Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter

Twitter hashtag: #HunterOnline or mention me @reynald_20


NAKAPILA na kami at hinihintay tawagin sa stage. Actually kinakabahan ako para kay Larkin dahil hindi ko alam ang magiging laro niya ngayong araw. I am pretty sure na nabasa niya na ang ilang article/post regarding sa ginawang pagla-live ng Mama niya.

"Alam mo 'tong tungkol kay Larkin?" Tanong ni Dion na nasa tabi ko, nakatingin lang din siya sa emcee.

"Hmm." I agreed. "Kagabi lang din, ipinaliwanag ni Larkin sa akin."

Tumingin ako kay Dion. "You know that hindi ko siya gustong itago sa 'y—"

"Hindi mo siya gustong itago sa akin dahil hindi mo siya issue." Tumingin si Dion sa akin at ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko. "Alam ko na 'yan, hindi ka rin naman nagtatago ng sikreto sa akin."

Hindi ako agad naka-react dahil hindi ko rin sinasabi pa sa kaniya ang patungkol sa ginawa sa akin ng ilang members ng Laxus Familia. They tried to sabotage me na hindi makalaro noong nakaraan. Pero wala naman din akong balak na patagalin iyon dahil ayokong maging red flag pagdating sa relasyon.

I will tell Dion about it pagkatapos na pagkatapos nitong tournament.

"Ungrateful son ka pala d're, eh." Natatawang sabi ni Callie habang binibiro si Larkin sa likod. "Congrats naman, trending ka na naman sa Twitter."

"Baliw." Sagot lang ni Larkin upang hindi mapahaba ang diskusyon.

"Callie, stop, hindi lahat ng sitwasyon ay gagawin mong biro." Suway ko sa kaniya. "Focus on the match."

"May napanood akong clip ng Nanay mo kanina sa room, talake–"

Hindi na natapos ni Callie ang sasabihin niya noong bigla siyang itulak ni Larkin dahilan para mapadausdos ito sa sahig. Some staff look into our direction. Nakita rin nila Coach ang nangyari pero hindi sila makalapit dahil bawal na lapitan ang mga players kapag naka-standby na.

"Kaya kong sakyan 'yang kayabangan mo pero wala kang karapatan magsalita sa issue sa pamilya ko." Maangas na sabi ni Larkin at mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Wew," pinagpag ni Callie ang kamay niya bago tumayo. "Chill ka lang, nagbibiro lang ako. I am just trying na mawala ang kaba mo at maging relax ka."

"Thank you for your good intention pero hindi iyon ang kailangan ni Larkin ngayon." Paliwanag ko sa kaniya at natahimik ang lahat. Malakas man ang sigaw noong emcee at patugtog sa arena ngunit nagkakarinigan pa rin kami. "Attacking somebody's problem will never be funny."

Natahimik si Callie. "Sorry." Sabi niya.

Hindi siya pinansin ni Larkin at tumingin na sa stage.

Naipakilala na ang Rising Hunter sa stage. Ngayon ay ilang segundo na lang ay aakyat na kami para sa laban namin. "Focus on the match, everyone." sabi ko.

"Ngayon naman, muling aakyat sa stage natin ang mga royals na patuloy tayong sinusurpresa sa kanilang mga plano. Mag-ingay tayong lahat para sa Orient Crown as rhey enter our stage!" Malakas na sigaw ni Hanz, bumuntong hininga ako para mawala ang kaba ko at nakangiting umakyat sa stage.

Sa pag-akyat ko ay maririnig mo ang pag-boo ng ilang mga nanonood sa audience, may mga nag-thumbs down din noong ipinakita sa LED TV si Larkin. Of course, may ilan sa kanila na nakabasa ng issue, mabilis talaga kumakalat ang tsismis dito sa gaming community.

"Okay, huwag na nating patagalin ang labang ito! We all waited for this, the match between Orient Crown and Rising Hunter will start now!" Malakas na sigaw ni Hanz at kaniya-kaniya kaming puwesto sa mga inclining chair namin.

Nag-fist bump kami ni Dion at ngumiti ito sa akin. "Good luck, best Captain."

"Good luck best tan– oh core ka na nga pala." Bahagya kaming natawa. "Good luck best core in the making."

Tumingin ako kay Larkin at nag-thumbs up ako to ask if he is okay pero ang mokong ay kumindat lang sa akin at ngumiti. Buwisit na oppa talaga.

I wear my nerve gear at umayos nang higa sa inclining chair. Now, our match against Rising Hunter will start.

ILANG minuto na nagsimula ang laban at marami na ring na-eliminate sa match. Magkakasama kami nila Vegas (Callie) at Rufus (Dion) na nag-iikot sa mapa. In this way, iisipin ng mga kalaban na isa sa amin ang key holder at malayang makapag-iikot si Knightmare (Noah) at Skorpion (Genesis) para makapitas ng mga kalaban.

Ang map namin sa match na ito ay isang city area na kung saan maraming building at establisyimento ang nakatayo. We need to be careful as we roam around dahil baka may mga surprise attack na biglang mangyari na inihanda ng Rising Hunter.

"Rufus, 2'o clock. fifth floor." sabi ni Vegas habang tumatakbo kami, napatingin kami sa building na tinutukoy niya at may dalawang member nga ng Rising Hunter ang nakaantabay na sa tingin ko ay marksman at mage ng kabilang team.

Okay cool, parehas mababa ang depensa.

"Puwede akong maghagis ng smoke bomb para matakpan ang dadaanan natin at hindi nila tayo masundan ng tingin." Bilin ko sa kanila.

"Okay do it." sabi ni Vegas at kinuha ko sa inventory ang dalawang smoke gas. Kapag ginamit kasi ang smoke gas ay mababalutan ng makapal na usok ang paligid ng ilang segundo. In that way, makakaposisyon kami para gumawa ng pag-atake sa dalawang member ng Rising Hunter

Mabilis kaming tumatakbo nila Rufus paakyat sa kalapit na building. Napatigil kami sa pagtakbo noong mapahinto si Vegas at nakatanaw lang siya sa building.

"Vegas, bilisan mo, limitado lang ang oras noong smoke bomb." Bilin ko sa kaniya.

"Is that Nodaichi (Larkin)?" Tanong ni Vegas at maging kaming dalawa ni Rufus ay napatigil sa pagtakbo. Kitang-kita namin na tumatakbo siya sa fourth floor at paakyat sa fifth floor kung nasaang ang dalawang members ng Rising Hunter. "Oh fuck, he will ruin the plan. Captain, sabihan mo siya na huwag umakyat, may plano kamo tayo. Gagalaw sa posisyon 'yang mga kalaban na 'yan kapag nakita nila si Nodaichi."

Mabilis kaming tumatakbo sa mas mataas na palapag at in-inform ko si Nodaichi tungkol sa plano namin.

[Orient Crown] Shinobi: Larkin, back ka. We are targetting those two enemies. Huwag kang magpakita para 'di sila umalis sa posisyon nila.

Mula sa glass wall ay nakita kong tuloy-tuloy pa rin si Nodaichi sa pag-akyat.

[Orient Crown] Shinobi: Nodaichi. Back.

"Hays sagabal." Tumakbo si Vegas papaakyat at pumosisyon. "Hintayin mong gumawa nang pag-atake si Nodaichi bago ka magpaputok ng baril." Vegas informed Rufus.

"Noted." Sagot ni Rufus sa kaniya.

"Shinobi, buff his attack para mas masakit kapag nag-crutical damage." Mabilis na utos ni Vegas sa amin. "Ito ang mangyayari kapag pinalaro mo ang taong may problema. Hindi alam ang ginagawa."

"Vegas, intindihin mo rin si Larkin." Sagot ko sa kaniya.

"Kung may mabigat kayong problema, huwag ninyong dinadala sa laro." He observed as Nodaichi make his way in fifth floor at nakita naman siya agad ng mga kalaban. "Nandito ako sa Season four tournament para manalo. Hindi para makisimpatya sa mga problema ninyo."

Callie is still Callie. Ang lagi niyang focus ay manalo sa mga laban. Ayaw na ayaw niyang nasisira ang mga plnong binubuo namin.

Pinagmasdan namin si Nodaichi na makipaglaban sa dalawang members ng Rising Hunter. "Rufus, patamaan mo 'yong mage nila. It's dealing a massive damage to Nodaichi." Utos ni Vegas.

Mabilis itong ginawa ni Rufus. I played the violin to buff Rufus' attack. He aimed for the mage and luckily at tumama ito sa hita nito dahilan para mawalan ito ng balanse sa pagtayo. Nagkaroon ng opportunity si Nodaichi na magamit ang skill niya rito.

Pinaulanan din ito ng bala ni Rufus to make sure na mae-eliminate niya ito sa laban.

[Rising Hunter] Boss was eliminated by [Orient Crown] Nodaichi!

Okay, that's great, hanga rin ako kay Callie dahil mabilis siyang nakaisip sa kung paano namin maisasalba ang nasira naming plano. The marksman member of Rising Hunter tried to escape. "Patamaan mo 'yong binti ng kalaban." Utos ko kay Rufus at mabilis siyang pumosisyon para gamitin ang skill niya.

His first attempt was failed. "Okay, isa pa. Hingang malalim and focus." Bilin ko kay Rufus.

In his second attempt, he successfully hit the enemy's leg at nawalan ito ng balanse. Nakatanaw lang kami kay Nodaichi noong maabutan niya ito and he successfully eliminated the marksman.

[Rising Hunter]  Moshino was eliminated by [Orient Crown] Nodaichi!

"Okay, nice one." sabi ni Vegas at tumakbo na kami pababa. "We should not waste a time, kailangan natin mahanap ang ibang members ng Rising Hunter."

[Orient Crown] Skorpion: Captain, I think I know who is their keyholder. Am I allow to attack the enemy?

[Orient Crown] Shinobi: madami ba sila?

[Orient Crown] Skorpion: Mga tatlo.

[Orient Crown] Knightmare: Payagan mo na, Captain! Kasama ako ni Skorpion. Protektahan ko siya.

[Orient Crown] Maliupet: malapit din ako sa area ng dalawang ungas, maba-backup-an ko sila.

[Orient Crown] Shinobi: okay, you have my permission. Pero kapag naging delikado ang sitwasyon, itakas ninyo si Skorpion kahit pa ma-eliminate kayong dalawa sa laro, okay?

[Orient Crown] Knightmare: noted, Captain!

"ORIENT Crown just won against Rising Hunter at pinatunayan nga ng Royals ng Hunter Online na mapapababa ninyo sila sa lower bracket pero hindi sila magpapatalo sa kanilang mga kalaban! They will advance in our semi-finals, congratulation!" Hanz announced as we removed our Nerve gear.

Nakipag-apir ako sa mga ka-team ko at pumaikot kami. "Nice game, team, be bold."

"Gold!" They shouted at pumalakpak kami sa tuwa. It was an intense match.

Choosing Genesis as our key holder will never be a wrong choice dahil magaling naman talaga siya at alam niya ang dapat gawin. Nakatulong din na maganda ang koneksiyon niya kay Noah dahil alam nila ang gagawin nila pagdating sa mga matches.

Nag-bow kami sa mga audience at kinamayan namin ang Rising Hunter. Pagkababa namin sa stage ay sinalubong kami ni Sir Theo at Coach Russel. "Congratulation pasok na kayo sa top 4 teams ng competition."

Iba pala 'yong saya lalo na't ramdam na namin na malapit na kami sa tagumpay na inaasam namin.

Sumeryoso ang mukha ni Coach noong mapalapit siya kay Larkin. "Kailangan mong maayos 'yong issue mo against your Mom, kung hindi mo siya maaayos ay baka hindi ka makalaro bukas."

"Yes, Coach, ko-contact-in ko na sila sa bahay." Nakangiting sabi ni Larkin. Oppa is always the funny guy at kahit pa hindi niya ipinapakita na mabigat ang issue na dinadala niya ay ramdam ko na masakit din sa kaniya ang nangyayari ngayon.

Noong makarating kami sa room namin ay chineck ko ang messages ko at puro congratulation ang natanggap ko galing sa mga kaibigan ko. Nagbasa rin ako ng ilang tweets and God grabe 'yong mga sinasabi nila kay Larkin.

Nakakatakot talaga na platform ang twitter, parang ang dali-daling mag-cancel ng tao para sa kanila.

Naputol ang pagbabasa ko noong narinig kong nagtatalo na naman si Larkin at Callie. "Bakit hindi mo tanggapin na error mo 'yon? Mas mabuti na huwag ka munang lumaro bukas kung ganyan ang ipapakita mong laro. Ipapatalo mo lang ang buong team!"

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Liu.

"Nagsasagutan na naman sila." Sagot ni Liu sa akin.

"Ilabas ninyo 'yong young members ng Orient Crown, maaapektuhan ang laro nila sa hidwaan ng mga tao." Utos ko kay Dion at Liu na mabilis naman nilang sinunod.

"Oo nga, error ko 'yon! Sinabi ko bang hindi ako mali? Pero natalo ba? Hindi. I successfully executed eliminated those two! Ano pang ipinuputok ng butchi mo riyan?" Ganti ni Larkin at pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Ano ba! Tumigil na kayong dalawa! Hindi na natapos 'yang awayan ninyo." Palipat-lipat ang masama kong tingin sa kanilang dalawa.

Larkin hissed at naiiling na tumingin sa akin. "Pagsabihan mo 'yang si Callie na puro yabang lang ang alam. Kaninang umaga niya pa ako inaatake. Akala mo naman kung sinong perpekto!"

"Oh talaga namang perpekto ako!" Ganti ni Callie sa kaniya. "Kailan ba ako nagkamali? 'Yong kaninang umaga nag-sorry na ako no'n pero 'yong ngayon sinasabi ko lang na huwag ka munang lumaro hangga't hindi ayos 'yang issue mo. Naaapektuhan mo ang buong team, inis ang publiko sa 'yo, naaapektuhan ang morale ng buong team!"

"Dami mo pang sinabi, ang sabihin mo ayaw mo lang akong lumaro dahil baka masira ko na naman ang perpektong plano mo."

"Talaga!" Callie shouted.

Itinulak ko sila sa magkabilang sulok. "Hindi ba kayo titigil? Ano ba! Naturingan kayong dalawa na utak at puso ng Orient Crown tapos nag-aaway kayo sa simpleng error lang kanina?"

"Simpleng error? Milan, kung mauulit iyon ay laglag na tayo! Sino ang makakatapat natin next game? Black Dragon? Phantom Knights? Daredevils ulit? Hindi na puwede ang simpleng error sa ganitong klaseng sitwasyon!" Umupo si Callie sa bakanteng monoblocks at padabog na hinagis ang jacket niya sa katabing lamesa.

"Ano bang gagawin ko? Aayusin ko na nga ang gulo ko 'di ba? Ikaw lang 'tong nampupuna ng mali ko kanina." sagot ni Larkin sa kaniya.

"Kapuna-puna naman talaga. Ikaw lang 'tong hindi makatanggap na nagkamali ka kanina. Kung inamin mong error mo at hindi na mauulit e 'di tapos ang usapan." Sagot ni Callie.

"Seriously? Ngayon pa kayo mag-aaway ngayong nasa delikado tayong sitwasyon ng kompetisyon?" Tanong ko at nag-iwas lang sila ng tingin. "Role model kayo nila Noah tapos nakikita nila kayong nagtatalo sa ganyang bagay? Anong mararamdaman ng mga bata?"

Kinuha ulit ni Callie ang jacket niya at tumayo. "Oh saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Lalabas. Bibiling kape at kikitain si Aisha. Ayoko muna kayong kausap lahat, baka kung ano lang ang masabi ko." Naglakad na siya palabas at padabog na isinara ang pinto.

Tumingin ako kay Larkin at pagod itong umupo sa monoblock. "Sorry, pressure lang din si Callie. Lalo ngayon, nasa kaniya na naman ang atensiyon ng mga international team kung kaya't gusto niyang manalo sa tournament."

"I get it." Naiiling na sabi ni Larkin. "Error ko naman din talaga 'yong kanina. Hindi ko lang nagustuhan kung paano niya sinabi sa akin iyon. Nagpapatong-patong lang 'yong iniisip ko. Sorry."

Alam kong maraming iniisip si Larkin pero baka tama din si Callie na baka mag-underperform ito bukas sa dami ng iniisip niya. At the end of the day ay kailangan namin isipin ang buong team pa rin.

Hindi ko naman din masabi iyon kay Larkin. I don't want to hurt his feelings.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pumasok si Coach at Sir Theo at tinanong kung ano ang nangyaring gulo. Ayon, ipinaliwanag ko na nagkasagutan si Larkin at Callie. Lumabas muna din si Callie para magkape.

"Liu, tawagin mo si Callie. Pabalikin mo dito, aayusin natin 'yong gulo sa dalawang 'to." Seryosong sabi ni Sir Theo.

"Ayon nautusan pa nga." Narinig kong reklamo ni Liu.

"Anong sinabi mo?" Kunot-noong tanong ni Sir.

"Eto na po. Isasama ko po si Noah," hinatak niya bigla si Noah papaalis.

Maya-maya lamang ay may natanggap akong text mula kay Choji.

From: Choji (Black Dragon)

Hey pumunta  ka rito ngayon sa Starbucks sa seaside. Napaaway si Callie.

"Oh God ano ba 'to?" Reklamo ko at mabilis kong isinuot ang jacket ko. "Sir, si Callie napaaway."

Nagulat si Sir Theo sa sinabi ko at nagmamadaling lumabas ng room namin.

Ano bang tumatakbo sa mga isip ng mga 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top