Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Another deleted Chapter, will just reupload. I will continue the story once I am done retyping the deleted chapters. (Error ko, aksidente kong na-delete hehe)
UP UNTIL now ay nagugulat pa rin ako sa laki ng gaming community dittos a Pilipinas. Ngayong panahon na naman ng mga tournament, grabe ang ingay ng Hunter Online sa social media. May mga match replay na nagte-trending, may mga players na biglang nagba-viral na may caption na "Baka nasa player ang true love...", at grabe ang hype ng mga tao.
Well, nasaksihan ko naman siya during Summer Cup noong nasa Battle Cry pa kami nila Dion. Pero iba ngayon, this is the biggest tournament ng Hunter Online on National level. Kaninang umaga nga ay umulan ng chocolates, letters, bouquet of flowers sa boothcamp na padala ng mga fans at sponsors to support Orient Crown sa unang match naming ngayong araw.
I mean, nakakatuwa at nakakataba ng puso pero alam ninyo 'yon. Ang daming tao na sumusuporta sa amin kung kaya't ang bigat ng pressure.
Pagkarating naming sa backstage ay ramdam ko na agad ang bigat ng sitwasyon. Karamihan sa amin ay first time lalaro sa season four tournament. 'Yong mga may experience nga lang yata ang chill lang ngayon kagaya nitong si Callie na tinatadtad ng chat si Aisha na mag-reply sa kaniya at itong si Larkin na kanina pa nag-a-aral ng bagong sayaw sa Tiktok.
A staff entered in our room. "Your match against ALTERNATE will starts in an hour, please ready po!" sigaw nito sa amin.
Pumasok si Liu sa backstage na may mga dalang inumin. "Maraming tao sa labas?" tanong ko sa kaniya.
Inabutan niya ako ng tubig. "Hindi naman, kaunti lang ang nanonood ngayon. Sa finals pa 'yan bubugso." Paliwanag niya which is somehow nakapagpabawas ng kaba ko. Grabe din kasi ang dagdag kaba factor kapag puno ang arena, parang lahat sila ay may expectation sa play style na ipakikita mo. "Nasaan si Dion?"
"Ini-interview nila Hanz, ilalagay yata sa mini vlog sa Hunter Online page." Sagot ko. Kanina lang din ay ini-interview ako nila Hanz and God, same old Hanz! Ang daming tanong!
Habang naghihintay ako ay nakatanggap ako ng chat galing sa kuya ko.
London Kuyang buwisit:
Hoy manonood kami, baka umiyak ka, eh.
Penge ticket.
Mahal ng ticket ah! Free seating ba 'to? Gusto ko malapit kami para dinig trashtalk ko.
Hoy reply.
Player ka lang, kuya mo ko. Reply.
Reply.
Milan:
Ngayon ko lang nabuksan phone ko.
Nakapasok na kayo kuya? Sino kasama mo?
London Kuyang Buwisit:
Pasalamat ka nandito si Kuya Brooklyn. Libre niya. Kung di niya libre, mag-iikot na lang ako sa seaside bahala ka dyan.
Kasama naming 'yong barkada mong mga ungas. Nandito si Clyde na binusted mo.
Milan:
Si issue.
'Di ko binusted.
London Kuyang Buwisit:
Ay 'di nga pala umamin. Asarin ko nga.
Nandiyan Daredevils? Pa-picture kamo ako.
Milan:
May laro yata sila today. Punta na lang kayo backstage if ever.
London Kuyang Buwisit:
K.
Saglit akong lumabas ng room dahil ang ingay na nila sa designated room na animo'y nag-re-review sa papalapit na exam. They are reading the character description of each player of ALTERNATE kasi wala naman kaming idea kung sino ipapasok ni Sandro sa match ngayong araw. Tinry ko lokohin si Sandro via chat kagabi pero ang reply lang sa akin ng mokong ay Mag-break muna kayo ni Dion, sabihin ko sa 'yo line up namin. Para 'di lang ako nag-iisang sawi.
Sinasabi ko na nga ba, pang-front niya lang na naka-move on na siya sa bestie naming nasa Baguio. In fact, gusto niya pa rin si Ianne. Bakit ba ang kumplikado ng universe para sa kanilang dalawa? Super compatible naman nila! I know, maturity. Gusto na nilang mag-grow individually. Pero kasi! My Iandro heart will never sink!
Kapag talaga nakahanap si Ianne ng lokal sa Baguio at na-inlove ng bongga. Well, I will be happy for her (genuinely) pero Lord... kung wala pa kayong nahahanap for Ianne, puwede bang si Sandro na lang ulit?
Naglakad-lakad ako at pupunta sana ako malapit sa Main stage para sumilip kung nakarating na ang kapatid kong bugok noong makasalubong ko si Sandro.
"Ready ka na ba madurog?" He asked and chuckled.
"Hindi mo sure, baka biglang bumalik sa 'yo 'yang sinabi mo." Ganti ko sa kaniya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandro at nagtawanan. "Hindi talaga bagay sa atin ang nagta-trashtalk-an." Natatawang sabi ni Sandro. "Good luck sa inyo mamaya, bigyan ninyo kami ng magandang laban."
"Kayo man, give us a good fight. Mag-set tayo ng standard as the first match of this Season 4." Napatango-tango si Sandro.
"Uhm Milan..." Kumamot sa kaniyang ulo si Sandro. "May balita ka ba kung makakanood si..." he pressed his lips.
"Sino?" I asked.
"Si Ianne, manonood ba siya ng match ngayong araw?"
"Hindi ko lang alam. Do you want me to chat her? Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kaniya?" tanong ko kay Sandro.
"Naka-block ako." He answered honestly. "Huwag mo na palang tanungin, at huwag mong sasabihin na nagtanong ako kung hindi dudurugin talaga kita mamaya sa laban."
I smiled. Alam kong gusto pa ni Sandro si Ianne. Alam kong ayaw niya naman talaga makipag-break pero kinakailangan niya lang para sa team niya.
Sumandal ako sa pader. "Ano bang balak mo? Panay ka tanong kay Ianne, nakita mong nagmo-move on 'yong tao?"
"Wala!" Kumamot sa ulo si Sandro.
"Sure ka, wala? Kasi paano kung makahanap si Ianne ng someone sa Baguio, ang dami pa namang cutie sa Baguio." Ewan ko din sa Baguio, iba yata ang hangin nila doon. Ang dami kasing nakita ni Shannah na pogi doon na nireto sa akin dati noong nag-night market kami.
"Nakita mo naman, naka-block ako. Ibig sabihin ayaw niya na talaga sa akin."
"Of course, it's part of her healing. Pero after nitong tournament, sabi mo ay aalis ka na sa ALTERNATE. What's next?"
Saglit na natahimik si Sandro. "Baka may player na umakyat ng Baguio." Sagot niya sa akin. "Para manuyo."
Ako naman ang napangiti. OMG! Successful cupid na ba ako nito? Shannah is shaking!
Our conversation was interrupted noong may lumapit ng staff sa amin. "Standby na po tayo, malapit na po mag-start ang match. Pakisabi na rin po sa mga players ninyo na mag-ready."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandro at ngumiti siya sa akin. "May the best team win?" He asked.
As much as I want na umabanse kami parehas sa semifinals pero iisang team lang ang puwedeng umangat sa labang ito. "Good luck sa atin, Father Chicken." I said to him at nakipag-fist bump kay Sandro.
Matapos ang naging pag-uusap naming dalawa ay pumunta na ako sa standby area para sabihin sa team ko na maghanda na sila. Kinuha ko na rin sa bag ko 'yong nerve gear ko. Okay, hindi dapat ako kabahan dahil pinaghandaan namin ito.
"Nakita kita kausap mo si Sandro, ah." Sabi ni Dion sa akin at tinulungan akong dalahin ang nerve gear ko habang papunta kami sa gilid ng stage.
"Dapat ay lumapit ka para na-trashtalk mo rin si Sandro," natatawa kong sabi sa kaniya.
"Hindi na, pinabayaan ko na lang din kayo magkaroon ng Captain to captain talk. Alam kong medyo mabigat din sa 'yo ang laban na ito lalo na't si Sandro ang isa sa mga tumulong sa 'yo kung nasaan ka man ngayon."
"He's one of my mentor afterall. Manalo man o matalo ay pakiramdam ko naman ay magiging proud si Sandro." I explained to Dion.
Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang aking buhok ko. "Pero mas proud ako sa 'yo. Tinuruan ka lang niya pero ako ang naka-discover sa talent mo."
I sighed. "Ikaw ang nagpasok sa akin sa mundong ito, eh."
Pinagmasdan ko mula rito sa gilid ng stage ang mga ilaw, ang mga taong nanonood. This is definitely a world na hindi ko ine-expect na magiging involve ako at mae-enjoy ko. Growing up, tanging makinig ng podcasts, magbasa ng libro, at mag-aral lang naman ang ginagawa ko. Hassle siya sa dami nang ginagawa pero masaya.
"Patatagalin pa ba natin ang isa sa pinakaaabangang match ngayong araw, mag-ingay naman ang Royals at Roosters diyan!" Hanz shouted at may mga fans na sumigaw. "Magsisimula na ang laban ng ALTERNATE at Orient Crown!"
"Please welcome to our stage, the monster rookie of this season– Orient Crown!" Naglakad kami papaakyat. Kumaway ako sa mga nanonood. "Siyempre hindi naman magpapatalo ang ALTERNATE who is consistently part of our seasonal tournament!
Umakyat sina Sandro. Nagngitian kami at kinamayan sila. Hinypw pa ni Hanz ang mga nanonood bago pumuwesto sa kaniya-kaniya naming inclining chair para simulan ang laban.
Okay, Milan, let us prove that we can win this fight.
Sa iba't ibang parte kami nag-respawn kung kaya't wala akong idea kung nasaan ngayon si Skorpion (Genesis) but it's okay. Hindi naman ako ang responsible para magprotekta sa kaniya sa match na ito. Ang goal ko ay makapatay at hanapin ang possible na may hawak ng key sa ALTERNATE. I just hope that Knightmare (Noah) will be able to protect Skorpion na hindi napapansin ng kalaban.
Isang malaking university ang setup ng laban ngayon. May nakahandang tatlong map ang Hunter Online para sa tournament na ito at random ang gaganapan ng laban. Luckily na-familiarize naming ang isa't isa sa map na ito. Malaki ang area na ito na kada-course yata ay may kani-kaniyang building.
Nasa loob ako ng isang classroom na puro aparato at mga research equipments—mukhang Science Laboratory ito. Nagtago muna ako sa isang sulok para hindi ako madaling mapansin kung sakali mang may biglang pumasok dito sa silid na ito. I immediately let my teammates know my location.
[Orient Crown] Shinobi: Science lab second floor, Bandang gitna ng mapa. Skorpion and Knightmare, update sa location ninyo?
[Orient Crown] Knightmare: Papunta na sa location ni Bespren. May mga kalaban akong nakikita habang tumatakbo, should I attack?
[Orient Crown] Maliupet (Liu): Bobo huwag. Pa-main character ka na naman. Stick with the plan, unnecessary actions should not be prioritized.
[Orient Crown] Nodaichi (Larkin): Ay yabang English. Napapa-english ang Chinese Dzaddy sa 'yo. Stick with the plan.
[Orient Crown] Maliupet: Gagu.
[Orient Crown] Vegas (Callie): Already in position.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus (Dion), protektahan mo si Nodaichi, use him as a bait para isipin ng ALTERNATE na siya ang key holder. At the same time, huwag masyadong malaki ang distansiya ninyo kanila Skorpion para kung sakaling ma-gank sila ay mabilis kayong makaka-backup.
[Orient Crown] Rufus: Yes, Captain!
Umalis na ako sa pinagtataguan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto papalabas ng Science lab. Medyo mapuno sa bahagi na ito ng mapa kung kaya't madaming puwedeng pagtaguan. Advantage siya dahil mabilis akong makakapagtago at puwedeng disadvantage siya dahil baka may surprise attack palang nakahanda ang ALTERNATE na mahirapan akong mapansin.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng hallway. As soon as I confirm that this area is safe ay doon lang ako lumabas. Mahigpit ang hawak ko sa wakizashi sword ko kung sakali mang may biglaang clash ang mangyari.
Kailangan kong makaalis dito dahil bandang gitna ito ng mapa. Possble na dito mangyari ang mga biglaang clash. I used my first skill para mabilis na makapag-dash papaalis.
Dahan-dahan akong bumababa sa ibabang palapag. Lumingat ako sa kabilang pasilyo.
"Captain, tulong!" malakas na sigaw ang narinig ko. Tumatakbo tungo sa direksyon ko si ShadowChaser (Juancho) na bawasan ang buhay. Dalawang members ng ALTERNATE ang humahabol sa kaniya.
Si Indominus (Kiel) ang humahabol sa kaniya. Indominus class is Arch Ranger na kung saan may hawak itong malaking bow. Indominus is aiming to ShadowChaser na nasa dulong bahagi ng pasilyo. Mabagal man ang atake nang mga Arch Ranger pero mataas ang critical rate nito na kung saan kapag tinamaan si ShadowChaser ay either magiging malaki ang damage sa kaniyang health bar at ang masaklap ay maaga siyang mawawala sa laro.
Dahil nga nasa bandang hagdan ako, I immediately reach for his hand. Pilit inabot ito ni ShadowChaser, pinakawalan ni Indominus ang isang palaso na bumubulusok tungo sa direksyon ni ShadowChaser, ramdam ang hangin dahil sa bilis nang palaso, nakita ko rin nabasag ang mga bintanang nadadaanan nito.
Pilit inabot ni ShadowChaser ang kamay ko, noong makita kong patama na ang palaso sa kaniya ay humakbang na ako, pilit ko siyang iniabot at hinatak patago sa bandang hagdan.
He managed to dodge the arrow pero rinig naming dalawa ang malakas na pagsabog dahilsa pagtama nito sa pader. Nabalot ng makapal na usok ang kabilang direksyon at napapikit ako dahil parang mapupuwing ako ng mga debris ng nasirang pader.
Wala akong sinayang na oras hangga't makapal pa ang usok na bumabalot sa paligid. Hinatak ko si ShadowChaser para mabilis siyang makatayo. "Let's grab this opportunity hangga't makapal pa ang usok.
Tumakbo muli kami papaakyat. Ilang palapag ang itinaas naming bago kami naghanap ng room na mapagtataguan.
"Uminom ka na ng healing potion." Sabi ko kay ShadowChaser habang padungaw-dungaw ako sa labas upang bantayan ang lugar. Mabuti na lamang at hindi agad na-eliminate si ShadowChaser sa laban dahil mas lalo kaming mahihirapan. He is our mage kung kaya't kailangan naming ang mga damage ng skills niya para mas mabawasan naming ang kalaban. "Ilang minuto lang ay paniguradong nandito na rin sila Indominus. Don't let your guard down."
"Siya kaya ang key holder sa kabilang team?" tanong sa akin ni Juancho habang unti-unting nawawala ang mga sugat niya dahil sap ag-inom niya ng potion.
Umiling ako. "The fact na ang aggressive ng gameplay ni Indominus ay malaki ang tiyansa hindi siya ang key holder sa ALTERNATE. At isa pa, nakita ko rin na hindi naman siya pinoprotektahan ng kasama niya bagkus ay nakaalalay sa kaniya sa paggawa ng kill."
"Anong plano natin ngayon, Captain?" tanong niya sa akin
"It's either makaalis tayo dito o haharapin natin sila. Parehas tayong malambot, mabilis nila tayong mapipitas sa laban kung sakali. Pero ang advantage natin dito ay parehas masakit ang damage natin. Tamang timing lamang ay ma-e-eliminate natin sila sa laro."
"Should we do a risk play?" nakangising tanong sa akin ni Juancho.
"Gusto mo ba?" ganti kong tanong sa kaniya.
Hindi naman din kasi vital ang role namin sa labang ito.Our role basically is pumitas at mapitas. Si Genesis ang malaki ang papel sa labang ito. "Naku huwag mo akong hinahamon Captain. Laking bagay na ako ang unang makaka-kill ngayong season—"
"Shhh." Mabilis ko siyang pinatigil sa kaniyang sinasabi. Noong may marinig akong mga yabag ng paa sa itaas na floor namin. Palakas at palakas ang mga yabag na parang may tao sa itaas.
I heard the window creaks. "Yuko!" Malakas kong sigaw at pumagulong si ShadowChaser padapa dahil biglang sumulpot si Indominus na bumabagsak mula sa itaas na palapag. Nakatutok ang pana niya sa amin at nagpakawala ng ilang palaso.
May palasong tumama sa binti ko ngunit mabilis ko itong tinanggal. Kumuha ako sa inventory ko ng smoke bomb at hinagis sa paligid. Tinulungan ko si ShadowChaser na makatayo at tumakbo kami papasok sa ibang silid upang magtago.
Damn. Dito ko masasabi na matalinong kalaban si Sandro. Kino-corner niya kaming dalawa ni ShadowChaser sa mataas na building na ito. He is slowly eliminating us one-by-one. Kailangan naming mautakan si Sandro.
Hindi ako magpapatalo sa kaniya sa labang ito. Ipapakita ko sa kaniya na ang dating tinuturuan niya ay siyang tatalo sa kaniya ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top