Chapter 113: Meeting the Wolves

KINABUKASAN, after our match against Battle Cry ay dito lang nag-struck sa akin na sobrang big deal pala sa gaming community ang nangyaring laban sa pagitan namin. Lahat ng social media accounts ko ay may isang news article patungkol sa nangyaring match at sa mga team na nakapasok sa Season four tournament.

Nagbasa-basa ako ng reactions ng fans sa Twitter kung ano ba ang naging opinyon nila sa naging laban namin sa Battle Cry. Up until now ay nao-overwhelm pa rin ako kapag madaming nagpo-post and nagta-tag sa akin, nagko-comment sa post ko, nagme-message sa akin. Parang in a snapped talaga ay nabago ang takbo ng buhay ko noong naging professional players ako.

@NinjaReji:​
Battle Cry and Orient Crown is the highlight of yesterday's match! They just set a standard and what to expect in Season 4 tournament. GGWP, Battle Cry!

@LaughPat:
Sa ganda ng laro na ipinakita ng Battle Cry, wala bang wild card dito?! Kaya nilang makipagsabayan, sa Season 4 tournament, nataon lang na malakas din ang kalaban nila sa qualifiers. Justice for Battle Cry!!!

I am really happy to read some comments na sinasabing deserved ng Battle Cry na makapasok sa Season 4 tournament. Hindi na sila 'yong team na minamaliit na walang maibubuga. Ngayon, napatunayan nila na isa rin silang threat sa mga professional teams.

@KnotForum:
Ako na nagsasabi sa inyo, Orient Crown is a huge threat sa lahat ng team sa Professional League. They are new pero ibang klase ang chemistry nila. Aminado akong minaliit ko si Milan pero ngayon ay pinapatunayan niya na she's the really the Queen of HO as of now. Looking forward for the Season 4 tournament!!

@Shannah_all:
BAKLAAA!!! KAKLASE KO 'YANG SI MILAN!!! SO PROUD OF YOU 'TE!!! DATI KINOKOPYAHAN KO LANG 'TO SA STAT TAPOS NGAYON... KINOKOPYAHAN KO PA RIN. LABYU GIRL!

@SleekClever:
Can we appreciate MiLlie moment during that match!? OMG OMG! Alam kong si Dion and Milan na pero ultimate ship ko sila ni Callie. Why she didn't save Dion that time tho? LQ?

May mga viewers talaga na nanonood lang ng mga tournament para humanap ng love team na bubuuin nila. Nakakaloka, based on her opinion, halatang wala siyang alam sa Hunter Online at sumusunod lang sa hype kasi madaming guwapo. I saved Callie that time because he is our core/damage-dealer. Kung si Dion ang iniligtas ko ay paniguradong hindi kami aabanse sa season 4 tournament. I did that for our team. Saka anong LQ? Chika neto!

@Exakton:
Lol, without Callie on Orient Crown, hindi naman din sila makakapasok. I bet nasulot nila si Callie sa malaking talent fee. Pera-pera na lang din lol. Mas deserve ng Battle Cry ang makapasok dahil mas kakaibang plano ang naisip ni Kendrix. Rematch lol.

@Readarator:
Half of Battle Cry during that match ay si Callie ang pumatay. Orient Crown? They should change their team's name to Callie and friends. Haha! Buhat na buhat.

Hindi na rin talaga nawawala ang mga negative comments sa ibang tao. Hindi nila nakikita na ina-assist namin or bina-buytime namin si Callie para makapitas siya sa kalaban. I mean, that's the job of the core. Well, mahirap naman din makipagtalo sa mga taong sarado ang isip at hindi ready sa healthy discussion.

Bumangon na ako sa kama para sumabay sa Orient Crown na mag-almusal. Grabe! Ang dami kong nakain kagabi dahil na rin sa buffet place kami kumain. Hindi na rin ako nakapag-morning jog kanina, bakit? Why not! I deserved it! Parang reward ko na rin 'to sa sarili ko dahil nagawa naming makapasok sa season four tournament.

Umupo ako sa tabi ni Dion. Tocino and egg ang breakfast namin at hindi na lang din ako nag-rice pambawi. "Lapit na ng birthday mo, excited ka na ba sa mga inihandang activities ng kuya mo?" natatawang sabi ni Dion.

Parang dito nga nag-sink in na ilang days na lang ay birthday ko na.

"Excited lang ako sa idea na makakasama ko lahat ng friends ko sa birthday ko. Highschool friends, college friends, tapos friends ko sa Esports industry. Pero promise, hindi naman talaga need na mag-rent pa ng resort. Okay na ako sa handaan lang sa bahay or spend quality time with my love ones." Paliwanag ko kay Dion. Kumain ako noong almusal namin.

Using his thumb ay tinanggal ni Dion ang mugmog na kanin sa gilid ng labi ko. I smiled to him and he just smiled. "May muta ka pa." reklamo niya.

"Chika mo, wala naman!" Natawa siyang bahagya sa sinabi ko.

"Good morning, Callie and friends," lumabas si Callie mula sa room nila at umikot pa habang nakangiti.

"Ayan na, gising na ang putanginang animal." Bulong ni Liu at nag-focus sa pagkain niya. Feel na feel talaga ni Callie 'yong Callie and friends dahil siya raw ang bida. Mapapairap ka na lang talaga sa kayabangang taglay ng gunggong na 'to. Buti na lang talaga at sanay na kaming lahat sa kaniya.

Ibinigay ni Sir Theo ang buong araw na ito sa amin para makapagpahinga at kung may kailangan kaming habulin sa acads ay magawa namin. Dahil bukas ay kabi-kabilang interview ang a-attend-an namin for bago kami makauwi sa kaniya-kaniya naming probinsya.

Nagpasa na rin ako ng excuse letter sa College of Science and luckily ay pumayag naman si Dean. Ang disadvantage lang talaga na parating wala sa klase ay nag-se-self study lang ako at parating naghahabol sa mga exams sa tuwing papasok ako. Well, nothing new, sanay na rin naman ako sa pressure.

Nabigla ako noong makatanggap ako ng chat galing kay Oli.

Jose Oliveros Pagdanganan III:
Kumare!! Congrats sa pagkapanalo ninyo, GGWP mga M@@@@m/Z3333r. Kita tayo mamayang gabi, libre ninyo. Kalingain ninyo naman kami. Hahaha!

Ipinakita ko kay Dion 'yong chat sa akin ni Oli at binasa niya naman. "Tara kitain natin sila, may gagawin ba tayo mamayang gabi?" tanong niya sa akin.

"May scheduled live tayo." Sabi ko sa kaniya. Lagi kasi kaming sabay nag-o-online ni Dion para mag-live.

"Puwede naman din i-move 'yong live natin ng 11PM-1AM? Nakakahiyang tumanggi kanila Oli ngayon, eh." May point naman si Dion kung kaya't um-agree na rin ako. Agahan ko na lang din review ko today para matuloy ang gala namin nila Oliveros. Time management na lang din talaga.

"Liu, sama ka?" tanong ko kay Pekeng chinese na busy nang mag-scroll sa Tiktok.

"Saan? Kapag hindi mo libre, hindi ako sasama."

"Sira! Kikitain namin sila Oli,"

"G ako." Walang pag-a-alinlangang sabi ni Liu.

"Uy tropapips namin 'yong kikitain ninyo, sama kami ni bestfriend," sabi ni Noah na ang layo-lyo ng table na kinakainan ay narinig pa ang usapan namin. Iba talaga kapag nadidikit kay Liu, lumalakas ang pandinig. "'Di ba, bestfriend sasama tay–"

"Ayoko." Tipid na sabi ni Genesis sa bagot na tono.

"See? Sabi ko sa inyo sasama kami, eh." Noah said and continue to eat.

Habang kumakain ay napag-usapan namin ni Dion ang magiging plano namin sa ilang linggong bakasyon bago mag-start ulit ang training. Nakaupo ako sa carpet sa may center table habang nasa likod ko siya at nagse-cellphone, naglalaro pa rin ng zombie tsunami na sobrang kinaadikan niya kapag hindi kami naglalaro ng Hunter Online.

"Ang plano ko?" Napatango si Dion. "Maghahabol ako ng mga gagawin sa acads and gusto ko buong break natin sa paglalaro ay makapasok ako sa school namin as a regular student ulit. Alam mo 'yon, tatambay kapag vacant, hahanap ng makakain after class. Tapos gusto ko rin maka-bonding sila kuya ng matagal, madalas man kaming nagbabangayan but you know... nakaka-miss din pala." Paliwanag ko kay Dion habang nakangiti kong tina-tap ang ballpen sa lamesa.

"Ikaw, anong plano mo?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Gusto kong maging hands-on sa pagpapaayos ng bahay namin sa Nueva Ecija. I want to spoil my parents muna, malaki-laki na rin naman ang naipon ko matapos namin masalanta." Napangiti ako sa sinabi ni Dion. "And also, I am planning to visit you. That's only couple of minutes away. Petiks lang 'yon."

"Lagi ka naman welcome sa bahay. Baka nga kahit wala ako doon ay papasukin ka pa rin nil Mom." Natawa si Dion sa sinabi ko.

Habang nakatambay ang karamihan sa sala ay lumapit sa amin si Sir Theo for announcement. "I got your schedule for the next three days. More on interview and pictorial para sa mga sponsors natin. Baka 'yong iba sa inyo ay kinakailangan din pumunta ng Maynila for some live events, pero pipiliin ko na lang ang mga malalapit, okay?"

"Yes, Sir." We answered. Napatigil din sila Larkin sa pagsasagot nila ng module at nakinig sa announcement ni Sir. Mabuti na lang talaga at madami akong kasabayang players na nandito na naghahabol din ng activities at quizzes kung kaya't hindi ako ganoon nape-pressure dahil marami akong kaagapay magreklamo ngayon.

"Dion, Genesis, and Callie will have an interview sa Magandang Umaga, Pilipinas (Morning talkshow sa isang channel) tomorrow. I will send you the set of questions later para alam ninyo na ang isasagot ninyo for that interview. Ang call time ay 5AM kung kaya't mag-alarm kayo." Napareklamo ang dalawa (except kay Genesis na tinulugan lang) pero ang ma-invite sa national TV for guesting? It's an opportunity kaya!

"Milan, you will have a live interview ng alas-dos kasama ang ibang team captains na pasok sa Season 4 tournament." Mabuti na lang at nandoon si Sandro sa interview na iyon kung kaya't may makakausap ako.

"Sa hapon, we will have your pictorial for promotion ng team sa season 4 tournament. Para magkaroon din ng time ang editors natin to edit that and they will also have a long break kagaya ninyo." Mahabang litana ni Sir Theo.

Marami pa siyang ipinaliwanag at naririnig ko pa lang ang schedule namin ay nade-drain na agad ako. Sobeang nakakaubos ng social battery sa dami ng interaction na magaganap sa kung kani-kaninong tao. But well, it's part of the job and we are paid to do this. Isa pa, kaunting tiis na lang naman bago ang break namin so huling paghihirap na rin naman 'to before mag-start ang season 4 tournament.

Matapos kong mag-review ay nagpasama sa akin si Oppa Larkin na bumili ng fishball at kikiam sa streetfood lanes sa labas ng village. Dahil nagki-crave ako ay sumama na rin ako. Hindi na sumama si Dion dahil tutulungan niya raw sila Noah sa isang quest nila.

Chinat ko lang si Dion na naglalakad na kami ni Larkin at itong isa ay may side comment agad. "Grabeng update naman 'yan, tisurin kaya kita tapos iyon i-report mo kay Dion."

"Alam mo, epal ka kahit kailan." umirap ako at natawa lang si Larkin.

"But you know," Pumamulsa si Larkin at nakatingin sa mga puno na nadadaanan namin. "Honestly speaking, without you in thr match yesterday, paniguradong talo tayo. Kung ako ang masa sitwasyon mo noon ay paniguradong nag-panic na ang utak ko at hindi na ako makakapag-isip ng maayos. But you? You managed to think straight at gamitin ang Holy Black Cape mo." Puri ni Oppa sa akin.

Hindi ako nagsalita pero napangiti ako. "Kinilig ka naman, pagbuhulin ko kayong dalawa ni Dion, eh."

"Salbahe nito! Bawal na ba ako maka-appreciate ng papuri?"

Natawa si Larkin. "But seriously speaking, napag-usapan naming dalawa ni Callie na you are the real asset of Orient Crown. Malayo ang mararating mo sa Hunter Online." Napapatangong paliwanag ni Oppa.

Naputol ang diskusyon namin noong may Shopee rider ang huminto sa harap namin.

"Ma'am/Sir, puwede magtanong?" Tanong nito sa amin.

"Naku, kuya, ilang buwan pa lang din kami dito sa subdivision baka hindi ko alam kung saan 'yang itatanong mo. Pero kanino po ba 'yong parcel?" tanong ni Larkin

"Kay Miss Alleana Grace Alcantara po. Kanina pa po ako paikot-ikot sa subdivision ninyo hindi ko po mahanap." paliwanag nung Shopee driver.

"Alleana Grace..." saglit na nag-isip si Oppa. "Hindi ko sure kuya pero kanan ka tapos 'yong pangatlong kanto kumaliwa ka. Pagkakaliwa mo sa dulo may puno mg alatiris kang madadaanan. Pero hindi ko sure, ha?"

"'Tapos may pulang gate kang makikita pangalawa sa dulo na bahay. May tatlo silang aso, dalawang beagle tapos isang shihtzu, buntis nga 'yong shihtzu hindi ko sure kung sino sa dalawang beagle 'yong tatay patanong na lang din. Basta kulay red 'yong gate then cream white pintura ng bahay nila. Pero hindi ko sure, kuya, bago lang kami dito." Nahiya pang sabihin ni Larkin history noong pamilya nang mga nakatira doon. Ewan ko na lang kung maligaw pa si Kuya niyan.

"Sige, Sir, salamat po." Umandar papaalis 'yong Shopee rider.

"Hindi ka pa sure noong lagay na 'yon?" Tanong ko kay Larkin.

"Baliw kilala ko 'yon, vlogger 'yong si Alleana na nakatira rito sa village natin. Tuwing hapon nakikita ko 'yon kapag nagba-basketball kami sa court, pinapasyal mga aso nila." Napatango-tango ako sa paliwanag ni Larkin. Hindi ko alam na may time pa sila na makipagkilala sa ibang nakatira rito despite na sobrang busy ng schedule namin. Pero sa bagay, tuwing weekends lang din naman ako madalas sa boothcamp so hindi ko nakikita lahat ng nangyayari rito.

Saglit lang kami kumain ni Oppa at ang galnte ng mokong dahil nanlibre. Dito niya daw ako kaya ilibre kasi mura lang daw, hindi lalagpas ng 50. Buwisit talaga.

***

BANDANG alas sais na noong kinita namin sila Oli sa SM Megamall (which is halfway ng magkabilang team). Marami-raming nagpapa-picture sa amin nila Dion especially ngayon na sobrang fresh pa noong nangyaring match against Battle Cry.

A lot of them are congratulating us at mayroon naman nagpapa-picture kasi may mga nagpapa-picture lang. Alam ninyo 'yon? Kahit hindi ka nila kilala ay magpapa-picture sila kasi may mga nagpapa-picture sa 'yo. Nag-meet kami nila Oli sa isang restaurant sa fourth floor at sa kainan na medyo tago.

Pagkapasok pa lang namin ay nakita na namin sina Kendrix, Gavin, Oli, at Renshi na nagkukuwentuhan sa isang long table. Halata pa sa mata ni Oli at Gavin ang pag-iyak dahil sa pamumugto nito pero hindi ko na lang pinansin lalo na't alam ko naman din ang dahilan.

"Tangina, bakit kasama ninyo 'yang walang talent na 'yan?" Tanong ni Oli noong makita na kasama namin sina Noah.

"Luh, galing talaga sa taong sa ganda ng boses puwedeng dancer." Ganti ni Noah at nag-apir silang dalawa. "Nice game, nice game."

"Nice G!" Kendrix said at nakipagkamay sa amin. I am glad that we still keep our healthy relationship with one another kahit nagkatapat kami sa isang importanteng laban. "Kung hindi dahil sa Holy Black Cape mo, Milan, sa amin 'yong larong 'yon, eh!"

"Actually kinabahan nga ako!" Kuwento ko. "Like, OMG muntik ninyo kaming maubos that time. Buti binanggit ni Oli 'yong skill na sasabihin niya, kaya nagkaroon ako ng idea."

"Awit, dapat pala hindi ko na binanggit." Oli said.

"Sino bobo?" Tanong ni Gavin sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw at ikaw lang." sagot ni Oli at nagbatukan pa silang dalawa.

We ordered food first. "Anong gusto mo?" Tanong ko kay Dion habang nakatingin kaming dalawa sa isang menu.

"I'll have Gomoku Ramen? Hati na lang tayo. Madami naman 'yan." sabi ni Dion sa akin at napatango ako.

"Sige I will order Wagyu na lang din with two rice. Hati na lang tayo since medyo busog pa ako. Sinulit ko ang panlilibre ni Oppa kanina." sabi ko kay Dion at napatango-tango siya sa akin.

"Kuwento nga ni Larkin, daig mo pa raw Kuya London mo kumain noong nasa fishball-an kayo." Natatawang sabi ni Dion.

"Chika niya! Siya nga 'tong ang daming kinain." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Alam ninyo, buti na lang talaga sanay na kaming lahat na bigla kayong nagkakaroon ng sarili ninyong mundo," sabi ni Oli kung kaya't natawa kaming lahat. "Kapag ako nagkajowa OP-hin ko rin kayo. Ibabalik ko sa inyo lahat ng ginawa ninyo sa akin."

"Paano pa ako?" Sabat ni Liu. "Umay na umay na ako sa dalawang 'yan. Natu-third wheel ako kahit 'di ko naman gusto."

Mga buwisit.

Kumain lang kami hanggang sa napunta ang usapan sa magiging plano namin this upcoming break.

"Mapapaaga ang break namin, next year na mga susunod naming match." sabi ni Kendrix. "Hindi kami nakapasok, eh."

"Sorry." Nasabi ko na lang bigla.

"Gagi okay lang, naiyak na namin kahapon lahat. No hard feelings." Natatawang sabi ni Kendrix habang kumakain ng in-order niyang sushi. "At isa pa, hindi naman mabubuwag ang Battle Cry, we had won a big competition this year at may tiwala pa rin naman daw ang mga sponsors sa amin. Laking tulong din no'n."

"Saka alam ninyo, Kumare, ito ang unang beses na natalo kami na wala akong pinagsisihan kahit natalo kami. Ibinigay naman kasi namin talaga lahat. Lahat ng bala, lahat ng tactics, inilatag na namin. Natalo man kami, masaya pa rin kami kasi alam namin na hindi namin nilaro-laro ang laban sa inyo." Paliwanag ni Oliveros. "Kayo, anong balak ninyo?"

"Interview," sagot ko kay Oli. "Tapos birthday ko. Hoy pumunta kayo, ha! Ie-expect ko ang mga mukha ninyo doon." Banta ko sa kanila at natawa sila.

"Oo naman, huling time din natin na makakasama si Renshi 'yon ngayong taon." Sagot ni Gavin at napatingin kami kay Renshi.

Dion's brows crunched. "Bakit?"

"Gavin said that like I am not gonna play anymore, parang gago." He slurped his ramen first. "Well, I will go back to Japan lang for two months. Nag-book na ako ng flight. You know, I want to spend my Christmas and New Year with my family. So see you next year na lang din." Awww mami-miss ko 'tong si Renshi.

"Japanese ka pala, akala ko kulang ka lqng sa nutrisyon kaya ka madilaw." Inosenteng sabi ni Noah.

"Alam mo, kung hindi ka kaibigan nila Milan, kahapon pa kita dinagukan." sabi ni Oli at nag-apir silang dalawa ni Noah habang tumatawa.

We just spend an another day na walang samaan ng loob. They good luck us para sa magiging laban namin sa season 4 and sana raw ay mag-champion kami.

Well, I am happy that they are okay at gusto kong makalaban ulit ang Battle Cry sa mas malaking stage. I know hindi siya mangyayari agad, but soon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top