Chapter 117: Her Birthday II
IBINIGAY sa amin ni Kuya London at Kuya Brooklyn ang buong umaga para gawin ang mga bagay na gusto namin. Mga ala-una raw ay may mga hinanda silang laro at activities na puwede naming gawin. I am also one of the organizer of this event pero wala akong ideya sa mga pakulo nilang laro.
"Sama kayo, Banana boat?" Tanong sa amin ni Axel na basang-basa. Saglit lang siya umakyat para kumuha nang makakain. Nasa mataas na lugar kasi ang mga cottages at infinity pool habang kailangan pang maglakad pababa para makapunta sa riverside ng resort.
"Game kami," sagot ko at napatingin sa akin si Dion.
"Kami?" he asked confusely.
"Oo, argh! Ngayon ka lang ulit gagawa ng mga physical activities kaya tara na. Huwag kang KJ diyan." Hinatak ko ang kaniyang kamay para mapatayo siya at walang choice si Dion na mapasunod sa akin.
"Wala pa rin kayong pinagbago," Naiiling na sabi ni Axel sa amin. "Atleast 'yong bangayan ninyo ngayon ay may label na. Hindi kami parang tanga na nakikiramdam kung ano mayroon sa inyong dalawa." he chuckled.
"Nagpakipot pa si Milan, eh." sabat ni Dion.
"Ay wow, it's not my fault na slow burn 'yong pagkahulog ko sa 'yo. Isa lang 'yang patunay na may perfect time para sa lahat."
"Yup, it's worth the wait." Dion answered at hinawakan niya ang aking kamay.
"Congratulation nga pala sa pagkapasok ninyo sa Season 4 tournament. You guys improved so much as a player. I can still see that may mga moves pa rin kayo na galing sa Battle Cry pero iba ang improvements ninyo as a player noong nalipat kayo sa Orient Crown." Paliwanag sa amin ni Captain Axel habang mabagal kaming bumababa papunta sa lake area.
"Magaling Captain namin, eh." sagot ko at natawa si Axel. "But seriously, lahat ng base knowledge ko sa professional league ay galing sa 'yo. Nag-retire ka man sa pro-scene, malaki naman ang iniwan mong impluwensiya sa amin... especially sa aming dalawa ni Kendrix dahil mga protégé mo kami."
Naalala ko na naman 'yong gabi-gabing pagpupuyat namin para makaisip ng mga tactics noong nasa Battle Cry pa kami. Magdamag talagang shine-share sa amin ni Axel ang alam niya sa paglalaro. And I guess it's worth it, parehas naming napatunayan ni Kendrix na hindi sayang ang pagme-mentor sa amin ni Axel.
They had won a national competition. Nakapasok naman kami sa Season 4 tournament.it just proved that Axel is one of the greatest Captain in Hunter Online community.
"You guys surpassed me already. Malayo pa ang mararating ninyo ni Kendrix sa industriyang ito. Huwag mong sukuan ang gaming, Milan, you have a bright future here." he explained at napatango-tango ako.
Pagkababa namin ay nandoon na ang banana boat maging ang yacht na maghihila sa amin. "Ang tagal mo, Axel! Saan ka ba kumuha ng merienda? Sa Manila?!" Reklamo ni Sandro sa kaniya.
"Sorry, inaya ko pa ang birthday girl natin." Wika niya at nagsuot na ng life vest.
5-10 people ang max capacity nitong Banana boat kung kaya't kasyang-kasya kami. Nandito sina Elvis, Robi, Sandro, Axel, Larkin, Callie, Liu, at kaming dalawa ni Dion kung kaya't bale siyam kaming magba-banana boat.
"Yabang kantahan 'yan!" Sigaw ni Liu at nagsimulang pumalakpak. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!"
Sumabay silang lahat sa pagkanta at napapailing na lang ako sa mga boses nila. "Alam ninyo buti naisipan ninyong mag-professional player." wika ko at nagsuot na kami ng life vest na dalawa ni Dion.
Ako ang pinaupo nilang lahat sa pinaka-unahan dahil birthday ko daw. If I know pinaupo nila ako doon para salo ko lahat ng alon. Nakaalalay naman si Dion sa likod ko kung kaya't okay lang. "Kuya! Si birthday girl kasama natin. Bigyan ninyo ng malupitang drift sa Banana boat 'to!" Sigaw ni Larkin at natawa naman si Kuya na magda-drive ng yacht.
"Hoy ano 'yan?!" Isang malakas na sugaw galing sa malayo ang narinig namin– Tumatakbo tungo sa direksiyon namin sina Oli at Noah habang naglalakad na nakasunod sa kanila sina Renshi, Gavin, at Genesis.
"Kuya paandarin ninyo na! Paandarin ninyo na!" Sigaw ni Liu na ikanatawa naming lahat. "May isang kutong lupa pa ang makakasama ng wala sa oras."
"Kuya wait lang!" sigaw ni Oliver.
Humihingal siyang lumapit sa amin habang pinagmamasdan ang Banana boat. "Pa-try din kami. Kuya may space pa?!" tanong niya sa mga staff ng Riverside.
"Para sa 'yo wala na." Natatawang sabi ni Kendrix.
"Isa na lang po." sagot ni Kuyang driver ng yacht. Buti na lang at nice and accommodating ang mga staff nila rito.
"Ako na 'to." sabi ni Oli. "Anak-anakan ako ng pamilya nila Milan, ako na 'to." Oli said at nagsuot ng life vest.
"Baliw hintayin ninyo na lang turn ninyo. Puwede naman kayong lima mamaya." Sabi ni Axel.
"Ah talaga? Sige." He removed his life vest. "Boring kayo kasama sa totoo lang."
"Pakyu." Sagot ni Larkin at pinaandar na ni Kuya ang banana boat.
Noong una ay chill-chill pa at nakakasigaw pa kami sa sobrang saya, eh. Tamang jump-jump lang sa maliliit na alon dito sa River pero noong mas binilisan na ni Kuya ang pagpapatakbo at nag-start na siyang mag-drift-drift sa tubig... Grabe, ibang usapan na 'yon.
"Kuya tama naaa!" Malakas na sigaw ni Larkin ang umaalingawngaw sa paligid at alam kong dinig iyon sa resort kahit medyo malayo na kami.
Muling nag-drift ulit si Kuya at napakapit ako ng mahigpit sa hawakan pero unluckily tumumba na kaming lahat. Tawa kami nang tawa sa gitna ng lake at mabuti na lang ay may mga life vest kami, kung hindi ay lumubog na lang kami dahil karamihan sa amin ay hindi sanay lumangoy.
***
PAGDATING ng lunch ay inihanda ni Manang Tessa ang mga lutong ulam na niluto niya. May mga potahe rin naman na ako ang nagluto pero karamihan doon ay tulong-tulong sa kusina lang at may guidance pa rin ni Manang Tessa.
"Alam mo, akala ko ay mayayabang ang mga Esports players kasi ganoon kasi 'yong vibes na ibinibigay nila kapag may nakikita akong video nila sa feed ko," kuwento sa akin ni Jennica habang magkatabi kming kumakain sa isang cottage. "Alam mo 'yon, lagi kasi silang nag-aangasan kapag may mga interview sila."
"Pero ngayon?" Tanong ko habang nakangiti.
"They are okay naman pala kasama. Parang mga barkada na ang daming kalokohan sa katawan. Hindi rin sila ganoon kae-ere, malayo sa ini-expect ko." She explained at napatango-tango ako. Hindi ko rin naman din masisisi ang mga hindi fans ng mga Professional players kung ganoon ang tingin nila sa amin. Pero I am happy na nagbabago ang opinyon nila kapag nakasalamuha nila ito.
Hindi pala madali na i-invite ang lahat ng mga kaibigan ko dahil iba-iba silang set of groups. Minsan ay hindi ko na alam kung kanino din ako sasama dahil ang daming umaaya. Minsan kasama ko ang mga highschool friends ko, minsan ay mga relatives ko, minsan ay sa college friends, at minsan ay sa mga Esports friends. You know, it's my birthday and I want each one of them to feel that I really appreciate na pumunta o sumama sila dito.
Buti na nga lang at walang tampo si Dion if hindi kami madalas magkasama ngayon dahil alam niya rin na isa ako sa mga punong abala sa mga ganap.
After lunch ay nag-ready na kami sa mga pa-games na inihanda nila Kuya. Mabuti nga at walang KJ at lahat ay nakisali.
"So we will have a different set of games. Kung sino ang may pinakamataas na puntos ay magkakaroon ng isang wish. Anything." Nagsigawan ang lahat. Kilala nila ang mga kuya ko, pero ako? Napapailing talaga ako sa pera na willing silang ilabas dito.
"Kahit ano?!" Ulit ni Shannah at mukhang nag-game mode ang bakla.
"Anything." Kuya London assured to her while wiggling his brows.
Hinatak ni Shannah si Tomy and since malapit sila sa akin ay narinig ko ang pabulong nilang usapan. "Kailangan mong manalo sa mga laro." Utos ni Shannah kay Tomy.
"T-Teka, bakit ako?" tanong ni Tomy sa kaniya. "Balak kong tumambay sa mag videoke-han matapos ang ilang la–"
"Lalaro ka." Pinanlakihan siya ng mata ni Shannah. "Para kay Ianne. Ilalayag ko ang Iandro. Basta galingan mo. Alam mo naman na magaling lang ako lumandi, hindi ako magaling sa mga ganyan kaya go na!" Itinulak-tulak niya si Tomy na napakamot na lang sa kaniyang ulo na parang wala na siyang choice.
Pinapanindigan talaga ni Shannah na kaya niyang maging Fairy God Mother kanila Ianne at Sandro. Ako? Ayoko na lang din mangialam. Kung para talaga sila sa isa't isa, babalik at babalik pa rin 'yan.
Unang laro ay 'yong pipitikin ang kalamansi na nasa ibabaw ng bote matapos mong umikot ng sampung beses. Nahati kami sa dalawang team at kung sino ang team na maraming kalamansi na napitik ay siyang mananalo.
Nagprisinta pa ako na mauna dahil mukha lang siyang madali pero matapos kong umikot ng sampung beses ay hirap na akong makatakbo tungo sa direksiyon ng bote. Malakas na nagtatawanan sila Larkin dahil nagkakatumba-tumba ako. Tinakpan ko ang isang mata ko at pinitik ang kalamansi. I am pretty sure na saktong-sakto ang pagkakapitik ko pero... hindi siya tumama!
Malakas sila lalong tumawa at napapadyak ako sa inis.
"Madali pala, ah." Asar sa akin nila Liu at hinampas ko ang kaniyang braso.
Lumapit sa akin si Dion. Akala ko ay kakalingain niya ako pero ang buwisit ay ipinakita niya pang ang video na kung saan nagkakandatumba-tumba ako sa pagkahilo. "Nakakatawa yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Don't worry, hindi lang ako ang may video mo."
Nanood na lang ako sa mga team na naglalaro at sobrang nakakatawa pala talaga siya dahil hirap na hirap sila mapitik ang kalamansi matapos umikot. And in the end, nanalo ang team nila Shannah at talaga namang sobrang competitive ni Tomy this time.
Sa dami ng laro na inilatag ng mga kapatid ko ay game na game talaga ang lahat. Especially si Shannah, kung maka-cheer kay Tomy ay akala mo ay buhay niya ang nakataya sa bawat games. I had so much fun seeing my friends happy, as in dumadating sa point na hirap akong makahinga dahil sa kakatawa.
"So ang nanalo sa mga pa-games natin ay si..." Anunsiyo ni Kuya London at tiningnan niya kmi isa-isa. Ready na akong pumapakpak para kay Tomy. "Sa aking pagbabalik."
"Corny. Bilis na!" Malakas na nagsigawan sina Axel at napakamot ng ulo ang kuya ko.
"Mga pangit ka-bonding. Si Tomy!" he shouted at malakas kaming pumalakpak.
Si Shannah ang pumunta sa harap at kumaway sa aming lahat. "I am the real winner. Representative lang si Tomy." sabi niya at inagaw ang mic kay Kuya.
"Hayaan ninyo na lang. Gumagawa ng sarili niyang pangarap." sabi ni Tomy sa lahat at napatawa kami.
"Anong wish mo? Sabihin mo, mayaman ang kapatid namin. Kaya ka niyang ibili ng hotdog fresh from Dubai." Pagmamayabang ni Kuya London at mabilis siyang binatukan ni Kuya Brooklyn.
"Well this wish is not for me. It's for our friends, Ianne and Sandro." Napatingin kaming lahat kay Ianne and Sandro. Ianne looked stun pero nakangiting tumayo na parang game na game sakyan ang trip na tumatakbo sa isip ni Shannah.
Madami ang nagsigawan noong narinig ang kanilang pangalan. Well, aware naman kasi kaming lahat sa issue nitong dalawa. (Except sa mga non-gamer friends kong nandito)
"I want you guys to have a talk for thirty minutes na kayong dalawa lang–"
"One hour na!" Sigaw ni Larkin.
"Okay, one hour na daw. So doon sa may magandang place sa may riverside, gusto ko kyong mag-usap. You know, clear things out." We shouted at napapalakpak sa idea ni Shannah.
Napakamot ng ulo si Sandro habang napangiti si Ianne na napapatango like she was prepared for this. "Do you want us to record our conversation ba?" Ianne asked. "Like, I can conmect my phone to a speaker so that you can clearly hear our conversation." Matapang niyang suhestiyon.
"Is it okay?" Tanong ko kay Ianne.
"Yeah, I am cool with it. I mean, I don't want to break the fun. If you guys want to eavesdrop then go." she explained in a casual way. I really admire kung gaano ka-strong na tao si Ianne.
Since okay sa party ng both sides, we decided it to be recorded at para kming tanga na nakapaikot sa bonfire area habang nakagitna ang speaker. Bumaba na si Ianne at Sandro para mag-usap.
"First time kong tsumismis nang may permiso." Natatawang sabi ni Liu. Nagbagsak naman si Noah ng mga tsitsirya para may kainin kami sa pakikinig.
"'Te, sinasabi ko sa inyo, magkakaayos 'yang dalawang iyan. Submarine lang ang puwedeng lumhbog, hindi ang mga ships ko." Paliwanag ni Shannah.
Itinodo ni Larkin ang volume at naririnig namin ang hangin mula sa speaker. It's a sign na connected na ang phone ni Ianne.
"Are you sure, you are okay na recorded 'yong conversation natin?" We heard Sandro's voice.
"English. Kaibigan ko 'yan." Nakasigaw na sabi ni Captain Axel kung kaya't natawa kami.
"Yup, it's for fun lang din naman. But if awkward para sa 'yo. Sabihan ko na lang din si Milan na i-disconnect na lang." Paliwanag ni Ianne. Wala pang nangyayari pero kinikilig na agad ako sa simpleng pag-uusap nila.
"No. It's okay." Sagot ni Sandro at mahabang katahimikan ang nanaig sa kabilang linta at tanging mga hangin lang ang nadidinig. I know this is awkward for them.
"We ended our relationship mutually pero ang awkward pa rin nito, 'no?" Natatawang sabi ni Ianne. "Awkward, especially our friends knew about us. They know our story since we are public figures."
"Kumusta ka?" Sandro asked in more serious tone and the mood suddenly changed.
Tutok na tutok kaming makinig lahat sa nangyayaring usapan nila. We can't see their expression pero ramdam namin sa tono nang pananalita nila ang nararamdaman nila.
"I am... good. Wasak pa rin pero mas nabubuo ko na 'yong sarili ko." Ianne explained at napahampas-hampas si Shannah sa braso ni Tomy sa sakit ng sinabi ni Ianne. "Ang hirap ding magpanggap na okay habang binubuo mo ang sarili mo nang patago, ah! I gyessed I found an another hidden talent."
Mahina silang natawa. "Ikaw, kumusta ka?" Ianne asked.
"I still can't believed that we made it to the season four tournament. Ang sarap pa rin sa pakiramdam."
"Buti ka pa." Ianne said at nagkatinginan kaming lahat sa pagiging awkward ng situation. "Pero happy ako sa 'yo. Na-achieve mo 'yong goal mo."
"Pero kailangan kitang bitawan."
"It's part of the process though." Ianne said in a happy tone pero alam kong nasasaktan siya. "I am still proud of you na na-achieve mo 'yan. Deserved mo 'yan."
"Sorry." Sandro said in a sincere tone.
"Hmm... for what?" Ianne asked.
"Dito. Sa nangyari sa atin."
"There is no need to be sorry. You succeeded. Maganda naman ang naging outcome. You stull achieved your goal... without me." Sa boses ni Ianne ay proud na proud pa rin siya kay Sandro.
"Without you." Pag-ulit ni Sandro na bakas ang panghihinayang. "Do you still want it to try? Make things work?"
Napasigaw ang karamihan sa amin at mas lalong lumakas ang mga hampas ni Shannah. "Sabi ko sa inyo mga bakla! Magkakaayos 'yan! Magkakaayos 'yan!"
"Tayo?" Tanong ni Ianne.
"Tayo. Ulit." Pag-ulit ni Sandro sa mas klarong tono.
Mahaba ang katahimikan na nanaig.
"Hmm... hindi na." Ianne answered at nanghinayang kaming lahat. But I respect Ianne decision. "Focus ako sa sarili ko muna. This heartbreak thought me na kaya ko pa lang maging masaya mag-isa. Without depending on anyone. I am enjoying fixing myself, focus on the people who loves me; my family. Parang hindi ko muna ulit kayang pumasok sa relasyon. Parang ito 'yong tamang oras para pagggugulan ko ang sarili ko."
"Is that a rejection?" Sandro laughed.
"Depends on how you will take it." Ianne answered. "You are not a bad guy. Hindi lang talaga tugma ang mga bagay-bagay para sa atin. You are also a Captain. May obligasyon ka sa team mo, hindi ako puwedeng mag-demand ng oras sa 'yo." Paliwanag ni Ianne.
"Last chance."
"Anong pinagkaiba no'n sa mga chances na ibinigay ko sa 'yo noon?" Natatawang sabi ni Ianne. "Baka siguro, maging okay ulit tayo sa simula... just like before. Pero kapag pumasok na ang training ninyo sa tournament. Ganoon ulit. For now, focus on your dreams. Malay mo, kapag puwede na, puwede pa."
Ganito pala talaga ang sinasabi nilang mature breakup. Walang samaan ng loob, walang nagtataas ng boses. Kalmadong usapan kung saan sila nagkamali. Dito ko rin napansin na maraming naiiyak sa usapan ng dalawa.
"Baka nga... puwede pa." Sandro chuckled. "For now, let's stop avoiding each other. Let's act cool. Hindi man friends pero cool. Para sa mga kaibigan natin."
"I am not avoiding you. I just chose not to. Magkaiba 'yon."
"Nakakarami ka na ng sakit sa akin, ah."
"Sorry. Haha! Kung iniiwasan man kita, choice ko 'yon. I am fixing myself nga, eh. Ayokong magpakagaga ulit, tapos na ako sa phase na 'yon. Siguro small chitchat, okay pa, pero deep convo with you AS A FRIEND. Para tayong tanga na maglolokohan no'n" Natatawang sabi ni Ianne. "Good luck sa season four tournament mo. I am really wishing you the best. Solid fan pa rin ako ng ALTERNATE."
"Thank you." Sandro answered.
Pinahid ko ang luha ko dahil ang sakit-sakit makinig sa kanilang dalawa. Natuwa pa ako sa idea na makakatsismis kami pero kung ganito kasakit ang tsismis na maririnig ko, no thanks na lang.
"Sabi ko sa 'yo 'di magandang idea 'yan, eh." Sermon ni Aisha kay Shannah.
"Yakapin ko nang mahigpit si bakla after ng usap nila. Hindi kinakaya ng puso ko." sagot ni Shannah sa kaniya.
"Since we have a talk here na, sagarin na natin. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo makakapag-usap." Sabi ni Ianne kay Sandro. "Upo ka sa tabi ko. Ang ganda ng sunset mula rito."
Nai-imagine ko ang puwesto nila at legit... nakakaiyak.
"Anong alternate ending mo para sa atin? Kung hindi tayo nag-break, what is you alternate ending. A happy version of our story." Ianne said.
"Ikaw muna. What is your alternate ending of our story." Sandro said.
"Daya, ako ang nagtanong, eh. Pero sige, ipipikit ko ang mata ko para ma-imagine ko, ha?" Ianne said at natahimik kaming lahat para pakinggan ang kuwento niya.
"Ang ending na nakikita ko para sa atin– the alternate version. I just want to experience the things that we did before once again. 'Yong tatakas tayong dalawa ulit sa mga kaniya-kaniya nating event para magkita lang, laughing while running, 'yong excited na excited na makita ang isa't isa, we don't mind the fans, papasok lang ulit tayo sa sarili nating mundo na dalawa and that's enough." Naluluha ako dahil nai-imagine ko ang sinasabi ni Ianne.
"Tatakas ka sa gabi-gabing practice ninyo. Magkikita tayo sa kanto malapit sa boothcamp ninyo sa hating gabi. You will drive my car. Magro-road trip lang tayo ng walang kaplano-plano kung saan tayo pupunta. We will end in a park na may katabi lang na seven eleven. We will just eat any available food there habang nakaupo sa swing. Gusto ko sa alternate ending ko ay 'yong mas matapang na version mo at mas matatag na version ko. Baka in that way, baka mag-work." Kuwento ni Ianne.
"And lastly, ang ending ko ay mananalo kayo sa season four tournament. I am just clapping sa malayong balcony ng stadium. Crying. Just happy to see you that you achieved your dream na parte pa rin ako. You will have your speech, hahanapin mo ako sa dami ng tao sa stadium, hindi mo tatapusin ang speech mo habang hindi mo ako nakikita." Kuwento ni Ianne at napapahid ako ng luha. "After a couple of seconds, makikita mo ako, suot ang jacket mo. Magtatama ang mata nating dalawa. You will be happy to see me there. Hindi ko alam kung ano ang magiging speech mo pero iaalay mo iyon sa akin. That is my alternate ending. Na sana nasa tabi mo pa ako noong na-achieve mo ang pangarap mo."
We can hear yong mga pagsinghot nila sa tawag. They are crying. "Puwede pa naman..." Sandro said.
"I am more focus on myself." Natatawang sabi ni Ianne. "What can you say about my alternate ending?"
"I love that ending."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top