Chapter 13: Scout her

ILANG minuto na rin kaming magkausap nitong si Dion sa security office. And honestly, ayoko naman din umabot sa point magba-baranggay-an pa kaming dalawa dahil sa issue. Wala naman DAW siyang nakita and aksidente ang lahat ng nangyari.

Okay, may kasalanan din naman ako dahil nakalimutan kong mag-lock ng cubicle aa fitting room. So hindi ko rin siya 100% na masisisi.

"Puwede na po ba kaming umalis?" Tanong noong lalaki na mestizo na kaibigan yata ni Dion. "Mapapagalitan na kami ni Coach kapag hindi kami nakabalik ng Maynila ngayon."

"Hey," napatingin ako kay Dion habang kumakamot siya sa kanyang batok. Mukhang hiyang-hiya talaga siya sa nangyari. "Sure kang okay ka lang? Puwede ko talagang bayaran 'yong mga dress para makabawi ma-"

"No. No. Okay lang talaga 'tong si Milan," Si Shannah ang sumagot at may malaking ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Dion. Seriously? She's mesmerized with him? "Puwedeng magpa-picture?"

"Sure." Sagot noong kaibigan ni Dion habang nakangiti.

"Hindi sa 'yo, sa kanya." Itinuro ni Shannah si Dion at sapilitang iniabot sa akin ang cellphone niya. "'Te, picture-an mo ako. Fan ako ni Dion, nanonood ako ng livestream niya."

Apparently, professional e-sport players pala 'tong dalawang kaharap namin. They are from Battle Cry daw sabi ni Shannah. I mean, ano naman gagawin ng mga Pro players dito?

Bagot kong kinuha ang cellphone ni Shannah at pinicture-an silang dalawa ni Dion. Wala na akong pakialam sa quality at pindot lang ako nang pindot. Nayayamot talaga ako kaharap ang lalaking ito.

"Ikaw, Shinobi, hindi ka ba magpapa-picture kay Dion?" Tanong noong lalaking kasama niya.

"Hindi." Mabilis kong sagot habang tinitingnan ang kuko ko, nagasgas pa yata sa may table 'tong kuko ko. Napatigil ako sa kung ano ang itinawag niya sa akin. "How did you guys find out na ako si Shinobi?!"

"Sa website? I checked your player information sa website and nakita ko 'yong gmail mo na naka-connect sa account." Paliwanag noong lalaki. "By the way, I am Oliver. Oli na lang."

Parang maling desisyon na totoong gmail ko ang cinonnect ko sa nerve gear ni Kuya. Ang creepy lang noong nakilala niya ako dahil ini-stalk niya ako sa gmail, or sa facebook!

"Sabi ko sa 'yo, sikat ka na, Bakla!" Tinunggo ni Shannah ang balikat ko.

"Alam ko ang awkward ng meeting na 'to pero ako si Dion and ang IGN ko sa Hunter Online ay Rufus. We met before-"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya noong biglang bumukas ang pinto ng security office at pawis na pawis ang mukha ni Clyde na pumasok. "Milan, okay ka lang?" He asked.

Tiningnan ko si Shannah and she zipped her mouth. Mukhang sinabi na naman niya kay Clyde ang tungkol dito. Nakakahiya kay Clyde, ilang beses ko na siyang napeperwisyo.

"Yeah, I am fine." I answered and smiled. "We settled things already. Paalis na rin kami." Kinuha ko ang wallet at cellphone kong nakapatong sa table.

Hinatak ko na silang dalawa papalabas. "T-Teka, Milan, wala pa akong autograph!" Mahinang bulong ni Shannah.

"Ako na lang pipirma sa notebook mo." Bulong ko rin at lumabas na nang security office.

Pagkaalis namin ay pumunta na lang kami sa food court ng mall para kumain. Si Shannah ang pumila para bumili ng pagkain dahil may ipapatikim daw siya sa amin na masarap na pagkain na recently niya lang natikman.

"Sure kang okay ka lang?" Tanong ni Clyde at naglapag ng mineral water sa lamesa.

"Salamat." Kinuha ko ito at sinubukan tanggaling 'yong cap pero hindi ko magawa dahil madulas ang kamay ko. Inagaw sa akin ni Clyde ang mineral water at walang kahirap-hirap niya itong nabuksan at iniabot muli sa akin. "Salamat ulit."

"Okay sikat siya, pero maling 'yong ginawa niyang pagbukas sa cubicle ng fitting room." Reklamo ni Clyde.

"Kasalanan ko rin naman, okay na. We had a talk already. We settled things already. Huwag na umabot sa point na gagawa pa kami ng eksena dahil doon," kuwento ko at iniabot sa kanya ang tubig ay siya naman ang uminom dito. Sa barkada namin, we don't mind sharing water bottle sa isa't isa. Sa tuwing nagdadala nga ako ng tumbler sa school ang tatlong kulokoy lang ang nakakaubos ng laman nito, eh. "Huwag mo nang sasabihin kanila Kuya 'yong tungkol dito."

He looked at me. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko. "Please. Kilala mo naman 'yong dalawang 'yon, lalo na si Kuya London... Napaka-OA ng reaksyon no'n."

He sighed. "Oo na, pero next time mag-lock ka na ng cubicle sa fitting room. Ayokong nababastos kayo ni Shannah. Wala akong pakialam kung players pa sila, untog ko pa sila sa muscle ko, eh."

"Muscles?" I asked and making face na parang hindi naniniwala.

"Ay, gago pala 'to. Nagwo-workout na ako." Natawa ako sa sinabi ni Clyde.

Dumating si Shannah dala ang mga in-order niya niya. "Kain na tayo. In-order kita ng Pineapple juice, Clyde. Pampawala ng high blood. Galit ka agad pagkarating mo sa Security office kanina, bakla ka ng taon."

Clyde chuckled. "Salamat sa libreng pineapple juice."

Clyde, Trace, and Tomy are used na tinatawag silang bakla, 'te, mamsh, girl ni Shannah. That's how Shannah addressed other people, although, may ibang lalaki na nagagalit sa kanya dahil doon pero wala lang sa kanya.

Kumain kami ng in-order ni Shannah and it was good.

"Hoy, Milan!" Reklamo ni Shannah habang nakatingin sa cellphone niya. "Blurred lahat ng kuha mo! Wala man lang instagrammable!"

"Pangit camera mo." Sagot ko.

"Excuse me?! Nahiya ang iPhone X ko sa 'yo. Kapag walang skills sa pag-picture, pikit na lang." She rolled her eyes at napatawa ako.

"Pero ano kayang ginagawa ng dalawang Battle Cry dito?" Tanong ko sa aking sarili na narinig nilang dalawa.

"Baka malapit lang ang booth camp nila dito?" Hindi sure na sagot ni Shannah.

"Kahit na." Clyde seriously said. "Malapit na ang summer cup pero nagagawa nilang gumala-gala sa mall. No wonder, kung bakit hindi sila nananalo sa competition."

"Basher." Umirap ulit si Shannah. "Pero ang guwapo sa personal ni Dion. I mean, ang tangos na ng ilong niya sa mga pictures at sa livestream pero iba pala sa personal. Tapos ang kinis! May derma bang sponsor ang Battle Cry? Wala yata silang mga pores!"

"Lahat ng tao may pores, kaya lang naman lumalaki ang pores ng ibang tao dahil sa dirt-" napatigil ako sa pagpapaliwanag noong nakatingin na sa akin si Shannah at Clyde sa akin. "What?"

"Sarap mong sabunutan sa mga facts mo." Sabi ni Shannah.

After naming kumain ay hinatid na rin kami ni Clyde sa bahay namin. Nahiya nga ako kay Clyde dahil siya ang nagbitbit ng mga pinamili namin ni Shannah. Si Shannah kasi nag-grocery pa dahil nag-send ng listahan si Tita Marites sa kanya. Naawa ako kay Clyde kasi ang bigay ng mga dala niya pero hindi man lang siya nagreklamo.

"Clyde, thank you sa paghatid." Sabi ko habang nakatayo sa tapat ng gate ng bahay. "Sagot ko ang pang-gas next time para makabawi man lang."

"Huwag na, baliw." Dumungaw siya sa bintana at tumingin sa akin. "Sige na, pumasok ka na. Baka isumbong ko pa sa mga kuya mo 'yong nangyari kanina."

"Friendship over kapag ginawa mo 'yan! Ingat ka sa pag-drive, chat ka na lang din kapag nakauwi ka na." I waved my hand at binuksan ang gate ng bahay. Bumusina siya ng ilang beses bago niya pinaandar ang kotse niya papalabas ng village.

Pumasok ako sa loob ng bahay dala ang pinamili ko. Nagulat pa ako noong makita ko si Kuya London na nakatayo sa harap ng bintana. Lumingon siya sa akin.

"Huy, Milan, ngiting-ngiti, ah."

"Issue." I rolled my eyes.

"Sumbong kita kay Dad pagkauwi no'n. Tawa muna, iyak later." He chuckled.

"Magjowa ka na nga ulit! Ang pakialamero mo sa buhay ko, Kuya." Reklamo ko at hinampas siya sa braso.

"Mag-ayos ka na raw ng gamit mo para sa pag-alis. Maaga daw tayong aalis kasi sampung oras daw yata biyahe papuntang Ilocos. Sa Vigan muna daw tayo for a day tsaka ulit tayo babiyahe papuntang Pagudpud. Huwag kang magdala ng nerve gear, family bonding 'to. Para mabawasan stress nila Mom at Dad." Bilin at paalala sa akin ni Kuya London at um-oo naman ako.

Excited na ako sa bakasyon na 'to!

***

DION

"SAAN kayong nakarating na dalawa?" Tanong ni Coach Robert pagka-park pa lang namin ng kotse sa Booth camp. "Hindi kayo um-attend ng practice."

"Pinaayos namin 'yong laptop ko, Coach." Sagot ni Oli.

Pinukpok ni Coach Robert ng meter stick sa ulo si Oli. "Coach! Aray ko!"

"'Yong laptop mo nakapatong sa kitchen. Doon mo iniwan bago ka umalis. Gagawin mo pa akong tanga." Paliwanag ni Coach Robert. "Dion, saan kayo galing?"

"Sa Bulacan, Coach." Sagot ko. "Nagpumilit si Oli na puntahan daw namin si Shinobi."

"Putang-" hinampas ulit siya ni Coach ng meter stick. "Coach! Idea ni Dion 'yon! Mas mukha bang katiwa-tiwala si Dion kaysa sa akin?"

"Oo." Sagot ni Coach Robert sa kanya. "Additional two hours kayo sa livestream ngayong araw as a punishment."

Kumakamot sa ulo na naglakad papasok si Oli sa loob ng Boothcamp. "Fuck. Ang sakit kaya sa ulo na mag-livestream ng ganoong katagal."

Maglalakad na rin sana ako papasok noong tinawag ako ni Coach para makausap.

"Dion, bakit ba interesado ka diyan kay Shinobi? Maraming professional players na mas magaling sa kanya." Tanong ni Coach sa akin.

"Coach, naniniwala ako na malaki ang magiging ambag ni Shinobi sa Battle Cry." Seryoso kong sabi. "Oo may mga players kayong ini-i-scout at karamihan sa kanila ay nakalaban na namin and trust me, Coach, I already saw their gameplay. Oo it will increase our team skills pero hindi nila tayo mabibigyan ng kasiguraduhan na mananalo tayo sa tournament." Paliwanag ko.

"May mga players na gumagaling dahil sa pagsasanay, Coach," dugtong ko pa. "Pero may mga players na may natural na skill pagdating sa paglalaro. And Shinobi have that quality. I know she's just a new player but we need to gamble. Kailangan makuha siya ng Battle Cry bago pa siya makuha ng ibang mas malakas na team. It will be our lost if that happens."

Coach Robert sighed. "Sa tingin mo ba ay magpi-fit siya sa Battle style ng Battle Cry."

"No." I answered honestly. "But maybe, she cab change our battle style. Mas maganda at epektibong Battle Style kaysa sa nakasanayan natin."

"Kahit si Axel ay naniniwala na kailangan ng team si Shinobi." Nakuha ni Shinobi ang atensiyon ni Captain? "Kakausapin ko si Greg na isama si Shinobi sa mga players na i-scout niya. Walang kasiguraduhan kung maipapasok si Shinobi sa Battle Cry lalo na't dalawang slot na lang ang mayroon tayo. Shinobi needs to impress Greg kung gusto niyang makapasok sa Battle Cry."

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Coach ay umakyat ako sa kuwarto at humiga sa isa sa mga kama. Maya-maya lang din ay maliligo na ako para maghanda sa livestream at mahaba-haba ito sa pagkakataong ito.

Ang livestream ay ang ginagawa ng mga players para makipag-usap sa mga fans. Magbibigay lang kami ng tips kung paano namin kini-clear ang mga dungeons at quests. Sa livestream din ay nagse-send ng Stars ang mga viewers na puwedeng ma-convert sa tunay na pera.

"Gago P're kung nakita ninyo si Shinobi sa personal... Ang ganda," Ayan na ang bida-bidang bunganga ni Oli sa pagkukuwento.

"Weh? Kung maganda talaga 'yan, bakit hindi siya nagla-livestream?" Tanong ni Gavin na kasalukuyang nag-gugupit ng kuko niya sa lapag.

"Tanga ka, nakita ko nga 'di ba?" Sabi ni Oli sa kanya at binatukan ito.

"Puta naman, Oli! Kapag nasagad ko 'yong paggupit ko sa kuko ko. Inamo, gupitin ko balat mo." Reklamo ni Gavin. Maging ang iba naming kasama sa kuwarto ay na-curious na rin sa sinasabi ni Oliver.

Sa isang kuwarto kasi ay Anim na players ang nagsasama-sama dito sa Boothcamp lalo na't 20 players ang mayroon kami sa team.

"Gago p're maganda nga! Alam mo 'yong babaeng laki sa aircon? Ganoong 'yong kutis niya. Parang siya 'yong tipo ng babae na allergic sa fishball. Hindi nag-uulam ng sardinas. Hindi nagluluto ng Pancit Canton. Ganoong level mga d're!" Kuwento ni Oliver. "'Di ba, Dion?"

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa itaas na kama ng bunk bed at inaalala ang mga nangyari kanina. I know it's embarassing but it was fun.

"Putangina, tingnan ninyo, kahit si Dion nagmumukhang tanga noong nakita niya si Shinobi."

"Hindi anak mayaman ang tinutukoy mo. Maarte!" Natatawang sabi ni Kendrix. "Putangina, sinong tao ang hindi sanay magluto ng Pancit canton?"

"Si Oli." Sagot ni Gavin.

"Gago, sanay ako."

"Pero maarte kang hayop ka."

"Kaso parang imposible na kuhanin ni Sir Greg 'yon." Sabi ni Gavin at napatingin ako sa kanya. "Sabi mo nga, babae si Shinobi... Wala pang babaeng player na nakapasok sa professional league."

"Sa bagay, mahigpit si Sir Greg pagdating sa pagpili ng players." Kendrix said. "And E-sport is a sport for male."

"Sino naman ang nagsabi niyan?" Tanong ko kay Kendrix.

"Siya lang, bida-bida 'yan, eh." Barumbadong sagot ni Oli.

"Kung wala pang babaeng player na nakapasok sa professional league this past seasons... E 'di tayo ang unang professional team na magkakaroon ng babaeng player this season. Let's break the mentality na ang E-sports ay para sa mga lalaki lang." Paliwanag ko sa kanya.

Napatingin kamo sa pinto noong makarinig kami ng katok sa pintom

"Dion, kilala mo si Shinobi 'di ba?" Biglang pumasok si Axel kung kaya't napaayos kami ng upo lahat.

"Oo, bakit?" Tanong ko. "I mean, nagkita na kami sa game ng isang beses."

"Sabihan mo siya na magkakaroon ng evaluation si Sir Greg sa Gawol Forest, pumunta kamo siya sa Linggo. This is once in a lifetime opportunity na ma-evaluate sa Battle Cry." Matapos noon ay lumabas na muli si Axel.

Nagkatinginan kami nila Oli pagkalabas ni Captain.

"Gago, seryoso bang ini-i-scout ni Sir Greg si Shinobi?" Hindi rin makapaniwalag tanong ni Oli.

"Shit, kailangan ko siyang sabih-" malakas akong nauntog sa bakal ng bunk bed at mabilis kong kinamot ito para mawala ang sakit.

"Kalma lang, Dion," natatawang sabi ni Gavin.

"Kailangan kong mag-online agad para masabihan si Shinobi." Sabi ko at binuksan ang kabinet para kumuha ng tuwalya at damit. Maliligo muna ako bago mag-online sa game.

"Why are you excited to see her?" Naiiling na tanong ni Kendrix.

"I am the one who see her potential first." Sagot ko sa kanya.

But after that... Hindi ko nakita si Shinobi sa game at maging sa sumunod na araw.

Dumating ang araw ng Linggo, she didn't also show up in the evaluation.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top