ix
LSS ako sa Call You Bae. LITSI. :")
----------------------------------------------------------------------------------------------
"KAYA PALA ANG PANGET MO."
Ay grabe sya oh? Laitero din ah?
"Huhu! Eomma panget ka daw!"
"Grabe sya?! Ikaw kaya sinabihan na panget dyan." Lalo tuloy sya umiyak. Haha. Lakas din makaGGSS nitong si Luna. "Biro lang anak. You woke up like that nga di ba? Ganyan ang mga lahi natin. Walang hilamos hilamos, walang ligo ligo, paggising yun na. Boom pak na pak!" Sinapo ko ang mukha nya. "Ang ganda mo nak. Sarap mo ihagis sa balon." pagbibiro ko. Sarap kasi nito biruin at paiyakin.
"Ihagis na yan!" sigaw ni Asher.
Napanguso sya at tumakbo papalapit kay Sehun. Maghahanap lang sya ng mauuto tapos okay na sya. "Huhuhu! Mr. Baba, di ba ganda ako dami dami? Kamukha ko si Meryenda Kerr." aniya. Kitam mo na? Mamaya okay na yan. "I woke up like this po talaga." dugtong nya kaya natawa ako lalo. Ipush yang I woke up like this na yan. Kalokohan talaga ng bungi na to. Ako kaya yung 'I woke up like this'. Hindi ako naligo.
Hindi naligo, meron kasi ako eh.
Tinap ni Sehun ang ulo nya. "Syempre naman." Sinulyapan nya ako ng ilang segundo. "Anak ka ni Luhan eh." Aba, ngiting ngiti naman si bungi sa sinabi nya. "Kanino ka pa ba magmamana? Asher Kim, bad yun. Bakit mo naman sinabing panget si Luna?" Binuhat ni Sehun si Luna at nilapitan si Asher na nakangisi lang. Kalokohan talaga ng batang to. Pero teka at bakit feeling tatay na si babalong sa kanila?
"I'm only human. Please stop judging me." Napafacepalm kami kay Asher na puro na naman sya kalokohan. Talino nito sa mga ganyan. "Kyungtoo sabi akin, being good daw po is good but being bad is extra good pero ang ibig ko po sabihin dito. Gutom na po ako. May pagkain na ba?" Humawak sya sa tyan nya. Kung hindi lang sya cute na bata, tinadyakan ko na ito sa mukha!
"Ang takaw mo talaga." Napatingin ako kay Sehun. "Ipagluluto kita pero pahiramin mo muna ng damit si Tito Sehun mo." Napatingin sya kay Sehun at sinuri ito bago nya pinagcross ang braso nya sa dibdib na para bang boss ng isang kompanya. Nakokonsensya lang ako, alam kong nilalamig na rin sya dahil basa ang damit nya. Pansin din ang ilang basang parte sa suot nya na maong. Naalala ko tuloy sinabi ni Kharin. Lumalabas daw bakat nya lalo na pag tag-ulan pero si Sehun.. erase.
"Bakit ikaw alala sa kanya? Crush mo po ba sya?" Napamake face tuloy ako. Kyungtoo! Anyare sa anak mo?! Alam ko na magiging kurso nito. Teacher?!
"Di sya cruth Eomma." Hansol said.
"Di ko gets? Cruth? Nakakain ba yun?"
"Huhu! Eomma di ka daw nya gets!"
Tongue-inuh. Ako na naman sige na!
"Saan ba si Binay?" segway ko.
"Sa office. Nagpapaputi." sagot nya.
"Susumbong kita sa tatay mo! Lagot ka! Wala ka ng chicken forever!" sabi ko at bigla syang umiyak ng malakas. Hala sya. "Oy biro lang. Lulutuan kita ng madami, pahiramin mo na sya ng damit. Basa yung damit nya eh. Baka magkasakit sya. Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!" Napatigil agad sya sa pagiyak. Bakit parang mas natakot pa ata sya pag wala na syang Chicken forever kesa sa mga pulis? Takaw nito.
Huminga sya ng malalim. "Hay akala ko talaga wala na akong kakainin eh. Thank you, papa god." Pinagdaop pa nya ang palad nya. Ay boset. "Kukuha po ako damit taas." Tumakbo na agad sya paakyat. Pinaikot ko ang tingin ko at hinanap ang kapatid nya at nagulat akong gumagapang na ito sa sahig na akala mo living mop. Tinakbo ko agad sya at itinayo. Puti pa ang damit nya.
"Kyungin! Bakit ka gumagapang?"
"Linis ako sahig." sagot nya.
Aisige lang. Linisin mo pa yang sahig.
Boset tong mga junakis ni Kyungsoo. Matino pa kaya si Yaya Raquel nila? I bet not? "Laro nalang kayo Ate Luna dun. Magluluto lang ako." sabi ko pa. Nagkatinginan kami ni Sehun dahil sa kalokohan ng mga bata. He gave me this light smile. Nagiwas nalang ako at naghanap ng gamot. Mabuti at nakita ko agad yun pagpasok ko sa kusina. I took one tablet. "Inumin mo agad ito. Baka sugurin pa ako ng asawa mo pag nalamang nagkasakit ka dahil sa akin. Please, I'm not being kind. Malambot lang talaga loob ko sa nangangailan?"
Hindi agad sya sumagot.
"Luhan, naninigas ako."
Nanlaki ang mata ko. Tingini! Ano?
"Ano?! Bestes nete! Anong naninigas ka dyan? LUL! Hoy Sihun, wala akong pakialam! Hindi ko na problema yan! So..solusyunan mo yan mag-isa mo!" sigaw ko pa. Nanlaki lalo ang mata ko nang hubarin nya ang jacket nya. "Uy anong gi..ginagawa mo?!! Seryoso ka ba? Hoy! Wag kang SPG yan! May mga bata dito!" sigaw ko at tumalikod sa kanya.
"Parang berjen naman to. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Wag namang masyadong green minded. Naninigas na ako sa lamig. Asan na ba si Asher? Tinutok pa kasi dito ni Kyungin yung electric fan." Napatingin naman ako kay Kyungin na gumagawa ng ingay sa harap ng electric fan. Masyado na din ba akong pervert? May iba kasing word, bakit naninigas? Tingini lang?!
"Ito na po." Inabot sa akin ni Asher.
"Bakit to? Yung sa tatay mo."
Litsi. Hanging blouse lang kay Sehun tong damit nya. Winnie the pooh ang peg? "Sinabi nyo po ba? Hindi naman eh? Sabi nyo lang pahiram ng damit?" Umakto sya na parang inaalala kung may sinabi ba ako. "Wala. Hindi ko na po problema yun. Suot nyo nalang po kasi baka po bagay sa inyo, Tito Baba. Luto na po kayo! Antay ko po." aniya. Naibagsak ko ang balikat ko at inabot kay Sehun yung maliit na damit. Ayaw pa sana nya tanggapin pero sinaksak ko sa mukha nya. Wala syang choice.
"Ang liit nito?" Sehun said.
"Wag ka ng maarte! Atleast hindi ka magkakasakit. Kabag nga lang abot mo." sabi ko at dumiretso na agad sa kusina para ayusin ang priprituhin ko. Ang daming stock sa ref nila. Sa anak ba naman nilang walang kabusugan? Naprepressure na siguro si Jongin sa pamamalengke. Napakaresponsable ding tatay ni Jongin kahit nakashabu ang asawa at anak nya. Sinuot ko na muna yung apron bago nilinisan ang manok. Napalingon ako sa malakas na tawanan nila Asher sa may sala at tinakbo ni Luna si Sehun papalapit sa akin. The living Winnie The Pooh?!xx
"Eomma, parang baby si Mr. Baba."
Napakamot sa ulo nya si Sehun. Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura nya. Hanging blouse ampucha. Haha. Bumaba ang tingin ko sa ABS nya kasi hanging blouse nga di ba? Edi kita ko! Napalunok ako. Sobrang nagimprove ang katawan ni Sehun. I'll admit that. Bumaba pa ang tingin ko sa pants nya dahil may nahagip ako. Nagiwas agad ako ng tingin at muling binalingan na ang ginagawa ko. Boset na bulge yan
Tapalan ng jacket baka manuklaw.
Tumakbo agad si Luna at naiwan si Sehun kasama ko. Narinig ko na hinila nya ang silya at umupo dun. Naiilang tuloy akong kumilos. Nilingon ko sya at nakatingin lang sya. "Bakit ganyan ka makatingin?! Kung tignan mo ako parang gusto mo akong hubaran ah?" Nakapamewang na sabi ko. Tinaasan ko pa sya ng kilay pero ngumisi lang sya at pumangalumbaba. Para bang may bumara sa lalamunan ko dahil sa tingin nya sa akin. Nakakaintimidate?
"Kung nahuhubad ng tingin ko yang damit mo, malamang.. kanina ka pa walang damit." he said in such husky voice. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Naalala ko kasi na isang beses, pinagluto nya ako na walang suot kundi apron. "And that one time when I made you wear only an apron while-" Pinandilatan ko sya. Tingini. Mukhang yun din ata ang naalala nya boset. "Nakita na ba ni Kharin yun?" I narrowed my eyes at him. "Don't you dare do it to him, Luhan." dugtong pa nya. I just gave him a mocking laugh.
"Why not? Ikakasal na din kami." sabi ko at inayos na ang kawali. "Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Pwedeng umakto ka naman like a married one? Hindi ka na binata, Oh Sehun. Bukod dun, wala na rin namang epekto yang paglalandi mo sa akin. Pft!" sabi ko at pinihit ko ang gas stove. Nagulat ako dahil nung haharapin ko na sya, nasa likod ko na sya. Napalunok tuloy ako. "Oh? Kung gusto mo akong tulungan magluto, tulungan mo nalang a..ako"
"Wala nga ba talaga?"
"Wa..wala!" I answered him.
"Then, why are you tensed?"
"Nangangati lang utong ko."
Inilapit nya lalo ang sarili nya sa akin. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. "Kahit ganito kaclose?" I nodded. Nilapit nya lalo ang mukha nya. "Kung ganito kaclose?" Hindi pa rin ako nagpatalo, tumango ulit ako. Nilapit nya ulit mukha nya as in just an inch away. I could smell his scent. His captivating scent. "Kung ganito? Don't deny it. You are still affected."
"Hindi! May asawa ka, wag malandi."
"Asawa?" Napatingin ako sa kamay nyang sinara ang kalan. Umurong ako sa gilid para iwasan sya pero hinarang nya ang kamay nya dun. Sinalubong ko ang tingin nya. "Iba ang asawa ko sa papel pero," he pointed a finger to his chest. "Ibang asawa ang kinikilala nito. Yung asawa kong iniwan ako at hindi ako pinatawad. Yung asawa ko na sumama sa iba. Yung asawa kong nasa harapan ko." Napalunok ako sa sinabi nya. "Ikaw lang ang kilala nya"
Tinulak ko sya. "Kalimutan mo na ang asawa mong yun kasi kinalimutan ka na din nya. Isipin mo nalang kung ano ang meron ka kasi sila ang pinili mo bago sya." Hinawi ko ang kamay nya at binuksan ang kalan. Prinito ko na yung chicken at naiinip na si Asher. It took me 20 minutes to fry it all. Hinain ko na yun sa lamesa. Nakaupo na nga silang lahat dun eh at may plato na.
"Mr. Baba kain ka!" aya ni Luna.
"Magprito ka ng sayo, Sehun." Ani ko.
"Hindi na. Papanuorin ko nalang sila. Isa pa, busog pa ako." sabi nya. Hindi ko sya tinignan at umupo ako sa tabi ni Hansol. Sarap na sarap sila lalo na si Asher na nakakaapat na piraso na?! Tingini. Nginuya nya ba yun? Takaw!
"Tita Luhan, kunin nyo nga po yung libro na yun oh." Tinuro ni Asher ang tuktok ng bookshelf sa sala. Tumango ako at tumayo. Hinila ko ang silya dun para maabot yun. "Yung nasa gilid po ah? Kumakanta po yan! Yey!" Excited na sabi nya. Pilit na inabot ko pa yun at pero dumulas yung plastic na silya at naout of balance ako. Akala ko nga babagsak na ako sa pero hindi pala.
Nasalo ako ni Sehun.
I heard him groaned. Napalingon ako sa kanya pero ngumiti lang sya sakin. He stared at me with his lips parted. In his eyes, it seems like kaming dalawa lang ang tao sa kwarto na yun. Hindi ko tuloy alam sasabihin ko sa kanya.
"I. LOVE. YOU." sambit nya.
"Ha?" I asked dumbfound.
.
.
.
"Binasa ko lang shirt ni Asher."
----------------------------------------------------------------------------------------------
Kunwari pa si Tete este Sese pala. XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top