Chapter 108: Plan and Escape

SA dinami-dami ng team na nanatili pa sa qualifiers ay bakit ang Battle Cry pa ang makakatapat namin. I mean, they are our old team and kaibigan namin ang mga nasa Battle Cry. Siyempre, gusto naming lahat na makalaro sa Season 4 tournament (alongside with ALTERNATE). Pero bakit sa huling parte ng qualifiers pa namin makakatapat ang Battle Cry?

Pagkatapos na pagkatapos ng announcement ay nagkaroon kaagad kami ng general meeting. We only have two days to prepare for this match at kung matatalo kami against Battle Cry ay laglag na kami.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Dion. This is stressful for him, Battle Cry is his team for a couple of years. Hindi biro ang pinagsamahan nila at ito ang unang beses na makakatapat namin ang mga dati naming ka-team sa isang tournament match.

"Ah... yeah," Dion answered at sumandal sa may couch. "I just didn't expect that makakatapat agad natin sila Kendrix ng ganito kaaga."

Naputol ang usapan naming dalawa noong pinagulong na ni Coach Russel ang white board papunta sa gitna upang simulang ang pagpapaplano sa kung paano kami mananalo against Battle Cry.

Coach is playing the pentel pen between his fingers. "I am pretty sure that you guys are surprise na Battle Cry ang makakalaban natin sa huling araw ng qualifers. Dion, Milan, and Liu... I want you guys to focus sa mangyayaring match." Paalala ni Coach sa amin.

Nakatayo sa kaniyang tabi si Sir Theo. "Hindi magiging madaling kalaban ang Battle Cry sa pagkakataong ito. Nakita ninyo naman ang mabilis na pag-improve nila sa mga maliliit na tournament na in-attend-an natin. They are also the champion sa isang tournament na ipinalabas sa sports channel."

Nag-indian seat si Liu habang kumakain ng coco crunch sa mangkok. "Crucial na match 'to para sa Battle Cry, Coach. Ito ring season 4 tournament ang huling chance na ibinigay ng mga sponsors nila sa kanila. If they will lose, mawawala sa kanila ang lahat at maaaring mabuwag na ang Battle Cry."

Aware din kami ni Dion sa bagay na iyon. Of course we want to win pero ayaw din naming matalo ang Battle Cry kasi alam namin ang kahahantungan ng team nila.

"Naaawa kayo sa Battle Cry?" Tanong ni Coach Russel sa amin. "Yes they are your old team mates pero huwag ninyong kalimutan na naglalaro kayo ngayon para sa Orient Crown. Hindi natin ibibigay ang isang slot sa kanila na para bang isang charity lang."

"Dion, Milan, Liu," Ngumiti sa amin si Sir Theo. "Hindi ba mas maganda kung bibigyan ninyo sila ng magandang laban? This is the perfect time to show them that you guys improved. Dion, patunayan mo sa kanila na magaling kang tank, Milan show them that you can lead the team well at hindi ka lang nag-exist sa Hunter Online dahil duo kayo ni Dion, and Liu prove them that you can change your attitude at kaya mong ibagay ang play style mo sa Orient Crown."

Doon ako na-motivate sa sinabi ni Sir Theo sa amin. We all have a reason why we are fighting. May mga gusto kaming patunayan.

"Yes, Sir!" We answered in unison

Napatingin ako kay Callie at nakangising umiiling. "Your old team is weak, kayang-kaya nating talunin 'yon."

"Alam mo, 'yong yabang mo wala sa lugar." Inirapan ko si Callie pero natawa na lamang siya.

"Chill lang kasi kayo, hindi naman masisira ang pagkakaibigan ninyo dahil lang natalo natin sila sa isang match. Yup, natalo, I am claiming it." Pagkaklaro ni Callie. "Kailan ba tayo nagkaroon ng talo kapag lumalaro ako?"

Coach Russel tapped the white board using the marker. "Alam naman natin na malaki ang in-improve ng Battle Cry pagdating sa paglalaro. You guys should be careful kay Oliver, I watched their match last time at masasabi kong malaki ang in-improve niya as a core. Magaling din ang bagong tank ng Battle Cry na si Ironside, hindi lang si Oli ang pinoprotektahan niya kung hindi ang buong teammates niya."

"Coach hindi ba parang agrabyado tayo? Dati nilang ka-team sila Dion, somehow ay alam nila ang galawan nila." sabi ni Robi at napatango-tango ako.

"Yup, agrabyado tayo lalo na't walang kapalitan si Dion as a tank dahil hindi pa rin nali-lift ang suspension ni Kaden. That's the reason why we need to think of a better plan. Isipin ninyo na lang na isang malaking wall ang Battle Cry sa atin para makapaglaro sa Season 4 tournament. They are high and thick wall that we need to surpass." Dinrawing pa ito ni Coach sa board.

Noah chuckled. "Pangit ng drawing ni Coach."

"Sorry, guys." Kumakamot sa ulo na sabi ni Kaden

"Okay lang baliw." We assured to him.

"Pagka-lift ng suspension mo, pakitaan mo na ulit kami ng moves mo, Daddy." Biro ni Larkin sa kaniya at binato naman siya ng remote ni Kaden.

"Dion, kailangan mong maging maingat sa mga galaw mo. Avoid using your usual combo for the meantime because they know how they will counter it." Paalala ni Coach sa kaniya.

"Yes, Coach."

"It's better na mag-invent ka ng mga bagong moves mo para sa match na ito. 'Yong walang idea sila Oli na kaya mo pala gawin." Paalala ko kay Dion.

"Kahit si Milan ay hindi rin puwedeng mag-shotcall sa pagkakataong ito, Coach," Sabi naman ni Liu. "Si Axel ang nagturo kay Milan when it comes to shotcalling. Somehow, may impluwensiya ng Battle Cry ang shotcall ni Milan at puwedeng manghingi ng advice si Kendrix tungkol dito. At the end of the day, Axel will help Battle Cry kasi ex-captain siya nito."

"Then I will do the shotcall," Confident na sabi ni Oppa and wiggled his right brows. "Para saan pa at ni-lift ang suspension ko. I am from ALTERNATE pero wala naman silang masyadong information sa way ng pagsha-shotcall ko."

Pina-finalize ni Coach Russel ang mga information na nakukuha niya sa amin. Kagaya nga nang sinabi ko, hindi basta-bastang kalaban ang Battle Cry, isa sila sa mga team na hindi dapat maliitin dahil sobrang laki ng improvements nila.

"Will we go with Callie core tactics?" Tanong ni Noah.

"Oo, batang hamog. We will go with Callie core." Si Callie ang sumagot sa kaniya. Ang sarap trashtalk-in ni Callie minsan (madalas) pero hindi naman din kasing mapagkakaila na magaling na player si Callie.

"We will go with Callie core pero sa pagkakataong ito ay nakabantay sa kaniya si Elvis at Dion. He needs one support and one tank for the match just to secure his safety. "Juancho and Milan, you need to stick with each other. An assassin and a mage is a good combination para mabilis ma-eliminate ang kalaban."

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Coach at dito nag-sink in sa akin na hindi basta-bastang kalaban ang Battle Cry. Outside the game, they are our friends pero sa mundo ng Hunter Online? They are one of our biggest enemy.

Matapos ang meeting ay isa-isa nang kumalas ang lagat, may ibang magpa-practice at may iba naman na magla-livestream pa. Naiwan kaming dalawa ni Dion sa sala. "Ang liit lang talaga ng mundo ng gaming community. Kalaban ko na ngayon ang mga kakampi ko noon." sabi ni Dion.

"It's not that we will lose all the friendship that we have sa isang match lang. Kagaya nga ng sinabi ni Sir Theo. We are now playing in Orient Crown, sila ang nagbigay sa atin ng isa pang pagkakataon na ipakita sa lahat na may ibubuga tayo sa paglalaro. It will be unfair for the Orient Crown if we will not give our 100% dahil lang dati natin silang ka-team." Paalala ko kay Dion.

"Yup. Kailangan kong makaisip ng mga bagong combo para sa lanan na 'to."

"I'll help you. Online tayo mamaya para makapg-practice ka." Paalala ko sa kaniya.

Habang nakatambay kami sa sala, I checked the twitter trending list and as expected, trending ang Battle Cry at Orient Crown. Iba-iba ang opinyon ng gaming community patungkol dito pero isa lang ang masasabi ko— they are excited for the upcoming match this sunday.

"Tingnan mo 'tong tweet ni Liu. Butaw na instik talaga." Naiiling na sabi ni Dion while showing his phone.

Ansel_Liu:
Hoy @Oliyehiyooo kaysa maglaban tayo sa Hunter Online, pagalingan na lang mag-chinese garter. Palag.

Oliyehiyooo:
@Ansel_Liu Basta out mother dead all.

BattleCry_Renshi:
You guys are dumb. 🙄

Oliyehiyooo:
Galing talaga sa pinakabobong estudyante sa Ateneo. 🙄

"Wala ka talagang makukuhang matinong conversation sa mga 'yan." Sabi ko kay Dion habang nakangiting napapailing. "Atleast 'di ba, aware tayo na hindi dinidibdib ng lahat ang mangyayring match. Kung ano man ang maging resulta sa Sunday, no hard feelings na lang din. We will all just play for our team pero 'yong level of friendship ay hindi naman mababawasan."

Matapos naming mag-usap ni Dion ay hinayaan ko muna siyang manood ng mga replay ng mga match niya sa youtube para maging aware daw siya sa mga reflexes niya kapag nasa match dahil doon daw aware sina Oli.

Pumunta ako sa pool area at nakaupo si Noah sa gilid ng pool habang nakababad ang kaniyang binti sa tubig.

"Namomroblema ka sa match?" Tanong ko at umupo sa kniyang tabi. Niyakap ko ang tuhod ko at napatingin sa mga bituin sa kalangitan.

"Hindi ko magulo sila Kuya Callie, busy sa pagpe-prepare sa laban. Saka wala si bespren dito," Si Noah ang pinaka-close kay Genesis. "Nangako kaming dalawa na sabay naming ipapasok ang Orient Crown sa season 4 tournament pero mukhng hindi siya makakalaro sa Sunday."

"Babalik din si Genesis, Hunter Online is a big thing for him. Ilang buwan ding bangko si Genesis sa Phantom Knights at hindi lumaro pero hindi niya sinukuan ang gaming." Paalala ko sa kaniya.

"Gusto lumaro ni Genesis, kaso nakabantay daw ang nanay niya sa kaniya kaya hindi siya makaalis sa kanila. Focus sa online class daw." Bilib din ako rito kay Noah dahil napapakuwento na niya si Genesis ngayon.

Samantalang dati ay ayaw na ayaw ni Genesis ang prisensiya ni Noah dahil daw masyadong maingay ito (which is totoo). "We will win this. Kailangan natin galingan para kay Genesis para kung hindi man siya makabalik sa Sunday, makakalaro naman si Genesis sa mismong tournament. Kaya ikaw, galingan mo,"

Tumayo si Noah at nag-unat. Ngumiti siya sa akin. "Gagalingan ko, Captain, ibibigay ko sa inyo ang trophy na deserved ninyo. Lalo kay Kuya Dion at Kuya Larkin, ang tagal na nila sa industriyang ito, deserved nila na mahawakan ang trophy sa season na 'to." Napangiti ako sa sinabi ni Noah. "Pero siyempre, bibigyan ninyo ako ng mahal na gamit na maibebenta ko sa game bilang kapalit."

"Overprice ka nga magbenta."

"Captain, ang tawag doon ay business minded. Madami ngang bumibili na sa akin ng mga items kahit mahal kasi sinasabi ko na galing sa inyo 'yon kahit hindi naman." sabi niya sa akin.

Napaikot ako ng mata at napailing. Same old Noah.

***

KINAUMAGAHAN, matapos naming mag-jogging (which is ayaw na ayaw ng ibang players namin especially ni Dion) ay sabay-sabay kaming kumain habang nanonood ng talk ng mga game analysis sa kung anong prediction ang nakikita nilang mangyayari sa sunday.

"Alam mo, partner, isa talaga sa mga match na hindi natin inaasahan na magkakatapat dito sa Qualifiers ay ang laban ng Battle Cry at Orient Crown," Hanz said sa kasama niya sa livestream na si Lloyd. "We both know na base sa mga laban nila nitong buong qualifier round... they both deserved to be part of the season four tournament and I bet all of our viewers right now will agree to that."

"No one expected this." Lloyd said.

"No one." Pag-agree ni Hanz.

"At ang isa pang dahilan kung bakit inaabangan nila ang laban na 'to? There are some ex-members ng Battle Cry ang nasa Orient Crown ngayon. Milan, Dion, and Liu we all know how great this players are na pinakawalan lang ng Battle Cry." Lloyd said.

"Si Dion at Milan lang magaling, si Liu sabit lang." sabat ni Larkin habang kumakain kami.

"Tangina mo. Magtae ka sana sa kinakain mo." Ganti ni Liu na ikinatawa namin.

"But you know, this match will be an example kung ano ang dapat i-expect ng mga viewers sa season four tournament. This will be a great fight between a good teams." Si Hanz talaga 'yong isang shoutcaster na hinahangaan ko sa galing niyang mang-hype ng mga matches at players. No wonder kung bakit siya paulit-ulit na kinukuha ng Hunter Online to shoutcast.

"At isa pa partner, magkakaibigan 'yang mga 'yan. They even celebrated Dion's birthday together 'di ba. Sure naman ako na walang masisirang pagkakaibigan diyan." Lloyd said while laughing. "So for our viewers, don't forget to watch the Battle Against the wolves and the royals tomorrow, 4PM ng hapon and after their match we will announce kung sino-sinong team ang kukumpleto para sa long awaited season 4 tournament."

Matapos ang livestream nila Hanz ay bumalik na kami sa aming pagkain. May ibang nag-uusap sa kung paano ang magiging laro nila bukas at mayroon naman na ayaw nang pagkuwentuhan ang magaganap na match dahil nai-i-stress daw sila.

Maya-maya lamang ay nakita kong nagba-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa table.

🦥 Genesis 🦥 calling...

Hindi ko naman in-expect na tatawag sa akin si Genesis dahil sobrang rare niya mag-phone call at hangga't kayang pag-usapan sa text or chat ay ganoon lang ang gagawin niya. Tumatawag lang naman si Genesis kapag naliligaw siya.

"Hello?" I answered.

"Gusto kong lumaro." sagot ni Genesis sa bagot na tono and sanay na ako, that's his normal tone. Actually mataas na nga ang energy niya sa lagay na 'yan.

"Pero hindi ka pinap—"

"Tatakas ako. Fetch me here in our house. Gusto kong lumaro." Rinig ko ang determinasyon sa kaniyang boses. "I can take all the sermon of my parents after the match pero lalaro ako. Nangako ako kay Noah na dalawa kaming magdadala sa Orient Crown sa season four tournament."

Napangiti ako dahil ang precious ng nabuong friendship sa kanilang dalawa. "Send me the address, puntahan ka namin."

"Text ko sa 'yo, Captain, pero sa likod ng bahay kayo dumaan para hindi makita nila Mom." He said at ibinaba niya na ang tawag.

Kinausap ko sina Coach tungkol sa sinabi sa akin ni Genesis at pumayag naman sila na sunduin namin si Genesis. Sil na lang daw ang sasalo ng galit ng nanay ng mga magulang nito dahil ayaw daw nilang hadlangan ang pangarap ni Genesis na lumaro pa.

Si Larkin at si Noah ang kasama ko sa kotse papunta sa bahay nila Genesis. "Tangina ni Boy pipe, hindi na lang namasahe papunta sa boothcamp."

"Sa tingin mo talaga ay makakarating si Genesis sa boothcamp kapag namasahe siya?" Tanong ko kay Oppa.

"May point." he answered. Si Noah naman ay excited ng makapunta kami sa bahay nila Genesis.

Hindi basta-bastang subdivision ang tinitirahan nila Genesis. Masasabi kong may kaya naman talaga ang pamilya ni Genesis at mahal niya lang talaga ang paglalaro.

"Sure ka bang nandito na tayo sa kanila?" Tanong ni Larkin at pinatay ang makina ng kotse. Minake sure namin na umikot talaga kami pra hindi kami makita sa main gate ng bahay nila.

"Ito ang binigay na address ni Genesis, eh. Wait chat ko."

Milan:
We are outside your house na.

May isang bintana ang nagbukas sa second floor at bagot kaming tinitingnan. Kinawayan siya ni Noah pero hindi niya ito pinansin. Bumalik ang tingin ni Noah sa cellphone niya.

Genesis:
Trespass kayo. I need help sa pagbaba.

"Akyatin daw natin 'yong fence nila." Sabi ko kanila Oppa pagkababa namin ng sasakyan. Hindi naman ganoon kataas ang fence nila Genesis kung kaya't kaya ko ring makapasok. Mabuti na lang talaga at naisipan kong mag-jogging pants ngayon.

"Tangina ni Boy Pipe, plano pa yatang ipakulong tayo. Ayoko–" hindi na natapos ni Larkin ang sinasabi niya noong inakyat na ni Noah ang bakod. "Tangina mo. Kapag na-suspend ulit ako sa paglalaro pipitikin ko ang bumbunan mong bata ka. Bumaba ka diyan."

"Para kay Genesis 'to." Sabi ko kay Oppa at umakyat na rin ako ng bakod.

"Tangina 'di naman kami close." Napasabunot si Larkin sa kaniyang buhok. "Bahala na nga!" Umakyat na rin si Larkin.

Unang nakababa sa kabilang side si Noah at inalalayan niya naman ako. "Laki ng bahay ni bespren. Mas mayaman pa sa inyo si Bespren, Captain." He said while amazingly looking at the house."

Sana lang talaga at hindi magtaka ang parents ni Genesis kung bakit tahol nang tahol ang mga nakakulomg nilang husky sa gilid. "Bilisan natin." Sabi ni Oppa.

Napatingala kami sa second floor at binuksan ni Genesis ang glass door sa balcony nila. Hinagis niya pabagsak ang duffle bag niya na sinalo ko. Tumingin siya sa loob ng bahay nila para masiguradong hindi siya nakikita ng parents niya.

"Boy pipe, kumuha ka ng kumot. Gamitin mo pababa." Utos ni Larkin while making a hand gesture na parang bilisan ni Genesis. "Bilisan mo! Kabado bente ako rito sa ginagawa namin."

"Bestfriend talon!" Sigaw ni Noah.

Nabigla ako noong tumuntong si Genesis sa sandalan sa balcony at tumalon talaga siya pababa. As in kinabahan ako sa buhay niya dahil mataas-taas din ang second floor ng bahay nila at puwedeng mapilayan si Genesis.

"Putang!" Sigaw ni Larkin at mabuti na lang at nasalo nilang dalawa ni Noah si Genesis. "Anong kaululan 'yon gago ka! Nawalan ng tibok ang puso ko sa ginawa mong kupal ka. Naniniwala ka sa sinasabi nitong si Noah."

I smiled seeing how happy Genesis is. He really love gaming, willing talaga siyang mag-take risk. "Tara na." Si Genesis ang nag-aya at tumakbo papunta sa bakod para umakyat.

"Kisses and Hershey! Sino 'yang tinatahulan ninyo?" Biglang sumulpot ang Tatay ni Genesis sa likod ng bahay para icheck ang mga aso. Nakita niya si Genesis na paakyat ng bakod. "Anong ginagawa mong bata ka?"

He run towards our direction at napakapit kmi kay Genesis na parang may magagawa siya against his Dad. "Bumalik ka rito, magagalit ang Mommy mo na naman sa 'yo."

"Gusto kong maglaro, Dad," Genesis seriously said to him. "Mahal ko ang paglalaro. I feel more alive when I am playing games. Gusto kong lumaban pa, 'Pa." sabi ni Genesis sa ama niya.

"Pero—"

"Tapos na ako sa mga module ko, 'Pa. A-attend din ako sa online class ko kapag nasa boothcamp ako. Ayokong iwan bigla ang Orient Crown. Lalaban pa ako, 'Pa." He's really trying to persuade his Dad.

His father sighed. "Sige na. Ako na ang bahala sa mommy mo. But promise me na makakasama ka sa top 10 this semester para hindi na sumugod ulit ang Mommy mo sa boothcamp para kuhanin ka."

"Opo Dad." Nakangiting sagot ni Genesis.

"Kapag talaga tungkol sa gaming ay nakikita ko ang kinang sa mata mo, 'nak" Tumingin ang tatay niya sa direksiyon ng bahay nila. "Sige na anak, umalis na kayo bago pa malaman ng Mommy mo. Ako na gagawa ng palusot."

"Thanks, Dad."

"Salamat, Tito." Sabi ko sa tatay ni Genesis.

"Kayo na ang bahala sa Anak ko. Manalo sana kayo sa match ninyo bukas." Huling sinabi ni Tito sa amin at inakyat na muli namin ang bakod pra makapabas sa bahay nila

Nagulat kami ng tuloy-tuloy na tumakbo si Genesis.

"Hoy boy Pipe! Saan ka pupunta?! Heto ang kotse! Sumakay ka na rito!" Hinatak siya ni Larkin pabalik at pinasakay sa shotgun seat.

Pinaandar niya ang makina at nag-drive pabalik ng boothcamp.

Nakangiti si Genesis habang nakasandal sa upuan niya. "That was fun." Sabi niya sa sarili niya.

"Welcome back, Genesis"

"Welcome back, bespren." sabi ni Noah sa kaniy.

"Captain, anong plano ninyo laban sa Battle Cry?" He asked na para bang handa na ulit siyang lumaro para sa team.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top