Chapter 116: Her Birthday I

BUMABA ako sa kotse at matinding sinag ng araw ang tumatama sa aking balat. Nasa parking lot na kami ng San Rafael River Adventure Park para sa 2 days and 1 night na stay namin dito.

Sabi ni Kuya Brooklyn ay i-two days na raw namin para salubong na rin daw sa kaarawan ko. Don't bother to ask kung magkano ang nagastos ng dalawang kapatid ko para rito. Iniisip ko pa lang ay nahihilo na ako para sa isang birthday celebration.

Before everything, naging chill lang ang dumaang araw na nasa bahay at school ako. Kahit ilang araw lang 'yon ay pakiramdam ko ay normal na estudyante ako that time na talaga namang nakatulong sa mental health ko. Dion and I were not much talking that time because busy rin siya sa pamilya niya (same as mine). Nagkikita lang kaming dalawa sa loob ng game kapag gagawa na kami ng mga quest.

"Punta lang kami saglit ni Princess sa reception area," paalam sa akin ni Kuya Brooklyn at tinulungan ko sila Dad na magbaba ng gamit sa likod. "Confirm ko lang sa kanila na ako ang nagpa-book ngayon sa place. After a couple of minutes makakapasok na tayo sa loob."

"Ako na po." Biglang dumating si Dion at siya ang nagdala ng duffle bag namin pati ang ibang lutong bahay na hinanda ni Manang Tessa. Dion is wearing a brown sando shirt and a nike shorts.

"Langoy na langoy 'yan?" Pabiro kong tanong ko sa kaniya.

He smiled and back to his stoic expression. "I missed you too."

"Charot lang." Nawala sa isip ko na may period pa rin itong si Dion kapag early morning talaga ang mga call time.

"Baklaaa!" Malakas na boses ni Shannah ang umalingawngaw sa buong parking lot at nakasunod sa kaniya sina Trace, Tomy, at Clyde na kakalabas lang sa kotse. "Balita ko 'te may Banana boat dito, try natin 'yon ha! Excited na ako sa walwalan mamayang gabi sa salubong sa birthday mo."

"Drink responsibly, ha?" Natatawang sabi ni Mom noong marinig ang usapan namin.

"Ay opo Tita, si Shannah lang po talaga ang masamang impluwensiya sa amin." Sabat ni Trace.

"Sinisiraan mo pa ako sa kay Tita. Tita, walwal responsibly ang magaganap mamaya, promise." Shannah assured.

My parents allowed me to drink this time since birthday ko naman daw at kampante naman daw sila sa mga kasama namin sa kasiyahan. Hindi nga alam nila Mom na kapag si Kuya London ang kasama kong kumakain kapag may out-of-town ay nakakatikim ako ng mga alcoholic drinks, eh. Kunsintidor din 'yong kapatid kong iyon.

Bumusina ang kotse ni Callie na kararating lang sa venue habang nasa shotgun seat si Aisha. Aisha waved her hand as soon as she saw us. Binuksan noya ang shotgun seat. "Maghanap ka ng mapa-parking-an mo mag-isa." Isinara niya ang pinto at excited na tumakbo papalapit sa amin.

"Grabe ang tagal ko kayong hindi nakita. Advance happy birthday, Milan!" Mahigpit ko siyang niyakap.

"Okay na okay kayo ni Callie, ah."

She looked on Callies direction na hirap na hirap maghanap ng pa-parking-an. "Hay naku, buwisit pa rin ako sa kupal na 'yan. Ang lakas ng loob i-shoutout ang full name ko sa livestream. Kung alam ninyo lang talaga kung ilang mga batang fans ang nag-dm sa akin para awayin ako. Lalakas loob na mang-away, multiplication table nga hindi kabisado! Dora pa design ng mga panty, ang lalakas mangwarla ng mga gaga."

"Nasaan si Ianne?" tanong ni Shannah.

"Biyahe pa lang daw. She will arrive around 10 pa daw. May dadaanan lang daw siya saglit then punta na siya rito." Paliwanag ko sa kanila since ka-chat ko si Ianne kanina, I just gave her directions since hindi siya pamilyar sa venue.

"Buti pala wala pa si Bakla because I have plans," she flipped her hair at nagkatinginan kami ni Aisha sa pagtataka. "Hindi matatapos ang birthday ni Milan na ito ng hindi nagkakaayos silang dalawa ni Sandro. They will have comeback! Iandro layag! Iandro never lulubog! Kailangan lang nilang ma-realize na sila talaga ang para sa isa't isa."

"You will fail." Aisha answered.

"Gaga ka, wala pa nga. Pero makikita mo, wala pa akong plano na pumalpak. Iba kaming mag-isip na mga writers. We will always make things work." I sighed dahil desididong-desidido talaga si Shannah sa kaniyang binabalak.

Isa-isa nang dumadating ang mga bisita ko dito sa parking lot. Mula sa mga kamag-anak, pinsan, highschool friends, college friends, hanggang sa mga kaibigan ko sa mundo ng Esports. Seeing Battle Cry and Orient Crown interacting na hindi dinibdib ang naging match namin noong nakaraan ay napasaya kahit papaano ang puso ko, nanaig talaga ang sportsmanship at friendship namin.

Dumating na ulit si Kuya Brooklyn sa may parking lot at napatingin kaming lahat sa kaniya. "You can now grab your things at papasok na tayo sa loob, you have designated rooms and tent kung saan kayo mag-i-stay."

May pinamigay si Kuya London na bond paper habang hawak-hawak niya si Forest. Iba talaga kapag si Kuya Brooklyn ang nagpaplano, plantsadong-plantsado. Wala ka nang poproblemahin, pupunta ka na lang.

"Uy bestfriend! Magkakasama tayo sa tent nina Oli saka Gavin. Makukuha mo talaga ang inner peace na hinahanap mo." Natatawang sabi ni Noah habang tinutunggo-tunggo niya ang balikat ni Genesis.

Genesis immediately raised his hands. "Gusto kong makipagpalit." He said in sleepy tone.

"H-Ha? Hindi! Okay na 'yan!" sigaw ni Noah. "Walang palitang magaganap, maayos na maayos ang pag-a-assign." Good luck talaga kay Genesis dahil puro laki sa milo ang nga kasama niy sa tent, sana ay mahanap niya ang inner peace niya.

Karamihan sa amin ay nag-tent na lang para maayos kaming makapag-glamping sa gabi habang sila Mom, Dad at mga Tita ko ang pina-check namin sa mga bahay dito sa Riverpark since hindi na sila comfy na mag-tent.

Nakasukbit sa balikat ni Dion ang bag ko kasama ng duffle bag niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sumabay sa kaniya maglakad. "Gutom na ako," sabi niya sabay hikab. "Aga ko umalis sa Nueva Ecija para makaabot sa mga bus."

"'Di ka pa nag-breakfast?" tanong ko.

"Kape lang."

"That's not even a breakfast. May tinapay na dala si Manang Tessa habang may baon akong chizwhiz sa bag." I informed him.

"You bring your own chizwhiz para ipagdamot ano?" he chuckled.

"Favorite palaman ko kasi kaya ayokong i-share. Ht you are an exception dahil kawawa ka naman." Tumawa ako at ginaya ni Dion ang ekspresiyon ko.

"No, let's have breakfast na lang diyan sa resto nitong Riverside. You can enjoy your chizwhiz alone." Um-agree na lang din ako dahil nandito na lang din naman kami e 'di dito na rin kami kumain.

Pagkapasok sa loob ng San Rafael Riverside ay may mini zoo kang makikita kung saan iba't ibang animals kang makikita. They are not a super wild animals pero as a visitor ay nakaka-entertain makakita ng ganito.

"Pamilya mo, oh." Turo ni Noah sa mga iguana habang kausap niya si Oli.

"Ninuno mo, oh." Turo naman ni Oli sa mga unggoy at nagbangayan ang dalawa.

"Tanga 'di ka nag-aaral, galing tayo sa unggoy. Lahat tayo ay ninuno ang unggoy." Depensa ni Noah.

Natawa si Oli. "Ikaw lang. Kami galing kami kay Lord. Baka ikaw lang ang galing sa unggoy talaga."

There is a path papunta sa glamping site na kung saan puwedeng mag-bonfire sa gabi. May basketball court din na ikinatuwa ng mga mokong. Kasama ko sa tent sina Aisha at Shanna. Wala pa si Ianne pero sinigurado na may space para sa mga gamit niya at may tutulugan siya.

Busy sa paglalagay ng sunblock ang dalawa. "Magbikini kaya ako?" tanong ni Shannah habang nilalagyan ng lotion ang binti niya. "Nag-diet ako para rito,"

"Go. Flaunt it, girl." Aisha cheered. "Ako nga suot ko 'yong two piece kong kakatapos ko lang hulugan sa Natasha."

"Kaso ang daming lalaki." Dahilan ni Shannah.

"Okay lang 'yan, don't waste your efforts dahil lang sa opinyon nila. At isa pa, you are dressing up for yourself." Pagpapalakas ko ng loob niya. I mean, we are all grown ups here.

"Kasalanan nila kapag tinigasan sila. Kaya go na, Girl." Aisha said at natawa na lamang kami. Ibang klase talaga ang bunganga nitong babae na 'to.

"Sige na, chat ninyo na lang ako kung saan kayo lalangoy. Habol ako." Lumabas ako ng tent. I am just wearing a yellow floral top at plain whit shorts.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Shannah.

"Kakain lang kami ni Dion." I informed them.

"Aga namang kainan niyan." Biro ni Aisha at napailing ako.

"Kaya nga, maganda kung mamayang gabi na 'yan para salubong sa birthday mo." They laughed inside the tent at talagang same wavelength sila pagdating sa kalokohan

"Mga gaga." sabi ko at naglakad na papalapit kay Dion.

May mga kaibigan akong nagpapa-picture kay Dion, mostly college and highschool friends na first time siyang ma-meet. I just let them, alam ko naman na super fan lang din naman sila ni Dion. "Happy birthday, Milan." bati sa akin ni Neo na kabarkada ko noong highschool.

"Thank you." Sagot ko

"Let's go?" Tanong ko kay Dion. "Wala na bang magpapa-picture sa cutie player ng Nueva Ecija?" Biro ko sa kaniya.

"Let's eat first."

Naglakad na kami ni Dion papunta sa restaurant area nitong riverside. Nadaanan pa namin sina Larkin na naliligo na agad sa infinity pool nitong resort. Inaya pa nga nila kami pero sinabi namin na kakain muna kami.

We just have a solid breakfast meal here habang nakatanaw sa magandang view ng lake. May mga inflatable pool sa gilid ng lake at may mga slide din para puwedeng makaligo din. Kayak rental is already open pero wala pang nagta-try since masyado pang maaga.

"Matagal naging biyahe mo?" Tanong ko kay Dion.

"Mabilis lang naman. Napuyat lang ako kasi may tinapos akong mga quest. Nagpataas din ako ng level. Kalaro ko si Sandro na until now wala pa." Natatawang sabi ni Dion.

"Nag-quest kayo na wala ako?" Reklamo ko at uminom ng mango shake na in-order ko.

Nagulat nga ako dahil may sinerve na cheesecake sa amin tapos may nakalagay na happy birthday. Sabi noong waiter ay palibre daw nila iyon sa akin which is I appreciated and even took photo of it to uploas in my IG story.

"I know that you guys are busy preparing for your handa." he explained which is I agreed dahil tumulong talaga ako sa kusina kahapon.

"Try mo 'yong kare-kare. Ako ang gumawa no'n." Pagmamayabang ko kay Dion. It's an achievement dahil hindi madaling gumawa ng Kare-kare! Mabuti na pang talaga at sobrang haba ng pasensiya sa akin ni Manang Tessa kahapon.

"Hindi naman ba ako magtatae diyan?" natatawa niyang tanong.

"Alam mo, ang salbahe mo." I rolled my eyes pero hinawakan lang ni Dion ang kamay ko. "Abangan mo 'yong proposal ni Kuya kay Ate Princess tonight."

"Oh, he will propose na?"

"Yup! Excited na nga ako." I answered at tumuloy sa pagkain.

Nabigla kami noong nagmamadaling tumatakbo si Sandro habang nakasukbit sa balikat niya ang maliit na backpack niya at tuwalya.

"Late na ba ako?" Sandro asked at lumapit sa amin noong nakita niya kami.

"Nope, nasa infinity pool sila. Lumalangoy. Kasama mo sa Tent sina Axel saka Kendrix." Paliwanag ko sa kaniya.

Huminga siyang malalim at uminom sa shake ni Dion ng walang paalam na halatang nagmadaling pumunta rito. "Kasalanan mo 'tong kupal k kung kaya't anong oras ako nagising." Sabi niya kay Dion at natawa ito. Ready to swim na rin ang outfit ni Sandro at kahit siya ay namangha dahil super nice nitong place.

Nakita siya nila Captain Axel kung kaya't nagmamadaling lumapit sa kanila si Sandro. "Enjoy your date. Happy birthday, Milan." Huli niyang sinabi at tumakbo papasok.

Dion and I were enjoying the foods with nonsense conversation noong makarinig kami nang ingay na pumapasok dito sa Riverside.

Nakasukbit sa balikat ni Ianne ang kaniyang duffle bag. She's wearing a white tshirt and red shorts. Takaw pansin talaga ang puti nitong si Ianne. Nagmamadali din siyang pumasok na para bang late na siya sa kasiyahan.

When Ianne saw us . She immediately waved her hands at nakipagbeso sa akin. "Late na ba ako?" She asked at natawa ako dahil iyon din ang unang tanong ni Sandro sa amin. "OMG, sorry talaga. Nagbukas ng bagong business 'yong friend ko. Um-attend lang ako saglit tapos dumiretso na rito." she explained.

"Are you sure na hindi kayo magkasama ni Sandro na pumunta rito? Kararating niya lang din. Late din." Dion said habang naiiling dahil sa amazement.

Ianne brows crunched. "What? No. I have my own car para makapunta rito." She explained at uminom sa mango shake na iniinuman ko bago naglakad papasok dahil kanina pa raw siya china-chat nina Shannah.

We are both amazed ni Dion sa sequence of happenings. "They are really destined for each other." sabi ni Dion habang nagpatuloy na sa pagkain.

"I know. Same action pa sila kanina." Naiiling ko ding sabi.

After namin mag-almusal ay sumama na kami sa mga kaibigan namin na gumagawa ng iba't ibang activities. Sumama kami kanila Oli na nag-e-enjoy sa infinity pool. I know this just a start of salubong sa birthday ko pero nararamdaman ko nang magiging memorable ang dalawang araw na ito para sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top