Chapter 130: Key holder
This story is in Slow update status. You may read other stories while waiting for updates.
Follow me on my social media accounts:
Facebook: Reynald Hernandez
Twitter: Reynald_20
Instagram: Reynald_hrnndz
Tiktok: Reynald_john
"ANONG mas gusto mo rito sa airpod case? Itong spiderman or itong si Captain Levi?" tanong ko kay Dion noong nasa tindahan kami ng phone accessories. Katatapos lang nang opening sa MOA arena at binigyan kami ng 30 minutes para makapag-ikot saglit bago kami bumalik sa boothcamp.
Medyo strict sila Sir Theo sa time this time dahil na rin kailangan pa naming paghandaan ang nalalapit naming match laban sa ALTERNATE.
"Hmm..." pinagmasdan ni Dion ang dalawang case na ipinakita ko. "Parehas maganda, eh. Bilihin mo na lang kaya parehas?" He asked.
"Isa lang. Masasayang lang 'yong isa if ever." Kailangan ko lang naman tibayan ang case ng Airpods ko dahil baka hindi ito ang huling beses na maibalibag ko ito dahil sa inis ko sa Black Dragon. Ang tagal pa nang itatakbo nitong tournament at paniguradong ilang beses kami magtatagpo sa backstage.
Ewan ko ba sa members ng Black Dragon, kuhang-kuha nila ang inis ko.
"Spiderman na lang. Nothing beats Marvel." He wiggled his brows naglakad na ako papunta sa counter at nakasunod sa akin si Dion. "Bakit ba bumili ka ng bagong airpod case? Akala ko ba ayaw mo nang makapal na case para diyan kasi hindi na siya magiging handy at kain space lang?"
Baka maibalibag ko na naman sa inis.
"For a change. Ang cute kasi ng mga nakikita ko sa Tiktok na mga case." Hindi ko na ikinuwento kay Dion ang tungkol sa encounter ko kanina sa mga bench players ng Black Dragon dahil baka mainis lang din siya sa nangyari.
Maganda pa naman ang mga ipinapakitang laro ni Dion sa practice game lately. Ayokong putulin bigla ang momentum dahil lang sa inis ko sa Black Dragon. Mas mainam nang bumili ako ng bagong airpod case just to be prepared.
Nagbayad kami sa counter. "Puwede po bang humingi ng autograph? Ididikit ko lang po sa wall ng shop namin. Kung ayos lang po." Excited na sabi noong cashier.
Hindi talaga puwedeng tawagin na player LANG ang mga Esports player dahil public figure na rin kami na nakatutulong mag-promote ng ilang brands.
"Sure, no worries. May pen ka?" I asked at dali-dali naman kumuha si Kuya.
"Dapat may discount kami, ah." Biro ni Dion.
"Sige po! Manonood po ako ng laban ninyo bukas. Magsasara po ako." I signed the paper that he gave to us at maging si Dion ay pinapirma ko na rin. The cashier gave me the receipt at itinago ko ito sa bag ko.
"Naku, huwag na po kayo magsara. Sayang ang benta. You can watch it via livestream na lang po. Dalawin na lang po ulit namin kayo after the match." I assured to him. Naglakad na kami papalabas ni Dion.
Sakto na rin naman na nag-chat si Sir Theo na bumalik na kami sa bus para makabiyahe na kami papabalik sa boothcamp. We need to strategize our battle against ALTERNATE.
Maraming nagpa-picture kay Dion habang naglalakad kami. Dahil nga kasi tournament days na naman, nagre-surface na naman sa internet ang viral picture niya na "Cutie Player ng Nueva Ecija". Tawang-tawa kami nila Larkin noong makita iyon dahil ang bagets pa talaga ng hitsura ni Dion doon.
I mean pogi pa rin naman si Dion pero may mga nabago at nag-mature kasi sa facial features niya. Kagaya noong pagkawala ng baby fats niya sa kaniyang pisngi.
"Alam mo, you should eat more. Kailangan ko talagang makita 'yong baby fats sa pisngi mo." I pinched his cheeks at sinamaan lang ako ng tingin ni Dion.
"Tawang-tawa pa rin sa viral picture ko? Hanggang kailan mo kaya itutukso sa akin iyon." sabi niya at siya ang nagdala noong duffle bag (share kami ng gamit diyan), maliit na sling bag ko na kulay pink (regalo ni Shannah noong birthday ko), at noong pinamili namin na phone accessories kanina.
"Kasi ang cute mo doon. Kitang-kita sa mukha mo na rookie ka pa that time. At saka! It is something to be proud of! Sinasabihan ka sa social media kung gaano ka kaguwapo!" Hinawakan ko ang kaniyang kamay. We swayed it like a kid while we are walking.
Dumadaan kami sa outdoor na daan sa MOA, 'yong maraming kainan at napaliligiran ng mga streetlights. May ibang nagha-hi lang at thankful kami na wala na masyadong nagpa-picture dahil ubos na ang social battery namin sa maghapong event sa MOA Arena.
Habang naglalakad kami ay nakita pa namin si Noah at Genesis na kagagaling lang sa isang restaurant. "Bespren bilisan mo! Baka maunahan na naman ako ni Kuya Larkin sa magandang seats sa bus. Alam mo naman 'yon, pinalaking epal ng mga magulang niya." Hatak-hatak ni Noah si Genesis na wala man lang ka-energy-energy kahit kakakain lang nilang dalawa.
"Ang ingay mo." Matamlay na sabi ni Genesis.
Nakita kami ni Noah at mabilis ito g kumaway sa aming direksyon. "Uy, Cap! Saan kayo galing? Nag-date kayo?" Pag-uusisa niya at wala talaga siyang pakialam sa lakas ng boses niya kahit pa naririnig ito ng ibang tao. "Kumain kami diyan sa restaurant diyan. 'Di masarap. 'Yong barbecue nila ay mas matigas pa mukha ni Kuya Liu. Tapos 'yong Ice tea nila? Lasang tubig na may yelo lang sa sobrang tabang."
Piningot ko si Noah. "Tamang pintas ka rin, eh. Binasa mo ba 'yong information na sinend ko sa GC about ALTERNATE?"
"Ah... gusto mo Starbucks, Captain? Libre na kita." Pag-iiba niya ng usapan.
"Naku, Noah, sinasabi ko sa 'yo. Kailangan mabasa mo 'yon within the day." Banta ko sa kaniya at napakamot na lamang siya ng ulo. Alam ninyo 'yong gusto ko kay Noah lately, tinatawag niya nang mga "kuya" 'yong mga players na nakatatanda sa kaniya. That's an improvement lalo na't ang free spirit ng personality ng batang ito.
Naglakad na kami patungo sa bus at sumakay. "Hoy Kuya Larkin! Puwesto ko 'yan, eh! Ako nakaupo diyan noong papunta, eh!" reklamo ni Noah.
"Ha? Hanapin mo pake ko." Pambabara ni Larkin. Napangiti ako at napailing. "Doon ka na sa likod, nauna na ako rito. Tabi kayo ng bestfriend mong hindi nabigyan ni Lord ng energy."
"Epal. Mukha kang sisiw sa perya sa kulay ng buhok mo." Reklamo ni Noah at naglakad papunta sa vacant seat sa likod.
"Anong sinabi mo? Batang kulang sa aruga?!" ganti ni Larkin.
"Tama na kayo." Pumuwesto ako sa bandang harap at tumabi sa akin si Dion. "Ang focus-an dapat natin ngayon ay ang match na mangyayari bukas."
Pumasok si Sir Theo kasunod si Coach Russel. "Nandito na ba ang lahat?" He asked while scanning the whole bus.
"Sila Robi wala pa." sagot ni Callie.
"Pakitawagan na sila Robi. Maggagabi na kamo, maaga pa ang laban natin bukas." Bilin ni Coach sa amin.
"Yes, Coach." sagot ni Dion at siya ang nag-chat sa gc namin.
Ilang minuto lang ay dumating na sina Robi kasama si Liu. Sumakay pala sila sa Anchors away sa seaside. Tinagalan daw noong operator noong marinig ang sigaw ni Pekeng chinese. "Hayop na operator 'yon, muntik ko nang makita gate ng langit sa taas."
"Weh? Sure ka bang sa langit ka?" Tanong ni Noah sa kaniya na nasa bandang likod.
"What if may itapon akong batang player sa gitna ng EDSA?" Ganti ni Liu kung kaya't natawa kaming lahat.
Nasa tabi ko si Dion and he is reading information about Kiel– ang child prodigy under ALTERNATE. He is like the hidden weapon of ALTERNATE dahil ilang small matches din ang sinalihan nito at si Sandro mismo ang nagtuturo sa kaniya. "Malinis lumaro si Kiel, sa ilang matches na pinanood ko, hindi ko siya nakitaan ng error."
"Kalkulado ni Kiel ang cooldown ng mga skill niya. Alam niya kung kailan papasok at kung kailan siya dapat tumakas sa mga delikdong sitwasyon." Paliwanag ko kay Dion habang pinagmamasdan ko ang malaking globe ng MOA noong madaanan namin ito. "Of course hindi lang naman dapat si Kiel ang pagtuunan natin ng pansin lahat. Ang buong ALTERNATE ay nag-step up ng laro, they will protect Kiel no matter what happen. At isa pa, huling laro na ni Sandro ito, they will make sure na mauuwi nila ang trophy bago mag-retire si Sandro as player."
"Ibig sabihin lang nito na isa pa rin ang ALTERNATE sa pinakamatinding kalaban natin." Dion said at napatango ako sa kanya. "Kung iisipin pala natin, hindi pa pala tayo nanalo laban sa ALTERNATE."
Sa small competition na nilaruan nila Dion sa Robinson Malolos, ALTERNATE ang nanalo. Kahit noong Summer Cup ay second place ang ALTERNATE. They are also consistently part of Hunter Online tournament every season. They are like imaginary wall na pinipigilan kami.
"They are our friends but at the same time, they are our enemy sa Hunter Online world." sabi ko kay Dion.
"Alam mo, hindi rin naman gusto ni Sandro na ibutata kayo lagi noong nasa Battle Cry kayo." Biglang sumingit si Larkin na nasa kabilang side lamang ng inuupuan namin. "Hindi selfish na leader si Sandro. Kung ano ang pangarap niya sa ALTERNATE ay ganoon din sa Battle Cry at sa ibang mga kaibigan niya. He also hate the idea kapag nagkakatapat tayo noon."
Napangiti ako dahil ganoon ngang klaseng tao si Sandro. Lagi siyang may pake sa pahat na tipong isinuko niya ang taong pinakamamahal niya para sa pangarap ng buong ALTERNATE.
"I know, pero hindi rin dapat tayo maging easy lang sa ALTERNATE just because they are our friends. Hindi lang sila ang naghahangad ng kampionato; tayo man." I answered to Larkin and he nodded. "Lalo ngayon na iba na ang rules kada-match sa game sa tournament."
"It's not a new rule though," Callie clicked his tongue. "Sadyang maraming bagong players ngayong season na ngayon pa lang mararanasan ang magkaroon ng Key holder sa tournament. We should grab that opportunity to advance hangga't nangangapa pa ang karamihan sa mga players." Dugtong niya pa.
Nakikita ko si Callie as mayabang person (lagi naman) pero kapag tournament days. May side si Callie na doon mo lamang makikita. He is determined to win, focus siya sa mga laro, he watch every match of the opponent just to understand their play style. Kaya kapag sinasabi ni Callie na gusto niyang lumaro internationally, he really mean it. Hindi lang din siya puro salita dahil may mga bagay siyang ginagawa to achieve that goal... mayabang nga lang.
"Ikaw, Milan, sa tingin mo ba ay magagawa mo ito?" Dion asked to me.
***
MAAGA pa lamang ay umalis na agad kami sa boothcamp nina Sir Theo at Coach Russel para um-attend sa meeting tungkol sa magaganap na season four tournament. Sabi naman nila Coach ay hindi naman required na sumama ako pero gusto ko marinig first-hand ang mga rules dahil mas natatandaan ko ito.
Also, para kung sakaling may tanong ako ay mabilis ding masasagot kapag kasama ako. First time ko magpa-participate sa Season four tournament kung kaya't may ibang information na medyo vague sa isip ko. Ipinapaliwanag naman siya ni Larkin sa akin... pero sa pagmumukha ni Larkin ay hindi ko sure kung seryoso siya o ginagago niya lang ako sa mga information na pini-feed niya sa akin.
Pagkarating namin sa meeting room ay nandito rin ang ibang team captain kagaya ni Sandro (ALTERNATE), Louise (Holy Knights), at Choji (Black Dragon).
"Kanina pa kayo?" tanong ko at tumabi ako kay Sandro dahil siya ang pinaka kilala ko rito sa meeting room. "Wala si Thaddeus?"
"Congrats sa commercial ninyo. Angas." Natatawang sabi ni Sandro.
"Subukan mong gayahin 'yong line ko, iba-block talaga kita sa lahat ng social media ko tapos tayawagan ko si Ianne, ipapakausap kita." Banta ko sa kaniya.
"Awit, nagmo-move on 'yong tao, eh. Wala si Thaddeus, nasa team building 'yong team niya sa Batangas. Sanaol, nasa beach." Pumangalumbaba si Sandro.
Naputol 'yong usapan namin noong pumasok na ang ilang taga-comittee sa mangyayaring tournament. "Sorry we are late, may mga details lang kaming dapat i-finalize berore discussing it with you guys." Kinamayan kami ni Mr. De Jesus (his name) at kasunod niya si Sir Raydin. Partner kasi ang Stargame to promote the tournament.
"It's okay, hindi rin naman kami ganoon katagal dito," sagot ng coach sa Black Dragon. "Can you guys make it quick? May schedule pa na practice si Choji and they have an event to attend mamayang gabi.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sandro. How rude.
"Yes we will make it quick." Sagot ni Mr. De Jesus. "I know you guys are busy with the preparation–"
"No. Mr. De Jesus, discuss it in full details." sagot ni Sir Raydin at siya ang umupo sa swivel chair sa gitna. "Kung nagmamadali kayo, the door is wide open. We will send the meeting minutes to your email and PDF copy of the rules so that you will be inform."
Tumingin sa magkabilang sides si Sir Raydin. "Don't make unnecessary requests just because your team managed to enter in Season four tournament."
Napatahimik kaming lahat at maging ang coach nitong Black Dragon ay napatahimik na lamang din.
Grabe! hindi ganoon kalaki ang age gap namin ni Sir Raydin pero nakaka-amaze 'yong authority na mayroon siya. He is kind outside work pero kapag trabaho... business is business. Talagang professional mode siya. "Cherry, can you distribute the handouts to them?"
"Yes Sir." sagot ni Cherry.
Isa-isa kaming nagkaroon ng handouts na siyang ita-tackle namin sa meeting. May inihandang powerpoint presentation si Mr. De Jesus para mas ma-visualize namin ang magiging ganap sa tournament.
We are informed that this will be a double-elimination tournament (same as Summer Cup, may upper bracket and lowet bracket). It just mean na kapag ang isang team ay may dalawang talo, they are eliminated with the competition.
"Just like the season three tournament, isa sa mga lalarong players ang magiging key holder. Hindi na ito katulad ng mga nilalaro ninyo sa small competition na kung saan kailangan ninyong patayin ang lahat ng members ng kabilang team para manalo. Dito, kapag napatay ninyo ang key hilder, you will win." Paliwanag ni Sir De Jesus sa amin.
My brows crunched. Napatingin si Sandro sa akin at natawa. "Are you able to watched the season 3 torunament?" He asked.
"Oo pero hindi ko pa gets ang rule that time. Nanonood lang ako habang gumagawa kami ng project sa isang subject." Paliwanag ko.
"Basically, before the start match you will assign one of your participating players na siyang magiging key holder," Itinuro niya 'yong image noong key na naka-show sa powerpoint. "The whole team need to protect the Key holder. Kasi kapag namatay ang key holder kahit ang dami ninyo pang buhay sa team ay mananalo pa rin ang kabilang team. Ganoon lang."
Napatango-tango ako sa paliwanag ni Sandro.
***
PAGDATING namin sa Boothcamp ay kinausap muna kami ni Sir Theo sa may sala. "Kayo na ang bahala magplano kung paano ang magiging strategy ninyo bukas. Makikinig lang kami ni Russel sa inyo. In case na tagilid, doon lang kami magsasalita at kapag kailangan ninyo lang ang input namin."
Nilaro-laro ko ang small pillow at tumabi muna ako kay Callie at Larkin dahil sila ang madalas kapalitan ko ng ideas sa mga match. "Another team, another day na naman sa pagbubuhat sa Callie and friends." Pagmamayabang ni Callie at hinampas ko sa mukha niya ang throw pillow. Buwisit talaga kahit kailan.
As the Captain, ako na ang nag-initiate ng conversation sa kung paano ang magiging tactics namin para bukas. "Kailangan nating siguraduhin na ang key holder ay 'yong kaya tumagal sa paban at alisto sa paligid niya. Hindi tayo puwedeng maging complacent dahil lang may upper at lower bracket ang tournament na ito. Huwag tayong, okay lang matalo, may chance pa naman mindset." I explained to them.
Ayoko talagang malaglag agad kami sa lower bracket dahil gusto ko talaga ipakita sa dalawang bangko ng Black Dragon na may ibubuga kami sa tournament na ito. Gusto kong maramdaman nila na kaming Orient Crown ang biggest threat sa kanila.
"Callie can survive."
"No," Tutol ko. "He is too obvious kung siya ang gagawin nating key holder sa tournament bukas. Hindi na core-dependent ang mangyayaring laban bukas."
"Tama, ako naman buhatin ninyo." Sabi ni Callie. "But kidding aside, tama si Milan. As the core, malambot lang ako at madaling mapipitas. Masakit din ang damage ko kung kaya't paniguradong uunahin nila akong i-eliminate sa game."
"What if si Dion?" tanong ni Larkin. "Tank siya, makunat. Kaya niyang tumagal sa labanan,"
"Mabilis nilang mararamdaman kapag bigla nating pinrotektahan ang tank. Delikado." I answered. "We must give it to least expected na magkakaroon ng malaking papel sa laban."
"Si Genesis." Suggestion ni Callie. "I mean, mabilis din naman siyang mag-isip kagaya ni Milan. Hindi rin siya parte ng mga clash madalas. Hindi rin nila iisipin na nasa kaniya ang key dahil nandiyan si Milan na mas may malaking papel."
We all looked to Genesis and he just boredly blinked his eyes. "Kaya mo?" Tanong ko kay Genesis.
"Walang problema sa akin." He answered and yawn. "May experience na rin naman ako na ipasok sa tournament noong nasa dati ko pang team ako. I can handle the pressure."
"Ayan ang bestfriend ko!" Hinampas ni Noah ang likod nito. "Sorry."
"Ako ang magiging decoy para magmukhang nasa akin ang key." Sagot ko sa kanila. "Dion and Liu must act that they will protect me."
"Kung nasa sa 'yo ang tank, sino ang poprotekta kau Genesis?" tanong ni Larkin sa akin.
"Si Noah."
May tiwala ako sa dalawang iyan. Ilang beses na nilang pinatunayan sa akin na maganda ang team work nila kahit pa self-proclaimed si Noah na bestfriend daw siya ni Genesis. Alam nila ang galawan ng isa't isa pagdating sa laro.
"Good. Noah, make it as subtle as possible." sabi ni Sir Theo.
"Yes, Sir!" Sagot ni Noah. "Pero ano po ibig sabihin ng subtle?"
I sighed. "Huwag mong ipahalata na pinoprotektahan mo si Genesis." Paliwanag ko.
"Ay okay. Kaya ko 'yan." Pagmamayabang niya.
"Siguraduhin mo batang may yabang," tawag ni Callie sa kaniya. "Masyadong maraming tao ang manonood bukas at baka ma-overwhelm ka na naman. Nasisira ang laro mo kapag sobrang kinakabahan ka."
"Oo, ikukundisyon ko ang sarili ko matandang may yabang." Sagot ni Noah sa kaniya.
"Also Callie, it will be much safer kung babantayan mo sila sa malayo. Para kung maipit man sila sa match ay may damage-dealer na kayang pumasok." sabi ni Coach Russel sa amin.
"Yes, Coach." Callie answered.
So far, satisfied ako sa naging plano namin. Pero hindi tanga si Sandro, kailangan maging maingat kami dahil ni-minsan... sa buong career ko sa Hunter Online ay hindi ko pa natalo si Sandro.
"Meeting adjourned." I announced at mabilis naman silang tumayo. "Please sleep before 11pm, make sure na nasa best condition kayo. Also, basahin ninyo 'yong pdf na ginawa ni Larkin tungkol sa playstyle ng ALTERNATE. Kahit 'yong mga bench players ay basahin pa rin dahil anytime ay puwede kayong ipasok sa match. Maliwanag ba?"
"Yes, Captain!" They answered.
Tomorrow, it will be us against our biggest wall– ALTERNATE.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top