Chapter 140: Ungrateful Son

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

HINAYAAN namin mag-usap sa labas sina Sir Theo kasama ang sina Larkin at kaniyang Mama. Minsan ay pasulyap-sulyap si Liu at Noah na talaga namang pambansang tsismoso sa Boothcamp. "Kumain na kayo, may meeting pa tayo mamaya." Paalala ko sa kanila at doon lang nabalik ang atensiyon nila sa pagkain.

"Uso ba suguran ng Nanay ngayon? Noong una ay si Genesis tapos sumunod naman itong kay Larkin. Ite-text ko nga Nanay ko na sumugod dito, makikiuso ako." Natatawang sabi ni Liu.

"Nasa China magulang mo." Sagot ni Callie sa kaniya na kasalukuyang nagbabalat ng mansanas. Infairness kay Callie, walang kaarte-arte sa pagkain at healthy life style pa. Hindi katulad noong isa diyan, late na nga bumabangon ay wala pang exercise sa umaga na itago na lang natin sa pangalang Dion.

"Ay oo nga pala, mag-isa nga lang pala ako sa Pinas." Umakto pa si Liu na dumukdok na parang nalulungkot. Siraulo talaga.

"Pero ano kayang problema ni Larkin? Kita ko 'yong galit sa Nanay niya, eh." Dion said.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan silang magkuwentuhan patungkol sa mga hula nila. Noong matapos akong kumain ay kasabay din nitong pumasok sina Coach sa loob ng Boothcamp. Lahat kami ay napatingin sa kanila. Mukhang umalis na rin ang magulang ni Larkin.

"Milan, sumama ka sa amin sa meeting room," sabi ni Sir Theo, mabilis akong tumayo at sumunod sa kanila. Sana lang ay hindi magaya si Larkin sa nangyari kay Genesis noon na kung saan ay pinauwi siya sa kanila at hindi nakalaro sa match.

"Mas mukhang tensyonado ka pa kaysa sa akin." Larkin chuckled at umupo sa swivel chair.

"Hindi naman din kasi susugod ang Mama mo rito kung wala kang ginawang kalokohan." Umupo ako sa kaniyang tabi at kaharap namin si Sir Theo.

"Makakalaro po ba si Larkin bukas?" Iyon ang una kong tinanong dahil malaki ang papel ni Larkin sa mangyayaring match bukas. He is one of the main member of Orient Crown kung kaya't malaki ang magiging adjustment sa plano kung hindi siya makakalaro.

"That's the reason why we invited you here kung ano ang opinyon mo at dapat bang lumaro si Larkin bukas." My brows crunched at tumingin kay Larkin. "Apparently, the reason why Larkin's mom went here ay dahil hindi siya nagpapadala ng pera at nasa ospital ang Papa niya. Hindi rin daw nagre-reply si Larkin sa mga chat at text nito sa kaniya."

Bakit ba common issue sa mga Esports players ang money issue?

"Nagbanta ang Mama niya na kung sakali na hindi magpapadala ng pera si Larkin ay ikakalat niya sa Social media ang tungkol dito. Nagbanta rin ito na kukuhanin niya si Larkin at ipapatanggal sa team." Napahilot ako sa sentido ko sa laki ng problema.

Bakit ba naging resort na ng mga tao na i-post Social Media ang mga family issues nila?

"Lalaro ako Coach, hindi rin naman ako puwedeng basta-basta ipatanggal ni Mama. Hindi naman na ako minor na kailangan pa ng consent ng magulang sa kung ano ang dapat gawin." Paliwanag ni Larkin.

"Paano kung tutuhanin ng Mama mo na i-post sa Social media ang tungkol sa issue ninyo? It will affect our team's reputation and morale. Nasa gitna tayo ng match." Sir Theo explained.

I sighed. "Larkin, can you explain it further para mas maunawaan namin ang sitwasyon at makapagbigay kami ng maayos na judgment kung makakalaro ka bukas?" I asked him.

Tiningnan ako ni Larkin. I raised my right arm. "I promise na kung ano ang mapag-uusapan natin dito sa meeting room ay mananatiling sa atin nila Sir Theo. And I promise you, no judgment."

Ilang segundong natahimik si Larkin at mukhang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ang tungkol dito.

Isa si Larkin sa mga players na nasasandalan ng mga tao sa boothcamp. He really took good care sa mga nakababatang members namin dito sa Orient Crown. Especially kapag wala ako (due academic reason) ay si Larkin ang nagbabantay sa mga mokong na 'yan.

Maloko man si Larkin ay hindi siya nag-open ng kahit anong issue niya sa buhay or humingi ng advice sa amin.

I smiled to him and hold his hand. "You can trust me."

Larkin sighed at nawala na ang ngiti sa kaniyang mukha. "Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka, baliw," he chuckled. "Pero ayoko sanang i-involve ang ibang tao sa problemang pangpamilya namin pero dahil maaapektuhan ang paglalaro ko at para hindi na rin kayo mag-alala ay sasabihin ko na."

"Well, she didn't lie when she said that I stopped sending money. Pati na rin na nasa ospital ang Papa ko, totoo naman din 'yon." Kuwento niya. "I mean simula naman noong kumikita na ako ng pera na pumasok ako sa Esports ay aware naman ako na kargo ko na ang pamilya ko. Ako ang nagbabayad ng kuryente, tubig, internet, grocery, maintenance ni Papa ako rin ang nagbabayad." He opened up.

Tahimik lang akong nakikinig kay Larkin. "Hindi rin naman ako nagrereklamo, tinanggap ko na 'yon kasi breadwinner ako. Ako ang may pinakamalaking kinikita sa pamilya namin. Kahit mga kailangan sa school ng mga kapatid ko ay ako rin ang sumasagot... kahit hindi ko naman sila totoong kapatid."

My brows crunched.

"Hindi ako ampon." Natatawa niyang sabi. "Step Mom ko 'yong pumunta kanina. Patay na ang Mama ko at anak ako ni Papa kay Mama."

"Pero bakit ka tumigil sa pagpapadala?" I asked.

"Hmm... sa totoo lang walang kaso sa akin ang pera. Pinaka ayokong nagiging away ang pera dahil kung tutuusin ay kikitain din naman ulit 'yan. Ayokong nagiging issue ang pera kung kaya't bigay lang din ako nang bigay." Mahabang litana ni Larkin. "Pero kasi..."

"Kapag nalaman mo na hindi napupunta 'yong budget sa dapat nilang papuntahan, nakakadismaya. Nakakapagod. Nakakaubos." Yumuko na si Larkin na parang ayaw na niyang makita ang magiging ekspresiyon namin sa mga kinukuwento niya. "Nitong nakaraang dalawang buwan ay madalas nanghihingi ng pera sa akin si Mama, na bigay lang din naman ako nang bigay dahil sabi ay para sa maintenance ni Papa, saka nagpasukan 'yong mga kapatid ko kaya kailangan maglabas ng pera... pero hindi naman doon napunta."

As I listen to Larkin's story ay hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya. Ang dami niya palang iniisip these past few days pero hindi niya ipinakita sa amin ang mga personal struggle niya.

"Like I said walang kaso sa akin ang pera pero isang kaibigan ko ang nagkuwento sa akin tungkol sa ginagawa ni Mama. Madalas niyang ilibre ang mga kaibigan niya sa mga restaurant na siyang budget namin dapat para sa grocery, puro utang din pala siya, 'yong mga gamit na dapat bibilihin sa mga kapatid ko ay hindi naman nabili dahil nakita ko sa mga picture na gamit pa nila last year 'yong mga ginagamit nila ngayon." Hindi ko alam ang ire-react ko, hearing this story... make my heart ache, hindi naman din pinupulot ni Larkin ang mga pera na ipinapadala niya.

"Nalaman ko rin na lulong sa sugal si Mama. At ang trigger point ko kung kaya't napagod ako, siya ang rason kung bakit nasa ospital ngayon. Kulang-kulang ang gamot na binibili niya para sa maintenance ni Papa. Pati maintenance ng may sakit na pera ay ginagalaw niya ang budget para sa sugal!" He clenched his fist.

"Hindi ninyo rin ako masisisi kung bakit itinigil kong magpadala ng pera. Ang sabi ko na lang sa sarili ko ay pagkatapos nitong Season 4 tournament ay aasikasuhin ko lahat. Nakausap ko rin ang doctor ni Papa at pumayag na i-settle ko na lang lahat ng gastusin pagbalik ko nang probinsya. Nakakapagod dahil hindi naman nila nakikita ang ginagawa ko rito sa Maynila, 'yong mga nakikita nilang gala ko sa Social Media ay madalas libre lang din naman ng mga kaibigan ko."

Naintindihan ko na si Larkin, naintindihan ko ang pinanghuhugutan niya. "Kaya gusto kong lumaro Coach, ayokong masira 'yong mga pinaghirapan natin. Nasa lower bracket na tayo, kailangan ako ng team."

"Paano kung i-post nga ng mama mo sa social media ang issue ninyo sa pamilya ninyo? Possible na maka-receive ka ng criticism bukas o maapektuhan ang laro mo." Sir Theo explained.

"Kakausapin ko na lang din si Mama ngayon." Nag-angat na siya nang tingin sa amin. "Lalaro ako."

Nagkatinginan kami ni Sir Theo at tumango sa isa't isa. Nakapagdesisyon na si Larkin at sino kami para pigilan siya?

"Okay, if it's your decision." Ngumiti na muli si Larkin. "Milan, tawagin mo na 'yong iba. We will start pur meeting against Rising Hunter."

Tumayo na ako. "Milan." Tumingin ako kay Larkin. "Huwag mong sasabihin 'to kahit kanino sa team. I don't want to stress them with my life issues anymore. Tingnan mo nga, na-stress ka sa sitwasyon ko." Natatawa niyang sabi.

"Baliw."

I called our team mates at pumasok na sila sa meeting room nangungunang pumasok si Liu na siyang naging pinaka-close ni Larkin dito sa Boothcamp. "Ano? Susunduin ka na rin ba ng Nanay mo rito? Kung makasabi ka ng crazy mother kay Genesis, ikaw din pala may Crazy mother." Sabi ni Liu.

"Atleast ako may Nanay." Ganti ni Larkin sa kaniya.

"Tanginamo. May nanay din ako, nasa China nga lang."

"Shhh, let us focus for our match tomorrow. Hindi na biro ang sitwasyon natin. One more lose at 'yong pangarap ninyong mag-champion ay maglalaho na." Paalala ni Sir Theo at kaniya-kaniya na kaming upo sa swivel chair.

He turn on the projector at nag-present ng mga plano. I suggested na si Genesis ang maging key holder namin this match lalo na't malakas ang map awareness ni Genesis, we will use me as the decoy na ako ang key holder.

Our discussion went well at matapos noon ay maaga din kaming dinismiss ni Sir Theo para maagang makapagpahinga. Puwera sa akin na nagbasa-basa pa ako ng mga notes na sinend sa akin ni Shannah para sa special exam ko next week.

Buti nga at pumayag ang mga Professor namin na late ako maka-take ng exam dahil napanonood naman daw nila ako sa mga live at sa balita. I am doing great daw for respresenting BulSu nationally. Pero God, ang lala ng stress level ko sa hirap i-juggle ng matches at acads.

***

MAAGA pa lamang ay nasa backstage na kami dahil unang match ngayong araw ang mga nasa lower bracket. We will be up against Rising Hunters, ang team na tumalo sa amin noong Summer Cup.

"Standby na po tayo in 10 monutes, magsisimula na po ang match ninyo!" Dumungaw ang isang staff sa pinto ng rest area namin at kaniya-kaniya na kaming dala ng mga nerve gear namin.

Akmang itatago ko na ang cellphone ko sa duffle bag noong sunod-sunod na notification ang nag-pop sa phone ko. Ganoon din sa ibang players, tumunog din ang kani-kanilang cellphone.

I opened my phone para sumilip kung ano iyon. Baka kasi may mga fans lang na nag-send ng support, but no, it was a mention galing sa isang post ng isang kilalang gaming page.

Apparently, nag-live ang Nanay ni Larkin patungkol nga DAW sa pagpapabaya na ginawa ni Larkin habang siya ay nagpapakasaya sa Maynila. Napatingin ang lahat kay Larkin.

Iilang clips lang ang napanood ko pero hindi ko inasahan na may Ina (stepmom ni Larkin) na kayang siraan ang anak niya sa publiko. Sinabi niya na ungrateful daw si Larkin, hinayaan sa ospital ang tatay niya, ni-gamot daw ay hindi nagbibigay na pambili si Larkin, pinabayaan sila sa utang at kung ano-ano pa.

Ang daming bash ang nasa comment section. I closed my phone at hindi ko dapat hayaan na masira sa focus ang teammates ko. "Itago ninyo na 'yang mga cellphone ninyo! Lalaro na tayo in a few minutes. Tara na sa main stage." Aya ko sa kanila.

Tumingin ako kay Larkin at ngumiti ito sa akin. "Ayos ka lang?" I mouthed.

"Aasikasuhin ko mamaya iyan. Focus muna tayo sa laro." He said at naunang lumabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top