Chapter 135: Trouble and Savior

Sorry for the typo in previous chapter. They will up against Daredevils not Black Dragon. Will do double check before updating next time. 😀✌️

PAGKARATING namin muli sa arena ay maraming bilang ng fans ang nakaabang sa parking malapit sa MOA arena. Ito 'yong mga fans na hindi nakabili ng ticket for the match pero naghintay pa rin sila sa labas dahil nagbabakasakali sila na makakita ng Professional players.

Actually, anong oras na rin ako nakatulog kahapon dahil pinoproblema ko sa kung ma-e-execute ba namin ng maayos ang mga pagbabago sa mga role namin. I mean we trained it using our second accounts pero iba pa rin dito sa main account. Hindi ko rin alam kung paano rin ito ite-take ng public.

Bumaba kami sa bus at malakas na nagsigawan ang mga tao. Luckily, may barrier na nakaharang pra smooth kaming makapaglakad papunta sa backstage. A lot of fans are shouting the name of their favorite players.

"Puwede ba kaming mag-sign?" Tanong ko kay Sir Theo dahil kailangan namin ng goal signal before we interact with the fans. I mean, ano ba naman 'yong short interaction hindi ba? Sigurado naman ako ay maaga pa lang ay pumunta at nag-abang na sila rito.

Sit Theo checked his wristwatch. "We came here early kaya puwede natin sila mapagbigyan. But no video greets." He reminded.

Lumapit kami sa barrier and interact with some fans. "Good luck po sa match, idol na idol ko po talaga kayo. Gusto ko ring pong makapasok sa professional team." A teen girl excutedly shout noong lumapit ako. I signed the T-shirt na dala niya, it was a merch na may pangalan ko from Battle Cry at Orient Crown.

"Go, we need more female representation in Esports, patalsikin ang mga lalaki." Natatawa kong biro.

"Tama! Lason ang mga lalaki." She replied that made me laughed.

Napatigil lang ang interaction namin noong staff na mismo ng tournament ang lumapit at pinapapasok na kami sa loob. A lot of people congratulated us.

"Daredevils lang malakas!" Isang sigaw ang narinig namin mula sa likod ng mga nagkukumpulang tao. Hindi ko na nakita kung sino iyon pero sure ako na isa na namang retarded na fan ng kabilang team.

"Sumigaw ka ng ganiyan kapag nakapasok ka na sa Pro League!" sigaw ni Liu pabalik at nauna siyang hatakin ni Sir Theo papasok dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ng taong ito.

Hindi ko naman din masisisi si Liu kasi nakakainis naman talga ma-trashtalk galing sa wala namang narating sa Pro scene. I mean, hindi ba nila kaya suportahan ang Daredevils ng hindi dina-drag down ang kalaban nitong team?

Pumunta na kami sa designated room namin, second match kami ngayong araw so mamaya pa itong 11 o afterlunch. I actually read information about the Muse class.

"Kinakabahan ako." Kita ko ang butil na pawis ni Dion na bumababa mula sa kaniyang noo. "Paano kung magkamali ako?"

"E 'di nagkamali ka." Nakangiti kong sabi sa kaniya. "This is the first that we will show this tactic in public kung kaya't normal lang magka-error. Pero isipin mo na lang na kung matatalo natin ang Daredevils ngayon, we have a chance to win against Black Dragon. Error is normal but it's avoidable. Focus lang." I assured to him.

Inisip ko ang naging pag-uusap namin kagabi.

"So who will be the key holder?" Liu asked. "If Genesis will be our marksman, hindi na siya puwedeng maging key holder dahil madali na lang siya mapitas."

"What if si Dion?" Juancho suggested.

"'Wag." Pagpigil ni Larkin. "Too risky. He's also marksman. Malambot lang si Dion. We need someone who can stand up until the end. As I watch our previous match ay may mga players naman tayo na tumatagal sa laban."

"Ako na lang." Pagprisinta ni Callie at ipinatong ang paa sa center table. "Kaysa nagtuturuan kayo diyan. I offer myself to become the tribute." He smirked.

"You are a tank. Ikaw ang damage taker." sabi ni Dion.

"No. Actually it's a great idea." I disagreed with Dion. "We can go with Callie as the keyholder. Una, tank na siya at hindi na siya paghihinalaan ng mga kalaban na nasa kaniya ang susi. Pangalawa, he can also take a lot of damage ng hindi namamatay saka magaling si Callie sa pag-deceive ng mga kalaban. Lastly, based on our previous matches ay si Callie ang may pinakamataas na survivality pagdating sa mga tournament matches."

"So we will go with Callie as the key holder?" Tanong ni Larkin. Tumingin siya sa buong miyembro ng Orient Crown. "No violent reaction? We are open for suggestion. Upakan ko pumalag." Buwisit talaga kahit kailan.

"Ako bahala sa inyo, bubuhatin ko kayo." pagmamayabang ni Callie. "Callie core who? Callie the key holder na ang uso ngayon. Never beating the Callie and friends allegation."

Binato siya ng pillow ng mga kasama namin. "Tanginamo napaka yabang mo." sabi ni Liu.

"Okay tama na 'yan, let's have one scrim bago tayo matulog at makapagpahinga para sa laban bukas." I informed them at kaniya-kaniya naman silang dampot ng nerve gear nila. "Orpheus, gusto mong lumaro bukas?" I asked.

"Ano, Captain?" Orpheus asked. Orpheus is one of the players that we recruit during our recruitment sa office back then. Simula noong makuha namin si Orpheus ay minonitor ko naman ang laro niya sa mga maliliit na tournament and he is doing well naman. His stats is good and he keep showing improvements sa mga scrim namin.

"Gusto mong lumaro bukas? Against Daredevils?" I asked him.

Liu looked to us. "Lumaro ka na, bangko muna ako bukas kapag lumaro ka." Gusto ko 'yong version ni Liu ngayon. Gago pa rin siya pero hindi na siya ganoon ka-envious sa mga players na lumalaro sa big tournament. He is a great kuya rin sa mga young members namin, he always make way para makalaro o ma-experience nila ang bigger tournament

"Laro ka na!" Pagpupumilit ni Noah.

"Paano kung magkamali ako, Captain? Baka hindi ako makasabay sa inyo sa mismong tournament." He informed me. He is still intimidated sa mga big names na makakalaro niya kung sakali.

"Alam mo Orpheus, ilang beses mo nang pinatunayan sa amin na ready ka na sa mas malaking stage. Oras na para makita ka ng mga tao. You are not just a bench player, you are a member of Orient Crown. Kaya mo 'yan, no one will blame you kung sakaling magkamali ka." I assured to him.

Orpheus looked to everyone. We just gave him an assuring smile and motivation. He breathed in and out at seryosong tumingin sa akin. "Gusto kong lumaro bukas, Captain. Hindi ko kayo ipapahiya."

Lumapit ako kay Orpheus na nakaupo ngayon malapit sa may pinto, he is reading the Character profile of each Daredevils member. "Just be calm. Huwag kang mape-pressure sa dami ng tao na manonood sa 'yo. Tandaan mo, you don't need to impress anyone. Lumaro ka sa kung paano ka dapat lumaro."

"Thank you, Captain."

I smiled. "Good luck, future main member ng Orient Crown."

Nakita ko pa sina Callie at Larkin na nag-uusap. But knowing them ay nagyayabangan lang ang dalawang 'yan. Saglit akong lumabas para tingnan kung gaano karami ang manonood dito sa Quarter finals ng kumpetisyon.

Dumungaw lang ako malapit sa main stage. Mas marami ang taong nanonood ngayon kumpara kahapon. Feeling ko, bukas na semi finals at sa mismong finals ay puno na itong arena. I just took a video of the crowd para ma-IG story ko.

"Puwede ka pang mag-back out." Biglang may nagsalita sa tabi ko– si Thaddeus. "Kinakabahan ka na ba sa laban natin, Cap?"

"Okay lang naman na kabahan dahil excited ako sa laban. Ikaw na lang ang mag-back out pagbigyan ninyo na kami." Biro ko sa kaniya.

"You know what, you are not bad as a friend naman pala." He nodded like it was not a bad idea. "You are pretty chill at may substance ka rin kausap."

"Wow, coming from a person who usually do Tito jokes, ha!"

Inilahad ni Thaddeus ang kaniyang kamay. "Good luck sa match."

Tiningnan ko ito panandalian bago siya kinamayan. "Good luck sa match."

Naglakad kami papunta muli sa backstage at kataka-takang may ilang miyembro ng ibang teams ang nandito, I mean they are teams na hindi nakapasok sa finals. Nandito sila to support their friends or ginamit ang connection nila para makapagpa-picture sa ibang players.

"Buhay pa pala ang mga iyan." Bulong ko noong makita ko ang dalawang members ng Laxus Familia na sina Jayzel at Luigi. I mean, I remember Jayzel dahil tinrashtalk niya kami live sa isang interview.

"Thaddeus, puwede ba kaming magpa-picture sa iyo?" Tanong ni Jayzel kay Thaddeus.

"Sige na mauna na ako, maghahanap pa akong CR." Paalam ko kay Thaddeus.

Pumunta ako sa CR sa designated room namin pero ng sabi sa akin ay jumejebs daw si Noah so hindi na ako doon nag-CR. Pumunta ako sa public CR dito sa backstage pero mahaba ang pila. "Hello, Miss, may iba pa bang CR rito?" I asked sa isang staff.

"Sa second floor po may CR for MOA staff po pero sabihin ninyo lang po na may permission ko naman po." He informed me and I smiled.

Umakyat ako sa second floor. Usually wala kaming access dito at para sa mga staffs talaga ito pero since pinayagan naman ako ay umakyat na ako. Dion chatted me.

Dmitribels:
Saan ka? Malapit na daw matapos ang first match. Kailngan na daw natin mag-ready.

Bogus:
Wait lang, I will go CR lang. 10 minutes lang.

Dmitribels:
Noted. Inform ko si Coach. 👍

Pumasok na ako sa CR at naghanap ng bakanteng cubicle. May narinig akong malakas na ingay mula sa pinto. My brows crunched. "Sino 'yan?"

No one answered. Inisip ko na lang na baka staff lang ito na naglilinis ng CR. Mabilis akong nag-CR lang at nag-ayos ng make up sa harap nitong malaking salamin. Akmang bubuksan ko na ang pinto papalabas ng CR ay hindi ko ito mabuksan.

I tried to push it or pull it pero parehas hindi gumana. "God, nakalimutan ba nila na may tao rito? Sumigaw naman ako as a response kanina." reklamo ko. I get my phone to inform sila Coach na nakulong ako sa CR sa second floor.

Good, dead signal sa CR na 'to sa pagiging kulob nito. How great to start our day.

"Hello!" I asked habang mahina na tinatapik ang pinto at nagbabakasakali na may makarinig nito. Wala akong sagot na nakukuha.

Noong una ay hindi naman ako kinakabahan dahil marami namang tao rito sa backstage at sooner ay may makakarinig na sa akin. But 5 minutes had pass, wala pa rin. 10 minutes passed and still wala pa rin.

Doon na ako kinabahan dahil naririnig ko na si Hanz na hina-hype na ang crowd for the next match. "Hello! Tulong! I am stuck here!" I shouted

I also try to find signal in this CR pero wala talaga, nawawala-wala ang CR and most of the time ay dead signal talaga.

"Hello!" I shouted. "Dion! Tulong!" Sigaw ko at may namunuo ng pawis sa noo ko dahil sa kaba.

Sino naman ang gagawa sa akin nito? Imposible namang Daredevils dahil katapat namin sila ngayong araw ay somehow, okay naman kami ng mga members nito. Black Dragon? Sila lang ang naiisip ko na gagawa ng ganito kaduming taktika sa larong ito.

Sumigaw ako nang sumigaw at nagbabakasakali na marinig nila ako. Hindi ako puwede mawala sa laban dahil ako ang support. My teammates need me in the match.

"Please, tulong! May tao ba diyan sa labas?!" sigaw ko. Sa inis ko ay sinipa-sipa ko na ang pinto para mas malakas itong marinig sa labas. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.

"Hello, Milan?" Isang boses ang narinig ko mula sa labas. "May tao ba rito?"

Nabuhayan ako. "Mayroon! Mayroon!" Sigaw ko pabalik. "Tulong please."

"Step back. May nag-padlock sa 'yo dito sa loob." He said at naglakad ako paatras. Malalakas na kalampag ang narinig ko at mukhang may hinahampas siyang mabigat na bagay para masira ang lock.

Ilang hampas at kalabog pa ang narinig ko bago niya ito nagawang buksan.

"Thaddeus?" kunot noo kong tanong dahil puro pawis siya na para bang inikot niya talaga ang buong arena para mahanap ako.

"Save your gratitude later. Kailangan na tayo sa main stage. Malapit na magsimula ang laban." Tumakbo kaming dalawa pababa at para makahabol sa mga team namin na kasalukuyang nakapila na at naghihintay na lang ng sign para umakyat kami sa stage.

"Milan, saan ka ba galing?" Dion asked na punong-puno nang pag-aalala. "Ilang message na ang ginawa ko sa 'yo, akala namin ay may nangyaring masama na sa 'yo."

"Okay na ako. Inconvenience lang." sagot ko at hindi ko na sinabi sa kanila na may nagkulong sa akin sa CR dahil baka mawala sila sa laro. Ikukuwento ko na lang sa kanila ang mga nangyari after match.

Pumunta na ako sa harapan dahil ako ang unang aakyat kung sakali mang tawagin kami. I can see Thaddeus na nasa kabilang part ng stage na umiinom ng tubig. He thumbs up na parang tinatanong kung okay lang ako.

Tumango ako sa kaniya. I breathed in and breathed out. Okay, Milan, focus muna sa laro.

"This is one of the most anticipated match this day!" Malakas na sumigaw ang mga tao. "I-welcome na natin sa stage ang Daredevils at Orient Crown."

Naglakad kami paakyat ng stage. Our match against Daredevils will start now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top