Chapter 111: Royals Against Wolves II
Twitter: #HunterOnline
[Orient Crown] ShadowChaser was eliminated by [Battle Cry] LutherKing!
"FOCUS lang, Knightmare (Noah)." Seryoso kong sabi kaniya habang tumatakbo papalayo sa magubat na bahagi ng mapa. We need to find a safe place na mapagtataguan namin para makapag-heal kaming dalawa.
Juancho did a great job para makapag-buytime sa amin. He sacrificed himself para lang hindi kami mas ma-gank ng Battle Cry. Ito ang unang beses na kinabahan ako ng ganito sa isang match. This is very crucial para sa amin at kanila Oli. Our teams are one step away to enter in Season four tournament. Lahat ay ibinibigay nila ang best nila para makuha namin ang nag-iisang spot.
Nakarating kami ni Knightmare sa urban area ng mapa. Nagtataasang sira-sirang building ang nakapaligid sa amin ngayon, in this place, malaki ang lugar kung kaya't makahahanap kami ng taguan na mahihirapan mahanap ng mga kalaban.
Napatigil kaming dalawa ni Knightmare sa pagtakbo noong makarinig kami ng malakas na pagsabog na ilang kilometro lang ang layo sa amin. May clash na nagaganap doon at paniguradong nandoon sina Dion. "Puntahan ba nila natin sila, Captain?" tanong ni Knightmare sa akin.
"We will go to the opposite direction." seryoso kong sabi sa kaniya at pumasok kami sa makipot na daan papalayo kung saan nangyayari ang clash. "Malaki ang bawas sa health bar natin, paniguradong mabilis lang tayong mapipitas at maga-gank kapag doon tayo pumunta." Wika ko sa kaniya.
"Hindi ba mapaphamak sila Vegas doon?"
"They will chat us if they need backup." sabi ko sa kaniya.
Nakasunod sa amin ang ilang miyembro ng Battle Cry at pakiramdam ko ay sa tingin nila ay doon kami didiretso kanila Callie. At kapag nangyari iyon... maga-gank kami at maiipit sa clash, iyon ang magiging dahilan ng pagkatalo namin.
Kagaya nga nang lagi sa aming sinasabi ni Coach, we should always think outside the box, huwag kaming gumawa ng mga plano na sobrang generic dahil paniguradong maiisip iyon ng kalaban. Especially ngayon, Battle Cry ang kalaban namin, kahit papaano ay basa namin ang kilos ng bawat isa.
[Orient Crown] Shinobi: May mga members ng Battle Cry na papunta diyan sa direksiyon ninyo, Rufus, Vegas, Esquire. Umalis na kayo diyan.
[Orient Crown] Rufus: Noted, Captain.
Noong nakalayo na kami ay binasag ko ang bintana ng isang kuwarto sa isang building at pumasok kami sa loob noon. Saglit kaming nagpahinga ni Knightmare sa loob, may mga health regen ang mga armor namin kung kaya't unti-unting nadadagdagan ang aming buhay sa health bar at nawawala ang mga sugat sa aming katawan.
"Iba pala talaga kapag mga kaibigan natin ang kalaban natin ngayon, 'no, Captain?" Nag-indian sit sa harap ko si Knightmare at ipinatong sa lamesa ang kaniyang scythe. "Gusto ko silang manalo pero ayoko ring matalo. Sana ay mayroong tie result dito sa Hunter Online para parehas tayong umabanse sa Season four tournament."
Saglit akong nag-unat at hinawakan muli ang Wakizashi sword ko. "Unluckily, hindi uso ang ganoong patakaran sa Hunter Online. Kagaya ng ibang laro, may natatalo at may nananalo. Since may kontrata tayo sa Orient Crown at binigyan nila tayo ng tiyansa na lumaro sa Professional League... we should all do our best."
[Orient Crown] Skorpion: Low health ako, Azuran is following me para ma-eliminate ako sa laro.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Knightmare at naghanda na sa pag-alis sa aming pinagtataguan. Sapat na rin ang naging pahinga namin para makasali sa mga clash. I just really hope na natakasan nila Rufus ang binabalak na gank ng Battle Cry.
[Orient Crown] Knightmare: Backup, bespren?
[Orient Crown] Skorpion: Nope. I will lure him kung nasaan kayo ngayon. Sabihin ninyo 'yong exact location ninyo then maghanda na kayo ng ambush.
[Orient Crown] Shinobi: Noted.
Mabilis kaming kumilos na dalawa para hindi masayang ang free kill na ibinibigay sa amin ni Skorpion. Hindi nagbibiro si Genesis noong sinabi niya na magiging aggressive ang laro niya sa labang ito.
Low health na siya pero imbes na tumakbo para iligtas ang sarili niya ay gumagawa talaga siya ng mga risky na laro para makuha namin ang labang ito.
"Pumosisyon ka sa ground floor nitong building na ito. Dito natin a-ambush-in si Azuran." Tumango si Knightmare sa sinabi ko. "Aakyat ako sa taas para masiguradong walang kalaban na mae-encounter si Skorpion papunta rito."
Gamit ang sira-sirang hagdan nitong building na ito ay umakyat ako sa tuktok nitong building. Tumambad sa akin ang kulay kahel na kulay ng kalangitan at mga usok sa iba't ibang parte ng mapa dahil sa mga clash na nagaganap.
Nakadapa ako habang nakadungaw sa ibaba upang hindi ako makita ng mga kalaban.
[Orient Crown] Shinobi: Nasa left side kami ng mapa malapit sa gubat na pinanggalingan namin.
Tiningnan ko ang buong paligid dahil baka mag landmark na maaaring ibigay ko kay Skorpion para madali niyang mahanap ang lugar.
[Orient Crown] Shinobi: Malapit kami sa isang boutique ng mga dami. May makaparadang pulqng kotse sa tapat ng building. Pumasok ka sa loob and nandoon sa loob si Knightmare para sa biglaang pag-atake kay Azuran.
[Orient Crown] Knightmare: Magtiwala ka sa akin, bestfriend hehe.
[Orient Crown] Skorpion: Copy.
I need to make sure na magiging epektibo ang ambush na ito this time. It will be a lot easier for us lalo na't walang ibang kasama si Azuran na pumoprotekta sa kaniya.
Siguradong nanghihinayang din si Azuran kung hindi niya mapapatay si Skorpion (he is our shotcaller and one of our asset) lalo na't maliit na lang ang buhay sa health bar nito. Kinakabahan at nanlalamig ang kamay ko sa mga nangyayari. We are doing a lot of risky play sa labang ito.
Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na mula sa gubat si Skorpion na mabilis na tumatakbo. Nasa likod niya si Azuran na inaatake siya mg fireball na mabilis niyang iniiwasan. Hanga din talaga ako sa focus na ginagawa ni Skorpion sa laro.
[Orient Crown] Shinobi: Already saw you. Pumunta ka sa left side. May makikita kang kalsada. Pangatlong eskinita pumasok ka.
Tutok na tutok ang mata ko sa buong paligid upang mabantayan si Skorpion. I am making sure na wala siyang makakasagupa na kahit sino sa Battle Cry. Sigurado rin naman ako na nagsabi na si Azuran sa mga ka-team niya na hinahabol niya si Skorpion, panoguradong may magba-backup sa kaniya.
Noong makita ko na may tumatakbo na isang miyembro ng Battle Cry ay agad ko itong sinabi kay Skorpion.
[Orient Crown] Shinobi: Battle Cry member three o clock, 700 meters away from you.
[Battle Cry] Rufus: Ako na ang bahala doon. Buy time ako.
[Orient Crown] Shinobi: Paano sila Vegas?
[Orient Crown] Rufus: They are hiding. Naghi-heal dahil nahirapan kami makaalis sa gank na naganap kanina.
[Orient Crown] Knightmare: I am on my position, Captain. Ready na rin lahat ng skill ko.
Napatigil ako noong makita kong tinamaan ng fireball si Skorpion, lumikha ito nang pagsabog at tumama ang kaniyang likod sa kotseng nakaparke mula sa kaniyang tinatakbuhan. I hold my wakizashi sword tightly. Sana ay hindi naubos ang buhay ni Skorpion.
[Orient Crown] Shinobi: Skorpion, okay ka lang?
Wala akong tugon na nakuha mula sa kaniya. Makapal na usok ang bumalot sa isang isang bahagi ng mapa. Kinakabahan ako sa nangyayari pero hangga't walang announcement na na-eliminate si Skorpion sa laro ay mananalig akong buhay pa siya.
Lumiliit ang distansiya sa kanila ni Azuran. Malamig ang pawis na lumalabas mula sa aking noo. I know that this is a risky move from him pero we can't lose him this time.
Mula sa makapal na usok ay nakita kong tumatakbo si Skorpion papalabas dito. Sobrang baba na lang ng health niya na kapag tinamaan pa siya ng isa pang fireball ay paniguradong mae-eliminate siya sa game.
He really don't mind na mababa na ang kaniyang health bar. He is really sticking with the plan. Skorpion is giving us an opportunity to free-kill Azuran at hindi namin dapat sayangin ito. Lumiko na si Skorpion sa isang kanto at hudyat na iyon na malapit na siya rito. He is more focus on the game especially on his condition right now.
[Orient Crown] Shinobi: Knightmare, prepare your skill skorpion will arrive the area in 30 seconds.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus, hold mo lang 'yong kalaban for a couple of seconds pa. Pigilan mo lang silang makapunta dito. As soon as we eliminate Azuran ay puwede ka nang tumakas.
The good thing is they are following my orders and still trust my verdict. This is when I know na nasa ritmo ang laro namin, we are well coordinated, hindi kami gumagawa ng mga moves na ikapapahamak ng grupo.
[Orient Crown] Shinobi: Kaunting takbo na lang Skorpion, kapit pa. Pagkaliko mo sa kantong iyan, ikalawang building sa left side, pumasok ka, nandoon si Knoghtmare sa loob.
[Orient Crown] Skorpion: Will be there in 10 seconds. Hindi ka puwedeng magkamali dito, Knightmare.
Pinagmamasdan ko sila sa ibaba. Kita ko na rin ang pagod sa mukha ni Skorpion but he still stick with the plan. Pumasok siya sa loob ng building at hudyat ko na rin ito para bumaba.
Dash.
Nagmamadali akong bumaba sa ground floor at isang malakas na pagyanig ang aking naramdaman mula sa ibaba. Sana ay nagawa iyon ng maayos ni Knightmare. Pagkarating ko ay nakita kong nakatama ang likod ni Azuran sa pader. Knightmare is holding his scythe habang nakangising nakatingin kay Azuran.
"Ako na 'to." Dire-diretso akong tumakbo papalapit kay Azuran. Knightmare stepped back and I immediately used my skill para masiguradong hindi siya maka-recover sa sunod-sunod na pag-atake namin.
Rage Cutter.
Sunod-sunod na pag-atake ang ginawa ko at napangisi ako noong makita kong malaki ang naging bawas noon sa health bar ni Azuran. He is about to cast a magic spell pero mabilis siyang inatake ni Skorpion.
"Nice game." Skorpion said at hiniwa ang tagiliran ni Azuran. Unti-unting naglaho sa laban si Azuran.
[Battle Cry] Azuran was eliminated by [Orient Crown] Skorpion!
Isang announcement ang umalingawngaw sa buong paligid. Humihingal kaming napangiti at napaupo sa sahig si Skorpion habang hinihilot ang kaniyang sentido. "Nice game, Skorpion." Pagpuri ko sa kaniya.
It's a very risky move from him but he managed to execute it very well. "Let me rest para makapag-regen ang health bar ko. Backup-an na ninyo sila Rufus."
"Find a better place to rest. Paniguradong pupunta rito ang Battle Cry." Paalala ko sa kaniya.
Skorpion nodded. "Sunod ako sa inyo, I need to still roam around para makapagbigay ng vision."
Naglakad na kami papalabas ni Knightmare at nagmamadaling tumakbo. Kung magtutuloy-tuloy ang ritmo ng laro namin ay makakagawa kami ng mga epektibong plano. Hindi ko alam kung gaano na katagal ang match na ito pero habang tumatagal ay mas lumalakas ang eagerness ko na manalo.
Gusto kong dalahin ang Orient Crown sa season four tourname– scratch that. I want us to win this season. Gusto kong i-prove na kahit bagong team lang kami ay kaya namin.
[Orient Crown] Rufus: Need backup, dalawa na 'yong kalaban ko dito. Paubos na rin mana ko.
"Maghiwalay tayo pagliko natin sa isang kanto. Hanapin mo ang location nila Esquire habang ba-backup-an ko si Rufus. Protect Esquire, siya ang support natin, malaki ang maitutulong niya sa mga team fights kaya hindi siya dapat ma-eliminate." Sinabi ko kay Knightmare.
"Yes, Captain." He followed my order at pagkaliko namin ay nagmamadali kaming tumakbong dalawa.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus, location?
May naririnig akong pagyanig at pagsabog sa isang bahagi ng mapa pero gusto kong masigurado na si Rufus nga ang pupuntahan ko.
[Orient Crown] Rufus: Malapit sa may fountain area sa plaza Anonymouse and IronSide are both here.
Binunot ko mula sa sisidlan ang Wakizashi sword ko. I run as fast as I can para mabilis na ma-backup-an si Rufus. Noong makarating ako sa mismong area ay panandalian akong nagtago sa likod ng isang barrel para i-assest ang mga nangyayari.
Dion just using his shield to blocked Anonymouse attacks. Napakabilis nang ginagawang pag-atake ni Oli to the point na hindi makabuwelo si Dion para makagawa ng offensive attack. At ang isa pa, nakabantay din si IronSide para maprotektahan si Anonymouse
Anonymouse class is Bounty Hunter, sunod-sunod na pagputok ng baril ang kya niyang gawin at sabihin man natin na nagagawa ni Dion na masangga ang mga atake ni Anonymouse ngunit may mga bala pa ring dumadaplis sa kaniya. Dion have a high defense and long health bar pero kung maiipit siya sa ginagawang pag-atake ni Anonymouse ay hindi malayong ma-eliminate siya sa laro.
I just need an open chance para magawa kong maatake si Anonymouse.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus, mag-switch ka sa fighter mode.
Dion is our fighter/tank pero ginagawa namin siyang full tank kapag tournament dahil kailangan mag-focus ni Dion sa isang trabaho lang. But this time, ito lang ang naiisip kong plano para makaalis siya sa sitwasyon niya ngayon.
Walang kakayahan na mag-message si Dion ngayon.
[Orient Crown] Shinobi: I know magdi-deplete ang defense mo kapag nag-switch ka into fighter mode. Pero subukan mong atakihin si Anonymouse using you fighter skills. I am pretty sure that IronSide will block your attack and it will be an open opportunity for me para maatake si Anonymouse.
Rufus immediately followed my instruction, pinaghiwalay niya ang malaki niyang shield at naging dual sword. He immediately run towards Anonymouse direction and when he is about slash him– mabilis na humarang si IronSide (just like what I expected.
Tumalon papaatras si Anonymouse at habang busy si IronSide sa pagsangga sa atake ni Rufus ay ginamit ko iyong opportunity para pumasok sa laban.
Dash.
Mahigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko at tumakbo sa direksiyon ni Anonymouse, mukhang nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko, he didn't have a chance to shoot using his gun. "Hello, Oli," I smirked and used skill to him.
Blade Slash.
I enhanced my Wakizashi sword with ghastly energy (to increased damage), I striked my blade upward at nagawa kong masugatan si Anonymouse, it deals a huge damage in his health bar. Humihingal akong napatingin kay Rufus. Mabilis na kumalas sa pagsangga si IronSide at hinarangan si Anonymouse na ngayo'y nakahiga sa sahig.
Protektado na siya ni IronSide, it will be hard for me to do it again. Lumapit ako kay Rufus na ngayo'y nanghihina dahil sa laki ng hp na nabawas sa kaniya at ubos na rin ang mana niya kung kaya't nahihirapan siyang mag-cast ng mga skill.
"Thanks for the backup." Rufus said while breathing heavily
Alerto ako sa buong paligid lalo na't baka may maganap na mga biglaang pag-atake. "Ito na ang chance mo na gumamit ng potion. Protektahan kita." sabi ko kay Dion.
Mabagal na tumayo si Anonymouse. "Nawala sa isip ko na you always got each other's back nga pala, kumare." sabi niya habang nakangiti.
I love how each one of us don't hold grudge against each other when it come to this match. I mean, we are all friends outside the game pero hindi maipagkakaila na nasa game mode ang lahat. Pare-parehas namin gusto makuha ang isang slot na
"Long time no see sa game, Oli," sabi ko naman sa kaniya pabalik.
"Wala munang kaibi-kaibigan, Kumare. Crucial match para sa amin ito." Paliwanag ni Anonymouse at uminom ng potion.
"We will not be an easy opponent." Sagot ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Rufus na nasa aking likod at kahit papaano ay naghilom ang ilan sa mga sugat niya dahil sa pag-inom ng potion. "Ilang minutes cooldown bago k makapag-switch into tank mode ulit?" I asked him.
"Five minutes." He answered. That's pretty long time, madaming puwedeng mangyari sa five minutes. Kapag hindi naka-tank mode si Rufus ay malaki ang nababawas sa defense niya pero nae-enhance naman ang mga offense attack niya.
Nabigla ako noong nawala na si Anonymouse sa likod ni IronSide, mahigpit ang hawak niya sa kaniyang baril at sunod-sunod na bala ang kaniyang pinakawalan. He's really aiming me dahil alam niyang hindi ganoon kataas ang defense naming mga assassin.
I immediately ran para maiwasan ang mga bala at habang tumatakbo ako ay umuusad ako papalapit sa direksyon ni Anonymouse. Alam ko na agad na tatangkain ni IronSide na harangan ang gagawin kong atake. And from that? It will be an opportunity for Rufus na mabilis niya naman din naintindihan. He ran towards Anonymouse direction pero mas nagulat kami noong may mga kunai na humarang sa kaniyang dadaanan.
Parehas kaming napatingin ni Rufus kung saan galing iyon. Ted_Bundy (Kendrix) is standing on the roof sa isa sa mga bahay dito. "Am I late for this mini reunion?" he asked at tumalon siya pababa.
Tumalon ako papalapit kay Rufus. This is a bad situation 3v2 ang nangyayari ngayon. Core, Tank, and Assassin mula sa Battle Cry ang nandito ngayon. I just really hope na sana ay dumating na sila Vegas dito.
"Should we run?" tanong sa akin ni Rufus.
Napansin ko agad na pumaikot sa amin ang tatlongn miyembro ng Battle Cry. Wala na silang plano na pakawalan lalo na't alam nilang pagkakataon na nila ito para ma-eliminate kaming dalawa ni Rufus. "We will fight." I answered him.
He chuckled. "So it's me and you again?"
Napailing ako at napangiti. "Perfect timing ito para patunayan pa rin sa mga Hunter Online fans na best duo pa rin tayo."
"Ang unang mamatay, manlilibre ng samgyup." Pusta niya.
"Ready mo na ang wallet mo."
[Orient Crown] Shinobi: Backup ASAP.
Nakarinig kami ng putok ng baril, Anonymouse started his moves, mabilis akong yumuko para maiwasan ito. Sumugod na papalapit sa amin sina Ted_Bundy, using his sword, he tried to attack me na mabilis naman sinangga ni Rufus. "Sa likod mo!" Sigaw ni Rufus sa akin kung kaya't mabilis akong gumulong sa sahig.
Napakabilis nang pangyayari. I am trying to avoid their attack (same as Dion) pero may mga bala na pinapakawalan si Anonymouse na hindi namin nagagawang maiwasan.
"Rufus, yuko!" Sikaw ko sa kaniya, he immediately followed my order. Ginamit ko ang balikat ni Dion upang makatalon ng mataas at habang nasa gitna ako ng ere ay nag-cast ako ng spell.
Launcher.
Kumislap ang wakizashi sword ko at mabilis akong bumababa para magawa kong mahiwa si Ted_Bundy. He managed to avoid my attack pero hindi niya naiwasan ang mga debris ng bato mula sa lupa. It inflicts a damage in his health bar. Makapal na alikabok ang bumalot sa paligid.
Pare-parehas kaming humihingal. I can still fight pero 'yong mana ko ay nauubos na, It will be hard for me to perform another skill.
[Orient Crown] Knightmare was eliminated by [Battle Cry] Lutherking!
[Battle Cry] Lutherking was eliminated by [Orient Crown] Vegas!
[Battle Cry] Scythe was eliminated by [Orient Crown] Vegas!
[Orient Crown] Vegas: Easy. Million, kaunting hold na lang, papunta na kaming dalawa ni Esquire diyan.
Hindi ko magawang masagot si Vegas dahil walang balak ang tatlong ito na pakawalan kaming dalawa ni Rufus.
Silang tatlo na lamang ang natitira sa laban kung kaya't alam kong susubukan nilang i-eliminate kaming dalawa ni Rufus bago pa man makapuna rito ang backup namin.
"Five seconds before I can switch in Tank mode again." Rufus reminded me.
Iniwasan ko ang bawat atake na ginagawa ni Ted_Bundy sa akin. I kicked his stomach dahilan para mapaatras siya.
I stepped forward and grabbed his collar at malakas na ibinagsak sa lupa. Hindi pa man ako nakakatayo muli noong makaramdam ako dalawang bala na bumaon sa aking likuran. Sa bilis ng mga nangyyri ay hindi ko na nakikita ang lahat ng mga atakeng paparating sa akin, dala na rin ng pagod dahil ito na rin ang isa sa pinakamatagal na match na na-experience ko.
"Switch!" malakas na sigaw ni Rufus at pinagdikit ang dalawa niyang espada upang maging isang malaking shield. He blocked those attacks na para rin sa akin.
I take this opportunity to breathe. I just need a few seconds rest para lang maibsan ang pagod na nararamdaman ko. Sira-sira na ang buong bahay na nakapaligid sa amin. In both teams, walang gustong sumuko.
Akmang aatakihin ako ni Ted_Bundy ngunit may balang tumama sa kaniyang kaliwang balikat. Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng ingay.
Vegas is walking towasrds our direction while playin his gun between his finger. Nakasunod sa kaniya sina Esquire at Skorpion. "Patay ka na dapat doon. Sinadya kong patamain lang sa braso mo para naman hindi maputol ang saya."
Mabilis kaming lumapit ni Rufus kay Esquire. He heal us immediately. It's three against five at malaki ang lamang namin sa labang ito. Ayokong makampante na kami na ang mananalo. Maraming puwede pang mangyari. Knowing Kendrix, may mga plano pa siyang paniguradong hindi nailalabas.
Nasa magkabilang dulo kami ng Battle Cry. Anonymouse waved his hand noong makita niya si Skorpion. "Boy pipe, long time no see!" He shouted so we can hear him.
"Anong plano natin?" tanong ni Rufus.
Tumingin ako kay Vegas. "Why are you looking at me?" His brows crunched. "I know that I am season three champion pero ikaw ang captain dito. Tinatamad ako mag-isip."
"We can attack all together," suhestiyon ni Skorpion sa amin. "We should maximize our advantage na mas marami tayo kaysa sa kanila."
I agreed on what Skorpion said. "Rufus, huwag ka lalayo masyado kay Vegas. Esquire, hangga't maaari ay sa likod ka naming lahat. Ikaw ang pinaka-squishy sa ating natitira. Kaming dalawa ni Skorpion ang mauuna, we can confuse them using our agility."
"Yes, Captain!" They answered all together.
Naglakad na kaming lima patungo sa direksyon nila Anonymouse. Ang mga lakad na iyon ay unti-unting naging takbo.
Mabilis na nagpapakawala ng mga bala si Anonymouse at mabilis niya ring naikakasq ang kaniyang baril. He is making sure na nababawasan niya kaming lahat.
Tumatakbo tungo sa direksyon namin si IronSide at nasa likod niya si Ted_Bundy. They will also do all offense this time.
Sa labanan na nagaganap ngayon, malalaman na namin kung sino ang makakapasok sa season four tournament.
[Orient Crown] Shinobi: Atakihin natin ang binti ni IronSide para mahirapan siyang makakilos.
[Orient Crown] Skorpion: Noted.
Mabilis kaming tumakbo ni Skorpion sa magkabilang direksyon at nagsalubong sa tapat ni IronSide. Ted_Bundy throw a kunai on my direkction ngunit mabilis akong nagpadausdos sa sahig.
"Vegas!" sigaw ko.
Mabilis na nagpakawala ng tatlong putok ng baril si Vegas. Noong malapit na ang tatlong bala na iyon kay IronSide, Vegas snapped his finger while smirking at sumabog ang tatlong bala na iyon.
IronSide used his shield to protect himself at nagbukas iyon ng opportunity sa aming dalawa ni Skorpion.
We aimed for his legs nagawa kong mahiwa ang kaliwang binti ngunit si Skorpion ay napigilan ni Ted_Bundy. Inunahan niya si Skorpion , he slashed Skorpion's stomache at napagulong sa maalikabok na lupa si Skorpion.
"Anonymouse!" Ted_Bundy shouted.
Nagpakawala ng isang makinang na bala si Anonymouse at noong nasa tapat na ito ni Skorpion ay nagkaroon ng itim bilog sa kalangitan at mula doon ay sunod-sunod na bala ang bumagsak kay Skorpion. Mabilis na naubos ang buhay ni Skorpion. Kahit si Esquire ay hindi rin nakapag-cast ng spell sa bilis ng pangyayari.
[Orient Crown] Skorpion was eliminated by [Battle Cry] Anonymouse!
Napaluhod si IronSide dahil sa hiwa na nagawa ko sa kaniyang binti.
"Huwag ninyong sirain ang momentum!" malakas kong sigaw at bumaling ang tingin ko sa harap ko na saktong tumalon si Ted_Bundy para hiwain ako. Using my wakizashi sword, I blocked his attack.
"Captain lapit dito para sa heal!" Esquire shouted.
Kakaibang adrenaline rush ang nararamdaman ko ngayon. Sunod-sunod ang mga pag-atakeng nagaganap. Kusa nang gumagalaw ang katawan at nag-iisip ang utak ko. Ito ang unang match na ganito ka-intense ang nangyayari sa tagal kong lumalaban sa mga tournament. This kind of Battle, tanging ang Battle Cry pa lang ang nakakapagpa-experience sa akin.
Sinipa ko ang tiyan ni Ted_Bundy at tumalon papalapit kay Esquire. Gamit ang shield ni Rufus ay binangga niya si IronSide dahilan para mapaupo ito at mabitawan ang shield nito. "Vegas!" I shouted.
"Noted, Captain." He closed his left eye and aim for IronSide forehead. Esquire boost his physical attack at pinataas ang critical chance ni Vegas.
Nakaalalay ako kung sakaling hindi pa mae-eliminate si IronSide at nakahanda ang skill ko. Napansin kong tumakbo si Anonymouse sa kabilang gilid pounta sa aming likod.
Ipinutok na ni Vegas ang baril at rumagasa ang bala tungo sa direksyon ni IronSide.
"IronSide!" sumigaw si Ted_Bundy.
Lumiwanag ang sahig kung saan nakatukod ang kamay ni IronSide. Umangat ang ilang bahagi ng lupa at kumapit sa paa namin papaakyat sa bunti dahilan para hindi kami makagalaw sa aming kinatatayuan.
Tumama ang bala sa noo ni IronSide, critical hit.
[Battle Cry] IronSide was eliminated by [Orient Crown] Vegas!
Hirap pa rin kaming makagalaw sa ginawang pg-cast ng spell ni IronSide. Nawala sa isip ko na holy knight nga pala ang class niya at kahit papaano ay kaya niya ring gumawa ng magics
"Oli ngayon na!" sigaw ni Ted_Bundy.
"Yes, Captain!" Anonymouse smirked at nasa likod na namin siyang lahat. That's the reason why he ran towards in our opposite direction.
They are willing to sacrifice their tank to create a bigger move.
"Final..." saglit na nag-ipon ng enerhiya si Anonymouse sa kaniyang baril at makinang na pulang liwanag ang bumalot dito.
That's Anonymouse ultimate skill. Kung hindi namin ito maiiwasan ay pare-parehas kaming ma-e-eliminate sa labang ito.
I need to come up with a plan.
The Holy Black Cape.
"Esquire! Purify mo ako!" I shouted.
Mabilis na isinagawa iyon ni Esquire at mabilis na nawala ang mga lupang nakakapit sa aking binti.
"...shot!" sigaw ni Anonymouse.
Inventory
Holy Black Cape
Mabilis kong isinuot ang cape. Kailangan kong piliin kung sino ang ililigtas mo dahil wala akong oras. I immediately hugged Vegas at ginamit ang effect noong cape na magiging immune kami sa kahit anong damage for a couple of seconds.
Anonymouse shoots a piercing bullet that leaves a trail of explosion behind. Ang madaanan noong bala ay malakas na pagsabog ang nalilikha at may umaangat na apoy mula sa lupa.
[Orient Crown] Esquire was eliminated by [Battle Cry] Anonymouse!
As expected mabilis na mapapatay niya si Elvis sa laban. Mabuti na lang talaga at napag-cast ko si Elvis ng purify bago siya ma-eliminate sa laro. Kung hindi ko iyon naisip agad ay baka kaming tatlo nina Vegas ang na-eliminate sa ginawang atake ni Anonymouse.
May natirang buhay kay Dion ngunit nakaabang sa kaniya si Ted_Bundy. Ted_Bundy slashed him using his skills dahilan para ma-eliminate din si Rufus sa laban.
[Orient Crown] Rufus was eliminated by [Battle Cry] Ted_Bundy!
Tinanggal ko ang pagkakatakip noong cape sa aming dalawa ni Vegas. I decided to save our core dahil sa aming lahat ay si Callie ang mas may kakayahan na maka-eliminate sa mga natitira naming kalaban. Wala kaming damagae na natanggap ni Vegas kahit piso.
Sa totoo lang ay napahanga ako ni Ted_Bundy sa naisip niyang plano. Kung baka wala akong Holy Black Cape ay na-eliminate nila kaming lahat.
Humihingal silang dalawa habang nakatingin sa aming dalawa ni Vegas. "Tapos na kayo?" Ikinasa ni Vegas ang baril niya at ngumisi.
"Cooldown lahat ng skill nila, it's our chance to attack. Wala na rin silang mana, they can't cast any skills anymore!" I shouted to Vegas at mabilis na tumatakbo sa direksyon ni Anonymouse.
Noong malapit na ako sa kaniya ay ngumiti ito at tumawa.
"Good game." That's the last thing he said before we managed to eliminate them.
Orient Crown just won against Battle Cry! They just secured their spot for the season four tournament!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top