Chapter 110: Royals Against Wolves I

Reposting the missing chapter.

MABILIS akong tumatakbo at nagtago sa likod ng abandonadong bahay, kasama ko si ShadowChaser (Juancho) at hangga't maaari ay dapat panatilihin namin ang maliit na distansya sa pagitan naming dalawa para kung sakaling magkaroon ng mga biglaang pag-atake ay mabilis namin maba-back-up-an ang isa't isa.

[Orient Crown] Shinobi: ShadowChaser, let's  stay in this area for five more minutes.

[Orient Crown] ShadowChaser: Copy, Captain.

Iba ang kaba na nararamdaman ko sa match na uto unlike the previous matches. I didn't expect na makakatapat namin sina Oli sa crucial na laban. I mean, they are our friends. Hangga't maaari ay gusto ko silang makasama na lumaro sa Season four tournament. But it didn't  happen.

Sa labang ito, isa sa amin ang aabanse at isa sa amin ang mapuputol na ang journey sa HO tournament. That is the sad reality of every matches here in Hunter Online. It's either you win or you lose, iyon lang.

Tahimik kaming nag-aabang ni ShadowChaser habang mahigpit ang hawak ko sa wakizashi sword ko.

[Orient Crown] Skorpion: two members of Battle Cry is heading towards rural area of the map. If there's a member na naka-standby, try to ambush it. Kapag hindi kaya, escape as much as possible.

[Orient Crown] Shinobi: On our position.

[Orient Crown] Rufus: Ingat, imposible na maback-up-an namin kayo kapag may nangyari. Malayo kami.

Nagkatinginan kaming dalawa ni ShadowChaser at tumango sa isa't isa. This is our last chance to attack. Ilang beses na naming na-practuce ni Juancho ang gagawin naminh movements, I will be the first one to attack habang papaulanan niya ng skill ang target namin. We are planning to aim one opponent at a time. Mas maganda na makapitas kami ng isa.

Isiniksik ko ang sarili ko malapit sa  bintana upang marinig ko kung may kaluskos man na dumaan sa labas. Mapuno ang bahaging ito ng napw at maraming patay na dahon sa lupa, maririnig agad namin kung sakaling may dumaan sa lugar na ito.

Mabibigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang may namumuong pawis sa aking noo. Sumabak naman ako sa mas malalaking laban kumpara rito (pertaining to Summer Cup) pero isa itong match na ito na pinaka kinakabahan ako.

Nag-improve naman kami nila Liu at Dion sa Orient Crown pero siyempre, alam kong nag-improve din naman sila Oliver sa pananatili nila sa Battle Cry. Hindi dapat kami maging complacent na bawat plano namin ay gagana sa match na uyo lalo na't may mga galaw kaming basa ng isa't isa.

Noong makarinig ako ng ingay sa labas ay dali-dali akong tumakon papalabas ng bahay na aming tinataguan. "ShadowChaser, ihanda mo ang skill ni."

"Yes, Captain!" Sagot niya at dali-daling tumakbo sa ikalawang palapag ng bahay upang mas makita ang labanan na mangyayari.

Dash.

Mabilis akong tumakbo sa dalawang miyembro ng Battle Cry na namataan ko. Azuran (Renshi) and Gauntlet looked surprise as they saw me dashing towards their direction.

"Azuran, likod!" Sigaw ni Gauntlet at mabilis hinawi si Azuran papunta sa kaniyang likod. Using his sword, he blocked my attack at mabilis akong tumalon paatras para maiwasan ang ginawa niyang pag-atake.

Lumingon ako kay ShadowChaser. "Juancho, ngayon na!" Sigaw ko.

"Electric Spark!" Sigaw ni Juancho. May isang malakas na kidlat ang gumuhit mula sa kalangitan pabagsak sa direksyon nila Azuran. Malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid at malakas na hangin ang dumadampi sa aking balat dahil sa lakas ng pagsabog.

Iniharang ko ang aking braso sa aking mata at pinilit aninagin ang direksyon nila Azuran. Makapal na usok ang bumalot sa buong paligid.

"Nagawa natin, Capta—"

"Shh... don't let your guard down!" Pagputol ko sa sinasabi ni ShadowChaser at hinigpitan ang kapit ko sa wakizashi sword ko kung sakaling may biglaang pag-atake man na maganap. "Walang announcement na may na-eliminate sa laro. Buhay pa sila."

Unti-unting nawala ang makapal na usok hanggang may puting bilog na liwanag ang bumabalot kanila Gauntlet at Azuran. Azuran casted a magic shield para ma-lessen ang damage na ginawa ni ShadowChaser.

"You almost got me there, ha," Azuran smirked at nawala ang barrier na umiikot sa kanila.

"Kami naman." Mabilis na tumatakbo si Gauntlet tungo sa direksyon ko.

"Garugar Sword!" Nabalutan ng asul na liwanag ang espada ni Gauntlet. At this moment, ramdam ko 'yong pressure pero at the same time ay masaya ako na kalaban ko ang Battle Cry. It feels like I am reunited with my old comrades.

"Nice try." Sabi ko at mabilis na umatras.

Nabigla ako noong biglang huminto si Gauntlet sa pag-atake. He cancelled his skill. Using his left hand ay dali-dali niya akong kinuwelyuhan, binuhat papaangat, at ibinagsak sa lupa.

Ramdam mo ang sakit sa likod ko pero hindi nawawala ang tingin ko sa kalaban. Wow, he just cancelled his skill to do different move. Akmang itutusok ni Gauntlet ang talim ng espada niya sa akin. I rolled over at may sunod-sunod na fireball ang muntik tumama kay Gauntlet. He numped backward dahilan para magkaroon ng space sa pagitan namin.

ShadowChaser casted a spell para saglit akong makapagpahinga. "Ingat, Captain." He said.

"Salamat." Sagot ko.

[Orient Crown] Knightmare: Narinig ko 'yong pagsabog mula sa Rural area. On the way na mga zer.

"Ba-back-up-an na tayo ni Noah, should we do another move?" ShadowChaser asked.

Pinunasan ko ang dugo mula sa gilid ng labi ko. "Hindi, paniguradong may backup din na paparating ang Battle Cry. Hindi pa nagre-retreat sila Azuran, ibig sabihin lang nito ay nagba-buytime lang din sila." Paliwanag ko kay Shadowchaser.

Matagal din akong nasa Battle Cry at may isang bagay akong natutunan sa laro nila. They will not risk anything for dangerous move. They always make sure the safety of each member kung kaya't alam kong may backup na paparating sila Azuran. Maybe, sila Anonymouse ang papunta rito.

"Back na tayo. Sasabihan ko si Knightmare (Noah) na huwag nang pumunta rito." I stepped back. "Create a fog."

Akmang magka-cast ng spell si Shadow ngunit mabilis itong napigilan ni Azuran. "Phoenix!" He casted spell at mula sa kaniyang wand ay may apoy na lumabas mula rito na naghugis na malaking ibon. Ang init na dala nito ay nakaapekto sa paligid dahil ang mga dahon na nadadaanan nito ay biglang nasusunog.

Nasunog ang malaking bahagi ng Rural area at nagbabagsakan ang mga tupok na kahoy mula sa iba't ibang bahay kung kaya't  mas mahihirapan kami sa pinaplano naming pagtakas.

ShadowChaser created a barrier. "This will only last for 15 seconds. Take this opportunity to drink a potion." He reminded me na mabilis ko namang ginawa. "Mahihirapan na tayong makatakas nito, Captain."

[Battle Cry] Scythe was eliminated by [Orient Crown] Vegas!

Isang announcement amg umalingawngaw sa buong paligid. Kung ginagawa nila Callie ang best nila para makapitas at makapagbigay ng magandang laban sa Battle Cry. Dapat ay kami rin. "We will not run." Sabi ko sa kaniya.

"Akala ko ba paparating na ang backup ng kalaban?" Tanong ni ShadowChaser.

"Atleast patagalin man lang natin ang laban dito bago tayo ma-eliminate. Buy time lang tayo kay Vegas para isa-isa niyang mapitas ang kalaban." Paliwanag ko.

He nodded. "Gagawa ako ng fog. Pitasin mo na 'yong mage nila." Sabi ni ShadowChaser sa akin. Napatingin ako sa direksiyon ni Azuran na nakatingin din sa magiging galaw namin.

Malaki ang distansiya namin kanila Azuran kung kaya't hindi nila naririnig ang pinag-uusapan naming dalawa. "If I will aim for Azuran, siguradong ikaw din ang pupuntiryahin ni Gauntlet."

"Ako na ang bahala." Paninigurado ni ShadowChaser sa akin.

"Dark Cloud." Bumalot ang madilim na ulap sa buong paligid dahil sa ginawa niyang spell.

I took this opportunity to run towards Azuran direction again. This is my second attempt to eliminate him in this battle. Ginamit ko ang dash skill ko para mas mapabilis ang aking pagtakbo. They looked confuse kung nasaan kami dahil sa kapal ng ulap na bumabalot sa paligid.

Phantom Blade.

I prepared my skill and all I expect ay mako-combo ko na si Azuran pero nabigla ako noong may isang malaking shield ang humarang kay Azuran para protektahan siya. Sinalo niya ang lahat ng atake ko na hindi naman ganoon kalaki ang naging damage sa mga tank user.

As soon as I finished my attack ay binaba niya ang shield na kaniyang hawak. "Nice meeting you, Shinobi. Ang dami kong naririnig na kuwento mula kay Oli tungkol sa 'yo."

IronSide
Class: Holy Knight.

Kagaya sa research na isinagawa namin nila Oppa, tama nga na kayang-kaya ni IronSide na protektahan ang buong Battle Cry. He is not just protecting the core but the whole team. His game style really blends in Battle Cry's play style.

He pushed me back para magkaroon ng distansya sa aming dalawa.

"Captain, sa likod mo!" ShadowChaser shouted at pagkalingon ko ay akmang aatakihin na ako ni Gauntlet using his scimitar.

"Nice game, Milan. Attend pa rin ako sa birthday mo." Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang sandata. "Frenzy sword."

He slashed using his scimitar at napapikit na lamang ako upang saluhin ang damage niya. Sana man lang ay may matira sa health bar ko para magkaroon man lang ako ng tiyansa na makatakas sa sitwasyon.

Nabigla na lamang ako noong makarinig na parang may sumangga sa atake na ginawa ni Gauntlet.  Idinilat ko ang aking mata and I saw skorpion—he is blocking Gauntlet attack using his dagger.

"Late ba ako?" Skorpion (Genesis) asked

"No. You arrived perfectly." Habang sinasangga ni Skorpion ang atake ni Gauntlet ay ginrab ko ang opportunity na ito para atakihin si Gauntlet. He is busy fightine Skorpion kung kaya't hindi niya magagawa sanggahin ang magiging atake ko.

I planned to use my phantom slash skill kaso nga lang ay cooldown pa ito dahil kagagamit ko lang nito kay Azuran kanina.

"Rage cutter!" I slashed forward  and I managed to create a wound on his left waist. Lumabas ang dugo mula rito.

"Back na." Utos ko kay Skorpion at humakbang kami papaatras. "They have tank. Lugi tayo."

This is the first time na na-frustrate ako sa isang match. They managed to block all my attack, hindi ko alam kung palpak lang lahat nang mga binabalak ko o sadyang gumaling lang ang lahat ng players ng Battle Cry.

I watched their match noong nag-champion sila sa isang tournament, they improved that time. Pero iba ngayon, they are really eager to enter in Season 4 tournament. Tama nga ang sinasabi ni Sir Theo sa amin, ang Battle Cry ang mataas na wall na dapat naming malampasan sa qualifiers.

"Tumakbo na tayo." Sabi sa amin ni Skorpion. "Nandito na si IronFist, hindi malayong nandito na rin sina Anonymouse." Dugtong niya pa.

"Takbo." Utos ko. Sa pagkakataong ito ay wala na kaming palag. Their tank is too good. He know how he will be efficient in this match.

Nangunguna ako sa pagtakbo habang nakasunod sa akin si ShadowChaser at Skorpion.

"You can't escape!" Azuran shouted. "Bomb trap!"

Mula sa kalangitan ay may mga bomba na pabagsak tungo sa aming direksyon. He scattered bomb in the whole area to make sure na hindi kami makakatakas nila Skorpion.

"Diretso ang tingin lang." Skorpion shouted habang siya ang nakatingin sa kalangitan. "May bombang tatama sa kalapit na bahay, liko tayo sa kanan."

Sinunod ko ang sinabi ni Skorpion sa amin. May bomba ngang tumama sa isang bahat at tumalsik ang mga debris mula rito. "Hinto!" Skorpion shouted.

Hindi ako agad nakahinto sa pagtakbo pero hinawakan ako ni Skorpion sa kuwelyo ng damit ko at hinatak papunta sa kaniyang likod. Isang bomba ang malakas na sumabog at mabuti na lang at nakagawa ng barrier si ShadowChaser para hindi ganoon kalaki ang damage sa amin.

Kung hindi ako nagawang hatakin ni Skorpion ay saktong tatama sa akin ang bomba. Sobrang laki ng respeto ko kay Genesis kapag nasa loob na kami ng Hunter Online. Grabe ang map awareness niya at iba rin ang sense niya pagdating sa laro. He really knows kung paano siya magpa-function sa match. Alam niya ang role niya at kung ano ang dapat niyang gawin.

Noong nakaalis na kami sa rural area ay dali-dali akong uminom ng potion para mapuno ang health bar ko. Habang tumatakbo ay nagkagulatan pa kami ni Knightmarena na tumatakbo tungo sa rural are para sana backup-an kami.

"Bakit umalis na kayo roon?" tanong niya.

"May tank silang kasama. Kung ipipilit naming tatlo ang clash doon ay mae-eliminate lang kami sa laban." Paliwanag ko habang humihingal na nakahawak sa aking tuhod.

"Mauna na ako sa inyo." Sabi ni Skorpion at tumalon sa sanga ng isang mataas na puno. "Izo-zone ko ang mga kalaban. Lumayo muna kayo sa area na ito. Chat ko kayo kapag may kalaban na nakasunod sa inyo.

"Sama ako bespre—"

Hinatak ko si Knightmare para makalayo kami rito. We need to find another area kung saan kami makagagawa ng ambush.

"Anong plano, Captain?" tanong ni Knightmare sa akin.

"Pupunta tayo sa area kung saan malapit tayo kanila Rufus para madali nila tayong ma-backup-an kapag naipit ulit tayo sa ganoong klaseng sitwasyon."

Mabilis kaming tumatakbo na tatlo pero nabigla na lamang kami noong isang puno ang bumagsak at humambalang sa aming daraanan. Nakita ko ang sunog sa katawan ng puno. May isa pang mage sa area na ito.

"Yow, Milan," Lutherking (Gavin) waved his hand. "Kanina ko pa kayo hinihintay, tama nga ang sinabi ni Ted_Bundy (Kendrix) na baka dito nga kayo dumaan kapag tumakas kayo."

Of course, Kendrix knows.

"Ako na ang bahala dito, Captain." ShadowChaser said. "Buy time ko kayo."

This is one against three kung kaya't may advantage kami kung papalagan namin si Lutherking dito.

[Orient Crown] Skorpion: Nalaman na nila na diyan kayo dumaan, Captain. Escape first.

[Orient Crown] Vegas: Can't back you up this time. Hinahabol namin si Ted_Bundy. It will be a great help in our team kapag inuna kong pitasin itong Shotcaller nila.

Wala kaming choice, baka kapag nagpaiwan kaming tatlo dito ay maipit na naman kami sa delikadong sitwasyon.

"Sigurado ka?" tanong ko kay ShadowChaser.

"Yes, Captain. Sacrifice ko na ang sarili ko rito. Kayo na ang bahala mamaya." ShadowChase smiled at mahigpit na hinawakan ang kaniyang staff. "Mas kailangan pa kayong dalawa. Alam kong makagagawa ka pa ng mga plano para sa team, Captain.

Tumakbo na kami papaalis ni Knightmare, akmang pipigilan kami ni Lutherking ngunit mabilis na nag-cast ng spell ski ShadowChaser para panandaliang hindi makagalaw si Lutherking.

Diretso kaming tumatakbo ni Knightmare. Malaki ang tiwala na binibigay ng Orient Crown sa amin, I will not let my teammates down. Magiging parte kami ng Season 4 tournament.

We can survive these pack of Wolves.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top