Chapter 124: Mall show

Slow update
#HunterOnline

[ORIENT Crown] Shinobi: Those players na nasa west side ng mapa, mag-ingat kayo kay Anonymouse (Oli) at Ted_Bundy (Kendrix. Don't try to ambush them, seems like may nakahanda silang plano.

Mabilis kong paalala sa buong Orient Crown habang nakadungaw ako sa bintana ng isang lumang bahay at binabantayan ang kilos nila Anonymouse at Ted_Bundy.

[Orient Crown] Rowbinhood (Robi): Copy, Captain!

Nagsasagawa kami ng training ngayon kasama ang Battle Cry bilang paghahanda namin sa nalalapit na season four tournament. Thank God dahil napagbigyan nila ang request namin dahil alam kong tight din ang schedule ng bawat isa sa kanila. Noong makalayo sila Anonymouse ay umalis ako sa aking pinagtataguan at muli silang sinundan.

May ingay akong naririnig at mga pagsabog sa hindi kalayuan ngunit ipinagsawalang kibo ko ito. Mahigpit ang hawak ko sa wakizashi sword ko. Tumakbo ako at pagliko ko sa isang eskinita ay wala sila Anonymouse sa mata. Lumingat-lingat ako sa paligid.

"Yow, Shinobi!" Napatingin ako sa itaas at nakita ko na lang na pabagsak sa direksyon ko si Anonymouse. Nakatutok ang dalawa niyang baril. Mabilis niya itong ikinasa at sunod-sunod ang bala na kaniyang pinakawalan.

Rage Cutter.

I wasted one of my skill para lang mas mabilis na makakilos at maiwasan ang mga balang kaniyang pinakawalan.

Binuksan ko rin ang inventory ko at naghagis sa ere ng bomba. It is my way to tell my teammates kung nasaan ang location ko ar makarating sa kanila na kailangan ko ng backup as soon as possible.

[Orient Crown] Nodaichi (Larkin): coming, malapit ako sa area. Hold for three minutes. Batang may yabang meet me halfway.

[Orient Crown] Knightmare (Noah): sabi ko na nga ba kakailanganin ninyo rin nang tulong ko, eh.

[Orient Crown] Nodaichi: Tanga, nagkataon lang na ikaw ang malapit. Huwag kang pa-main character.

Napiling ako sa diskusyon nila habang iniiwasan ko ang bala na ipinapaulan ni Anonymouse, may ilang mga bala na tumama sa binti at braso ko ngunit ipinagsawalang-kibo ko lamang ito. Sobrang nakakatawa si Oli in real life pero siya 'yong tipo ng professional player na hindi ko gugustuhin na makalaban ng 1v1 sa Hunter Online.

Napakalaki ng in-improve ni Oli when it comes to gaming. As a Bounty Hunter, parang nape-predict niya ang mga possible moves ko at alam niya kung saan dapat pakawalan ang mga bala.

Sinusubukan kong makalapit kay Anonymouse pero sinisigurado niya na may distansiya siya sa akin. He knew that I can inflict a huge amount of damage once I am able to be near to him.

Napansin kong pabawas na nang pabawas ang health bar ko kung kaya't nagsimula na akong umatras at nagtangkang tumakbo paalis. Patungo na ako sa kabilang dulo ng eskinita ngunit nandoon si LutherKing (Gavin) at nakaabang. He immediately casted a spell at isang malaking bilog na apoy ang lumilipad tungo sa aking direksyon.

I tried to be calm at neg-isip kung paano matatakasan ang sitwasyon. Sa isang gilid ko ay may isang bintana na may crack na at kapag sinioa ko ito ay mabilis lang itong mababasag. Bago pa man tumama sa akin ang skill ni Lutherking ay tumalon ako at sinipa ang basag na salamin. The glasses was shattered into pieces and in that short moment, I immediately informed my team mates about my situation.

[Orient Crown] Shinobi: Anonymouse, LutherKing, Ted_Bundy are here. Huwag na kayong pumunta rito, Larkin. If I will be eliminated, ikaw ang mag-shot call.

[Orient Crown] Knightmare: Too late, Captain.

Napadungaw ako sa bintana at mula sa tuktok ng isang hindi kataasang building ay bumababa si Knightmare. Using his sword, he tried to attack Anonymouse with a heavy downward blow. Nabitak ang daan at mabilis na nakaiwas si Anonymouse.

As they battle outside, nagtago ako sa likod ng isang natumbang lamesa at ginamit ang pagkakataon para makapag-heal. Akmang iinom na ako ng healing potion ngunit biglang sumulpot si Ted_Bundy at hawak niya ang kaniyang dagger. Nagawa niya akong masugatan at biglang pumasok si Anonymouse sa bahay at sunod-sunod na nagpakawala ng bala.

MABILIS kong tinanggal ang merve gear ko at inabutan naman ako ni Sir Theo ng tubif at bimpo pamunas ng pawis. "Sorry, Sir Greg. Error ko po." I admitted.

"It's okay. Nakakutob lang sila Oli na sinusundan mo sila kung kaya't nagbago ang plano nila bigla. But if they continue to head towards West area, puwedeng gumana ang plano natin since nakaabang si Callie at Dion doon." Paliwanag ni Sir Greg habang nanonood kami sa Led TV ng nangyayaring match.

Ginamit nila Oli ang biglaang ambush na ginawa nila para ma-eliminate kami sa laro. Since Oliveros is their core, mabilis lang niyang na-eliminate sina Larkin at Noah. At the end... natalo kami sa practice match.

"Tangina nung batang hamog na 'yon, paano lumakas ng ganoon 'yon?" Inis na tanong ni Larkin habang nasa meeting room kami.

Hawak ko 'yong clip board habang nakalista doon lahat ng observation nila Sir Theo at Coach Russel sa nangyaring play match kanina. "Mabuti na lang at practice game lang ang nangyari kanina. Kung mismong tournament iyon ay paniguradong nalampaso na kayo ng Battle Cry." Seryosong sabi ni Coach Russel sa amin.

Masarap kakuwentuhan sina Coach at Sir Theo pero kapag tungkol sa practice at pagdating sa laro namin ay mas nagiging seryoso sila. At the end of the day, we are still part of a professional team and it's their job to discipline us kung sakaling may mali man kaming nagawa.

"Sino-sino ang nagka-error sa match kanina?" tanong ni Coach sa amin. I slowly raised my hand. "Bukas ng umaga, three laps na magja-joh sa buong village."

"Ay yes! Wala akong error." Mahinang bulong ni Liu na narinig ng lahat.

"Mayroon." Sagot ni Coach.

"Awit." napangalumbaba si pekeng chinese sa lamesa.

"You guys should take the practice more seriously. Kapag play time at free time ninyo naman ay hinahayaan lang namin kayo sa mga bagay na gusto ninyong gawin," nagsalita na si Sir Theo at natahimik kami. "Kung ganyang laro ang ipapakita ninyo sa Season 4 tournament ay parang sinabi ninyo na rin na sinuwerte tayo kung kaya't nakapasok tayo sa top 10 teams. I know you guys improve so much already but you need to step up your game."

"Sir, Yes, Sir!" We answered in unison.

"Kung nagpa-practice kayo, tandaan ninyong nagpa-practice din ang ibang team. Hindi tayo puwedeng makampante sa mga laro ninyo ngayon. Wala sanang samaan ng loob kung sakaling maghigpit kami when it comes to your training, okay? At the end of the day, we just want the best for our team." Dugtong pa ni Sir Theo.

He just gave us more pointers na makatutulong sa amin at kung ano ang dapat baguhin namin sa mga items and armors namin para mas tumagal kami sa Battle Field.

Pagkalabas nila Coach ng meeting room ay sinubukan kong pagaanin ang atmosphere. "Okay lang 'yan, bawi next practice. Ngayon lang ulit tayo nagkasama-sama after ng ilang weeks kaya baka nangangapa pa tayo sa galaw ng isa't isa."

"Bawi next g–"

"That's not a good reason though," Callie said at inilagay niya sa pouch niya ang notebook niya. He clicked his tongue. "I mean, no offense, if you want to raise the trophy in front of thousand of viewers ay ibigay ninyo na lahat sa practice."

Natahimik kami dahil tama naman si Callie, baka nakampante nga kami kasi may slot na kami sa Season 10 tournament. Parang feeling ko nagse-settle na ako sa achievement na 'yon.

Hindi ko lang ipinahalata pero naapektuhan ako sa sinabi ni Callie. Habang kumakain ay pinanood ko 'yong replay ng laban namin nila Oli kanina at isinulat sa notebook ko ang mga error at mga dapat i-improve.

"So, dito pala nila ako natunugan na sinusundan ko sila." Mahina kong bulong at ni-note iyon sa notebook ko. Naputol ang pagsusulat ko noong may humarang na baso na naglalaman ng milk sa view ko.

Napatingala ako at ngumiti si Dion sa akin. Nasa sala kasi ako at nakaupo lang sa harap ng center table. Nag-indian sit si Dion. "Ano 'to?" Kunot noo kong tanong at ipinatong ang baso sa gilid.

"Gatas malamang." sagot niya sa akin. "Nabasa ko kasi sa google na nakaka-relieve ng stress 'yan." He wiggled his brows.

I smiled. "Chika mo."

"Totoo nga, sinearch ko pa sa google top 10 drinks that relieve stress tapos nakalista 'yan. Iyan lang available sa bootcamp... warm milk." sagot niya sa akin. "Saka pra antukin ka na agad at makatulog ka na agad."

"Grabe, sa tagal kong nag-focus sa academics ay nabigla ako dito sa practice natin. Feeling ko ay hindi ako mentally prepared." sagot ko sa kaniya. "Pero tama naman ang sinabi ni Callie, hindi valid reason iyon."

"Naapektuhan ka sa sinabi ni Callie, 'no?" He poked my cheeks and chuckled.

"For a player perspective, naiitindihan ko rin naman si Callie, ang manalo sa season 4 tournament ang goal natin so dapat mas seryosohin natin ang practice. I am not mad." I answered honestly. "Actually baka nga iyon pa 'yong words na dapat ko marinig para maging extra push ko to do better as captain."

"For the mature ang person." Dion said at ginulo ang buhok ko.

"Pati ikaw nahawa na sa ganyan!" Reklamo ko sa kaniya at parehas kaming natawa.

Nauna nang umalis si Dion sa streaming area dahil kailangan niya pang mag-live samantalang ako ay tinapos ko manood ng match at nag-advance reading sa isa kong subject. As I clean my mess on the table ay biglang dumating si Callie at prenteng umupo sa couch.

Basa pa ang buhok niya at mukhang galing sa banyo. Gamit ang towel ay pinupunasan niya ito. "Nainis ka ba sa akin kanina?" rekta niyang tanong.

"No."

"Weh?"

"Oo nga, hindi ka man sagutin ni Aisha." biro ko.

"'Wag naman, tagal ko nang nanliligaw sa kaibigan mong 'yon. Ang tagal magpakipot." Natawa ako. "Pero iyon nga, kung na-offend kita kanina sorry."

"Isa pa nga." Inilabas ko ang phone ko at ni-record ang sunod niyang sasabihin. "Himalang bumaba ang pride mo, ah."

"Ayoko na ulitin. Dagukan ko pa kayo. Pero hindi naman ako nagsisisi na sinabi ko iyon. Ayoko lang na makampante kayo," he explained and used the towel para maptuyo ang medyo basa niya pang buhok. "Kasi noong sinabi kong gusto kong ma-experience ninyo na maging champion din kagaya ko, hindi ako nagbibiro doon. I am doing my best as your core pero sana kayo rin."

Nakatingin lang ako kay Callie, he stretched his arms. "I am not saying that you guys are giving your bare minimum. I just want you guys to give yourselves an extra push, hindi lang effort ng isa ang pagiging champion. Effort ng lahat."

"Dapat talaga ikaw na lang ang Captain, eh. Hanep sa mga motivational speeches." Biro ko sa kaniya. Pero tama naman talaga ang mga sinabi ni Callie.

"Ayoko nga, para sa mga big girl lang ang position na Captain ng Orient Crown." Naglakad na siya paalis. Habang ako naman ay umakyat na rin para matulog.

***

KINABUKASAN, may schedule ako para sa promotion ng phone na ini-endorse namin ni Thaddeus. Hindi ko in-expect na may mall show pala ito para sa pag-promote ng brand ng phone. Argh, hindi ko magagamit ang iphone ko the whole day.

Gusto nga sumama ng ilang members ng Orient Crown especially ni Dion kaso ay hindi ko na lang din muna sila pinayagan lalo na't may schedule practice kami today. Binigyan ko na lang din si Oppa Larkin ng pointers ng mga dapat bantayan sa bawat players. Buti na lang talaga ay siya ang tumatayong co-captain ko kapag wala ako sa boothcamp.

Kasama ko si Sir Theo at papunta kami sa Trinoma. Naka-focus siya sa pagda-drive. Noong naka-red ang stop light ay iniabot niya sa akin ang tablet niya. "Nakalagay diyan ang flow ng program at list ng questions na puwedeng ibato ng emcee. If hindi ka komportable sa ilang mga tanong ay puwede naman nating ipatanggal."

I scanned the questions ang mostly ay puro about sa gaming and training stuffs lang din naman ang tanong so wala na akong pinatanggal. Noong malapit na kami sa Trinoma ay kita ko na agad ang daming pila ng tao para manood ng mall show namin.

Kasagsagan din kasi ng hype ng Hunter Online dahil malapit na ang season 4 tournament, matutunog na ang mga pangalan ng mga players.

"Alam kong hindi mo ugali Milan pero ipapaalala ko lang din sa 'yo, avoid cursing, saying racist word, or anything na makakapekto sa grupo. Okay?" Sir Theo reminded me.

"Yes, Sir." I answered.

"Have fun sa event." Paalala sa akin ni Sir Theo. Sa parking lot pa lamang ay in-assist na kami ng mga guard papasok sa mall.

Grabe! Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa ganitong klaseng events. "Milaaaan! Pa-picture!!" sigaw noong isang kabataan noong paakyat kami sa escalator papasok sa mall.

I just waved my hand to say hi kasi nga kailangan ko nang dumiretso sa venue mismo at advise sa akin na huwag munang magpa-picture kahit kanino kasi kapg may pinagbigyan daw akong isa ay magtutuloy-tuloy na.

Still, ang overwhelming ng dami ng tao. May ibang humahablot pa sa akin na mabilis naman nahaharang ng guards pero ramdam kong may mga kuko na bumakay sa braso ko dahil sa paghitak. But I don't mind, siguro iba rin talagang happiness ang naibibigay sa kanila kapg nakita ako.

Noong makalapit kami sa stge ay mas maraming tao sa area na ito. Of course, may banner ng phone na pino-promote namin at may logo ng Hunter Online. Nagkalat din ang malaking tarpaulin na may mukha ko. Noong makapasok na kami sa tent na magsisilbing rest area ay agad kinumusta ni Sir Theo ang braso ko. "Hindi naman masakit?" Tanong ni Sir at akmang tatawag ng medic na naka-standby.

"Okay lang po, Sir, no worries. Mawawala din po 'yan." Sabi ko at inilapag ang gamit ko sa isang gilid at umupo sa harap ng vanity mirror para ma-make-up-an na para sa mamaya.

"Kumusta ka, Milan? Long time no see," nakangiting sabi ni Rown na kasalukuyang inaayusan din sa kabilang side.

Hindi naman ako fan ni Rown o ng kahit sinong artista pero nakaka-starstruck pala talaga kapag malaking artista ang kumakausap sa 'yo, no? Take note, siya pa ang nag-initiate ng conversation.

"Eto, busy sa practice kasi malapit na ang tournament. Nakakaloka sa daming ganap," bahagya siyang natawa. "Ikaw, kumusta, hit na hit 'yong prime time drama mo ngayon ah. Infairness nakakatawa 'yong ibang scenes." Kuwento ko although hindi naman talaga ako nanonood ng TV.

May mga scenes lang akong nakikita sa tiktok na pinapanood ko na rin. Hindi ko nga gets 'yong algorithm ng Tiktok ko dahil puro part 1, part 2, part 3 na nung kung ano-anong drama.

Mas lumakas ang sigawan sa labas ang I guessed ay nandito na rin si Thaddeus. Siya lang naman ang nakakapagpasigaw sa mga ganyang klaseng female avid fan ng Hunter Online. Kung si Dion ay mah Baby bra warriors, itong si Thaddeus ay may Dora panty soldiers. Nakakalokang mga fandom names. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa mga utak ng kabataan ngayon.

Inaayos ang nose line ko noong bumukas ang pinto ng tent at iniluwa noon si Thaddeus. He is wearing a black jacket at nakasukbit sa kaniyang leeg ang headset niya. Mabilis na nawala ang ngiti niya pagkapasok sa tent. "Grabe naman makahatak 'yong mga 'yon." Reklamo niya.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yo, 'wag ka nang pumayag muna kapag may nagpa-picture, eh." Reklamo sa kaniya ni Sir Harrison– Manager ng Daredevils.

Hindi nagsalita si Thaddeus at umupo sa tabi ko para maayusan na rin siya. "Long time no see, Captain." I said to him habang nakapikit since nilalagyan ako ng fake eyelashes.

In fairness sa mga make up artist dito, hindi mabigat ang kamay nila. Usually kasi ay ako lang ang nag-aayos sa sarili ko pero okay din sila, hindi halata 'yon malaking tigyawat ko sa kaliwang pisngi ko.

"Oh, I thought you are not in this kind of event. Mukha ka kasing mataray." Sagot ni Thaddeus sa akin.

"Wow, the discrimination," I sighed to show my disbelief. "Mukha lang akong mataray pero mas sociable ako sa 'yo."

"Okay." He answered at inilagay ang pillow neck sa kaniyang leeg at natulog habang inaayusan siya.

"Sorry kung tinulugan ka. Puyat kasi pinanood niya pa ang game play ng bawat team mates niya magdamag para ma-observe ang bawat isa." Si Sir Harrison na ang humingi ng dispensa and I understand naman dahil halata naman sa eyebags ni Thaddeus, mukhang hindi nga matatakpan ng make up iyon, eh.

Ilang minuto lang ay lumabas na sa stge ang mga emcee which is famous host daw sa isang sikat na channel and as a person who is not a fan of TV shows– hindi ko siya kilala.

Lord, sorry na, hindi talaga ako nahilig sa showbiz eversince.

In fairness, magaling nga siya mang-hype ng crowd kasi may mga pakulo pa 'yong emcee na mga eme-eme na kailangan ng audience participation, then nag-iinterview pa siya ng ilang nanonood.

Unang ipinakilala si Thaddeus. Wow, 'di man lang ngumiti ang lalaking ito. Ramdam ko talaga ang excitement niya sa event na ito.

"Huy, ngiti ka naman." Friendly advice ko sa kaniya.

"Katawan mo 'to?" Sagot lang sa akin ni Thaddeus at napairap ako sa ere. Siya na nga 'tong pinapayuhan, eh.

"Please welcome to the stage the Bishop of Hunter Online..." the crowd shouted excitedly as in mula ground floor hanggang fourth floor ng trinoma ay dumadagundong. "Daredevils Thaddeus!"

Lumabas na sa tent si Thaddeus at grabe ang sigaw ng mga tao. Sanay na sila sa cold expression ni Thaddeus pero kinikilig pa rin sila.

God, mga ready magpakabulag sa red flag.

Ako na ang sunod na ipakikilala at ni-recite ko sa utak ko 'yong dapat sabihin kong intro. Nakakahiya pa naman mabulol baka kumapat bigla sa Twitter.

"Siyempre kung ginanahan ang mga female fans ng Hunter Online, siyempre may isa pa tayong espesyal na makakasama for this event!" Ang lakas din nang sigawan ng mga tao. "The Queen of Hunter Online, please welcome on stage– Orient Crown Milan!"

OA na description man pero parang mababasag talaga ang eardrums ko sa lakas ng sigaw ng mga tao. May mga banner pa akong nakita na may mukha ko... mga nakakatawang mukha ko during livestream.

Iniabot sa akin ng emcee ang mic. "Oh my God ang dami ninyo!" sigaw ko at nagsigawan silang lahat. "Hello, guys, I am Milan also known as Shinobi sa Hunter Online world, I am the captain of Orient Crown." The crowd was really hype. "Ayon ang dami ninyo ngayon, don't forget to drink your water. Mainit pa naman saka siksikan then enjoy lang natin ang event, okay?"

"Pa-fall kaaaa!"

Isang sigaw ang nangibabaw at nagtawanan ang lahat.

Umupo na ako sa tabi ni Thaddeus at kumakaway ako sa mga fans na nasa gilid.

Accidentally ay napatingin ako sa phone ni Thaddeus at mukhang nagsi-search siya ng magandang beach. "Why are you searching for beach? Family outing?" Tanong ko sa kaniya.

"Tsismosa ka." Sagot ni Thaddeus. "Naghahanap ako ng puwedeng lugar para makapag-team building kami."

Napatango-tango ako. "Try mo sa Batangas. Madaming magandang beach sa Nasugbu, Batangas. Although medyo hassle 'yong biyahe pero worth it naman 'yong view." Recommendation ko sa kaniya. "Payo ko lang naman."

"Paano kapag pangit doon?"

Nanlaki ang mata ko. "Excuse me, never ako nag-suggest ng pangit na lugar. Lahat ng nire-recommend ko is napuntahan ko talaga kung kaya't testimony talaga ako kung gaano kaganda 'yong place. Compare mo naman sa mga tito jokes mo na ikaw lang ang natatawa."

He smirked at napiling-iling. "Sus. Alam kong natawa ka rin, 'di mo lang ipinahalata."

"Okay, libre mag-assume."

The event continued at nagkaroon kami ng mga palaro kasama ang ilang mga fans.

Ang highlight? Nagkaroon kami ng showmatch ni Thaddeus at ka-team niya ang mga lucky fans at ganoon din ako. At the end of the battle? Si Thaddeus ang nanalo kasi magaling naman talaga si Thaddeus, hindi ko naman itatanggi ang fact na iyon.

Pagkatapos ng event ay nag-final b'bye na kami sa mga nanood. May grupo ng mga babae ang tumatawag kay Thaddeus. Kinalabit ko si Thaddeus. His brows crunched.

"Galit agad?" Itinuro ko 'yong group of girls. "Gusto ka nilang picture-an, smile naman diyan."

"Ayoko." He answered.

"Alam mo, i-consider mo rin 'yong feelings ng mga fans na um-attend sa ganitong klaseng event mo. Malay mo 'yong iba diyan galing pa sa malalayo talaga. Hindi ka naman babangungutin kapag nginitian mo sila. Make this event memorable for them para worth man lang pagod nila." Sermon ko sa kaniya.

Kasi ako, hello, malaman ko lang na galing sa Nueva Ecija or Pangasinan ang mga fans na uma-attend ng matches namin sa Maynila ay nata-touch na agad ako kasi hindi biro ang bumiyahe ng malayo para lang makita kami.

He sighed at ngumiti sa camera. Napangiti rin ako kasi kaya niya rin naman pala.

At the end, super tiring ng event na ito and at the same time ay masaya din naman.

Gabi na noong makarating kami ni Sir Theo sa boothcamp. Almost 12AM na nga rin dahil nakipag-dinner pa kami sa mga bosses ng phone na pino-promote namin.

Noong makarating kami sa boothcamp ay wala namg ingay sa paligid at tanging kuliglig na lang ang maririnig.

Wala akong energy na bumaba ng sasakyan at bitbit ko ang napakaraming gifts sa akin ng fans. As in super drain ako ngayong araw. Ito 'yong pagod na worth it naman pero sobrang nakakaubos ng social battery.

Pagkabukas ko ng gate ng bootcamp ay isang tao ang nakita kong nakaupo sa baitang malapit sa pinto, nakapatong na ang kaniyang ulo sa kaniyang tuhod at nakatulog na– si Dion.

Beside him is the Jollibee meal na chinat ko sa kaniya na nagke-crave kako ako kaso ay hindi na kami nakadaan ni Sir Theo sa sobrang traffic.

I smiled when I saw him, dahan-dahan akong lumpit at umupo sa harap niya. Parang instant na na-recharge ako noong nakita ko si Dion. He is sleeping peacefully at kinuha ko ang phone ko para picture-an siya. Hindi ko napansin na hindi ko pala na-silent mode ang phone ko kung kaya't tumunog ang pag-take ng pictures ko sa kaniya.

Nagising si Dion. "Dito ka na pala." Aligaga niyang sabi at kinusot ang kaniyang mata.

"Ba't dito ka pa natulog? Ang lamok-lamok dito sa labas." Hinawakan ko ang kaniyang braso at ipinakita ang ilang pula dahil sa kagat ng lamok. "Tingnan mo, magpapantal 'to mamaya."

"Hinintay kita, eh." He answered. "Tunaw na nga 'tong ice cream tapos di na mainit 'yong peach mango pie sa tagal mo." Reklamo ni Dion. "'Yong fries din, makunat na."

"For the reklamo ang person." Nakangiti kong sabi. "Masarap pa din naman 'yan."

He smiled at tinulungan ko siyang makatayo . "Ang bigat mo na, Dion, need mo na talaga ng exercise–"

"Ayoko." mabilis niyang sagot. Inakbayan ako ni Dion at naglakad kaming dalawa papasok sa Boothcamp.

"Kuwentuhan mo na lang ako sa nangyari sa maghapon mo. Interesado ako makinig." He said to me.

Naputol ang usapan naming dalawa noong marinig ko ang busina ng sasakyan. "God, hindi ko pa pala nabubuksan 'yong malaking gate. Nasa labas pa si Sir." Nagmamadali akong lumabas muli at binuksan ang gate.

Well, hindi napapagod si Dion na iparamdam sa akin na siya ang pahinga ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top