Chapter 138: The Culprit

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

NASA designated room pa rin kami upang panoorin ang mga match sa lower bracket. We just want to observe kung sino ang makakatapat namin bukas at siyempre, suporta na rin kanila Sandro.

Kapansin-pansin na ang pagiging tahimik ng lahat dahil sa nangyaring pagkatalo. I mean, oo, blessing in disguise itong matatawag dahil na-avoid naming makatapat ang big three teams. Pero ang talo ay talo, especially ginawa naman namin 'yong best namin. You will somehow feel disappointed with yourself.

Habang nandito kami ay una kong tiningnan ang naging reaksiyon ng publiko sa ginawa naming pag-change role. It trended on twitter! At kahit ang username na Rufus ay nag-trend din in 18th spot!

"Larkin, hindi na ikaw ang nagte-trend sa Twitter, tinalbugan ka na nitong Cutie Player ng Nueva Ecija." Pagbibiro ko. Somehow to uplift the mood dahil hindi naman mababago ang resulta kung magmukmok kami. What we need to do is learn from our mistake at maghanda sa kung sino ang makakatapat namin bukas.

"Kaya nga, eh, gago na Dion. Inaagawan mo na ako ng trono, ah. Na-eliminate lang ako agad sa laro kaya wala akong exposure." Sagot ni Larkin at natawa kaming lahat sa room.

"Hindi ko naman din gustong mag-trending. Sabog na naman message request ko nito." Naiiling na sabi ni Dion. Kahit normal day naman ay laging may nagme-message sa kaniya.

Si Dion 'yong tao na hindi pala-reply sa mga message sa kaniya (unless friends kayo) dahil kapag nag-reply daw siya sa isa ay pakiramdam niya ay obligado siyang reply-an lahat. At saka, may proper event naman daw talaga to interact with them.

I opened the #OrientCrown at nagbasa ng iba't ibang opinion ng mga tao.

@MoreNut:
That sudden change of role Orient Crown is one of the highlights here in Season 4 tournament! Never imagine to see Rufus as a core. In fairness he did a great job.

@Celestial:
It was a nice game between Daredevils and Orient Crown. Although talo ang OC, but can we be honest na lagi silang pinapakitang bago? Ang refreshing sa Pro scene na makakita ng ganitong klaseng team.

Madami pa akong nabasang positive mula sa mga fans. Pero kung may positive ay mayroon ding negative, hindi ko rin naman sila mapipigilan sa mga gusto nilang i-tweet.

@User24628171:
Lol kahit pa mag-change role kayo talo pa rin kayo sa #Daredevils. Sayang oras lang kayo sa practice. Kapit na nga lang kay Callie ginawa ninyo pang tank lol.

@Gardevyr:
Lol, that change role is so unnecessary, ginawa lang para mapag-usapan. Ibalik ninyo si Callie as a core baka magka-chance kayo manalo.

"Nagbabasa ka na naman ng negative comments." sabi ni Dion noong dumungaw siya sa phone ko. "Hinihigop mo lang 'yong mga negative energy na dala ng mga 'yan, eh."

"Gusto ko lang mabasa kung ano ang take ng publiko sa ginawa natin. I mean that's our biggest card, hindi naging madali ang ginawa nating practice at ilang buwang pagtatago na ginawa natin using different account." Explain ko sa kaniya.

"At the end of the day, may mga masasabi at masasabi talaga 'yang mga 'yan." sabi ni Dion. "Lalo na't hindi naman nila nakita ang proseso. Ang mahalaga sa maraming tao ay ang resulta. Kung talo ka, talo ka. Sa mata ng public viewers we are team na hindi nagawang matalo ang Daredevils." Masakit man isipin pero totoo ang sinabi ni Dion.

"Bakit ka nga pala na-late kanina?" Pahabol na tanong ni Dion sa akin at doon lang nabalik sa akin 'yong scene sa banyo na muntik ko nang malimutan dahil na-overwhelm na ako sa dami ng nangyari ngayong araw. "Nag-alala kami nila Coach sa 'yo. I tried to text you and call you pero cannot be reach ka."

"Hmm..." I tried to sound as casual as possible. "Naghanap kasi ako kaning ng CR at ang haba ng pila. I am telling you, they should create more cubicles in women's bathroom kasi nabi-build up talaga 'yong line. Dead signal sa loob ng CR kaya late ko nabasa 'yong mga chats ninyo. Sorry If I made you worry."

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagkulong sa akin sa CR at hindi ko muna sinabi ang totoo kanila Dion ngayon. We lost against Daredevils and I don't want to infuriate them dahil sa nangyaru kanina, mas mawawala lang sila lalo sa focus kung iintindihin pa nila ako. Gusto kong mag-focus muna sila sa laro at saka ko na lang sasabihin at reresolbahin ang lahat pagkatapos ng Season 4 tournament.

"Kumusta kaya ang naging pag-uusap ni Sandro sakay Ianne kahapon?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Ianne rejected him." sagot niya.

"Ha? Weh? Nag-abot sila? Bakit naman ire-reject ni Ianne si Sandro eh greatest love niya si Father Chicken." Saksi ako sa mga panahong sila pa, nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hindi ko nga in-expect na aabot sila sa ganitong punto.

"Kinuwento lang ni Sandro kahapon. Ianne rejected the idea na magkabalikan silang dalawa tapos sumakay na daw ito ng grab." Nalungkot naman ako sa kuwento ni Dion. "Pero ang laki nang pinagbago ni Ianne, 'no? I saw her IG post na pinopromote ang isang brand ng keyboard."

"Yup. Tattoo, ear piercing, and the way she style. But she is still our Ianne." I informed Dion. "Mas naging confident lang siya. Ganoon nga siguro talaga kapag in-embrace mo na 'yong sarili mo. Mas malalaman mo 'yong mga bagay na gusto mong gawin."

"So paano na 'yong Iandro ship mo niyan?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Hmm... ayoko naman maging delusional na ipipilit ko pa. I love Sandro and Ianne kahit hindi na sila together." I explained to him. Mukhang may plano rin naman si Sandro na manuyo kay Ianne, but if Ianne's decision is firm, I respect that.

"Sila Sandro na ang lalaro," Liu informed us na kakapasok lang sa backstage. "Manonood ba kayo?"

May ibang members namin na naiwan sa backstage para makapagpahinga samantalang kami nila Dion ay pumunta sa main stage para suportahan ang ALTERNATE laban sa Holy Guards.

"Tingnan mo si Sandro, mukhang matatae sa kaba." Natatawang sabi ni Larkin habang sunod-sunod na kinuhanan ng picture si Sandro. "Bestfriend ko 'yan!" He shouted

"Kung makalait ka naman Oppa, marami ka ring epic picture sa phone ko. May nakangaga at mukhang tanga pa." naiiling kong sabi sa kaniya.

"Sige, subukan mong i-upload 'yan. I-a-upload ko 'yong video mo na umiiyak ka sa mga subjects mo." Banta niya sa akin. Epal. Next time talaga ay hindi na ako iiyak na kumpleto sila dahil sa acads, may pang-blockmail tuloy siya sa akin ngayon.

"Upload mo, dagukan kita." Sabat naman ni Dion sa biruan.

"Isa ka pa, u-upload ko paghilik mo. Ako pa kinalaban ninyo, ha." Natatawang sabi ni Larkin. Never ka talagang mananalo sa trashtalk-an dito.

Minsan nga nai-imagine ko kung ikukulong sa isang room sina Kuya London, Larkin, Liu, at Gavin. Tingnan ko kung sino ang unang iiyak sa kanila. Geabe kung mga mang-trashtalk, eh.

"Please welcome to our main stage, ALTERNATE!" Malakas kaming sumigaw at umakyat na sa stage sina Sandro.

"Go father chicken!" I shouted. Sandro looked into my direction and wiggled his brows.

"Maka-cheer naman 'to. Nasa tabi mo boyfriend mo, huy." Bigla akong siniko ni Dion at natawa ako. "Go, Sandro!" He clapped as he cheer.

"Sawi na sa pag-ibig, 'wag naman pati game!" Sigaw naman ni Liu. Buwisit na mga kaibigan 'to, buti talaga hindi naririnig gaano dahil sa malakas na cheer ng mga tao.

The match started at pumuwesto na sila sa kani-kanilang inclining chair. Sinuot na nila ang mga nerve gear nila at nanood naman kami sa malaking LED TV. "Kinakabahan ako para kanila Sandro." Bulong ko kay Dion.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Halata nga, ang lamig ng kamay mo, eh." He chuckled.

"Malamig kasi rito. Tinodo yata 'yong aircon dito sa arena."

"Nasaan 'yong jacket mo?" He asked and checked my lap dahil baka nakapatong lang doon.

I smiled. "Naiwan ko sa backstage."

Hinubad ni Dion ang jacket niya at isinukbit sa balikat ko. "Suotin mo. Kapag ikaw nagkasakit dahil sa lamig baka hindi ka makalaro bukas."

"Okay lang ako. OA noong sisipunin dahil sa lamig." Sinubukan kong ibalik ang jacket kay Dion but he put his hands behind his back para hindi ito matanggap.

"Nope." He shook his head as a refusal na parang bata. Lumapit ang mukha niya sa aking tainga. "Para naman malaman ng ibang players na nanonood na taken ka na, kanina pa sila tingin nang tingin sa 'yo."

"Sus, sana sinabi mo agad. Ang dami mo pang reason." Natatawa kong sabi. I find it cute when Dion is trying to be possessive (minsan) tapos nahihiya siya. It just rare moment kasi hindi naman din siya seloso.

We focused on the match at sa ilang minuto naming panonood ay kita namin na hawak na nila Sandro ang laro. "God, ang lakas ni Kiel!" Pagpuri ko dahil maganda ang ipinapakitang laro nito ngayon. Mukhang natuto siya sa past mistake niya noong nakaharap kami.

Nagpapalitan kami ni Dion ng ideas kung ano 'yong sa tingin namin na cool move na ginagawa ng magkabilang team. It was a healthy conversation about the game. We talk about pros and cons.

Naputol ang usapan namin noong unexpectedly ay napatay ng Holy Guards ang Key holder ng ALTERNATE.

We paused for a second. Ang laki ng lamang nila Father Chicken! Pero dahil lang napatay ng Holy Guards ang key holder nila... nabalewala ang lamang na uto.

Even Hanz, kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang ekspresiyon pero mabilis niyang itinuloy ang announcement since it's his job. "What an unexpected turns of event. Pare-parehas tayong natulala at napatigil. Holy Guards just won against ALTERNATE! Holy Guards is still competing to win the title while this is the end of journey of ALTERNATE as 10th place in Season 4 tournament!"

Tinanggal nila Sandro ang nerve gear nila. Kita ko ang pagkadismaya sa kanilang mukha. He gathered all his teammates and huggged them tightly. Ang cry baby man sabihin pero umiyak ako para kanila Sandro. Alam kong naghirap din sila para makapasok sa Season 4 tournament at alam ko ang daming sakripisyo na ginawa ni Sandro para rito.

"Nice game! Okay lang 'yan!" Si Larkin ang nangungunang sumigaw at kitang-kita ko na proud pa rin siya kay Sandro despite sa naging resulta ng match.

ALTERNATE lost.

I still clapped my hand as respect for the winning team.

"You know what, kahit ganito ang naging resulta we are still proud of ALTERNATE." Hanz cheered them up.

May binulong si Sandro kay Hanz at ipinahiram ni Hanz ang mic kay Sandro.

"Hello." Sandro tapped the mic. "Naririnig po ba ako ng lahat?"

"Yes!" We shouted in unison.

"Ayon since this will be the end of our journey here in Season 4 tournament. Gusto kong magpasalamat sa mga staff na bumubuo ng Hunter Online, sa Coaches and sponsors namin na pinagkatiwalaan kami. Maraming salamat po sa inyong lahat." Sandro bowed and his teammates followed him.

"Wow, 10th place." Sandro fake laughed. "Gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan kong nanood ng match ngayon. Sila Milan, sila Dion, ang bestfriend ko si Larkin. Larkin, gago ka, lumipat ka ng team e 'di sana parehas na tayo g talo ngayon." Natatawa niyang sabi at natawa rin si Oppa. Pero kita ko ang panggigilid ng luha ni Larkin. Sila ang magkasabay na pumasok sa Professional League.

"Sa sumusuporta sa ALTERNATE, for our Roosters, sorry bigo na naman kami makuha ang kampionato." Umiling ako.

May narinig ako mula sa upper box ang nag-chant ng ALTERNATE at sumunod naman kami.

"Alternate! Alternate! Alternate!"

Pinagmasdan ni Sandro ang buong paligid habang nakangiti. "Wow, never kong ma-imagine na minamahal kami ng gaming community na ganito kalala. Salamat sa inyong lahat. Pero may gusto lang din akong i-anunsiyo sa lahat nang nanonood."

Nagkaroon ng katahimikan sa arena pero may hinala na ako kung ako ang sasabihin ni Sandro.

"Plano ko na pong mag-retire as Captain and professional player." Rinig ko ang gulat sa mga audience. "It's been a long heck journey already, since season one ay lumalaro na ako. Mula rookie, naging main member ng ALTERNATE, nagkaroon nang pagkakataon to become the Captain and that's the reason why I am still standing here. Pero siyempre, hindi naman din ako habambuhay magiging professional player kaya maayos akong nagpapaalam sa lahat."

"Maraming salamat sa suportang ibinigay ninyo sa akin. Ito na po ang magiging huling laban ko sa Pro scene. I am Sandro also known as KnightRider in Hunter Online, signing off as professional player." He bowed.

I smiled and slowly clapped my hand. Sandro deserved an applause for his final match!

Everybody in this arena chanting his name. Panigurado, hindi man nag-champion ang ALTERNATE ever sa mga tournament ay alam kong tumatak sa gaming community ang pangalan ni Sandro. He will always be the sociable captain of Esports.

Natapos ang match nila at agad ding bumaba for the next match. Sa backstage ay pinagkakaguluhan si Sandro ng mga press mula sa mga TV station para makuha ang panayam nito.

"Alam mo, dati naiinis ako sa mga Esports player na nagreretiro sa paglalaro." Sabi sa akin ni Dion habang nakatingin lang kay Sandro. "Pero ngayon ay naiintindihan ko na sila. Kahit pa hindi sila naging champion ay parang fulfill pa rin sila at masaya sa naging journey nila. Masaya sila na isasarado ang pagiging Esports player nila para sa mga panibagong pagkakataon."

Napatango ako sa sinabi ni Dion.

In the future, lilisanin namin ang mundo ng Esports dahil may mga panibagong players na uusbong at kailangan namin sila bigyan nang pagkakataon na sila naman ang makaapak sa pro scene at ma-experience ang lahat ng ito. Pero hanggang nandito kami, we need to cherrish all the experience that we are experiencing now.

Unti-unting kumaunti ang mga tao na nakapalibot kay Sandro. He looked into my direction and open his arms widely. "Wala bang goodbye mula sa favorite captain ko?" He asked.

Umiling ako. "Oh God, Sandro huwag mo akong paiyakin." Naglakad ako sa kaniyang direksyon at mahigpit siyang niyakap. "I am always thankful na isa ka sa mga mentor ko. I am here kasi isa ka sa mga humulma sa akin."

"Awww, always proud sa nag-iisang queen ng Hunter Online." Ginulo niya ang buhok ko. "Mali pa nga yatang tinulungan kita noon, mas magaling ka na sa akin, eh." Natatawa niyang sabi.

"What's next for Father Chicken?" I asked him.

"Hmm... aakyat ng Baguio?" Nanlaki ang mata ko. "Magiging selfish naman ako. Wala na akong team na uunahin, wala na akong training na poproblemahin. This time, pipiliin ko ang sarili ko. Pipiliin kong maging masaya at malaya. Susundan ko ang taong gusto ko sa Baguio."

"Hindi mo na madali makukuha ang oo ni Ianne, na-trauma na sa 'yo 'yon, eh." Biro ko sa kaniya.

"Kahit ilang buwan, taon, dekada pa ang abutin para makuha ulit ang oo niya ay ayos lang. I will prove to him that I deserve another chance at hinding-hindi ko na sasayangin iyon." Sandro said.

I am happy with his decision. This time, wala nang pipigil sa kaniya. Natalo man sila ay naging malaya naman si Sandro at sa pagkakataong ito ay pinili naman niya si Ianne.

Nakipag-usap si Sandro kanila Dion at Larkin. Hinayaan ko muna sila dahil kailangan ko pang mag-ready sa post interview maya-maya.

Nakasandal ako sa pader habang nanonood ng mga memes sa tiktok. May tumabi sa akin– si Thaddeus, sumandal din siya sa pader. Tinanggal niya ang airpods niya. "Sinabi mo na sa ka-team mo 'yong nangyari sa 'yo kanina?" He asked.

Tumingin ako sa direksyon nila Dion. "Hindi pa. Hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kanila iyon. Medyo malungkot sila sa pagkatalo namin kanina, ayokong dagdagan ang iniisip nila."

"Your teammates deserved to know. Lalo na si Dion, dapat niyang malaman 'yong nangyari sa 'yo." sabi niya at maging siya ay nakatingin lang kanila Sandro na nagkukuwentuhan.

"Sasabihin ko naman, hindi lang ito ang tamang panahon. Crucial na ang lagay namin sa competition, nasa lower bracket na kami. Kapag nasira ang laro namin ay tanggal na rin kami sa kumpetisyon." I informed him. "Huwag mo munang sabihin sa kanila, please."

Umiling si Thaddeus. "Deserved malaman ng team mates mo 'yon. Maging ang commitee. Hindi biro ang nangyari sa 'yo, that's bullying at pagsabotahe sa inyo. Hihintayin mo pa ba na may mas malalang mangyari sa iyo?"

"I will report this incident once na matapos ang kumpetisyon. Huwag muna." I informed him.

Tumingin sa akin si Thaddeus na parang hindi makapaniwala sa naging desisyon ko. "Please." I said once again.

Umiling siya. "Kung iyan ang desisyon mo. Basta ako ay sinabihan kita kung ano ang tamang gawin mo."

Akmang maglalakad na ulit siya paalis.

"Thaddeus,"

Lumingon ito sa akin. "Kilala mo ba ang may gawa noon sa akin? Black Dragon ba?"

"Mayabang ang Black Dragon but they are not dirty players. Those two members of Laxus Familia na nagpa-picture sa akin kanina ang may gawa no'n. Aksidente ko silang napakinggan tungkol sa galit nila sa inyo. Noong mapansin kong wala ka kasama ang team mo ay naisip kong may kagaguhan silang ginawa sa 'yo." He waved his hand and walked away. "Now you know who did it, nasa sa 'yo na kung ire-report mo sila."

Laxus Familia...

Mukhang galit pa rin ang mga ito dahil sa pagkatalo nila sa Summer Cup noon. Lumapit si Dion sa akin and he pinched my cheeks. "Lalim nang iniisip mo, ah. Anong pinag-usapan ninyo ni Thaddeus?"

"Hmm... wala, inexplain niya lang kung paano niya nalaman na si Callie ang keyholder natin sa kninang match." I answered him. "Halika na, make up-an kita. May post interview tayo kailangan ay pogi ka sa stream."

"Ayokong mag-make up." Reklamo ni Dion.

"Super light make up lang, promise!" Hinatak ko ang kaniyang kamay pabalik sa designated room namin.

Siguro ay kailangan ko lang mas maging maingat sa mga susunod na araw para hindi na mapahamak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top