Chapter 118: Her Birthday III

MATAPOS ang magiging pag-uusap nila Sandro at Ianne ay mabilis din silang umakyat tungo sa infinity pool. Honestly, since laki ako na alaga ng mga novel books, lagi akong naniniwala sa happy ending ng dalawang tao. Pero ang sitwasyon ni Ianne at Sandro? They made me understand na para mag-grow ka as an individual, may mga pagkakataong kailangan mong bumitaw kahit masakit.

They are too mature to prioritize their works and own happiness.

Pagkaakyat pa lamang ni Ianne at Sandro ay mabilis na namin niyakap si Ianne. Kami nina Shannah at Aisha. Si Sandro naman ay lumapit sa mga kaibigan niya which is mabilis naman lumapit sina Captain Axel sa kaniya. "Bakla, I am sorry. Ipinilit ko pa talagang mag-usap kayo ni Sandro. Akala ko mas magiging okay kasi kayo." Nagi-guilty na sabi ni Shannah.

"Mas naging okay naman, ah?" Nakangiting sabi ni Ianne sa amin at mahigpit kaming niyakap. "Not because hindi kami nagkabalikan ay hindi na ako masaya, kagaya nga nang sabi ko. Gusto ko, ako muna sa pagkakataong ito. I want to make myself happy without depending on anyone."

Sobrang gusto ko 'yong napaka firm ni Ianne sa desisyon niya na unahin ang sarili niya. Gusto ko rin na hindi ipinilit ni Sandro na maging sila ulit. Maybe, that's how mature people handle their breakups. Alam nila ang bagay na ipa-priority nila lalo na't nalalapit na rin ang season 4 tournament.

"You guys should forget about me and Sandro, malapit na ang birthday ni Milan. We should having fun kaysa kaawaan ako because I am totally pkay." Ianne said to us.

Sa salubong sa birthday ko, kabi-kabila na ang mga nagluluto at nag-iihaw ng barbecue. Maingay na rin sa paligid dahil may mga kumakanta na sa videoke area at may mga tito na rin akong nag-iinom. Maya-maya ay magkakaroon ng show na inihanda nitong resort where they will do a musical show na talaga namang excited din ako.

"Kumusta si Ianne?" Dion asked habang tinutulungan niya akong magtusok ng marshmallow at hotdog sa stick para sa salu-salo sa salubong sa birthday ko.

I decided to tease him. "Bumabalik na naman ang pagka-crush mo kay Ianne, 'no?"

Napahinto si Dion sa pagkuha ng marshmallow. "Luh, tinanong ko lang, eh. Makagawa ka ng sarili mong issue."

Natawa ako. "Joke lang, patola ka naman. Ayon, kagaya nang sinabi niya. She's okay, ilang beses na rin kaming sinabihan ni Ianne na gusto niyang sumaya mag-isa, pero hindi ko pa rin alam na ganoon kasakit. Iba din talaga kapag nasubaybayan mo 'yong love story noong dalawang tao 'no? Ikaw 'yong manghihinayang." I mean, wala man ako from the very start of Ianne and Sandro's relationship pero nakita ko kung paano nila itrato ang isa't isa.

"Magkakaroon din ng perfect timing ang dalawang 'yan." sabi ni Dion.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Ramdam ko. Komplikado lang ngayon para kay Sandro lalo na't Season 4 tournament na. Captain siya ng Alternate kaya focus lang muna siya sa laro." Pliwanag ni Dion at naintindihan ko iyon. Professional player din ako, may mga sinakripisyo na rin akong maliliit na bagay (time for my friends and family) para sa mga practice.

"One day, magiging totoo 'yong alternate ending nilang dalawa." Paliwanag ko sa kaniya.

"Hoy!" Naputol ang usapan naming dalawa ni Dion noong marinig ang boses ni Kuya London. "Tangina, kanina pa kayo diyan iilang stick pa lang nalalagyan ninyo ng marshmallow. Hindi pa ako madidighay sa ginawa ninyo, eh."

"Alam mo, Kuya, ang epal mo sa usapan." reklamo ko sa kaniya.

"Oo epal talaga ako. Gutom na ako ang bagal ninyo pa." Reklamo niya at bahagyang natawa si Dion. "Ikaw, Milan, birthday mo tapos ganyan suot mo?"

Napatingin ako sa suot ko, I mean, okay naman. May mga putik nga lang dahil tumatakbo ako kanina sa riverside at nakikipaglaro ako sa mga players na nandito. May mga physical activities din kasi rito sa resort aside from swimming. Mabuti nga dahil ito ang napiling venue ni Kuya Brooklyn dahil walang dull moment ang lugar.

"Wala namang mal–"

Hinatak ni Kuya London ang laylayan ng damit ko. "Magpalit ka doon. Pitikin ko 'yang bumbunan mo pito sunod-sunod." Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi ni Kuya London. Si Dion naman ay napapailing na lamang sa tuwing nagbabardagulan kaming dalawa ni Kuya.

Since it's night time at wala na akong planong mag-swimming dahil ang lamig na sa lugar ay nagsuot na lang ako ng XL na sweatshirt at may shorts naman ako underneath. Pinilit ako nina Shannah na mag-dress kaso... it's really not my style. Siguro lumaki na rin ako na puro lalaki ang kasama (kuya and pinsan) kaya na-adapt ko 'yong boyish na pormahan nila somehow.

Matapos kong magbihis ay nagpunta kami sa mini event area ng resort. Magkatabi kami ni Dion habang nakikipag-usap sa mga kasama namin. "Ganito pala mag-birthday mga mayayaman, 'no? Daming ganap." Bulong sa akin ni Oli. "Pang-ilang palit mo na ng damit 'yan ngayong araw, kumare."

"Pinilit lang ako ni Kuya." Depensa ko.

"Kami kapag nagbu-birthday, spaghetti lang. Masama pa loob ng nanay ko kapag nagluto." Natawa sila Dion na parang naka-relate sila.

"Sobrang out of the plan nga 'tong outing na 'to. Sadyang may mga na-achieve lang sila Kuya this year like promotion and stuffs kaya hindi sila pumayag na hindi mag-celebrate." Mabusisi kong paliwanag. "After naman nitong birthday ko ay focus na ulit sa training, we need to train hard para hindi kami magmukhang katawa-tawa sa Season 4 tournament."

"Sanaol nakapasok." Singit ni Gavin. "Joke lang, baka ma-guilty ka. Sigurado naman ako na hindi kayo magmumukhang joke time sa Season 4 tournament. I mean, bilang mga players na nilampaso ng team ninyo. I can guarantee na may tiyansa kayong manalo."

Napangiti ako sa sinabi ni Gavin. He is a huge trashtalker pagdating sa game pero ramdam ko ang suporta niya sa amin ngayon. Sayang nga lang dahil hindi nakapasok ang Battle Cry. "I know you guys will bounce back in season 5." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"We will bounce back. Big time." He assured to us. "Kaya kayo, 'wag muna kayong magre-retire as professional player. Maglalampasuhan ulit tayo next year." Gavin raised his pinky finger. "Promise."

"Corny neto." Naiiling na sabi ni Dion.

"Takot ka pala sa amin, eh." Nakangising sabi ni Oli. "Baka sa sobrang subsob ninyo sa training niyan, tumagos na kayo sa Arena."

Pinagdikit nila Dion ang pinky finger nila. They used to be the asset of Battle Cry together. Alam kong gusto nilang makapasok sa Season 5 next year, hindi man magkaka-team ay gusto pa rin namin na magkakasama kaming lumaro sa malaking stage.

Nagsimula ang musical na palabas. Well ang theme ng musical ay Frozen since malapit na ang Christmas Season. "First time ko makanood ng ganito." Bulong sa akin ni Dion habang nanonood ng show. I cann in his eyes that he was fascinated with the scene. I mean, sinong hindi kikiligin sa musical?! Punong-puno ng magical experience ang isang musical show.

"Let's try to watch Huling El Bimbo next time. Magugustuhan mo 'yon." Bulong ko sa kaniya pabalik. "Mas madadama mo 'yong scene kung sa theater talaga tayo manonood. But this is a good start for you. Elsa." I chuckled.

"Don't degrade Elsa. She's one of the most favorite disney characters." Pagtatanggol ni Dion. May point naman.

Na-a-amaze ako sa napapanood nakin. Sa open space lng nagaganap ang musical show pero napakamagical ng experience. Natutuwa ako sa mabilis na pagko-costume change ng mga actor and actress. 'Yong re-enactment nila ng mga frozen scenes (superb!), pati 'yong pagkanta nila ng mga Disney OST. Isama mo pa 'yong mga smoke effects, snow effects, and they even lift Elsa pataas using a cart. Sa bandang dulo kung saan kumakanta na si Elsa ng Let it Go ay may fireworks sa buong riverside.

Makulay ang fireworks, lahat kami ay nag-enjoy sa show. Inilabas ko ang phone ko at vinideo-han ang paligid. I zoom it to Dion's face. "Happy yarn?" I asked.

Dion smiled at mas inilapit niya ang mukha niya sa screen. "Happy birthday." Malakas niyang sabi dahil malakas ang tunog ng fireworks sa paligid.

Hindi ako maluhong tao and I don't want to spend a lot of money for my birthday. Pero etong experience na ito? Hindi ko siguro ito makakalimutan kasi nag-enjoy ako kasama ang pamilya ko at mga kaibigan ko.

PLAY: HABANG BUHAY
ZACH TABUDLO

Habang nanonood kami ng firework show ay biglang unakyat si Kuya Brooklyn sa stage, tumugtog ang live band ng kanta ni Zach Tabudlo na Habang Buhay. Kasama ni Kuya ang mga kaibigan niya ay sumayaw sila sa saliw ng musika.

Kuya Brooklyn is obviously not a dancer but he is willing to perform in front of everybody. Tuwang-tuwa kaming lahat. Gulat na gulat si Ate Princess sa nangyari at patawa-tawa siya habang bini-video-han si Kuya Brooklyn. Akala siguro ni Ate Princess ay special performance lang ng kapatid ko sa akin dahil birthday ko pero hindi niya alam na it's more than that.

Ang magical ng lahat para sa kanila. Binuksan namin ang flashlight ng cellphone namin habang nanonood sa performance ni Kuya, sa likod ng stage ay ang makulay na fireworks na nasa kalangitan. Idagdag mo pa ang light effects na talagang nagpadagdag sa kilig sa paligid. Napapatakip ako sa bobig habang pinapanood si Kuya, he looks so happy while performing at talagang kay Ate Princess lang siya nakatingin habang sumasayaw.

"Bakit ka umiiyak?" Natatawang sabi ni Dion at pinunasan ang luha ko gamit ang suot niyang sweatshirt. Ipinaikot niya ang bisig niya sa akin at niyakap ako sa likod. We both raising our phone habang iwinawagayway ito. Sumasabay kmi sa pagkanta ng live band.

"I am just happy para sa kapatid ko." sagot ko kay Dion.

Parang pagkatapos ni Kuya Brooklyn grumaduate ay mas pinriority niya kami agad. As panganay, talagang sinalo niya lahat ng gastos sa bahay, binigay niya 'yong mga luho namin. Ngayon, feeling niya ay na-fulfill niya na 'yong obligation niya sa amin ay sarili niya naman ang uunahin niya ngayon. Well, hindi naman siya inoobliga dahil parating sinasabi nila Mom na hindi namin sila obligasyon but you know... panganay things.

Huminto ang musika bago ang final chorus. Hinatak ni Kuya ang kamay ni Ate Princess. Gulong-gulo pa ito na tumitingin sa paligid. "Baliw ka, hindi ko alam 'yong step ng sayaw ninyo."

Malakas na kaming napapasigaw lahat. "Princess, I know we are in a relationship for a very long time already. Kasama kita sa pinakamababang punto ng buhay ko, hanggang sa best moment of my life nandoon ka. Inintindi mo kung gaano kamahal ang pamilya ko, despite of our conflict in schedule, hindi ka napagod sa akin, hindi ka napagod na ipakita kung gaano mo ako kamahal araw-araw."

Lumuhod si Kuya Brooklyn at may kinuha sa kaniyang bulsa, a small box that contains the ring. Malakas akong napasigaw habang walang tigil ang luha ko, buti na lang at nandiyan si Dion para punasan ang luha ko. Hindi ko na ngang nagawa mag-video kasi ninamnam ko na lang ang buong nangyayari. I just want to save everything sa memory ko.

Napatakip ng bibig si Ate Princess habang dumadaloy ang luha sa kaniyang mata. Mas dumami ang fireworks sa paligid, the lights became dim, and may spotlight na nag-focus sa dalawa. Sila Mom ay proud na proud din kay Kuya.

"Since we graduted college. Ready na ako." Sagot ni Ate Princess sa pagitan nang kaniyang paghikbi at isinuot ang singsing. "I do."

Mas lalo kaming sumigaw at nagpatuloy ang background music. Sumasayaw sa likod ang mga kaibigan ni Kuya habang mahigpit siyang nakayakap kay Ate Princess. "Pipiliin kita sa araw-araw." sagot ni Kuya Brooklyn sa kaniya.

The show continued at wala pa man din ang birthday ko ay sobrang mugto na ng mata ko kakaiyak para kay Kuya. Ganoon pala kasarap sa pakiramdam na makita ang kapatid ko na magte-take na ng bagong start sa buhay niya. I mean, proposal pa lang naman iyon pero soon ay mag-i-start na siya ng sarili niyang pamilya. And I am happy for that, ready na akong maging Tita sa magiging anak ni Kuya.

"Congrats Kuya, Congrats ate Princess!" Mahigpit akong yumakap sa kanilang dalawa. "Grabe kayo pinaiyak ninyo ako. Sobrang kinilig ako. Ang magical ng lahat, Kuya!"

"It's corny though." Kamot ulo na sabi ni Kuya Brooklyn. "Out of my personality."

"Ibig sabihin no'n ganoon mo kagusto si Ate Princess, 'no! You are willing to go out of your box and do embarassing stuff." sagot ko kay Kuya Brooklyn. "Kayo talaga ang end game. Kayo talaga ang standard ko sa relationship. Napakahealthy."

Pinakita sa akin ni Ate Princess ang singsing na regalo ni Kuya. Mahigpit ko siyang niyakap at nagtatalob kami sa tuwa. "Ang tagal kong hinintay 'to." Ate Princess said.

"It is a day before my birthday pero birthday gift na sa akin ito. Super happy ko para sa inyo, Ate Princess, sa wakas! Magiging legal relatives na tayo soon."

Lumapit si Dion sa amin at cinongrats niya sila Kuya. "Mukhang alam ko na kung sino ang next, ah." Palipat-lipat ang turo ni Ate Princess sa aming dalawa ni Dion.

Mabilis kong iniling ang aking kamay. "Grumaduate muna si Milan." Si Kuya Brooklyn na ang nagsalita. "Enjoy ninyo muna 'yang stage ng relationship ninyo. Marami pa kayong matututunan sa isa't isa. Masyado pang maaga para pag-usapan ninyo ang kasal." Ayan na, lumalabas na ang inner protective brother ng kapatid ko.

"Opo." I answered and wrapped my arms in Dion's waist.

"Naku hindi na ako aasa kay London, kina-career na niya ang pag-aalaga ng aso. Balak yatang maging paboritong tito na lang ng mga inaanak niya." Natatawang sabi ni Ate Princess at nag-apir kaming dalawa. Last time ay nakita ko nga si Kuya na naghahanap ng mga facilities sa Bulacan kung saan puwedeng mag-adopt ng aso. He will not buy new dogs, he will ADOPT. Ang mature niya sa part na iyon.

"Alas-dies na, let's enjoy your day. Malapit na birthday mo." Sabi ni Dion sa akin.

Pumunta kami sa open area kung saan nagpa-party sina Callie. Nasa stage si Aisha, hawak niya ang isang headset at siya ang nag-di-DJ for the night. Infairness, ang ganda ng taste ni Aisha sa mga music, really match in the party-party vibes. Saka ang angas ni Aisha sa stage.

She's commanding everyone at siya ang nagtitimpla ng mood para sa kasiyahan ngayon. Sa isang banda ay may barbecue party na nagaganap at may mga kumakain. May ibang nag-iinok at mayroon ding mobile bar na si Kuya London ang nag-rent. Noong nakita ko nga siya ay kumindat ito sa akin. "It took me a while bago ko napapayag sina Mom sa Mobile bar na 'yan. Drink moderately, Dion, ikaw na bahala."

Ramdam ko 'yong trust nila kay Dion sa tuwing ipinapaubaya na nila ako rito. I mean, hindi naman talaga nagkukulang si Dion sa pagprotekta sa akin. Ang layo ni Dion sa mga pina-fantasize kong mga lalaki sa libro. He is more than that.

11:59. Tumigil ang lahat ng kanta, tanging ilaw ng mga luses na sinindihan ang nakailaw sa paligid. "Let's start the countdown!" Aisha shouted.

"Ten... Nine!"

Nagsimula silang mag-countdown.

Nakapaikot ang braso ko sa baywang ni Dion habang nakangiting bini-video-han ang lahat sa countdown. Naluluha pa nga ako dahil kitang-kita sa mata ng lahat na masaya sila para sa kaarawan ko.

"Five!" sigaw nila

"May I ask the permission to kiss you on the first second of your birthday?" Bulong ni Dion sa akin. "Nagpaalam na ako kanila Tito."

Tiningnan ko siya at natawa.

"Three... two... one..."

After the countdown, Inilagay ko ang palad ko sa pisngi ni Dion. Mabilis kong inilapit ang labi ko sa labi niya. There's a fireworks in the sky na parang sumasabay sa nararamdaman ko. Muling umilaw ang mga led lights at may fogs na inilabas ang fog machine.

Everyone was strucked. I kissed Dion in front of everyone. This is the first time that Dion and I kissed kahit ilang months na kami (hindi raw counted 'yong nangyari during sa pagtulong namin sa Nueva Ecija dahil hindi daw kiss 'yon). Nakatutok ang mga phone camera sa amin at malakas silang sumigaw lahat.

Matapos nang paghalik ko kay Dion ay tiningnan ko siya. He smiled warmly. "Happy birthday." He ruffled my hair at mahigpit akong niyakap. Aisha started the party once again.

"Bakla ka, laplap yarn?" Natatawang sabi ni Shannah habang magkakausap kami nila Ianne. "That was so magical, actually, lahat ng nangyari sa birthday mo, ang sarap gawing event sa future novel ko, 'te!"

I stayed with my friends for an hour. Nag-party kami, may mga nag-swimming pa, pero sobrang nakita ko naman na sobrang enjoy silang lahat. Bandang 12:55 noong makatanggap ako ng chat kay Dion.

Dmitribels:
Will wait you sa ibaba. Sa may maliit na temple.

Bogus:
Malamok na diyan.

Dmitribels:
Bumili ako katol.

Bogus:
Punta na po.

Nagpaalam ako kanila Shannah na kikitain ko si Dion. Habang pababa ako ay humihina ang party music dahil papalayo ako. Pagkababa ko, malapit sa river ay nakaupo si Dion, nababalutan ng lights ang temple at sa gitna ay may lutuan. Hindi ko alam kung sino ang nag-setup nito dahil kanina ko pa kasama si Dion at saglit lang siya nawala.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya at umupo.

Pagkakita ko sa mga pagkain na nakalatag sa table ay napangiti ako. Fishball, kwekkwek, kikiam, karamihan ay mga street foods ay may dala lang siyang mga vitamilk na madalas naming order-in kapag tumatambay sa Seven-Eleven.

Napatingin ako sa riverside at may mga alitaptap na kumukutitap sa paligid. Hindi malamok dahil may katol nga sa gilid. Napangiti si Dion noong makita niyang nakangiti ako. "You know, I am planning to do something extra. Gusto ko sana fancy setup ng lugar pero–"

"It's not our style." Ako na ang nagdugtong at natawa si Dion.

"Yeah, it's not our style." Binuksan niya ang kalan at naglagay ng fishball sa kawali na maraming mantika. "Instead of pretending to do something extra. I decided to do the usual date that we have. Mas ma-a-appreciate mo kapag ganoon." sabi niya sa akin.

"I really do!" sagot ko kay Dion. Kinuhanan ko pa siya ng litrato habang nagluluto.

Masaya lang naming pinagsasaluhan ang pagkain. We talked about random things (lagi naman). "Alam mo, ang layo mo sa ideal man ko." Simula ko g paliwanag habang kumakain ng kikiam na sinawsaw sa suka na may halong matamis na sauce.

"Aray, ah," he acted na parang nasaktan ang puso niya. "So what is your standard na nakabase sa mga libro na nabasa mo?" he chuckled.

"I love bad boys!"

"The red flags?" He asked.

"Hindi naman, ang sarap lang kaya i-imagine na 'yong cold at masungit na tao ay nahulog sa 'yo tapos—"

"Sikretong anak ng CEO o kaya mafia boss?" Natawa si Dion. "I checked your book collection in your room. Mostly ganoon ang genre."

"OMG, Binasa mo!?"

"I tried, reading is really not my style." Sagot ni Dion at kumain.

"So back to the topic, ganoon talaga 'yong mga tipo ko pero iba 'yong comfort ko sa 'yo. You proved that you can be more than that, hindi ikaw 'yong pasok sa standards but you are more than that. Nagtatalo naman tayo pero 'yong komportableng away lang, we gave each other an assurance na kaya natin basta magkasama tayo." nakangiti kong paliwanag sa kaniya. "Saka tingnan mo, komportable kong nasasabi sa 'yo ang mga bagay na ito sa 'yo. If somebody na crush ko ito, baka nauutal ako."

"Hindi tayo best duo kung wala tayong pakialam sa isa't isa. At isa pa, you deserved to be treated this way." sagot ni Dion sa akin. "Mula sa lowest point ng career ko, nandoon ka, ngayon nandito na tayo. Let's aim for the championship." Nakipag-fist bump sa akin si Dion.

"We will win the season 4 tournament."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top