Chapter 100: Rhythm of Game
MABILIS akong tumatakbo papaakyat sa isang mataas na building upang makita ko ang kabuuan ng mapa. I made sure na kahit mabilis ang pagkilos ko ay hindi pa rin nawawala ang pagkaalerto ko sa mga biglaang pag-atake ng kalaban. I learned from my mistake already, sobrang importante ng map awareness sa mga crucial na match.
[Orient Crown] Shinobi: Malapit ko nang maakyat ang tuktok, I will give you an update sa location ng mga kalaban mamaya. For now, avoid doing clashes dahil malalayo ang location natin sa isa't isa.
[Orient Crown] Vortex: Noted, Captain.
[Orient Crown] Vegas: Vortex, ako ang mauunang tumakbo. Gusto kong isipin ng mga mahihinang 'yan na ako ang core. In that way, nasa akin ang atensiyon nila.
Malapit na ako sa tuktok ng mataas na building pero pagkaliko ko noong isang dulo ng espada ang muntik na tumama sa akin. Mabilis akong napayuko at napaatras upang maiwasan ito.
[Commander Area] Kanavan
Level 58
Class: Knight
"Sinasabi ko na nga ba na maaaring dito ka pumunta, eh." Kanavan smirked while playing his sword in his right hand. Mabilis akong napakapit sa wakizashi sword ko para makapaghanda kung sakaling biglang sumugod itong si Kanavan.
He is a fighter and I am an assassin, mahihirapan akong makatapat siya sa one-on-one kung kaya't kailangan maging alerto at maingat ako sa galaw ko.
[Orient Crown] Shinobi: Madi-delay ako sa pag-akyat, may kalaban.
[Orient Crown] ShadowChaser: exact location? 10 seconds cooldown skill ko. Malapit ako sa area mo.
Akmang magcha-chat ako kay ShadowChaser noong biglang sumugod si Kanavan tungo sa aking direksiyon. Kanavan swing his blade downwards at mabilis kong iniharang ang espada ko para mapigilan ang pagtama nito sa aking ulo. Napaatras ako ng bahagya at lumakas ang hangin sa paligid dahil sa lakas ng impact noong nangyari.
"Not bad." Nakangiti kong sabi at mabilis akong umupo at akmang sisipain ang paa niya ngunit mabilis siyang nakatalon. Damn it, kung nababasa niya ang mga susunod kong gagawin ay paniguradong napag-aralan ng Commander Area ang laro ko.
Kung hindi ko magagawang ma-eliminate si Kanavan dito, mas magiging delikado ang sitwasyon ng team namin. I mean, losing another game will make our chance more smaller to play in Season four tournament. Ayokong masayang ang mga pinaghirapan namin.
[Orient Crown] ShadowChaser: Captain? Saan ang exact location mo? Abot sa building na 'yan ang skill ko.
"Sword fire!" Nabalot ng apoy ang hawak na espada ni Kanavan at nagawa niya akong masugatan sa tagiliran. It deals a lot of damage at bahagya akong napaatras at napakapit sa pader.
I smirked. "Mukhang napag-aralan ninyo ang galaw ko, ah."
"Siyempre naman." Nilaro niya ang kaniyang espada sa kaniyang kamay. "Gusto naming patunayan na hindi totoong monster rookie ang Orient Crown, nagkataon lang na ang malalakas na players mula sa iba't ibang team ay nagsama-nagsama. Pero sa teamwork? Kulang na kulang kayo."
Habang nagpapaliwanag si Kanavan ay kinuha kong opportunity iyon para makapag-message sa team ko. I don't care on what he said, kinailangan ko lang naman ng ilang segundo para makahingi ako ng backup sa mga kasamahan ko.
[Orient Crown] Shinobi: 32nd floor, right area, second to the last window.
"That's good for your team. Thank you for studying my gameplay kasi pinatunayan ninyo lang na natatakot kayo sa akin." May napansin na akong pupang liwanag na bumubulusok tungo sa aming direksiyon. "Napag-aralan mo nga ang laro ko, peto naaral mo ba ang laro ng mga ka-team ko?"
Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Malakas na tumilapon si Kanavan sa isang pader at ako naman ang sumugod sa kaniya sa pagkakataong ito. ShadowChaser did a great job dahil saktong-sakto sa lokasyon ni Kanavan ang pag-cast niya ng spell. It deals a lot of damaged to Kanavan's health bar.
Phantom Slash.
Hindi pa man din nakatatayo si Kanavan ay inatake ko na agad siya. I rapidly slashed him forward dahilan para magtamo siya ng maraming sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
[Commander Area] Kanavan was successfully eliminated by [Orient Crown] Shinobi!
Iyan ang announcement na narinig namin sa buong game kung kaya't napangiti ako. Nabawasan na ng isang fighter ang Commander Area and this time ay may advantage na kami. Nagmamadali akong umakyat sa rooftop ng mataas na building na ito.
Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin at saglit akong uminom ng healing potion upang mag-regen ang health bar ko. Dahil sa pagkamatay ni Kanavan ay paniguradong alam ng Commander Area na nandito ako sa tuktok ng building na ito.
Sooner, alam kong aakyat din sila rito so I need to do a quick scan in the whole area.
Umupo ako sa isang sulok dito sa tuktok ng building at pinagmasdan ang buong paligid. This is the perfect spot para makita ang galaw ng mga kalaban if they are roaming around this map.
[Orient Crown] Shinobi: Rufus, Vegas, Vortex. 3'o clock makakasalubong ninyo ang dalawang members ng Commander Area. Assassin and mage. Initiate for clash.
[Orient Crown] Vegas: Ako lang muna ang mag-isang lalabas. I will lure them papunta sa location ninyo Vortex, prepare your skills.
Mula rito ay kitang-kita ko ang pagtakbo ni Vegas papaalis at umakyat siya sa bubong ng isang bahay para bigyang ng isang surpresang pag-atake ang dalawang members ng Commander Area.
Vegas really knows kung paano siya magiging effective player sa isang match. May mga biglaang plano siyang maiisip na talaga namang magbibigay ng advantage sa amin as a group.
Vegas tried to attack the mage of Commander Area using his gun at noong nakuha niya na ang atensiyon nitong dalawa ay tumakbo na siya tungo sa direksyon nina Rufus at Vortex na nagtatago sa likod ng isang malaking basurahan.
"Ngayon na!" Malakas na sigaw ni Vegas at pinaulanan ng palaso ni Vortex ang lokasyon ng mga kalaban. Huminto sa pagtakbo si Vegas at humarap sa kanila.
Ikinasa nito ang hawak niyang baril at sunod-sunod na bala ang kaniyang pinakawalan. When the mage tried to cast a spell, mabilis itong hinarangan ni Rufus upang maprotektahan ang dalawang Marksman namin. Since silang tatlo ang madalas na magkakasama kapag may match, alam na alam na nila kung paano nila poprotektahan ang isa't isa.
Kudos to Kaizer dahil nagagawa niyang makipagsabayan kay Dion at Callie. May mga players kasing kinakabahan o nape-pressure kapag nakaka-team up nila ang isang veteran player, madali silang nai-intimidate or nanliliit sila.
Siguro mqy pinqpatunayan lang din si Kaizer, he received a lot of criticism and bash these past few days dahil sa laro niya. He really want to show that he is deserving na lumaro sa Professional league and I admire him for that.
When they successfully eliminated the two players ay saktong bumukas ang pinto rito sa rooftop at tumambad ang ilang natitirang players ng Commander Area.
"Nice timing." Tumayo ako sa gilid ng building at ngumiti sa kanila
"Shinobi." Bakas ang inis at galit sa kanilang mukha noong patakbo sila sa aking direksiyon.
"Bawi na lang kayo next game." Pahiga akong tumalon sa building ay dinama ang malakas na hangin na dumadampi sa buo kong katawan.
[Orient Crown] Shinobi: ShadowChaser, use your ultimate skill sa rooftop. Make sure na masisira ang tuktok ng building para mahulog ang mga kalaban.
Humarap ako sa direksiyon ng kalsada at ni-ready ko ang cloak ko sa mangyayaring pagbagsak. Dahil sa special attribute ng cloak ko na kaya akong i-immune sa kahit anong damage ng ilang segundo ay alam kong hindi ako mamamatay sa pagbagsak ko sa kalsada as long as nasa timing ang paggamit ko ng skill.
Sa laban namin against Commander Area ay naramdaman kong nakabalik na kami sa ritmo ng laro namin. 'Yong naging sitwasyon lang naman ni Callie noong nakaraan ang nakasira sa laro namin.
"ORIENT CROWN just won against Commander Area! What I really like about this match is they really did their role in the game perfectly. Kita naman natin sa Camera sa boothcamp ng Orient Crown na kababalik lang ni Callie sa boothcamp nila pero nakapag-adjust pa rin siya sa laro ng mga kasama niya as the main support for Kaizer." Puri noong shoutcaster sa amin.
Tinanggal ko ang nerve gear ko at saglit na pinunasan ang aking pawis. "Nice game!" Sigaw ko at isa-isa silang inapiran. When it's Dion turn, he immediately hugged me dahilan para manukso ang mga kasama ko. "Lakas naman mag-tank."
"Malakas ang nagsha-shotcall, eh." he said and ruffled my hair.
"Pati ba naman pag-celebrate ng pagkapanalo, by partners na rin? Tanginang 'yan," Singit ni Liu at nakipag-apir sa akin. "Nice game, Captain, kinabahan ako sa laban mo kay Kanavan. Mabuti na lang din at alerto si Juancho."
"Si Aisha?" Pa-ika-ikang naglalakad na tanong ni Callie kay Liu at itinuro nito ang lokasyon nito na nasa couch.
"Nakatulog na sa kalagitnaan ng match, mukhang puyat na puyat at wala pang tulog." Napatingin ako kay Aisha na natutulog sa couch. Ang laking tulong ni Aisha sa buong team sa totoo lang, hindi biro ang pagbiyahe ng 6-8 hours papuntang La Union and another 6-8 hours pabalik sa Maynila. Sobrang nakakangawit kaya sa pagda-drive 'yon pero ginawa ni Aisha para lang makatulong sa Orient Crown.
Pinagmasdan siya ni Callie at napangiti. Wow, iba rin talaga ang naging tama nitong mayabang na 'to sa walang filter na editor ng Battle Cry. Hindi ko alam kung ano ang tunay na score sa kanilang dalawa, I mean, sino ba ako para makialam, 'di ba? Pero nakikita ko naman na parehas silang masaya.
"Captain, puwede bang gamitin 'yong room mo, doon na lang matulog si Aisha? Huwag na sa room namin, dugyot mga kasama ko sa kuwarto." Masama siyang tiningnan nila Elvis.
"Tanga simula noong nawala ka, kahit ipis nahihiya ng pumasok sa room namin sa sobrang linis." Pagmamayabang ni Elvis at natawa kaming lahat.
"Go lang," I gave Callie my permission since hindi naman na din others si Aisha sa amin. "Para makapagpahinga din si Aisha. Sobrang nakakangawit na long drive ang ginawa niya masundo ka lang."
"Oh, Liu, pakibuhat naman si Aisha papunta sa kuwarto ni Milan," utos niya kay pekeng chinese at itinulak-tulak niya pa ito.
"Tangina, bakit ako? Ako ba ang lalandi?"
"Gusto mong ipulupot ko sa leeg mo 'tong benda sa binti ko? Sa tingin mo ba ay kaya kong buhatin 'yan? Bilis na. Ako naman bumuhat ng laro kanina." I rolled my eyes, God, kadikit na talaga ng pangalan ni Callie ang salitang mayabang.
"Hampasin ko rin ng surf board 'yong kaliwa mong binti, eh. Ikaw lang ang humihingi ng pabor na galit." Reklamo ni Liu at sinunod naman din niya ang sinabi ni Callie.
Agad na binuhat ni Liu si Aisha na mahimbing pa rin na natutulog. "Ingat naman p're." Callie said while his eyes is only fixed on Aisha.
"Tanga maingat ako... Saka ang bihat." Liu admitted and naglakad na siya papasok sa room ko.
"Welcome back, best core." Kaizer said to Callie.
Mahinang tinapik ni Callie ang balikat ni Kaizer. "Nice game, future best core."
It really warmed my heart na makita na walang hidwaan sa pagitan nilang dalawa kahit madalas i-compare ang galing ni Callie kay Kaizer. Oo saksakan ng yabang si Callie pero mataas ang respeto niya sa mga co-players niya na lumalaro sa pro-league. Callie treat Kaizer as his younger brother (kahit sina Noah), siya 'yong tipo ng professional player na hihilahin ka niya paangat, hindi takot si Callie na i-share ang alam niya sa Hunter Online para matulungan gumaling ang ibang players.
Kahit dati pa naman, noong nagsisimula pa lang ako sa pro scene, si Callie din 'yong isa sa mga nag-motivate sa akin at nagbibigay ng tips.
Bumaba na sina Sir Theo mula sa second floor at isa-isa kaming tiningnan. "Nice game, team!" Coach Russel said to us and gave us a high five.
"Ngayong nabalik na natin ang ritmo ng laro ninyo. Sisiguraduhin nating hindi na tayo matatalo sa mga susunod na match!" sigaw ni Sir Theo. We all shouted at mahina akong napapalakpak.
"Road to season four tournament," inilatag ni Sir Theo ang kaniyang kamay at isa-isa naming ipinatong ang aming kamay dito. "Be bold,"
"Gold!" We all shouted. I kinda miss this kind of feeling, 'yong enjoy lang sa paglalaro.
Isa-isa na kaming nagkalasan, especially ako dahil ang dami ko pang babasahin na lectures lalo na't babalik ako sa Bulacan buong week. Larkin Oppa will be incharge muna sa boothcamp pero magkakaroon pa rin naman kami ng call (together with Coach and Callie) para mapagplanuhan ang mga magiging tactics namin sa mga susunod na laban.
"Callie, hindi pa tayo tapos, in my office now." sabi ni Sir Theo at naglakad na papasok sa kaniyang office.
Isa-isa kaming tiningnan ni Callie at natawa na lang ako.
"Awit naman, oh." Pa-ika-ikang naglakad si Callie papasok sa office ni Sir.
Mukhang hindi pa natatapos sa nakaraang call ang mahaba-habang sermunan kay Callie, ah. But still, we are happy that he is back in boothcamp now, mas makapag-po-focus na kami sa laro sa pagkakataong ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top