Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Happy holidays everyone! It's been 2 years since I started Hunter Online (wow napakabagal magsulat men!).
Thank you very much for staying.
NATATANDAAN ko pa noon noong unang beses kong mapanood ang Hunter Online. We are making our project sa Environmental Science at tutok na tutok sina Clyde sa panonood. At that moment ay naiisip ko lang ay anong hype ang mayroon sa game na iyon? I mean laro lang naman ang Hunter Online, bakit ang daming tao ang nakasubaybay?
Noon ay hindi ko pa gets ang inis kapag napapatay ang favorite player mo, ang tuwa kapag nananalo ang sinusuportahan mong team, at hindi ko gets kung bakit sinusundan nang publiko ang nangyayari sa esports.
Ilang buwan na ba ang lumipas? Heto ako ngayon, lumalaro sa pinakamalaking national competition ng Hunter Online sa bansa. Ngayong napasok na ako sa mundo ng Esports ay mas naintindihan ko na lahat ng hype na nakukuha ng laro. Naiintindihan ko nang hindi para sa mga walang pangarap ang Esports, bagkus ay dito ko pa nakilala ang mga taong punong-puno ng pangarap at gustong may marating pagdating sa paglalaro.
This is a place where I met the most awesome people. Mga taong tumatakbo para sa pangarap nila kahit ilang ulit na nadapa. Mga taong maraming isinakripisyo para sa kampionato. Mga taong patuloy lumalaro kahit walang nakukuhang suporta mula sa malalapit na tao sa kanila. It's funny because few months ago, tinatawanan ko lang ang larong ito... ngayon, I really want to hold the trophy at itaas ito sa harap ng libo-libong tao sa Pilipinas.
"Ano ang plano natin ngayon, Captain?" tanong sa akin ni ShadowChaser habang nakatago kami sa isang silid. Eventually ay makakaakyat na rito ang ilang members ng ALTERNATE at matutunton din nila ang lokasyon namin.
Mabilis akong nag-iisip ng plano. Sana nga lang ay magawa ni Callie na makapitas habang kami ang puntirya ng mga kalaban. It's a good opportunity na mas mapadali ang pagkapanalo naming sa labang ito.
We need to outsmart ALTERNATE.
Base sa mga karanasan ko sa mga nakaraang laban namin nila Sandro. Mahilig ang ALTERNATE na gamitin ang vital member nila as a bait para mahuli at mahawakan kami sa leeg. That was our mistake last Summer Cup.
I can see the pattern here. They are using Indominus para mahuli kaming dalawa ni ShadowChaser. One wrong move ay alam kong lalabas ang maraming members ng ALTERNATE para ma-eliminate kaming dalawa sa laro.
Kailangan naming ma-outsmart ang pressure na binibigay nila sa amin.
"Umakto ka na parang ako ang keyholder sa team. Protect me at all costs." Sabi ko kay ShadowChaser at pinakiramdaman ang buong paligid. Base sa mga yabag na naririnig ko ay parang anytime ay makakarating na ang ilang miyembro ng ALTERNATE dito. "Tipirin mo muna ang skill mo. I have plan pero kakailanganin natin ang tulong ng iba."
[Orient Crown] Shinobi: Vegas, can you go to a high place kung saan matatanaw mo 'yong Science building?
[Orient Crown] Vegas: Wait let me check the area.
[Orient Crown] Shinobi: Maliupet (Liu) Puwede bang mag-abang ka sa ibaba ng Science building?
[Orient Crown] Maliupet: Saan banda?
[Orient Crown] Shinobi: Right wing. Pangatlong bintana sa huli.
[Orient Crown] Vegas: Already in my position. Hati ang atensiyon ko, hindi ako makaka-focus sa inyo batang mayabang. Doble ingat kay Batang tamad.
[Orient Crown] Knightmare: Copy, matandang mayabang.
[Orient Crown] Vegas: Pakyu.
"Malapit na sila, Captain." Sabi sa akin ni ShadowChaser.
"Huwag ka mag-panic," I deeply breathed in to relax my body. "Mas mahihirapan tayong i-execute ang buong plano kung tensiyonado ka."
Mas lumakas ang yabag ng paa ang naririnig ko. Dalawa ang pinto ng tinataguan naming room at ang isa ay malapit sa hagdan papaakyat.
Naririnig na naming na isa-isang binubuksan ng ilang miyembro ng ALTERNATE ang mga pinto sa mga katabing room. "I-ready mo ang skill mo." Paalala ko kay ShadowChaser. "Cast your spell as soon as magbukas ang kahit anong dalawa sa mga pintuang 'yan. Also, be alert dahil pagka-cast mo ng skill ay tatakbo agad tayo papalabas dito."
We prepared ourselves sa gagawin naming pagtakas. As soon as we heard the door creaked ay mabilis na nagpakawala ng fire ball si ShadowChaser kahit hindi pa namin nakita kung sino ang akmang pumasok sa silid. "Nandito sila!" Sigaw nito.
I immediately grabbed ShadowChaser's hand at tumakbo kami papalabas.
Pagkalabas naming ay may ilang miyembro ng ALTERNATE ang nakaabang sa amin. Tama nga ang hinala ko, Sandro will do surprise attack in this building.
I mean, ang laking advantage kapag na-eliminate nila ako sa laro ngayong araw. I am the one who is commanding Orient Crown kung kaya't kapag na-eliminate nila ako sa laro ay mapapalitan ako ni Nodaichi sa pagko-command sa buong team.
Ilang palaso ng pana at bala ng baril ang bumubulusok tungo sa aming direksyon. Mabilis namin itong iniwasan at diretso lang sa pagtakbo. May ilang tumama sa akin at nabawasan ang aking health bar. I need to stick with my plan.
Sa bandang hagdan papaakyat ay humarang ang isang miyembro ng ALTERNATE.
[ALTERNATE] Kanabon
Level: 63
Class: Leviathan
It's holding a long scythe at hinaharangan ang daan papaakyat. "I got them!" sigaw nito.
"Sa likod lang kita, kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka." Paalala ko kay ShadowChaser.
"Copy, Captain."
Iniwasan ko pa ang ilang bala na bumubulusok sa aming direksiyon. I prepared my wakizashi sword to counter his attack.
Blade Spirit.
Nagkaroon ng liwanag ang sword ko and performed a powerful downward slash. Blade spirit triple my damage kung kaya't mahihirapan ang makakatapat ko na i-block ito.
Sinangga ito ni Kanabon. I smirked at mabilis itong sinipa. Tumama ang binti niya sa gilid ng hagdan at nawalan siya ng balanse. "Takbo!" sigaw ko kay ShadowChaser at mabilis kaming tumakbo paakyat.
Habang binababaybay ko ang daan paakyat ay tiningnan ko kung nasaang floor na kami. 11th floor na kami ng building. Tumakbo kami sa right side ng building. Nakasunod sa amin ang maraming miyembro ng ALTERNATE.
Dire-diretso lamang kami at sinigurado kong nasa posisyon kami—dead end. "Wala na tayong tatakbuhan, Captain." Sabi ni ShadowChaser sa akin.
"That's the plan." Sagot ko sa kaniya.
[Orient Crown] Shinobi: Vegas, standby.
"Ilang seconds cooldown ng burst mo?" tanong ko kay ShadowChaser.
"Fifteen seconds, Captain." Okay. I just need to buy time para lang maihanda niya ang skill niya.
Nasa harap ko si ShadowChaser and acted as he is protecting me habang naglalakad patungo sa direksyon namin ang tatlong miyembro ng ALTERNATE—including KnightRider (Sandro).
"Paano ba 'yan? Shinobi. Good game." Sabi niya sa akin. He is holding his sword while walking towards my direction.
"As expected, hindi mo hahayaan na gumala-gala si Indominus. Sabi ko na nga ba't parte pa rin ito ng plano mo." Sagot ko sa kaniya.
"Sinabi ko naman sa 'yo, gagawin ko ang lahat para lang manalo sa Hunter Online ngayong season. Gawin na nating mabilis 'to, Shinobi, sumuko na kayo." Paliwanag niya sa akin.
Natapos ko ang pagbibilang ko sa isip ko. Ready na ang skill ni ShadowChaser.
Naglakad papalapit si KnightRider. Few more steps.
I raised my hand as a sign of forfeit.
"Indominus, kill them already." Utos ni KnightRider. "Libre na lang kita, pagkatapos ng match."
"Noted." I answered.
[Orient Crown] Shinobi: Vegas, gumamit ka ng skill 10th floor, pang-anim na bintana from the right. Now.
As soon as I send the message to Vegas, isang mabilis na bala ang dumaan sa pagitan namin nila KnightRider. Nabasag ang salamin at kita ko na nabaling ang atensiyon nila rito ng ilang Segundo.
"ShadowChaser, use your skill now!" I shouted.
He blasted a fireball and it caught them off-guard. Mabilis akong tumakbo tungo sa direksyon nila KnightRider. Ang target ko ay si KnightRider pero mabilis na humarang si Indominus sa kaniya para maprotektahan ang Captain nila.
Phantom Blade.
I rapidly slashed forward na hindi nagawang maiwasan ni Indominus.
[ALTERNATE] Indominus was eliminated by [Orient Crown] Shinobi!
Matapos noong announcement ay mabilis akong tumalon papalabas sa bintana na binasag ni Vegas. I managed to escape sa mahirap na sitwasyon.
[Orient Crown] Vegas: Nice one, Milan.
[Orient Crown] Shinobi: Maliupet, tumingala ka, try to catch me.
[Orient Crown] Maliupet: Ay pota, late notice naman. Bumubulusok ka pababa!
I tried to head towards Maliupet direction.
"Captain!" He shouted at sa kaniya ako bumagsak. Naghati kaming dalawa sa damage.
That's the plan, ang makatakas sa sitwasyon na ginawa nila KnightRider. Napakaliit lang ng tiyansa na magsa-success ito but it's worth the shot though. I am here outside the Science Building. Isang rason din kung bakit pinapunta ko rito si Maliupet ay para talaga saluhin niya ako. Kung babagsak kasi ako mag-isa pababa rito ay paniguradong ubos ang buhay sa health bar ko. Pero dahil sinalo niya ako ay naghati kaming dalawa sa damage.
Pinagmasdan ko ang lugar na binagsakan ko. Jeez! Buti na lang talaga at lumaki akong hindi takot sa heights. Ang taas pala no'n!
[Orient Crown] ShadowChaser was eliminated by [ALTERNATE] KnightRider!
Magso-sorry na lang ako mamaya kay Juancho kasi ginamit ko siyang scapegoat para makaaalis sa situation. But I know he will understand it, at the end of the day, kapakanan pa rin ng team ang iniisip ko.
Uminom ako ng potion para ma-restore ang buhay ko. "Kailangan na natin umalis dito Captain!" sigaw ni Maliupet sa akin.
Saglit akong napatigil at napatingin sa building. "Milan, paniguradong hahabulin tayo nila KnightRider!" Maliupet said.
"Hindi tayo aalis."
"H-ha?" He confusely asked. "Nakaalis ka lang doon by luck. We need to regroup with the other members."
"No, this is the perfect time para makabawi kanila KnightRider. Nabihag natin ang ALTERNATE sa sarili nilang patibong." Nakangisi kong sabi sa kaniya.
"What do you mean?" Maliupet asked.
"Nasa loob ng science building ang karamihan ng ALTERNATE. Kung papasok tayo diyan ngayon. They don't have choice but to fight against us. Hindi sila makakatakas." paliwanag ko at napatango-tango si Maliupet noong na-gets ang gusto kong i-point out.
"Kung baga ay gagawin natin ang ginawa nila Larkin sa inyo." I smiled to him. Maliupet chuckled. "Iyak si Sandro neto.
[Orient Crown] Shinobi: Everyone! Head towards the Science building as soon as possible. Avoid clashing for the meantime. We should grab this opportunity na maubos sina KnightRider.
[Orient Crown] Vegas: Mukhang naisip mo ang tumatakbo sa isip ko.
Mabilis na dumating ang ibang members ng Orient Crown. I am reunited with them at tumakbo kami papaakyat ng Science Building.
Naiwan sa labas ng building sina Vegas, Maliupet, at Nodaichi para kung sakali mang may tumakas na members ng ALTERNATE sa pagtalon pababa ng building ay mabilis nila itong mapapatay.
"It will be a great idea kung pasabugin natin ang mga pillars nitong Science building para gumuho ito." sabi ni Rufus habang tumatakbo kami papaakyat.
"Hindi natin alam kung ano ang magiging epekto nito. Kasama natin si Skorpion sa loob ng building kapag pumalpak ang planong iyan ay magba-backfire sa atin iyon." Paliwanag ko kay Rufus. As we reached the fifth floor of the building. Akmang liliko ako sa isang pasilyo noong may bumubulusok na mage skill ang tumutungo sa aking direksyon.
Mabilis na kumilos si Rufus and used his shield to counter the attack. Mataas ang magic defense ni Rufus kung kaya't hindi ganoon kalaki ang naging bawas sa kaniyang Health bar. "Thank you."
He smiled and winked. "Ikaw pa, malakas ka sa akin."
"Harot ninyo, Captain." Singit ni Knightmare sa usapan namin.
Mabilis akong umiling. Okay, Milan, focus sa game. "We don't need to do risky moves anymore. We are on our advantage. Basta i-pressure lang natin sila na umakyat nang umakyat."
Lumabas na kami. Hinaharangan nang dalawang members ng ALTERNATE ang hagdan paakyat sa mas mataas na floor. Ibig sabihin nito ay wala sa kanilang dalawa ang key holder.
"Knightmare!" I shouted.
Nangungunang tumakbo si Knightmare. "Hinihintay ko lang ang go signal mo, Captain." he said. I am happy na natutunan ni Noah na makipag-coordinate sa amin knowing the fact na napakasaway niya as a solo player noon.
But I can't deny the fact that Noah is so good kapag siya ang mag-isang kumikilos. It is his playstyle. Nagmamadaling sumugod si Knightmare and used his skill. Mabilis na sumunod si Skorpion sa kaniya to end the enemy.
[ALTERNATE] Crimson was eliminated by [Orient Crown] Skorpion
[ALTERNATE] Madness was eliminated by [Orient Crown] Shinobi
"Akyat lang!" I shouted para hindi makatakas sina KnightRider.
"Ang dami na nating nae-eliminate sa ALTERNATE pero hindi pa rin natin nahahanap kung sino ang keyholder sa kanila." sabi ni Rufus habang papaakyat kami.
"Make sure to check each room dahil baka may members ang ALTERNATE na nagtatago." paalala ko sa kanila. Bigla kong naalala kung paano protektahan ni Indominus si KnightRider kanina, he is the core of their team pero willing siyang i-sarifice ang sarili niya for KnightRider.
I mean, oo malaki ang papel ni Sandro pero si Indominus ang strength ng ALTERNATE.
"Si Sandro ang keyholder nila." Bigla kong sinabi sa kanila. "Focus on their Captain kapag nakita natin sila." Paalala ko sa buong grupo.
"Yes Captain!" They shouted.
Pataas kami nang pataas ng floor at hindi namin nakita sina KnightRider.
[Orient Crown] Shinobi: Nodaichi, wala bang members ng ALTERNATE ang tumalon pababa ng building.
[Orient Crown] Nodaichi: Mayroon boss madam pero mabilis silang na-eliminate ni Vegas.
[Orient Crown] Vegas: Siyempre malakas ako.
[Orient Crown] Shinobi: How about KnightRider?
[Orient Crown] Vegas: Di ko pa nakikita. Nasa loob pa siya ng building sa hula ko.
We continued to run hanggang sa marating namin ang rooftop ng building. Nakatayo doon si Sandro malapit sa edge ng building.
"Sumuko ka na, KnightRider. Hawak namin ang laro." sabi ko sa kaniya sa pagitan nang aking paghinga. "Alam kong ikaw ang keyholder ng team ninyo."
KnightRider just smiled. "Nasira mo ang plano ko, Milan. Wow, hindi ko inaasahan na matatalo mo ako. I mean, you are a smart player pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang growth mo as a player."
Hindi namin ibinababa ang depensa namin dahil baka may surprise attack na mangyari. "Wala nang aatake sa inyo. Ako na lang ang natitirang buhay sa ALTERNATE." I checked the lost of players and his right. Hindi ko na napansin na si Sandro na lang pala ang kalaban namin sa sobrang focus namin sa laban.
Ibinababa ni Sandro ang kaniyang espada. Tumuntong siya sa munting pader ng rooftop. "I don't feel any regret dahil alam ko sa sarili ko na ibinigay ko ang lahat para sa labang ito. Nice game, Milan."
As Sandro stated that, nagpahulog siya sa building.
[ALTERNATE] KnightRider was eliminated in the game!
[ALTERNATE] KnightRider is the keyholder of ALTERNATE. Orient Crown won the game!
AS SOON as nag-logout kami sa game ay malakas na sigawan mula sa mga tao ang narinig namin sa arena. "Aabanse sa susunod na laban ang Orient Crown at mananatili sa Upper bracket ng competition! Meanwhile, it was a good game for ALTERNATE! They still have a chance to win the game kung kaya't huwag mawawalan nang pag-asa ang buong ALTERNATE fans. Babagsak lamang sila sa Lower bracket ng competition at hindi pa tanggal sa competition." Hanz announced.
Hindi ko na napigilan na maluha dahil nagawa naming matalo sina Sandro. We are still advancing for the next round. Hindi nasayang ang paghihirap namin para sa competition na ito.
Napatingin sa akin si Dion, he chuckled. "Bakit ka umiiyak?" Inangkla niya ang braso niya sa akin.
"Ang overwhelming lang sa pakiramdam." Sagot ko sa kaniya especially nakikita ko ang expressions ng ibang members ko. They are so happy and as a captain ay ang gandang view no'n.
"You did well, Captain." sabi ni Dion at ginulo ang buhok ko.
"You did well, best tank." Ganti ko sa kaniya.
Pumila kami kaharap ang ALTERNATE. Sandro smiled to me. "Huwag kayong malalaglag sa lower bracket agad. Babatukan ko kayo." Banta niya sa amin.
"Maraming salamat sa magandang laban!" We shouted in unison at nag-bow sa isa't isa.
Malakas na nagpalakpakan ang mga tao.
Napatingin ako kay Sandro and I don't see any regrets on his face like he gave his best shot. Maya-maya lamang ay napalitan ang ekspresyon ni Sandro at nakatingin sa iisang direksyon. Namuo ang luha sa kaniyang mata.
Napatingin ako kung saan siya nakatingin.
He is looking sa upper box ng arena... it's pretty far. "Oh my God." Napaluha ako at hindi ko inaasahan ang makikita ko– Ianne is standing there. May hawak siyang malaking banner na nakalagay: Go ALTERNATE! Go Roosters!
Nandito si Ianne! Naalala ko ang pag-uusap nila noong nasa San Rafael kami. This is part of their Alternate ending.
Nakatayo si Ianne sa malayo at sinusuportahan niya si Sandro. Sandro will find her sa kabila ng dami ng tao sa stadium. Their eyes will met. Ang kaso nga lang, talo sila Sandro sa labang ito.
But still, nakita ko kung gaano kasaya si Sandro. He raised his fist para makita ni Ianne. Ianne also raised her fist.
I can say... this is a good battle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top