xxxviii
"Luhan?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Yna sa may pinto. "Chineck ko lang kung buhay pa sya. It turns out, matagal ding mamatay ang mga manloloko. Yun lang. Wala naman akong balak antayin syang magising o kung magising pa sya. Wala."
"Buntis ka?"
"Ay hindi! Busog lang. Kumain kasi kami sa eat all you can, naka100 na kanin ako. Mukhang 9 months ko atang dadalhin 'to. Nangangati na pwet ko ilabas." sabi ko pa.
Inilapag nya ang bag nya sa gilid. "Sehun won't come back to you, Luhan. Hayaan mo na sya sa amin." Lumipat agad sya sa kabilang gilid ng bed bago nya pinunasan ang luha sa pisngi ni Sehun. Nangunot ang noo nya at napalingon kami pareho nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.
Chineck ng doktor si Sehun, his eyes and motor control nya at bago sya nagbilin ng dosage sa nurse na nakasunod sa kanya.
"He's crying. Is that a good sign?"
Hindi ko napigilang itanong.
"Yes, when did it happened?"
"I was just talking to him."
"Talk to him some more, I think it best to get him out of coma. He can hear you but he's lost somewhere. I'm a doctor, and yet I believe in those stuffs." tumawa si doc at napatingin ako kay Sehun, "He responded to you and not to his," napasulyap sya kay Yna at sa tyan ko, "talk to him if you want to save him. It's one of the best treatment for patients in coma." the doctor continued dismissing his previous statements because I'm his wife and I'm pregnant with his child.
Hindi na ako sumagot.
"I'll go ahead." I whispered.
"Wait, Luhan!" napahinto ako sa tawag ni Yna, "Talk to him more often. Save him."
"Why do I need to do that?"
"You love him." she murmured.
Natawa ako, "He hurt me! He chose you. You." I pointed a finger at her, "You save him. Labas na ako dito. He ended it. He ended us with a fucking phone call. And you're asking me to save him? No. That's my answer." sabi ko at lumabas na agad sa private room na yun. Dire-diretso lang ako hanggang sa makasalubong ko si Kharin sa may lobby. Bakas ang pagtataka sa mukha.
"Luhan? I told you to stay."
"I was worried." I answered.
"Dito muna si Luna tonight. Tatawag ako ng cab, walang kasama si Hansol. End na ng shift nila Taeyong mamaya. Come on." hinawakan nya ang kamay ko at ginuide ako papunta sa gilid ng kalsada at nagtawag sya ng cab. Nakatingin lang ako sa pavement. I seriously don't know what to think. Anong nangyari? Bakit naaksidente si Sehun? Hell.
Wala na dapat akong paki di ba?
But somehow, I want him to explain. I want to hear him say that we're over right in my face. Just a phone call, after all the trouble? He'll end it with just a phone call? Tangina.
"Nasa ospital si Sehun."
"Alam mo na?"
I lifted my gaze at napakunot ang noo sa sinabi ni Kharin. "So alam mo?" I asked.
Tumango si Kharin, "A month ago. Hindi ko na sinabi sayo dahil baka hindi na naman importante sayong malaman pa. Besides," he scratched his nape, "Ayokong malaman mo. Naging selfish ako this time. Natakot akong baka pag nalaman mo, you'll come back running to him again, leaving me."
"Kharin," I murmured.
"Pagod na din akong nakikita kang nasasaktan, Luhan. Pagod na akong bitawan ka for what? For him to just throw you away like that?" Kharin said.
Huminga ako ng malalim, "That's why I'm freeing you. I want you to be happy and I can't give that to you. I'm sorry, Kharin."
"I care about the kids. Anong plano mo? Alam kong gusto mong marinig ang side nya. Babalik ka ba? Magaantay ka din ba na magising sya?" hindi ako sumagot dahil dun, hindi na naginsist si Kharin at pumara ng taxi. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung babalik ba ako. If kakausapin ko ba sya and for what reason?! Para kaninong benefit?!
Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nanunuod ng TV sa shop si Hansol at sila Taeyong kasama ang isang hindi ko kilala pero pamilyar ang mukha nya. "You look like someone." Kamukha nya si Suho eh?
"Boss, this is my friend, Jaehyun. I told him we're looking for another crew and he'd like to apply." Taeyong said, smiling.
"Hyung, kamusta?"
"Eh? Kilala mo ako?" tanong ko.
"Remember Suho? He's my older brother. He used to be EKSO's manager years ago. Kilala po kita dahil sa kanya. I'm Sehun's fan. Yow!" nagapir sila ni Taeyong, "Suho hyung is married with Yixing. The man who cried Jurajil." Nagulat ako. Hindi ko narinig ang news na yun kela Chen ah?xx
Bakla ang ekso talaga. 😄
"Kaya pala kamukha mo sya."
"Oo. Si Sehun po?"
"Nahulog sa bangin, hindi ko na nakita, pumutok na pala. Sayang lang pera ko pambili ng condom, kung pagkain sana, nabusog pa ako. Yow!" sagot ko naman.
"Hahaha. Nice to meet you nalang po." Inilahad nya ang kamay nya at inabot ko.
"BAKIT HAWAK MO KAMAY EOMMA?!" sigaw ni Hansol at sinipa agad ang binti ni Jaehyun. "BITAWAN MO TYA GALIT APPA KO! BANTAYAN KO DAW EOMMA!" sigaw nya, "PO." pahabol nya pa. Magalang ah?;)
Binitawan ni Jaehyun ang kamay ko. Hindi ko alam kung matatawa ako kay Hansol eh. Tinanggap ko si Jaehyun sa trabaho dahil sa mukhang may something sila ni Taeyong at umalis na sila. Nagluto ako ng dinner namin at nakatingin lang ako kay Hansol habang kumakain sya. Masungit pa rin sya katulad ng dati pero hindi na sya masyadong snob.
"Miss mo na si Appa?"
"Opo! Tobra po! Taan po tya?"
"Ah, magiistay si Luna at Appa Kharin sa hospital tonight kaya be a good boy ah? Bawal mastress si eomma." pagiiba ko ng topic. Nagpout si Hansol, "He'll come back to see you.. I just don't know when son."
"Di na nya tayo love?"
"He loves you, Luna and Xiao."
"How about you? Po?"
"He... I.. I'm sure he do."
"Edi babalik po tya eomma! Tabi ni appa, bantayan ko kayo Luna tapot treat nya po ako ng ferrero gelato ite cleam!!" sabi nya at ngumiti ng malapad. Sehun surely knows how to spoil kids. Ngumiti nalang din ako at pinanuod kumain habang naghuhum si Sol.
Fuck, Sehun.
How to explain to them?
"Or maybe not?"
"Hindi! Tabi appa, balik tya kati tayo po home nya. Tiwala lang ta baba ni Appa."
-
-
-
And the next day, I found myself walking back to the hospital. Tumayo ako ng ilang segundo sa pinto ng kwarto ni Sehun bago ako kumatok. Nagulat pa si Yna ng makita nya ako. Pumasok ako, 'di alam kung ano bang sasabihin. Kinain ko pride ko. Pucha.
"I'll talk to him but without you around dahil baka mamura ko lang sya." sabi ko. Hindi na nakasagot si Yna at lumabas agad. Umupo ako sa gilid ng hospital bed, nilabas ko ang cellphone ko na may record video ni Hansol as if he's talking to Sehun. Plinay ko lang yun. Hansol's voice singing to a song filled the room, his laughter, his I miss you's and his I love you's until the video ended.
"I don't know why I'm here. And I don't know why I'm doing this. Hansol missed you. Luna is sick. Appa will visit by next week. Hanse is okay and I'm pregnant."
"5 months, just so you know."
"Natauhan na si Lolo na ako ang totoo nyang apo. Ako ang Oh, hindi ikaw. And that.. we're still married. I will sue you when you wake up. I mean, no? Surpise pala yun, paggising mo. Gumising ka na, hindi ka si sleeping beauty. 'Di mahaba ang baba ni sleeping beauty! Gising na."
"I hate you."
"I want to punch you."
"I want to cut your dick for being such a dick, for thinking with your dick. Maybe you're a dick in your past life. Asshole!"
"Oh Dick dapat pangalan mo."
"Napakainspirational nitong sasabihin ko sayo. Ikakagising mo 'to.. Tangina mo po."
"I have banana, I have two balls, Ugggh! Lumabas tubol! I don't really get PPAP."
"Pumanaw na si Miriam."
"May sex video si Vivi."
"Mii--ih-oh-oh-oh!"
"Arf! Arf!"
"Meow! Meow!"
"Awooooooooo."
Hindi ko na alam sasabihin ko.
Halata naman di ba?😅
Napabuntong hininga ako at napahawak sya tyan ko. "Sya si Appa, Xiao. Si appang gago lang, ang tanga lang, bad, masungit, basta mahaba BABA!" I rolled my eyes, "Hoy, Oh Sehun, nice to meet you daw. Gising ka na daw! Sabi mo, you want to be there during my pregnancy. Bat tulog ka? You're really good at making promises at mangiiwan."
"Ano 'to hit and run?"
"Gago ka. Nakakainis ka."
"Boset ka."
I took a deep breath bago ko kinuha yung Ipod. The sad melody filled the air. This is from the movie, Back to 20, our tomorrow. Yung totoo? Ano ba ang bukas natin Sehun?
Lagi akong nakikinig ng song at nilalapit sa tyan ko. Medyo lang. Minsan, nagbabasa pa ako ng libro baka tumalino sya at hindi sya matulad kay Ziyu na inidolo ang Kanto boys. Napariwara na ang buhay ni Ziyu. Jusko po. Nang matapos ang kanta, pinasok ko ulit sa bag yung ipod at naisipan ko ng umalis din. Nakailang balik ako sa hospital, kinakausap si Sehun ng kung anu-anong bagay na wala ng sense. Sometimes, reminiscing and then mumurahin ko na ulit sya. I just can't help it.
"Sehun, fucker ka. Argh!"
"Minsan gusto kong ikaw ang kumanta para sa baby natin, Sehun. But then you fucked up again. Sinayang mo binigay ko na chance. Nakakapagod na. So bakit pa natin ipagpipilitan ulit kung ganito lang din? It didn't work.. it will never work."
"Why? Just why? Why do you always like to make me wait? You..... shouldn't have come back if you'll leave me again! Idiot! Aalis na ako! Ayoko na! You can turn your back on me, ako din! Di na ako babalik!"
Tatalikod na sana ako nang mapansin kong gumalaw ang daliri ni Sehun. Onti-onti na yung gumagalaw kaya lumabas ako at agad tumawag ng doctor. Nagrespond agad ang doctor at tumakbo sa kwarto nya pero hindi na ako bumalik. Umuwi na ako sa bahay at naabutan ko ang kambal at si Appa sa may living room. Kumakain lang sila ng snack.
"How's Sehun?"
"See for yourself, dad."
Umupo ako sa couch at pinaggitnaan agad ako ni Hansol at Luna. "Luna ganda loves you baby Xiao-lin soccer! Dami dami, so dami dami! Mwah!" hinahalik halikan pa nya ang tyan ko. Inilayo ko ang mukha nya na tila pinupunas nya lang ang chocolate sa damit ko. "Wala po ba ipin baby, eomma?"
"Wala." sagot ko.
"Paano labat ipin?" tanong ni Hansol.
"Babatukan natin sya. Ako bahala."
Kinurot ko ang ilong ni Luna, "Hindi po binabatukan ang baby, bungi. Ikaw."
"Eomma," tawag ni Luna.
"Hmm?"
"Miss ko po na daddy baba."
Napayuko ako dahil dun.
"Punta ba tya sa birthday ko?"
"I.. don't think he can make-"
Hindi pinatapos ni Hansol ang sasabihin ko at tumakbo na sya sa kwarto nya. I felt Dad lightly tapped my back. Paano ko sasabihin sakanila ang kalagayan ni Sehun? Namin?
"Natatae po ba si Hansol?"
Ginulo ko ang buhok ni Luna. Talaga 'tong bungi na 'to. Napatingin ako kay Appa nang tumunog ang CP nya. Two weeks ko na ring kinakausap si Sehun, ano kayang balita na? Gumalaw ang daliri nya. Gising na ba sya?
"Luhan," Dad called.
"Gising na ba sya?"
Tumango lang si Appa.
-
-
-
Three weeks na ang lumipas simula nang malaman ko ang balitang gising na si Sehun. Hindi ako pumunta sa hospital and I begged everyone not to tell Sehun where we are. It's the twins fourth birthday. Nandun syempre ang mga bes ko. Si Baekhyun at Chanyeol na si Jesper lang ang kasama, si Kyungsoo at si Jongin at Asher. Si Eomma Bagin at si Ziyu.
"Ate hyung, tinitigasan na ako."
Nanlaki mata ko sa sinabi ni Ziyu.
"Ano?! Gago kang bata ka! Bastos mo."
"Tinitigasan na ako ng puso. Hindi pa rin ako sinasagot ni Lulu. Mahal na mahal ko sya! Mamamatay ako ng wala sya! Huhu!"
"Sagot ko na ang biscuit sa lamay mo pati kape! Tangina nitong batang to. Hindi na umasenso." bulalas ko habang inaayos ang lamesa. Iyak lang nang iyak si Ziyu sa gilid.
"Ay okay lang yan, Tito Ziyu, wag po kayo iyak! Baka po maging kamukha nyo po si Tito Baekhyun." pag-alo naman ni Hansol.
"Ano namang problema dun?" sabad ni Baekhyun habang naglalagay ng eyeliner.
"Malaking problema! Guguho na ang mundo! Yang mukha mo, ang dahilan kung bakit 'di umaasenso ang bansa!" panglalait ni Kyungsoo. Ito na naman sila. Simula noon hanggang ngayon, bangayan.
"Grabe ka bes. Hard mo."
Nagtawanan nalang kami pero natigil ang tawanan namin nang pumasok si Appa at kasunod nya si Sehun. Biglang tumahimik. Nagiba ang timpla ng hangin sa oras ding yun tapos napatingin si Sehun sa tyan ko.
"Appa! Bakit nandito sya?"
"Magusap kayo." Dad said.
Binitawan ko ang platong hawak ko at lumapit sa kanila. "Get out." hindi agad kumilos si Sehun. Nanatili syang nakatayo. Napansin ko din ang namumuong luha sa mata. "You're not invited here." sabi ko.
"Luhan.. I.." I cut him off.
"Sorry? You're good at that, Sehun. Wag mo namang careerin. Saying sorry won't change a anything. We.. don't need you."
"Let me explain.."
"Just get out! Get out!" sigaw ko.
"Appa!" sigaw ni Hansol.
"Daddy baba!" sigaw ni Luna.
"Stay there!" sigaw ko sa kanila. Napahinto tuloy silang dalawa sa malakas na sigaw ko.
"Luhan, hear me out."
Tinulak ko sya palabas ng pinto, "So what? Sorry? Sasabihin mong mahal mo ako? Is this how you treat people you love? Keep on hurting them? Make them wait? And just throw them with just a phone call?! Huh, Sehun? You don't love me," I took a deep breath and let it out, "because if you do Sehun, you won't keep on hurting me."
"Luhan-" again, i cut him off.
"You fucked up again. You can't stand up to your own words, Sehun. Stop making a fool out of me so do me a favor," I paused.
"Luhan, just let me explain."
Itinaas ko ang kamay ko to stop him from talking, "Get the fuck out of our lives!!"
Sinarado ko na ang pinto.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
I know this is painful but I swear, I'll give you guys a good ending. Hang on, just hang on. Just keep believing. Hahahaha. Thanks for reading and sorry for the late update.:)
Kamusta ang EXOPHunstoppable?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top