Chapter 128: Dream Stage
NASA biyahe pa lamang kami papunta sa MOA arena ay inihanda ko na ang sarili ko sa madaming bilang ng tao. Ganoon kasi ang nangyari sa Skydome sati kung kaya't dapat ihanda ko na ang sarili ko sa crowd pressure. Pero iba ngayon...
Umiikot pa lamang ang shuttle sa MOA para maghanap ng pa-parking-an pero kabi-kabila na ang mga taong nakikita kong naglalakad, they are wearing the jerseys of the team that they are supporting at kinikilig ako sa tuwing may mangilan-ngilan akong nakikita na nakasuot ng Orient Crown na shirt.
May mga banners sa paligid ng mall kung saan naka-display ang mga team logo ng bawat team. Also, sa MAta ng arena ay 'yong mga interview sa Team Captain ang lumalabas kung kaya't kinikilabutan ako, dati lang ay mga KPOP acts lang ang nakikita ko sa MOA eye na iyon, eh.
Huminto ang shuttle sa likod ng Arena, may mangilan-ngilang fans ang nandito at mukhang ini-expect na nilang dito dadaan ang mga players. Tumayo kami ngunit may binilin pa si Coach. "Wala munang magpapa-picture sa mga tao sa baba, ha! Also, enjoy ninyo lang muna ang first day na ito."
Dati ay nasusungitan ako sa mga influencer na dire-diretso lang naglalakad at hindi namamansin ng ibang tao kapag may gustong magpa-picture sa kanila pero minsan kasi... they were instructed talaga na huwag munang pumayag ng may magpa-picture sa kanila (kagaya ngayon). Kasi nga naman daw, kapag may nagpa-picture na isa na pinagbigyan ay dapat ganoon na din sa lahat. So wala kaming choice kung hindi ang sumunod.
"Kinakabahan ako." Mahina kong bulong pagkatayo, si Dion ang nagdala ng duffle bag namin. Naunang lumabas ang mga ibang players pababa sa shuttle.
"Akala ko ba I already calculated the number of people kung kaya't hindi na ako kakabahan." Dion imitated my voice and he chuckled.
"Mali 'yong calculation ko." Pag-amin ko.
"Ano?" natatawa niyang tanong.
"Mali kako calculation ko! Kinakabahan ako." Pag-amin ko dahil iyon naman ang gusto niyang marinig. Tinawag ni Coach ang pangalan namin ni Dion at mabilis kaming bumaba para makapasok sa Backstage.
May mga sumigaw ng pangalan namin ni Dion na fans pero hindi kumaway na lang ako sa kanila. Ang init-init sa puwesto nila para lang makita kami, sinabi ko na lang sa isang staff sa loob na bigyan man lang sila ng tubig tutal marami naman yata backstage.
Nasa backstage na kami at hinanap namin 'yong designated area for Orient Crown. Grabe! Ilang oras pa bago mag-start ang opening pero hina-hype na ng emcee ang mga tao na pumapasok sa arena. Base sa sigawan ng crowd, mukhang marami nga talagang tao na manonood ngayon.
"Lord Jesus Christ, kayo na po ang bahala sa akin..." Nakaluhod si Noah habang nakapatong ang braso niya sa monoblocks, bahagya niyang idinilat ang kaniyang mata at hinatak si Genesis para mapaluhod ito. "Bestfriend, magdasal ka rin. Papangit laro mo kapag 'di mo kasama si Jesus. Iyon ang turo ng nanay."
Pinicture-an ko pa sila kasi... why not? They are the cutest brothers ever. Well, isama na si Oli, Gavin, at Renshi. Speaking, sana ay manonood sila ng opening ngayon.
Naglalaro lang si Dion ng Candy crush sa tabi ko samantalang ako ay napapatingin sa Social Media ko at kabi-kabilang good luck ang natatanggap ko from Fans.
"Sino unang makakalaban natin?" Tanong ko kay Dion.
Napatigil siya sa paglalaro. "Sa mismong opening ipapakita 'yong bracket, eh. Para raw surprise sa lahat kung sino ang magkakatapat-tapat."
"Sana 'wag lang natin makatapat ng early ang Daredevils at Black Dragon." I mean, we prepared naman for this tournament pero kasi, they are strongest teams from the last season. It will be hard for us to advance kung sila agad.
Opening pa lang naman ngayong araw at bukas pa ang start ng mga matches. Although, may mga friendly match with some lucky audience at magkakaroon din ng team shuffle to play friendly match. Hindi ko pa sinisilip ang buong arena kasi baka malula talaga ako sa dami ng tao.
"Hindi ka kinakabahan?" Tanong ko kay Dion.
"Lagi naman akong kinakabahan." he answered. "Hawakan mo man kamay ko."
Hinawakan ko ang kamay niya ng ilang segundo at totoo ngang malamig ito dahil sa kaba. "Kapag kinakabahan ako ay naglalaro na lang ako ng mobile games para ma-divert 'yong atensiyon ko." He explained. "Malaking laban ito para sa akin kung kaya't kabado ako. Pangarap ko 'to– pangarap natin 'to." He immediately corrected himself.
Napatingin ako sa waiting area at parang lahat naman kami ay kabado. Puwera kay Callie na nanonood ng mga matches ng ibang team sa iPad niya.
"Isipin mo 'yon, nandito na talaga tayo." sabi ko kay Dion. I mean, hindi namin nga inaasahan ni Dion na makakaapak at makakalaro pa kami sa tournament. I mean, natanggal kami sa Battle Cry, nabansagan kaming magaling lang na duo, tapos kinuha kami ni Sir Theo and now we are here. We are in Season four tournament."
Dion smiled. "Alam mo, back then noong tinanggal tayo sa Battle Cry naisip ko na lang na mag-stream tapos duo na lang tayo. Nawalan na talaga akong pag-asa na may kukuha pang team sa ating dalawa noon." Kuwento niya at ibinaba ang cellphone na kaniyang hawak. "Nakita ko kung gaano ka kadesidido na makahanap ng team para sa ating dalawa kaya sabi ko sa sarili mag-i-stay pa ako sa professional league basta kasama kita. Kung hindi man o walang team ang kumuha. Mag-i-stream na lang ako tutal malaki naman din kinikita sa ganoon." Paliwanag niya.
"You stayed because of me? Chika mo." Biro ko sa kaniya.
"Baliw, nag-stay ako kasi pinush ko ako na i-pursue pa ang pro league. Not totally because of you but for giving me an extra push to pursue this and give it another shot." He explained. I smiled, I am glad that I stayed during his lowest point.
"After ba nitong Season four tournament? Anong next sa 'yo?" I asked Dion honestly. Kasi mahaba-haba rin ang bakasyon bago ang susunod na mga matches.
Ipinatong niya ang braso niya sa sinasandalan kong monoblock at nilaro ang ilang hibla ng buhok ko. "Hmm..." ilang segundong naging tahimik si Dion na parang nag-iisip. "Baka simulan ko na 'yong pagpapatayo ng apartment sa probinsya namin para may passive income kami. Tapos naiisip ko rin na ipagpatuloy ko 'yong pag-aaral ko."
"You can do both at the same time." I answered.
"Pero gusto ko hands on ako kung sakaling ipatayo 'yong apartment, eh. Alam mo 'yon, para nakikita kong may pinuntahan 'yong pera na pinagpaguran ko sa paglalaro ko." I understood his point dahil si Kuya London ay ganoon din, he rarey buy online kasi nga gusto niya dumudulas talaga 'yong pera sa kamay niya. Mas worth it daw.
"You still have a lot of time to decide pa naman. Pero in case, anong course kukuhanin mo? Will you still pursue to become a game developer?" I asked curiously and let him play the strands of my hair. I just like it when we are in our little space and making mature conversation.
"Hmm..." he looked at my direction. "Huwag mo akong ija-judge."
I raised my right hand na parang nagpa-promise. "No judgment."
Naningkit ang mata ni Dion at napatawa ako. "No judgment nga!"
"Gusto ko mag-educ." Kumamot siya sa kaniyang baba. "Gusto kong maging teacher."
"Oh ba't parang nahihiya ka? Marangal na trabaho ang pagiging teacher ah!" Depensa ko sa kaniya.
"Siyempre baka isipin mo ay wala sa personality ko. Saka ang layo sa pagiging professional player." He explained.
"Eh ano naman? Si Captain Axel nga nag-law, eh. Ang layo rin noon sa pagiging Professional player. So why you want to become teacher? Something related to technology ba?"
"Preschool. Gusto ko maging Preschool teacher. Parang ang gaan lang magturo ng mga bata." He smiled habang nakatingin lang sa malayo. Definitely, it' something na gusto ngang gawin ni Dion.
"Then pursue it. Support kita." Ginulo ko ang ayos ng kaniyang buhok. "You really have a warm personality naman talaga, it's suits you. Ang magiging issue mo lang ay ang paggising ng maaga, you are not built to wake up early."
He chuckled. "It's something that I will work on."
Biglang may kumatok sa pinto ng waitinf area namin at nakadungaw si Sandro. "Kumusta kayo?" He asked at mabilis akong tumayo para kumustahin si Sandro.
He is much better now... I guessed. I still lowkey want him and Ianne to have a comeback pero wala yata sa Manila sa Ianne, she's really enjoying her healing sa Baguio. Mukha ngang binabalak ni Ianne na mag-stay na for good sa Baguio, eh. She loves the climate, the place, and the people daw doon. The last time she posted on her IG ay nagpa-tattoo siya kay Whang-Od which is really pretty to be honest.
"Ready ka na bang matalo namin?" Tanong ni Callie sa kaniya. "Kasi first match pa lang paiyakin na namin kayo agad."
"Yabang amputa, 'di mo nga sigurado kung kami makakatapat mo, eh." sabi niya. "Yabang gumaganda ka, Milan, ah. Iba talaga kapag alagang Dion." Puri niya.
"Baliw. So how's your preparation for this tournament, did you guys are able to sleep well?" tanong ko kasi... why not? Sandro and the whole ALTERNATE are all nice people. Sila yata ang isa sa mga team na walang ka-toxic-toxic na players.
Well, Orient Crown have mayabang players which are Noah, Liu, Larkin, and Callie... hindi ko talagang masasabi na humble na team lang kami kasi God, kapag nagsimula silang mang-trashtalk ay pati Mama mo ay iiyak sa galing mambuwisit ng mga lokong iyan.
"Siyempre gugulatin na lang namin kayo sa match, huling beses na lalaro ko na ito sa Professional league kaya lahat ng plano na puwedeng mailatag at mapatumba kayo ay ginawa ko na." He explained.
"Dami mong sinabi, pangit pa rin naman logo ng team ninyo." Biglang sumingit si Liu sa usapan at nakipag-fist bump kay Sandro.
"Galing sa player na ilang taong bangko sa Battle Cry." Pagbalik ni Sandro. Of course in a joke way, walang kapintasan 'yang si Father chicken sa pagiging nice.
Isang staff ang pumasok sa waiting area. "Fifteen minutes before the show start! Prepare na raw po lahat and pumila malapit sa gilid ng stage for entrance!" She shouted at napaayos kaming lahat.
Saglit lang akong uminom ng tubig at chineck ang make up ko. I also checked my phone at nabasa ko ang message ni Shannah na on the way na raw sila sa Arena, na-traffic lang daw sila sa bandang EDSA.
I mean, kailan ba nawalan ng traffic sa EDSA? Para mas magugulat pa ako kung naging smooth ang magiging biyahe doon. Hindi ko naman din kasi alam sa mga politics na ang daming plano noong tumatakbo sila pero ngayong mga nakaupo na ay... oh God, I don't want to continue na lang.
Bahagyang tumalon-talon si Dion para mawala ang kaba niya dahil sa lakas ng ingay sa mismong arena. Hina-hype na kasi ng mga emcee ang crowd tungkol sa paglabas ng mga players.
Last five minutes and I checked the twitter trends, trending lahat ng team na magpa-participate sa Season four tournament at ang kabuuanh Hunter Online. May mga nagbabardagulan na nga sa twitter para sa kani-kanilang team sa sinusuportahan. Iyon naman ang fun sa Twitter 'di ba? Magbasa ng bardagulan.
Isa laging ipinagtataka ko ang pagiging trending lagi ni Larkin sa twitter. Hindi ko alam kung anong klaseng kulto ang mayroon siya at nagtetrending siya sa Twitter kapag may tournament, minsan nga ay out-of-nowhere kapag new looks si Oppa.
Gets ko naman, guwapo si Larkin at magaling din naman talaga siya pumorma. Siya nga ang kino-konsulta ng mga members namin tuwing may kaniya-kaniya silang lakad, eh. Dagdag points din siguro na kaya niyang dalhin ang sarili niya in any kind of looks.
"Tinitingin-tingin mo diyan?" Tanong ni Lrkin noong mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. "Crush mo na ako? Dion, oh! Cheater si Captain, gusto na yata ako."
"Kapal mo! Nakatitig ako kasi nagtataka ako kung bakit nagtetrending ang ganiyang klaseng pagmumukha." Sabi DAW nila, according to some chismis sites ay mukha raw Kpop idol si Larkin or Ppol idol. Saka ang pleasing din ng personality niya, sa tagal niya na yatang nagba-bar ay na-master niya na ang pakikisalamuha sa iba't ibang tao. He can blend in different type of conversation.
Pinapila na ang bawat team sa gilid ng stage. Mula sa view ko ay umakyat ang kaba sa akin. As in parang mga langgam ang mga mga tao rito sa Arena sa sobrang dami. Ang laki rin ng stage at sa likod ng stage ay may malaking LED TV kung saan makikita ang mga players.
May lightings din na pumapailaw sa buong arena. Ang lakas pa nang sigawan ng mga tao, hindi pa ako nakakarinig ng sumisigaw na leon pero feeling ko ay ganoong level ang sigawan ng mga tao ngayon. Sabi din nila ay naka-live kami sa mismong page ng Hunter Online and currently ay may 56,000 na nanonood online.
Tao sa MOA arena + nanonood ng livestream. Oh God, hindi ko na alam itong kaba na nararamdaman ko. Para akong masusuka anytime dahil sa pressure. I shake my hands para mawala ang kaba ko.
"Ready na ba ang mga Roosters na mag-ingay?!" Sigaw noong emcee which is apparently ay si Hanz, kaya naman pala kanina ko pa puring-puri sa galing ng hosting niya. Chikadora din talaga 'yang si Hanz, eh."
Malakas na sumigaw ang buong ALTERNATE para mawala ang kaba nila since sila na ang aakyat sa stage. Maririnig mo ang malakas na cheer sa buong arena.
"Making a strong entrance here on our stage... ALTERNATE!" The emcee shouted. Nakipag-apir sina Sandro sa amin noong nadaanan nila kami bago sila umakyat ng stage.
Ang lala ng cheer. "I might throw up." Bulong ko sa sarili ko at naramdaman kong hinawakan ni Dion ang kamay ko.
"You can do this. Hindi mo gugustuhing masuka sa stage. Don't look at the crowd if they are making feel you nervous." He explained.
"Ang dami nila."
"Well, you can look at me the whole time if it will relax you. I do not mind." He answered at napangiti ako.
Katabi namin ang Daredevils sa pila. Although nakaka-intimidate ang awra nila pero mukhang nice naman sila kasi nag-thank you sila sa akin sa pag-recommend ko sa Camp Netanya for their team building. Ilang beses ko pang sinabi kay Thaddeus na huwag na silang mag-thank you kasi sikat na lugar talaga iyon sa Nasugbu, Batangas, eh.
Lumapit si Thaddeus sa amin at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Dion sa kamay ko. "Thank you for recommending to go Gulugod Baboy, we enjoyed the view." He mentioned. Mukha ngang nag-enjoy sila dahil mas lalo siyang naging moreno.
"No biggies, that's also my favorite spot in Batangas. Kung malapit nga lang iyon ay baka doon din ako nag-a-unwind." I explained kasi as in napakaganda noong place. Exaggerated man pakinggan. I introduced Dion to Thaddeus dahil hindi pa yata sila nabibigyan ng proper introduction sa isa't isa kahit na ang tagal na nilang nagkakasalubong sa mga tournament.
"Just to clarify, we are not even friends." Thaddeus said to Dion at napaikot ang mata ko. Siya pa talaga ang hindi ako kino-consider na friends ako. Hello! Calliber even took a couple of months sa friend request ko bago ko siya in-accept. Siya pa nga ang nag-add sa sarili niya, eh.
"Yup, ganyan din ang sinabi ni Milan." Dion chuckled. "Also thank you for posting na hindi dapat kayo i-ship ni Milan. I highly appreciated it."
"No worries. I am not a relationship wrecker anyways." Thaddeus answered. Natigil saglit ang usapan namin noong tinawag na ang Black Dragon paakyat ng stage.
Ang lala ng sigawan ng mga tao. They are rooting for Black Dragon to have a back-to-back championship this season. Iba rin naman talaga ang awra nila kaso nga lang... toxic players talaga sila, mayabang talaga. Iyon nga siguro ang binaon ni Callie noong umalis siya sa Black Dragon, eh– kayabangan.
Bahagya akong tumalon-talon. Nawala si Dion sa tabi ko dahil may nagpa-picture sa kaniya na anak raw ng isa sa mga sponsor ng event. Hindi rin siya nakatanggi kasi hello, big time iyon.
"Kinakabahan ka?" Thaddeus asked.
"First time ko sa ganito kalaking stage. No worries, mawawala din 'to bukas kapag nasanay na ako." Paliwanag ko sa kaniya and I shake my hand to calm myself.
"Anong tawag sa pusang tumatawid ng daan?" He asked.
My brows crunched. "Ha?"
"Magaling." He continued at bahagya akong natawa.
"Hindi pa rin tapos 'yang Tito jokes agenda mo?"
"Eh anong tawag sa elepante na nakaakyat sa puno?" He continued.
Saglit akong nag-isip pero hindi talaga ako magaling sa mga puns. "Ano?"
"Mas magaling." He answered again at natawa na ako.
"Infairness ha, nawala ang kaba ko somehow." Sagot ko sa kanya. "Pero no offense, ang corny talaga haha."
"Take that as my token of gratitude sa pag-recommend ng place last time. That will be the last time you will heard about my jokes. Next time may bayad na." Pumunta na si Thaddeus sa harap ng pila ng Daredevils dahil sila na ang next na tatawagin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top