Chapter 1: The Popular Game

"... AND the champion of our 3rd HO National Tournament is Black Dragon PH!" Malakas na nagsigawan ang mga lalaki sa group namin habang kami naman ay bagot na bagot na nakatutok sa TV dahil sila lang ang nakakaintindi sa pinanonood nila. Ang usapan namin, Netflix and chill, aba! Noong nabalitaan nilang ngayon ang laban ng Black Dragon at Daredevils ay agad silang tumutok.

"Sabi ko sa inyo, Black Dragon ang mananalo, eh!" Sigaw ni Trace at nakipag-apir kay Tony at Clyde. "Akin na 100 na pusta ninyo. Easy money." Singil niya.

"So, ano, puwede na nating simulan 'yong plant holder nating project sa Envi. Scie?" Bagot kong tanong. "Wala talaga akong aasahan sa inyong tatlo kapag naharap na kayo sa TV."

"Grabe ka naman, Milan, may nasimulan naman na kami. Ako kaya 'yong nagluto noong Pancit Canton na merienda." Depensa ni Clyde at dinampot ang lagare upang putulan 'yong plywood na binili namin.

"Ikaw naman talaga naka-assign na magluto ng canton!" Nasa bahay kasi kami nila Shannah ngayon upang gawin ang project sa isang subject namin na feeling major. Matatapos na ang second sem at final project namin na gumawa ng mapapakinabangang gamit gawa sa recyclable materials.

We came up with the idea na gumawa ng Plant holder since luma na ang Plant Holder sa College of Science.

"Tsaka nakita kita kanina, amaze na amaze ka naman sa panonood ng Hunter Online. Astig, 'no?" Sabi naman ni Trace at naglagay na ng gluestick sa mga tanzan para idikit sa plywood.

Well, ang interesting nang labanan nito. Hindi ko masyado gets 'yong concept noong game pero ang objective ng laro ay patayin ang lahat ng members ng magkabilang team. Each team have 15 members at may kanya-kanya silang role sa game. Each team ay may pinoprotektahan na Key na nasa isang member ng grupo nila at kapag nakuha 'yong key at nasira ay talo na 'yong team.

"Hindi ka ba curious sa online gaming?" Tanong ni Tomy.

"Ako medyo curious," humahagikhik na sabi ni Shannah, palibhasa ay crush niya si Tommy kung kaya't ayan, panay pa-impress ang gaga. "Kilala ko 'yong isang player ng Battle Cry, si Dion."

Okay, ang ignorante ko. I am not even familiar with the teams tapos sila kilala pa nila ang mga players? Can I call this obsession already?

"Ah, ang hina nga ngayon ng Battle Cry, eh. Laglag agad sila sa Qualifying round ng tournament." Kuwento ni Trace. "Last year umabot sila hanggang semifinals, eh, nag-quit na kasi sa gaming 'yong mga strong players nila dati." Dugtong niya pa.

Napakunot ako ng noo dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. I am really aware that Hunter Online is one of the most popular game here in the Philippines as of the moment, kahit 'yong dalawa kong kuya ay naglalaro rin no'n, eh. Pero alam ninyo 'yon? Hindi ko ma-gets 'yong hype niya, parang ang uncivilized mong tao kapag hindi ka nakakasunod sa nangyayari sa E-Sport na 'yon.

"Pero sa season 4 talaga magkakaalaman kung sinong team ang malalakas dahil sa bagong server gaganapin 'yong Tournament." Kuwento ni Tomy. "Back to Level 1 ang lahat at unahan na naman sa pagpapa-level. Ibang klase din 'tong new rules ng HO Tournament, eh."

"Lilipat kayo sa new server mga dre?"

"Baka. Malay mo ma-scout ako ng professional team dahil magaling ako." Itinaas-baba ni Clyde ang kanyang kilay.

"Ulol asa ka. Pabigat ka lang." sagot ni Tomy.

"Tutulong kayo o buburahin ko 'yong pangalan ninyo sa listahan?" Tanong ko kay Tomy at Shannah.

"Eto na nga po manang Milan tutulong na nga po sa paglagari, oh." Sabi ni Tomy at tsaka lang siya tumulong sa amin.

Thankful naman ako dahil may nagawa naman kami ngayong araw para sa final project namin sa Envi Scie. (although, kailangan pukpukin ng mga kaibigan ko para tumulong sila) next week ay pupunta ulit kami kanila Shannah para matapos 'yong project at ipapasa na namin.

Super ready na akong salubungin ang Summer vacation.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko sina Kuya London at Kuya Brooklyn na nag-uusap sa sala. Yes, we have weird names, binase nina Mama at Papa ang mga pangalan namin sa mga favorite places nila na napuntahan sa buong mundo.

"Bakit mukhang lumong-lumo kayong dalawa diyan?" Tanong ko pagkarating ko sa bahay.

"Huwag mo muna kami kausapin, talo Daredevils. Walang maghahapunan sa pamilyang 'to!" Deklara ni Kuya London.

Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng isang basong tubg dahil sa pagod sa biyahe. "Is that related to Hunter Online?" I asked.

"Nanood ka ng stream?" Tanong ni Kuya Brooklyn.

"My groupmates watched and I just saw some clips lang. Mukhang deserved naman ng Black Dragons 'yong pagkapanalo nila, eh. It was a good match." Paliwanag ko at umupo sa tabi nila kuya. Kinuha ko ang remote at pinindot ang netflix upang makapanood ng movie

"Eeew, bandwagon." Pang-aasar ni Kuya London at hinampas ko siya sa braso. "Oo malakas ang Black Dragons pero mayayabang 'yong members nila! Puro trashtalk kung kaya't sila ang most hated team sa Tournament. Unluckily, they won, sampal nga talaga sa aming mga haters nila na malakas sila."

"Sobrang affected ninyo naman, laro lang naman 'yan." I clicked to watch Lucifer.

"Basher. Binash ka ba namin noong namatay si Dobby sa Harry Potter? Iniyakan mo 'yon, 'di ba?" Sabi naman ni Kuya Brooklyn.

"Hey si Doby 'yon! Huwag ninyo akong simulan, muggles."

"'Yong pagiging fan mo ng Harry Potter, same degree 'yon ng addiction namin sa Hunter Online. Binabalak pa nga naming lumipat sa new server since doon ire-release ang mga bagong game events, eh."

"Okay. Talo na 'ko." I raised both my arms. "Can we stop talking about Hunter Online, kaninang umaga ko pa siya naririnig. I deserved a netflix and chill moment. Okay, mga kuya's?"

"Sige po, 'di na po kami makikipagtalo sa 'yo, Dementor." Sinamaan ko nang tingin si Kuya London at tumawa naman silang dalawa. Ang hirap makipagtalo sa mga muggles.

Before I sleep, I decided to search the Hunter Online sa google. I don't usually search about this thing pero alam ninyo 'yon, good start din kasi 'to ng conversation if I will talk to a stranger who loves playing games. Little knowledge won't hurt me anyway.

"Hunter... Online..." pagbasa ko habang tina-type ko ito.

The first thing that popped is the news na nanalo nga ang Black Dragon sa competition. I read some informations kung bakit sobrang hype nitong game na ito.

First, you can customize your character on how it will appear or other player will see you (okay cool). Second, malaki 'yong world sa Hunter Online na kung saan puwede maglakbay ang mga players, open-world type of game daw siya so... hindi ko siya na-gets (okay, bash me na, I am really dumb when it come to this things). Third, maraming class or jobs na puwede kang pagpilian for your character and you can customize your weapons. And lastly, hindi mo kailangan gumastos sa game to earn rare items dahil rare drops iyon sa mga boss maps.

"This kind of action game will be love by male players nga." Sabi ko habang nagbabasa pa ng information. 70% kasi ng players nitong Hunter Online ay mga lalaki.

Kasing level daw nito ang School War Online... pero dahil nga ignorante ako, hindi ko rin alam iyon. Oh well, I enjoyed watching the stream earlier and now I understood a little bit kung bakit ganoon ka-addict ang nga kaibigan ko rito.

***

ALAM ninyo 'yong nakakatuwa kapag tapos na ang final exam? Sobrang chill na lang namin. May mga Professors na hindi na pumapasok at 'yong iba naman ay nagpapa-attendance na lang tapos we may leave the classroom already. In the next two weeks kasi, ang kailangan na lang namin gawin ay ipasa ang mga final requirements (which is mga project) para makapagbakasyon kami.

Kakuwentuhan ko si Shannah habang nanonood kami ng mga Tiktok videos sa cellphone niya. "'Te, di ba ang yummy? Hindi mo ba nakita 'yong abs tsaka 'yong V-line?" Napairap ako sa tanong ni Shannah. "Kung ito Jowa ko, kahit mag-renegade na lang siya sa buong magdamag, okay lang."

"Puwede na." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo bet? Wait lang, scroll pa tayo baka may matipuhan ka pa. Ano bang gusto mo? Koreano? Amerikano? Puwede ring Pinoy cuties?"

"Alam mo, binubugaw mo na ako." Natawa siya sa sinabi ko.

"Paano ba naman kasi, Milan, matatapos na 'yong sem na 'to ay hindi man lang kita nakita na nagkaroon ng interest sa mga lalaki rito sa BulSu. Tapos lagi pa natin kasama sina Trace pero wala ka naman ding interest kahit isa sa kanila. Ang sarap kaya sa feeling ng may lumalandi sa 'yo." Kuwento niya. Inigarap ni Shannah ang mukha ko sa mukha niya at inobserbahan. "Maganda ka naman, medyo malaki 'yong mata mo pero alam mo 'yon? Bumagay siya sa facial features mo, parang pusa 'yong eyes mo. Ang liit din ng mukha mo tapos mestiza ka pa! Sana all na lang talaga."

"Speaking of tatlong kolokoy na 'yon. Nasaan na naman? 'Di ba ang usapan ay pag-uusapan natin 'yong mga dadalahin na gamit para sa saturday? Kailangan na natin matapos 'yong Plant Holder na 'yon." Kapag nabalitaan kong naglalaro na naman ang tatlong iyon ay masesermunan ko na naman sila.

Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Shannah noong dumating sina Trace, Tomy, at Clyde na mukhang nagmadali papunta rito. "Hoy 'di ba ang usapan nat—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin noong bigla akong hatakin nina Clyde at Tomy papatayo. Kinuha naman ni Trace ang bag kong nakapatong sa table. Parehas kaming nagtaka ni Shannah sa nangyayari.

"Huy, tatlong kolokoy! Ano bang nangyayari? Bakit ba ninyo ako biglang hinahatak?" I asked.

"Sumali kami sa HO tournament dito sa loob lang ng campus. Akala namin 3v3 lang. 4v4 pala! Kailangan namin ng isa pang kasama para makasali kami sa laro." Paliwanag sa akin ni Clyde.

"W-What?! Bakit ako naman ang hahatakin ninyong tatlo? At tsaka wow naman talaga, ang usapan natin ay pag-uusapan natin ang tungkol sa project this time at hindi maglalaro ng Hunter Online." Paliwanag ko habang hinahatak ako nina Clyde at Tomy. Nakakahiya, pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante rito sa Campus.

"Guys wait lang naman!" Mabilis na humahabol sa amin si Shannah.

Pinagsalikop ni Trace ang kanyang palad at nag-puppy eye pa. Akala niya yata cute siya sa ginagawa niya. Nakakakilabot kaya! "Please, Milan, tulungan mo kami this time. Promise ko sa 'yo, sa Saturday, tapos na 'yong Plant Holder natin at ready na ipasa sa monday. Itaga mo man sa abs ko."

"Bobo wala kang abs. Dumi sa pusod ang mayroon ka." Sabat ni Clyde at siniko siya ni Trace.

Napabuntong hininga ako dahil mukhang desperado talaga itong tatlong kulokoy na makasali sa mini tournament ng school namin. "Huwag ninyo na akong kaladkarin, okay? Sasama na ako." I informed them. Nakakahiya sa mga dumadaan sa Heroes Park, ang eskandaloso nitong ginagawa nitong tatlo.

"Wala ng bawian 'yan, Milan! Ire-register ka rin namin for competition." Nag-apir silang tatlo.

Masasabi kong tulong ko na lang din 'to sa Kolokoy boys dahil noong gumawa kami last saturday ay nagkaroon ng mga paltos at sugat ang mga daliri nila dahil sa paglalagari at pagpupukpok ng pako. More on physical work talaga sila samantalang kami ni Shannah ang bahala sa design and paintings.

"Pero wait lang, wala naman akong nerve gear. I mean, my brothers have pero nasa bahay? Do I need to bring it ba? Puwede ko naman ipa-lalamove." I grabbed my phone but Clyde stopped me.

Ang nerve gear ang ginagamit upang makapaglaro ng Hunter Online. Para itong VR na isinusuot sa ulo ng isang player na kung saan niya makiiita ang ibang mundo na para bang nandoon ka mismo sa lugar.

"Don't worry, prepared na ako. Dala ko 'yong luma kong Nerve Gear. Hindi ka na rin mamomroblema sa account since naka-login diyan 'yong second account ko." Clyde explained.

"OMG! exciting 'to! First time ko makakapanood ng live na Hunter Online na labanan!" Pumapalakpak na sabi ni Shannah habang nakasunod sa amin. "Go, Milan! Support ka ng besiwaps mo sa debut as a gamer!"

"Anong gamer? Napilitan lang ako, ano! Para tapusin na nila 'yong Plant Holder sa Saturday dahil stressed na rin ako sa Envi Scie project na 'yon." I explained at bumaling muli ang tingin ko kanila Trace na good mood na good mood habang naglalakad kami patungo sa Activity Center dahil dito gaganapin ang HO Campus Tournament. "Huy, anong gagawin ko doon? Wala akong experience sa gaming."

Ayoko naman na umasa silang may skill ako pagdating sa gaming. I mean, yes, nag-research ako about Hunter Online pero hanggang basa-basa lang inng information at hindi naman ako nanood ng gameplay. Entertaining man ang Hunter Online pero mas gusto kong manood kung saan magandang bakasyon lalo na't ako ang in-charge this year kung saan magbabakasyon ang family namin.

"Tumayo ka lang sa map at kami na ang bahala sa 'yo," pagmamayabang ni Tomy. "Kung gusto mo mag-jackstone ka habang hinihintay kaming maka-kill." Napairap ako sa ere. Puro yabang talaga itong tatlong ito.

After a couple of seconds ay nagpa-register na kami at nakita ko na halos mapuno ang mga bench sa activity center para lang manood ng School Tournament. Wait, ganito ba ito ka-big deal?

"Huy ang daming tao!" Wika ko sa kanila habang tumitingin sa paligid. Mostly din ng mga sasali sa tourna ay mga lalaki. "Balak ninyo lang yata ako ipahiya na wala akong alam sa Hunter Online, eh."

"Alam naman namin na wala kang alam sa Hunter Online," umirap ako sa ere sa sinabi ni Clyde at iniabot niya sa akin ang extra nerve gear niya. "Pero kailangan lang talaga namin ng isa pang tao para makasali sa game, eh. Promise sa Saturday kahit mag-Netflix and chill ka na lang, kami ang bahala sa Plant Holder mo" pagmamayabang niya.

Umupo muna kaming apat sa monoblock habang pinagmamasdan sa projector ang mga teams na kasalukuyang naglalaban. Hindi lang ako basta-basta nanonood dahil nagtatanong din ako kay Trace at Tomy ng mga informations about sa game. Kung paano gumagama ang mga skill, how you will move using the nerve gear, and the rules of 4v4 matches.

After the game ay tumayo na sina Tomy at maging ako. Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Shannah sa paligid to cheer me up. Shit, Nakakahiya 'to, buti na lang talaga at few days na lang bago matapos ang semester. "From College of Science! DarkWolves!" Pumunta kami sa harap at umupo sa mga gaming chair at isinuot ang mga nerve gear.

On my case, si Clyde ang nagkabit ng nerve gear sa akin since sa kanya ito at wala talaga akong idea sa gaming. Taga-College of Nursing kakalabanin namin sa match na ito. If we will win this, pasok na kami sa semifinals at may chance na manalo sa Competition na ito.

Noong isinuot sa akin ni Clyde ang nerve gear ay may pinindot soyang button at nagkaroon ng liwanag sa vision ko na para bang nilalamon ako ng ibang dimension. Nakakahilo sa totoo lang.

After a few seconds ay nag-iba na ang paligid ko. Wala na ako sa school kung hindi nasa loob na ako ng Hunter Online.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top