Chapter 126: Double Date II

Slow update

Should I create a spotify playlist for all the song that I used here in Hunter Online? Whatcha think?

Sa laki-laki nitong MOA ay talagang sa sea side pa napiling mag-park ni Callie kahit aware naman siya na malayo-layong lakaran iyon papunta sa sinehan. "Sure kayong hindi kayo pagkakaguluhan?" Tanong ni Aisha sa amin. "Kapag talaga nagkumpulan ang mga tao sa paligid ninyo, iiwan ko talaga kayo." Banta niya pa.

Kahit pa editor si Aisha sa Battle Cry ay ayaw na ayaw niya sa malaking crowd nang mga tao, she preferred to work back-end than to be part of the commotion. In short, private na tao si Aisha. Noong shinout-out nga ni Callie ang full name niya sa livestream ay ang laki-laki ng galit niya sa mokong.

"Pumunta na lang kaya tayo individually sa sinehan?" Suhestiyon ni Dion. "Nag-online payment naman na rin si Callie, eh."

"Ayoko, gusto ko kasabay si Aisha." sabi ni Callie. "Puwede naman ako magsuot ng sumbrero saka shades para hindi ako halata."

"Ang clingy mo." sagot ni Aisha sa kaniya. "Gusto ko 'yang ideya mo, Dion. Mauna na ako sa sinehan. Sumunod na lang kayo." Bumaba na siya nang sasakyan at hindi na hinintay si Callie.

"Buwisit na 'yan, anong klaseng date 'to?" Reklamo ni Callie at bahagya akong natawa. "Naku, Milan huwag mo akong tinatawanan. Huling tumawa sa akin ay siningil ko ng pang-gas."

"Siraulo." sagot ko sa kaniya.

Sinuot na ni Dion ang tote bag niya at isinuot ang hoodie ng kaniyang itim na jacket. "Magkita na lang tayo sa loob. Alam mo naman na papunta 'di ba?" He asked.

Tumango ako dahil ilang beses na rin naman akong nakapupuntang MOA.

Hindi rin talaga kami nakakagalang mga players na payapa ately lalo na't super hype na sa Social Media ang nalalapit na season 4 tournament. Meaning, kalat na kalat ang mga mukha namin sa iba't ibang platforms kung kaya't matunog ang mga pangalan namin sa mga netizens lately.

Hindi ko pa rin talaga gets kung bakit parang artista level na kami sa gaming community. I mean, oo puwede naman silang magpa-picture at magpa-autograph pero may tamang events para roon. Sana naman kapag nag-iikot kami sa mall privately ay hayaan man lang nila kami.

I mean, hindi ko naman din gustong maging masungit dahil everytime na may nagpapa-picture at ina-accomodate ko naman. Pero sana hayaan man lang nila kami huminga, nakkaubos din ng social battery ang pagkaguluhan ng mga tao.

Nauna akong lumabas kay Callie at naglakad papaikot ng mall.

"Naliligaw ba ako?" Tanong ko sa sarili ko dahil ilang minuto na akong nag-iikot mag-isa. Bakit ba kasi ang laki-laki ng MOA at ang daming pasikot-sikot?

Habang naglalakad ako ay biglang tumawag si Dion sa akin. I immediately answered the call. "Nasaan ka na? Nauna pa si Callie sa 'yo rito. Sabi niya nauna ka daw lumabas ng kotse kanina."

"Uhm... may binili lang ako." Pagsisinungaling ko habang tina-try tingnan sa google ang buong mapa ng MOA. Sinabi ko pa naman kay Dion ay alam ko ang papunta, baka asarin niya lang ako if ever.

"May binili... naliligaw ka, 'no?" He asked.

"Hindi, ah!" Depensa ko.

"Okay. Sunod ka na lang sa loob. Pasok na kami, malapit na mag-start 'yong movie."

"Wait!" Sigurado ako na kapag nag-start 'yong movie ay isa-silent niya na ang phone niya at hindi na sasagot ng phone call. "Okay, fine, naliligaw nga ako. But on my defense, ilang beses pa lang ako nakakapuntang MOA at ang laki-laki nito, ang dami pang pasikot-sikot"

"Umamin ka rin," narinig ko pang bahagyang natawa si Dion sa kabilang linya. "Nasaang banda ka ba, I will try to fetch you."

Pinagmasdan ko ang paligid. "Katapat ng National Bookstore tapos may malapit na CR." I informed him.

"Layo. Sige wait ka lang diyan." He ended the call at ilang minuto lamang akong naghintay kay Dion bago niya ako nasundo.

Pagkarating ni Dion ay bahagya siyang natatawa sa situation ko. "Subukan mong tumawa, pipitikin kita." Banta ko sa kaniya.

"I didn't laugh." Depensa niya.

"Mukha mo." Naglakad na kami ni Dion papunta sa sinehan. May ilang mga nakakilala sa amin pero mabuti na lang at napakiusapan sila na huwag na lang mag-ingay na nandito kami.

Pagkarating namin sa sinehan ay sa bandang harap pala ang pina-reserve na seat ni Callie, ayaw niya raw kasi nanonood sa bandang likuran ng sinehan dahil nandoon daw ang maiingay.

We watched a marvel movie. Ano pa bang bash ang maibibigay mo sa mga Marvel movies? The way they narrate a heires stories and their effects are really superb. Habang nasa kalagitnaan ng movie ay naramdaman kong nanlalamig na ang binti ko.

"Wrong decision na nag-shorts ako," reklamo ko.

Dion chuckled beside me at kinuha ang tote bag na nakalagay sa bakanteng upuan. "I do expect that." Binuksan niya ang tote bag at naglalaman ito ng blanket. "Noong nakita ko pa lang 'yong suot mo bago tayo umalis, naisip ko nang baka hiramin mo 'yong jacket ko kapag nilamig ka. Eh ayoko ring lamigin kaya nagdala na lang akong blanket." Paliwanag niya sa akin.

"Thank you." I answered. I highly appreciated this small gestures of this Dion na para bang subtle niya lang akong ino-observe.

We continue to watch the movie and as expected sa Marvel, ang amazing pa rin noong story at ang pinaka inabangan namin ay 'yong end credits sa dulo dahil spoiler iyon sa future marvel movies.

"Kaniya-kaniya ba tayo ulit na balik sa kotse?" Tanong ni Callie sa amin. Napatingin ako kay Aisha na nakatingin kay Callie.

"Well, wala naman na siguro masyadong tao ngayon. Puwede tayong tumambay sa seaside." Suhestiyon niya at mabilis na umaliwalas ang mukha ni Callie. Ang laki niyang baby pagdating kay Aisha. "Iyon ay kung wala kayong gagawin, baka may practice kayo, kasalanan ko pa kapag napagalitan kayo."

"Free time naman namin." I answered. "I am also craving for starbucks habang nasa seaside. Ang relaxing noon." Paliwanag ko pa kay Aisha.

We walked towards seaside, kahit weekday ngayon ay marami-rami pa rin ang nakatambay dito. Pero hindi naman din umabot sa level na maya't maya ay may nagpapa-picture sa amin. Naka-sumbrero naman si Callie at si Dion kung kaya't hindi rin sila gaano nakikilala.

Nakahanap kami ng magandang spot sa tapat ng isang restaurant na may singer na kumakanta. They are playing "Hindi Alam" by Autotelic which is a great song.

Medyo madilim na sa seaside at bukas na ang mga pailaw sa paligid. Maingay din ang paligid dahil sa mga kabataang nakatambay sa seaside, maririnig din ang hampas ng alon kung kaya't lalong gumanda ang ambiance sa paligid. "Kami na ang bibili ni Callie sa Starbucks. Anong gusto ninyo?" Dion asked.

"Hot choco lang sakin." Sagot ni Aisha.

"Ganoon na lang din ako." Sagot ko. "Hindi ako puwedeng magkape nang ganitong oras, baka hindi ako makatulog. Maaga pa naman ang jogging bukas ng umaga." Paliwanag ko.

Naglakad na silang dalawa ni Callie paalis at naiwan kaming dalawa ni Aisha. "Ang alaga ni Dion sa 'yo. Kung paano ka niya alagaan noong nasa Battle Cry kayo ay ganoon pa rin hanggang ngayon."

"He really never failed to amaze me by each day. Sobrang na-a-appreciate ko 'yong consistency niya na feeling ko ay bihira sa lalaki." Paliwanag ko naman kay Aisha, nag-indian sit siya at tumingin sa dagat. "Eh, ikaw, bakit hindi mo pa sinasagot si Callie? Ang tagal niya na ring nanliligaw sa 'yo, ah."

"Hmmm... feeling ko hindi pa ready 'yong kurimaw na 'yan." She answered honestly.

"Hindi pa siya ready nang lagay na 'yan? Lagi ka niyang pinupuntahan sa Bootcamp ninyo, ah." sabi ko kay Aisha. "And trust me, sa 'yo lang patay na patay 'yang si Boy Yabang na iyan. Don't you like him?"

"I do like him." Sagot niya muli. "Kung hindi ko naman siya trip, day one pa lang ay itu-turn down ko na siya pero heto kami ngayon, ilang buwan na kaming nagrarambulan at nagbubungangaan."

"Pero bakit hindi mo pa sinasagot si Callie?"

"Aware ka naman na I am older than Callie, magkaiba rin kaming life style na dalawa. Siya, nakukuha niya lahat ng bagay na gusto niya in a snap at wala siyang pinagkakagastusan na pamilya dahil may kaya naman sila in the first place." Payapang nakatingin si Aisha sa dagat. "Ako? I need to work hard to earn money, kabi-kabila nga ang raket na pinapason ko para kumita lang,"

"Hindi lahat ng bagay na gusto ko ay nabibili ko, nakadepende sa akin ang pamilya ko. Minsan nga ay kinukulang pa ako ng pera sa isang buwan kaka-priority ko sa pamilya ko. We have different lifestyle at kung maging kami ay feeling ko ay marami kaming bagay na posibleng pag-awayan." Dugtong niya pa.

"So may mga bagay na nagho-holdback sa 'yo para sagutin si Callie?"

"Not actually hold back pero gusto kong makita na ready si Callie kung sakaling sagutin ko siya. Ready siya na hindi sa kaniya lagi ang oras ko, ready siya na ayokong na-e-expose ang buhay ko sa publiko, ready siya sa mga bagay na puwede naming pagtalunan. Baka mamaya, nakikita niya lang ako as a challenge dahil hindi niya ako nakukuha sa pagpapa-cute at kayabangan niya." Mahabang litana ni Aisha.

Simula pa lang noong nasa Battle Cry kami ni Dion ay very ate na ang mindset ni Aisha pagdating sa mga bagay-bagay kahit pa walang preno ang bunganga ng babaeng ito.

"Gusto ko ay mag-meet kami half way bago ko siya sagutin. Mag-a-adjust siya para sa akin at mag-a-adjust ako para sa kaniya. Kailangan makita muna namin 'yong gitna na 'yon bago ko siya sagutin." He explained whoch I totally understand. Sobrang opposite nga ng ugali nitong dalawang 'to.

Nabaling ang tingin naming dalawa kay Dion at Callie na naglalakad na patungo sa direksyon namin. Aisha smiled habang naka-fuck you kay Callie. "Kapag nakita kong nag-mature si Callie as a person. I know for sure that he is worth the trouble."

Nakalapit na sila Callie sa amin. "Anong pinag-uusapan ninyo, seryoso niyan, ah." Bungad ni Callie at tumalon para makaupo sa gilid ng seaside.

"'Wag na, baka kiligin lang bayag mo kapag nalaman mo." Reklamo ni Aisha sa kaniya.

"Luh bastos." Reklamo ni Callie at natawa kaming lahat. "Bumili din akong cheese cake pero hindi ko kayo bibigyan, sinabi ko lang para mainggir kayong mga hampas lupa kayo."

I rolled my eyes. "Yabang talaga. Saksak mo pa sa baga mo 'yan, wala kang kaagaw."

Umupo si Dion sa tabi ko. Tahimik lang namin pinagmamasdan ang paligid habang tjmatango sa tugtog ng mga musicians sa paligid. Nakatanaw lang kami sa city lights at sa mga taong busy sa kani-kanilang bagay na ginagawa. Ang payapa lang ng mga ganitong araw.

Itinuro ni Aisha ang ilang na nanggagaling sa MOA Arena eye. "In few weeks, aapak na kayo sa malaking stadium na 'yan." She informed us.

Hindi ko nga ini-expect na maso-sold out ang ticket sa day one ng season four tournament dahil hindi naman siya kpop act na magco-concert kami the whole match. Patunay lang ito na hindi na talaga biro ang esports ngayon. Big deal na sa mga tao ang nangyayari sa Esports.

Nakatingin lang kaming apat sa MOA arena. "Para sa trophy." I offered a cheers to them using our drinks. Buti na lang talaga at hindi beer or any alocohol drinks ang iniinom namin ngayon. Baka ma-issue na naman kami ng wala sa oras dahil sa mga stolen pictures. Nakakatakot na kaya masuspinde sa malaking match!

"Para sa trophy." They answered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top