Chapter 121: Connection

Kumu: penguin20wattpad
Tiktok: Reynald_john

I do random live with those two socmed so kung gusto ninyong makipagkuwentuhan, follow lang.

AFTER naming mag-brief introduction ni Thaddeus ay hindi na kami ulit nag-usap. Sabi ko naman, hindi kami close at noong last time na chinika ko siya ay parang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko. Inayusan na si Thaddeus sa harap ng vanity mirror habang ako ay bumalik sa puwesto ko para magbasa ng script.

"Sorry, Milan for the delay, na-late kasi ng kaunti sila Thaddeus." Paghingi ng sorry ng staff sa akin.

"No, I understand it's okay. Don't worry about me." I assured to them. Mabuti na lang talaga at professional ang lahat ng nandito at naunawaan ang sitwasyon.

At isa pa, kailangan ko pa ng oras para makabisado ang kakaunting lines ko sa script. I mean, maiksi lang naman ang line ko pero noong makita ko ang lightings, malalaking camera, at maging ang dami ng tao nandito... God! Nakakahiya mabulol. "With this phone... your power will be shown." pag-uulit ko sa line in different tone kung paano ko siya bibigkasin.

God, noong highschool ako ay makita ko pa lang si Shannah na nasa likod ng camera ay natatawa na ako. Hindi puwede mangyari sa shooting 'yon, nakakahiya kay Thaddeus at sa direktor.

"Daredevils, 'di ba iyon ang paboritong team ng mga Kuya mo?" tanong ni Mom sa tabi ko na parang hindi siya sure. Well, hindi naman din siya hardcore fan ng professional gaming kung kaya't hindi niya alam ang karamihan ng detalye. Nito nga lang na-expose sina Mom at Dad ng bongga sa Esports dahil sa pagnood-nood nila ng laban namin.

"Yes, Mom, second strongest team last season sa Hunter Online." Paliwanag ko which is totoo naman dahil Black Dragon at Daredevils ang nagtapat sa finals ng tournament last season. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nagutom dahil hindi ako nakapaghapunan dahil talo ang Daredevils ayon sa mga kapatid ko.

"Oh e 'di magpa-picture ka para may maipakita tayo kay Brooklyn at London." she informed me at tinanggal niya ang dumi sa pisngi ko.

My eyes widened at mabilis na iniling ang aking kamay. "Ayoko 'ma. Hindi na rin ganoon ka-indulge sila Kuya sa Hunter Online. Nakakahiya kay Thaddeus." Mabilis kong tanggi.

"Anong nakakahiya doon? Magpapa-picture ka lang naman hangga't hindi pa start ng shoot ninyo. Bilis na, para may mai-send din ako kay London saka sa Daddy mo, nanghihingi kaya ng update ang Daddy mo." She informed me at pinilit akong tumayo.

"Mom, ayoko talag—"

"Jerrish Milan De Santos." Nagbuntong hininga ako at tumayo. Inakay naman ako ni Mom papunta sa direksyon ni Thaddeus.

Thaddeus is busy reading the script habang inaayusan siya sa kaniyang mukha. "Hello..." mom politely said to Thaddeus at napatingin si Thaddeus sa vanity mirror para makita kung sino ang tumawag sa kaniya.

Mula sa vanity mirror ay nagtama ang mata namin at napailing-iling ako dahil sa kahihiyan na dadanasin ko. I mean! Anong gagawin ko sa picture namin ni Thaddeus, sigurado naman ako na madalas kaming magkakasalubong sa Season 4 tournament.

At isa pa, hindi ko ugali. Sa dami ng artista, vloggers, at streamers na nakasama namin sa iisang event ay ni-isa sa kanila ay hindi ako nagpa-picture. Tapos mangyayari lang siya rito... sa utos ng nanay ko. Para raw sa kapatid kong mas buwisit pa sa mga busiwit.

"Ano po 'yon?" Thaddeus asked as he removed his airpods pro from his ears.

"Picture sana kayo ni Milan." Mom requested.

Tumingin sa akin si Thaddeus at kunot-noo akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. Makaramdam ka. Tumanggi ka.

"Sure po. Tapusin lang 'yong makeup tapos picture po." sagot ni Thaddeus sa kaniya. Well, kahit naman ako, kapag nanay na ang nag-request sa akin ay nahihiya na ako tumanggi.

Umupo ako sa bakanteng upuan habang si Mom ay saglit na umalis para kausapin si Sir Theo. "Bakit hindi ka tumanggi?" tanong ko.

Sumilip lang siya sa akin dahil hindi pa siya tapos ayusan. "You are asking me to decline to your mom's request?" Naiiling niyang sabi habang nakangiti.

"Oo."

"It's not for you, para 'yon sa mga kapatid mong fan ng Daredevils." he answered.

"Teka, paano mo nalaman na para sa kanila 'yon?"

"Halata naman sa mukha mo na napilitan ka lang, eh. I keep looking at your reflection here in the mirror and you keep doing..." inakto niya 'yong mga pag-iling at pagsibangot ko kanina. "Galit ka agad sa akin, eh."

"Hindi ako galit, nahihiya ako. There's a fine line between those two." I informed him.

"Picture na, para matapos na." sabi ni Thaddeus noong matapos siyang ayusan. Tumingin siya sa akin at nilatag ang kaniyang kamay. "Where's your phone?"

"Wala sa akin."

"What?"

"Wala sa akin, nakatago sa bag ni Mom kasi ibang brand ng cellphone." Balita ko kasi ay dadaan dito ang isa sa mga brand owner noong phone. Nakakahiya.

"Great." Thaddeus said in bored tone. Inilabas niya ang cellphone niya and open his camera.

"Teka ano—"

"One, two, three." After he counted ay pinindot niya nang sunod-sunod ang camera. "Airdrop ko na lang sa 'yo mamaya." Naglakad na papaalis si Thaddeus at pumunta sa mismong set.

Late na ako naka-react sa bilis ng nangyari. God! Hindi ko man pang na-check kung mukha akong tanga sa mga picture.

Pumunta na rin ako sa mismong set at parang isang esports arena ang buong set sa dami ng lightings, may mga extra din daw kaming makakasama ni Thaddeus na gaganap bilang teammates namin. Bakit hindi pa tatlong esports players ang kinuha nila?

Mas malakas ang hatak noong product kung kumuha pa silang ambassador from different teams. Pero sa bagay, baka budget cut na rin, sa set pa lang ay mukhang malaki na ang inilbas nilang pera, eh.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking screen. God, hindi talaga ako sanay na nakikita ko ang sarili ko sa ganitong klaseng mga TV at realtime na kinukuhanan pa ang galaw ko. Sa tarpaulin pa nga lang sa village at sa school ay nahihiya na ako tapos ngayon ay magkakaroon ako ng commercial shoot na ipapalabas between mga telenovelas.

The staff brief us that we will follow the flow of the script.

Basically ganito ang mangyayari, maglalaro kami ni Thaddeus together with our teammates tapos defeat kami. Papasok si Rown (isang teen actor sa isang TV network na may popular love team) hawak ang mobile phone and we will start to use it for ultimate gaming experience and then next scene ay panalo kami and promote the product itself na.

Mukha lang siyang madali pero nakaka-pressure dahil ang dami talagang staffs dito sa studio and may artista pa kaming kasama sa shoot. Sana nga lang ay hindi mapikon si Rown at maintindihan niya na hindi ko field of expertise itong acting.

"Camera rolling!" sigaw noong isang staff at umupo na kami ni Thaddeus to play in our phone. "Standby!"

Tumahimik sa buong set at itinaas na ang boom mic (taray, alam ang boom mic, may natutunan sa minor subject) "Action!"

I started tapping on my phone at sinasabing "i-push pa!" Or "Kaya pa 'yan" todo bigay ako sa first acting gig ko and as per director's cue, ay umarte kami na parang natalo.

Binaba ko ang phone ko. "Talo na naman."

Nagkatinginan kami ni Thaddeus at cinut noong direktor ang shoot. "Cut! Ulit! Milan and Thaddeus, remember teammates kayo rito, halata sa mga mata ninyo na strangers ang tingin ninyo sa isa't isa."

"Yes po!" sigaw ko. "Sorry Direk!"

"Galingan mo. Ayusin natin." Thaddeus said before mag-start ang next take.

"Ako? Ikaw nga 'tong hindi nag-respond sa sinabi ko." Pagbabalik ko sa kaniya.

Sinabi ni Direk na para kaming strangers... totoo naman na strangers kami! Bilang lang sa daliri ang events na nagkasama kami ni Thaddeus and we are not friends either.

Nakailang take kami for the first scene at ni-isa! Walang pumasa sa mga shinoot namin, sabi ni Direk Lawrence ay hindi niya raw nakikita ang bond sa pagitan namin ni Thaddeus at para raw hindi kami magkakampi sa laro. God, todo bigay na ako sa acting ko, sagad na 'yon 100%. Sinasabi ko na nga ba na hindi tamang desisyon ang tumanggap ng mga acting gig kahit commercial pa.

Naawa nga ako kay Rown kasi hindi pa siya nakukuhanan ng scene eh siya ang big time artista rito. But instead of ranting ay chini-cheer niya lang kami sa isang gilid.

"Solo shot muna ni Rown ang kuhanan natin. Milan and Thaddeus, mag-usap muna kayo, build a connection." Utos ni Direk Lawrence at umalis muna kaming dalawa sa set.

Sumalang muna si Rown for his solo shots and dialogues habang kami ay umupo ni Thaddeus sa dalawang monoblocks malapit sa malaking electricfan. "Sabi ko sa 'yo sabayan mo 'yong energy ko." Reklamo ni Thaddeus sa akin.

"Excuse you?" I raised my brows. "Mas may energy pa ako sa ating dalawa. Hindi mo nga ako tinitingnan sa mata during the shoot kaya wala 'yong koneksiyon ni Direk."

"Ayoko kita tingnan." reklamo niya. "Mukha kang kuting."

"Ano?" Reklamo ko. "Alam mo uso umamin na may pagkukulang ka." Siya 'tong parang hindi naglalaro sa phone kanina habang nasa shoot kaya mukhang hindi makatotohanan.

May dumaan na staff at napatigil kami sa pagbabangayan. "Usap lang kayo diyan muna, ha?" Bilin nito sa amin at ngumiti kaming dalawa rito. Pagkaalis noong staff ay nawala ang ngiti ko at seryoso ko ulit siyang tiningnan. "Mukhang magtatagal tayo sa shoot na 'to."

Pinaikot ni Thaddeus ang cellphone niya gamit ang ang kaniyang daliri. "We should build a connection..." mahina niyang bulong sa kaniyang sarili.

"Hoy." Sinipa niya ang paa ng monoblock na inuupuan ko.

"Ano ba!" reklamo ko.

"Anong tawag sa asong nauntog?"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ha?"

"Dug." Sabi niya sa seryosong tono. "Ano ang tawag sa isdang relihiyoso?"

"Ha?" Gulong-gulo ako sa sinasabi ng mokong na 'to.

"Fish be with you." sagot niya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?!" naiiling kong sabi habang mahina nang natatawa.

"Breaking the ice?" he answered at sumandal sa monoblock. Malalim siyang bumuntong hininga. "Hindi effective. Kalimutan mo na lang na sinabi ko 'yon." Bumalik siya sa pagpapaikot ng cellphone niya.

"Really, is that how you make friends with other people? Tito jokes?" Natatawa kong sabi.

Hindi siya sumagot at pinagmasdan lang si Rown na mabilis na nagagawa ang mga dapat niyang i-shoot. Sana all na lang talaga ay may talent sa pag-arte. Mabilis akong nag-isip ng bagay para magkaroon kami ng connection.

One thing that we are similar is gaming. "Tetris tayo."

"Ha?"

"Bad idea pala." sabi ko dahil baka imbes na maging friends kami ni Thaddeus ay lumaki lang ang galit namin sa isa't isa lalo na't hindi kami magpapatalo para ma-beat ang highscore ng isa't isa. "May alam akong laro na mabi-build ang connection natin."

"Ano?" Kunot-noo niyang tanong

***

"FIRE boy, Water girl? Seryoso ka?" Tanong ni Thaddeus habang pinagmamasdan ang screen ng phone. "Ito na 'yong sinasabi mong mabi-build ang connection natin?"

"Hello, mahirap kaya 'to!" reklamo ko sa kaniya. "Kailangan ng cooperation ng laro na 'to para ma-clear ang level." paliwanag ko sa kaniya. Inilapit ko ang monoblocks ko sa kaniya para makapaglaro kami.

Isang phone lang kasi ang gagamitin namin to play the game, siya ang magko-control sa upper part which is si Fire boy habang ako naman kay Water Girl.

Well, sa mga hindi nakakaalam, pambatang laro ito na nilalaro ko pa sa Y8 dati. Ilang beses din kaming nagsuntukan ni Kuya London dito sa tuwing hindi namin matapos ang isang level.

Nagsimula kaming maglaro ni Thaddeus. Noong una ay chill pa dahil madadali lang pero kalaunan ay nagsasagutan na kaming dalawa. "Apakan mo 'yong button para makatawid ako!" reklamo niya.

"Inaapakan ko!" ganti ko. "Mabagal ka lang."

"Kinuha ko kasi 'yong diamonds. Objectives men, objectives." Sagot niya sa akin. "Ingat ka sa may poiso— kakasabi ko lang. Ulit na naman."

"Eh, ikaw kaya mauna!" reklamo ko.

"Nakita mo 'di ba, may kailangan gawin si Water girl para makadaan ako."

Sa ilang minutes namin na pagtatalo ay tinawag na kami para mag-shoot ulit. Well, hindi ko ba alam kung connection ang nabuo namin ni Thaddeus for the shoot pero mas magaan na ngayon kasi somehow nakausap ko naman siya.

"Dito mo sa shoot sabihin 'yong dug mo." advise ko sa kaniya noong umupo kami sa gaming chair.

"Katawa." Sagot niya sa walang siglang tono.

We start shooting again and this time, mas hype ako at maging si Thaddeus dala na rin noong paglalaro namin ng Fire boy, Water girl. "Talo na naman, badtrip." Naiiling na sabi ni Thaddeus.

"Ikaw kasi, eh. Ang lag ng phone mo." sagot ko sa kaniya.

Rown entered in the scene para iabot ang phone na ipo-promote namin.

The shoot continue, may ilang mga kailangan i-take two or take three pero hindi na kami tumatagal ni Thaddeus sa pagtatalo.

"With this phone, your power will be shown." I said in front of the camera while smiling habang nakatapat sa screen ang phone.

"And cut! That's a wrapped!" The director announced at pumalakpak ang lahat sa studio. God, hindi ko naman in-expect na ang tagal pala ng shooting para sa ilang segundo o minuto na commercial. 7AM ang calltime namin at alas-tres na nang hapon noong matapos kami.

Nakakapagod maging artista. Ngayon ko lang na-realize na hindi siya magiging path of career ko in the future. Hindi talaga para sa lahat ang pag-arte.

"Hoy." Isang boses ang narinig ko mula sa likod kung kaya't napatingin ako rito. Nakabihis na si Thaddeus at tanggal na rin ang kaniyang makeup. Ako? Hindi ko tatanggalin 'tong makeup ko hangga't makahanap nang makakainan. Minsan lang ako magiging maganda.

Naglakad si Thaddeus papalapit sa akin. "Hoy ka rin." sagot ko sa kaniya at inilagay ang mga powerbank sa bag ko.

"Airdrop ko na 'yong picture sa 'yo." sabi niya at sinandal ang kaniyang sarili sa lamesa.

"Ano namang gagawin ko diyan?" reklamo ko.

"Eh ano ring gagawin ko rito? Bilis na, ipapasa ko na para ma-delete ko na. Kain storage lang." Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ni Mom.

"Anong pangalan ng Airdrop mo?" tanong niya.

"Dmitri." I answered. He chuckled. "Natatawa ka?"

"Wala lang." Sagot niya at pinasa na ang mga picture sa akin. Ibinulsa niya na ang phone niya. "Kitakits na lang sa Season 4 tournament. Give us a good match."

Tumalikod na siya at binitbit ang duffle bag. Naglakad na paalis. Tiningnan ko ang mga sinend niyang litrato at mayroon siyang pinasa na picture na siya lang nag-isa, mukhang kinuhanan sa magandang background sa labas ng studio. Mukhang hindi niya lang din napansin na na-send.

"Halika na." Aya sa akin ni Mom at ni Sir Theo dahil balak naming kumain muna bago umuwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top