Chapter 133: The Next Opponent
PARE-PAREHAS na kaming nakahinga ng maluwag noong manalo kami against ALTERNATE. Ibig sabihin lamang nito na mananatili pa rin kami sa Upper bracket ng laro. Bukas na ang sunod naming laban at waiting pa kami sa kung sino ang makakatapat namin.
"So, paano nga natin ise-celebrate ang New Year at Christmas?" tanong ni Dion sa akin habang nakaupo kami sa backstage. We are eating our lunch at mabuti na lamang at pizza from greenwhich ang pagkain dito. I am craving for pizza for so long, hindi ko lang siya mabili noong mga nakaraang araw dahil naging busy kami sa practice.
"Sa amin sa Pasko, sa inyo sa New Year?" Tanong ko sa kaniya dahil iyon ang napag-usapan namin ng parents ko. "Pumayag sila Mom na sa Nueva Ecija kami mag-celebrate ng New Year together with your family."
Noong una nga ay natakot pa ako ipaalam kay Dad ang bagay na iyon lalo na't baka kagalitan lang ako. We usually spend our Christmas and New Year together. Binabaan ko nga ang expectation ko na papayag sila pero ang sabi ni Dad 'It's a great idea na sa Nueva Ecija tayo mag-New Year para maiba naman. Nakakasawa na paulit-ulit na paputok sa village ang nakikita natin.'
"Deal." Dion answered. Tinatanggal niya ang pineapple sa Pizza na nasa plate ko, he knew that I don't like pineapple on pizza. "We can tour you in a great places in Nueva."
"Siguraduhin mo lang, ha! Show us the beauty of Nueva Ecija." sabi ko sa kaniya.
Itinuro ni Dion ang sarili niya. "Ito, beauty ng Nueva Ecija. Produkto ng Nueva Ecija ang ganitong klaseng pagmumukha." Pagmamayabang niya sa akin.
"Ang feeling mo." Naiiling kong sabi at sumubo ng Pizza.
Napatigil ang kuwentuhan naming noong kumatok ang isang staff. "Milan may naghahanap sa iyo." After that, sumilip si Ianne sa pinto. My team mates greeted her.
"Ianne!" Tumigil ako sa pagkain at nagmamadaling lumapit sa kaniya. We both jumped as we are happy to see each other. "Kumusta ka?! Ang tagal na noong huling pagkikita natin!"
"Ito, okay naman, for the Baguio girl na ang lola mo." We both laughed. God, I missed Ianne! Napansin ko rin iyong tattoo niya sa kaniyang kanang braso. Dati ay maliit lang na tattoo ang tinry niya pero dumarami na ang tattoo niya ngayon. She also have an ear piercing that makes her cool actually. "Napanood ko ang paban ninyo kanina. Ang galing mo! Tinalo mo ang team na sinu-support ko pero ang galing ninyong dalawa ni Dion!"
Luckily, may staff na binigyan kami ng upuan para maayos kaming makapagkumustahan ni Ianne. "Akala ko ay matatagalan pa ang pagbaba mo kasi huli kong balita ay nakabili ka na ng condo doon."
"Iyon talaga dapat ang plano kasi busy ako na ayusin pa 'yong condo pero alam mo naman... may mga na-sign akong events these past months pa so kailangan kong bumaba. Anyways, gusto ko lang sana ibigay itong regalo ko sa inyo." Inabutan niya ako ng malaking paper bag. "It's for the whole Orient Crown. Goods and pasalubong from Baguio."
"Nag-abala ka pa!" I hugged her once again. "Si Sandro? Nagkausap na kayo ni Sandro?"
Umiling si Ianne. "No need. Paalis na rin naman na ako dahil baka gabihin ako sa biyahe. Nanood lang talaga ako ng match noong malaman kong makakatapat ninyo ang ALTERNATE." She explained.
"Akala ko pa naman ay si Sandro ang reason kung bakit ka nandito."
"Well, that is partly true." Napangiti ako sa sinabi ni Ianne. "But I am supporting the whole ALTERNATE for this Hunter Online tournament. Kasama si Sandro sa unfinish business ko rito sa Maynila. I mean, I promised to him that I will support ALTERNATE na siyang ginawa ko lang. You know, tinatapos ko na lahat nang naiwan ko rito para bagong simula na ako sa Baguio." Paliwanag niya sa akin.
She checked her wristwatch. "Sige na, magbu-book pa ako ng grab. Mahirap pa naman masabay sa rush hour." Tumayo na si Ianne.
"Sure ka? 'Di mo na kakausapin si Sandro?"
Umiling si Ianne. "Hindi na. Good luck sa tournament, Milan! In case na umakyat ka ng Baguio, call me, I will roam you around." Naglakad na siya papaalis.
Alam kong may nag-iba kay Ianne simula noong naghiwalay sila ni Sandro. She's more likely at loose. Mas buhay. I feel like mas mahal niya ang sarili niya ngayon dahil mas confident siya. Which also makes me happy.
Pabalik na sana ako sa designated room namin noong makasalubong ko si Sir Theo. "Milan, may post-match interview ka kasama si Juancho after all the matches today. Freshen up if needed." He reminded me.
"Noted, Sir." I answered.
"Congratulation ulit sa pag-advance sa next round. Masaya kami ni Russel para sa inyo." Napangiti ako dahil genuine na proud sa amin si Sir Theo.
"Thank you. Sa inyo rin po, congrats. Thank you rin po dahil pinagkatiwalaan ninyo kaming lahat. I know, marami sa amin ay tinanggal sa iba't ibang team o umalis sa mga dati naming team pero pinulot ninyo po kami. You made sure that this trash can be recycled to be good and useful." I explained.
"For the record, you guys are not trash." He assured to me at naglakad na. "May aasikasuhin lang ako. Kumain ka ng pizza sa backstage, ah." he said.
"Yes, Sir." sabi ko sa kaniya. Actually plano kong panoorin ang laban ng Black Dragon at Holy Guards. I want to observe kung ano nga ba ang mga tactics na ilalabas ng Black Dragon sa unang bahagi ng kumpetisyon.
As I walked towards the way papunta sa Upper box ng arena ay nakasalubong ko si Sandro na pawis na pawis. "Grabe, nag-exercise ka ba ng ganitong oras, father chicken?" Pabiro kong tanong.
"Have you seen Ianne? Ang sabi sa akin noong isang staff ay pumunta raw siya rito sa backstage." He keep checking our surrounding.
"U-Umalis na, kanina pa. Pero tingnan mo sa labas ng arena, baka naghihintay pa siya ng grab niya." I informed him.
"Thanks, Milan, you're my saviour." He ran towards the exit at napangiti ako. Okay, the chasing game between them started. Mukhang desidido nga talaga si Sandro na makuha ulit ang loob ni Ianne.
Nakatanggap ako ng chat mula kay Dion.
Dmitribels:
San ka? Bumili pa sina Sir Theo ng Ice cream.
Milan
Manonood lang ako ng match ng Black Dragon saglit tapos balik din ako agad diyan.
Tirhan ninyo ako ice cream pls
Dmitribels:
Di nag-aya amp. Anong flavor ititira?
Milan:
Sasaglit lang ako promise kasi titingnan ko din kung nandito pa sina Kuya.
Anong flavor nandiyan?
Dmitribels:
Strawberry, rocky road, double dutch.
Milan:
Strawberry pls. Saka pizza
Dmitribels:
Sige, ipag-sharon kita
Gamitin ko pala power bank natin, lobat me.
Milan:
Sureee
After that ay naghanap na ako ng magandang puwesto para makanood. De-hamak na mas maraming tao ngayon dito sa arena kaysa sa laban namin kanina. Well, this is the power of Black Dragon, ayoko man sa kayabangan nila ay marami naman talaga silang fans.
Ay I find a good seat ay may ilan mga audience ang nakakilala sa akin. Bad idea yata na lumabas ako na wala man lang mask or sumbrelo. May mga fans akong pinaunlakan na makapagpa-picture pero after that ay naghanap ako ng vacant seat sa tabi ng isang matanda.
"Good afternoon po, patabi po saglit." I informed him and focus on the match. I find it rare and cute that someone above 60 is watching the game. Ni-hindi ko nga sigurado kung nage-gets nila ang rule nitong match.
The old man chuckled. "Naglalaro ka rin ba netong nilalaro nila?" tanong niya sa akin habang itinururo ang LED tv kung saan makikita ang mga avatar na naglalaban sa loob ng Hunter Online.
"Opo player din po ako." I answered nicely. "Sino po pinanonood ninyo rito?"
"Apo ko." Awww. It was a sweet gesture. Bihira sa mga parents ang pumupunta mismo sa venue para panoorin ang mga anak nilang players na lumalaro. "Ayon siya oh," turo nito.
Sinundan ko nang tingin ang kaniyang itinuro– si Choji (Captain of Black Dragon). "Hindi ko naiintindihan kung paano sila napupunta sa ibang mundo ba 'yon? Pero natutuwa ako kapag nanalo sila Choji."
"Actually si Choji po ang captain nila diyan sa Black Dragon. Huwag po kayong mag-alala, marami pong nagmamahal sa apo ninyo." I explained to him. Totoo naman din dahil ang daming fans ng Black Dragon... toxic nga lang.
"Talaga ba? Nakakatuwa naman malaman." He watched the scene on the LED TV na punong-puni ng amusement. "Bakit sila tumatakbo?" He asked.
"They are escaping po dahil may pinaplanong ambush 'yong Holy Knights. Sinisigurado lang po nila na hindi sila mahuhulog sa patibong na ito para hindi sila malagasan ng member." I explained to him at napatango-tango ang matanda sa aking sinabi. "Kapag may hindi po kayo maintindihan ay puwede po kayong magtanong sa akin, I will try to explain it po."
"Naku, baka naiistorbo kita, hija. Katulad ka din nila na naglalaro ng ganiyan." paliwanag niya sa akin. "Hindi rin naman alam ni Choji na pumunta ako mag-isa para panoorin siya."
"Ha? Bakit po? Gusto ninyo po bang samahan ko kayo sa backstage mamaya para makausap ninyo siya? May access po ako." I informed him.
Umiling ang matanda. "Naku, hindi na. Gusto ko lang talaga makita ang apo ko dahil hindi siya nakakauwi noong mga nakaraang buwan. Ayos na ako na makita siya diyan." Kitang-kita ko sa mata ni Lolo na proud na proud siya sa narating ng apo niya.
I just hope na ganito lahat ang mga relatives ng mga professional players na sinusuportahan ang anak nila sa hilig at passion nila. Pero in reality, hindi talaga lahat ng magulang ay mage-gets ang mundo namin sa Hunter Online at may mga magulang din na ang tingin lang sa online games ay sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan.
We both watched the match at paminsan-minsan ay nagtatanong si Lolo sa mga nangyayari. Especially kapag medyo overwhelming sa dami ng fight scenes. Pero okay lang din naman dahil naipaliwanag ko sa kaniya ito in a way na maiintindihan niya.
"Once again, Black Dragon proved na hindi pa nawawala ang bangis ng isang dragon! They just won against Holy Guards!" Malakas na nagsigawan ang mga tao sa paligid, maging ako ay napapalakpak dahil maganda naman talaga ang performance na ipinakita ng Black Dragon.
Ang sabi ko ay sasaglit lang ako para manood ng match but I ended up watching everything. I mean, ganoon kaganda ang naging laban nila. I also want to commend Holy Guards dahil binigyan talaga nila ng magandang laban ang Black Deagon. Hindi sila na-intimidate o na-pressure na makatapat ang Season 3 champion in early part of the competition.
"Mananatiling nasa Upper Bracket ang Black Dragon at makakalaban nila ang PhantomKnights! It will be a good fight dahil champion at third placer from previous season ang maglalaban bukas na dapat abangan ng lahat!" Hanz announced and everyone clapped with anticipation.
Napatigil ako sa panonood noong may kumalabit sa likod ko– si Dion.
"Huy, nandiyan ka lang pala. 'Yong ice cream na hiningi mo, tunaw na." bungad niya sa akin habang natatawa. "Malapit na raw ang post-match interview ninyo kung kaya bumalik ka na raw sa designated room natin."
Oh god! Nawala sa isip ko ang bagay na iyon. Nagpaalam ako kay Lolo na mauuna na ako. I asked him again kung gusto niya sumama sa backstage pero tumanggi muli ito. I respected that decision, sino ba naman ako para magpumulit na kitain niya si Choji backstage.
Naglakad na kami muli ni Dion papasok sa backstage, although, medyo nahirapan kami sa dami nang nagpapa-picture sa kaniya pero okay lang din naman.
We are both aware na public figure din naman kaming dalawa at parte na talaga ng buhay namin na may makakakilala sa amin publicly. I don't have any grudge sa mga taong nagpapa-picture kay Dion puwera na lang sa mga nanghahablot dahil minsan ay nasusugatan kami sa mga kuko nila.
"Nag-chat sa akin si kuya na kumakain daw sila sa seas side. Sunod tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Sa akin okay lang din naman. Ewan ko lang kanila Coach, alam mo naman na sobeang tight ng schedule natin ngayon. Possible pa na Daredevils ang makatapat natin bukas." paliwanag niya sa akin. Wow, alam ko naman na one of this day ay makakalaban namin sina Thaddeus pero hindi ko naman in-expect na ganito kaaga namin sila makakatapat.
"Aw, isang linggong strict schedule lang naman 'to. Siguro ay sabihan ko na lang sina Kuya na hindi tayo makakasama. Medyo nakakakonsensiya nga lang dahil pumunta sila rito para mapanood tayo." I informed him. I do understand din naman dahil mahalaga ang practice sa ganitong panahon, after competition naman ay puwede akong bumawi dahil mahaba na ang magiging free time namin.
"Gusto mo ba sila talaga makasama?" Dion asked.
"Tight schedule tayo. Bawi na lang ako next time–"
"Kakausapin ko sina Coach. Sabihin ko na mag-grab na lang tayo pabalik ng bootcamp." sabi niya at tumakbo na paalis.
"Dion, hindi na kailangan!" sigaw ko.
He just waved his hand. Saglit akong napatigil sa paglalakad at nakatingin lang sa kaniya. Definitely he is the best boy.
Saglit lang akong pumunta sa designated room namin para mag-retouch. I just fixed my make up and make it as natural as possible. Matapos noon ay magkasama kami ni Juancho para humarap sa mga press na naririto sa arena.
Kasama namin ang ibang Captain at players sa mga nanalong team ngayong araw. Ang daming camera flash ang sumalubong sa amin. Honestly, ang sakit nito sa mata at medyo nakakahilo pero nasasanay na rin ako. Katabi ko sa kaliwa si Juancho habang sa kanan naman si Thaddeus na Captain ng Daredevils.
"Tinitingin mo?" he asked.
"Wala kang Tito jokes ngayon?" natatawa kong biro.
"Hindi ako nagjo-joke sa makakalaban namin bukas. Baka maging lucky charm pa sa inyo." pagmamayabang niya.
As we are completed ay nagsimula na rin mag-interview ang ilang miyembro ng press mula sa iba't ibang reporters from different channels. Of course, pinakamaraming tanongn sa Black Dragon dahil sila ang nanalo last season at mataas ang expectation sa kanila ng mga tao.
"This question is for Milan, it was a crucial fight against ALTERNATE kanina. Did you feel bad for Sandro dahil balita ko ay malapit mo silang kaibigan?" Tanong ng press from GMA.
Iniabot sa akin ni Choji ang mic. "Uhm, no, honestly." I answered. "Hindi naman sa confident kaming Orient Crown pero matagal na kaming nagkakausap ni Sandro na if ever magkatapat ang team namin ay bibigyan namin ng magandang laban ang isa't isa. And it happened, we gave our best earlier. At isa pa, this is still a competition, kahit kaibigan ko ang karamihan na nandito ay iisa ang goal ng bawat isa which is mauwi ang trophy para sa kanilang team."
"Are you not intimidated that you entered a war that full of men? Kasi kilala ka as the first female player sa professional league, biro nga nila, you are the Queen of Hunter Online." Follow-up question nito.
"Siyempre priveleged at naha-humble ako na ako ang unang female player na pumasok sa mundo ng Esport dito sa bansa natin. Pero wala naman din kasing mukha ang esports, lahat puwede maging professional player mapalalaki man, babae, or someone na member of LGBT community. As long as you have burning passion, you can stand against this men confidently." I answered, I really tried my best na hindi maging tunog mayabang.
Kakaiba pa naman ang mga headlines na lumalabas sa mga balita, madalas ay out of context kaya naba-bash ang isang public figure.
"That was a great answer and we are looking forward sa kung ano ang ipakikita pa ng Orient Crown bukas." Sunod na in-interview si Thaddeus. "Ikaw naman Thaddeus, are you nervous that you will up against the Orient Crown tomorrow?"
Diretsong tumingin si Thaddeus. "No. Our team came prepare for this season four tournament. Hindi kami kinakabahan sa kung sino ang makakatapat namin dahil ang goal namin ay maiuwi ang kampionato this season."
"So sa tingin mo ba ay makakaalis na kayo sa second place curse ng team ninyo?"
"I don't consider that being a second placer is a curse. It's still a good spot." Thaddeus and answered at saglit na nagkaroon ng dead-air pero nakabawi naman agad ang mga reporters.
"Ikaw, Milan, any message for Thaddeus? Mukhang confident si Thaddeus na matatalo nila kayo," sabi noong isa.
Typical press. Gagawin talaga nila ang lahat para lumabas sa bibig mo 'yong mga possible na gawing headlines nila. Pustahan, lalabas sa article nila bukas na mukhang naiinis ako sa Daredevils kahit hindi naman.
"Same as Thaddeus, we practiced for tournament kung kaya't pipilitin din namin na maipanalo ang laban bukas. Thaddeus and I were ambassador of the same phone brand so we knew each other. It will be an honor na makalaban siya sa pinakamalaking tournament dito sa Pilipinas." I answered.
Ilang minuto rin tumagal ang interview bago kami pinabalik sa backstage.
"Grabe mga tanong nila Cap, akala mo ay kathniel at Lizquen and ini-interview nila sa panggigisa, eh." natatawang sabi ni Juancho.
"Ganoon talaga, they are making sure na hindi mamamatay ang hype sa nangyayaring tournament." sagot ko.
Lumapit sa akin si Thaddeus at inilahad ang kaniyang kamay. "Good luck bukas. Give us a good match."
Inabot ko ang kaniyang kamay. "Good luck. Sisiguraduhin kong kakabahan ka na makalaban ang team namin." I answered and he smirked.
At this point of this tournament, mukhang oras na para ilabas ang alas na tinatago ng Orient Crown noon pa man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top