ii
Ano interpretation nyo sa cover? Hihi. It suits well what I want for this story.:)
----------------------------------------------------------------------------------------------
Sehun
Pinagmasdan ko ang papalayo nilang sasakyan. Hindi ko alam pero hindi ko magawang maniwala kay Luhan. Just something is telling me not to? I don't know? After seeing Luna and Hansol with my own eyes? Pero, ano namang imposible? I mean, I saw them kissing and Kharin likes Luhan. I clenched my fist. Ikakasal na sya at kasal na ako. I brushed my hair with my fingers. Why am I so pissed?! We are living our own lives now. Fck, Sehun. Masaya na sya.
Hindi na sya babalik sayo.
Even if I want him... back.
Seeing Luhan's smiles na hindi na ako ang dahilan, si Kharin at ang kambal na ang dahilan. I'm completely out of his life now. He's happy. I could see it. Tatalikod na sana ako eh kaso nagring ang phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Unknown number? Number ni Luhan? Tinext nya agad ako? But he's driving. Binuksan ko ang text at binasa agad.
I LOVE YOU. <insert emoticons>
Sa simpleng text na yun, nawala ang inis ko sa sarili. Napangiti ako at isang makulit na bata lang ang pumasok sa isip ko. Si Luna. I am not expecting for it to be Luhan. Why would he say such thing to his EX? Akala ko wala na pero after seeing him all these years hits me like a tornado, he still have that same effect on me, bewitching me. Alam ko mali dahil gulo na tong papasukin ko.
Tinawagan ko si Chanyeol at mabuti nalang at hindi pa sya nakakalayo sa lugar na yun. Pinabalik ko sya sa bar kung saan kami nagkita kanina. Just drinking. "Hyung, nakita ko si Luhan pati ang kambal nya. Alam mo hyung nakakatuwa sila. Luna is quite bossy pero manang mana kay Luhan tapos si Hansol? He reminds me a lot of my childhood days. Pareho kami laging tahimik. I think he's only open to his Dad, Kharin." Natawa ako sa hindi ko alam na dahilan, iniisip ang kambal. "Parang ako kay Lolo Sonmig nun."I said in a whisper.
"So feeling mo ikaw na tatay nyan?"
Umorder ako ng isa pang baso nung brandy. "Hindi raw ako." Nasapo ko ang mukha ko, "How badly I want for it to be me, the father of his twins but no. Wala eh." Humigpit ang hawak ko sa basong hawak tsaka ininom. "Pucha eh no? Gago din tong tadhana na to! Magkakaanak lang din naman pala si Luhan, bakit hindi nalang sa akin?! Why not with my kid?! Why it has to be Kharin?" I said, raising my voice.
"Kalma lang." Tinapik nya ang likuran ko, "Lasing ka lang o may tama ka pa talaga kay Luhan? Anong plano mo? Iwan si Yna at sulutin si Luhan? Pinili mo si Hanse and you feel responsible for Yna. Nalaman mo magkakaanak na si Luhan kay Kharin at inatake ulit si Lolo Sonmig. You decided to marry Yna. Ang dami mong inuna bago sya. Ngayong first choice na sya ng iba eh guguluhin mo sya? Mahigit na tatlong taon na, Oh Sehun, anong ginawa mo?"
"..." Hindi ako nakasagot. Wala.
"Ang gulo mo. Siguraduhin mo muna kasi gugulo na naman ang buhay nyo. Pareho na kayong may pamilya. Alam mo, bakit hindi mo nalang ibaling kay Yna ang pagtingin mo kay Luhan? Luhan is my friend pero quota ka na sa kanya pare. Wag ka namang sadista. Hindi masochist si Luhan. Hindi pwede ang BDSM, si my labs ko mahilig dun." panenermon nya.
"Gago ka talaga." bulalas ko.
"Kalma lang, you know what? Umuwi ka na. Inaantay ka na ng mag-ina mo. Marami ka na ring nainom. Late na rin at baka bugbugin ako ni Baekhyun." sabi ni Chanyeol at nilabas ang wallet nya. Sya na nagbayad ng nainom ko. I know, he's not drinking. "Kaya mo pa bang magmaneho? Why not just grab a taxi for your safety?"
"Hindi ako lasing." sabi ko at dinukot sa bulsa ang susi ng kotse ko. I started the engine and hit the road. Pagdating ko ay tahimik na sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at nakita ko si Hanse at Yna na magkatabing natutulog. Agad na pumasok ako sa banyo at naligo.
"Kadarating mo lang?" tanong ni Yna paglabas ko ng banyo. Sinabit ko ang tuwalya sa likod ng pinto at humiga sa kama. Tinap ko ang braso ni Hanse na tulog na tulog.
"Medyo. I'm sorry, Yna. I know I asked you to dinner but something came up in the office." I told her. Hindi na nya kailangang malaman na si Luhan ang dahilan. Hindi na sya sumagot. "Yna? Pupunta pala ako sa welcome party ni Luhan bukas." Napatitig sya sa akin sa sinabi ko, "Sinasabi ko sayo para alam mo at dahil asawa kita?" ani ko.
"Sasama ako." she answered.
"Pero hindi ka sumasama sa-"
Hinawakan nya ang kamay ko, "Asawa mo ako di ba? Gusto ko lang malaman nya." Hindi ako nakasagot. This is not a good idea. "EX mo na sya. Ako yung present mo hindi ba?" she added with her sad eyes set on me. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Onga, si Yna ang present and yet, I'm still 'stuck' in the past. I care for her as her husband but that's all. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa makalimutan si Luhan.
"Matulog ka na, Yna." sabi ko.
"Sehun, mahal mo pa ba si Luhan? If not then, kiss me." Hindi ako kumilos. Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Chanyeol hyung. May kanya kanyang pamilya na kami ni Luhan. Bakit hindi ko nalang pagaralang mahalin si Yna? Kahit na gaano ko kagustuhang ibalik ang dati, paano kung ayaw ni Luhan? Ako nalang ang stuck pa rin sa aming dalawa. Dahil si Luhan, nakamove on na. Kailangan ko na ring humakbang.
Humakbang sa realidad dahil matagal na kaming tapos ni Luhan. Pinili ko na ang gusto kong hawakan at si Luhan ang binitawan ko at ngayon hawak na sya ni Kharin. "Tapos na kami," ani ko at hinalikan sya sa labi. Tapos na yun.
Luhan and I are over.. it's over.
Ignore your fanstasy, Oh Sehun.
Lu Han won't take you back.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Luhan
"Yaya, labhan mo po na kami!" sigaw agad ni Luna pagpasok sa bahay. Ay ewan ko sa batang yan. Nakasinghot masyado ng medyas ni Kharin. "Yaya Mae! May number ako ni Mr. Baba! Di ba po, crush mo sya?" she added. Aba? Nambugaw pa talaga sya? Itong si Mae Harrot naman.. kulang nalang gumulong sa hagdanan. Maeharrot?!
"Humayghad! Katawan ni Kristo! Amen! May forever na ako! Lerd! Jeske meleke!" Binatukan ko agad sya. Bagay na bagay ang pangalan? Maharot masyado tong is Mae. "Teke madam, nakita nyo ba panty ko?" tanong nya na nagpakunot sa noo ko. Bakit ba nasigaw magsalita to? Aba, gago? Anong gagawin ko sa panty nyang mumurahin?!
"Aba malay ko!" sigaw ko pabalik.
"Luna, umamin ka! Knows na knows kong pinagiinteresan mo ang pulang panty ko! Nagiisa lang yun! Mahaba pa pinila ko sa quiapo dahil sabi nung intsik, hindi daw yun nakakabuntis!" Ay pitingini nitong si Maeharot. Napatingin ako kay Luna nang bigla syang humagikhik ng malakas. Alam na. Binuksan ko ang zipper nya at binaba ang shorts nya. Aba suot nya! Ngumisi lang sya.
"Kinakain po ng pwet ko." Luna said.
"Malamang maluwag sayo yan! Ikaw! Kadiri ka! Ibalik mo yan kay Yaya mo! Labhan mo na nga rin tong batang to Mae. Isama mo na si Hansol." utos ko at binuhat na sya nito. Nilingon ko si Kharin na tawa nang tawa sa gilid ko kaya sinuntok ko ang sikmura nya. I went upstairs para makapagbihis na. Kumuha ako ng damit at nakakunot ang noong tinignan si Kharin na masa bungad ng pinto. "Anong tingin yan? May gusto ka bang sabihin sa akin?" I asked him and he took a step forward.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nya na hinawakan ang kamay ko. "Luhan, I love you." he murmured, "Pero kung isang araw, maisipan mo bumalik kay Sehun, hindi kita pipigilan." Lalo lang nangunot ang noo ko at humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "Gusto kong sumaya ka. Maiintindihan ko. I know, I can't give you what true happiness is. Happiness and those sparks back in your eyes. Only Sehun can give you."
"Kharin-" he cut me off with a hug.
"You've been through a lot, Luhan. If ever you choose to leave me." he said as he cupped my face with a sad smile plastered on his face. "But if ever, he broke your heart again, I'm just here." he smiled, "I'll take you anywhere you want, kung kaya mo ding sumakay sa amoy medyas kong kotse." he added.
"Anong nasinghot mo?"
"Utot ni Luna. Ang baho." Kinurot nya ang pisngi ko, "Deep inside, umaasa pa rin akong pipiliin mo ako." he said, kissing my cheeks. "Wala ka ba talaga balak sabihin kay Sehun ang totoo?" I nodded, "Ikaw ang boss." Sinong tao ang hindi mahuhulog kay Kharin? He is not that hard to love. Sa mahigit na tatlong taong nagkasama kami eh, sa kanya na ako dumepende. May sarili syang 'desisyon'. Hindi sya katulad ni Sehun na magulo. At higit sa lahat ay ako ang priority nya't mahal nya ako.
For Kharin, I'm his first choice.
"Excuse me sa pagdradrama, Ma'am, Ser, nandyan po ang kaibigan nyo. Si Kyungsoo at Baekhyun po at kasama nila ang maingay nilang chikiting. Ay isang batallion po sila. Magluluto po ba ako ng foodeye?" Nagkatinginan kami ni Kharin. Excited na naman sila Kyungsoo. Baka magsleep over na sa bahay. Bukas pa naman ang party eh. Pagbaba namin... mukhang dito nga sila matutulog. May dala dalang unan.
"USA, MY DEER!" sigaw ni Kyungsoo.
Parang orphanage ang bahay sa dami ng bata. "Huhuhu! Kyungtoo!" Iyak ni Jongsoo, "Huhuhu! Kyungtoo!" Iyak nya lang. Tulo na uhog. Pitingini. Iyak lang sya nang iyak. Iyakin kasi tong si Jongsoo. Kahit kapag kausap ko lang sa skype eh. "Kyungtoo! Natatae ako!" Natawa kami, natatae lang sya nyan ah, umiiyak na. Nakakaloka ang mga chikiting ni Kyungsoo. Tawag sa kanya ng mga junakis nya, Kyungtoo.
"May PAMPERS ka! EQ YAN! EQ! Dyan ka tumae! Naiistress ako sa inyo. Luh jusko, nagkakawrinkles na ako." Litsi. Pampers? Tapos EQ? Sister company ba ang dalawa na yun? "Luhan, ito na si bebe boy Asher, damulag na sya." I patted Asher's head. "Matalino ito ah. Junak, 1 + 1 nga?" tanong nya pa dito.
"2!" sagot ni Asher.
"2 + 2?" tanong nya ulit.
"Bukas nalang po. Gutom na ako eh. Hindi ko na po kaya sumagot. WALA na po akong shakra ." sabi nya tapos napaubo, "Chicken!" Umubo ulit sya ng malakas, "Chicken!" Nagpapaluto ba tong bata na to? "Chicken." aniya. Tinawag ko si Mae at nagpaprito ng Chicken. Baka ubo pa ikamatay nito.
"Hahaha! Susuhulan lang ng Chicken yan, sisipagin na yan sumagot." sabi ni Kyungsoo. "Manang mana sya kay Jongin ano? Carbon copy. Ito na ba si Fafa Kharin?" Tumango ako, "Nasaan ang kambal mo? Tulog ba?" Sakto sa pagtanong ni Kyungsoo, bumaba sila Luna at Hansol. Binuhat ko si Hansol kasi hindi sya sanay sa maraming tao.
"Eomma, tino tila?" Hansol asked.
"Bestfriend ni Eomma, ito si Tito-" di ko naituloy sasabihin ko kasi sinipa ni Kyungsoo binti ko. "Tita Kyungsoo at si Tita Baekhyun, Nakakausap mo sila remember? At, ito si Luna at Hansol."
"Wala tila ta computer." Natawa ako.
"Kamukhang kamukha mo usa." sabi ni Baekhyun, "Ipartner mo si Luna sa anak kong si Jesper!" Tinaasan ko sya ng kilay. Ang bata bata pa nila, jeske. Napalingon kami nang lumapit itong si Luna kay Asher at Jesper na kalaro si Kyungin ng bato bato pick. GRABE. Ang cute talaga ni Kyungin. Mukhang Kyungsoo liit na babae lang talaga eh.
"Bawal babae dito!" Jesper said.
"Bakit si Kyungin?" Luna asked.
"Hindi babae kapatid ko!" said Asher.
"Ha? Ano pala si Kyungin?"
.
.
.
.
.
.
"ISA SYANG POKEMON." Asher said.
----------------------------------------------------------------------------------------------
A 'chapter with kids' muna. Fluffy na scenes muna this chapter. Sana po'y nagustuhan nyo. Goodvibes lang no? More of HunHan scenes sa susunod!:)
Miss na ba ang kalandian nila? :")
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top