i

Luhan

"Eomma, ti Appa!" sigaw ni Hansol.

"Ti bulol!" asar ni Kharin tsaka ginulo ang buhok ni Hansol at dumapo ang tingin nya kay Sehun. "Sehun, uy long time no see? Gwapings pa rin ah. Hindi kumukupas ang kagwapuhan natin pareho ano?! Lamang ka lang talaga ng isang tabo sa akin." Tinapik nya agad ang balikat nito. Pinagsasasabi nito ni Kharin? Nakasurive sya sa TBI (Traumatic Brain Injury). It took him a few more months no, almost a year ding treatment. Hindi naman totally naparalyze ang kalahati ng katawan nya. Nagagalaw nya pa rin pero may times na nangangalay agad sya.

"Mat gwapo po kayo appa!"

"Biased masyado tong si Hansol ano? Mat gwapo ako? Mat gwapo ka kaya." sabi nya at kinurot ang pisngi nito. Si Kharin lang ang kasundo ni Hansol. Hansol is more an introvert kind of a kid. Lagi kasi syang takot tsaka mahiyain sa maraming tao. He don't usually speak that much na sya namang kinadaldal ng kakambal nyang si Luna.

"Kaya nabubulol lalo yan eh." ani ko.

"Ako, kamukha Luna si Eomma."

"Hindi kaya!" pagdedeny ko sa sinabi ni Luna. Napabusangot at napanguso sya. "Hahaha! Tignan mo nga yang nguso mo? Akin ba yan? Sa tatay mo yan!" Napahinto ako at napatingin kay Sehun. Tahimik lang syang nakatingin sa kambal kaya napaubo tuloy ako para makuha ang attensyon nya. "Sehun, pasensya na. Maingay lang talaga kaming apat 'pag magkakasama." I said.

"No, it's okay." he shook his head, "I just want to ask how old are they?" aniya.

Luna raised both of her hands. Binaba ko lang yun. Pauna una mali naman. Sinulyapan ko muna si Kharin sandali. "Three years old." I answered. Premature ang kambal kaya ayan at kulang kulang. A creased formed in Sehun's forehead. Na tila confused at kinokonekta. Naiisip na, 'Paano kami magkakaroon ng anak ni Kharin kung nasa ospital pa at nagpapagaling sya ng mga panahong yun?' Malamang ganun.

"Three years?" he settled his confused eyes on me but then I bowed my head, avoiding his gaze. "I see. They got your eyes and I can't see any features from Kharin? Mukhang nakuha nilang lahat sayo, Luhan." Hindi ako nakasagot. Hindi si Kharin ang ama ng kambal. Yes, I lied to everybody. Kami lang ni Kharin ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. "Hindi ko alam pero natutuwa akong tignan sila. Ang gaan sa pakiramdam."

Tinignan ko sya habang nakatingin sya sa kambal. "Sehun, aalis na kami?" ani ko at tila gumuho ang pagiisip nya. He glanced at his watch. "Kadarating lang din kasi namin galing flight." Pinunasan ko agad ng tissue ang kamay ng dalawa tsaka kinuha ang bag ko. "Hope to see you at the welcome party and it's nice seeing you after almost four years? I don't mind if you bring Yna. Isa pa, baka magtampo sya kung malaman nyang pupunta ka sa welcome party ng 'EX' mo. Hindi ba?" Napatitig sya sa akin.

"I will try," Sehun said. Dumating ang bill at binayaran nya. Sabay na kaming lumabas ng resto na yun. Susunod na sana ako kela Kharin kaso hinawakan nya ang braso ko. "Luhan, tell me, ako ba ang tatay ng kambal? I mean, may nangyari sa atin bago ka umalis di ba? Paano nangyaring si Kharin ang ama? Tell me the truth." he said, holding my arm tightly. I stared at him.

"Sehun, sa tagal nating nagsama, ni hindi mo ako nabuntis tapos sa isang araw na yun, naisip mong jumakpot ka? Hindi. Nung hinatid mo ako nun galing ospital, pinuntahan din ako ni Kharin." Nangunot ang noo nya, "Oo may nangyari sa amin. At pagalis nya, dumating si Vina. Binalikan ako ni Kharin kaya naligtas nya ako. Hindi tayo compatible. Hindi ikaw ang ama ni Luna and Hansol." I explained and his grip loosen up. "Mauuna na kami" dugtong ko.

Isa akong script writer.

"Kaya, desidido ka umalis kasi-"

I cut him off. "Oo. Kaya napatawad kita agad kasi may kasalanan din ako. Kwits na tayo. Wala ng sama ng loob." sabi ko na pawang kasinungaling lang. Wala ni isang totoo. Dahil si Sehun naman talaga ang ama ng kambal. Why am I being like this? Gusto ko ilayo ang kambal kay Lolo. Si Lolo Sonmig na dinaig pa si Hades sa kasamaan ng ugali. Dahil ayoko magkaroon ng 'koneksyon' sa kanila. Hindi na nya kailangan malaman pa.

Ayoko na ng gulo. Tama na.

Tinago ko sa lahat ang totoo. Sinabi ko na si Kharin ang tatay ng kambal. He accepted me and the twins. Sya na ang tumatayong tatay nila at ang gusto ko sya lang din dapat ang kikilalanin nila. Hindi si Sehun. Dahil para sa akin, wala ng Oh Sehun sa buhay namin at isang Lolo na hudas besides, may Yna na sya.

Naglakad na ako papunta sa kotse at chineck ang seatbelt ng kambal and I gave Sehun one last glance. Papasok na din sana ako kaso binaba ni Luna ang bintana ng kotse sa gawi nya. "Eomma? Can I kiss him goodbye? Gusto ko sabi kanya, bili ako ulit Chicken sunod eh." I scratched my arm and nodded. She waved her hand as if telling Oh Sehun to come closer to her. Nagtataka man, lumapit nalang si Sehun sa kanya.

"Yes, pretty?" Sehun smiled.

Tinanggal ko ang seatbelt ni Luna at sinampa nya ang tuhod nya tsaka ngumuso kay Sehun at hinalikan ito sa pisngi. Kahit maldita to eh sweet sya kapag gusto nya ang isang tao na nakilala nya. "Thank for buying us dinner, Mr. Baba. Please, bili mo sana ako po ulit Chicken sunod ha? Dami dami po." aniya.

"Anytime. Just call me?" he said.

"Can I? Eomma! Get his number!"

"Ha?" Luna crossed her arms. "Oo na po," Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at inabot ito kay Sehun. "Pasensya na? Baka tawag tawagan ka nya. Huwag mo nalang ding pansinin. Titigil din sya." sabi ko. Ibinalik ko sa bulsa ang CP ko pagkatapos at inayos ulit ang seatbelt ni Luna bago ako pumasok sa kotse. Sinulyapan ko si Sehun sa side mirror habang papalayo ang kotse. Ako lagi ang nagmamaneho ng sasakyan kasi itong si Kharin, minsan inaatake sya ng sobrang sakit ng ulo, nanginginig nalang bigla ang kamay nya kaya para iwas desgrasya. Ako nalang.

"BABABA BABA BABA."

Imbes na banana, BABA talaga.

"Luna anak, do you like Tito Sehun?" I asked and she nodded with a big smile.

"Mr. Baba. Pogi!" sabi nya.

"Eh si big boy kaya?" Kharin said.

Luna crossed her arms, "Hansol likes no one except you, Appa." aniya. Sinulyapan ko si Hansol sa rearview mirror na naglalaro sa ipad nya. He's quiet, always quiet. "Tulog na po muna ako. Si Luna pagod na. Dami pagod. Dami dami dami." sabi pa nya tsaka niyakap nya ang paboritong bunny stuff toy nya at tumahimik na din sa loob ng kotse.

"Okay ka lang?" Kharin said, "You're being such a liar, Luhan. Hindi mo rin kailangang ipamukha kay Sehun na nakamove on ka na." he said, "Ang sabi mo sa akin, may gusto ka ikonfirm kaya gusto mo sya makita dito. Nakonfirm mo na ba? Mahal mo pa ba sya? Maybe, attracted?" tanong nya. Kharin and I are very open. Hindi katulad ni Sehun na pinapaintindi sa akin ang gusto nya eh, iniintindi ako ni Kharin sa lahat ng bagay at hindi din kami madalas magaway, we often discuss things calmly and more matured.

"Attracted but not that strong."

"Wow. Thank you very much for being honest with me. Now you're giving me reasons to make him 'stay away' from you." Natawa tuloy ako. Ang kulit kasi nya magreact. Kharin is really such a jokester. Laging tawanan lang kami ng mga bata sa kalokohan nya. He is such a nice person.

"Babakuran mo na ba ako?"

"I-gregreat wall of China na kita kaya suotin mo to." Kinuha nya ang kamay ko at may sinuot na laruang singsing na may malaking letter K. Kalokohan talaga nito. "Alam na nilang para kay K ka." Natawa ako. Ang korni talaga nito eh, kahit kelan.

"Selos? Wala ka kasing bakat."

"Ang 'bakat' ko ay lumilitaw lamang sa tamang panahon. Tamang panahon! Lalo na kung tag-ulan." sabi nya. Natawa lalo ako ng malakas at kinurot nya naman ang pisngi ko. Hinampas ko ang kamay nya kasi nadidistract ako sa pagmamaneho ko. Litsi.

"Eomma!" sigaw ni Luna.

"Oh? Akala ko ba dami pagod?"

"Limot ko text si Mr. Baba eh."

Landi ng batang to. Dinukot ko ang CP sa bulsa habang nakatuon ang pansin ko sa daanan. Inabot ko yun sa kanya at hinayaan na sya. Bahala si Sehun magbura ng isang libong emoticons. Marunong sya kumalikot at ang alam lang nyang isend ay emoticons. Tinatadtad nya nga lagi si Kyungsoo at Baekhyun pati na din si Ziyu at Taehyung.

"Baka kung ano isend nyan?"

"Hayaan mo na para matuto."

"Eomma tapos na, tulog na ako!"

Inabot nya kay Kharin ang phone ko at napamura ito nang mabasa yung tinext ni Luna kay Sehun. Emoticons lang naman alam nun, ba't nagmura ang lokong to? Pinakita nya sa akin. Napamura din tuloy ako ng malakas.
.
.
.
.
.
.
.
I LOVE YOU. <insert emoticons>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top