Chapter 102: Tainted Image

I CONSIDERED na isa sa mga safe space ko ay kapag kasama ko ang mga College friends ko. Sobrang napapatawa ako ng kulokoy boys at ni Shannah kapag nagbabangayan sila. Kapag kasama ko sila ay nakalilimutan ko lahat ng stress ko sa boothcamp kung kaya't kapag uuwi ako ng Bulacan ay ang makita sila ang isa sa mga nilu-look forward ko.

Pero ngayong nakatambay kami sa ground floor ng Department namin (katatapos lang ng first class namin) ay ramdam kong may kakaiba. "May assignment na kayo sa General physics?" tanong ko.

"Ah, gumawa na kaming dalawa ni Tomy noong friday bago kami umuwi," sagot sa akin ni Shannah. "Kayo ba, Clyde, nakagawa na kayo?"

"Ngayon ba ang pasahan noon?" tanong ni Clyde. "Shit akala ko next meeting pa kasi sabi ni Ma'am Mariano ay by this week. Akala ko sa next meeting this week." Dali-daling kumuha ng yellow paper si Clyde sa bag niya at ganoon din si Trace.

Iniabot ko 'yong papel ko para mapakopya sila. "Ibahin ninyo na lang 'yong drawing tapos 'yong ayos ng solution para hindi halata." Paalala ko at nag-okay sign silang dalawa at dali-daling kumopya.

"Hindi kayo magkakasama noong friday?" Tanong ko kay Tomy at hinayaan na kumopya ang dalawa. At isa pang rare na si Clyde ang kumokopya ngayon dahil madalas ay isa rin 'yan sa mga unang gumagawa ng assignment.

"Nitong sem na 'to, madalang din kaming magkasama-sama, eh." Paliwanag ni Tomy. "Lagi kong kasama si Shannah kasi madalas ay tumatambay kaming dalawa sa coffee shop... May tinatapos daw na libro. Eh, itong dalawa ay sa computer shop naman tumatambay kapag vacant."

"Naku 'te, hindi mo kaya ang sinusulat kong libro ngayon. 10 chapters pa lang ang naipo-post ko sa Wattpad pero malapit na may hundred thousand reads. Feeling ko, eto na 'yon, ako na talaga ang next Jonaxx sa Wattpad, nararamdaman ko." I can see the sparks in Shannah's eyes at masasabi kong passion niya talaga ang pagsusulat kahit Computer Science ang course niya.

"Eh ba't kailangan kasama mo pa si Tomy?"

"Ewan ko diyan! Nilalandi ako!" natawa ako sa sinabi ni Shannah pero kita ko sa dalawa na parang may something. I mean, masaya ako para kay Shannah, ilang buwan niya na yatang iniiyak kay Lord ang pagiging single niya pero hindi ko lang in-expect na kay Tomy na kaibigan din namin.

In reality talaga, pansin ko, hindi nahuhulog ang mga babae sa bad boys! Nakakakilig lang sila sa mga drama at novels pero ang red flags nila in real life! I rather date someone (Dion) na mabait at iniingatan ako, 'no!

"Hindi rin kayo madalas lumabas kapag nasa school kayo?" Tanong ko sa kanila.

Nalulungkot lang ako na sobrang intact ng barkada namin noon. To the point na nagkikita pa kami kapag weekends kahit magkakasama kami araw-araw sa school. Masaya pa rin naman pero parang nagkakaroon na ng gap sa pagitan naming lima... 'Yong hindi na katulad noon.

"Hindi. Gagi wala akong budget sa coffee shop araw-araw." Reklamo ni Trace na mabilis na kumokopya. "Tanginang kape sa starbucks 'yan, 200."

Shannah rolled her eyes. "Pero sa Computer shop may pera ka, tse! Heaven kaya para sa aming mga writers ang Starbucks."

Napatingin sa akin si Clyde. He chuckled. "Guys si Milan, nalulungkot." Anunsiyo niya. "Na-shock yata noong nalaman na hindi na tayo lumabas na magkakasama."

"Huy hindi, na-weird-an lang ako. Kasi dati ay parang halos magkapalit-palit na ang mukha natin dahil lagi tayong magkakasama tapos ngayon, I just realized, we rarely hangouts together anymore." Wala sa plano kong maging emosyonal pero biglang pumasok sa isip ko na para unti-unting nabubuwag ang friendship namin ay naluluha ako.

Well sino ako para magreklamo? Ako amg parating wala dahil sa training sa Boothcamp. May mga bagay talaga akong i-sacrifice (mostly oras) para mabalanse ko ang lahat.

"Alam mo ang shunga ng mind set mo. Hindi porke't madalang na tayo magkasama-sama ay sira na ang friendship natin." Shannah stated at napatango-tango sina Clyde at Trace. "Kahit naman hindi sumasama sa amin sina Clyde kapag nag-SB kami ay wala naman akong tampo sa dalawang 'yan, naiintindihan ko na hindi nila trip masyado ang tumambay ng coffee shop maghapon."

"At naiintindihan din namin na hindi sila ganoon kaadik sa online games kagaya naming dalawa." Dugtong ni Clyde at napangiti ako sa assurance na ibinigay nila na hindi masisira ang pagkakaibigan namin.

"Alam mo kasi we are already 18 and 19 years old. Nasa stage na tayo na kung saan gusto na natin i-pursue 'yong mga bagay na sa ganitong edad lang natin magagawa," panimula ni Clyde. "Ikaw, pinu-pursue mo 'yong pagiging professional player mo. Si Shannah naman ay kina-career din ang pagiging writer niya. Ako nagiging interesado ako sa cryptocurrency and bitcoins kung kaya inaaral ko rin. Alam mo 'yon? We are pursuing something na magbe-benefit sa atin sa future." Dugtong niya pa.

"Saka nasa point na tayo na naiintindihan na natin na kung busy 'yong isa ay wala nang samaan ng loob. Ang mature na rin natin para sa drama na magtotropa. Hindi masisira ang barkadahang ito. Nababawasan 'yong oras... Oo, pero hindi mababawasan 'yong value ng friendship natin." Tomy said at napangiti ako.

"Ang weird ko kasi bigla akong naging emotional." Pinaypayan ko ang mata ko habang natatawa. "Kayo kasi ang pahinga ko sa gaming kaya biglang sumagi sa isip ko na madalang na tayo magkita-kita at baka nabubuwag na 'yong pagkakaibigan natin."

"Hindi 'yan! Hello! Madami man akong nakikilalang mga tao dahil sa pagsusulat ko. Tandaan ninyo, sa inyo at sa inyo lang ako babalik. Kayo rin ang pahinga ko."

"Stress na nga kayo," natatawang sabi ni Clyde. "Emotionally unstable na kayo. Bigla na lang kayong nagiging cheesy."

"Tangina, tapos na!" Naputol ang usapan namin at pare-parehas na nagulat sa pagsigaw ni Trace. "Record to beat 'tong pagkopya na ginawa ko ngayong araw. Ang bilis nang pagkopya ko."

Kaya pala nanahimik, focus na focus sa pagkopya.

Nawala ang ngiti ni Trace at tiningnan kami isa-isa. "Ano nga ang pinag-uusapan ninyo ulit?"

"Pinag-uusapan namin kung bakit nagdesisyon ang parents mo na buhayin ka pa." Shannah said at malakas kaming natawa.

***

MABILIS na dumaan ang isang linggo at kinakailangan ko na ulit bumalik aa boothcamp for weekends at para makasali sa ilang match. Isang linggo man akong stress sa acads (kailan ba hindi?) ay nakapag-enjoy naman ako kasama ang mga kapatid ko, ang magulang ko, at mga kaibigan ko. It is still gives me energy that I needed para makapaglaro ng maayos sa qualifiers.

"Welcome back, Captain!" Noah greeted me dahil siya ang sumalubong sa akin na nakatambay sa gilid ng pool. "Kumusta bakasyon sa Taiwan?"

"Anong Taiwan ka diyan?"

"Sabi ni Kuya Liu nag-Taiwan ka daw kaya isang linggo kang wala." Noah explained at kitang-kita sa mukha niya na paniwalang-paniwala talaga siya sa sinabi ni Liu.

"Naniniwala ka sa sinasabi ng pekeng chinese na iyon. Umuwi lang akong Bulacan! Huwag kang naniniwala sa mga sinasabi ni Liu next time, binubungol lang kayo madalas noon." Paliwanag ko. Isa sa mga improvements na nakita ko kay Noah ay kinukuya na niya lahat ng mga members na nakatatanda sa kaniya.

Tinakot ni Sir Theo na may salary deduction kapag hindi siya nag-kuya kung kaya't mabilis niya itong sinunod. Well, aside from that, improving din talaga ang ugali ni Noah mapa-game man or real life.

Bumukas ang pinto ng boothcamp at iniluwa nito si Dion. "Sabi mo bukas ka pa babalik! E 'di sana nasundo kita ng Bulacan, libre naman kotse ni Coach ngayon." Reklamo niya at siya ang nagbuhat ng backpack na nakasukbit sa akin.

"Gusto ko kasing i-try mag-commute saka para patunayan na strong independent na ako."

"Commute daw pero nag-grab naman papunta dito." Bahagyang natawa si Dion. Ugh! Hindi niya talaga ina-accept na form of commute ang pag-ga-grab or pagta-taxi. "Kumusta sina Tito?"

Naglakad kami papaakyat sa room ko sa second floor. "They are still the same pero na-miss ko sila dahil sa tagal kong nawala sa bahay. Si Kuya London ay mas lalong naging sipsip, feeling bunso na siya sa bahay namin dahil madalas akong wala." Kuwento ko kay Dion.

He opened the door of my room at ipinatong niya sa study table ang bag kong naglalaman ng damit. "Kayo rito sa Boothcamp, kumusta?"

"Na-miss ka."

My brows scrunched. "Chika mo!"

"Luh, ikaw pala, tatanong-tanong ka tapos hindi ka maniniwala." Napailing si Dion at umupo sa swivel chair. "Grabe, hindi ka pala naniniwala na na-miss kita. Lunes hanggang biyernes ay iniisip ko kung kailan ka kaya babalik dito."

"Oo na!" Kinurot ko ang kaniyang pisngi. "Tumataba ka na, Dion, mas nagiging fluffy na 'yong cheeks mo."

"Ang dami kasing nagpapadalang pagkain sa boothcamp galing sa fans ng iba't ibang members kaya lagi akong busog." He explained.

I smiled. "E 'di sasama ka na sa amin na mag-jogging sa umaga."

Natawa si Dion at mabilis na nag-poker face. "Hindi." sagot niya. Argh! Ang hirap talagang maaya nito na mag-exercise. Palibhasa ay hindi kasi siya morning person kung kaya't tamad na tamad siya.

"

So kumusta nga kayo rito sa Boothcamp?"

"Ayos lang, may isang talo kami this week pero understandable dahil malakas ang kalaban. Kapag practice naman, maayos naman mag-lead si Larkin." Dion explained at napatango-tango ako. Puwedeng-puwede talagang maging Captain itong si Oppa pero tamad na tamad lang sa responsibilities, eh. "Lapit na ang birthday mo, ah? Anong plano mo?" He asked.

Ito talaga 'yong panahon na tinatanong na ako ng lahat kung anong plano o ganap sa birthday ko. I just realized that this is my first birthday na may Dion sa buhay ko. Wow, in a span of 6 months, ang daming nabago sa takbo ng buhay ko.

Umupo ako sa kama at minasahe ang binti ko dahil nakakapagod kaya mag-commute. "Bakit? May nakaplano kang surprise?" Mapagbiro kong tanong.

"W-Wala! Bakit naman kita isu-surprise, wala nga akong pera. Saka alam mo naman na may pinag-iipunan akong bilihin para matapos na 'yong renovation sa bahay namin sa Nueva Ecija, 'di ba?" Mabilis na depensa ni Dion but he avoided my eyes.

"Ilang beses na nadulas si Noah. Kung may plano ka sa birthday ko, huwag mong isali ang batang iyon. Nagkaka-idea na ako sa plano mo." I honestly said.

I am just teasing Dion kahit alam ko naman na may plano siya. Hello, kapag hinihiram ko ang phone niya at tinitingnan ang mga nasa cart niya sa shopee ay puro birthday decorations kung kaya't may kutob na rin naman ako. I don't mind if he is planning something, kagaya nga nang sinasabi ko lagi... It's the thought that's count.

"'Yang bibig talaga ni Noah, ang sarap tapalan ng duck tape, eh. Hindi man lang nahahawa kay Genesis ng katahimikan kahit lagi silang magkasama." Reklamo ni Dion at bahagya akong natawa.

Our conversation was interrupted noong pumasok si Liu sa aking kuwarto habang hawak ang kaniyang iPad. "May problema ba?" I asked him.

"Hindi ba kayo nagbabasa ng news sa gaming pages?" Tanong niya at umupo sa tabi ko sa kama. "Kailangan ninyo 'tong makita."

Dion brows scrunched at umupo sa tabi namin. Liu opened his facebook account at pumunta sa isang gaming page na may more than 200,000 likes and followers.

Isang headline ang ipinabasa sa amin ni Liu na may maraming reaction at comments.

Orient Crown Kaden's girlfriend says she's pregnant!

"Si Kaden, nabuntis ang girlfriend niya." Liu stated. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dion at nagmamadaling pumunta sa sala. Kitang-kita sa glass wall ng meeting room ang nangyayaring pag-uusap nila Coach Russel, Sir Theo, at ni Kaden.

Nakaupo ang karamihan sa mahabang couch habang hinihintay ang desisyon ng management sa kung ano ang mangyayari kay Kaden.

"Wow, magiging tatay na si Kaden." Naiiling na sabi ni Callie habang kumakain ng tsitsirya. "Iba-iba ang reaksiyon ng mga tao sa social media."

"What's wrong with that? 21 years old naman na si Kaden." Tanggol ko.

"Milan, 21 si Kaden oo. Pero 'yong girlfriend niya kaka-19 lang last May. They are both in legal age already pero damay-damay 'to. Domino effect." Larkin stated.

"Siyempre magbabago ang tingin ng ibang mga tao sa mga professional players dahil sa nangyari. Mahirap pa ngayon, ang daming minors sa professional league." Pagtutuloy ni Callie sa sinabi ni Larkin.

Umupo ako sa couch at hinintay na matapos ang meeting nila Sir. Napatingin ako sa comment section noong news post na pinabasa sa akin ni Oppa and instead na i-congratulate nila si Kaden (it's a big news for him) ay puro pamba-bash at pamumuna mula sa ibang tao ang mababasa sa post.

Lourdes Ramirez: Sinasabi ko na nga ba, walang mangyayari diyan sa paglalaro nila ng games at mapapaliwara lang sila sa buhay. Magsi-aral na lang kayo!

Kyline Santos: Kaden is one of the oldest members of Orient Crown at ang daming minors sa team nila. Isipin ninyo na lang kung paano siya nagiging example sa mga nakababatang players sa boothcamp nila.

Ryza Angela: Ang toxic talaga ng mga ugali ng esports players lol. Kahit si Larkin na nasa Orient Crown, ilang beses nahuhuling umiinom sa bar sa BGC. Be a good example naman sa mga batang players sa team ninyo.

Marami pa akong nabasa na negative comments sa comment section and my heartache na isang iglap ay nagbago ang tingin nilang lahat sa mga esports players. Sa isang news patungkol kay Kaden ay nadamay kaming lahat, hindi lang kaming Orient Crown kung hindi lahat ng mga professional players mula sa iba't ibang team.

"Huwag na kayong magbasa sa comment section noong post." Tumayo si Oppa at tiningnan kami isa-isa. "Walang magandang maidudulot 'yang opinion ng mga tao. We are an esports players, walang connect ang personal nating buhay sa laro na ipinapakita natin tuwing tournament. Focus tayo sa game, may laban tayo bukas."

Napangiti ako. Paminsan-minsan talaga ay kaya ring maging mature at maging kuya nitong ni Larkin kahit na madalas ay puro kalokohan ang ginagawa niya sa boothcamp.

"Milan." Tinawag ako ni Coach Russel and he signalled me na pumasok sa meeting room. Saglit akong bumuntong hininga at naglakad papasok. As soon as I entered the meeting room ay ramdam ko na ang mabigat na atmosphere na halatang seryosong bagay ang pinag-uusapan nila dito.

"May naging desisyon na po ba kayo?" I asked Coach Theo at umupo ako sa tabi ni Kaden. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Congrats." Mahina kong bulong at maliit na ngumiti sa akin si Kaden. I can see in his eyes na stress din siya sa sitwasyon niya.

"We want to ask your opinion about this issue. Sa nangyaring gulo at balita ay maaari tayong mawalan ng mga sponsors. Naapektuhan ang opinyon ng maraming tao patungkol sa Orient Crown dahil sa nangyari. We want to ask you Milan kung sa tingin mo ang puwedeng parusa kay Kaden." Sir Theo explained.

Napatingin ako kay Kaden na nakatingin lamang sa table habang nakasalikop ang kaniyang dalawang kamay. "Ikaw, Kaden, anong desisyon mo?" I asked him.

Saglit na napatigil si Kaden. "Magiging tatay ka na soon, anong desisyon mo? Lalaro ka pa rin ba or gusto mong mag-focus sa pag-aalaga sa mag-ina mo?"

"H-Hindi mo iniisip na pabigat ako sa team ngayon?" Kaden asked at tumingin sa akin.

"Bakit ko naman iisipin 'yon. Kita ko sa mukha mo na kahit mabigat ang sitwasyon mo ay hindi ka naman nagsisisi sa nangyari. Hindi ko hawak ang desisyon kung aalis o mananatili ka sa grupo." Paliwanag ko.

"Bilang 21 years old ay alam kong mabigat 'yang pinasok mo. Pero nandito naman kaming mga kuya mo sa Orient Crown para tulungan ka. If you are planning to do a business, nandito kami para gabayan ka." Sir Theo said at napangiti ako dahil kahit sila ay may pakialam sa sitwasyon na pinasok ni Kaden.

Itinuturing talaga nila na mga kapatid nila ang mga tao rito sa boothcamp.

"G-Gusto kong lumaro pa, Coach." Kaden said habang may namumuong luha sa kaniyang mata. "Ito lang ang bagay na alam kong gawin na kung saan ako kumikita ng pera. Gusto kong lumaro Coach. Ayokong bitawan pa ang pagiging professional player ko."

"Kahit hanggang Season 4 tournament lang. Gusto kong lumaro, ayokong umalis sa Orient Crown na may pinagsisisihan ako. Wala akong pakialam sa opinyon ng ibang tao tungkol sa akin. Hindi ko bibitawan ang pangarap ko."

"Paano si Nicole?" (his girlfriend)

"Napag-usapan na namin ang bagay na ito at wala kaming balak na may gawing masama sa baby. We are both happy with the news, sa totoo lang. Ang akin lang, hindi ko pa puwedeng bitawan ang pagiging professional player ko dahil ito lang ang alam kong paraan para kumita ng pera. Kapag may sapat na ipon na ako, doon na kami magse-settle for good. Wala akong balak takbuhan ang responsibilidad ko bilang tatay ng bata." I smiled on how firmed his decision is.

Minsan talaga, ang mga difficult situations ang nagpapakita ng mature side ng isang tao, eh.

"Sir, if Kaden is not ready to leave the team, let him stay. Kung hindi maiintindihan ng sponsors ang sitwasyon, sila ang mawawalan dahil bibitawan nila ang susunod na champion ng Hunter Online." Paninigurado ko. "Ayokong iwanan natin si Kaden bigla sa ere dahil lang naipit siya sa sitwasyon. He needs us."

Tumingin ako kay Kaden at ngumiti.

"Magaling na tank din si Kaden, malaking kawalan din kung hahayaan nating umalis ang batang 'yan." Dugtong pa ni Coach Russel.

"Coach..." Kita ko ang pagnginig ng labi ni Kaden at pumatak na ang luha na kanina niya pa pilit na nilalabanan. "Salamat sa tiwala, Coach!"

Coach Theo gave a warm smile and ruffled Kaden's hair. "Hindi ka namin tatanggalin sa team pero suspended ka ng ilang match hanggang sa humupa na ang atensiyon sa 'yo ng ibang tao. Gusto kong kasama ka sa oras na lumaro tayo sa season four tournament."

"S-Salamat, Sir! Salamat, Coach! Tatanawin ko na isang malaking utang na loob 'to! Thank you po!"

Mahina akong napapalakpak at naiyak sa nakikita ko. Kita ko ang pagiging kuya nila Coach at Sir Theo sa kaniya. "Pambihira ka, naunahan mo pa kaming magka-baby na dalawa." Biro ni Coach at bahagya kaming natawa. "Ninong kami, ah."

"Huwag kang maging petiks diyan, Kaden, mas hihigpitan ko ang practice mo." Pabiro kong banta at natawa siya.

"Congrats, Kaden. I saw how mature you are on handling this situation." Puri ni Coach Theo.

Nasira man kami sa mata ng publiko dahil sa nangyari ay mas pinatibay naman nito ang samahan namin bilang grupo. Kung ano-ano man ang masasakit na salita ang ibinabato ng ibang tao sa mga professional players ay may bond sa mga players na dito ko lang nakikita.

We are not just playing for fun and for self satisfaction. Lumalaro kami ng may kaniya-kaniyang dahilan. We are all chasing our dream. The dream to stand in the middle of stage while holding the trophy in front of a huge crowd. Iyon ang pangarap namin para sa Orient Crown.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top