Chapter 122: Under the Night Sky
This story will will be updated SLOWLY. Super busy sa work.
Please check other writers story for the meantime kung ayaw ninyo ng ongoing at mabitin ng sobra.
I hope you understand
Follow me on
Tiktok: Reynald_20
Kumu: Penguin20wattpad
I do random live minsan so kuwentuhan tayo kapag nagkataon. :)
ALAS-DIES na nang gabi noong nakauwi kami ni Mom mula sa commercial shoot. Grabe, sobrang nakakapagod ang maghapong activities dahil sa shoot. Matapos noon ay kumain pa kami nila Sir Theo bago tuluyang umuwi. Nowadays, para na ring show business ang ESports dahil sa pagiging content creator namin sa Social Media.
Pagkauwi namin ay si Kuya London ang nagbukas ng gate para makapasok ang kotse, karga-karga niya si Forest at hinehele niya ito na parang baby. "Walang pasalubong?" Bungad na tanong ni Kuya pagka-park pa lang ng kotse.
"London, sa laki mong 'yan, talagang naghahanap ka pa rin ng pasalubong hanggang ngayon?" tanong ni Mom at binuksan ang backseat dahil nandoon ang uwi naming Box of pizza at desserts na tinake out namin sa Starbucks.
"Wala kayong uwi, hindi kayo makakaapak sa loob ng pamamahay na 'to." Pabirong sabi ni Kuya at napailing ako.
Iniabot ko sa kaniya ang pizza. "Oh ayan, mabilaukan ka sana diyan."
"Sa tingin mo ba ay mahahawakan ko 'yan?" Tanong nito sa akin at tinuturo si Forest na karga niya. "Mind set ba, mind set."
"Magkakapalit na kayo ng mukha." sabi ko at naglakad papasok ng bahay. Inilagay ko sa center table ang box of pizza at nanonood naman ng netflix series si Kuya Brooklyn.
"It's my first time na makita kang naka-heavy make up, ah." sabi ni Kuya Brooklyn at kumuha ng slice of pizza.
"Tatanggalin ko na nga mamaya pagkaakyat ko, eh. Ang init sa mukha." Kaya lang naman hindi ko siya tinanggal agad ay dahil na rin minsan nga lang 'to.
"Go upstairs and rest, alam kong pagod ka," sabi ni Kuya Brooklyn at tinuloy ang ginagawa sa kaniyang laptop.
Nagpaalam ako kay Mom na aakyat na ako. Grabe, nagpaltos ata 'yong paa ko dahil sa heels na suot ko kanina. Papaakyat na ako ng hagdan noong bigla akong pinigilan ni Kuya London. "Hep! Hep! Hep!" Hirit niya. "Nasaan 'yong picture namin kay Lodicakes? Alam mo naman na sobrang fan kami ng Daredevils, pangyabang ko rin 'yon kapag sila nag-champion sa season 4 tournament."
"Wow, kuya salamat sa suporta, ha." Konuha ko ang cellphone ko at at nagsimulang i-airdrop ang mga pictures kay Kuya London.
Isang napansin ko ay may video pa lang ginawa si Thaddeus na shinout out ang dalawa kong kapatid (which I didn't request) pero natuwa naman ako kasi matutuwa ang dalawa kong kapatid dito. "Ano ba 'yan, bakit lahat ng picture kasama ka? Umay na 'ko sa mukha mo, lods."
I rolled my eyes. "Umay na rin ako sa mukha mo, kuya. 'Di ko naman pinagkalat." reklamo ko na tinawanan niya lang. Buwisit, hindi ko talaga magawang mapikon 'tong kapatid ko.
Umakyat ako sa kuwarto at ibinagsak ang katawan ko. I opened my phone at mga chat ni Dion ang nakita ko.
Dmitribels:
Nakauwi na kayo?
'Di nagrereply amp. Busy yarn?
Bogus:
Kakauwi lang.
Wait lang, tanggalin ko lang 'yong make up ko.
Saglit akong pumasok sa CR para tanggalin ang make up ko at maglinis na rin ng katawan. Grabeng araw 'to, para kong tatlong araw na nag-practice. Until now, nawi-weird-an pa rin ako sa ideya na nagawa kong umarte sa harap ng camera. At higit sa lahat, hindi pa rin ako makapaniwala na nagpo-promote na ako ng isang brand ng phone.
I mean, parang dati lang ay nakakulong lang sa kuwarto at nagpapakalunod sa mga podcast para maging isang young entrepreneur.
Gamit ang towel ay pinupunasan ko ang aking buhok. Umupo ako sa kama at saglit na nagbasa sa social media ng mga ganap ngayong araw. Well, tamang catch up lang din, pinaka nainggit ako kay Noah na nasa Pagudpud with his family, I missed Ilocos. Gusto ko ulit i-try 'yong zipline nila kasi grabe talaga ang view.
Napatigil ako sa pag-i-scroll noong nakita kong tumatawag si Dion. I immediately smile kasi maghapon talagang hindi ko siya nakausap. Hindi rin kasi puwede sa set ang cellphone unless breaktime. I answered the call. "Napatawag ka?"
"Bawal ba?" He chuckled. "So, how is your day?"
"Grabe 'yong pagod! First time ko makita si Rown sa personal, alam ko namang sikat si Rown pero grabe siya sa personal! Iba pala talaga ang balat ng mga artista. Tapos 'yong set? God nakaka-pressure kapag ang daming camera na nakatutok sa 'yo. Nakakahiya pa magkamali ng lines kasi ang daming nanonood behind the set." Kuwento ko kay Dion at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
"Puring-puri si Rown, ah. Clear skin pala, ah." Pagbibiro niya sa kabilang linya.
Bahagya akong natawa. "Baliw, na-amaze lang ako. Alam ko naman din na ang dami niyang sponsors kaya ganoon kakinis ang mukha niya. Ang nice niya lang sa personal." Paliwanag ko at niyakap ang bolster na unan. "Ikaw, how is your day?" I asked.
"Nag-livestream ako kaninang umaga. Nag-clear lang ng boss dungeon tapos naisipan ko lang din tumulong sa mga new players na magpa-level." He explained. Alam ninyo, sobrang nakaka-touch tumulong sa mga new players kasi grabe 'yong pagiging thankful nila. Saka kitang-kita ko kung paano nila ini-enjoy 'yong Hunter Online, ganoon din naman ako noong nagsisimula pa lang ako maglaro.
"Nag-i-stream na siya ng wala ako, nagbago ka na talaga, Dion." Pagbibiro ko.
"Baliw ka ba? Ikaw 'tong madaming schedule. Alam mo naman na hindi ako puwedeng hindi mag-live dahil may quota tayo monthly." Depensa niya na ikinatawa ko.
"Joke lang naman, grabe sa pagiging defensive." Paliwanag ko. Umupo muli ako sa kma at minasa-masahe ko ang aking binti dahil sa pananakit nito, ngayon lang talaga ako nangalay ng bongga sa maghapong pagtayo sq shoot. Kailangan ko na talagang pumunta da mga spa house para magpamasahe, deserved ko naman. Especially ngayon, nalalapit na ang Season 4 tournament kung kaya't mapupuno na naman ang schedule namin. "Anong ginagawa mo ngayon?"
"Standing." Tipid niyang sagot.
"Ang pilosopo, ah."
"Hindi ako namimilosopo. Nakatayo nga ako. Nakatanaw sa bintana ng kuwarto mo. Tingin ka sa baba."
Sa pagkasabi noon ni Dion ay mabilis akong napabalikwas. Habang hawak ang cellphone ay hinawi ko ang kurtina sa kuwarto. Tumanaw ako sa baba.
Nakatayo si Dion malapit sa street light. Nakasamdal siya sa kotse habang nakangiting nakatingin sa akin habang nakatapat sa kaniyang tainga ang kaniyang cellphone. "Anong ginagawa mo rito?!" I check the time on my phone. "Mag-11 na nang gabi, Dion!"
"Gusto kita makita. No further explanation. Wait lang," binuksan niya ang backseat ng kotse at nagulat ako noong may nilabas siyang isang box ng pizza, isang malaking coke at plastic na naglalaman ng Jollibee. "Kain?" He asked and I heard his chuckle from the other line.
"Baliw ka. Wait lang bababa ako." I ended the call. Kumuha ako ng jacket dahil malapit na sa labas. Hindi na rin ako nag-ayos dahil hello, maghapon nang bugbog ang mukha ko sa makeup at nakapag-skin care na rin naman ako.
Pagkabukas ko nang pinto ay saktong paakyat si Kuya London. Naningkit ang kaniyang mata. "Madaling-madali, ah. Saan ka pupunta?" Tanong niya na para bang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko.
"Nasa baba si Dion." I answered, honestly. Like what's the reason to hide na nandiyan si Dion. Much better na alam na nila.
"Ayaw paawat ng Cutie player ng Nueva Ecija, ah. Anong oras na." He checked the wall clock. "'Wag kayong magpapaumaga sa labas. Malamig na." Huling bilin ni Kuya London at pumasok na siya sa kaniyang room.
Pagkababa ko sa sala ay naabutan ko pa si Kuya Brooklyn na ka-facetime si Ate Princess habang parehas silang busy sa work. Nagpaalam ako na lalabasin ko lang si Dion at hiniram ko rin ang jacket ni Kuya na nakapatong sa couch.
Binuksan ko ang gate at nakita ko si Dion. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at iniangat ang box mg pizza. "Kain?" he asked.
"Saan?" tanong ko at inikot ang paningin ko sa paligid.
"Dito," Itinuro niya ang pathway. "Wait ka lang." may kinuha siya sa shotgun seat na tela at inilatag sa may gilid ng kalsada sa village. "Oh, 'di ba?" Dion wiggled his brows at napailing na lamang ako. His simple gesture never really failed to amaze me.
"Anong ginagawa mo rito? Nagawa mo pa talagang pumunta rito ng ganitong oras?" Umupo ako at kahit medyo busog na ako sa dami nang kinain namin kanina nila Mom ay binuksan ko pa rin ang pizza. I don't want to waste Dion's effort because he really make time for me.
"Nakita ko lang 'yong IG post mo na naka-make up ka kanina. Nagandahan ako tapos gusto lang kita makita," he smiled at umupo sa tabi ko. Payapa ang gabi at medyo malamig na rin ang simoy. Malamok pero okay naman din.
Iniabot ko sa kaniya ang jacket ni Kuya. "Bolero. Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo."
He chuckled at isinuot ang jacket. Kumuha siya ng slice ng pizza at nakatingin lang kami sa bakanteng lote malapit sa bahay. "Ikaw, kumusta ka?" Tanong ko kay Dion at sinabayan siya sa pagkain.
"Bored na 'ko sa bahay. Tamang stream lang, kain, tulog, minsan lalabas ng bahay tapos repeat the cycle." Paliwanag niya sa akin. "Pero okay lang din naman, hindi naman ako madalas sa bahay dahil mas madaming araw ang nasa boothcamp ako. You know, iba 'yong comfort sa bahay."
"I feel you." I answered. "Madalas man kaming magbangayan nila Kuya pero iba talaga yung comfort level sa bahay."
"Malapit na tayong bumalik ng Maynila, may mga plano ka na bang nakatabi diyan, Captain?" Dito ko lang na-realize na ilang araw na nga lang ay babalik na kami sa Boothcamp para mag-training sa nalalapit na Season 4 tournament.
Wow, everytime na naiisip ko na lalaro kami sa Season 4 tournament ay kakaibang chills ang nararamdaman ko. Dati lang ay pangarap lang namin iyon ni Dion pero ngayon... lalaro talaga kami this Season bilang Orient Crown.
"Sa ngayon nanonood ako ng game play ng iba't ibang team. Ang hirap mag-gather ng data kasi parang every match na napapanood ko mula sa kanila ay iba-ibang laro ang pinapakita nila. By just watching thei game plays, dito ko na-realize na malalakas na team nga ang makakatapat natin. Alam nila kung paano mag-a-adjust depende sa kalaban, sa isang match ay marami silang planong nakaimbak. It will be challenging for us." Mahaba kong litana kay Dion. Nakatulala lang siya sa akin habang nakangiti.
"Sorry, napahaba ang paliwanag ko." Niyakap ko ang tuhod ko at ngumiti.
"Nagiging mas maganda ka sa paningin ko kapag nagpapaliwanag ka as a Captain." Hindi nawawala ang ngiti ni Dion. Alam ninyo 'yong feeling na tuwing magkasama kami ni Dion ay madalas naman siyang bumanat ng mga biglaang cheesy line (na hindi siya aware na cheesy) pero nabibigla pa rin talaga ako. Walang pinagbago 'yong kilig level. "Alam ko naman na seryoso kang tao pagdating sa pag-aaral mo pero iba impact kapag seryoso ka sa gaming, feeling ko ang suwerte ko dahil nakahanap ako ng taong kaparehas ko ng wavelength... in gaming. Sa pag-aaral bonak ako."
Bahagya akong natawa. "Chika mo. May mga advance exams pa akong dapat problemahin para makasama ako sa boothcamp."
Actually, karamihan sa mga professor ko ay sinabing exempted na ako sa nalalapit na final exam at kung sino ang highest ay iyon na rin ang magiging score ko. Which is hindi ako pumayag at nagsabi na lang akong mag-a-advance ako nang pag-take sa mga exam. What if kalahati lang ang highest sa isang subject, e 'di ganoon lang din ang score ko? Ang OA pero napapraning ako makakuha ng mababang score.
At saka, masarap makakuha ng grades na alam kong pinaghirapan ko para kahit anong maging resulta... no regrets.
"Wala ka bang tugtog diyan? Ang tahimik sa paligid." Binuksan ko ang coke in a can at uminom. Grabe, mahihirapan na naman akong makatulog mamaya dahil sa mga kinakain ko. I will take that as an opportunity to review na lang din.
Binuksan niya ang bintana ng kotse at cinonnect niya ang cellphone niya sa bluetooth ng stereo. He looked at me. "I will guess what's song or artist you want to play."
"Kapag mahulaan mo libre kita ng cheese burger sa mcdo." Pagpatol ko sa hamon niya. I am thinking na magpatugtog sana si Dion ng Lauv songs. Chasing Fire to be exact.
"Lauv." Dion said at naningkit ang mata niya na parang nag-iisip. "Like me Better?" He unsurely answered.
"Huy ang galing mo na nahulaan mo na si Lauv ang gusto ko ngayon. Pero mali ka sa song, Chasing Fire ang nasa isip ko." Pinlay ni Dion ang tugtog at napapatango ako, mahina lang ang pagpapatugtog ni Dion para hindi makagambala sa ibang nakatira sa village, enough lang para marinig naming dalawa. "Paano mo nalaman na Lauv songs ang gusto ko as of the moment?"
"Kapag pinagda-drive kita pauwing Bulacan, madalas mong pinapatugtog ang mga kanta ni Lauv without realizing it."
"Talaga ba?" Wow, akala ko pa naman ay ang broad na ng music taste ko. "Ewan ko, ang chill kasi nang mga kanta ni Lauv, puwede sa roadtrip, sa pagtambay, sa mga ganitong atmosphere."
"Twice din naman ah." Pagtatanggol niya.
"Alam mo, nilalaban mo pa rin talaga na Once ka." Naiiling kong sabi. "Sige nga bukod sa Twice, sino pang artist ang kilala mo?"
"Taylor Swift, Justin Bieber, Anthem Lights, Lauv, Up Dharma Down, Silent Sanctuary." he explained.
"Chika mo, lahat 'yon favorite artists ko."
"Exactly. Nagustuhan ko 'yong mga kanta nila dahil gusto mo rin." He answered seriously.
Alam kong ang babaw. Music taste ko lang naman 'yong pinuri niya pero grabe! Iba! Nakakakilig pala 'yong lalaki na mamahalin din 'yong Music taste mo. Isa 'yon sa na-unaware ako na na-a-appreciate ko pala.
Naging tahimik ang mga sumunod na minuto at nag-focus ako sa pagkain habang si Dion ay nag-scroll sa phone ko na hinayaan ko lang din dahil chine-check niya 'yong mga pictures na kinuhanan ko sa set.
Kumagat ako ng pizza. "Oh by the way, Thaddeus accidentally send his photo to me, check mo. Pogi nga ni Thaddeus sa litratong 'yon." Dumungaw ako sa phone para mahanap niya 'yong mismong photo.
"Ikaw kumuha?" Tanong ni Dion at saglit siyang mapatigil noong makita ang picture. "Ay, blurred nga pala lahat ng mga kuha mong pictures, definitely, hindi ikaw ang kumuha nito."
Mahina kong hinampas ang braso niya na ikinatawa ni Dion. "Fair talaga si Lord. Maganda ka, matalino, magaling sa gaming, pero 'di ka magaling kumuha ng litrato."
"Nakakatawa 'yon? Pasmado kasi ako." Dahilan ko pero sa totoo lang... dati pa ako aware na pangit ako kumuha ng mga litrato.
"Angas ni Thaddeus dito." Sabi ni Dion.
"'Di ba! In-air drop niya kasi 'yong mga pictures kanina. Baka nadamay lang."
"Tabi mo para may pambati ka sa birthday niya."
"Hindi mo ako uutusan na i-delete 'yan?" I asked dahil parang 'di man lang nagseselos si Dion. I mean hindi ko naman gusto siyang magselos pero ganoon kasi ang nababasa ko sa mga novel, may picture ng ibang lalaki si gurl ay nagagalit si guy.
"Why would I?" Kunot noo niyang tanong. "Ine-expect mo ba na magseselos ako dito?" He questioned.
"Hindi 'no!" Depensa ko.
"Alam mo, dapat talaga matuto kang i-detach ang fiction novels sa reality. I don't mind if Thaddeus have photo in your phone, si Aisha nga ang daming picture din sa phone ko." Totoo, hobby ni Aisha na kapag may naiwang cellphone sa table ay magpi-picture siya nang napakaraming wacky dito.
"Bakit ba ang green flag mo?" Tanong ko.
"Ha? Hindi ko nga gets kung ano ang definition ninyo ng green flag at red flag, eh." He explained. "Ang akin, nasa sa 'yo kung gusto mong i-delete ang picture. Thaddeus is showing no interest to you. Tapos malaki naman din tiwala ko sa 'yo."
Humiga ako sa balikat ni Dion at pinagmasdan ang bituin sa langit.
I didn't expect na magiging ideal date ang ganitong senaryo. Nakaupo sa pathway ng village, may mga foods at dinadama lang ang simoy ng hangin. Not totally perfect (kasi malamok) pero this kind of date na okay lang ulit-ulitin namin.
Ang dami pa naming napag-usapan ni Dion pero mostly ay ako ang nagkuwento tungkol sa experience ko mag-commercial shot.
"Ala-una na pala." Sabi ni Dion as he checked his phone. "Pumasok ka na, babiyahe pa ako pa-Nueva Ecija. Dumaan lang talaga ako para makakuwentuhan ka ulit ng personal."
Tumayo si Dion at hinila noya ako para makatayo. "Are you sure? 'Di ka pa sleepy? You can sleep in our guest room, will inform Dad na lang." paliwanag ko.
"May gala kaming pamilya bukas, 'di ako puwede matulog diyan." Paliwanag ni Dion ar ginulo ang buhok ko. "Kitakits na lang sa pagbalik sa boothcamp."
"Sure ka, ha?"
"Oo nga." Iniligpit niya ang kinainan namin at tinapon sa malapit na basurahan. Sumakay na siya sa kotse.
"Ingat ka."
"Sige. Bye na." Sabi ni Dion
"Chat ka kapag nakauwi ka na." Tumango si Dion at pinaandar na ang kotse paalis. Bumisina pa siya ng tatlong beses bago makaalis.
Sa tuwing aalis siya ay bumubusina siya mg tatlong beses. Ibig sabihin daw noon ay I love you. Corny man pero nakakatuwa sa tuwing ginagawa ni Dion iyon.
Hinintay ko siyang makaliko sa isang kanto bago ako pumasok sa bahay. Nakangiti pa akong pumasok.
'Yong sagad na pagod ko sa maghapon na shoot ay napawi ni Dion.
Pagbukas ko mg pinto ay nadatnan ko si Kuya Brooklyn na nasa sala. Mukhang may tinatapos siyang report dahil puro dashboard 'yong nasa laptop niya. Grabe talaga pagiging workaholic nitong panganay namin.
Mukhang nasa lahi namin na magpagod sa acads at work. Ewan ko lang kay Kuya London, baka ampon siya.
"'Yong jacket ko?" Tanong ni Kuya agad.
Napatigil ako sa paghakbang. "Oh God Kuya, hindi ko nakuha kay Dion before siya umalis."
"Iba ka kapag kinikilig, lakas makalimot." Naiiling na sabi ni Kuya. "Sige na, sabihin mo kay Dion balik niya na lang kapag may time siy. 'Di ko puwede ibigay sa kaniya 'yon, regalo ni Princess 'yon noong third anniversary namin."
I understand naman.
Umakyat na ako sa taas at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Matutulog akong may ngiti sa labi.
Pero sa mga susunod na araw, bukod sa poproblemahin ko ang finals ay nalalapit na rin ang Season 4 tournament na alam kong isa sa mga malalaking event na inaabangan sa Gaming community.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top