Chapter 112: Victorious Moment
PAGKATANGGAL ko ng nerve gear ko ay malakas na sigawan ng mga kagrupo ko ang aking narinig sa buong boothcamp. Hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ang aking kamay at malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa nangyaring laban kanina.
Lumapit sa akin si Dion at tinulungan akong makatayo mula sa incline chair. "We won... right?" I asked for confirmation.
Dion smiled and ruffled my hair. "Nagawa natin. Nakuha natin ang isang spot para sa Season four tournament."
Mahigpit akong napayakap kay Dion. "Nagawa natin." May mga luha nang bumagsak mula sa aking mga mata. Dito lang tuluyang nag-sink in sa akin na natalo namin ang Battle Cry, we will advance to the actual part of the game.
Masaya ako dahil nagawa namin ni Dion ang matagal na naming mina-manifest. Nasa Battle Cry pa lamang kami ay pangarap na naming makapasok sa Season four tournament, Noong natanggal kami ay ganoon pa rin ang pangarap namin. Ngayon, we just made it. It took us a couple of months, natagalan man pero nagawa naming makapasok sa tournament na matagal na naming gusto.
"Best Captain." Dion said at mas mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.
"Best tank." I answered back at pinunasan ang luha sa aking mata. "Huwag kang chika diyan, hindi ko nakakalimutan 'yong pustahan nating samgyupsal. Ikaw ang na-eliminate sa ating dalawa."
"Awit naman, sakit sa bulsa." Parehas kaming natawa ni Dion.
Lumapit na rin ang iba naming kagrupo sa Battle Cry at gumawa kami ng isang malaking bilog, magkakahawak kami sa balikat at tumatalon papaikot. It's a victorious moment for us. Para kaming mga tanga na umiiyak habang tumatawa, but who cares? This is the fruit of our months training, sa dami nang mabibigat na nangyari, ito kami, hindi pa rin nawawala sa karera papunta sa tropeo na matagal na naming inaasam.
"Be bold!" I shouted.
We stomped our right foot together (puwera kay Noah na kaliwang paa ang ginamit, oh well). "Gold!"
Pumasok sina Sir Theo sa training room at binigyan kami ng mainit na yakap isa-isa. "Good job, team! Good job!" He shouted at kitang-kita sa mata nila ni Coach Russel ang saya para sa amin. "Magbihis kayo, tonight, kakain tayo sa buffet. We will celebrate this win."
Mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat.
"'Yong pitong lumaro, may interview kayo in 10 minutes about sa kung anong naramdaman ninyo sa laban. Tandaan ninyo, huwag kayong magmumura o magsasabi ng mga racist words, live 'yon." Paalala sa amin ni Sir Theo. "Especially you, Callie, bawasan mo ang pagiging mahangin mo. At ikaw Noah, huwag mong i-idolize si Callie sa kayabangan."
"Luh?" sabi ni Noah. "Coach, malakas lang talaga kami, hindi mayabang tawag doon. Ang tawag doon ay proud." Pinaganda at ipinaglaban niya pa talaga.
"Okay team, magbihis na kayo!" sigaw ko dahil baka kung saan pa mapunta ang kayabangan nilang dalawa. I can see Noah as the future Callie of the game, magaling pero saksakan ng hangin. "'Yong mga wala sa interview mamaya, magbihis na kayo para sa pag-alis. 'Yong may interview, make your self presentable in front of camera, okay?"
"Yes, Captain." They answered in unison.
Online session lang naman ang mangyayaring interview mamaya and thanks God for that dahil hindi na namin kailangan ng bonggang-bonggang ayos. Kinuha ko lang mula sa kuwarto ko ang pouch na naglalaman ng mga makeup ko.
Tinakpan ko lang ang ilang mga tigyawat ko (because of sleepless night dahil sa training) at naglagay ng liptint para hindi maputla sa camera ang labi ko, gamit din ang lipting ay naglagay din ako sa aking pisngi for the same reason. Hinayaan ko lang na bagsak ang maiksi kong buhok at pinalitan ko 'yong dami ko ng jersey ng Orient Crown.
Pagbaba ko muli ay nakita ko si Dion na nagbabasa ng mga tweets sa kaniyang phone. Dati ay ayaw niya pang magkaroon ng twitter kasi raw 'Toxic' pero tingnan ninyo ngayon? Nangunguna pa siya sa tsismis.
"Lagyan kita liptint." Sabi ko kay Dion pagkaupo ko sa couch.
Napatingin siya sa akin. "Ayoko. Interview lang naman 'yon." Mariing reklamo niya.
"Ngayon lang!" Pagpupumilit ko at kinuha ko ang liptint sa may pouch. "Tingnan mo 'yong lips mo, ang dry."
"'Yong last time na nilagyan mo ako niyan, nakatanggap ako ng comments na ang pula raw ng labi ko."
"Kaunti lang this time, promise," I raised my right hand. "I won, nabuhay ako hanggang huli." Paalala ko sa kaniya.
He sighed. "Kaunti lang." he forfeited kung kaya't akin iyong ginawa. After three minutes ay nagsimula na ang interview sa amin. Nasa sala lang kami na may backdrop na logo ng Orient Crown at Hunter Online. Ang tagal ko nang ginagawa ang mga interview na ito but still kinakabahan pa rin ako tuwing nasa harap ng camera.
Hanz in the one who will conduct the interview at siya rin ang magtatanong mula sa amin mula sa mga press. "First of all, I want to congratulate Orient Crown, the Royals of Hunter Online for winning against Battle Cry. Honestly, that was an intensed fight na parang nanonood na ako ng isang match ng isang semifinals sa Season four tournament. Both teams did a great job, you gave us a good fight na nag-trend ang laban ninyo sa Twitter at buong gaming community."
"Thank you, Hanz," I answered while smiling.
"Now my question is how do you guys feel right now ngayong tapos na kayo sa qualifiers phase ng tournament. Nabunutan ba kayo ng mga tinik? Especially now, guaranteed na ang spot ninyo sa season four tournament na gaganapin next month." Hanz said at nagkatinginan pa kaming pito kung sino ang sasagot.
I decided to answer the first question, wala akong tiwala sa bibig ni Noah at Callie habang wala naman silang makukuhang sagot mula kay Genesis.
"Sa totoo lang Hanz, up until now ay hindi pa rin kami makapaniwala na nagawa naming manalo sa Battle Cry. Ang daming bumps na nangyari sa amin this qualifiers, parang alam din naman ng mga viewers iyon. Kagaya nang sinabi mo, nabunutan kami ng tinik sa dibdib dahil nagbunga 'yong ilang buwang training namin at marami pang dapat abangan ang viewers sa Orient Crown sa mismong part ng tournament and I hope everyone will look forward to that." Sa totoo lang ay wala pa kaming nabubuong plano for season four tournament, chika ko lang 'yon para hindi maputol ang hype ng mga tao.
"Mukhang kaabang-abang nga ang mga susunod na mangyayari. Now this question is for Dion, parte ka ng Battle Cry for two years. Doon ka naming unang nakita na lumaro, how does it feel na manalo ka against them? Anong nararamdaman mo ngayon?"
Dion looked at me first before grabbing the mic, I nodded to him na parang sinasabi ko na kaya niyang sagutin ang tanong. "Uhm... paano ba... Of course I will be forever grateful sa Battle Cry, kanila Sir Greg at sa mga ka-team ko doon," Panimula ni Dion at napatango-tango ako.
"They are the one who opened the door for me sa Professional League at marami sa mga bagay na alam ko ngayon ay nakuha ko pa sa Battle Cry. That match was tough for me dahil gusto ko rin naman makapasok ang Battle Cry sa season 4 tournament pero ayoko rin naman biguin ang Orient Crown. They are my new team now, they also invest to each one of us kung kaya't ang unfair sa management kung hindi ko ibibigay 'yong 100% ko dahil lang dati kong ka-team ang Battle Cry."
"How do you feel lang ang tanong, dami mong sinabi." Natatawang putol ni Callie kung kaya't natawa kaming lahat.
"Ayon," Dion chuckled. "It was a bittersweet match honestly. I am happy but at the same time sad for my friends."
"I am pretty sure our viewers understand what you feel right now. Now this is for Noah na sinasabing isa sa mga monster rookies ngayong season. Kumusta ang experience mo sa unang match mo for the season four tournament? Did Orient Crown unleash your full potential para makasama ka lagi sa lineup sa mga malalaking match?" Hanz is handling the interview very well. Kaya nga sa mga game commentator ay siya talaga ang ang paborito kong nag-i-interview, eh.
Hindi alam ni Noah kung paano sasagutin ang tanong. "Huwag kang magmumura." Paalala ko sa kaniya na malayo sa mic. This is his first time sa ganitong klaseng interview kung kaya't naiintindihan ko kung bakit kinakabahan ngayon si Noah.
"Uhm... ano po..."
"Go, 'wag kang kabahan." Pagpapalakas ko ng loob niya.
"Basta po... ano... thankful ako kanila Sir Theo." Ibinaba na niya agad ang mic at napatago sa likod ni Elvis. "Nahihiya ako." Natawa kaming lahat.
Sumulpot si Sir Theo mula sa likod. "Noah is still a kid though and we are polishing his game at alam kong marami pa siyang maipapakita sa mga susunod na laban. At agree ako sa sinabi mong isa sa monster rookie si Noah ngayong season, this kid is gonna be big in Hunter Online world." Napapalakpak kami sa sagot ni Sir Theo at nahihiya pa rin si Noah. Mayabang siya kapag kami-kami lang pero kapag may ibang taong involve ay nahihiya din talaga siya.
"We can see it, Sir Theo, we can see it." Natatawang sabi ni Hanz. "This is for Caliber; how does it feel na may tiyansa ka ulit na maiuwi ang tropeo with different team now? I mean, you already won the tournament, anong goal mo this time. Gusto mo bang maging back-to-back champion or you want to gain more attention so that you can be able to play internationally?"
"For the record, an international team already approached me and I declined the offer so I don't need to make noise anymore," Napairap ako sa ere dahil hindi ko talaga mapipigilan ang bibig nito pagdating sa kayabangan. "At kung tatanungin mo ako kung ano ang goal ko? Gusto kong ipa-experience sa mga ka-team ko ang championship. I want them to experience to raise the trophy in front of thousand audience. Gusto kong maranasan nila ang naranasan ko noong first time kong manalo sa HO Tournament, iyon lang ang goal ko sa ngayon."
"Pero hindi ka pa rin bumibitaw sa pangarap mong lumaro internationally, tama ba?" tanong ulit ni Hanz.
"You will see me in a bigger stage outside the country kapag alam ko sa sarili kong handa na ako. Pero ngayon, I want to stay in Orient Crown dahil marami pa akong bagay na natututunan kanila Sir Theo." Paliwanag ni Callie at nakahinga ako ng maluwag dahil matino naman ang naging sagot niya sa tanong ni Hanz. "Puwedeng bumati? Shoutout nga pala kay Lexie Aisha Arellano! Kung nanonood ka ngayon, may chat ako, tatlo. Mag-reply ka."
The interview continued and it was a chill Q and A lang naman. They just asked us kung ano ang expectation namin at kung sino 'yong mga team na gusto naming makalaban. Hanz congratulated us once again for winning before the session ended.
Matapos ang live ay nakahinga na ako ng maluwag dahil nakakaubos ng social battery ang ganoong klaseng public events. Mula sa social media accounts ko ay talagang bombarded ang message box ko ng mga mensahe mula sa iba't ibang mga tao. Mula sa mga kapatid ko, friends ko, classmates ko, at siyempre sa mga fans.
Bago kami umalis ay tinanong na naman ni Dion ang checklist niya. "Dala mo 'yong powerbank mo? Cellphone? Wallet? Wala ka nang naiwan?" he asked.
I checked my bag at lahat naman ay nandoon. Naglakad na kami papunta sa bus ng Orient Crown para sa magaganap na victory party.
"Sa tingin mo, deserved ko ng bagong action figure?" he asked while he is scrolling on Shopee sa kung ano ang magandang bilihin.
"There's nothing wrong with treating yourself naman. Hindi naman din biro ang pagkapasok natin sa Season four tournament. Deserved mo 'yan." Paalala ko sa kaniya, umupo kaming dalawa sa dalawang bakanteng seats at hinintay ang iba naming kasamahan.
God, napakabagal talaga nila Larkin at Liu kahit kailan. Sinabi ko na kanina na gumayak sila before the interview pero ang mokong ay mas piniling maglaro ng Tekken sa game room kung kaya't sila ang last na gumagayak ngayon.
"By the way, nice game kanina. Ang talino ng biglaang plano mo. I am proud of you." Dion praised me while ruffling my hair.
"Hindi mo pa rin maaalis 'yong fact na manlilibre ka ng Samgyup, 'wag mo akong daanin sa bola mo." Parehas kaming natawa. "Pero nice game sa ating lahat, naramdaman ko kanina habang nasa match tayo ay sobrang well-coordinated nating lahat. Walang nag-asim."
Walang naging gahaman sa kill noong nasa match kami which is a huge factor kung bakit kami nanalo. Walang nagkumpetensiya ng paramihan ng kill, talagang sumusunod lahat sa mga planong sinasabi namin.
"Sa wakas, makakapagbakasyon na rin." Nag-unat si Dion at maging ako ay napangiti. Isang buwan ang pahinga namin bago magsimula ang Season four tournament. Pero siguro ay mga interview na tatagal lang naman ng isang linggo bago kami tuluyang makapagpahinga. God, I miss going to school regularly at makipag-chikahan sa mga friends ko.
Naputol ang usapan namin noong nagtutulakan sila Larkin at Liu sa may pinto ng bus at nag-uunahan sa window seat sa may dulong bahagi ng bus. "Aya-aya pa kasi ng Tekken amputa, nahuli tuloy tayo." Reklamo ni Larkin.
"Inaya kita, pero sinong gunggong ang nagsabi na last game na tuwing natatalo siya? Butaw neto." Ganti ni Liu at talagang naghahatakan silang dalawa para lang huwag mauna ang isa sa upuan.
"Ha? Hatdog ka."Biro ni Larkin.
"Ha? Hanapin mo pake ko sa 'yo." Ganti naman ni Liu.
Ang ending ay umusog si Genesis sa Window seat at walang nakaupo sa kanilang dalawa dito. Balewala ang pag-aaway nilang dalawa.
"Epal nitong boy pipe na 'to. Sunduin ka ulit sana ng nanay mo." Reklamo ni Larkin.
Hindi siya pinansin ni Genesis bagkus ay nagsuot lang ito ng airpods para hindi marinig ang ingay na ginagawa ni Larkin.
Umandar na ang bus at naghanap na kami nang makakainan. Hindi maipagkakaila 'yong saya na nararamdaman ng bawat isa sa amin dahil sa pagkapanalo namin. Napatingin ako kay Dion and he wiggled his brows and chuckled.
Alam kong matutupad namin ni Dion ang pangarap naming dalawa, ang makatayo sa harap ng libo-libong tao habang hawak ang tropeo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top