Chapter 142: The Trouble and Issues

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes and comments are highly appreciated

"WALANG susunod sa amin ni Milan," bilin ni Sir Theo noong mapansin niyang sumusunod ang mga players ng Orient Crown sa amin. "Russel, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Aasikasuhin ko lang 'tong kagaguhan ni Callie."

Diretsong naglakad si Sir Theo, kahit ako ay ramdam ang inis niya habang humahabol sa mga hakbang niya. "Ano bang naisip nitong si Callie at nakipagsuntukan? Sa seaside pa! Ang dami-daming tao sa lugar na iyon, nakalimutan niya bang public figure siya?" Mahabang litana ni Sir Theo.

May ilang nagtangka na magpa-picture sa akin pero dire-diretso lang kami ni Sir theo. Hindi ko ugaling hindi mamansin ng mga fans pero iba ang tensyon ngayon. Nagpapatong-patong ang problema na kinakaharap namin.

Noong makarating kami sa seaside ay sumalubong sa amin si Aisha. She actually look worried. "Are you okay?" I asked and cupped her face.

"Sorry. Sinubukan kong pigilan si Callie. I really tried my best na huwag niya na kakong patulan pero masama kasi ang timpla niya dahil sa pag-aaway ni Larkin." Sumunod sa amin si Aisha. "Sorry. Sorry."

Pagkarating namin sa Starbucks ay ang daming tao na nakapalibot at mag ilang kumukuha ng video. "Nasaan si Callie?" Diretso at seryosong tanong ni Sir Theo sa isa sa mga barista.

"Nasa loob po. May nabasag po siyang mga baso dahil sa awa–"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya noong inabot ni Sir Theo ang business card niya. "May number diyan. Contact me and send me the exact damage and we will pay for it."

Nakasunod lang ako kay Sir Theo.

Big kuya sa amin si Sir Theo at ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Tipid lang ang binibitawan niyang mga salita ngunit ramdam mo 'yong inis niya.

Pagkapasok namin ay nakita namin si Callie na nakaupo sa isa sa mga couch, may sugat ang kaniyang pisngi at kita ang pamumula ng kaniyang mukha at braso dahil sa mga suntok na natamo.

"Anong pumasok sa kokote mo Calliber at nakipagbasagan ka ng mukha? Alam mong nasa gitna tayo ng tournament! Puro ka yabang na iuuwi mo ang kampionato? Kapag nakarating 'to sa committee ay baka masuspinde ka hanggang finals? Hindi ka ba nag-iisip?!" Mahabang sermon ni Sir Theo.

Hindi sumagot si Callie bagkus ay hinawakan niya lang ang sugat niya sa kaniyang pisngi, napapikit siya ng mata sa hapdi. "Hindi ka talaga magsasalita?" Tumingin si Sir Theo kay Aisha. Ramdam ko ang pagiging kabado ni Aisha dahil bigla siyang ayos ng tindig. "Mind to explain? Nawala ang yabang nito, eh."

"May nakasagutan siya dahil nabastos ako." Tiningnan ni Aisha ang kabilang banda na dalawang tao na kinakausap ng mga barista dahil sa mga damage sa coffee shop. "Sila naman talaga ang nanguna–"

"Aisha, huwag na. Okay na." Sabat ni Callie.

Napakunot ang noo ko, familiar silang dalawa sa akin– si Jayzam at Luigi. Dalawang member ng Laxus Familia.

Hinatak ni Sir Theo si Callie papatayo. "Tara na sa backstage."

"O-order muna ko, natapon 'yong kape ko." Sagot ni Callie at akmang pipila sa counter pero hinatak siya ni Coach papalabas sa Starbucks. Muntik pa nga siyang matumba pero mabuti at nakakapit siya sa glass window.

"Wala akong panahon makipag-pilosopohan sa 'yo, Callie. Maglakad ka papalabas."

"Damn it." Mura ni Callie at pagalit niyang inayos ang jacket niya. Lumabas na sila ni Sir Theo.

Akmang susunod kami ni Aisha. "Wait lang." Naglakad pabalik si Aisha patungo sa direksyon nila Jayzam at Luigi.

Nakatingin lang sila Jayzam kay Aisha. Kinuha ni Aisha ang Aqua flask niya sa bag at malakas na pinukpok sa ulo ni Jayzam. Nabigla ako sa ginawa ni Aisha at nadinig ko pa ang pag-ooh ng mga nagkakape rito.

Dali-dali kong kinuha si Aisha at inakay.

"Tangina mo. Wala kang karapatan na bastusin ako. Nagtimpi lang ako kanina dahil ayokong mapahamak si Callie. Pero tutal mapapahamak na din naman siya, putanginamo." She raised her middle finger at hinatak ko siya.

Hinagis ni Aisha ang aqua flask niya at si Luigi naman ang tinamaan sa ulo. "Tangina ninyo. Sa inyo na 'yan! Palibhasa mahirap ang team ninyo! Ang pangit na nga ng mukha ninyo ginawa ninyo pang personality mga animal kayo!"

"Aisha." Suway ko sa kaniya hanggang makalabas na kami. Maging siya ay hinatak ko na palabas.

She fixed her hair at malalim na nagbuntong hininga. "Okay, that felt good." She smiled.

"Sorry Milan, alam kong stress ka na sa sitwasyon ni Larkin. Sumabay pa ang gago." sabi ni Aisha sa akin at piniga ang kamay ko to make me feel better. "Dapat pala talaga hindi ko na kinita si Callie ngayong araw. Nagkanda-letse letse lang."

"Not your fault. Nagkaroon din nang pagtatalo silang dalawa ni Larkin kanina. Nagpapatong-patong lang. We should hurry dahil baka masigawan ni Sir Theo ng malala 'yong dalawa. I need to calm him down." Nagmamadali kami ni Aisha na bumalik sa backstage sa MOA arena.

***

"CAPTAIN, anong nangyayari? Pinalabas kaming lahat ni Sir Theo at sinabing maki-room muna sa ibang team." Bungad sa akin ni Noah.

"May issue lang na inaayos." Sagot ko kay Noah. "Make sure that you will watch the match between Daredevils and Black Dragon. Tingnan ninyo ang magiging laro nila, tatanungin ko kayo sa boothcamp mamaya kung ano ang mga napansin ninyo. Maliwanag ba?"

"Yes, Captain!" Noah answered.

Lumapit sa akin si Dion. His brows crunched noong makita niya na namamawis ako dahil sa nangyayari. "Are you okay?" He asked kinuha niya ang bench and bath niya at pinahid sa pawis ko.

Tiningnan ko si Dion, he looked so worried. May luhang namuo sa mata ko. "Umiiyak ka ba?" He asked.

"Napapagod na ako." I answered honestly at pinahid ang luha ko. "Ang dami ko nang iniisip. Ang daming dapat gawin na hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ni Larkin at Callie, 'yong match ng Black Dragon at Daredevils ay hindi ko rin mapapanood. May mga re-review-hin pa ako sa mga subject na hindi ko ma-gets—"

"Shhh." Dion cupped my face at pinahid ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "I can record the match if you want. Kung magre-review ka, sasamahan kita magpuyat." He hugged me, it's good thing dahil ayoko rin ipakita sa ibang members na umiiyak na ako sa sitwasyon dahil baka dumagdag lang din ito sa iniisip nila.

Gusto ko na maging ayos lang ang laro nila para bukas.

"I will be your safe space." Dion said and kissed my hair. "Problema lang 'to, maayos ni Larkin at Callie iyan." Yumuko si Dion para maging magkapantay kaming dalawa. He smiled. "I am proud of you. Always."

"Salamat." I answered. "Hoo! Hindi na ako iiyak, kaya ko 'to."

"That's my Captain." Dion said.

"Girl, sorry talaga." Aisha said at yumakap din sa akin. "Tangina lang kasi ni Callie, hindi nakapagtimpi. Dadagukan ko talaga 'to."

Kumatok ako sa pinto at si Coach Russel ang sumilip sa amin. He signalled us na puwede kaming pumasok ni Aisha. Akmang susunod sa amin si Noah. "Mamaya ka na." Coach Russel said to him.

"Pero 'yong tamagotchi ko Coach nandiyan sa loo—" bigla nang isinara ni Coach Russel ang pinto.

"Si Sir Theo po?" I asked Coach Russel.

"Kinakausap ng commitee. Apparently nakarating na sa kanila ang issue nitong dalawa. Mabilis na kumalat sa facebook ang video ni Callie na nakikipagbasagan ng bungo. Mukhang nakalimutan niya yata na kilala Esports player siya na may libo-libong followers." Sabi ni Coach Russel.

Nakaupo sa monoblocks si Larkin at Callie. Nasa magkabilang side sila ng room at ni-magtitigan ay hindi nila magawa. Ramdam ko ang tensyon sa silid na ito.

"Anong gagawin ninyong dalawa ngayon? Posible kayong masuspinde dahil sa mga action ninyo?" Tanong ni Coach Russel sa kanila. "Paano na 'yong trophy?"

Hindi nakasagot silang dalawa. 

Nabasag ang katahimikan noong hinampas ni Aisha ang sling bag niya kay Callie. "Masususpinde ka pa dahil sa kagagawan mo!"

Sinalag ni Callie ang mga hampas ni Aisha. "Hindi mo man lang ba ako kakalingain? Aray! Puro sugat ako, oh!"

"Puro sugat? Ilang beses kitang sinabihan na huwag mo nang patulan dahil walang magandang idudulot iyon. Nakinig ka ba sa akin?!" Sigaw ni Aisha.

"Kasalanan ko pa ngayon na ipinagtanggol kita? Great." Callie hissed.

"Hiniling ko ba na ipagtanggol mo ako? Alam mong utak munggo 'yong dalawang iyon ay pinatulan mo pa!" Reklamo ni Aisha.

"Sorry, ah, kung hindi ko natiis na kung ano-ano ang sinasabi nila sa 'yo. Sorry ipinagtanggol kita."

Natahimik si Aisha noong nakita ng seryoso ang mukha ni Callie. "Sige, magkampihan kayo! Kaaway ko na yata ang lahat ng nandito ngayon. Ako na ang masama. Ako na ang kontrabida. Ayan inako ko na, puwede bang tigilan ninyo na ang pagsesermon sa akin kasi naririndi na ako."

Bigla siyang binatukan ni Aisha. "Hoy Callie, huwag mo akong pinagtataasan ng boses. Pinigilan kita kanina dahil nag-aalala ako sa 'yo. You will face a bigger consequence at alam kong mataas ang pangarap mo para sa Orient Crown at sa sarili mo. Dahil sa pagpalag mo puwede mabalewala lahat iyon. Sinabi ko naman sa 'yo kaya kong tiisin huwag ka lang mapahamak."

Humalukipkip si Callie at hindi pinansin si Aisha.

The atmosphere here in this room tensed up. "Let's wait for Theo." Coach Russel said.

Tahimik ang buong room. Nanonood lang ako ng match ng Daredevils at Black Dragon sa phone ko.

"Once again! The Dragons proved that they are the strongest team in Hunter Online as they grabbed another win against Daredevils!"

"Talo ang Daredevils, nasa lower bracket na din sila." Sabi ni Coach Russel. "Makakatapat nila bukas ng umaga ang No Mercy Esports, if they win against NME, sila ang makakatapat natin sa hapon." Tiningnan ni Coach sina Larkin at Callie. "Anong gagawin ninyo ngayon? It's possible that we will have a rematch againsr Daredevils tomorrow."

Pumasok si Sir Theo sa kuwarto at may hawak siyang papel. Napatayo kami nila Aisha except sa dalawa. "Coach, anong sinabi ng Committee? Makakalaro ba sina Larkin at Callie?" Mabilis kong tanong.

Sir Theo sighed at tumingin kay Larkin at Callie. "Baka gusto ninyong lumapit para malaman ang hatol sa inyo?" Sir Theo said pero hindi kumibo ang dalawa. "Lalapit kayo o ingungudngod ko 'tong papel sa mga mukha ninyo?"

Mabilis nilang hinitak ang mga monoblocks nila papalapit kay Sir Theo. We are waiting for the judgment. "Ire-review ng Committee ang mga naging issue ninyo at bukas ng umaga nila sasabihin kung makakalaro kayo sa mga susunod na match o hindi. Ang puwede natin gawin ay malinis ang pangalan ninyo para makalaro kayo bukas."

Somehow ay nakakita ako ng pag-asa. I mean, they are our main members. Katulong ko rin sina Larkin at Callie sa pagpaplano kung kaya't ang sakit makita para sa akin na may ganitong klase silang hidwaan.

Ayoko na ang laban namin kanina against Rising Hunters ang maging huling laro nila for this season. They deserve to be in finals.

"Mag-ayos muna kayong dalawa. Pag-usapan ninyo ang naging issue ninyo bago tayo gumawa ng hakbang para mas maayos ang mas malaki ninyong gulo." Bilin ni Sir Theo sa dalawa. "Iwanan muna natin sila." Naglakad kami papalabas at iniwan ang dalawang magkaaway.

Sumandal ako sa pader at nagbuntong hininga. Grabe, emotionally and physically exhausted na ako sa dami ng nangyari.

Nakatulala lang ako sa pader. Nabigla ako noong may coke na humarang sa view ko— galing kay Aisha. "Inom ka muna." sabi niya at sumandal rin siya sa pader katabi ko.

Lumagok ako ng ilang beses and somehow, it's refreshing na parang kailangan ko rin talaga iyon. "Sa tingin mo, magkakaayos ang dalawang iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Definitely." Aisha said and smile. Napagaan noon ang loob ko kahit papaano. "Huwag lang sana masuspinde ang mga mokong."

"Sorry rin, Aisha, nabastos ka kanina."

Aisha rolled her eyes. "You don't need to say sorry. Hindi mo kasalanan na may mga manyak na ginagawa talaga tayong subject na mga babae para ma-boost 'yong ego nila. Sarap putulan ng mga tite."

I chuckled.

Tumingin si Aisha sa pader at ngumiti. "Callie will be mad kapag sinabi ko sa 'yo 'to pero sasabihin ko na rin kasi tangina niya binuwisit niya ako kanina."

Tumingin ako kay Aisha at tumingin din ito sa akin. "Totoo naman natiis ni Callie na huwag patulan 'yong mga mokong na Laxus Familia noong binabastos nila ako. Pero alam mo kung saan siya na-trigger? Noong nilait nila ang sitwasyon ni Larkin. Noong kung ano-ano na ang sinabi nila kay Larkin. Doon na naputol ang pisi niya at ibinato niya ang macchiato na iniinom niya sa kanila."

Tahimik lang akong nakikinig kay Aisha. "Kaya tiwala ako na magkakaayos 'yang dalawa na 'yan. Naalala ko pa 'yong sinabi ni Callie kanina kanila Jayzam na siya lang raw ang may karapatang manlait at mang-away kay Larkin."

Wow, I didn't expect na may ganitong protective side si Callie sa mga kaibigan niya.

"Alam ko na dinadaan ni Callie sa yabang kasi hindi niya alam kung paano niya ipapakita na concern siya talaga sa inyo. Gusto niyang huwag muna lumaro si Larkin dahil gusto niyang maka-focus ito sa kung paano maaayos ang family issue niya. Well isang factor na masisira ang laro ninyo pero concern talaga siya kay Larkin." Kuwento ni Aisha sa akin. "But don't tell Callie na sinabi ko sa 'yo ang tungkol diyan. Ide-deny niya lang 'yan dahil makakasira sa hambog image niya."

"Thank you, Aisha, buti na lang at nandito ka ngayong araw." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Aisha sweetly smile. "You are always my favorite girl, kahit noong nasa Battle Cry ka pa. Alam kong malayo ang mararating mo rito sa Hunter Online noon pa lang. And this issue," Tinapik niya ang balikat ko. "Isipin mo na lang na pagsubok lang 'to na kailangan mong lagpasan, tine-test lang nito kung suited ka for Captain position."

I just realized that my best girls came to the tournament to show support– si Ianne, Shannah, ar ngayon si Aisha. Hindi man sila magkakasama na pumunta pero sinuportahan nila ko in a different way. Babawi talaga ako sa tatlong ito pagkatapos na pagkatapos ng tournament.

"Saka magbabayad 'yang Laxus Familia na 'yan! Napaka-chaka talaga ng mga ugali. Kapag talaga na-suspend si Callie, tatlong aqua flask ang dadalhin ko at ipupukpok sa mga ulo mga gago." Yabang ni Aisha.

Sana talaga ay maayos ni Sir Theo ang gulong nagawa ni Callie. Ang bilin niya kasi sa akin ay hayaan ko na si Sir Theo ang umayos ng gulo at focus na lang daw ako sa match.

Kailangan kong mag-isip ng plano na magiging effective kung sakaling 'di makalaro ang dalawa. God, sa lahat ng tactics na nabuo ko these past few days ay kasama ang dalawang iyon.

Naglakad-lakad muna ako sa backstage para makapag-isip-isip. Pumunta ako sa fire exit para sana makapagpahinga pero nadatnan ko si Thaddeus na nagve-vape. Pinaypayan niya pa 'yong usok kasi akala niya raw staff ako. "Huwag mo akong isusumbong sa mga staff na nagve-vape ako dito." bilin niya.

Hindi ko siya sinagot at umupo sa isang baitang ng hagdan. "Bakit parang lumong-lumo ka diyan? Dahil sa issue ni Larkin?"

"Hindi lang nila Larkin, pati si Callie." I answered.

"Hmm, hindi ko alam na may issue rin si Callie, ah." Sagot niya sa akin. "Kalaban namin Black Dragon, hindi ako nakapag-check ng Social Media." he explained.

I sighed. "Napaaway sa Starbucks. Nakipagsuntukan sa members ng Laxus Familia."

"Hindi mo ba ramdam na tina-target kayo ng Laxus Familia?" Tanong ni Thaddeus sa akin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang daming nangyayari. Sobrang clouded na ng isip ko, mentally and physically drain na ako, tapos namomroblema pa ako na baka hindi makalaro ang dalawa." Paliwanag ko sa kaniya. Tumingin ako kay Thaddeus at pagod na ngumiti. "Sorry, tuwing namomroblema ako ay sa 'yo ko nasasabi. Nawala sa isip ko na talo nga pala kayo at baka wala ka sa mood na mapasahan ng negative energy. Sorry."

Pumangalumbaba ako sa tuhod ko. Humigop si Thaddeus sa vape niya at nagbuga ng usok. Mabilis niya itong pinaypayan para hindi makarating sa akin.

"Posibleng magkatapat tayo bukas sa lower bracket kung sakaling manalo kami sa NME." sabi niya.

"Hmm." Sagot ko. "At posibleng hindi makalaro ang dalawang members namin. Congrats, possible na makapasok kayo sa top 3." I weakly smile.

His brows crunched. "Akala ko ba ay bibigyan ninyo kami ng magandang laban?"

Hindi ako sumagot. Ni-makipag-usap sa ibang tao ay pagod na rin ako.

Gusto kong umuwi ng Bulacan tapos yakapin sina Mom and Dad habang umiiyak.

"Kaibigan ko 'yong barista sa Starbucks. Sa seaside tama ba?" He asked at tumingin ako sa kaniya. "Puwede ko mahingi ang kopya noong CCTV footage, baka sakaling makatulong na ma-prove ang pagkainosente ni Callie."

"You would do that?" I asked. "Bakit mo naman gagawin iyon? Advantage sa inyo na hindi makakalaro sina Callie at Larkin."

"Isipin mong nasa karera tayo, matutuwa ba akong manalo sa race kapag nalaman kong injury ang kalaban ko sa takbuhan?" He asked. "Kung mananalo ako, gusto kong manalo ng patas."

Tumayo si Thaddeus at kinuha ang cellphone niya. "Hello Marc, yup this is Thad. You are still working sa Starbs sa seaside?" Tanong niya. Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi ni Thaddeus dahil lumabas na siya ng fire exit.

Ilang minuto pa akong nag-stay bago tuluyang lumabas. Pagkapunta ko sa backstage ay nakita ko si Dion na kausap ang ibang team. As soon as he saw me ay lumapit ito sa akin. "Kanina pa kita hinahanap. Pinagtanong-tanong kita sa ibang team."

"Nasa fire exit ako." Itinuro ko 'yong exact door papasok sa fire exit. "Kapag gusto ko nang katahimikan nandoon lang ako. Kapag hindi mo ako mahanap ay nandoon lang ako." I answered honestly.

Dion look worried. "Drain na drain ka na." sabi niya habang tinitingnan ang ekspresyon ko.

"Hmm." I agreed dahil totoo naman. Nagpapatong-patong ang iniisip ko. Ang problema ng isang member ng Orient Crown ay problema ko rin. "Kapag natapos talaga 'tong tournament ay deserve ko ng inner peace."

"Sinubukan kong contact-in ang mga kapatid ni Larkin," kuwento ni Dion. "Apparently ay alam nilang nagsinungaling ang Mama nila sa live at alam nilang hindi sila pinabayaan ni Larkin."

"You talked to them?"

Dion nodded. "Through phone. Nagbaka-sakali lang ako na baka may magawa sila para hindi ma-suspend si Larkin. Ang sabi nila, titingnan daw nila ang magagawa nila,may tiyansang makalaro si Larkin sa semi-finals. Huwag kang mawalan ng pag-asa—"

I hugged Dion. "Thank you." Iyon lang ang nasabi ko kasi tinutulungan niya ako sa mga problema.

"We will resolve this." He assured me. "Makakalaro sina Larkin at Callie. Sama-sama tayong aakyat sa stage."

I am really thankful na nandito si Dion dahil grabe 'yong emotional support na naibibigay niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top