Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Nakaka-miss 'yong Twitter reactions ninyo, in case you enjoy this chapter you can tweet using hashtag #HunterOnline or mention me: @Reynald_20
Thank you!
DAREDEVILS, isa na yata ito sa mga team na maituturing na pinaka malakas at nagdo-dominate sa buong Hunter Online. Marami sa mga boss domains sa Hunter Online ay sila ang mga may hawak ng record. Since season 2, they are always the second placer at sinasabing nag-iisang team na kaya makipagsabayan at bigyan nang takot ang Black Dragon.
Marami sa mga Hunter Online fans na naghihintay na manalo ang Daredevils sa Season 4 tournament. Also, they are also expecting another epic final battle between Daredevils and Black Dragon na ilang beses nang nagtutuos sa mga tournament.
Pagkamulat ng mata ko ay pinagmasdan ko ang paligid. Inalam ko muna kung nasaang map kami at saang parte ng mapa ang location ko. Okay, we are in mountain area. Mahirap dito dahil madalang ang mga building na puwedeng pagtaguan (and it will be a bad idea to hide in those in this map).
Karamihan nang makikita mo sa paligid ng mapa ay puro naglalakihang puno, at matataas na damo. Sa paanan ng bundok ay may mga kabahayan at sa bandang gitna ng mapa ay may talon. I checked the area first, okay, base sa paligid ay nasa bandang paanan ako ng bundok. I just hope na wala akong Daredevils na makakasalubong o makakatapat.
Nagtago muna ako sa isang mataas na damo and inform my teammates with my location. I need to be with Rufus (Dion) and Vegas (Callie) as soon as possible.
[Orient Crown] Shinobi: Nasa paanan ako ng bundok na may mga lumang bahay. Left area of the map.
[Orient Crown] Vegas: Medyo malapit ako diyan. Papunta na ako. Ikaw, Rufus?
[Orient Crown] Rufus: Medyo negative. Nakatago ako ngayon sa attic ng isang bahay rito. Tatlong members ng Daredevils ang umiikot malapit sa pinagtataguan ko. It will be too risky kung lalabas ako.
[Orient Crown] Shinobi: Hold your position, kami ni Vegas ang pupunta diyan sa location mo.
[Orient Crown] Shinobi: Kung may members na malapit sa puwesto ni Rufus. Observe and the area in a long distance and backup-an ninyo kung sakaling may clash na mangyari.
[Orient Crown] Knightmare (Noah): Malapit ako sa area, Captain.
[Orient Crown] Nodaichi (Larkin): Nugagawen?
[Orient Crown] Knightmare: mama mo.
It will be safe kung magkakasama kaming tatlo. Dahil sa new role namin ay parang bumalik kami sa pagiging trio nila Callie, the last time na nagtulungan kaming tatlo ay noong kinalaban namin ang Chimera boss noong wala pa kaming team ni Dion.
Ilang minuto lang ako naghintay noong dumating si Vegas. "Long time no see, Milan. Na-miss mo naman ako agad." Pagmamayabang niya sa akin.
"What if i-unfriend kita sa facebook?" Pananakot ko habang tumatakbo kami tungo sa location ni Dion.
"Grabe, hindi naman mabiro." He chuckled. Vegas new role is Holy Knight, he have this big hammer at makapal na armor na nagiging sanhi para mas maging makunat siya. As a holy knight, he can buff the attack speed of the nearby alam, also may skill siya na magre-restore ng buhay namin kapag malapit sa kaniya (although, matagal ang cooldown nito kung kaya't kailangan lang gamitin sa mga importanteng sitwasyon).
Iyon ang dahilan kung bakit goods kami ni Vegas na mag-support sa isang core member ng team namin. He can boost the attack speed while I can increase the defense of our nearby ally.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng publiko ngayon sa mga napanonood nila sa match dahil marami sa Orient Crown ay nag-change class at nag-change job. Pero paniguradong nagulat sila dahil ginawa namin ito sa gitna ng isang tournament.
Medyo malapit ang location naming dalawa ni Vegas sa lokasyon ni Rufus. Pumasok kami sa masukal na bahagi ng gubat at mabilis na tumatakbo. Iniisip ko kung sino ang possible key holder sa Daredevils. Definitely ay hindi si Thaddeus iyon dahil masyado itong halata. We must do the process of elimination—
"Iwas!" Hinablot ni Vegas ang damit ko dahilan para mapatago kaming dalawa sa malaking puno. Isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa paligid at ramdam namin ang hangin at ilang alikabok dahil sa impact.
Tumingala ako at nakita kong may malaking sanga ang pababagsak sa aming dalawa. "This is bad." Tinulak ko si Vegas sa kanang bahagi at tumalon naman ako pakaliwa upang maiwasan naming dalawa ang sanga.
"Aga namang ambush neto." Vegas chuckled while scanning the place. "Nasa sanga sila ng mataas na puno. Panglimang puno mula rito." He informed me. Hindi ko alam kung paano iyon nakita ni Vegas dahil ang kapal ng alikabok na bumabalot sa lugar.
Tinulungan niya akong makatayo. "We need to change our route. Tara na!" aya niya sa akin.
We both run at may mga bala ng baril at mga palaso ang mga muntik na tumama sa amin. Mabuti na lamang talaga at magkakadikit at malalaki ang puno na nandito.
Habang tumatakbo ako ay kumuha ako sa inventory ko ng smoke bomb at hinagis ito sa iba't ibang direksyon. In that way, mapapaligiran ng mas makapal na usok ang paligid at hindi nila malalaman kung saang direksyon kami tumakbo.
"Kung core pa rin ako, ubos sa akin 'tong mga kupal na 'to." Reklamo niya. Napangiti ako dahil kung core pa rin si Vegas ay siguradong papalagan niya ang mga ito at ang kailangan niya lang ay poprotekta sa kaniya.
Hanga rin ako kay Callie sa totoo lang, this is complete change in his previous class and role but he is still performing well and he knows the limit of his current role. Ang objective namin ngayon ay mahanap si Dion at makaalis sa clash na ito.
"Alis na Captain. Magiging decoy kami para makatakas kayo." Biglang dumating sina Exorcist (Orpheus) at si Esquire (Elvis). "May mga narinig kaming pagsabog kaya tumakbo kami agad dito."
"Thank you, kayo na ang bahala mag-buy time." I informed him at tumakbo na kami ni Vegas papaalis. May mga pagsabog at mga dagundong kaming nararamdaman ni Vegas pero ipinagsawalang-kibo namin ito dahil ang mahalaga ngayon ay mapuntahan namin si Rufus.
[Daredevils] Gunner was eliminated by [Orient Crown] Exorcist!
[Orient Crown] Esquire was eliminated by [Daredevils] Zero (Thaddeus)!
[Orient Crown] Exorcist was elimated by [Daredevils] Zero!
Tatlong magkakasunod na announcement ang aming narinig sa paligid. It's good that Exorcist managed to eliminate someone in Daredevils pero hindi naging maganda ang naging palitan namin dito—dalawa ang nalagas sa team namin.
Huminga ako ng malalim. Okay, Milan, focus lang sa game. Ang mahalaga ay hindi kami ang na-eliminate ni Vegas sa laro ng ganito kaaga. Especially Vegas, hangga't hindi siya na-e-eliminate ay may pag-asa kaming manalo sa larong ito.
Narating namin ang lugar kung saan nagtatago si Dion. May magkakadikit na bahay sa hindi kalayuan.
[Orient Crown] Shinobi: We are here, malapit sa pangatlong bahay. Saan ka Rufus?
[Orient Crown] Rufus: Pababa na.
Ilang segundo lamang ay bumukas ang isa sa mga pinto sa mga bahay at tumambad sa amin si Rufus na siyang aming core sa Orient Crown ngayon. Bounty Hunter ngayon ang class ni Dion, bounty hunter wields with dual handguns and has a high amount of speed. This is also a big change in Dion's role dahil from short-range combat at sumasalo ng mga damage ay siya ngayon ang dapat protektahan at mas long range ang mas madalas na atake niya ngayon. "Ngayong kumpleto na tayo, oras na para tayo naman ang pumitas sa kabilang team." Sabi ko sa kanila.
"Captaiiin!" Isang sigaw ang narinig namin sa 'di kalayuan at tumatakbo papalapit sa amin si Knightmare (Noah) at kumakaway pa ang kaniyang kamay. "Nandito rin ako!"
"Ang ingay talaga nitong batang may yabang na 'to." Naiiling na sabi ni Vegas. "Paano na lang kung may kalaban na nakarinig sa kaniya?"
Okay, this is a good team composition. Knightmare as our fighter (Hindi nagpalit ng role si Noah dahil according kay Coach ay mahihirapan si Noah dahil gamay na gamay nito ang role niya), Rufus our long range attacker, Me as a support, and Vegas as our tank.
"Rufus? Saan tumungo 'yong tatlong Daredevils na nandito kanina sa area na 'to?" tanong ko sa kaniya. "Kailangan din nating magmadali na makaalis sa lugar na ito dahil anytime ay matutunton din nina Zero ang lokasyon natin."
"Papunta sa south. Paakyat ng bundok. Gumawa kasi ng ingay si Nodaichi para mawala ang atensyon sa akin ng mga kalaban kanina." He explained. Okay good, Larkin is also there.
"Papunta sila sa may talon." Sabi ko at tumakbo na kami paalis. "Vegas, lead the way. Knightmare, sa likod ka namin ni Rufus para hindi tayo madaling ma-ambush."
"Yes, Captain!" sagot ni Knightmare sa akin.
Siguro naman ay walang magtatangkang Daredevils na sugurin kami ngayon lalo na't this is a well-built team composition. Alerto kami sa buong paligid lalo na't matataas na puno ang nadadaanan namin. Anytime ay baka may surprise attack na mangyari.
"Kalaban. 2'o clock, mag-isa lang." Vegas informed us. Tiningnan ko lang sa peripheral vision ko kung sino ito.
[Daredevils] ScarJames
Level: 83
Class: Shisa
"Mag-isang fighter, kaya 'to palagan." I informed the whole team. "Rufus position. Knightmare, sumegway ka para labanan siya in close battle. Vegas, use your skill to increase Rufus attack speed."
I breathed in and breathed out. I started playing my violin.
Rhapsody.
Hangga't hindi ako na-i-interrupt sa pagpe-play ng violin ay may dagdag defense ito sa mga kakampi kong malalapit sa akin which are Knightmare, Vegas, and Rufus.
Noong una ay naninibago ako sa role ko dahil mas gamay ko ang pagiging frontliner, pagsha-shot call, at pag-roam sa buong mapa. Pero this time, as support role, I just need to follow a certain member in our team and make sure na hindi ito ma-e-eliminate agad sa laro.
I find it boring at first pero habang tumatagal na ginagamit ko siya as Zero Chance member ay nakikita ko ang laki ng role ng mga support. We are the one who are sustaining our team, mahalaga ang buff namin, mahalaga ang timing namin sa pag-cast ng skill, we can make our team members stronger.
Hindi dapat pala talaga maliitin ang support role. Dahil once na magaling ang support ng isang team ay kami ang magdadala ng ritmo ng laro. Hindi mahalaga ang kill sa amin kung hindi assist ang importante sa role namin.
Pumosisyon si Dion at ikinasa ang dalawang baril niya.
[Orient Crown] Vegas: Batang may yabang, biglain mo 'yang si ScarJames. Kapag nakaalis na siya sa pinagtataguan niya ay doon siya sisimulan atakihin ni Rufus.
[Orient Crown] Knightmare: k.
Tumakbo si Knightmare tungo sa direksyon nito, using his scythe. He tried to slashed it downward, mabilis itong nakita ni ScarJames. As expected, iiwasan niya ito.
"Ngayon na, Rufus." Mabilis na tumakbo si Rufus upang harangin si ScarJames.
Walang tatakbuhan si ScarJames dahil nasa likod niya si Knightmare samantalang pasalubong sa kaniya si Rufus. "Walang kawala 'tong bobo na 'to."
"Demolish Hammer." He strongly hit the ground using his hammer. May mga bitak na bato ang umangat sa paligid. Ramdam ko ang dagundong ng lupa, muntik pa akong mawalan ng balanse ngunit pinilit kong manatiling nakatayo at hindi pinutol ang pagtugtog ng violin. Our team need this extra defense lalo na't hindi naman maaaring mag-cast ng heal si Vegas lalo na't matagal ang cooldown nito.
Wala nang tatakbuhan si ScarJames.
He look astonished as soon as he saw Rufus. Rufus pointing his gun in his directon.
Nagpakawala ng bala si Dion sa kanang binti nitong si ScarJames dahilan para mapaluhod ito sa panghihina. Mabilis na tumatakbo si Rufus papalapit sa direksyon nito at sinipa ang mukha ni ScarJames. He spinned and reloaded his gun. Itinutok niya sa baba nito ang baril.
"Pulverize." He fired a powerful bullet at kita ko ang laki ng bawas nito sa buhay ni ScarJames.
Akmang tatayo si ScarJames at gagamitin ang Tonfa nito to hit Rufus pero mabilis nakatalong papalayo si Rufus.
Nawala sa isip niya na nasa likod niya si Knightmare. Knightmare swing his scythe upwards dahilan para magkasugat ng malaki si ScarJames sa likod.
Mabilis pang sinundan ito ni Dion ng tatlong putok ng baril.
[Daredevils] ScarJames was eliminated by [Orient Crown] Rufus!
Napahinto ako sa pagtugtog at bumalik kami sa pagtakbo. Maganda ang ipinapakitang laro ng lahat. Ang laking ginhawa para sa akin na nagawa naming ma-eliminate ang isang member ng Daredevil, I mean, priveleged iyon! Napakalakas na team ng Daredevils.
"Ang weird na makita ang pangalan ko na ako ang nakapatay sa kalaban." Sabi ni Dion habang tumatakbo kami tungo sa may talon.
As a previous tank, hindi naman talaga kasi madalas nakaka-kill si Dion lalo na't ang objective niya ay to protect his team mates using his big shield that time.
"Not bad as a core." Nakangising sabi ni Vegas. "Pero mas magaling pa din ako. Kaunting practice pa."
I rolled my eyes. "Let's go, huwag natin basagin ang momentum natin."
Sisiguraduhin kong mananalo kami against Daredevils.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top