'yong advantage natin na iyon. Wala silang ideya sa kung anong puwede nating ipakita sa laban. Let us use that mystery para biglain ang Daredevils."

Nakinig lamang ako kay Callie at naliwanagan din ako sa kaniyang balak. I let him explain and kapag may tanong ako ay luckily ay nasasagot niya rin naman. Hindi pa namin alam ang magiging map ng laban namin pero may mga possible escape route na siyang sinabi sa amin.

Matapos namin mapag-usapan ang plano ay saglit lang kaming kumain. After kumain ay nagbasa-basa na kami ng information abour Daredevils. Si Dion naman at Callie ay nag-usap dahil may mga hindi naintindihan sa plano si Dion na kailangan niyang i-clarify. Mabuti na rin iyon para maiwasan ang malalaking error.

Kahit nga sana maliliit na error ay iwasan namin. Masyadong observant si Thaddeus. Nakikita niya ang lahat at gagawin niyang advantage ang pagkakamali mo.

Mabilis na tumakbo ang oras at pinapila na kami sa backstage.

Nasa kabilang side ng stage sina Thaddeus. Seryoso lang siyang nakatingin kay Hanz. He is in game mode already.

"Mahihirapan tayo nito," bulong sa akin ni Dion. "May momentum ang Daredevils dahil lumaro sila kanina. Pero tiwala ako kay Callie."

"Tiwala rin ako kay Callie. If we will be able to execute his plan. We will be able to win this round." Sabi ko kay Dion.

Pumamilog kaming Orient Crown. Ngumiti ako sa kanilang lahat. I am happy sa kung ano ang narating namin pero tiwala ako na kaya pa namin umabanse hanggang grand finals.

"Hindi ito ang magiging laban natin ngayong season four tournament." Nakangiti kong sabi sa kanila. "Let us fight without any regrets. Avoid errors. Stay focus."

They nodded to me. Inilatag ko ang kamay ko at ipinatong nila ang kanilang kamay. "Be bold!"

"Gold!"  They answered and we raised our hands up.

"Mukhang handang-handa na para sa laban natin ang Royals ng Hunter Online. This rookie team never fail to amaze us, please welcome to our stage for the semifinal round— Orient Crown!" Malakas na nagsigawan ang mga tao noong umakyat kami sa stage.

Tiningnan ko ang buong paligid at halos mapuno ang arena sa dami ng nanonood. I also saw sila Oli, Kendrix, at Gavin na nasa Lower box para manood ng laban.

I sighed and smiled. Gusto ko 'yong tensyon na nararamdaman ko ngayon.

"Sa kabilang banda ang isa sa pinakamalalakas na team sa mundo ng Hunter Online. A veteran team who proved theirselves that they have what it takes to become Champion, please welcome to our stage— Daredevils!" Hanz announced at umakyat sa stage ang grupo nila Thaddeus.

Mas malakas ang sigawan ng aydience noong nakita sila. Gets ko naman din dahil malaki talaga ang fanbase ng Daredevils. They been in this industry for so long already at sila ang second strongest team sa mundo ng Hunter Online.

Humarap kami sa isa't isa at kinamayan ang mga kalaban.

"The rematch of Daredevils and Orient Crown will start now!" Hanz announced.

Pumuwesto kami sa kaniya-kaniya naming inclining chair at isinuod ang mga nerve gear namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top