Chapter 120: Hunter Online World

Hi guys, follow me on my Tiktok account @reynald_john and follow me on my kumu account @penguin20wattpad.

I do saturday night live sa kumu para makakuwentuhan ang mga readers ko so kitakits!

HUMIHINGAL ako matapos kong mapatay ang isang Thunder Hunter Rifleman na isa sa mga kalaban sa boss raid na ginagawa namin. Ang lakas makaubos sa potion at sa mana ng Boss raid na ito dahil ang sasakit ng damit ng mga monster. Ganito talaga kapag mga high-level boss raid na ang ginagawa, the damae that they are inflicting was really big.

"Rufus, mag-front ka muna! Shinobi back ka at mag-heal. Lahat ng kailangan mag-heal ay mag-back muna!" Malakas na sigaw ni KnightRider (Sandro).

Mabilis na tumakbo papaharap si Rufus, using his shield, he blocked and accepted all the attacks of the monsters. Mabilis ko naman binuksan ang inventory ko para makakuha ng healing potion at ininom ito. "Ang taas ng damage! Hindi ko 'to maho-hold ng matagal!" Sigaw ni Rufus habang sinusubukang tumingin sa amin.

Unti-unting bumabalik sa dati ang health bar ko. Mabilis na nag-isip si KnightRider on how we can survive the situation. "Rufus, hold mo saglit! ShadowChaser (Juancho) gumamit ka ng skill na may explosive damage para ma-push back ang mga kalaban. Everyone, the moment na napaatras sila, take that chance to attack again!"

"Yes, Sir!" we shouted in Unison at humigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko.

For this Boss Raid, we let Sandro na i-lead kami. I mean, Sandro is a strong Captain, iyon nga ang dahilan kung bakit nakapasok sa Season 4 tournament ang ALTERNATE, eh. Although, marami sa lineup namin for this Boss Raid ay may-experience as a Captain pero hindi naman kami nag-aagawan sa posisyon na 'yon.

I mean, nakakapagod din mag-check lagi ng health bar at status ng mga kasama. Captain position is really a tiring job.

Nagpakawala si ShadowChase ng malaking bolang apoy, as expected, a lot from the monster here in this dungeon were pushed back. "Ngayon na!" Sigaw ni KnightRider at mabilis akong tumakbo tungo sa direksiyon ng isang Tech Guard. Using my skill, I managed to defeat the Tech Guard.

Noong ma-clear namin ang isang map ay saglit kaming napatigil dala ng pagod bago tumungo sa susunod na map. "Napanood mo ba 'yong video ni Renshi na kumalat sa Facebook?" tanong ni Rufus habang nakaupo kami.

"Nakita ko! Tinag mo pa nga ako doon sa post." Natatawa kong sabi habang naalala ko na naman ang pinagagawa nila sa Wowowin. "Grabe 'yong Zigzag video ni Renshi na 'yon, more than 300,000 views na as of now."

"Gumawa pa talga nang kahihiyan ang batang 'yon bago umuwi ng Japan." Naiiling na sabi ni Ted_Bundy (Kendrix). "Sinabi ko naman sa kaniya na maling desisyon na bumarkada kanila Oli dahil paniguradong dadalhin ka sa kahihiyan ng batang iyon."

Tawang-tawa talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa nila sa Wowowin. Tinanong ko nga si Oli kung bakit naisipan nilang pumunta doon at ang sagot?

"Kumare, hindi mo ang alam ang hirap na pinagdaanan namin para makapasok sa studio. Ang aga naming pumila. I just want it to be memorable for Renshi at hindi kumpleto ang experience mo sa buhay ng hindi nakikita si Kuya Wil." That's what Oli explained at seryoso talaga siya noong sinabi niya sa akin iyon kung kaya't tawang-tawa ako.

Well, hindi naman maipagkakaila, it was a memorable experience for them. Hindi ko nga in-expect na magki-click silang lima kahit magkakaiba sila ng team, eh. I just hope maging kaibigan din nila si Kiel (youngest player of ALTERNATE) para naman may ka-vibes at kasama din ang isang iyon.

"We should keep going. Maglalaba pa ako." sabi ni KnightRider. "Wala talagang profe-professional player sa bahay. Kapag nautusan ka ng nanay mo, gg ka talaga." Kumakamot sa ulong sabi ni KnightRider.

Tumayo kami at pinagpagan ang suot ko. Tiningnan namin ang malaki at makinang na gate papasok sa boss. "Prepare your weapon guys," Sandro commanded us. "Make sure na may healing potion ang lahat. Just follow the plan and we can clear this boss."

Pumasok na kami sa Boss lair at sinimulang kalabanin ito.

***

WE managed to clear the dungeon but unluckily, hindi namin nagawang matalo ang record na sinet ng Black Dragon. "Ahh, grabe ang sakit ng katawan ko." sabi ni Nodaichi (Larkin) habang iniikot-ikot ang kaniyang braso. "Ang tagal ng boss raid na iyon, ah."

"Ang mahalaga ay hindi tayo na-defeat at naubos." Sabi ni Nemesis (Captain Axel). "Nakuha ninyo 'yong mga items na kailangan ninyo para ma-level up ang mga weapon at armor ninyo. Grabe nakaka-miss din mag-clear ng dungeon."

"Bumalik ka na kasi sa Pro league," sabi ni KnightRider sa kaniya.

Napailing si Nemesis habang nakangiti. "Tama na 'yong Law school ang nagpapasakit ng ulo ko. Basta kapag kailangan ninyo ng kasama kapag magki-clear kayo ng Boss Dungeon. Game lang ako. Tawag lang kayo."

I bet Axel still love the Hunter Online na hindi niya lang magawa na makabalik sa Pro League dahil sa priority niya sa buhay. Can't blame him, I have friends sa Law School na parating pudpod sa pag-aaral dahil daw sa mga recit at daming article na dapat kabisaduhin

Isa-isa na silang nag-logout habang naiwan kami ni Dion sa Hunter Online world. Nakaupo lang kami sa damuhan, sa lilim ng isang malaking puno sa isang burol. Mula rito ay natatanaw ang isang bayan at mga players na pumapatay ng monsters sa hindi kalayuan.

"Parang ngayon lang tayo nakatambay ng ganito, ah." sabi ko habang nakatanaw sa lumilipad na dragon sa himpapawid. Riding a dragon is one of the fastest transportation here in Hunter Online. Kaso nga lang ay medyo pricey at one time use lang for two hours.

"Ha? Lagi nga tayong online kaka-practice at kakalaro." Natatawang sabi ni Rufus at isinandal ang kaniyang katawan sa puno.

"I mean, ngayon lang ulit tayo nakatambay sa Hunter Online ng hindi nai-stress. Iba naman kapag pumupunta tayo rito kapag nasa boothcamp tayo, all we do that time is mag-practice nang mag-practice at mag-boss raid nang mag-boss raid." Paliwanag ko sa kaniya. "Nage-gets mo ba 'yong pino-point ko? Parang ngayon ko lang na-appreciate kung gaano kaganda ang Hunter Online."

He chuckled. "Dito tayo unang nagkakilala."

"Sinungitan mo ako no'n."

"You bumped me first."

"Hindi ko sadya 'yon. Amazed lang ako sa online game that time. Alam mo naman, hindi ako mahilig sa ganitong klaseng gaming dati. Naikuwento ko naman." Paliwanag ko sa kaniya at pinagmasdan ang mga players na pumapatay ng monsters.

"Ayaw mo pa ngang maging professional player no'n, eh."

"Kasi naman, masyadong magulo ang Esports at focus ako sa pag-aaral ko noon. Pero ngayon, magulo ang Esports at stressful pero masaya. Dito lang ako nakakita ng mga tao na sobrang passionate sa ginagawa nila." Paliwanag ko kay Dion.

Ilang minuto kaming natahimik at dinama ko lang ang malamig na simoy na hangin sa lugar. Maya-maya pa ay biglang tumayo si Dion at inalok akong tumayo.

"Saan tayo pupunta?" Kunot-noo kong tanong.

"Sa Beginner's town. Kung saan tayo unang nagkakilala." Paliwanag niya.

Nag-teleport kaming dalawa ni Dion sa unang-unang town dito sa Hunter Online. Walang pinagbago ang lugar. Ang dami pa ring new players ang nandito na ngayon pa lang magsisimula sa journey nila sa Hunter Online.

"Si Rufus at si Shinobi!" sigaw ng player na nagngangalang TimeBuddy.

Dahil nakilala niya kami ay nilapitan na kami ng mga rookie players. Wow, artistang-artista talaga ang tingin nila sa mga professional players, can't blame though, sunod-sunod na mismo ang promotional photo at video ang nilalabas ang Hunter Online para ma-hype ang nalalapit na Season 4 tournament.

We accomodated them nicely. Sa gitna nang pagpapa-picture nila ay may mga players akong namataan sa hindi kalayuan ay may namataang akong members ng Zero Chance. Napakunot ako ng noo kung ano ang ginagawa nila dito. Hindi man sila nasali sa Qualifiers ng Season 4 tournament (I donnt know why they didn't participate) ay maingay ang pangalan nila sa game, they clear dungeons and beat records.

Walang kahit sinong may ideya kung sino-sino nga ba ang nasa likod ng Zero Chance. Walang nag-i-stream sa kanila o kahit leak lang ng tunay na hitsura nila.  Sabi ng iba, they are a group of friends na gusto lang mag-clear ng mga dungeon pero base sa stats and sa nakikita kong video nila sa youtube– they should take their group more seriously, may nakikita akong laban sa kanila kapag pumasok sila sa pro scene.

Naglakad-lakad kami ni Dion habang pinagmamasdan ang buong paligid ng town. "Wow, ang daming memories sa lugar na 'to. Naalala ko bigla 'yong mga quest na ginagawa namin nila Trace, hirap na hirap pa kami dati patayin 'yong mga wild boar sa labas." Nakangiti kong paliwanag kay Dion.

"Ilang araw kayong nag-stay dito?" he asked.

"Mga isang linggo."

"A week?!"

"Hello, siyempre bago lang ako sa laro noon at wala akong ideya kung paano ako makakapunta sa ibang town. Saka, nakakatakot din umalis dito dahil baka kung anong malalakas na monsters makalaban habang nagta-travel sa next town." paliwanag ko kay Dion.

"Sa mga monster natatakot ka pero sa Boss raid nag-go ka naman," naiiling niyang sabi at mahina kong tinapik ang kaniyang braso. "De hamak na mas malakas ang mga monster sa Boss Dungeon kaysa sa mga monster dito, eh."

"I am not taking everything seriously back then. Naglalaro lang naman ako that time kapag free ako sa gawain at naaaya lang nila Clyde, so, wala akong ideya sa mga malalalim na terms na ginagamit ninyo sa game." I defended myself. Sobrang ignorant ko pa noon sa nangyayari sa game, wala nga akong ideya sa mga professional players noon, eh.

"Tapos ngayon Captain ka na." he smiled noong maupo kami sa gilid ng fountain.

"Sinong mag-aakala, 'no?" Pinagmasdan ko ang mga players na dumadaan. "Who would thought na ang isang babaeng kagaya ko ay makakapasok sa mundo na dominated ng mga lalaki."

"Ako." Dion said without hesitating. "The moment na natalo mo ako sa PvP ay alam kong may potensyal ka. You just proved that you can be part of professional league noong na-beat ninyo 'yong boss record namin at nakakuha ka ng rare item."

"Thanks for believing though, kung hindi ako napasok sa Battle Cry noon ay baka hanggang ngayon ay School-bahay pa rin ang routine ng buhay ko."

"You deserved to be part of this world. Naging instrumento ka para mamulat 'yong mga misogynist na mga players na kaya rin makalaro ng mga babae sa Esports." paliwanag ni Dion sa akin.

Well, hindi ko naman sinasabing malakas na ang tingin sa amin ng ibang lalaking players as female players pero atleast, hindi na kami jina-judge na kapag female players ay pabigat sa team at puro ganda pang. Atleast nakita nila na may ibubuga din kami sa paglalaro.

Sa isang banda ay nakita ko ulit ang mga Zero Chance members.  "Ano kaya ang ginagawa nila rito?" Kunot-noo kong tanong at napatingin din si Dion sa direksiyon nila.

"Baka naman may mga bibilihin lang na items?" Dion asked.

"Sa beginner's town? Anong mabibili nila rito? Puro mahihinang items lang ang nandito at hindi na kailangan ng mga high-level players." Paliwanag ko sa kaniya.

"Baka ito ang comfort place nila? Kagaya natin, we usually meet at Silanya Town kapag magkikita tayo nila Sandro para mag-clear ng dungeon." Paliwanag ni Dion at napakibit-balikat na lang ako dahil baka iyon nga ang dahilan.

MATAPOS naming maglaro ay bumaba ako sa sala ng bahay para madatnan si Kuya London na nakikipaglaro kay Forest at River (which is the aspin na nakuha niya sa isang dog compound). Ang weird lang na pinapangalan ni Kuya sa nature ang mga nagiging alagad niya pero naalala ko na weird din ang pangalan namin. Mga lugar na napuntahan ng mga magulang namin.

Umupo ako sa tabi ni Kuya Brooklyn sa sala habang busy siya sa paggawa ng report. "You are done playing?" tanong ni Kuya.

Tumango ako. "Natapos naman namin 'yong Boss raid at nakakuha ng items na kakailanganin sa ascension of weapon. Sana nga lang ay naglalaro pa rin kayo ng Hunter Online." Paliwanag ko.

"Naaah, may iba na kaming bagay na prioritize ngayon. Para sa batang version namin ni London ang larong iyon." paliwanag ni Kuya. They rarely go online na sa game unless naaaya sila ng mga kabarkada nila. Si Kuya Brooklyn, pinaghahandaan ang nalalapit niyang kasal habang si Kuya London naman ay busy mga fur dad sa mga alaga niya.

Habang nakatambay kami ni Kuya sa sala ay nag-check na rin ako ng email ko dahil minsan ay doon nagse-send ng information sa amin si Sir Greg tungkol sa mga magiging katapat namin sa Season 4 tournament. Habang tumitingin ako ay isang email ang nakakuha ng atensiyon ko.

"Kuya, nag-email sa akin 'yong isang brand ng phone. They want me to become one of their brand ambassadors and film a commercial with them." I informed kuya Brooklyn kasi kahit ako ay hindi makapaniwala. I mean, yeah I am getting a chance to promote other brands like headset, keyboard pero ito ay isang phone brand! Mga artista level at may malalaking billboard lang sa EDSA ang nakikita kong may ganito.

"Anong ire-reply mo?" tanong ni Kuya London na biglanv sumulpot at tumalon para makaupo sa couch. Inagaw niya ang cellphone ko at binasa ang email. "Ipo-promote mo pa 'yan, laking iPhone ka." natatawa niyang sabi.

"Alam mo may wall kuya, 'di kita kausap." reklamo ko.

"Nye nye nye. Humahaba na talaga ang sungay at buntot mo." reklamo ni Kuya London.

"Paano ka pa! Baka kapag nawisikan ka ng Holy water matunaw ka." inis kong ganti at nag-make face lang si kuya para gayahin ang expression ko. Buwisit talaga. Hindi ko man lang magawang mapikon 'tong kapatid ko.

"Kapag nagkaksalubong kayong dalawa ay parati kayong parang batang nag-aaway!" Reklamo ni Kuya Brooklyn at natahimik kaming dalawang magkapatid. "Milan, mag-sorry ka kay London,"

"Kuya! Ano? Wala akong kasalanan, 'yang si Kuya London ang epal." reklamo ko.

"Mag-sorry ka." Tumingin si Kuya Brooklyn kay Kuya London. "At ikaw, London, mag-sorry ka rin. Ikaw mas nakakatanda, ipupukpok ko sa 'yo 'tong laptop, eh."

Ang ending? Nag-sorry kami ni Kuya sa isa't isa. Labas sa ilong na sorry. Bakit ko 'yan patatawarin? Nagtatanim ako ng sama ng loob.

"Still hesitating if I should grab the opportunity." sabi ko habang binabasa ni Kuya Brooklyn ang email.

"Mukhang legit naman sila with the information that they provided. At isa pa, there is nothing wrong promoting a gaming phone. Inform mo na lang din si Sir Theo since siya ang may hawak sa inyo ngayon." Paliwanag ni Kuya sa akin.

"Ako lang sa team namin ang kinuha as ambassador."

"Ano naman?" Kunot-noong tanong ni Kuya Brooklyn. "Hindi naman sa lahat nang pagkakataon ay dapat kasama mo ang kahit na sino sa Orient Crown o kahit si Dion."

"If the opportunity knocks in, huwag mong tanggihan." Sabat ni Kuya London habang nagkakape. "At your age, ang suwerte mo ngang may pinanghuhugutan ka na source of income. You have the opportunity to save up money for your future."

"Tama si London. Hindi ka naman din habang buhay professional player. It's just a phase in your life kung kaya't kung may pagkakataon kang kumiya. I-grab mo, you can start youw own business with that kaysa maging alipin ka ng corporate." paliwanag ni Kuya Brooklyn.

With their advice, I decided to take the opportunity to promote a gaming phone.

***

THREE days later, kasama ko si Sir Theo at si Mom para mag-shoot sa isang studio around Quezon about sa gaming phone na ipo-promote namin. Nabigla nga ako dahil agad-agad ang 'shooting' (God, feeling ko hindi talaga para sa akin ang word na shooting) dahil hinahabol daw nila ang simula ng Season 4 tournament para makasabay sa hype.

Which is in marketing point if view ay magandang desisyon. I let my Mom to do my makeup and hair since siya ang pinaka-excited para rito. To have a commercial na ipapalabas sa youtube

Napupuno ng Neon lights ang set ng studio at pinabasa sa akin ang script at magiging flow ng commercial shoot. "May kasama ako?" Tanong ko sa isang staff. Ang daming camera sa paligid at kabi-kabila rin ang mga staffs na naglalakad.

"Yes, isa ring professional player from different team." She informed at napatango-tango na lang ako. More likely naman ay kilala ko na ang mga players ng Hunter Online kung kaya't baka hindi rin ako magulat kung sino iyon.

Sabi ko nga kay Dion ay after shoot ko na lang siya tatawagan o ite-text. Hello! Nakakahiya kayang isang beand ng cellphone ang ipo-promote ko tapos ibang brand ang gamit ko. Baka elbow-in agad ako sa commercial shoot kapag ganoon.

Binasa ko 'yong script and literal na nahilo ako sa daming ganap. Take note, ilang minutes lang ang full video nitong Commercial shoot na ito.

May scene na ipapakita na naglalaro kami using the phone, aarte na parang natalo and we will start to use the gaming phone that we will promote. And then victory at apir sa kasamang players.

It looks easy pero... God, kapag mga roleplay nga noong highschool ay natatawa na agad ako wala pang ilang segundo. Lord ikaw na bahala sa akin.

My mom did a final touch on my lipstick at pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I bet my Mom will be proud na ikuwento sa mga amiga niya na siya ang nag-makeup sa akin for this shooting.

"Sorry we are late. Nasiraan kami around Cubao," isang lalaking boses ang narinig ko. He is wearing a blue polo at itim na slacks. "Wait lang yung player na kasama ko, nag-CR lang saglit."

"Okay lang po. Introduce ko kayo kay Milan which is the queen of Hunter Online." Pambobola noong isang staff.

"Hala hindi po. Queen is such a big word, player lang din po ako." Naiiling ang kamay ko habang nagsasalita.

"Humble pa. Milan this is Sir Harrison, the manager of Daredevils." Nakipagkamay ako at ngumiti.

"We heard a lot from your team. I bet isa kayo sa magiging mahirap na katapat sa Season 4" he explained habang tumatawa.

"Sana nga po." Ayoko naman sabihin na hala hindi po, bago lang po kami. "God, gusto ko rin naman ipakita na may ibubuga ang Orient Crown not in a rude way.

Isang player ang pumasok sa studio, ang quiff hairstyle niya talaga ang una kong napansin maging ang itim na duffle bag na nakasukbit sa kanang balikat niya. Halata nga sa mukha niya na nagmadali silang pumunta rito dahil sa dami nang butil-butil na pawis na bumabagsak mula sa kaniyang noo pababa ng kaniyang baba.

"Thaddeus!" Tawag noong staff. He looked towards our direction at naglakad.

"Hello." He said in a gruff tone.

"This is Milan ang makakasama mo for the shoot. Milan, this is Thaddeus." The staff introduces us.

Inalok niya ang kaniyang kamay para makipag-shakehands. I accepted it. God ang awkward, hindi naman din kami close ni Thaddeus at hindi naman kami nagchichikahan na dalawa.

His brows frowned and smiled. "We met again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top