Chapter 101: Home

Dmitribels:
Good morning sa pinakamagandang babae na nakilala ko next to my Nanay. Kung mabasa mo 'to, mag-breakfast ka na. 😁

NAPANGITI ako noong una kong mabasa ang chat ni Dion pagkauwi ko sa Bulacan, God, I badly missed home. Walang palya si Dion na nagse-send sa akin ng good morning messages sa akin kahit pa madalas naman kaming nagkikita sa boothcamp.

I even asked him once kung bakit siya nagse-send sa akin ng good morning chats kung puwede niya naman sabihin sa akin ng personal sa boothcamp. Ang sagot lang naman ni Dion? It's my way to remind you that I love you every single day. Huwag mong pinapakialamanan diskarte ko. Pitikin kita.

Magmula noon ay hindi ko na pinakialamanan ang good morning messages niya. And siyempre na-a-appreciate ko 'yong bagay na 'yon. Si Dion 'yong tipo ng lalaki na pakikiligin ka thru his small actions and gestures. And trust me, small matters really hits big time, iba ang kilig.

Pumunta ako sa banyo para mag-toothbrush at dala-dala ko pa rin ang cellphone ko to check my email at para maaral ko rin ang mga sinend na notes ni Shannah. Oo, mas nauuna pa sa almusal ko ang pag-aaral ko dahil kailangan kong mag-exert ng extra effort para makahabol sa mga lessons. Lalo na ngayon! Pahirap na nang pahirap ang mga topic sa math subjects namin, may isang part lang ako na hindi maintindihan... Paniguradong babagsak na ako sa exam.

Bogus:
Gising na po ako. Good morning. ☺️

Super na-miss ko 'yong comfy ko na kama. 🥺

Sorry pala kagabi, nakatulugan na yata kita dahil sa pagod sa biyahe.

Dmitribels:
Oks lang, in-expect ko nang maaga ka makakatulog. 😂

Nakakapanibago na wala ka ulit dito sa Boothcamp. Balik ka na haha.

Matapos kong mag-toothbrush ay saglit akong umupo sa kama para ma-reply-an si Dion. Siguro ay after five minutes ay bababa na rin ako para mag-breakfast.

Bogus:
OA mo 'te, ilang weeks din tayong magkasama sa boothcamp. Babalik din ako sa weekends po.

Kailangan ko lang humabol sa lesson. Pahirap na nang pahirap math subjects namin. 🥺

Dmitribels:
Hayp na tawag 'yan. 😠

Baka mamaya sunod na tawag mo na sa akin teh, bhi3, sis, mars.

Parang katsismisan mo lang ako, ah! Remind ko lang po, boyfriend ninyo po ako. Haha!

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Dion. Lately kasi ay nakakausap ko si Shannah (tinuturuan niya ako sa ibang subjects) at lagi niya akong tinatawag na 'teh, so baka na-adapt ko lang din.

Trust me, mas tsismoso pa sa akin ang mga tao sa boothcamp! Minsan ay nagkukumpulan sila sa sala habang kumakain ng meryenda at may buhay ng isang professional player silang sinisira. Lalo si Liu at Larkin! God, sa dami ng koneksiyon noong dalawang 'yon, araw-araw ay may bagong chika.

Bogus:
Sige na, mag-a-almusal na ako rito. Kayo din diyan sa boothcamp.

Vitamins ninyo 'wag ninyo kalimutan.

Lumabas ako ng kuwarto ko at tumungo sa kusina at saktong nadatnan ko si Manang Tessa na nagluluto ng pancake para sa almusal namin. Si Dad naman ay nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Ito ang kainaman kapag Sunday morning sa bahay, lahat ng tao ay nandito ngayon and sobra kong na-miss na maka-bonding sila.

"Good morning, Dad," I kissed him on his cheeks. "Good morning, Manang Tessa." Bati ko rin dito habang hinahain niya 'yong mga lutong pancakes.

"Pasuyo naman po ng margarine and sugar, please. Thank you po." Pakiusap ko kay Manang Tessa.

"Kumusta ang bunso namin?" Dad asked at itinigil niya ang pagbabasa ng diyaryo. Aminado naman ako na lately, hindi kami madalas na nakapag-uusap ni Dad (even sila Kuya) dahil sa pagiging busy ko as a professional player and kapag hindi naman ako naglalaro ay nagre-review ako.

Na-guilty naman ako bigla dahil parang hindi ko na priority ngayon ang quality time together with my family. Hindi na pabata sina mom at dad, kung miss ko sila ay paniguradong mas miss nila kami.

"Busy sa paglalaro, Dad, lalo ngayon dahil ongoing ang qualifiers ng Season four tournament." Nilapag ni Manang Tessa ang mga hiningi ko at ngumiti naman ako at nag-thank you. "I missed you, Dad." I honestly said.

Sabi ko nga, lumaki kaming magkakapatid na sobrang close namin sa magulang namin. Especially me, as the princess in our house, hindi ako takot na-i-express ang sarili ko sa mga magulang ko.

Dad smiled to me at bahagyang inilapit ang upuan niya sa akin. "Miss ka rin namin ng Mommy mo, 'nak, sa inyong magkakapatid ay ikaw ang pinakamadalang umuwi dito sa bahay. Pero siyempre, lumalaki na kayo, pare-parehas na kayong nasa legal na edad ng mga kuya mo. Kung ano man ang maging desisyon ninyo sa buhay ninyo ay susuportahan namin ito."

"Thank you, Dad. Matapos lang itong Season four tournament ay babawi talaga ako ng oras sa inyo. Promise" I assured to him.

Bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa nito sina Kuya London at Kuya Brooklyn. Parehas silang pawisan dahil katatapos lang nilang mag-morning jog kasama si Forest. "Aga ninyo naman mag-heart to heart talk na mag-ama." Epal ni Kuya London at umupo sa tabi ko.

"London, si Forest ilagay mo muna sa kulungan. Hindi puwedeng patakbo-takbo sa bahay 'yan ngayon. Nandito si Milan." Dad reminded my brother. Mabilis naman itong sinunod ni Kuya. Kahit pug lang si Forest ay feeling ko ay ang bilis nitong lumaki at tumaba. Ang dami ko talagang nami-miss na pangyayari rito sa bahay.

"Kumusta si Callie? Balita ko ay na-injury daw 'yon," Kuya Brooklyn said at nakihati sa akin sa pancake.

Napaikot ang mata ko dahi hindi naman ganoon kalalim ang rason ng pagka-injury ni Callie. "Nag-surfing sa La Union, hindi natantiya 'yong alon kaya natumba tapos tumama 'yong binti sa gilid ng surf board. It's his fault."

Kuya London smirked. "Magaling na player pero tanga."

Bumaba na rin si Mom na mukhang kagigising lang din at sabay-sabay kaming kumain. Napangiti na lang ako sa ganitong events. I mean, sa dami ng nangyari these past few months ay parang ang hirap na makumpleto kami sa isang hapagkainan. Nasa ibang bansa si Kuya Brooklyn noon at samantalang ako namab ay nasa Boothcamp. Parang ang rare opportunity na nga nito, eh.

Minsan talaga ay magiging grateful ka na lang din sa maliliit na bagay.

"Milan, malapit na birthday mo, ah," Kuya London said at napatango-tango ako. Ilang weeks na lang from now ay birthday ko na. "Ready ka na ba sa pa-surprise ni Dion sa birthday mo? Tingnan mo, magre-resign ako sa trabaho ko kapag walang pakulo 'yang si Dion. Mga galawang boyfriend."

Hindi naman din talaga ako nag-e-expect ng surprise from Dion lalo na't sobrang tutok kami sa qualifiers pero nitong mga nakaraan kasi ay nadudulas si Noah na may binabalak silang surprise sa birthday ko.

Sabi ko naman kay Dion, kung may binabalak siya, huwag niyang idamay sina Noah, Liu, at Larkin... Walang sikreto ang hindi nabubunyag sa tatlong iyon.

"May surprise man o wala, kuya, na-a-appreciate ko si Dion. Ang laki niya kayang mental support sa akin. Try mo din magjowa." Pang-aasar ko sa kaniya.

Kuya laughed. "Ayoko pa. Masaya na akong nakakasama sa bahay sina Mom at Dad kapag wala kayo."

"Plastik." Sagot ni Mom at natawa kami rito sa bahay. "Kumain ka na nga diyan London, ang sabihin mo may gusto ka lang ipabili."

Napakamot si Kuya London ng kaniyang batok. "Mom naman."

"But seriously, Milan, anything you want from your birthday? We can rent a private resort sa Laguna o Batangas. Madaming magandang resort sa South. Handaan?" Nag-suggest si Kuya Brooklyn ng mga ideas.

Pero promise, hindi talaga ako fan ng mga bonggang birthday celebration, except noong 18th birthday ko na pinaghandaan talaga nila Dad at si Mom ang nag-organize. As a person who grew up sa pagbabasa ng mga self-help books, hindi ako gagastos ng malaki para lang sa isang birthday. Well, kaniya-kaniya naman tayo ng celebration preferences pero ang akin lang, I rather celebrate my birthday as simple as posible.

"Isa lang gusto ko sa birthday ko, Mom, umuwi dito sa Bulacan. Have a dinner together with you. Kumpleto." Nakangiti kong paliwanag sa kanila at napangiti sila Mom.

"Bakit ang bilis mag-mature ng mga anak natin?" Mom asked to my Dad. "Gusto ko pa silang i-baby hangga't kaya ko, eh."

"Puwede mo akong i-baby, Mom," sabat ni Kuya London. "Balita ko may bagong ire-release na gaming console next mont—"

"London, manahimik ka. Alagaan mo na lang si Forest kaysa bumili ka na naman ng bagong paglalaruan mo." suway ni Mom na nakapagpatawa sa amin. Sumabay ng almusal sa amin si Manang Tessa at hindi ko maiwasan na mapangiti.

Kapag nasa boothcamp ako, hindi ko masyadong ramdam na sobrang miss ko ang pamilya ko dahil ang dami din namin sa boothcamp. At aaminin ko, masaya sa boothcamp. Pero kapag nandito ako sa bahay namin sa Bulacan, iba 'yong happiness, this is really feels like home.

Matapos namin mag-almusal ay nanood kami ng match ng Orient Crown kasama ko sina Kuya. "G na G naman si Dion lumaro. Grabe mag-tank." Puri bi Kuya London habang focus kami sa panonood.

As the Captain ay tutok na tutok ako sa nangyayaring laban. Tama si Kuya, nasa tempo ngayon ang laro ni Dion. He take all the damage as much as he can huwag lang mabawasan si Callie at Elvis. Hindi naman sinasayang ni Callie ang ginagawa ni Dion dahil pumipitas siya ng kalaban hangga't kaya niya.

"May mga professional player ka talagang kukuwestyunin kung bakit nasa pro scene sila, eh." Mahinang bulong ni Kuya London at kumakain ng home-made popcorn.

"Kuya, huwag mong minamaliit 'yong ibang players porke't nasa winning situation ang Orient Crown against White Clover." Suway ko sa kapatid ko.

"Totoo naman! Mas magaling pa nga yata ako lumaro, eh."

"Kung magaling ka, trust me, na-scout ka na ng iba't ibang teams. Iba kasi 'yong simpleng PVP match lang na nagaganap sa Hunter Online sa PVP match na nagaganap sa mga tournament. Hindi lang skills ang mayroon ka sa pro-scene, dapat ay kaya mo rin mautakan ang kalaban."

Sorry, kahit kapatid ko 'to ay dapat i-educate ko siya sa nangyayari sa Professional league. As the person who experienced everything first-hand, sa professional league kasi ay professional players LAHAT ng makakalaban mo. Walang mahina, walang bobo... It just depends sa plano ng bawat team.

"Oo na, Queen." Kuya said at mahina kong tinapik ang kaniyang braso.

Noong nabalita na nanalo ang Orient Crown laban sa White Clover ay napasigaw talaga ako sa bahay. Kailangan kasing makabawi ng Orient Crown lalo na't iilang slot lang ang mayroon para sa Season four tournament. I really want us to stand in a big stage, fighting for the trophy. Nakita ko ang hirap ng bawat members ng Orient Crown.

I immediately called Dion para i-congratulate sila sa pagkapanalo nila."OMG! Napanood ko 'yong match ninyo kanina, ang galing mong mag-tank and sobrang saludo ako noong tinake mo pahat ng damage na para kay Callie. Tapos si Liu then, sobrang nag-swak 'yong pagiging aggressive ng play style niya sa kalaban natin ngayon kasi hindi inasahan ng White Clover 'yong mga gagawin ninyong move. Tapos 'yong... Wait, are you still listening, Dion?"

"I am smiling." He answered sa kabilang linya. "Nahuhulog ako sa 'yo lalo kapag nagbibigay ka ng insights mo sa laro. Ang sarap lang ngumiti."

"Siraulo nito! Pero iyon nga, congrats, ang ganda ng laro ninyo. Sending my virtual hug sa mga ka-team natin diyan. Sayang wala ako sa boothcamp para i-celebrate ang pagkapanalo natin but I am enjoying my stay here in Bulacan naman." I explained to Dion.

"Oo, magbigay ka ng oras mo sa mga kapatid at magulang mo. Paniguradong na-miss ka din naman nila. At isa pa, nanalo kami dahil maganda 'yong plano na nilatag mo para sa team. Sinunod lang namin ang utos ng Captain. Magaling kasi ang Captain namin, matalino pa, magaling pang maglaro..."

I smiled sa sinasabi ni Dion at napatingin sa akin si Kuya London, he gave me a weird expression at mahina kong sinipa ang kaniyang binti upang mapalayo siya sa akin since magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa couch.

"Sino ba 'yang Captain ng Orient Crown na 'yan?"

"Si Larkin." Dion laughed on other line at nawala ang ngiti sa labi ko. Buwisit din talaga ka-bonding 'tong si Dion minsan, eh. "Joke lang, hindi ko man nakikita hitsura mo ngayon pero alam kong napikon ka. Siyempre ikaw, ikaw lang naman ang pinaka the best na Captain sa buong Esports."

"Tse! Pinaka na nga, the best pa! Double negation ka pa ayon sa truth table, ibig sabihin ka-plastikan."

"Bobo po ako, eh. Hindi ko alam 'yang truth table na 'yan." Dion said at napatawa ako.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Dion bago ako sumama kanila Kuya noong magkayayaan na kumain sa Burger King sa malapit na mall dito sa Casa Buena.

***

KINABUKASAN ay excited akong pumasok sa school at kahit ilang linggo lang akong hindi pumasok sa BULSU ay na-miss ko ang buong university namin. Na-miss ko 'yong mga friends ko, pati 'yong stress na ibinibigay ng university, na-miss ko rin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay na parang instant celebrity ako kapag pumapasok ng school. Ang weird pa rin sa feeling kapag may bumabati sa aking mga estudyante na hindi ko naman kilala or kapag nagpapa-picture sila sa akin. When Larkin said that ESports players get the same treatment as celebrities, hindi siya nagsisinungaling doon.

"Nasaan kayo?" Tanong ko habang kausap sa phone si Shannah.

"'Te nasa loob kami ng Library ng College of science. Alam mo na, pa-aircon lang kahit 'di naman mag-aaral. Para malamigan lang." Napailing na lang ako dahil wala pa rin silang pagbabago. God, na-miss ko nang makita ang Kulokoy boys!

Nagmamadali akong pumunta sa department namin at habang papaakyat ako sa second floor ay nakasalubong ko si Gov. Pao na may bitbit na mga brochures na ipapamigay yata sa college namin.

Sa totoo lang, ang awkward. Like, the last time I saw Paolo is when I rejected him in front of a lot of students in mini forest.

"Congrats sa pagkapanalo ninyo," Governor Paolo suddenly said kung kaya't napahinto ako sa pag-akyat. "I am still updated sa mga laro ninyo. Ganda ng mga laro ninyo."

It looks like he just initiated a conversation kung kaya't saglit din akong huminto. "Yeah, thank you. Medyo busy lang din kami sa boothcamp pero kaya naman. Ikaw, kumusta naman ang life as the Governor of College of Science?"

"Stress." He simply answered. "But I am planning to run as senator this school year."

"Oh, good for you."

"Uhm... Sorry nga ulit sa nangyari noong nakaraan. Late ko na-realize na ang asshole move noong ginawa ko. Hindi siya nakakakilig." Governor chuckled at bahagya kaming gumilid upang hindi makaharang sa mga estudyante na akyat-baba sa department namin.

"That's two months ago already. Limot ko na nga siya honestly." sabi ko.

"But you know what, noong na-basted mo ako that time. Hindi rin siya ganoon kasakit para sa akin. Baka nga inlove lang ako sa idea na inlove ako." He explained.

"Iyon din ang tingin ko. Good for you, na-realize mo na hindi talaga ako ang para sa 'yo. You only just saw my good sides back then. I mean, you a really decent man who also deserves someone na ire-reciprocate 'yong feelings na ibinibigay mo. You also deserve to be happy." I smiled. Suddenly, the awkward atmosphere between us lifted. Atleast sa ngayon ay hindi na ganoon ka-awkward kung magkasalubong man kaming dalawa sa College of Science. Ang liit pa naman ng department namin.

"Good luck sa gaming ninyo ni Dion. Bring home the season four trophy." Gov. Paolo smiled as he fixed 'yong mga hawak niyang brochures.

"Ikaw man. Good luck sa pagtakbo mo. Kita ko naman na ginagawa mo ang best mo for our college. Mauna na ako, hinihintay na ako nila Shannah sa taas, alam mo naman 'yon... Reklamadora." Bahagyang natawa si Paolo at nagmamadali na akong umakyat.

Pagpasok ko sa Library ay nakita ko agad ang mga kaibigan ko na nagkukuwentuhan at kinawayan nila ako. Somehow, these people reminded me na may buhay ako outside gaming and sila 'yong mga taong puwede kong maging pahinga rin sa nakakapagod na ganap ko sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top