Chapter 11: What the Cat?!

HINDI ko naman in-expect na malaki pala ang Silanya Town. I mean, oo naikot na namin siya noong bago ako sa game pero ngayon lang ako nakalusot sa mga eskinita ng bayang ito. Walang mga players ang dumadaan dito since mas gusto nilang dumadaan sa mga main path ng Bayan.

"Wala ba talagang pusa sa game na ito?" Tanong ko sa sarili ko habang tumitingin sa mga sulok-sulok ng eskinitang dinadaanan ko. I love dogs and cats pero ang dami ko nang nakita na dogs kanina. I want to see cats in this game naman. I have plenty of time pa naman bago mag-online sina Klayden.

"Kung wala akong makikita na pusa this day, iisipin ko talaga na may animal discrimination na nagaganap sa larong 'to," pagkausap ko sa aking sarili habang binubuksan ang isang malaking basurahan. "Hello, cats also deserve to be here."

Noong wala akong makita na pusa ay nagpatuloy na pa ako sa paglalakad. Mukhang malalim na itong eskinita na dinadaanan ko dahil wala na akong ingay na naririnig mula sa maingay na bahagi ng Bayan.

Of course, hindi ako susuko na maghanap ng pusa rito.

Dire-diretso pa akong naglakad hanggang sa mapunta ako sa bahaging kumpulan ang mga sira-sirang bahay at bumagal ako sa paglalakad upang pagmasdan ang paligid. I mean, hindi ko alam na may ganitong bahagi pala ang Silanya Town. I bet karamihan ng mga players ay hindi rin aware sa ganitong mukha ng Bayan.

Oh my God, bakit napunta ako sa ganito ka-depress na area? Gusto ko lang naman makakita ng pusa!

"Mukhang failed ako sa quest ko na—" naputol ang aking pagkausap sa aking sarili noong makarinig ako ng babaeng humihikbi sa hindi kalayuan.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay at nakita ko ito na nakaupo malapit sa basurahan. Isang babae na nasa edad 40's na yata at nakasuot ito ng maruming bestida. NPC ba 'to?

I walked towards her direction. "Miss..." Pagtawag ko. Maingat ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Somehow, this scene kinda scaring me dahil mag-isang player lang naman ako sa part ng Silanya Town. Hindi rin ako sigurado kung NPC lang ito o baka Hunter din na nambibiktima ng mga players sa eskinita.

May nabasa kasi ako sa forum ng Hunter Online noong nakaraan (Oo, nagbabasa na ako about sa game) tungkol sa mangilang-ngilan na players na nag-iikot sa Silanya Town para nakawan ang ibang Players ng mga items.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko.

Nag-angat siya nang tingin at puro luha ang kanyang mata. She stood up at kumapit sa magkabilang balikat. "T-Tulungan mo ako... Manlalakbay ka ba? Tulungan mo ako!" She said while begging.

[NPC] Edna

Okay, mukhang non-playable character lang siya ng game kung kaya't wala nang dahilan para matakot pa. Gusto ko lang naman na makakita ng pusa sa game pero hindi ko ma-imagine na makaka-encounter ako ng ganitong klaseng situation.

"Ano pong problema?" Tanong ko.

"May mga bandidong dumukot sa anak ko! Humihingi sila ng malaking halaga ng ginto ngunit wala naman akong pambabayad sa kanila," she cried again at nakaramdam naman ako ng sakit sa kanyang sinabi. I know, they are just NPC and don't exist in real world pero 'yong feelings sa sinasabi nilang mga salita ay ramdam na ramdam ko. "Sana ay matulungan mo akong mabawi ang anak ko sa kanila."

"May idea po ba kayo kung saan nila itinatago ang anak ninyo?" I asked.

"W-Wala." She answered. "Parang awa mo na. Tulungan mo ako."

Do you accept Edna's request?
Accept
Decline

Pinagmasdan ko ang ekspresyon ni Edna at kitang-kita ko ang takot at pag-aalala niya sa sitwasyon ng kanyang anak. Naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman dahil ganoon na ganoon din ang ekspresyon ni Mom noong minsan na mawala ako sa mall. She cried and really worried about my situation that time.

Paano ba naman kasi, sa sobrang libang ko na magtingin ng mga stall and booths sa mall ay hindi ko na napapansin na sa ibang pamilya na pala ako nakakasama at nakahawak ng kamay.

"Tutulungan ko po kayo." I said to her and accepted her quest request.

You accepted one of the hidden quest in Silanya Town!

Hidden quest? Wow, ang layo nang narating ko. I just want to see one cat in this town tapos naka-discover pa ako ng hidden quest?

Objective: Find Edna's daughter around Silanya Town.

Wala na silang ibang information na maibibigay sa akin? I mean, ang laki nitong Silanya Town para hanapin ang isang bata.

Naglakad na ako papaalis ng eskinita at nagsimulang maghanap sa paligid.

I thought it will just be an easy quest dahil mag-iikot lamang ako sa Silanya Town at baka naglalaro lang naman ang anak ni Edna sa plaza at hindi niya lang naman namalayan pero... Hindi. This quest is harder than I thought.

I asked some players kung may napapansin silang kakaiba sa Silanya town ngayon.

"May napapansin ba kayong mga bandido na gumagala rito?" I asked player Vanilla na nakatambay sa isang tavern.

"Ha? Walang kalaban na nasa loob ng Silanya Town, monsters can't enter the city." Paliwanag niya sa akin.

"I mean wala kang naririnig na kuwento tungkol doon?"

"Wala, pero kung gusto mo, puwede mo akong i-add friend then kapag may narinig ako tungkol sa mga bandidong hinahanap mo... Chat na lang kita." Sabi niya sa akin.

Vanilla is sending a friend request
Accept
Decline

I accepted her friend request at naglakad na palabas ng tavern. Mukhang walang idea ang mga players ng Hunter Online about sa mga banditsnna gumagala sa Silanya Town.

Your friend Klayden is now online!

Klayden: Aga mong nag-online ngayon, ah. San ka?

Shinobi: Naglilibot ako sa Silanya Town. May hinahanap lang ako.

Klayden: Gusto mong samahan kita?

Shinobi: Wag na. Baka rin hindi ako makasama sa quest mamaya. May individual quest akong ginagawa ngayon. Hindi ko alam kung anong iras matatapos. :(

Klayden: Quest?

Shinobi: Hidden Quest daw sa Silanya Town, eh. 'Till now 'di ko pa rin alam ang gagawin ko.

Klayden: Sabihan ko na lang sila Synix na hindi ka makakasama mamaya. Maiintindihan naman ng nga gunggong 'yon.  Ano bang quest 'yang ginagawa mo?

Shinobi: Kailangan kong hanapin 'yong mga bandits na nagtatago rito sa Silanya Town dahil may kinidnap sila. I tried asking other players but wala raw silang idea about doon.

Klayden: Try asking the NPC in the town. Kung totoong may gumagalang bandits sa Silanya ngayon ay sila ang mga nakakaalam dahil sila ang nakatira rito.

Shinobi: That's a really nice idea!

Klayden: Gege, chat ka na lang pagkatapos ng quest mo. Sama ka sa amin after.

Shinobi: Oks oks.

I followed Klayden's suggestion at ang una kong tinanong ay ang babaeng nagbebenta ng mga accessories malapit sa plaza. "Good afternoon, ate," pagkausap ko.

She immediately looked at me and smiled. "May bibilihin ka ba sa aking mga itinitinda, batang manlalakbay?" Tanong niya.

"Gusto ko lang po sananv magtanong tungkol sa mga Bandits na nasa Silanya Town ngayon."

She suddenly paused and responded. "Nabalitaan ko nga na may mga bandido na gumagala ngayon sa bayan. Inabisuhan na rin kami ng mga guwardiya na maagang magsara upang hindi kami manakawan ng mga bandido." Kuwento niya sa akin.

Tama si Klayden, may alam ang mga NPC sa quest na ito.

Matapos kong magtanong sa kanya ay naglakad naman ako tungo sa isang guwardiya na naglilibot sa Plaza upang magtanong.

Kung mayroon mang mga NPC na aware tungkol sa mga bandido ay uyon ang mga guwardiya lalo na't sila ang tumutugis dito. "Kuya, may nakita ka bang mga bandido nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko.

"Nitong mga nakaraang araw ay may mga nanggugulo sa Bayan ng Silanya at sunod-sunod na pagnanakaw ang nangyari. Maingat na nagbabantay ang bawat kawal at inaalam namin kung saan sila maaaring nagtatago." Paliwanag nito sa akin. "Ngunit may balita na may kakaiba raw na ingay na naririnig ang mga tao sa Downtown tuwing gabi. Baka doon ay makakuha ka ng mga impormasyon." Nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Nagmamadali akong tumakbopatungo sa downtown noong makatanggap ako ng message galing

Synix: Hoy Shinobi, hotdog ka! Akala ko ba sasama kang mag-quest. Sinabi sa amin ni Klayden na busy ka pero online ka!

Shinobi: may tinatapos kasi akong quest!

Synix: nagsosolo, awit.

Shinobi: Baliw! Solo quest 'to! Sasama ako sa inyo after this. Sige na message kita mamaya kung nasaan kayo.

Tumakbo ako papunta sa Downtown and as expected, ang daming players na nandito. Nandito kasi ang karamihan ng bilihan ng armor at mga armas. Marami ring mga kainan sa Downtown at lugar na puwedeng tambayan kung kaya't gustong-gusto pumunta rito ng mga players.

Saglit akong umupo malapit sa fountain. Iniisip ko kung sinong mga NPC ang makapagbibigay sa akin ng sagot sa quest na ito.

I tried asking some guards again and pare-parehas lang ang kanilang sinasabi na may kakaiba silang ingay na naririnig dito tuwing gabi. So asking guards will just give me some clues.

Ang dapat kong tanungin ang mga taong nakatira malapit dito. The residence of this area.

Pumunta ako sa bahay-bahay na bahagi ng Downtown at doon nagtanong-tanong.

Unang pumukaw ng atensiyon ko ay ang NPC na nagwawalis katapat ng kanyang bahay. "Excuse me,"

She immediately stopped on what she's doing at timingin sa akin. "May kailangan ka ba, Batang Manlalakbay?" Tanong niya.

Kahit NPC lang sila ay ang amazing lang noong mga reaksyon nila dahil kagaya iyon ng reaksyon ng normal na tao sa totoong buhay. The developers and the team behind Hunter Online is a real genius.

"Pasensiya na po sa abala pero gusto ko lang pong itanong kung may kakaibang ingay ba kayong maririnig nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko.

"Ah 'yong ingay sa gabi. Nitong mga nakaraang araw ay may kakaibang ingay kami naririnig mula sa ibaba." Itinuro niya ang pathway ng Silanya Town. "Ang sabi ng mga Guwardiya ay may mga bandidong gumagala ngayon sa Bayan kung kaya't iniiwasan naming lumabas sa oras na dumilim na ang paligid." Paliwanag niya sa akin.

I asked the other residence here at pare-parehas sila nang sinasabi na may kakaiba silang ingay na naririnig sa ibaba. Napatingin ako sa pathway pero wala naman akong naririnig na kakaibang ingay. (Or baka hindi ko lang naririnig dahil na rin sa dami ng players na dumadaan at nag-uusap)

Sa ilalim ng lupa? Baka gumagamit ng magic ang mga bandido?

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa manhole malapit sa isang restaurant. Ang manhole na iyon ay ang daan patungo sa sewage area ng Silanya Town.

Hindi kaya?!

Sa sewage area nagtatago ang mga bandido! Sa lugar na iyon ay hindi sila madaling makikita ng mga guwardiya. Iyon din ang dahilan kung bakit may kakaibang ingay na naririnig ang nga residente rito dahil na rin sa gabi kumikilos ang mga bandido upang maghanap ng mabibiktima.

Now it makes sense. I smirked when I finally realized on how I will finish this quest. Pusa lang ang hinahanap ko pero kuta ng isang bandido ang nahanap ko.

Hindi ako puwedeng dumaan sa manhole dito sa main way, .araming players ang nandito at baka mabaliwan sila da akin sa oras na makita nila akong pumasok sa loob ng Manhole.

Pumasok ako sa isang eskinita at doon naghanap ng manhole na puwedeng madaanan pababa.

Synix: Shinobi.

Shinobi: Bakit?

Synix: May joke sana ako about sa business... Kaso baka hindi bumenta. HAHAHAHAHAHA.

Napairap ako sa ere noong mabasa ang ka-corny-han ni Synix. Ang hilig niya talaga sa mga Tito jokes, feeling niya funny siya sa part na iyon.

Shinobi: May joke sana ako about sa grades mo... 'Wag na lang baka umiyak ka pa.

Synix: Ay epal. Namemersonal ampota.

Shinobi: Haha! Message kita mamaya matatapos na ako sa quest ko.

Synix: Sige, nagma-monster hunt lang muna kami, hindi muna kami nag-quest. Nagpapataas kami ng level kasi mahina kang nilalang.

Pagkaliko ko sa isang kanto ng eskinita ay may manhole na akong nakita. Hindi ko na muna ni-reply-an si Synix at pinagmasdan ang Manhole.

Kinuha ko sa inventory ko ang Long sword ko bago ko binuksan ang manhole.

Bumaba ako at mabaho ang amoy sa lugar na ito lalo na't dito dumadaan ang lahat ng dumi sa Silanya Town. Bumaba ako gamit ang hagdan at may maliit na path sa gilid na puwede kong daanan at sa gitna ng sewage ay nandoon ang maruming tubig na dumadaan papalabas sa Silanya Town.

Naisip kong tama na ang hula ko noong may makita akong mga torch na nakasabit sa pader at may apoy na nakasindi dito. Ito ang nagsisilbi kong liwanag habang naglalakad ako sa sewage.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong bonfire kung saan nakapalibot ang walong lalaki at sa isang sulok ay nakita ko na ang nakataling bata na kung saan mayroong busal ang bibig at nakahiga sa sahig.

New objective: Kill all bandits in the area (0/8)

"Sino ka?!" Isa sa mga bandits ang nakakita sa akin at napatingin na sa akin ang lahat. Jeez, hindi ako makakagawa ng surprise attack ngayon.

Bandits
Level: 10
Aggressive

Humigpit ang hawak ko sa long sword ko at tumakbo tungo sa direksyon ng kalaban.

Chaser

Nagkaroon ng liwanag ang buong katawan na ibig sabihin ay umepekto ang buff na cinast ko. Ang chaser ay nagbu-boost ng attack ko (lumalakas ng 30%) for 20 seconds.

Inatake ako ng isang bandit gamit ang hawak niyang dagger at natamaan ako noon sa braso. Umagos ang dugo mula sa aking braso pero hindi naman ganoon kalaki ang naging bawas noon sa health bar ko.

Bumuwelo ako at inatake ang tiuan nito gamit ang long sword. Ang laki ng bawas noon sa buhay ng Bandit. Wow, hindi ko in-expect na malaki ang magiging impact ng 30% attack buff na ginawa ko.

It only last for 20 seconds kung kaya't sinulit ko ang buff sa maloot na oras na iyon. I managed to kill 2 bandits in a span of 20 seconds.

Habang kumakaunti ang mga bandits na nandito ay mas nagiging madali sa akin para patayin sila lalo na't ang mahirap lang naman ay kapag sabay-sabay silang umaatake sa akin.

Mega slash

Inatake ko ang isa sa mga bandits at tumilapon ito papunta sa tubig ng sewage.

"Hindi mo makukuha sa amin ang bata!" He shouted and attacked me on my back.

Napansin ko na isa sa mga weakness ng mga players ay kapag naatake sila sa likod. Nagiging critical hit ang bawas ng kalaban kapag ganoon ang nangyayari.

I stepped back at kumuha ng healing potion sa inventory ko at ininom ito. "Chill lang kayo, mauubos kayo lahat. Isa-isa lang."

Muli akong tumakbo tungo sa direksyon ng isang bandit matapos mapuno ang buhay ko dahil sa hwaling potion.

I usually eliminate one enemy at a time at hindi ko sila sabay-sabay na inaatake. Ang kailangan ko lang naman gawin ay mabawasan sila para ma-lessen ang damage na nate-take ko.

Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi nila Klayden na may talent ako sa gaming... It just a basic knowledge and common sense para malaman ang mga bagay na iyon.

Before I do my moves, I usually analyze the situation first before doing my first move. Mahalaga ang first move sa bawat laban na gagawin sa isang task (mapa-games, exam, or chess).

Yumuko ako noong inatake ako nokng bandit at itinusok ko ang talim ng long sword sa kanyang baba at ibinaon ito. Naglaho ito at kinalaban ko ang mga natitirang bandits.

After I eliminated all of them ay biglang nagkaroon ngg liwanag sa isang sulok at lumabas ang isang treasure chest na kulay puti at kulay gold naman ang mga edge nito.

Uminom muna ako ng potion bago ko binuksan ito. I opened the chest at nagkaroon ng liwanag sa paligid.

You obtained Holy Black Cape [RARE]!

Rare Item?

Mas nagulat ako noong nagkaroon ng malakas na announcement sa buong game.

"Good day, Hunters! Player 'Shinobi' successfully finished one of the hidden quest in Silanya Town!"

"What the shit..." Reklamo ko at naalala ko ang batang anak ni Edna at dali-dali ko itong tinulungan.

Klayden: Huy! Ano 'yong ina-announce sa game?!

SilverKnight: Hoy Shinobi, ano bang pinaggagawa mo sa game at nakatapos ka ng hidden quest?!

Synix: Ay bida-bida. Na-announce na naman.

Wala muna akong ni-reply-an ni-isa sa kanila sa message nila. Kahit ako ay hindi ko rin inakala na isang hidden quest pala itong pinaggagawa ko.

Yumakap sa akin ang anak ni Edna at naglakad na kami papunta sa hagdan papaakyat muli sa ibabaw.

"Salamat po, Ate." Napangiti naman ako sa sinabi nitong anak ni Edna. For me, hindi itong rare item ang greatest reward ng quest na ito kung hindi ang matamis at sincere na pasasalamat ng batang ito. Yes, they are just NPC pero ramdam ko 'yong saya niya noong natulungan ko siya.

Pagkaakyat namin sa ibabaw ay isinara ko na muli ang manhole.

"Meow."

Napatigil alo sa aking ginagawa noong makakita ako ng isang orange na pusa na nakaupo sa ibabaw ng basurahan. The cat staring at me while slowly moving it's tail.

OMG, I successfully finished my own task! Nakakita ako ng pusa sa game!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top