Chapter 12: No Peeking
MILAN
NASA sala kami ng bahay at nakaupo sa mahabang couch si Kuya London at Kuya Brooklyn samantalang nakaupo ako sa harap nila. They are both looking at me na parang jina-judge nila ako. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga kalokohan ng mga taong nakapaligid sa akin.
"Mga Kuya, ano ba ang gusto ninyong sabihin sa akin?" Tanong ko. "Magkikita pa kami ni Shannah mamaya, nasasayang ang oras ko."
"Sabihin mo, paano mo nalaman ang tungkol sa isang hidden quest?" Tanong ni Kuya London.
"Alam mo rin ba kung nasaan ang ibang Hidden quest sa Silanya Town? Huwag kang madamot, ako ang nag-aabot ng baon sa 'yo." Ayan na nga, nagkakaroon na nang sumbatan na nagaganap.
"Kuya, I just discovered that quest accidentally!" Depensa ko.
"Eh paano mo nga na-discover? Alam mo, nang dahil sa 'yo ay naging aware ang maraming Hunters na may hidden quest sa loob ng Silanya Town kung kaya't para silang mga tanga na ikot nang ikot sa bayan instead na mag-quest." Paliwanag ni Kuya London at napansin ko rin iyon noong mag-online ako kahapon. Parang mga langgam na naghahanap ng pagkain ang mga Hunters kahapon sa Silanya Town.
Buti na nga lang at nag-quest kami nila Klayden that time.
"Naghanap lang ako ng pusa." Paliwanag ko.
"Ha?"
"Naghanap lang ako ng pusa that day kasi bored ako kakahintay kanila Clyde na mag-online. And then I accidentally met this NPC and doon na nag-start 'yong hidden quest." Paliwanag ko sa kanilang dalawa. "You know what, kung gusto ninyo ng rare items, pumunta kayo sa sulok-sulok ng Silanya Town at kausapin ninyo 'yong mga NPC na makikita ninyo doon. Malay ninyo bigyan kayo ng Hidden quest."
Nagkatinginan si Kuya London at Kuya Brooklyn. Wala pang ilang segundo ay nagmamadali na silang umakyat sa kanilang mga kuwarto.
"Kuya Brooklyn! Magkikita kami ni Shannah, pahinging pera." Ang hirap kapag summer tapos estudyante ka... Walang pera, walang ipon.
Dumungaw si kuya sa railings ng hagdan. "Kumuha ka ng 2k sa wallet ko. 2k lang, ha! Bilang ko 'yan!" Sigaw niya at tumakbo na sa kuwarto niya.
Kinuha ko ang wallet ni kuya na nakapatong sa center table ng sala. Oo, hindi siya natatakot na iwan ang wallet niya sa sala dahil may CCTV dito na sa mismong Center table lang nakatutok. Nahuli niya last time si Kuya London na kumupit pambayad sa in-order niya sa Shopee.
Ayon, nagsermunan silang dalawa ng dalawang oras.
Binuksan ko ang wallet ni Kuya at nainis lang ako sa nakita ko.
"Kuya, wala kang cash!" Malakas kong sigaw.
***
"Huy sorry, ha, naabala pa kita." Sabi ko kay Clyde habang nasa loob kami ng kotse niya at nagmamaneho siya papunta sa mall kung saan kami magkikita ni Shannah.
Paano ba naman kasi, busy na sila Kuya London ar Kuya Brooklyn sa paglalaro kung kaya't hindi ko mautusan na ihatid ako. Kailangan ko na talagang matuto mag-drive pero sabi ni Dad ay hindi niya raw ako tuturuan hangga't wala akong license. And sa totoo lang, tinatamad ako mag-asikaso ng mga papeles doon.
"Parang tanga 'to," he chuckled pero focus lang siya sa pag-da-drive. "May ipapa-LBC din ako kaya rin ako lumabas. Sakto lang din na aalis ka."
"LBC? Nag-o-online shop ka na?" Curious kong tanong.
"Naalala mo 'yong sinabi ko sa 'yong sapatos na binili ko thru online na sinabi kong mamamatay ako kapag hindi ko nabili?" Tanong niya habang natatawa. Kahit siya ay aminadong exaggerated ang pagkakasabi niya.
"'Yong Nike Air max?" Tanong ko
"Nike Air max 95." He corrected me dahil marami raw Nike Air max. I need to be specific daw. (This is a proof na maarte rin talaga ang mga lalaki sa mga binibili nila)
"Oo, maganda naman, 'yon, ha!" Hello, almost 6k din ang bili niya roon. Partida, sale pa 'yon sa online shop na tiningnan niya, ha.
"Hindi ko pala trip." Sabi niya.
"Ha, bakit? Akala ko ba mamamatay ka kapag hindi mo nabili?"
"Ayon ang ganda lang niya noong tinitingnan ko 'yong pictures niya online. Alam mo 'yon, na-disappoint ako noong dumating na siya." He explained to me at nage-gets ko ang point niya. May mga item talaga sa online shop na madi-disappoint ka kapag na-ship na sa 'yo.
"Bakit, hindi mo shoe size?"
"Kasya sa akin, size 11 'yon. Kaso nga na-disappoint lang ako. Hindi ko trip 'yong design bigla kaya binenta ko na lang din ulit. Mas maganda talaga na bumili ka ng sapatos sa mga shoes outlet para nakikita ko agad." He explained.
"Binabaan mo 'yong presyo?"
"Hindi. Binenta ko lang din ng same price. Sinuot ko lang naman 'yon noong tinesting ko sa paa ko. Hindi ko pa nga napang-ja-jogging 'yon." Sabi niya at nag-focus muli sa pagmamaneho. "Milan puwede pakuha 'yong salamin diyan sa harap mo?"
"Heto?" Tanong ko and he nodded. "Oo nga pala, medyo malabo na 'yong mata mo."
Binuksan ko ang lalagyan at pinunasan ang salamin gamit ang panglinis doon sa lalagyan nito.
"Akin na." He said at inabot niya ito gamit ang kaliwang kamay niya.
"Ako na magsusuot sa 'yo" tinapik ko ang kamay niya. "Focus ka sa manubela baka maaksidente pa tayo. Bugbugin ka pa ng mga kuya ko."
I fixed Clyde's hair habang focus siya sa pagda-drive at isinuot ang salamin niya.
Saglit kaming nagkatinginan at natawa siya. "Pa-fall amputa."
"Siraulo ka!" Pabiro ko siyang sinampal. "Mag-drive ka nga diyan."
***
"ANG tagal ninyo 'te," reklamo ni Shannah pagkababa ko pa lang ng sasakyan ni Clyde. Tumingin siya kay Clyde na nasa loob ng kotse at ngumiti. "Salamat Bebe sa paghatid kay Milan. Kaunting moves pa, mapo-fall na si Milan sa 'yo."
"Gago nito amputa." Naiiling na sabi ni Clyde at napatawa si Shannah.
"Biro lang 'te! Hoy Clyde sumunod ka sa amin pagkatapos mo magpunta sa LBC, kailangan namin ng tagabuhat." Umangkla sa braso ko si Shannah.
"Oo na, hindi ko rin naman kayo papayagang magbiyahe ng madilim na. Chat ko kayo kapag malapit na ako." Sabi niya at pinaandar na ang sasakyan papaalis.
"Alam mo, ang gentleman ni Clyde. Kung hindi ko tropa 'yan at hindi ko alam ang mga baho niyan sa buhay. Jojowain ko 'yan." Natawa ako sa paliwanag ni Shannah sa akin habang naglalakad kami papasok ng mall.
"Wala ka talagang pinipili." Naiiling kong sabi.
"Ay 'te, may chika ako! 'Di ba noong Sunday nagsimba ako," napatingin ako sa kanya. "'Te nagsisimba talaga ako! Swear to God."
"Oo na, oo na haha!"
"So heto na nga, nagsimba ako noong Sunday and pak... Ang pogi ng Sakristan, 'te! Nahiya lang ako picture-an kasi nasa simbahan ako. Pero alam mo 'yon, feeling ko hindi niya lang ako tinuruang magdasal, tinuruan niya rin akong magmahal." Madrama niyang kuwento sa akin.
Hinila ko ang buhok niya. "Gaga ka, hanggang simbahan wala kang tawad."
"Na-sight ko lang naman na pogi! Feeling ko inilalapit talaga ako ni Lord sa The one ko. Kapag nagkrus ulit ang landas namin ni Kuya Sakristan... Magka-canvass na ako kung magkano magpakasal at magpa-reception."
Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dahil sa kuwento ni Shannah. This is the reason why I love hanging out with this girl, no dull moments. With action and in character kasi siya magkuwento kaya mas lalong nakakatawa.
Nag-ikot kaming dalawa sa mall habang nagkukuwentuhan, oumunta rin kami sa iba't ibang boutique at tumingin ng mga dress. "'Te, sikat ka na sa Hunter Online. Ang daming players nang aware sa presence ni Shinobi." Sabi niya habang tumitingin ng palda sa mga rack.
"Hindi ko naman alam na ia-announce pala ang pagtapos ko sa Hidden quest na iyon." Sabi ko sa kanya.
"Gaga ka kasi, lagi kang curious sa lahat ng bagay kung kaya't kung saan-saan ka napupunta." #fact.
"Anong balak mo sa game nga pala?" Tanong ko. Hindi rin naman siya makasama sa amin nila Klayden dahil sa level gap.
"Well nagpapa-level ako kasama 'yong ibang friends kong naglalaro. Level 6 pa lang ako pero nakapag-decide na ako kung anong class ang kukuhanin ko pag-level 20 na ako." Oh, hindi ko pa naiisip ang bagay na iyon kahit Level 13 na ako.
"Anong balak mo?"
"Gusto ko maging cafe owner! Kukuha ako ng merchant na class sa game." She explained to me at tuwang-tuwa na pumalakpak. "I thought puro laban lang ang Hunter Online pero pak, puwede ka rin pa lang maging business woman. May mga space daw sa ibang town na puwede kang magtayo ng cafe if bibilihin mo 'yong puwesto. At iyon ang balak ko. Ikaw, anong class ang kukuhanin mo?"
"Hindi ko pa alam. Gusto kong sumasama kanila Clyde kapag nagku-quest pero gusto ko 'yong class na madali kong ma-analyze 'yong mga situations. Mas naaasahan kasi ako sa party aa pagbuo ng mga tactics habang sila Trace naman ang pumapatay sa mga monster." Paliwanag ko sa kanya.
"Speaking of Trace, ang ko-corny ng mga Tito Jokes na sine-send niya sa akin." Umirap si Shannah sa ere at parehas kami nang iniisip. "Bakit hindi ka mag-assassin type, 'te? I mean, mabilis ang kilos ng mga assassin kapag nanonood ako ng Tournament. They can move one place to another so mabilis nilang naa-analyze ang nangyayari sa labanan. Suggestion ko lang naman 'yon, desisyon mo pa rin 'yan, ayokong maging bida-bida."
Well, she have some point, baka manood ako ng mga gameplay ng mga Class na related sa pagiging assassin mamaya pagkauwi.
"Fan ka talaga ng game, 'no?"
"May mga poging players kasi kada-team. Nauubos nga oras ko sa livestream nila."
May friend talaga tayong jowang-jowa na at parang may taning ang buhay kapag single.
After naming tumingin sa mga booths ay tumingin naman ako ng mga summer dress sa isang boutique. Hello, ang lapit na ng pagpunta namin sa Pagudpud, I need to be prepared. Sayang naman 'yong mandatory jogging na ginagawa ko kung hindi ako mag-e-effort.
"Bakla, nagke-crave ako sa Turks." Sabi ni Shannah sa akin.
"Eh ang haba ng pila doon." Sabi ko.
"Saglit lang ako. Ganito na lang, tingin ka muna ng pang-awrahan mo diyan tapos pipila ako para bumili. Kita na lang tayo sa food court. Libre na kitang foods." Sabi niya at um-okay ako.
Kahit ako mas gusto kong mag-shopping mag-isa dahil nahihiya ako kapag may kasama akong ibang tao dahil feeling ko nai-istorbo ko sila.
***
DION
"GAGO ka, sure kang pupunta takaga tayong Bulacan, ngayon, Dion?" Tanong ni Oliver habang nakasakay kami sa kotse niya.
"Sino bang tiningnan sa website ang profile ni Shinobi?" Tanong ko.
"Ako."
"Sino ang nag-search ng pangalan niya sa facebook?"
"Ako. Pero hindi naman ako in-acccept."
"Ayon na nga, eh, hindi ka na nga in-accept tapos nalaman mo pang nag-iikot siya sa isang mall ngayon." Paliwanag ko sa kanya. Ginising niya pa ako kanina para umalis. Puyat na puyat nga ako dahil hanggang alas-dose ay nag-livestream ako.
Kung hindi lang talaga kasama sa contract ko ang pagla-livestream itutulog ko na lang 'yon. Mapapagalitan din kami ni Coach Robert sa oras na malaman niyang nakarating kaming Bulacan na dalawa ni Oli.
"Nakita ko kasi sa My day ng kaibigan niya na nasa mall sila. Ikaw 'tong gustong makita sa personal si Shinobi. Tinutulungan lang kita," he explained. Well that's true that I want to meet her dahil na rin sa sunod-sunod na ingay na ginawa niya sa game.
"Nakakatakot kang stalker, tangina ka." Sabi ko na lang kay Oli at tumingin sa labas ng bintana. Familiar din naman ako sa mall kung saan nag-iikot si Shinobi.
Noong amateur pa ako sa gaming ay sumasali din ako sa mga maliliit na tournament na ginaganap sa mga mall bago ako nakuha as professional player.
"Pero p‘re, curious lang din naman ako. Siya lang ang player na nakatalo sa 'yo, siya rin ang isa sa naka-beat ng record natin sa Ogre Raid, at siya lang din ang kauna-unahang player na nakatapos ng hidden quest sa new server. I bet she's a real game geek at photoshop lang ang profile niya sa facebook." He explained.
"Kapag ito nakuha ng ibang team, magsisisi si Sir Greg."
"Wala pang babae na nakakapasok as professional player sa mga Tournament." Paliwanag ni Oliver.
"Then let's break the stigma. Hindi lang naman ang nga lalaki ang magagaling na players pagdating sa gaming. We are scouting for talents, not by gender."
Noong makalapit kami sa mall ay agad kaming nag-park sa parking lot. Nagsuot ako ng mask upang hindi ako makilala ng ibang tao.
Pero hetong si Oli? Nakasuot pa ng jersey ng Battle Cry. "Oli, makikilala tayo sa jersey mo."
"That's the plan. Para may magpa-picture sa akin." Taas babang kilay niyang paliwanag sa akin at binatukan ko siya. "Aray ko! Para saan 'yon, Dion?"
"Inamo. Magpalit ka." Paano magiging subtle ang pagsunod namin kay Shinobi kung maya't maya may nagpapa-picture sa kanya.
"Tangina, awit sa 'yo." Naghubad siya ng damit at kumuha ng puting T-shirt sa backseat. "Porke't naka-post 'yang mukha mo sa mga facebook page. Ayaw mo talagang nasasapawan, eh."
Hindi ko rin naman ginustong mag-trending 'yong isang picture ko na seryosong nakikipag-usap kay Axel during tournament. Shinare iyon ng kung sino-sinong page at tao hanggang sa ayon... Naging instant social media star pa dahil doon. Hindi ko ginusto iyon honestly, my messenger is always bombarded with a chat everyday. Buti nga at uso ang filtered message.
Naglakad kami papalabas sa kotse at pumasok sa mall. Wow, ang nostalgic dahil dito naganap ang second small tournament ko. Me and my team placed third that time at doon din ako nai-scout ng Battle Cry.
"Sigurado ka bang nag-iikot dito 'yon?" Tanong ko kay Oli.
"Oo gago. Nag-chat na si Coach, yari raw tayong dalawa dahil umalis tayo." Sabi niya.
"Sabihin mo pinaayos natin laptop mo kaya matagal tayo." Dahilan ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid.
May mangilan-ngilan na nakakilala kay Oli and mostly mga lalaking players lang naman at tuwang-tuwa ang mokong. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tinatrato na parang artista ang mga professional players.
"Dion, nakita ko na sila." Bulong ni Oli sa akin at itinuro ang Forever 21 na booth sa mall. Mula sa glasswall ng booth ay nakita namin si Shinobi na tumatawa habang kausap niya.
Player ba talaga siya?
I thought na ang mga babaeng players ay sobrang adik lang sa games at ang nerdy ng mga hitsura pero heto si Shinobi. She have this short wavy hair at maayos ang pagkakaporma niya. Siya 'yong tipo ng tao na mapapa-second look ka para i-analyze ang facial features niya. Malaki at mapungay ang mata nito at mas gumaganda siya kapag ngumingiti dahil nagku-curve ang mata niya kapag tumatawa siya.
"Sigurado ka bang si Shinobi 'yan?" Bulong ko kay Oli.
"Yata." Hindi niya siguradong sagot. "Gago, ganda."
Naiwan siyang mag-isa na tumitingin aa boutique at umalis ang kasama niya.
"Gago Dion, iwan muna kita. Humihilab tiyan ko. Natatae ako." Sabi ni Oli habang nagmamadaling maghanap ng CR. "Gago ka magpakilala ka kay Shinobi, irecruit mo."
Ayan, buko pa sa umaga.
Naiwan si Shinobi sa boutique at inayos ko ang pagkakasuot ng mask ko at binaba ko pa ang sumbrero ko upang walang makakilala sa akin. Naglakad ako papasok ng Forever 21. Damn this is so embarassing.
Shinobi is scanning dresses in racks at habang naglalakad siya ay sinasabayan ko rin siya sa paglalakad. She looked so happy while she's talking to someone in phone.
Noong napatingin siya sa akin ay mabilis akong kumuha ng isang dress sa rack at pinagmasdan ito.
"Good afternoon, Sir, tumitingin po ba kayong dress para sa girlfriend ninyo? Naka-sale po 'yan," isang staff na ang lumapit sa akin.
Noong nawala na ang tingin ni Shinobi sa akin ay napatingin ulit ako sa kanya.
"Kuya, may ise-send ako sa iyong picture ng mga dress. Kailangan ko ng opinion mo. Honest opinion kuya, ha!" She explained at kumuha ng tatlong dress at naglakad papunta sa mga fitting room. Madaming fitting room dito kung kaya't hindi ko alam kung saan siya pumasok.
Napabaling ang tingin ko muli sa dress at kay ate na staff. "Girlfriend mo po ba siya, Sir, kanina mo pa siya sinusundan ng tingin, eh?"
"Nope." Tanggi ko.
Damn. How will I introduce myself to him that I am a member of Battle Cry at gusto ko siyang i-recruit para sumali sa team namin? Baka nga mapagalitan pa ako sa ginagawa ko dahil wala naman sinabi patungkol dito si Sir Greg.
"Te, sure ako na siya 'yon!"
May grupo na ng kabataan ang napapatingin sa akin habang pabalik-balik ang tingin nila sa akin at sa cellphone nila na parang kino-confirm kung ako nga ang taong tinutukoy nila.
Mas ibinaba ko ang sumbrero kong suot. Kailangan kong umalis kaso ay malapit sila sa may entrance ng boutique.
Noong napansin kong naglalakad na sila patungo sa aking direksyon ay dali-dali akong naglakad papunta sa fitting room. Damn, hindi ba uso sa mga batang ito ang salitang privacy?
May mga events naman kung saan sila puwedeng magpa-picture sa mga players.
Pumunta ako sa fitting room area at sa dami ng mga cubicle rito ay nagbukas lang ako ng isang pinto para doon magtago. Pagkabukas ko ng pinto ay nakatayo si Shinobi sa harap ng salamin habang kinukuhanan nh picture ang kanyang sarili.
Wala akong kakaibang nakita dahil nakasuot sa kanya ang puting dress. (And thank you Lord for that. Makakasuhan pa ako ng harassment kung nagkataon na nadatnan ko siya sa ibang oras)
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at mula sa repleksyon ng salamin ay nagkatinginan kami ng mata sa mata.
"Ahh!" She shouted loudly at maging ako ay napasigaw na.
***
NAPAPAHILOT na lang ako ng sentido habang nandito kaming dalawa sa security office ng mall.
"Sir, hindi ko po talaga sinasadya, aksidente 'yong nangyari. Hindi naka-lock 'yong cubicle, aksidente kong nabuksan." Mahinahon kong paliwanag at tinanggal ang mask at sumbrerong suot ko lalo na't wala naman ibang tao na nandito.
"Isipin ninyo, sir, anong ginagawa ng isabg lalaki sa Forever 21 na boutique?" Nakataas na kilay niyang paliwanag. "I saw him that he is glancing at me noong namimili akong mga dress."
"Pero bakit hindi nga naka-lock ang Cubicle mo, miss?"
"Because that's a booth for girls! Victim blaming ba tayo rito?"
"Looked, I am sorry for what happened. Hindi ko talaga sinasadya, Miss. Hindi ko intensiyon na mabuksan 'yong cubicle ng may tao. Promise, I don't see anything. You already wearing the white dress when I accidentally opened the door." Paliwanag ko at mukhang nakukumbinsi ko naman siya sa paliwanag ko. (which is dapat dahil wala namab akong intensiyon na masama) "Ganito na lang, para makabawi ako, ako na ang magbabayad noong tatlong dress na sinusukat mo sa fitting room."
"Kaya ko ring bilihin 'yon." Taas-noo niyang sabi. "Sige na, mali ako noong hindi ko ni-lock 'yong cubicle. Pero next time katok-katok din." She fake her smile.
"Next time, lock-lock din." Mahina kong bulong.
"Ano! So paano mo ipapaliwanag 'yong panaka-nakang tinging mo sa akin? Bakit ka nakasuot ng sumbrero and mask? May binabalak kang magnakaw, 'no?"
Naaawa ako kay Kuya na guard na palipat-lipat ang tingin niya sa amin dahil sa pagtatalo naming dalawa. I didn't expect na ganito ang kahahantungan nang pagpunta namin dito.
"Woah! Mukha ba akong magnanakaw sa 'yo?" Itinuro ko ang branded na sapatos na suot ko at ipinakita ko ang white gold na kuwintas at singsing ko. "Napapatingin ako sa 'yo because I want to introduce myself to you."
Napatigil siya ng ilang segundo. At doon ko na-realize na puwedeng ma-misunderstood niya ang sinabi ko.
"Sir, hehe, ang smooth no'n." Natatawang sabi noong guard at napahilamos na lang ako ng aking kamay. "Pero gusto ko lang pong i-inform na security office po ito. Hindi dating app."
Damn. This is so embarassing.
"Bakla!"
"Dion!"
Saktong dumating sina Oli at 'yong kaibigan ni Shinobi.
Okay, what a great way to introduce myself to her. Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top