Chapter 125: Double Date
SLOW UPDATE
Social Media
Facebook: Reynald Hernandez
Twitter: reynald_20
Tiktok: Reynald_John
Sharing this story in different platforms will be a great help and highly appreciated. Thank you.
"MAY bagong event ngayon sa Hunter Online na may magagandang prizes na makatutulong sa atin sa papalapit na Season 4 tournament," Nasa loob kami ng meeting room habang nakikinig sa ipinapaliwanag ni Coach. Lately, puspusan talaga ang nagiging training namin para sa nalalapit na tournament. "Sa event na ito ay kailangan bumuo kayo ng team na may apat na miyembro, pabilisan lang makaubos ng monster mob and the top 20 teams at the end of the even will receive prizes."
Kung iniisip ninyo na magiging madali ito dahil maraming teams ang may tiyansang manalo, diyan kayo nagkakamali. Buong players ng Hunter Online mula sa Peninsula server ang maglalaban for the spot.
"It will help us to shorten our time sa pagpa—farm ng mga upgrading materials for your armors. Upgrading stone, gold, ascension materials, those are the prizes of the event kung kaya't malaking tulong kung magpa-participate tayo sa event. I will give you the free will na makasama sa team ang mga gusto ninyong makasama na players. Just make sure na hindi ninyo gagawing katuwaan lang ang event, okay?"
"Yes, coach!" We answered in unison.
"Alright, meeting adjourned. 'Yong mga may schedule live ay pumunta na sa gaming area and 'yong mga wala, you have time to relax or practice on your own." Niligpit na ni Coach ang mga gamit niya sa desk at naglakad papalabas ng meeting room.
I closed my notebook at nagkatinginan kaming dalawa ni Dion. He wiggled his brows. I smiled. "Ayoko kita kasama sa team." Biro ko.
"Luh." Mabilis niyang sagot. "Nagbago ka na talaga, Milan, nabawasan na ang pagmamahal mo sa akin. 'Di na ako cutie player ng Nueva Ecija sa paningin mo." Humawak pa siya sa kaniyang dibdib at umaktong nasasaktan
"Wow, kailan mo natanggap na Cutie player ka ng Nueva Ecija. Pero siyempre magka-team tayo. Hindi ko lang alam kung sino sa mga kolokoy na 'to ang magandang isama sa team. We will need a damage dealer so most probably a core and a mage will do." Paliwanag ko kay Dion at mabagal kaming naglakad papalabas ng Meeting room.
"Pero hindi muna ako magdedesisyon kung sino ang mga 'yon, give me rest muna." I explained to him. Nagtungo ako sa kitchen para gumawa ng bread na may palamang strawberry jam. Galing Baguio ang Straberry Jam na inuwi pa ni Ianne para sa amin.
Ang sabi niya, nag-soul searching siya sa Baguio mag-isa at ipinagmalaki niya rin ang first tattoo niya. Kaya pala matagal na missing in action si Ianne, sinulit niya pala ang time niya mag-isa sa Baguio. Well, she deserved the peace naman. Galing din kasi siya sa masakit na heartbreak, I am pretty sure na nasa process pa rin siya nang pagmu-move on kay Sandro.
"You want some?" I asked Dion while I am spreading the jam on the sliced bread.
"Yes please." He answered. Pinagmamasdan niya lang ako habang ginagawa ang tinapay. "Sa lahat ng mayaman na kilala ko, 'di ko in-expect na magaling ka rin sa kusina."
My brows crunched. "Wow, discrimination ka, ha!" Itinutok ko sa kaniya ang kutsara. "First of all, si Oppa Larkin man ay napakagaling magluto at mag-bake (perks of being Culinary student). At isa pa, may kaya man pamilya namin pero hindi naman kaming lumaki na may katulong, ngayon lang naman din napunta sa amin si Manang Tessa."
"So ikaw ang in charge sa foods ninyo dati?" Dion asked curiously. Iniabot ko sa kaniya ang sliced break and he immediately took a bite of it. Napatango-tango pa siya noong matikman ang break. "Wow, iba talaga kapg authentic na strawberry jam from Baguio." Side comment niya pa.
"Not really in charge. Noong hindi pa ako mahihilig sa gaming, I also enjoyed working on kitchen pero hindi naman umaabot sa point na ako ang magluluto pra sa buong pamily. It's either Mom, Dad, or Kuya Brooklyn ang toka sa kusina. Pero alam mo 'yon, natuto lang din ako magluto to satisfy my own cravings. And iba rin ang fulfillment kapag naluluto mo 'yong gusto mong food."
"I rather pa-deliver na lang kaysa ma-hassle." he answered honestly.
I rolled my eyes. "Tse! Hindi hassle 'yon, minsan kasi gugustuhin mo rin magluto on your own." Depensa ko.
Pumunta kami sa sala at nadatnan pa namin sina Liu at Larkin na walang sawang nagtitiktok. Feeling ko talaga one of these days ay magche-change profession na 'tong dalawa na ito from Professional player to Tiktok influencer. Talagang mabusisi pa nilang inaaral ang mga dance steps.... Di naman magaling sumayaw.
"Tanga-tanga mo naman, mali direksyon ng sayaw mo." Reklamo ni Larkin kay Liu. "Ilang take na natin 'to, 'di mo makuha-kuha."
"Ikaw nga wala sa timing. Bida-bida, main character ka?" Reklamo naman ni Liu sa kaniya. Nagbabangayan man sila ay desidido naman silang matapos 'yong tiktok video na ginagawa nila.
"Bakit 'di ka mag-tiktok din?" Tanong ko kay Dion at umupo kaming dalawa sa couch. "I am pretty sure na matutuwa ang mga baby bra warriors mo kapag nagkataon."
"Nai-imagine mo ba akong ginagawa 'yan?" Itinuro ni Dion sina Liu na sumasayaw. "Mukhang bulate na inasinan, sarap pa tapakan."
"Harsh mo." Natatawa kong sabi.
"Hoy narinig namin 'yon!" Reklamo ni Liu. "Bulate amputa. Ikaw nga mukha kang paniking nakasabit." Ganti ni Liu.
"May compilation ako Dion nang paghilik mo sa gabi." Epal naman din ni Oppa. "Kapag ito in-upload ko. Katapusan mo na. Iyak na naman ang mga Baby bra warriors mo."
Napailing na lamang si Dion sa dalawa. Kumakain lang ako noong bread ko. "Himala yata na hindi ka nagbabasa ng kahit ano ngayon? Usually, after training ay nag-aaral ka, gumagawa ng mga game tactics, o kaya naman ay nagbabasa ng self help books. Chill-chill ka lang yata ngayon?" He asked curiously, he used his thumb para punasa ang gulid ng labi ko dahil mukhang may crumbs na bread na natira.
"I deserved this one. Super hectice ng achedule ko these past few days, let me breathe." I answered.
Kapag sinabi kong hectic, as in malala!
God, muntik na naman nga ako mag-breakdown sa daming ganap pero tiniis ko lang dahil strong independent woman na ako. Una, busy kami sa practice araw-araw. Pangalawa, nag-aaral pa ako pagkatapos para hindi ako maiwan sa mga lesson, I swear muntik ko nang iyakan 'yong mga programming languages na subject ko sa sobeang hirap. Pangatlo, sumabay pa ang promotion noong phone na ine-endorse namin ni Thaddeus.
Dumating pa sa point na kailangan naming lumipad papunta sa Cebu ni Thaddeus para mag-promote and right after the mall show ay bumalik agad kami sa Manila. Grabe ang pagod ng katawang lupa ko noon.
Isa pang nagpasakit ng ulo ko ay ang mga millenials na ginawa na namang isang malaking wattpad story ang professional league. God shini-ship pa nila kami ni Thaddeus kahit well aware silang lahat na may Boyfriend ako. Like kids, makuntento na kayo sa Kathniel, Donbelle o kung sino-sino pang love team. Hindi 'yong nakita ninyong magkasama ay ipapares ninyo na.
Ang pinaka nakakahiya ay kinailangan pang mag-post ni Thaddeus sa Social media niya para lng matigil ang mga fans niya from shipping.
Milan and I are doing our job as ambassador of a phone brand by the means of nationwide tour. Yet, you guys are shipping us which we all know a big disrespect to Dion. It's not my personality to ruin somebody's relationship. You guys should grow up, we are professional players and not showbiz personalities that will be subject of your romance fantasies.
Umani ng libo-libong like ang post na iyon ni Thaddeus. Nai-post pa nga sa iba't ibang gaming community iyon, of course iba-iba rin ang reaksiton ng mga tao pero hindi ko na rin binigyan ng pansin masyado.
God, masakit na ang ulo ko sa math formulas at codes. Wala na akong time na pagtuunan pa sila ng pansin.
"Siguro kailangan nating mag-Boss dungeon ng mas matagal para maka-gather tayo ng iba pang items." Sabi ni Dion sa akin habang pinagmamasdan ang stats ng kaniyang avatar sa kaniyang tablet. I checked his tablet at tumingin siya sa akin. "Ano sa tingin mo?"
"Hmmm...." Saglit kong binasa ang stats ni Dion. "This is pretty good stats already. Mataas na 'yong defense mo maybe pataasin mo lang kaunti 'yong agility mo para mas bumilis ang kilos ng character mo. Mas mabilis kang makaka-backup." Paliwanag ko sa kaniya. "Pero suggestion ko lang naman iyon, like I said, decent stats na siya so puwede na rin ang ganiyan sa mga tournament."
Naputol ang usapan namin noong nakangiting lumabas si Callie sa room nila at ibinagsak ang katawan niya sa bean bag. "Hey love birds,"
My brows crunched. "Saya mo, ah."
"Siyempre, magde-date kaming dalawa ni Aisha ngayon. As expected, walang nakakatanggi sa kaguwapuhan ko. Magaling na player na nga, pogi pa. Iba talaga ako kay Lord." Pagmamayabang niya at napairap na lang ako sa ere. Wala talagang araw na hindi nababawasan ang kayabangan ng mokong na ito.
"Paano mo naman napapayag si Aisha?" Tanong ko.
"Sabi ko ibabalik ko lang 'yong power bank at airpods niya kapag nakipag-date siya sa akin. So ayon, pumayag." Ngiting-ngiti na sabi ni Callie.
Sabi ko na nga ba.
Last time man, kaya lang pumayag si Aisha na lumabas kasama si Callie ay dahil kinuha ni Callie ang flashdrive niya na naglalaman ng maraming files na ine-edit niya. Sobeang persistent ni Callie, sa sobrang kulit niya ay sasakit talaga ang ulo mo.
"Eh bakit hindi na lang kayo sumama ni Dion? Double date." Suhestiyon ni Callie. "Tutal mukhang wala naman kayong ginagawa na dalawa"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion. "When was the last time we had a date?" Tanong ko kay Dion.
"Two days ago, noong bumili ka ng bagong phone case." sabi niya sa akon.
"Gaga, hindi naman date 'yon. Super saglit lang natin sa mall noon." Totoo naman, wala pa yatang 10 minutes kaming nasa mall noon at umalis na kami dahil may practice nga kami tuwing hapon.
"Sa tuwing lalabas tayo ay date para sa akin. Kahit pa ilang minuto lang tayo noon." Sagot ni Dion.
I cupped his face dahilan para mapanguso siya. "Chika mo."
Pero matagal na nga simula noong nakapag-date kami ng maayos ni Dion. We are both busy sa kaniya-kaniya naming practice, livestream, tapos may other schedule pa ako that time so wala talagang time para manood ng movies.
"Tinatanong ko lang kung sasama kayo o hindi, ang layo na nang narating ng usapan ninyo." Reklamo ni Callie.
"Sama kami." sagot ko. "Nami-miss ko rin kachikahan si Aisha."
Maya-maya pa ay pumasok si Noah ng bootcamp. "Aalis kayo? Sama ako!"
Callie sighed. "Hindi puwede. Bawal batang hamog sa pupuntahan namin."
"Luh parang sa mall lang kayo pupunta, eh." reklamo ni Noah.
"Hindi ka puwedeng sumama, Noah, may scheduled livestream ka ngayon." sabi ni Sir Theo.
Nalungkot si Noah pero hello, alam naman ng batang 'yan ang duties and responsibilities niya. Buti nga ay nahawaan ni Genesis ng pagiging responsible, eh.
***
Nakasakay kami sa kotse ni Callie habang papunta sa Bootcamp ng Battle Cry para sunduin si Aisha. Grabe, super tagal na noong huling pagkikita namin ni Aisha. Naging busy rin kasi siya sa mga editing stuffs kung kaya't madalang na kami makapag-girls hangout nila Shannah at Ianne.
Nakaupo ako sa shotgun seat katabi si Callie habang nasa backseat si Dion. Dito ako pinaupo ni Callie dahil magmumukha daw siyang grab driver naming dalawa ni Dion.
I am just wearing a gray baggy sweatshirt at may maong na short naman sa ilalim. Nag-light make-up lang din ako para presentable lang din sa harap ng ibang tao. Samantalang itong dalawang kasama ko, God! Gusto yata ay makuha nila ang atensiyon ng mga tao sa mall sa sobrang porma.
"Ako ang in charge sa music, ah." Paalala ko sa kanilang dalawa at ni-connect ang phone ko
I played Aphrodite by The Ridleys
Ewan ko ba, lately, naging hobby ko ang maghanap ng hidden gems na kanta. I meant wala akong galit sa mga sikat na kanta, they are sikat for a reason. Pero ang dami din kasing maganda na kanta na kailangan lang ng tamang promotion para makilala.
Kung ano-ano lang din ang napag-usapan namin habang binabaybay namin ang EDSA papunta sa bootcamp nila Aisha. Luckily, hindi ganoon ka-traffic kung kaya't mga ilang minutes ay narating na namin ang bootcamp ng Battle Cry.
"Nakaka-miss din 'tong compound na ito." Sabi ko kay Dion. "Look, nandoon pa 'yong fishball-an na madalas nating bilhan." Paalala ko sa kaniya.
"Masarap 'yong sawsawan nila diyan." Dion said.
"Super." I agreed. "OMG, parang gusto ko ulit bumili, Callie, daan tayo doon mamaya bago lumabas."
"Ginawa ninyo talaga akong grab driver ninyo, ano? Saan po punta ninyo ma'am/sir?" Pagbibiro niya. "Pag-untugin ko pa kayo."
Narating na namin ang tapat ng boothcamp ng Battle Cry. Bumusina si Callie at chinat si Aisha using his phone. Maya-maya pa ay lumabas na si Aisha. She is just wearing a white shirt at skinny jeans. Nakabagsak din ang itim nitong buhok, wala ring make-up si Aisha at nakasibangot na lumabas ng boothcamp.
Lumabas ako mula sa Shotgun seat para siya na ang maupo sa tabi ni Callie. "Milan!" Pagtawag sa akin ni Aisha. Mahigpit naming niyakap ang isa't isa habang tumatalon sa tuwa. "God na-miss kita."
Tumingin siya sa loob ng kotse at nawala ang ngiti ni Aisha. "Tangina mo sabi mo alas singko ninyo ako dadaanan. 4:30 pa lang. Wala akong kaayos-ayos." Reklamo ni Aisha.
"Gandang bungad, ah. Na-miss din kita." Sabi ni Callie. Sumakay na kami sa kotse.
"Wala sila Oliveros sa Boothcamp? Mag-ha-hi lang sana ako." sabi namin ni Dion kay Aisha.
"Wala, umuwi ang mga depungal sa kani-kanilang probinsya. But God! Ang daming vlogs na pinapa-edit ni Oli. Umay na umay talaga ako sa mukha ng player na 'yon, akala niya talaga havey ang mga jokes niya sa mga pinapa-edit niya." Natawa ako sa reklamo ni Aisha.
Pinaandar ni Callie ang kotse at saglit kaming huminto sa fishball-an para bumili ako ng kikiam at fishball. God na-miss ko 'to! Top tier talaga ang street foods dito sa labas ng village ng Battle Cry.
"Nag-chat si Shannah sa akin, may assignment daw kayo na deadline na mamayang gabi. Don't forget." Paalala ni Dion sa akin.
"Naipasa ko na kanina pang umaga." sagot ko kay Dion.
"Sipag naman." Ginulo niya ang buhok ko.
"Baliw, bored na bored kasi ako kaninang umaga kasi rest day natin so ginawa ko na siya kanina para bawas intindihin na rin. Wise decision naman dahil wala na akong iisipin after this date." I explained.
"Date." Nakangiting sabi ni Dion at bumaling ang tingin sa window.
"Oo date, date naman 'to 'di ba?"
"Ang sarap lang sa feeling na sa 'yo mismo nanggagaling 'yong salitang date." He answered honestly.
"Weird mo." Hinawakan ko ang kamay ni Dion at pinagmasdan naming dalawa sina Callie at Aisha na parehas nakaupo sa harap.
"Magme-make-up ako." sabi ni Aisha at binuksan ang pouch na dala niya. "Milan, may liptint ka? Puwede mahiram? Ang pangit ng shade noong sa akon, hindi ko bet." Iniabot ko kay Aisha ang maliit na pouch ko na naglalaman din ng mga make-up materials.
"Thanks."
"Hindi mo na kailangan mag-make up, maganda ka naman na sa paningin ko." Sagot ni Callie sa kaniya.
"Hindi, mag-aayos ako." sabi ni Aisha habang inaayos ang kaniyang kilay. Partida, umaandar pa kami ng lagay na ito.
"Maganda ka na nga sa paning–"
"Wala akong pakialam kung maganda ako sa paningin mo. Ang gusto ko, maganda ako sa paningin ng lahat. Mag-drive ka na lang diyan." Reklamo ni Aisha at mabilis naman tumiklop si Callie.
Nag-drive si Callie papuntang MOA dahil mas maraming activities na magagawa doon, hindi ko nga lang alam kung anong mangyayari sa date namin kasama ang dalawang 'to kasi oh my God, mas malala sila magbangayan sa aming dalawa ni Dion.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top