Chapter 103: Practice Game

NAGING isang malaking balita sa gaming community ang pagiging future Dad ni Kaden. Iba-iba ang nagging opinyon at reaksiyon ng mga tao patungkol dito, some are happy with the news (na dapat lang) pero mas marami ang mas inatake ang mga Esports players dahil hindi raw kami nagiging magandang impluwensiya sa mga kabataan ngayon.

Hindi ko gets kung bakit hindi na lang maging masaya ang lahat ng tao sa balita, kahit ang mga game para sa ngayong araw ay pinost-pone muna dahil nga masyadong maingay ang issue.  I mean, Nicole and Kaden are both adults already, they are big enough to know the affiliation of their actions. They can make decisions with minimal supervision already.

“Focus na lang muna siguro tayo sa practice ngayon.” Anunsiyo ko sa buong team habang nasa sala kami. “Hindi porke’t suspended ang mga laro ngayong araw ay pahinga na sa atin ito. We need to guarantee our spot in season 4 tournament, maliwanag ba?” Tanong ko.

“Yes, Captain!” They answered in unison. Gusto ko rin yung mentality nila na hindi sila masyadong nagpapaapekto sa issue na ibinabato sa amin. Hay, sayang nga lang at hindi ako makapaglalaro ngayong araw, excited pa naman ako bumalik dito sa boothcamp dahil larong-laro na ako at sobrang stressed ko na sa academics ko.

“Paano sina Kuya Kaden at Kuya Larkin, kasama ba sila sa practice natin ngayong araw?” tanong ni Noah at napatingin ako sa office ni Sir Theo dahil kinakausap niya ang dalawa tungkol sa issue.

“Let’s practice without them first,” Pagsabat ni Callie habang pumipili siya ng magandang movie or series sa Netflix. “Paniguradong magiging suspended ang dalawang iyan ng ilang araw dahil sa issue, mas maganda kung pupuliduhin natin ang lineup natin ng wala muna sila.”

“Hindi ko talaga gets kung bakit nadamay si Larkin sa masu-suspend dahil lang sa nakita siya ng ilang fans sa bar.” Side comment ni Liu which is I agreed.

Oo, umiinom si Larkin lalo kapag stress siya sa gaming pero never siyang naging bad influence sa buong Orient Crown. Kapag sinabi mo sa kaniya na hindi ka umiinom or hindi ka iinom ay hindi ka rin naman niya pipilitin, and for me, he is being a great kuya sa mga minor members namin. Mas tutok pa nga si Larkin sa pag-aalaga sa kanila dahil madalas din naman akong wala sa boothcamp.

“’Yong iba naman kasi ay fan ng ibang team. Siyempre makikisawsaw ‘yon sa issue natin.” Sumang-ayon din ako sa sinabi ni Dion dahil may mga fans talaga na sunod sa hype na magbibigay ng opinion dahil lang uso. They feel like they are cool kids when they are giving their entitled opinions.

As a Captain, I need to step up my game this time. “Start ang practice natin around 10:00AM, practice tayo ng position ng wala si Kaden at Larkin.” Tumayo ako at pinagmasdan sila isa-isa. “Dion and Genesis since same position kayo noong dalawa, tuloy-tuloy kayong lalaro for the meantime.”

“Yes, Captain!”

Lumabas sina Larkin at Kaden mula sa office at napatingin kaming lahat sa kanila. “Guys, sorry sa gulong nagawa ko.” ‘Yan ang bungad na sinabi sa amin ni Kaden sa amin habang napapakamot siya ng kaniyang batok sa hiya. I mean, wala naman siyang dapat ihingi ng dapat sa amin, wala naman siyang inagrabyado sa amin.

“Okay lang ‘yon.” Nakangiting sabi ni Dion at naglakad siya tungo sa direksiyon ni Kaden. “Tuloy-tuloy laro ko ngayon, pakitaan kita kung gaano ako kalupit mag-tank. Mas magaling ako sa ‘yo.”

Napailing si Kaden at napangiti. “Gago.”

“Anong balita sa inyong dalawa? Masarap bang ma-principal’s office?” tanong naman ni Noah sa kanila.
Ibinagsak ni Larkin ang kaniyang sarili sa bakanteng bean bag at komportableng ipinatong ang paa sa center table. “Ayon, suspended.”

“Saya mo, ah.” sabi ko sa kaniya.

“Bakit hindi ako magiging masaya?” Larkin chuckled. “Suspended ako, ibig sabihin no’n hindi ako lalaro. Chill lang ako sa mga susunod na araw. Magpakahirap kayong Manalo samantalang ako…” he closed his eyes. “Matutulog.”

Napairap na lang ako sa ere dahil hindi ko kinakaya ang mind set nitong si Larkin, siya lang ang nasuspinde na masaya pa. Mukhang pabor nga sa kaniya dahil siya ang na-stress sa aming dalawa sa pagli-lead ng team habang nasa Bulacan pa ako, eh.

Ilang minute kaming nakipag-usap kay Kaden at ayon sa kaniya ay isang linggo silang suspended sa mga matches. Kung iisipin ng iba ay isang linggo lang iyon pero para sa amin… ilang match din ‘yon nang pag-a-adjust lalo na’t hindi naman basta-bastang player sina Larkin at Kaden. They are one of our asset na nagbibigay talaga ng assurance na mananalo kami sa mga match.

I kinda understand the management’s decision na huwag munang palaruin sina Kaden. They are just protecting the image of the team at gusto lang din nila pahupain ‘yong issue bago isalang ulit ang dalawa sa laro.

“Okay, guys, practice na tayo!” I clapped my hands at naglakad na kami papunta sa training room upang ma-monitor ko ang practice na aming gagawin. “Hoy, Oppa, anong pahinga ka diyan! Tutulungan mo akong mag-monitor sa progress at playing status noong mga lalaro.”

“Awit nitong si Milan, suspended na nga ako, eh!” reklamo ni Larkin at tinanggap ang isang clipboard na inabot ko sa kaniya. Sa clipboard ay nakalagay ang mga pangalan ng players na lalaro at sa gilid nito ay may bakanteng space na kung saan maglalagay kaming dalawa ng comment sa laro nila ngayong araw.

Isinuot na nila ang kanilang nerve gear at nag-log-in sa game. Binuhay ni Larkin ang malaking TV dito sa training room na kung saan mapapanood namin ang magiging laban nila. They will do a 6v6 match, hinayaan ko na sila kung paano ang proseso nang pagpili nila sa team nila.

“These past days, sino ‘yong nasa magandang kundisyon lumaro?” tanong ko kay Larkin habang nakatutok sa screen. Pumasok si Coach Russel sa training room upang manood din ng laban.

“Noah is doing great these past few days,” seryosong sabi ni Larkin habang ipinakita niya ang character ni Noah sa screen. “Hindi katulad noong mga naunang buwan ni Noah rito sa Orient Crown na wala siyang coordination sa kahit kaninong ka-team niya, ngayon, he can blend well at sanay na siyang makiramdam kung ano ang mga risky moves na makakaapekto sa team.”

Puro kalokohan man si Larkin but he really monitored each member of the Orient Crown. Oppa really gives an honest critic based on the player’s performance. Kagaya nga nang sabi ko, papasa na Captain itong si Larkin pero itinapon niya lang sa akin ang responsibilidad, which is okay lang din naman. Nag-e-enjoy din akong i-lead ang Orient Crown at nakatutuwa rin kasing pagmasdan ang growth ng bawat kasama ko as a player.

“Si Dion din, maganda laro. Laki ng improvement as a tank, alam niya kung kalian siya mag-switch as a tank or a fighter since fighter/tank ang posisyon niya,” napatingin sa akin si Larkin. “Tuwang-tuwa ka naman na napupuri boyfriend mo. Pag-untugin ko kayong dalawa ng tatlong beses, eh.”

"Epal mo, kaya ka nasususpinde, eh." Ganti ko kay Larkin.

"Tanginang suspinde 'yan dahil lang sa umiinom ako ng alak. Alukin ko pa sila ng Tanduay, eh." Bahagya akong natawa dahil tinitigan siya ng matalim ni Coach. Mabilis naman tumiklop itong si Oppa. "Joke lang, Coach. Comedian talaga ako sa dati kong buhay."

Nag-focus na kaming dalawa sa panonood ng match. The good thing sa panonood ng match kasama si Coach Russel at si Larkin ay nakakarinig akong ibang perspective mula sa kanila. Especially with Coach, hindi sila basta-basta magiging Season 1 champion kung walang kuwenta ang mga input niya.

"I-note ninyo na kailangang mas bantayan ni Elvis ang bagsak ng healing skill niya. Dapat alam niya kung kailan niya pakakawalan 'yon." Isinulat ko sa clipboard ang sinabi ni Coach sa tapat ng pangalan ni Elvis.

Si Callie ang shotcaller sa isang team at si Genesis naman ang nasa kabila. "Anong masasabi mo sa shotcall ni Boy Pipe saka ni Boy Yabang?"

"Magaling naman sila parehas. All-rounder si Callie pero mas may experience si Genesis sa pagsha-shot call, mas gamay niya kung paano niya ili-lead 'yong team niya." I honestly said while taking down notes about their performance.

We are listing kung ano 'yong nakita namin sa performance nila sa practice game na iyon hanggang matapos ang dalawang match.

"Iyak muna kayo sa sulok. Hindi pa sinisilang ang tatalo kay Callie." Pagmamayabang ni Callie while flexing his biceps. Wala na talaga akong magagawa sa kayabangan ng taong 'to.

"Pilayin kita ulit." Liu said at nagtawanan ang lahat.

"Nice game, everyone!" Coach shouted at napaayos sila ng tayo lahat. "It's a good thing na nag-practice kayo ngayong araw. Mas maganda 'yong ganyang mindset na hindi tayo nagpapakampante sa mga kalaban. Maybe the matches will continue tomorrow. Milan, puliduhin mo 'yong lineup para bukas."

"Yes, Coach!" I answered. Coach left the room habang ang mga ka-team ko naman ay busy sa pagta-trashtalk-an sa nangyaring game kanina. God, hobby talaga nila na laitin ang play style ng isa't isa.

"Kumusta performance ko, Captain?" Noah excitedly asked noong nakalapit siya sa akin.

Iniabot ko sa kaniya 'yong clipboard na naglalaman ng side comment naming dalawa ni Larkin. Nagkumpulan naman ang mga mokong at binasa ang kung anong nakalagay sa papel.

"Mali ba pasok ng skill ko?" Elvis asked to us. "Na-heal ko naman sila, ah."

"Tama naman 'yong heal na ginawa mo. Mali lang ng timing," the good thing about Elvis ay tumatango-tango siyang nakikinig sa akin. He is really willing to improve his play.

"Paano ba dapat?"

"Release your skill right after na maubos 'yong skill ng kalaban mo sa mga ka-teammates mo. This is a challenge for you actually, Elvis, kailangan mo siya i-cast bago mamatay ang kakampi mo so kailangan mong maging alert sa heath bar ng mga kakampi mo. Perfect timing of your support will turn the table. It's good for aggressive play." I explained to him at napaisip si Elvis.

"Sige, practice-in ko." sagot sa akin ni Elvis.

Lumapit sa akin si Dion matapos makita ang clipboard. "Nice, maganda laro ko ngayon." He said at nakipag-apir sa akin.

"Oo goods 'yan. Lalo ngayon wala kang kapalitan sa pagiging tank, isang linggong suspendido si Kaden." Paalala ko kay Dion. God, sa tuwing naaalala ko 'yong napakababaw na reason kung bakit nai-issue ang Orient Crown ay napapairap na lang talaga ako.

"Ay siya nga pala, nag-aya sina Oli na magkita-kita tayo since wala rin daw silang ginagawa sa boothcamp nila ngayon. Sabi ko tanungin muna kita."

"Tara!" I nodded. "Ang tagal ko na ring hindi nakikita sila Oli. Wala na rin naman tayong gagawin sa boothcamp ngayon since tapos na 'yong practice game."

Pinaalala ko pa sa mga ka-team ko 'yong mga dapat nilang gawin at bantayan sa mga laro nila para maiwasan ang malalaking error. I even told to them na mamayang gabi ko sasabihin kung sino ang kasama sa lineup.

***

BANDANG alas-singko na noong mag-decide kami na magkita nila Oli sa Megamall since iyon 'yong halfway ng mga boothcamp namin. Tumambay kami sa isang cafe at balak yata nilang mag-ikot bago umuwi.

Ang boring nga kasama mag-shopping ng mga 'to, eh. As in hindi man lang nag-iikot sa ibang mga boutique or stall! Kung ano 'yong bibilihin nila ay iyon lang talaga ang binilihin nila. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ganoon mag-shopping ang mga lalaki. Like, hello, ang sarap kayang tumingin sa iba't ibang stall.

"Pucha larong-laro ako ngayong araw tapos postpone lang lahat ng laro." Reklamo ni Oli as soon as they arrived here sa spot kung saan kami magkikita-kita. Kasama niya sina Gavin at Renshi.

Si Oli? Ayon as usual, suot niya pa rin talaga ang jersey (take note, complete uniform) ng team nila at gustong-gusto niya talaga napapansin ng ibang tao.

"Imposibleng makilala ka talaga sa suot mong mokong ka, 'no?" Biro ni Dion.

"Ha?" Tiningnan ni Oli ang complete set niyang suot. "Oo, lowkey lang dapat tayo."

"How is your team ba right now?" Renshi asked. "Inuulan kayo nang bash in the internet now, ah."

"Sorry, nadamay pa kayong lahat." I speak.

"Wala naman kayong kasalanan." sabi ni Gavin. "Bobo lang talaga 'yong mga fans saka 'yong mga nagsusulat ng balita at tsismis sa mga Esports player. Puta pati tayo ginagawa ng showbiz."

"Congrats nga pala kay Kaden. Naks soon to be dad na, sana mana sa nanay." Oli said. "Wait nga, order muna tayo, nagugutom na ako."

Kinuha namin 'yong menu list sa gilid at tumingin sa kung anong masarap na merienda. "Tikman mo 'yong burger nila dito, masarap." Suhestiyon ni Dion.

"Binabantayan ko nga 'yong calorie ko ngayon." I honestly said.

Oo na, alam kong sinabi na food is life pero sa tuwing nakikita ko na medyo puff ko sa mga picture ko sa facebook or sa iba't ibang pages ay nako-conscious ako kahit papaano.

"Luh, payat ka na nga tapos magda-diet ka pa." Reklamo ni Dion. "Baliw ka, kumain ka."

"Sinasabihan mo kaya ako na tumataba rin ako."

"Biro lang 'yon para lang makuha ko atensiyon mo. Okay lang kahit tumaba ka, mas okay nga 'yon, mababawasan nagkaka-crush sa 'yo, eh." He said while wiggling his brows.

"Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo. Fries lang ako."

"Guys, nandito kaming tatlo, ah. Remind ko lang kayo, hindi kayo nagde-date na dalawa." Pambasag ni Oli sa pagtatalo naming dalawa kung kaya't mabilisan kaming um-order.

Sa pag-order namin ay um-order si Dion noong burger at napilit niya akong tikman... Hindi ko na napansin na ako nakaubos no'ng burger dahil the best talaga 'yong patty nila rito. "Binabantayan ko Calorie ko..." Dion mimicked my voice at mahina kong tinapik ang kaniyang braso.

"Kapag talaga hindi mo ako sinamahan mag-jogging bukas. Naku, Dmitri Onyx Villanueva, lagot ka talaga sa akin." Banta ko sa kaniya.

"Oo na, sasama ako sa 'yo mag-jogging bukas. Pero last na ulit 'yon." buwisit, hindi ko talaga siya mapilit na samahan mag-jogging araw-araw. Hindi daw namin bonding 'yon dahil kain ang bonding daw namin at paglalaro ng Hunter Online (which is tama naman).

"Sana all may kalandian pero huwag naman sa harapan namin," Gavin said at natawa kaming dalawa ni Dion. "Tatlo kaming single na kasama ninyo, oh. Respeto naman sa walang mahanap na kalandian sa Tinder."

"Kumusta nga pala standing ninyo?" Oli asked. "Naku umayos kayo, kailangan makapasok din kayo sa top 10 teams. Gusto ko kayong makalaban."

"May isang talo." sagot ko. "Alam kong isang lose lang 'yon pero nakakaba pa rin dahil maraming team ang may mas magandang standing sa amin. Hindi kami puwede magpakampante."

"Kaya pa 'yan." Gavin said. "Basta galingan ninyo lang lagi. Gusto nami. Kayong makalaban. Ginagalingan din namin para makapasok kami sa Top 10, I know tumaas ang expectation sa amin ng mga tao dahil nanalo kami sa malaking event last time kaya pressure din kami pero ginagawa naman ni Kendrix 'yong best niya."

"Nakakatawa lang isipin na iisa pa rin ang pangarap natin— makapasok sa season 4 tournament. But not as teammates anymore..."

Nagulat ako noong sinubuan ako ni Dion ng fries at napatawa sina Oli. "Magdadrama na naman siya."

"Epal mo."

"Alam mo, maganda naman ang naging resulta ng paghihiwalay natin kung real talk ang usapan. Gumanda ang laro natin sa Orient Crown, tapos ang Battle Cry ay mas bumagay sa play style nila 'yong mga bagong players nila." Dion explained.

"Baka ganoon nga talaga. Hindi compatible 'yong mga laro natin." Oli said. "Pero sana mapag-tank ako ulit ni Dion."

"The important thing kasi, we still remain friends. And you guys patched up your issues already. As long as we are here in this industry ay lahat tayo ay may chance na manalo sa mga tournament." Renshi said at napapalakpak kami.

"Iba talaga kapag atenista." Biro ni Gavin at nagtuloy kami sa pagkain.

It was a short moment with our Battle Cry friends pero kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman namin dahil sa issue na kinakaharap ng team namin.

Anong oras din akong nakatulog kinagabihan dahil pinag-isipan ko kung sino ang mga ipapasok sa laro. I decided na maglaro para sa game kinabukasan, I am just here in boothcamp every weekends kung kaya't gusto kong lumaro at mag-ambag sa panalo ng team.

***

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising dahil sa lakas ng katok sa pinto ko. Honestly isa ako sa mga taong maaga na nagigising dito sa boothcamp kung kaya't ang weird na may malakas na kumakalampag sa pinto ko ngayon.

"Captain! Captain!" Malakas na boses ni Noah ang naririnig ko mula sa labas.

"Wait lang," saglit akong nag-unat at hindi na ako nag-ayos ng buhok dahil sanay naman na kaming makita ang bare face ng isa't isa. "Ang aga mo yata nambubulabog ngayon—"

"Nandito magulang ni bespren. Kinukuha siya, pinauuwi sa kanila." Natatarantang kuwento sa akin ni Noah at nagising noon ang diwa ko.

Saglit akong bumalik sa kuwarto ko para kumuha ng scrunchie upang ipusod man lang ang buhok ko at nagmamadaling bumaba papunta sa sala ng boothcamp.

Nakita nga namin na kausap ni Sir Greg ang magulang ni Genesis at nakaupo din si Genesis sa tabi ni Sir Greg.

"Kukuhanin na namin ang anak namin dito, marami kaming nabalitaan tungkol sa team ninyo. Sinasabi ko na nga ba," Tumingin ang nanay ni Genesis sa kaniya. "Dapat ay mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo, mas lalo ka lang napapariwara dito. After what I heard on the internet, hindi ko na kayang ipagkatiwala ang anak ko sa inyo."

Oh God, iba talaga ang nagagawa ng mga issues sa internet.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top