Chapter 115: Start of Break

NATATAWA ako habang nagbabasa ng GC namin na Orient Crown dahil kung mag-chat sila ay parang hindi na kami magkikita-kita. Hello, three weeks lang ang ibinigay na break sa amin pagkatapos noon ay babalik na kami sa Boothcamp para mag-training para sa nalalapit na Season 4 tournament.

Binababaybay namin ang NLEX at nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana. Malakas na tumutugtog sa kotse ang mga kanta ni Zack Tabudlo kung kaya't ang chill lang ng vibes. I can say na nag-a-upgrade na ang mga OPM songs natin ngayon, may certain flavor na sila when it comes to music na sa OPM mo lang din mahahanap.

Natutulog si Dion sa balikat ko na hinayaan ko lang dahil sa mga members ng Orient Crown ay sila talaga nila Larkin at Callie ang madalas may interview at mga photoshoot. Sila din kasi ang may pinakamalalaking fanbase sa amin when it comes to Hunter Online Community.

"Napanood namin 'yong laban ninyo ng Battle Cry," kuwento ni Kuya London sa akin. "Kasama namin sila Mom at Dad, matatawa ka sa reaksiyon nila. Akala mo talaga sila ang fan ng Esports ng tatlong taon, eh."

Bahagya akong natawa dahil ngayon lang din nagka-interes sila Mom sa hobby namin (buhay noong nakanood sila ng match sa Pampanga at noong Summer Cup). "May video ka Kuya?"

"Nasa cellphone ni Brooklyn, ipapanood ko sa 'yo mamaya. Matatawa ka, napapatayo pa sila sa intensed ng laban." Nangingising kuwento ni Kuya London sa akin.

"Sinong team ang sinusuportahan naman nila."

"Unluckily, hindi kayo. They are loyal sa Battle Cry." sabi naman ni Kuya Brooklyn at nawala ang ngiti ko. "I guessed Oli won sa pagoging paboritong anak."

"Kaya nga, eh. Dapat na talagang itumba si Oli sa pagiging sabit sa pamilya natin." Paliwanag ko na ikinatawa nila. Pinicture-an ko si Dion habang natutulog sa balikat ko at nilagay ko sa my day sa IG. As usual, iba ang hatak ng Cutie player ng Nueva Ecija dahil ang daming reacts noon kahit wala pang dalawang minuto.

"Pero Milan, ikaw talaga ang highlight noong laban ninyo ng Battle Cry." kuwento ni Kuya Brooklyn habang focus na nagda-drive.

"Si Callie."

"Ikaw." Sabat ni Kuya London. "Kung mga casual viewers, siguro sasabihin si Callie ang nagdala kasi ang dami niya kill. Pero mga bobo sila, malamang core si Callie kaya trabaho niya 'yon. But true gamer will know how amazing your tactics in the last part of the game. Madaling maging core habang mahirap maging magaling na support."

"Ang bolero ninyo!"

"Alam mo kung bakit?" Natatawang sabi ni Kuya London. My brows crunched. "Ikaw kasi magbabayad ng gas natin mamaya sa gas station."

"Hoy!" Reklamo ko.

"Sinundo ka namin. Ang layo-layo at ang trapik sa EDSA. Ikaw naman ngayon sa gas, sinusuwerte ka naman masyado." Napairap ako sa ere dahil wala ako talagang makukuhang sagot kay Kuya London.

Noong huminto kami sa gas station ay nagising na rin si Dion. Nag-CR din kasi si Kuya London habang nag-takeout si Kuya Brooklyn ng food sa Jollibee. Nagpaiwan na lang ako dito since natutulog nga si Dion kanina.

"Saan na tayo?" he asked.

"Sta. Rita yata." Hindi ko sure na sagot. "Malapit na tayo sa amin don't worry, tulog ka na ulit." I offered my shoulder again pero humiga lang siya rito habang nag-i-scroll sa kaniyang cellphone.

"Ano 'to?" Dion asked after he saw my IG story.

"Nakita mo na pala 'yong pet ko. Cutie, 'no?" Tanong ko sa kaniya habang natatawa.

He poked my tummy. "Huy 'wag kang mangaliti!"

"Mukha akong tanga dito. Tingnan mo," he zoom the story. "May namumuo pang laway sa gilid ng labi ko."

"Seryoso?" I looked again the picture. "Oo nga! Haha! Sorry hindi ko nakita. Delete ko ba? Haha!"

"Idi-delete mo pa, libo-libo na naka-views ng story mo." Naiiling na sabi ni Dion. "Saan sila?"

"CR tapos um-order ng foods. Sabi ko cheese burger lang sa 'yo since kumain ka kanina sa boothcamp before umalis."

"Thanks." Dion answered and he continued to scroll on his Social Media account.

"Mabilis ka lang makakasakay mamaya sa bus?" I asked.

"Sana. Madami naman dumadaan na bus sa labas ng village ninyo, eh." sagot ni Dion. "Bakit? Will you offer your guest room again?"

"Puwede naman! Baka kasi mapagod ka sa biyahe. Busy ka pa naman, nakakahiya sa 'yo." sagot ko sa kaniya.

"Baka busy. Pero I will go home today, nag-e-expect na nanay ko na ngayon uwi ko, eh." He explained. "Miss mo naman ako."

"Chika mo, umay na nga ako sa 'yo, eh?"

Bumaling ang tingin niya sa akin at nagtama ang aming mga mata. "Umay ka na?" He said in a sad tone. He poked my tummy again.

"Kaunti." I answered jokingly.

"Mauumay ka sa ganitong mukha? Ikaw lang ang may Dmitri Onyx Villanueva. Bukod tangi." Pagmamayabang niya.

"Kakadikit mo 'yan kay Callie. Masama talagang nababarkada ka doon." Natatawa kong sabi.

Napatigil kami noong bumukas na ang pinto at pumasok na sila kuya. "Tinted naman 'tonng sasakyan pero kitang-kita sa labas ang landian ninyong dalawa."

"Inggit lang 'yan." Sagot ni Kuya Brooklyn sa kaniya and he started the engine.

"Ulol. Wala man akong jowa, may aso naman ako." Pagmamayabang niya. Mukhang wala ngang balak maghanap ng love life itong kapatid ko dahil base sa mga stories and post niya sa FB ay focus talaga siya kay Forest. "Mas loyal pa 'yon sa mga jowa ninyo."

Kumain lang kami ng ilang minutes tapos nagtulpy-tuloy na sa pagda-drive si Kuya.

Sa labas pa lang ng village ay nagulat na ako sa aking nakita– may tarpaulin na picture ko!

Congratulation Milan for being qualified in Hunter Online Tournament! We are so proud of you!

"OMG sino may pakulo niyan?! Tanggalin ninyo 'yan!" Reklamo ko kasi nakikita ng lahat nang dumadaan na sasakyan ang tarp dahil sa pagkalaki-laki." Tuwang-tuwa si Dion habang kinukuhanan niya ng picture 'yong tarp.

"E 'di 'yong president ng asosasyon dito sa Casa Buena." Kuya London explained. "Mabuti nga ay magandang picture mo 'yong binigay ko, eh. Dami mo pa namang sabog pictures sa phone ko."

"At ikaw pa talaga ang nagbigay ng picture, buwisit ka." reklamo ko at natawa si Kuya.

Sa wakas ay nandito na kami sa bahay. We invited Dion sa bahay kahit ilang minutes lang before siya umuwi sa Nueva Ecija. Para na rin makapag-hello siya kanila Dad at makapagpahinga siya.

Nakakapagtaka na ang daming sasakyan sa labas at sabi naman nila Kuya na baka nandito ang mga Kumpare ni Daddy which is hinayaan ko na lang din. They usually talk about business things here in our house kapag ayaw mag-dine in ni Dad sa mga resto.

Binaba ni Dion ang maleta ko habang sukbit niya sa kanang balikat niya ang duffle bag niya. Talagang kaunting gamit lang ang dala ni Dion pauwi sa kanila. Hindi ko alam kung ganoon lang talaga silang mga lalaki na mas okay na kulang ang bitbit kaysa sobra.

Pagbukas pa lang ng gate ay maririnig na ang tahol ni Forest. Sa wakas, I am home. I can now rest and study for the meantime na hindi iniisip ang tungkol sa mga tournament. Laking ginhawa din siya para sa akin para makapag-focus ako sa mga topic sa acads na talaga namang nahihirapan ako.

Pagbukas ko ng pinto.

"Surprise!" Nagulat ako sa malakas na sigaw na narinig sa buong bahay. Napatingin ako sa mga nandito at lahat ng mga kamag-anak ko ngayon ay nandito ngayon sa bahay (that explain the car sa labas).

Napatingin ako kanila Kuya na kasalukuyang bini-video ang reaction ko. "Huy hindi ko pa birthday! Ano 'to!" reklamo ko sa kanila.

"Congratulating you from your recent achievement." Paliwanag ni Kuya Brooklyn sa akin na nakapagpalqmbot sa aking puso.

"Aw, thanks Mom and Dad." Naglakad ako papalapit kanila Mom at mahigpit ko silang niyakap "Kuwento nila Kuya na sila Oli ang sinupport ninyo noong laban namin, ha!"

"Talo nga mga manok ko, eh." Biro ni Dad at natawa siya.

Kung ako ay nahiya, paano pa si Dion na nasabit na naman sa biglaang family occassion. Parehas kaming walang alam sa nangyari. Mabuti na lang talaga at nakausap na niya 'yong mga pinsan ko last time kung kaya't hindi na rin ganoon ka-awkward.

Sa may kitchen area ay naghanda pala si Manang Tessa ng maraming foods. "Uwi ka na agad?" Tanong ko kay Dion habang kumukuha kami ng paper plates sa table.

"Sa tingin mo, makaka-exit ako agad nito." He chuckled.

"Mukhang hindi." Natatawa kong sabi at kumuha na kami ng mga pagkain.

As expected, karamihan sa mga pinsan ko ay nagpa-picture pa rin kay Dion na hinayaan ko lang din naman. Sabi naman din ni Dion ay okay lang so hinayaan ko lang siya. Sabi nga niya ay nahihiya siya pero ang dami niyang kuwento sa mga pinsan ko. Chika talaga nito.

Ilang oras lang nag-stay si Dion noong magpaalam siya kanila Dad na uuwi na siya since ini-expect siya ng mga parents niya makauwi ngayong araw.

Nagpustahan pa kami ni Dion na io-offer daw ng parents ko 'yong guest room para doon ako mag-stay. As usual, nanalo siya dahil in-offer nga talaga nila Mom.

The day ended with our mini celebration na na-appreciate ko dahil talagang naglan ng oras sila Mom para i-congratulate ako sa pagkapasok namin sa Season four tournament.

***

AKALA ko ay sa pagkakaroon ko ng break sa paglalaro ay makakabalik na ako sa normal college life ko. Pero hindi, kasama ko si Dean ng College namin na nag-iikot sa IT department at College of Science para ipagmalaki ang pagkapasok ko sa season four tournament.

"Gov. Pao, ipinagkalulong mo na naman ako kay Dean." Bulong ko kay Paolo since kasama namin siya  sa pag-iikot.

Pao raised his both hands. "Wala akong alam promise." He chuckled.

"Chika mo, 'di talaga kita iboboto next year kapag tumakbo kang senator."

"Salbahe. Wala akong alam promise." Natatawa niyang paliwanag.

Ang daming sinasabi ni Dean tuwing ini-introduce niya ako sa bawat section (imagine kung gaano kadami). Sinasabi pa ni Dean na ako raw ang prode ng College of Science at proud na proud daw ang buong BULSU sa narating ko. Mga chika nito, ang hirap kaya gumawa ng excuse letter tuwing magpapaalam akong may practice kami.

Habang nag-iikot kami ay may mga nagpapa-picture din. Of course nakakaubos talaga ng social battery pero dapat na rin masanay na ako. Kagaya nang sinasabi sa amin ni Sir Theo, public figure na kami, any negative actions might affect the team. Lalo ako, captain pa naman ako, ayoko nang dumagdag sa past issues namin.

"May tanong po ako," A student named Manuel asked; he is from IT department. "Anong masasabi mo na na-no-normalize na ang ESports sa panahon natin ngayon?"

"Uhm..." Grabe hindi talaga ako sanay sa mga biglaang Q and A session na ganito. "For me as long as you are not neglecting any of your priorities and responsibilities then it's fine." I answered.

"Masuwerte nga tayo na mas open na ang society natin sa Esports at hindi na tinuturing na para sa mga tambay lang. I hope that our school will consider in cultivating talents in Esports. Para hindi lang ako ang Bulsuan sa mundo ng Esports 'di ba? Maraming talented players dito, they just need a platform." I explained at napatango-tango sila. God, dis I explain it right?

Matapos ang buong umaga na paglalakad sa iba't ibang department ay nakaupo rin ako sa tabi nila Shannah na nakatambay sa mga bench sa ibaba ng College of Science. "Pagod na pagod, 'te? May assignment ka na sa Calculus? Pakopya 'te."

Inilabas ko ang notebook ko at iniabot sa kanila. "Ibahin ninyo na lang 'yong variables." Paalala ko sa kanila.

Kapansin-pansin ang suot ni Clyde na sobrang tingkad (wash day kasi ngayon) na kahit sino ay mapapatingin sa kaniya. "Ang sakit naman sa mata ng suot mo,"

"Parang gago nga, eh." Trace said. "Parang naglalakad na krayola sa campus si Gago."

"I need, eh." Clyde said. "'Yong partner ko sa baby thesis ay may presopagnosia." he explained. Speaking of Baby thesis ay na-excuse naman ako doon dahil na rin sa pagiging Esports player ko (thank you God, binawasan mo ang gawain ko).

"Presopagnosia?"

"She can't recognize faces. Kaya ganito sinusuot ko para madali niya akong mapansin." Clyde explained.

"Bobo nga nito, sabi ko kami na lang partner sa baby thesis. Ayaw amputa." Paano kasi ay si Shannah at Tomy na ang magka-partner.

"Bobo, sa tingin mo may matatapos tayong dalawa kapag tayo ang magka-partner?" tanong ni Clyde sa kaniya.

Saglit na napatigil si Trace. "May point. Baka parehas tayong magkasingko sa card kapag nagkataon. Good decision pala na naghiwalay tayo."

"'Yong partner mo Blockmate natin?" tanong ko.

"Si Eleonora? She's from IT department. Ako tagagawa ng database, siya naman sa interface at sa design noong game." Eleonora, what a unique name.

Hindi rin muna kami masyadong nakapag-usap ni Dion which is mutual decision naman din. Busy siya sa family niya habang ako ay ninanamnam ko ang pagiging normal student ko ulit.

After a few days ay birthday ko na kung saan ay makakasama ko ulit 'yong mga friends and family ko for two days and one night.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top