Chapter 143: One Community

Twitter hashtag: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

You can also follow me on my Tiktok where I do random live and interact with my readers: @reynald_john

Votes and comment are highly appreciated, thank you!

SOCIAL Media is a great platform para makipag-usap or makipag-interact sa mga kakilala mo. Good way din ito to express what you really feel or what is your stand against certain issue. Pero sa issue ngayon ni Larkin at Callie, dito nag-sink in sa akin na nakakatakot na apps ang kahit anong social media platform.

The good side of social media is it's giving a platform to a certain people to have power to influence other people. Pero isang pagkakamali mo lang sa Social media, o kahit nga may fake news lang na kumalat tungkol sa 'yo. Everyone will judge and hate you.

Ganoon ang nangyayari kay Callie at Larkin ngayon. Hindi nga lang sa kanilang dalawa kung hindi sa buong Orient Crown.

@TheConstant12:
Dati pa man din problematic na yang Orient Crown na 'yan! And obviously kaya ni Larkin gawin 'yon sa Mama niya dahil halos gabi-gabi sa bar 'yan!

@Fasc1nate:
Sa yabang ni Callie natural may papatol diyan! Feeling niya kasi lagi ay superior siya sa lahat. If I know tinanggal lang 'yan sa Black Dragon dahil saksakan ng yabang.

@Selsdob:
Two issues in just a day? Baka Orient Crown yarn! Milan and Dion should disassociated her name with these players! Sila lang ang unproblematic na nakikita ko sa team nila, eh!

@Lalalaleahh:
It's funny how Milan spreading good words in gaming community pero sariling team niya hindi niya ma-handle ng maayos lol! Puro salita lang, eh.

Nagkakaroon ng domino effect sa buong team ang issue ni Kaden (for having a baby), Larkin (sa pag-inom at sa Mama niya), at Callie (sa pakikipagbasagan ng mukha sa Laxus Familia). Lahat kami ay nahuhusgahan, lahat kami ay naja-judge na ng mga tao sao social media kahit wala silang basis.

Ang sinungaling ko kapag sinabi kong hindi ako naaapektuhan sa ganito. Ang dali lang kasing ipayo na huwag ka ng magbasa sa social media, toxic lang ang mga tao riyan pero kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka ganoon klaseng tao. Na kahit Captain ako ay hindi ko hawak ang personal na buhay ng members ko.

"Wala pa rin talaga kayong balak mag-usap?" Tanong ni Sit Theo habang nakatingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nasa passenger seat kasi siya habang nasa dulong seat ng shuttle sina Larkin at Callie. Take note, hindi magkatabi ang dalawa at nakapagitan sa kanila sina Kaden, Liu, at Juancho.

"Okay na kami, Sir," sagot ni Larkin habang nakasilip sa bintana. Biyahe na kasi kami pabalik sa boothcamp.

"Weh? Laplapin mo nga si Callie kung okay na kayo." Sabat ni Liu.

"Tangina mo." Sagot ni Larkin sa kaniya at tinulak si Liu na tawang-tawa.

Nailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit ikinulong na 'tong si Larkin at Callie ay nagmamatigasan pa tin talaga silang dalawa, hindi pa rin sila nag-uusap. Totoo naman din 'yong sinabi ni Aisha, ramdam ko naman na gusto nilang mag-ayos pero walang gustong magbaba ng pride na unang mag-sorry.

"Okay ka na?" Dion asked dahil nagkatabi kaming dalawa sa bus. He chuckled at ginulo ang buhok ko. "Kaninang umaga ka pa problemado. Ni-hindi ka nga yata nagkaroon ng time na i-celebrate ang pagiging pasok natin sa final four, eh."

Ngumiti ako kay Dion. "Ay grabe, stress ako sa mga nangyayari. Iniiyakan ko rin naman 'yong acads ko pero first time kong maiyak dahil sa mga nangyayari. 'Yong tipong nagpapatong-patong sila at hindi nareresolba ang mga issue." I explained to him at napahawak ako sa aking ulot. "Grabe, stress."

"Buti na lang ako, hindi naging sakit sa ulo." Dion wiggled his brows. "Suwerte mo, hindi problematic jowa mo."

"Ang chika nito." Natawa ako sa sinabi niya. "Sinabihan mo nga akong priveleged noon."

His smile immediately dropped. "Luh tagal na noon, saka hindi ko naman sadya iyon. Nagkaroon na ako ng character development." Depensa niya.

"Joke lang, hindi naman na siya big deal ngayon." sabi ko at humiga sa balikat ni Dion. "Ang gusto ko na lang ngayon ay maresolba ang issue nila Callie at Larkin. Gusto kong magkakasama pa rin tayo lumaro hanggang finals."

"I deactivated my twitter." Dion informed me. "Ikaw din, kung hindi na healthy sa 'yo 'yong mga nababasa mo sa social media, okay lang mag-deactivate. Mas mahalaga ang inner peace natin."sabi niya at inihiga ang ulo niya sa ulo ko.

"Dapat talaga hiwalay ng bus ang magjojowa, eh." Sabat ni Noah na nasa katapat naming seat.

"How do you usually spend your christmas?" Tanong sa akin ni Dion. Ow, December na nga pala! Ramdam ko naman ang pagiging malamig ng simoy ng hangin pero sa sobrang focus ko sa tournament ay hindi ko pa ramdam ang spirit ng Christmas.

Or baka hindi ko na feel ang Pasko unlike noong bata ako?

"Bakit mo naman natanong?" I asked.

"Wala, para alam ko kung paano ninyo siya sine-celebrate, para hindi ako ma-culture shock." Oo nga pala, this is the first time na magpapasko kami ni Dion na magkasama.

Napag-usapan namin na sa family ko kaming dalawa magpa-Pasko at sa family naman niya kami magnu-New Year. Well, sasama naman sila Mom sa Nueva Ecija so basically I am with my family kahit New Year.

"Hmm..." inalala ko ang Christmas experience ko. "We usually travel lang kapag Christmas. Pero favorite ko sa Baguio, they have musical show sa likod ng The Manor kapag Christmas."

"What kind of show?" Tanong ni Dion.

"Frozen." I answered at natawa siya. "Hoy! Huwag mong tinatawanan ang power ng Frozen! Frozen musical in Christmas eve, chef kiss!" I do kissed my finger to show how good it was.

"Natawa lang ako sa idea. Hmm... ano pa?" He asked. I don't know but this random conversation makes me feel better.

"Typical Christmas, uma-attend kami sa huling simbang gabi. Salo-salo sa Christmas eve. Giving gifts, and nag-i-stay na lang kami madalas sa airbnb kapag Christmas day kasi matao na no'n sa Baguio." Paliwanag ko kay Dion. "Kayo ba, how you usually celebrate Christmas?"

"We don't celebrate Christmas, first time kong magse-celebrate ng ganiyang klaseng pasko." Paliwanag noya sa akin.

My brows crunched. "Huh? 'Di ka naman INC, 'di ba?"

"Hindi. Pero growing up kasi, hindi naman kami mayaman," aww okay, I do get it na related ito sa pera. "Hindi kami naghahanda ng pasko dahil 'yong handa namin is para sa New Year. Isang handaan na lang para iwas gastos. Nagbe-bless lang ako sa matatanda sa amin kapag pasko."

"Kahit noong naging professional player ka na?"

"Hmm. Nakaugalian. Bale OA talaga namin salubungin ang New Year kasi hindi kami naghanda ng Christmas."

"I am looking forward to experience that." I answered honestly.

***

NAKABALIK na kami sa boothcamp. "Tumabi kayo naiihi na ako." Nagmamadaling lumabas si Liu at naunang pumasok sa loob.

"Milan, meeting room tayo around 7, we need to have a fixed line up para sa laban natin bukas. Posibleng No Mercy Exports ang makatapat natin o Daredevils ulit, we need to think two different plans sa dalawang team na iyon." Paliwanag ni Coach sa akin at tumango. "We will have a plan na excluded sina Callie at Larkin, may plano rin na kasama sila. We just need to prepare for worst case scenario."

Kaniya-kaniyang pasok muna sa room ang buong Orient Crown dahil napagod din naman sila sa maghapong event namin. Mabuti na nga lang at last two days na ng Hunter Online Tournament. Bukas ang semifinals samantalang frand finals sa Friday.

"Callie, Larkin!" Sir Theo called the two of them. They sighed at lumapit kay Sir Theo. "Hindi ba talaga kayo mag-aayos dalawa?"

"Sir okay na nga po kami." Depensa ni Larkin at hindi sumagot si Callie which make it obvious na hindi pa sila okay.

"Okay,madali ako kausap, stay there." Tumayo si Sir Theo at pumasok sa office niya.

Tumingin ako kay Coach Russel at nagkibit-balikat lang din ito. "Hindi ko alam ang tumatakbong kagaguhan sa isip niyang si Theo." Pag-amin niya.

Bumalik si Sir Theo na may dalang posas. "B-Bakit ka may ganiyan?" Tanong ni Coach Russel.

"Para mag-ayos 'tong dalawang 'to." sabi ni Sir Theo at pinosas ang kanang kamay ni Larkin habang kaliwang kamay naman ang kay Callie. "Hangga't hindi ko nakikita na ayos na talaga kayo ay hindi ko tatanggalin ang pagkakaposas ninyong dalawa kahit abutin pa tayo hanggang bukas. Matulog kayo na magkatabi."

"Sir naman!" Akmang aapila si Larkin pero naglakad na ulit si Sir Theo papasok sa kaniyang office. Tumingin siya kay Callie. "Ito kasi, kung sinabi mong okay tayo e 'di hindi aabot sa ganitong punto. Bad trip."

"Naiihi ako." sabi ni Callie at naglakad papunta sa CR at nahahatak so Larkin.

"Luh gago!" Nagpupumiglas si Larkin. "Tangina mo tiisin mo! Hindi ako papasok diyan!"

Natatawa ko silang pinagmasdan. "Mag-aayos na 'yang dalawa na 'yan. I clearly remember na ganiyan din ang ginawa ng Coach namin noong nag-away kami ni Theo."

"Nagkasagutan po kayo ni Sir Theo?"

"Hmm. Normal lang naman 'yon sa isang grupo lalo na't nakatira kami sa iisang boothcamp. Kagaya lang namin kayo noon, iba-iba tayo ng personality at may mga panahong magbabangga ang mga ito pero magkakaayos din dahil isa lang ang goal sa kumpetisyon at iyon ang manalo sa tournament." Coach Russel explained. "Go back to your room to rest. Let's meet after dinner."

"Yes, Coach." Sabi ko sa kaniya at naglakad na paalis si Coach.

Natatawa kong pinagmasdan ang dalawa. "Putangina naririnig ko 'yong tunog ng ihi mo, kadiri!" Reklamo ni Larkin na nasa labas ng CR habang may awang ang pinto dahil nasa loob si Callie.

"Arte neto, 'di ka umiihi?" Ganti ni Larkin.

Maging sila Dion ay tawang-tawa sa dalawa dahil sa mga pagtatalo nila. Katulad na lamang na gustong mag-vape ni Larkin kung kaya napilitan sumama si Callie sa kaniya.

"Video-han ninyo." Natatawang sabi ni Robi.

"Subukan ninyo, dadagukan ko talaga kayo." Banta ni Larkin.

Nagkatinginan sila ni Callie at parehas nang natawa. "Tangina Larkin, ang pangit mo pala talaga sa malapitan." Asar ni Callie.

"May lugar ka na sa impyernong hambog ka." ganti ni Callie.

Tawang-tawa ako dahil hanggang pagkuha ng inumin sa fridge, pagkuha ng charger sa kuwarto ay magkasama silang dalawa. Well, the moment na natawa sila kanina ay alam kong okay na sila.

Hindi nila kailangan na confrontation na dalawa para pag-usapan ang naging away nila. Noong nawala na ang init ng ulo nila parehas, okay na, nagpansinan na ulit sila. Ganiyan din si Kuya London at Kuya Brooklyn, eh. Bigla-bigla na lang din nagpapansinan kapag hindi na sila galit sa isa't isa.

Kumain na kami and this time ay pork chop at lechong manok ang ulam. Tuwang-tuwa ang mga mokong noong makita ang nakahain. Sabi ni Sir Theo ay regalo niya raw ito sa amin dahil nakapasok kami sa semifinals.

"Sir tanggalin mo na ito, para makakain na kami." itinaas ni Callie ang kamay nila ni Larkin na nakaposas.

"Tangina naka-holding hands pa ang dalawang gago." Tawang-tawa na sabi ni Liu at maging ako ay natatawa sa sitwasyon nila.

Ngumiti si Sir Theo sa amin. "Tatanggalin na ba natin?"

"Ay huwag muna Coach, mukhang 'di pa sila okay." sabi ni Kaden.

"Kaya nga, Coach, may galit pa sa mata ni Larkin." Gatong ni Liu.

"Oo, Coach, bukas mo na tanggalin para sure na okay na talaga 'yang dalawa na 'yan." Sabi naman ni Dion.

"Putangina ninyo." sabi ni Larkin.

"Huwag muna daw, gawan ninyo ng paraan paano kayo makakakain." sabi ni Sir Theo.

"Buwisit naman. Callie abot mo nga 'yong sawsawan." Utos ni Larkin.

"Okay ka na?" Dion asked me.

"Oo, medyo nabawasan 'yong iniisip ko noong makita ko na okay na si Callie at Larkin." I explained to him.

""That's good to know." He smiled at nagtuloy na sa pagkain.

Dion never really forget to check me. Sinisigurado niya kung okay ako or nag-e-enjoy ako. Small things really do matter.

Habang kumakain kami ay tumayo si Sir Theo at may kinausap sa phone. Nasa pool area siya at napatingin lang kami sa kaniya.

Maya-maya ay pumasok na ulit si Sir Theo na seryoso ang mukha. "Guys," he shouted and it caught our attention.

"The commitee called," tumingin siya isa-isa sa amin. "Nagbigay na sila nang hatol kay Callie at Larkin. Hindi sila pinayagan na makalaro bukas at maging sa finals."

My smile immediately dropped. Napatingin ako sa dalawa at maging sila ay nalungkot sa ibinalit ni Sir Theo. Ilang buwan naming pinaghandaan ito, ilang beses naming pinangako tatlo na makakalaro kami hanggang grand finals pero dahil sa mga issue nila ay nawala ang lahat ng iyon.

Callie sighed at tumingin sa aming lahat. "Paano ba 'yan, hindi kayo mabubuhat ni Callie the great." He smiled. "Kaya ninyo 'yan, tiwala ako sa inyo. Lalo sa 'yo Milan."

Larkin also smiled. "Ipanalo ninyo kahit hindi kami makakalaro. Ipakita ninyo na hindi tayo Callie and friends."

Mukhang tanggap na nila Callie at Larkin na posibleng mangyari ito. "Ipapanalo ko. Para sa inyo." sagot ko sa kanila.

"That's our Captain!" Puri ni Larkin.

Pinost na rin sa Hunter Online page na hindi makakalaro sina Callie at Larkin na umani ng maraming reaksiyon mula sa publiko. May mga negative na deserved lang daw noong dalawa iyon, may nagsabi rin na matatalo na raw kami dahil wala nang bubuhat sa amin.

But I want to prove them na kaya namin.

Matapos noon ay pumasok kami nina Larkin, Callie, at Coach Russel sa meeting room upang pag-usapan ang magiging plano namin.

"Dion is our core, nandiyan naman si Kaden para maging tank sa kaniya, he's not rookie in his role at nakakalaro naman si Kaden sa malalaking kumpetisyon kung kaya't hindi mape-pressure 'yan." Paliwanag ni Callie sa amin.

"Ang pinoproblema ko ay ang key holder, hindi na puwedeng si Genesis ang maging key holder. Since we used him twice already, I am pretty sure na ta-target-in na siya ng ibang team." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.

"How about Robi?" Tanong ni Larkin. "Maganda ang laro ni Robi sa mga practice. Least expected na magiging key holder siya dahil hindi siya prime members ng Orient Crown."

"It's risky," naiiling na sabi ni Coach Russel. "Fighter si Robi, close combat siya kung kaya't kapag naipit siya sa clash ay possible na ma-eliminate siya."

"Hmm..." Callie think. "Let's trust Robi. Tama si Larkin, maganda ang laro niya these past practice. Puwede naman natin na ilapit sa location niya sina Genesis para mabilis siyang maba-back up-an kung sakaling maipit siya sa delikadong sitwasyon." Tumingin sa akin si Callie. "What do you think, Captain?"

"I will trust your judgment. Ilaban natin Coach. Let's make Robi as our key holder." Ilang segundo na tumahimik si Coach Russel at tumango-tango ito.

Habang nasa gitna kami nang pagpaplano ay biglang pumasok sa room si Liu. "Larkin!" napatigil siya noong makita niya na nasa seryosong pag-uusap kami. "Sorry Coach, pero kailangan makita ito ni Larkin."

Umupo si Liu sa bakanteng swivel chair at may pinakita sa phone niya kay Larkin. "Nag-post 'yong mga kapatid mo, they sided with you. Ikinuwento nila sa post nila na totoong nawawaldas ng Mama ninyo ang pera sa ibang bagay."

I grabbed my phone and view Liu's shared post sa facebook.

Aira (Larkin's younger sister):

Hindi ko na kaya makita na kung ano-ano ang sinasabi ninyo kay Larkin so this will be the first and my last post regarsing sa issue na kinakaharap ng pamilya namin. As much as possible, Kuya Larkin's want to fix this issue privately at hindi niya rin gustong makarating ito sa publiko... dahil ganito nga ang mangyayari.

Since our Mother do live without OUR permission ay hindi makakalaro si Kuya sa mga susunod na laban nila sa tournament. But I am here to tell you my side of the story, hindi ko hinihiling na paniwalaan ninyo ako dahil ito ang katotohanan.

Kuya Larkin never abandon us, he is the breadwinner of our family pero ni-isang reklamo pagdating sa pera ay wala akong narinig sa kaniya. It's true that our father is in hospital at hindi siya nagpapadala ng pera. Bakit? Because our Mom just waste the money to show-off with her friends. Panay ang gala sa mga mamahaling restaurant na maging ang iba niyang anak ay hindi niya maibili ng gamit para sa school.

Kuya Larkin send enough money. Pati ang pang-tuition ko ay ginastos rin ni Mama. Inutangan ko pa ang kaibigan ko ng pera para makapag-aral this sem na hindi rin alam ni kuya.

Mahaba ang post at may mga screenshot ito ng mga resibo kung saan-saang restaurant kumain ang mama niya. Madalas ang presyo ay 10k hanggang 16k sa isang meal dahil pati mga kaibigan nito ay inililibre niya.

Mabilis na na-share ang post na iyon at umani ng iba't ibang reaksiyon.

Also, may mga kapit-bahay at kaibigan si Larkin sa probinsya nila na um-agree sa post ng kapatid niya. They are all defending Larkin. "Oppa!" Natutuwa kong sabi sa kaniya.

"Sabi ko kay Aira huwag ng mag-post, eh." Naiiling na sabi ni Larkin. "Ayoko rin naman kasi magmukhang masamang ina si Mama dahil inalagaan niya naman talaga kami noong bata kami. Especially ako, hindi naman niya ako anak talaga. Okay lang din na ako 'yong ma-bash kaysa sila."

Napangiti ako. Gago man si Larkin pero malaki ang pagmamahal niya sa pamilya niya. "Pero thankful din ako kasi kahit papaano ay nalaman ng tao 'yong side ko. Napatunayan ko na mali ang akala nila sa akin na masama akong anak." Nakangiti niyang sabi.

Pumasok sa meeting room sina Dion at ang iba naming ka-team.

Ilang minuto lamang ay may post naman si Thaddeus.

Jin Thaddeus Soriano tagged you in a post

I clicked the notification at may post din si Thaddeus patungkol naman sa issue na kinakaharap ni Callie. Ginawa nga niya ang sinabi niya, he really find way na makuha ang CCTV footage noong nangyari sa Starbucks.

At mas ikinagulat ko pa dahil may footage din siya na kasama doon sa hallway noong second floor noong arena— sa CR kung saan ako ikinulong.

Kayo na ang humusga. Laxus Familia is targeting Orient Crown these past few days. They locked Milan in a restroom minutes before our match (you can see in the footage). Also, makikita ninyo man na si Callie ang unang nanuntok pero paniguradong may mga sinabi rin ang mga 'yan.

Dragging other team down dahil hindi lang nakapasok ang team ninyo sa Season four tournament? That's really disappointing act from a PROFESSIONAL Player.

"Wow, hindi ko alam na ipagtatanggol ako ng gagong 'yan." Naiiling na sabi ni Callie. "Pero 'yong CR? Bakit hindi namin alam ang tungkol doon Milan? Alam ba ng committee 'yan?"

"Hindi, si Thaddeus lang ang nakakaalam." Dion looked at me and his brows crunched. "Wala akong sinabihan sa inyo kasi ayokong masira ang laro ninyo that time, up until now, ayokong masira ang laro ninyo. Ang gusto ko sana ay ayusin na lang ang gulo pagkatapos ng tournament." Pag-amin ko. Feeling ko naman ay hindi masama ang naging rason kung bakit hindi ko ito sinabi agad.

Sa post ni Thaddeus na iyon ay umani ito ng maraming share at comment.

Ivan Peñero:
Nasa Starbucks ako that day at naririnig ko ang mga sinasabi ng Laxus Familia. Binabastos nito 'yong girlfriend ni Callie kaya siya pumatol. Kahit sino naman magagalit kapag ganoon!

Aiyen Aporbo:
Also in Starbs that day, laxus Familia really do trigger him that day! They are using females as a subject of dirty jokes? Professional player yarn? Callie just did the right thing that moment. Walang kasalanan si Callie!

A lot of people defended him. Napangiti ako. Kung may mga judgmental na tao sa gaming community, mayroon pa ring mga tao na willing sabihin ang totoo at linisin ang pangalan nilang dalawa.

Alexandro Ysmael Del Rosario (Sandro):
Ngayong nalabas ang katotohanan na walang kasalanan sina Callie at Larkin, let them play in the upcoming matches!
#LifttheSuspension

Jose Oliveros Pagdanganan III:
Let Callie and Larkin play! Gusto namin ng magandang durugan sa semifinals!
#LifttheSuspension

Jester Troy Tan (Choji):
I hope the commitee will void the suspension of Callie and Larkin. Kung totoo man 'yong issue, suspend them but ang daming proof na inosente sila. Let them play!
#LifttheSuspension

Kendrix Castro:
We want a good match in semis! Ang Laxus Familia ang dapat pinapatawan ng parusa sa mga ginawa nila!
#LifttheSuspension

Seeing different players from different team na tumitindig para sa dalawa ay napangiti ako. Magkakalaban man kami sa tournament ay hindi rin naman din nila kami hinahayaan na ma-agrabyado. They stand with us.

Kahit kami ay nag-post sa facebook pages namin patungkol dito. Kahit ang maraming members ng Black Dragon, Alternate, Battle Cry, at PhantomKnights, No Mercy Esports, Daredevils. Pati sina Hanz na shoutcaster at iba pang kilalang streamer kagaya nila Ianne ay nag-post din.

Pumasok si Sir Theo sa meeting room.

He smiled to us. "The commitee call a while ago. Nili-lift na ang suspension nila Callie at Larkin, makakalaro na sila bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top