Chapter 139: Room Inspection
Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
PAGBALIK ko sa boothcamp ay mabilis akong nagbihis at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw tapos kailangan ko pang problemahin ang Rising Hunters na siyang makakatapat namin bukas.
Also, may acads pa akong dapat gawin. Buti nga at hindi pa sumusuko ang katawan ko sa stress at pagod, eh. Ganoon nga siguro kapag somehow ay gusto mo ang ginagawa mo.
Mom:
'Nak, gusto mo raw ba na sa Baguio mag-Christmas, pinapatanong ng mga kuya mo.
Wow, December na pala! It is my favorite season dahil gustong-gusto ko talaga namimili ng mga gufts sa mga batang pamangkin ko. I just like the thought na I am sharing my blessing with other people. Lalo ngayon, ang daming nabago sa buhay ko at sa buhay ng mga kapatid ko.
Si Kuya Brooklyn ay engaged na, ako naman ay naging Professional player. Si Kuya London... ayon, si Kuya London pa din. Aside sa pagiging fur daddy niya at pagkaka-promote ay wala namang malaking changes sa buhay ng kapatid kong 'yon.
Milan
Hmm... hindi ba over-crowded sa Baguio?
Mom:
Si Tita Luisa mo, willing ipahiram 'yong place niya sa Baguio dahil sa ibang bansa raw sila magki-christmas.
Walking distance lang burnham mula sa place niya.
Milan:
Hmm. Sige Mom! Na-miss ko 'yong Disney musicals tuwing Christmas sa The Manor 🥹
Mom:
Sige. I'll inform Brooklyn that you agreed na. Ingat lagi dyan 'nak. Sabi sakin ni London talo kayo sa match nyo? Ok lang 'yan, may next time pa parati. Always proud of u :)
Milan:
Awww thanks Mom! I missed you. After tournament hindi talaga ako aalis sa tabi ninyo to bond 🥹
Mom:
We missed u too. Missed din namin ingay ninyong magkakapatid sa bahay. Take care always, our princess.
I am just really thankful and grateful na I have supportive parents and they really back me up sa mga desisyon ko sa buhay. Especially Mom! Noong nagkaroon akong endorsement ay lagi siyang sumasama sa akin kahit saang pictorial or shooting. Wala lang, I really do feel safe when my mom is around.
"Okay magbabasa muna ako ng information about Rising Hunters, magtutuos tayo mamaya reviewer ni Shannah." Pagkausap ko sa sarili ko at inayos ang desk ko sa kung ano ang dapat unahin.
Minsan na namin nakatapat nila Dion at Liu and Rising Hunters noong Summer Cup. Naaalala ko pa na sila ang team na nagpalaglag sa amin sa Lower bracket noon. "Ang kailangan lang namin gawin ay hanapin ang Key Holder sa team nila." Pumangalumbaba ako habang nagsusulat sa notebook ko. "But it will be great if we can eliminate their strong members sa early part ng competition so it will less hassle for us—"
Hindi natapos ang pagmo-monologue ko noong biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at parang mga langgam na nagmamadali ang mga ka-team ko. "Anong mayroon?" I asked.
May mga buhat silang tsitsirya, PSP, Nintendo switch, chocolates. "Patago ng mga gamit." Nagmamadaling sabi ni Liu. "Tangina may general inspection ng kuwarto."
As in ang ingay at ang gulo nila sa room ko at naghahanap ng room na puwedeng taguan ng mga gamit nila. "Hoy! Hindi ba't sinabi sa inyong no distraction this week?"
Napatigil sila saglit at ngumiti lang ang mga buwisit. "Ano 'to, hindi 'to distraction..." kumamot sa baba niya si Larkin. "Uhm, way to relieve stress. Alam mo naman, pagod sa matches, hirap kapag magaling."
"Pinaganda mo pa." Tumayo ako at kinuha ang isang box sa itaas ng cabinet ko. "Oh ayan diyan ninyo ilagay tapos patungan ninyo ng kumot para hindi makita."
"Thank you Captain, the best ka talaga." sabi ni Liu at nilagay na nila 'yong mga junk foods nila. "Puta Noah, bilisan mo. Kapag nahuli tayong nagtatago ng gamit una ka naming ilalaglag kupal ka."
"Wait lang!" Noah shouted habang nakalagay sa damit niya 'yong mga junk foods niya. "'Yong tamagotchi ko pakiingatan, baka mamatay."
"What if mauna ka kaysa sa tamagotchi mo?" Inagaw ni Liu ang gamit kay Noah at siya ang nag-ayos nito sa kahon.
Habang nag-aayos sila ng gamit ay may testpaper na nahulog si Noah.
Math
18/75
"Noah, anong score 'to?" Mabilis na inagaw ni Noah ang test paper sa akin.
"Ano 'yan, Captain, mahirap talaga 'yong exam na 'yan. 'Yong pinakamatalino nga sa amin naka-35 lang, eh." Depensa niya. "Saka di ako nangopya. Utak ko talaga 'yang 18 na 'yan."
"Home school ka, wala ka talagang kokopyahan. Bukas na bukas re-review-hin kita sa mga subjects mo." I informed him at napasibangot siya ng wala sa oras.
"Ayan, bobo kasi." sagot ni Larkin.
"Nagsalita ang pumapasa." ganti ni Noah.
Si Dion ay pumasok din sa room ko para magtago ng gamit niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sorry," Dion raised his Tamagotchi.
Pinagmasdan ko ang kahon at karamihan ay may tamagotchi din sila. "Ano 'yan? Professional player o master sa pagpapalaki ng Tamagotchi?" tanong ko.
"Ito kasing si Noah ang pasimuno! Napalaro kami ng wala sa oras." sabi ni Larkin at pinatong niya na 'yong kumot sa ibabaw ng kahon at ibinalik sa itaas ng cabinet. "Lord alam kong masama ang ugali ng mga kasama ko pero sana hindi makita ni Coach 'tong kahon na 'to, amen."
Mahigpit kasi si Coach Russel sa room inspection lalo na kapag panahon ng mga matches. The last time ay nag-jogging sina Liu dalawang beses sa buong subdivision at isang linggong puro gulay ang inulam nila as punishment. Nabadtrip nga si Liu noon dahil purgang-purga na raw siya makakita ng Carrots sa pinggan niya.
"Pabalik na si Coach!" Dumungaw sa pinto si Kaden at kaniya-kaniya na silang takbo papalabas.
"Basahin ninyo 'yong information about Rising Hunters! Meeting mamayang 7:30!" Pahabol kong sigaw.
"Yes, Captain!" Hindi nila sabay-sabay na sagot.
Akmang magpo-focus na ulit ako sa panonood ng previous match ng Rising Hunter noong biglang bumalik si Larkin. "Oh, ba't nandito ka na naman, Oppa? May nakalimutan kang ipatago."
Maloko siyang ngumiti at kinuha ang wallet niya sa bulsa niya. Hinagis niya ang isang bagay sa akin na bigla ko na lang sinalo– condom.
"What the!" Reklamo ko.
"Baka biglang mag-inspect ng wallet at makita ni Coach 'yan. Patago lang din diyan sa room mo." Tumakbo na siya pero muli siya dumungaw. Itinuro niya ako. "For the record, lucky charm ko lang 'yan sa wallet ko para hindi mawalan ng laman." Depensa niya.
Umirap ako sa ere at hinagis ko ang condom sa may kahon and luckily na-shoot. Hindi ko naman din first time makakita at makahawak ng unused and sealed na condom. Sa dami ba naman kagaguhan ni Trace noong first sem namin, eh. I clearly remember na hinipan niya pa 'yong isang condom at ginawang lobo na pinalipad sa classroom.
Isinuot ko 'yong airpods ko at pinanood ang match ng Rising Hunter, nagte-take down notes ako ng mga bagay na madalas nilang gawin sa isang match na idi-discuss at ipapaalala ko sa buong team mamaya. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Dion dala ang ipad niya. "May ipapatago ka?" I asked at tinanggal ang isang airpod para marinig ang sasabihin niya.
"No, dito ako magre-review ng match ng Rising Hunter." He informed me at dumapa sa kama para manood sa iPad.
"Hoy, naglinis ka na ba ng katawan mo at kung makadapa ka diyan!" reklamo ko kay Dion.
"Opo, bago na rin damit ko, oh." Turo niya sa sarili ko.
I mean, kahit sino naman sa Orient Crown ay puwedeng tumambay sa room ko basta ang rule namin ay bawal sa kama anv mga hindi pa naglilinis ng katawan or galing sa labas ng boothcamp.
Tahimik lang kaming nanonood ni Dion at walang usap-usap. It's a comfortable silence honestly. Alam ni Dion na kapag busy ako ay hindi talaga ako makakausap dahil focus ako sa pinanonood o binabasa ko.
"Mukhang gagawin nila ang plano nila na more on marksman at assassin ang line up nila ulit this match, ah." Pagsalita ni Dion as he observe the battle.
"Mukha nga, i-ready na lang din natin 'yong mga equipments natin na mataas ang physical defense. Mung magphy-physical sila ay bawian na lang natin sila sa magic damage." Paliwanag ko sa kaniya.
Pumasok si Coach sa room at natahimik kaming dalawa ni Dion. "Saan na naman itinago ng mga mokong ang mga gamit nila?" Tanong Coach Russel.
I flipped my notebook. "Sa itaas ng cabinet, Coach." I informed him.
It's not that nilalaglag ko ang kagrupo. All along naman ay alam ni Coach Russel na dito sila nagtatago ng gamit dahil bigla-bigla raw lumilinis ang mga room ng mga mokong.
"Mga siraulo talaga." Naiiling na sabi ni Coach Russel at kinuha ang kahon. "I will confiscate this." Una niyang nakita ang condom na nakaibabaw lang. "Bakit puro tamagotchi rito?"
"New hobby raw nila Coach." natatawa kong sagot. Kasi naman! Kailan ba ako huling naglaro ng tamagotchi? Grade four pa yata ako noong huli akong naglaro niyan, eh. "May ganito ka rin, Dion?" Coach asked.
Kumamot sa ulo niya si Dion. "Yes, Coach. Akin 'yong kulay sky blue."
"Proud ka pa." Natatawang sabi ni Coach. "I will allow you to play this as long as hindi sagabal sa mga meeting ang matches natin. Also, puwede ninyo lang 'to laruin sa backstage."
"Yes, Coach." sagot ni Dion.
"Kumusta, Milan?" Coach asked.
"Ito, Coach, nagno-notes for the meeting later. Medyo crucial na rin ang status natin sa tournament, eh. Hindi na tayo puwedeng matalo." Paliwanag ko kay Coach at tumango-tango siya.
"Anong masasabi mo sa naging laban ninyo ng Daredevils kanina?" Coach asked as he still check the box.
"Hmm... ipinakita nila sa amin ng harapan kung bakit sila ang second strongest team dito sa Hunter Online. Iba 'yong level of thinking ni Thaddeus, the way he observe the match, ibang klase." Pagpuri ko dahil the way he deducted everything ay mabilis niyang nalaman na si Callie ang keyholder namin. "May natutunan ako sa previous match, sa susunod na mga matches ay ia-apply ko 'yong mga natutunan kong iyon."
Base sa ipinaliwanag sa akin ni Thaddeus, kailangan ay maging observant ako sa mga subtle movement ng mga kalaban namin. Maliit na galaw pero sa pamamagitan noon ay magiging hawak namin ang laro.
"That's good to know. Hindi rin magiging madali ang mga susunod na matches ninyo. Pero kung sakaling may mga kailangan kayo, do not hesitate na sabihan ninyo kami ni Theo. Also, I sent an email about my suggestion sa line up natin for tomorrow. Kindly check that and inform me kung may gusto kang palitan sa mga players." Coach said at ibinalik ang kahon sa itaas ng cabinet. Wala naman siyang cinonfiscate na kahit isang gamit sa mga members namin.
Sabi ni Coach Russel ay tinatakot niya lang daw sila para maka-focus kahit papaano sa pagbabasa ng information sa kalaban. Effective naman din, hindi naman kasi puwedeng parati na maluwag sa amin sila Coach, binabayaran pa rin naman kasi kami para lumaro at ibigay ang hundred percent namin sa bawat match. Para lang siyang daddy na medyo strikto kung kailangan pero hindi rin nakakatiis sa mga anak niya.
Matapos ang room inspection ay sabay-sabay kaming nag-dinner at maya-maya lamang ay magmi-meeting na kami para sa laban namin bukas.
"Gulay na naman." Narinig kong mahinang bulong ni Liu noong makita na chop suey ang ulam.
"Coach, nagrereklamo si Liu!" Malakas kong sigaw.
Namilog ang mata ni Liu at mahinang tinapik ang balikat ko. "Luh, sumbungera! Hindi Coach! Favorite ko nga 'tong Chop suey, eh."
"Ay favorite daw Coach ni Liu Chop Suey." Sabat naman ni Larkin. "Pakidagdagan daw po 'yong gulay noong sa kaniya."
"Putanginamo." Mahinang bulong ni Liu dahilan para matawa kami.
Kumakain lang kami at nagkukuwentuhan ng hindi related sa Hunter Online. Sabi ni Sir Theo ay masama raw na puro trabaho ang pinag-uusapan sa hapag-kainan, so ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa acads nila o kaya naman buhay nila outside the game.
"May sumisigaw ba sa labas ng gate?" Tanong ni Dion sa akin at saglit akong natahimik para pakinggan ito maigi.
"Larkin, lumabas ka diyan!" Isang sigaw ang narinig namin.
Napatigil kami lahat sa pagkain at lumabas ng boothcamp at nakita ang nanay ni Larkin na malakas na kinakalampag ang gate nitong boothcamp. "Sa wakas naman at nagpakita ka sa aking bata ka, wala ka talagang balak sagutin ang mga text at chat ko sa 'yo?"
Bumuntong hininga si Larkin. "Ma, 'wag dito sa boothcamp. Huwag ka na dito gumawa ng eksena."
"Everyone pumasok kayo sa loob." Sabi ni Sir Theo at dali-dali kaming pumasok papaloob habang naiwan sa gate sina Larkin, ang Mama niya, si Coach, at Sir Theo.
Bakit pakiramdam ko ay magkakaroon kami ng problema tungkol dito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top