Chapter 104: Game Adjustment
"Baka po puwede nating mapag-usapan sa mas mahinahong paraan? Nasa kalagitnaan ng kumpetisyon ang Orient Crown, pulling Genesis out of the team will have a big impact on our group performance." Mahinahong paliwanag ni Sir Theo kay Tita Geneva at Tito Arthur (mga magulang ni Genesis).
They are having a talk in living room habang tahimik kaming nakikinig ni Noah malapit sa hagdanan. Sa pagpunta ng mga magulang dito ni Genesis ay na-realize ko kung gaano nakakatakot ang internet world. I mean, okay mga issues ang ibang kasamahan ko sa Orient Crown, but in the internet? They are making things more exaggerated which is naging dahilan para magpunta ang magulang ni Genesis.
Ang nakakatawa pa ay kung sino ang nagsasabi na iangat ang ESports sa Pilipinas ay sila din ang nangunguna sa paghila ng mga players kapag nagkakamali sila. Hindi naman sila magiging professional player in an instant sa ginagawa nila, mas pinapapangit lang nila ang image ng gaming community, sa totoo lang.
"Makakalaro ba si bestfriend sa mga susunod na araw?" Nag-a-alalang tanong ni Noah sa akin.
"Hindi ko rin alam," I honestly answered but I messed his hair. "Pero kilala mo naman si Sir Theo, gagawin niya ang lahat para makapagpatuloy sa paglalaro si Genesis."
Bumaling na muli ang atensiyon naming dalawa sa mga nag-uusap sa living room. "Theo, pinagkatiwala namin ang anak namin sa ito dahil nangako kang aalagaan mo si Genesis. Pero ano 'tong kabi-kabilang issue na kinakasangkutan ninyo na kumakalat sa social media. Nakabuntis? Umiinom? Hinahayaan ninyo lang mangyari 'yon?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Geneva.
Can't blame her, nag-aalala lang din naman siya sa anak niya. Genesis silently listening sa tabi ng mga magulang niya.
"Miss Geneva, mawalang-galang lang po. Some of our players are big enough to handle big decisions in their lives. Mahirap na mundo ang ESports at alam kong hindi ninyo naiintindihan ang nangyayari sa loob, may kanya-kanyang way ang mga bata para i-relax ang mga sarili nila." Paliwanag ni Sir Theo.
"Theo, ang daming activities na puwede mong ipagawa sa mga bata," Aligagang paliwanag ni Tita Geneva. "Sana nagpagawa ka na lang ng mga recreational activities sa mga bata! Allowing them to drink? Really? Magandang impluwensiya sa mga batang gamer ba 'yan?" Mahabang paliwanag noong nanay ni Genesis. Kahit ako ay natahimik na lamang, I know where her frustrations came from. Hindi ito basta-basta isang galit... this is a frustration for her son.
"Mom, hindi naging masamang example sa akin si Kuya Kaden at hindi rin ako pinilit na uminom ni Kuya Lar–"
"Genesis! Kailan kita tinuruan na sumabat sa usapan?" Her Mom asked at bumaling ang tingin nito sa Tatay ni Genesis. "Tingnan mo, Arthur, kinukunsunti mo kasi sita sa paglalaro niya ng walang kuwentang online game na 'to kaya kung kani-kanino nababarkada 'yang anak mo. Iuuwi na natin si Genesis, kuhanin mo 'yong mga gamit niya sa kuwarto nila. Mas ayos na pagtuunan na lang nang pansin ng anak mo 'yong pag-aaral niya!"
Nagulat ako noong nawala si Noah sa tabi ko, naglakad na siya tungo sa direksiyon. "Noah! Noah!" I tried to call him several times pero hindi ko na siya napigilan.
Nakatayo na si Noah sa harap ng mga magulang ni Genesis. Even Genesis, he is shook na makita ang nakapantulog pang si Noah. "Hindi po walang kuwenta ang ginagawang paglalaro ng anak ninyo! Magaling na player po si Genesis. Huwag ninyo pong sinasabihan na walang kuwenta ang bagay na mahal na gawin ni Genesis!" Pagtatanggol ni Noah at mabilis siyang hinatao ni Sir Theo sa kaniyang tabi.
Nagising na ang ibang members ng Orient Crown dahil sa ingay na nangyayari.
Genesis smiled to Noah at may kinuhang candy sa kaniyang bulsa. "Babalik ako," Genesis said at tumingin siya kay Sir Theo. "Aalis muna ako ng Boothcamp, Sir, para hindi na mas lumaki ang gulo."
"Himala, ang haba nang sinabi ni Boy Pipe," side comment ni Larkin na nasa tabi ko na pala. "Napakasarap namang almusal niyan. Confrontation, kabusog."
Sir Theo tried to convince Genesis parents once again pero buo na ang desisyon ng Nanay ni Genesis. Naiintindihan ko naman din na nadadamay si Genesis sa mga issue na kinakaharap ng Orient Crown, at kapag damay si Genesis ay nadadamay ang magulang niya sa issue. Mukha naman ding karespe-respetadong tao si Tita Geneva na pinoprotektahan lang din ang kaniyang anak.
Genesis packed his things at nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan ng kanilang kuwarto. Watching him go made me lonely, this whole situation is a mess for the group. Wala naman kaming ginagawang mali lahat pero bakit ang hirap abutin ng pangarap namin?
Genesis suddenly looked to my direction, I gave him a weak smile. "Mag-iingat ka, Genesis. Uminom ka na ng Milo para magka-energy ka." Trying to make the atmosphere more lightier.
Genesis blinked his eyes. "Babalik ako." Tipid niyang sabi.
"Alam ko, alam kong mahal mo ang Orient Crown," hindi man showy si Genesis pero alam kong sobrang komportable siya sa grupo. The way he gave candy kapag may member kaming nalulungkot ay malaking bagay na para ipakitang gusto niya sa Orient Crown
"Bestfriend..." dumungaw din sa pinto si Noah.
"Galingan ninyo." he closed the zipper of his bag na punong-puni ngayon dahil sa gamit niya. Alam kong nalulungkot si Genesis sa nangyayari pero hindi niya masuway ang magulang niya. They are still Genesis parents.
Baka kapag sumagot-sagot si Genesis ay mas lalo lang siyang hindi makapaglaro. At wala sa personality ni Genesis na sumasagor sa magulang, he rather sleep than talking to anyone.
Isinuot ni Genesis ang bag niya at naglakad palabas ng room nila.
As the captain of the Orient Crown ay napu-frustrate din ako sa nangyayari. Dalawang member namin ang suspended ng ilang linggo sa laro at ngayon ay mawawalan pa kami ng isang assassin. Usually, si Genesis ang nag-sa-sub sa akin na shotcaller sa tuwing wala ako sa boothcamp or hindi ako lumalaro. He is really a talented kid pagdating sa paglalaro ng Hunter Online.
Bagot na lumingon si Genesis sa amin at kumaway bago sumakay ng kanilang sasakyan.
"Crazy mother." Naiiling na sabi ni Larkin pagkaalis nila Genesis. "Naghanap nang masisisi para makuha si Genesis dito sa boothcamp, sinisi pa pag-inom ko eh mas gusto ko pa ngang kumausap sa pader kaysa kausapin 'yong si boy pipe. Mas sasagutin pa ako ng pader kaysa ni Genesis, eh." he explained.
"Ikaw," itinuro ko si Larkin, "Bawasan mo na pag-inom mo. Kung iinom ka man, make sure na walang camera o phone ang nakatutok sa 'yo. Nai-stress na ako sa mga issue."
"Heathy living tayo ngayon." he chuckled.
Sabay-sabay kaming nag-breakfast dahil maya-maya lamang na alas-onse ay may laban kami. I need to make an adjustment lalo na't kasama si Genesis sa lineup ng ibang match. Larkin is suspended at wala rin si Genesis ngayon, meaning, ako lang ang Assassin ngayon sa team.
"Kaya mo?" Dion asked while I am tapping my pen on the notebook.
"Wala akong choing kung hindi ang maglaro ngayon, okay lang naman, kaya ko naman kaso ang iniisip ko ay 'yong mga susunod na araw. Paniguradong hindi naman makakabalik si Genesis dito agad at ilang araw pa ang dapat lumipas bago ma-lift ang suspension ni Oppa." Kumamot ako ng ulo ko at humigop noong kape ko.
"Kalma, kaya mo 'yan. Our team is versatile, they can adjust in different situation ." Dion assured me while cupping my cheeks kung kaya't napipilitan akong mapanguso.
"Kausapin ko lang si Coach Robert tungkol dito." bulong ko sa kaniya at lumapit ako kay Coach na may isinusulat sa kaniyang clipboard.
"Ngayong araw ka lang puwede, 'no, Milan?" Coach asked at mukhang problematic din siya sa magiging line up. I nodded as I agreed.
Tumabi sa amin si Callie dahil ilang oras na lamang ay mag-i-start na ang laban. "Kinakabahan kayo, Coach? Wala kayong elibs sa akin? Parang mga level 10 lang 'yang makakalaban natin mamaya." Pagmamayabang ni Callie habang umiinom ng kape.
"Yabang mo." I said.
"Magkaiba ang mayabang sa nagsasabi ng totoo." he assured. God, kung hindi lang suspended ang ibang players namin ay nasipa ko na ulit itong si Caliber hanggang sa ma-injury.
"If Milan can't play all the time, kailangan natin ng isang shot caller. Hindi naman din puwedeng si Callie dahil mahihirapan siya as a core. He need to focus on his objectives and goals." Nagawa ni Genesis ang bagay na iyon dahil grabe ang observation ni Genesis sa maliliit na details at siya pa lang ang player na nakita ko na may ganoong klaseng kakayahan. Even Callie, aminado siya na hindi niya kayang pagsabayin ang dalawa.
"Hindi rin puwedeng si Dion, he needs to focus on protecting the core at hindi siya puwedeng umikot-umikot sa mapa. Masyadong risky." sabi ko sa kanila.
"Si Juancho kaya?" tanong ni Callie.
"He is mage, mabilis siyang mapipitas kapag nag-shotcall siya. At isa pa, mas kailangan natin si Juancho sa mga team clash since mas masakot ang skills niya kaysa sa basic attack niya. He can't roam around the map. Mas mailalagay lang tayo no'n sa mas delikadong sitwasyon." Paliwanag ko sa kaniya.
Nag-iisip si Coach Robert sa kung ano ang puwede naming gawin. "Callie, kaya mo mag-solo?" tanong ni Coach.
"Mas pabor ako sa Solo, Coach, mas makakapag-ikot ako sa map ng hindi iniintindi ang mga sumusunod sa akin." paliwanag ni Callie.
"May naiisip kang plano, Coach?" tanong ko. Usually, Coach Robert allows me to come up with the tactics and plan pero kapag si Coach Robert na ang nagpayo ay parating weird but still effective ang nilalatag niyang plano. Minsan ay nawi-weird-uhan kami pero once na ginawa na namin ang pinapa-execute ni Coach ay effective ito.
"Elvis will do the Shotcall," itinuro ni Coach ang picture ni Elvis sa may clipboard.
"Pero support si Elvis, Coach, he can be easily be targeted if kung siya ang mag-iikot sa mapa." Malaki ang papel ni Elvis sa kada-match lalo na't siya ang naghi-heal or nagbibigay ng mga ability boost sa amin since he is a support.
"Doon papasok si Dion. Hindi si Callie ang poprotektahan niya kung hindi si Elvis. Silang dalawa ang iikot sa map." Napakunot kami ng noo ni Callie sa weird na tactic na ito. "Ang mangyayari, kayo ang magsasabi ng location ninyo kay Elvis thru chat at siy ang pupunta sa inyo. He will heal and assist you at kapag nagawa na niya iyon ay pupunta naman siya sa next member na ia-assist niya. It will be a lot of work for Elvis pero kapag na-execute niya ito aymas tataas ang durability ng bawat member ng team sa match."
"Experiment, Coach?" Tanong ko. "Hindi basta-bastang tournament ang nilalabanan natin ngayon, Coach, kapag hindi gumana 'yan ay mas mahihirapan tayong makapasok sa Top 10 teams." Hindi naman ako takit gumawa ng risky plays pero ito kasi... malaking pagbabago ito sa Orient Crown, if this fail ay mawawalan na kami ng tiyansa sa inaasam naming tournament.
We want to be part of top 10 teams, hindi ko gustong masayang ang effort ng buong grupo.
"Bakit, Milan, may iba ka pa bang plano na naiisip?" Callie asked me at wala akong nasagot. "Isugal na natin 'to. Naniniwala ako kay Elvis at Dion. They are not rookie when it comes to Professional Scene, hindi sila kqbado na gumawa ng mga risky play."
"Magtiwala ka sa mga players natin, Milan." Coach Robert said. "Hindi naman din permanenteng pagbabago ito. May mga players tayong hindi makakalaro kung kaya kailangan mag-adjust ng buong team para mapunan ang pagkukulang na iyon. Once na ma-lift ang suspension kanila Larkin at makabalik na rito si Genesis ay babalik na sa ayos ang lahat. For the meantime, susugal muna tayo." Kita ko sa mata ni Coach na kumpiyansa siya sa plano niya. Ibinibigay niya sa Orient Crown ang buong tiwala niya para ma-execute ang planong ito.
Kung naniniwala si Coach Robert na mae-execute namin ito ay dapat ay magtiwala rin ako sa mga members ko. They trained hard for this competition and they are ready for the sudden adjustments, dapat maniwala ako sa kakayahan at sa kung ano ang kaya nilang iambag sa buong team.
We are all a diamond that Sir Theo fussy picked. Lahat ay may ibubuga.
"Yes, Coach." I nodded at napangiti si Coach. "Bibigyan ko na agad ng pointers si Elvis pagkatapos ng laban ko mamaya sa kung paano ang dapat na gawin niya as a shotcaller."
"Thank you, kayo na ang bahala kay Dion at Elvis. Sa ngayon, mag-focus muna kayo sa laban ninyo mamaya. Everything will be okay soon, malalampasan ng Orient Crown ang issue na kinakaharap nila." Paninigurado ni Coach sa amin.
Bumalik na kami sa pagkaing dalawa ni Callie. Matapos kumain ay kinuha ko na ang nerve gear ko sa kuwarto para maghanda sa laban.
10:55AM noong magsimula kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming inclining chair para sa gaganaping laban.
Huminga muna ako ng malalim bago ko isinuot ang nerve gear ko at pumasok sa mundo ng Hunter Online.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top