iii

Dedicated kay Mae Harrot in real life.
----------------------------------------------------------------------------------------------
"Eomma, pukemun ako?"

"Pukemun talaga baby girl?" B said.

"Sino nagsabi sayo nyan, Kyungin?" tanong ni Kyungsoo habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ni Kyungin. Ang sarap nilang tignan Kyungsupot and Kyungsoo liit lang. Natatawa pa ako sa itsura ni Jongsoo sa tabi ni Penguin na parang nagkoconcentrate? Natatae talaga eh. Alam nilang may anak ako pero hindi nila alam ang totoo. Napalingon ako kay Kharin nang hawakan nya naman ang bewang ko. Nginitian ko lang sya.

"Si Kuya po." sagot ni Asher.

"Wag kang maniwala kay Kuya Asher mo. Ang totoo kasi nyan anak, isa ka talagang NINJA TURTLE at si Barney ang tatay mo." Sinipa ko ang binti nya. Loko to mamaya eh maniwala ang bata. "Biro lang. Girl ka okay? Mahilig lang sa po pukemun yang si Kuya Asher mo. Ipapasok ko na yan sa TV sa susunod!" aniya at kinalong ito. "Nagkita na ba kayo? Nung pitingining Ex-husband mong si bulgey boy?" Napaubo si Kharin dahil sa tinawag ni Kyungsoo.

Lumapit sa akin ng kaonti si Kharin at bumulong. "Pupuntahan ko lang si Hansol ah? Nandun na naman sya sa sulok." I nodded and glanced at Hansol whose only looking at the other kids. Lagi namin syang nililibot para lang may mahalubilo syang ibang tao. Sobrang mahiyain kasi. Makulit lang sya kapag si Kharin ang kasama nya. Tinanaw ko lang sila bago muling binalingan sila Kyungsoo. Mapangasar ang tingin eh?

"Nagkita na kami." sabi ko.

"Ano nangyari?" tanong ni Baekhyun.

"Wala? He is still the same. Nagmatured ang presence nya, probably because tatay na sya? Inimbitahan ko din sya sa welcome party at pati na rin si Yna."

"Si Yna? Party yun teh, hindi ZOO."

Natawa ako sa sinabi ni Baekhyun.

"Eh nung nakita mo si Sehun? Wala ka bang naramdaman? Like pagkamiss?" Napatitig ako kay Kyungsoo ng ilang segundo. I don't know how to answer that. When I saw him, my heart stops beating. Aaminin ko, attracted pa rin ako but that deep feeling I felt before, iba na ngayon. May kulang na. Meron ng batak. "Silence means meron ah?! Pitingini, Lu Han. Wag kang bibigay. I kennot. Kung ako sayo, si Kharin ang perfect guy for you. Kalimutan mo na si bulgey boy. Lilitaw din ang bulge ni Kharin, kung yan ang requirements mo." Sinamaan ko sya ng tingin. "Ane be, char lang. Maliit na bagay di ba?"

"Di yan ang hanap ni Luhan." B said.

"Ano pala?" Kyungsoo asked.

"BABA." Baekhyun answered.

Ang sarap paguntugin ng mga to!

"Eomma, ano po balge?"

"Hindi ko alam sayo kung ano ang bagle na yan, Kyungin. Dumede ka nalang! Charing!" Napairap nalang ako dito kay Penguin. "Pero Luhan, itong si Kharin pa najackpot sayo ano? I kennot. Ang lesson dyan, wag kang tumingin dun sa baba." sabi nya at ang lakas ng tawa nila ni Baekhyun. Kung alam lang ng dalawang to.

"Tumitingin nga lang sya sa baba!"

"Litsi kayong dalawa, gulo nyo!"

"Eomma," Napalingon ako sa tawag ni Luna. "Hiram phone. Text ko ulit si Mr. Baba." I shook my head and she pouted her lips. "Bakit? Gusto ko sya text! Dami dami dami mukha!" Ewan ko dito sa batang ito. F NA F magtext ng emoticons. "Tawag ako kay Cardo! Sumbong kita Tulfo!" Naiiyak na sabi nya. Anong pinagsasasabi nito? Litsi.

"Hindi pwede, itetext mo na-"

"Eh pindot pindot pindot pindot ako eh! Di ko basa name nya. Hindi ko na send kanya yun." sabi nya. Inabot ko nalang ulit ang phone ko. Ang hirap nyang tanggihan.. baka magwala pa. Ibang klase din ito magwala eh, baka maubusan ng tubig sa katawan. Hindi sya titigil sa pagiyak hanggang hindi ka nakokonsensya sa 'pagtanggi' mo.

Tuwang tuwa na umalis sya.

"Ano ba tinext nya kay Sehun?"

"I love you. Ewan ko dyan."

"Malay mo, si Luna maging dahilan ng pagbabati nyo. Bati lang, okay? Hindi pagbabalikan." sabi ni Baekhyun and he yanked his phone out of his pocket. Natawa sya bigla nang basahin yung text na natanggap nya. "Kung dati eh puro emoticons, improving na si Luna ah? Humahaba na ang sentence nya." Nangunot ang noo ko at hinablot ang CP nya. Binasa ko agad yung text nito.
.
.
.
I MISH CHU. COW ANG FOREVER Q.

<insert tadtad ng emoticons>

"Luna! Ano to?!" sigaw ko.

"Si Yaya Mae Harrot nagtype po nyan. Ako lagay dami mukha! Sabi ko send nya dami!" Napahilamos ako sa muka ko. Ngiting ngiti pa sya. Bungi naman. Kinuha ko yung phone, hinanap ko pa yung name ni Sehun pero idedelete ko na sana, nagsend na.  Pinandilatan ko si Luna. Sabi ko na eh.. Masama kutob ko. Tumakbo agad sya tsaka niyakap ang binti ko. "Love nyo po ako di ba?" She said, giving me her puppy eyes.xx

"May kasalanan ka pa rin." sabi ko.

"Tsuri na jimboy." sabi nya.

Imbes na mainis ako, natatawa ako sa kanya. I pinched her cheeks. Itong bungi na 'to. Si Yaya Mae nalang ang tinignan ko ng masama, ngumisi lang sya sa akin at nagpeace sign. Uupo na sana ako pabalik sa sofa habang hawak ko pa ang kamay ni Luna nang magring ang CP ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Si Sehun?!

In the end, sinagot ko.

"Luna?" Nangunot ang noo ko. Hindi pala si Sehun, kundi si Yna. Siguro ay nilagay ni Sehun sa contacts nya ang pangalan ni Luna at HINDI ang name ko. Bakit nga naman nya ilalagay ang pangalan ng EX nya sa contacts nya?! Makita pa ng asawa nya. "Tigilan mo na si Sehun. May asawa na sya." sabi nya. Aba? Hindi ko alam pero hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya. Fck. Tigilan na si Sehun kasi may asawa na daw, gaga pala 'tong Yna na 'to? Bakit hindi nya sinabi yun sa sarili nya ano?

"Bakit ikaw Yna, hindi mo tinigilan si Sehun kahit alam mong may asawa na sya? Noon. Wag kang magmalinis dahil alam natin parehong dugyutin ka." I told her in a mocking way. Aba, ang kapal ng mukha nya di ba? Hindi ko napigilan ang sarili kong 'barahin' sya. Yung feeling na handa na akong magpatawad but she's not worth it.

"Lu..Luhan?" She said, stuttering.

"Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Why come back?! Magkakaanak na kami ulit ni Sehun." sabi nya at tila nabingi ako. "He's already over you. Tapos na kayo. Masaya na sya." sabi nya. Pero bakit natatakot ang boses nya? Nung una sabi nya, wala syang balak manggulo sa amin ni Sehun eh pero heto na sya at nagiinaso. She is such an hyprocrite. Gusto nya naman talagang mapasakanya si Sehun nun pa. Lolo Sonmig is on his side dahil sa anak nila at lumaki na ang ulo nya ha. Wala akong paki kung may baby ulit!

"Then, congratulations. Good for you and for him. Kung takot kang maagaw si Sehun bakit hindi mo sya ikulong sa PANTY mo? Pero bago yun maghugas ka na muna kasi baka umalis sya at maghanap ng mangga."

May bagoong na kasi sya. Hahard.
-----------------------------------------------------
-----------------------------------------
Sumapit ang party at inantay ko kung darating si Yna pero wala at wala rin si Sehun. Bakit ko ba sila inaantay? Para patunayan sa sarili ko na wala na nga talaga? Parang reunion ang nangyari. Nandun sila Hoseok at Taehyung kaya tuwang tuwa na naman si Ziyu. Sobra nyang namiss idols nya. Tingini yung bata na yun, sa dami ng iidolohin nya bakit yung dalawang tukmol na yun?!

Napatingin ako sa kumpulan nila Kris nang umingay sila. Nandun na pala si Sehun. Inabutan agad sya ng inumin ni Chanyeol. Nagtama ang mga mata namin pero ako unang nagiwas. Sige lang sa pagkukwento si Kyungsoo sa asawa nyang mahilig pero ni isa dun walang pumasok sa isip ko. Naiilang ako sa tingin ni Sehun. Pansin ko ang titig nya sa peripheral vision ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin ulit at nagtatama ang mata namin. Litsi.

"Kaya yan, wala na akong libag dahil kay Jongin. Libagan ba naman ako gabi gabi eh." Napairap ako sa sinabi ni Kyungsoo at nagpaalam muna ako sandali na papasok sa loob ng bahay kasi sa pool side ang venue. Dumaan ako sa gilid ni Sehun nang hindi man lang sya sinulyapan at dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng sarili kong wine. Napakagat ako sa daliri ko. Sh't naman. Bakit sya ganun makatingin?

"Luhan,"

Gulat na napalingon ako. "Sehun, bakit? May kailangan ka ba? Nandun lahat ang pagkain sa labas?" I told him but he's just staring at me. "Hindi mo pala kasama si Yna. Congrats nga pala ah?" sabi ko na nagpakunot sa noo nya. "Magkakababy na pala kayo ulit." Naiilang na tumawa ako pero takang tinignan nya lang ako. "Haha? Sige? I still have a lot to do. Baka hanapin na ako ni Kharin." Dadaanan ko na sana sya eh pero hinawakan nya ang braso ko. "May sasabihin ka pa ba sa akin?"

"How come? They found out my cyst sya sa matres at tinanggal na ito. Hindi yun alam ni Lolo. He's expecting for Yna to be pregnant 'cause Lolo wants a 'girl' in the family. Hindi na sya pwedeng mabuntis." Sinungaling din talaga si Yna eh no? Pero para akong nabunutan ng tinik? Ewan! Ano bang nangyayari sa akin? Tapos na kami! I have Kharin. Sila na ang pamilya ko! Sorry Lolo Sonmig ah.. may babaeng apo na sana kayo kaso manigas kayo.

"Ganun ba? Ah yun kasi sabi nya."

Dinaan ko sya pero hinawakan nya ang braso ko. Hindi ako tumingin sa kanya. Bumaba agad ang kamay nya sa kamay ko. The warmth of his hand is.. giving me these sweet chills down to my spine. I shoved his hand away.

"Kahit na anong pilit kong paniwalain ang sarili ko na tapos na tayo, na wala na because I know, you won't take me back but fck, I just can't get you out of my head, Luhan!" aniya sa tonong emosyonal pero hindi ako sumagot at lumakad palabas na sana ng kitchen kaso kinorner nya ako dun sa counter. Ano ba gusto nya sa akin?

"Hindi ko na problema yun, Sehun."

"Luhan-" he settled his forehead onto mine. I smelled his familiar scent and his every breathing. Bumaba ang tingin nya sa labi ko. Sumagi sa isip ko si Kharin kaya hinahawi ko ang kamay nya pero hinawakan nya ang batok ko at hinalikan ako. Gusto kong umiwas pero mahigpit ang kapit nya sa batok ko. His kisses are hungry and aggressive.
.
.
.
.
.
.
"TITA LUHAN, MAY CHICKEN PA?"

Nabitawan agad ako ni Sehun dahil sa biglang pasulpot ni Asher and worst, he's with Hansol. Nakita kami ni Hansol. FCK.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top