xxxix

Kinakabahan na pumasok ako sa Cafe Verde kung saan nakikipagmeet sa akin si Moon. I roamed around the area and—I spotted him sitting at the corner. Kinakabahan ako pero hindi dapat ako magpahalata. Magpahalata na pinagsususpetsyahan namin sya ngayon. Kailangang mapaniwala ko sya sa kung ano mang sasabihin ko ngayon araw. Kailangan.

Nakasandal ang likod nya sa upuan habang pinaglalaruan yung lagayan ng tissue. Nang lumingon sya, nakita nya agad ako. Lumapit ako at umupo sa harap nya. Looking at him, naalala ko tuloy ang napagusapan namin ni Detective kagabi. Hindi ko naisip ang ZOO3. Di ko agad napansin na pwedeng 'M' ang '3'.

"Si Moon ba, Kharin?" tanong ko.

"Hindi pa tayo nakakasiguro. We need to find the limbs in his library." bulalas nya, "Ito lang ang iniwan na code ni Thunder. Hindi ko maiisip kung hindi nilipad yung papel at nabasa ko sya ng patayo." aniya. May kinuha syang ilang files ni Moon Jiho sa drawer. "Editor in chief sya, he's working as Vina's superior. I think sinadya nyang lahat ng biktima nya ay may kinalaman sa libro ni Vina. I guess, pumunta rin sya sa Greece and Japan nang pumunta dun si Vina para sa visual ng libro nito." sabi nya, "Nakausap mo ba sya?" he asked me.

Tumango ako, "Oo. Sabi nya sa akin, may sasabihin sya tungkol sa isang witness." sagot ko, "May sugat sya sa braso nya eh. Sinadya nya kayang sugatan yun para di mahalata na saksak yun ng ballpen?" ani ko na syang tinanguan naman ni Detective at may inabot sa aking files. Background sya ni Moon. Pero walang masyadong nakaindicate.

"Ayan lang ang nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Moon Jiho.. came from a wealthy family. The Tan family who are in pharmaceutical business. Tan Pilsen is the newest Chairman now.. who have two daughters named, Tan Cecilia married to Oh Ranggu and Tan Duay, the wife of Jiho Ryuu pero pinili nya maging editor in chief sa isang publishing." Nangunot ang noo ko. Ang asawa ni Appa, si Oh Cecilia? May kinalaman ba to sa kanya? I remembered the first message noon.

Enormous revenge?

Never ko pa nameet si Tan Duay.

"Oh Cecilia, ang kumuha kay Sehun."

Napatingin sa akin si Detective. "And we also found out that Moon had a twin brother." I wrinkled my forehead. Had?! "Both of them are identical kahit sa ugali. They are not quite a talker, mahilig sa mystery at sila lang dalawa lagi ang magkasama kahit saan. Mahilig silang maglaro ng switch. Switching each others identities." he said.

"Nasaan na ang kambal nya?"

Hindi nya ako sinagot sa tanong ko. Sa halip ay tinuloy lang ang pagkukwento nya. "Dahil sa striktong pagpapalaki ni Mrs. Jiho, ang kambal ay lumaking malayo sa iba at lagi lang nasa loob ng ancestral house but the only difference between them is that.." he paused, "His twin brother, Zuki has a very dark side. He.. loves watching something kung saan tinotorture ang isang tao o hayop. One day, dinala nalang si Zuki sa ibang bansa ng Lolo nila.. 8 years ago, he came back."

"Tinotorture?" Tumango sya.

"5 years ago, nasangkot sila ni Moon sa isang car accident. Si Moon ang naligtas sa kanila at—dead on arrival si Zuki." I scratched my arm, "Nagtatanong pa kami ng ilang impormasyon." dugtong nya, "At tungkol sa pakikipagkita mo sa kanya," Tinignan nya ako, "Don't worry, hindi kita pababayaan, Luhan." Napatitig tuloy ako kay Detective at naisip ko si Sehun. Gusto ko na sana sya ang magsabi nun sa akin pero, wala. Tuwing sasagi sya sa isip ko, naaalala ko lang yung nakita ko. They're having sex.

Grabe. Napakasinungaling ni Sehun. I can't believe nagawa nyang sabihing ako lang ng ilang beses.. na mahal nya ako pero heto sya at hindi mapigilan ang kalibughan nya. Litsi silang dalawa, magsama sila. "Pitingini." I murmured pero mukhang nalakasan ko ata.

"Uy, minumura mo ba ako?"

"Ha? Ah.. hindi." segway ko.

Tinitigan nya ako, "May problema ba?" he asked, sitting next to me. "Huhulaan ko ah? Nagsisimula sa 's' nagtatapos sa 'n' ang pangalan?" Hinampas ko ang braso nya sa kalokahan nya. He slapped my back. "Okay lang yan. Magiging okay din ang lahat." Pero sa sinabi nya, naiyak ako. "Uy sabi ko magiging okay, bakit ka umiiyak dyan?"

"Kasi never na magiging okay." sabi ko at napayakap sa kanya. He comforted me with his hands slipping back and forth in my arm. Di mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, if only I took a step inside that fcking room at binayagan ko si Sehun at, pinaguntog ko sila ni Yna. I should have done that. Galit na galit ako. Gusto ko ilabas ang lahat ng galit ko eh.

I'm so mad. Fck, Oh Sehun. :x

You Monster XXX.

"Aray, Luhan! Papatayin mo ba ako? O, nananantsing ka lang?" Napaangat ang tingin ko. Ang higpit ng yakap ko sa kanya, parang gusto ko syang ibalibag. "Hindi pa tayo tapos, pupuntahan natin si Vina." Napabitaw ako sa kanya at dumiretso na kami sa kotse ko. Kotse ko laging gamit sa byahe kasi amoy medyas nga kotse nya eh.

Pagdating namin sa bahay ni Vina, hindi ko ineexpect na pagbubuksan nya pa kami. Sa tinamong issue nya dahil sa false accusation eh, masususpende pa si Kharin pero humingi ito ng extension dahil sa—natuklasan nyang clue. Isa pa, inimbitahan lang naman si Vina for interrogation, wala namang warrant of arrest but then, ininsist ng company ni Vina dahil sa damages na nangyari. Binigyan sya ng 2 weeks ng commander nila pero suspende sya for a month. Salubong ang kilay ni Vina nang buksan nya ang gate. Tahimik kami na sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay.

"Gusto ko humingi ng-" Vina cut him off.

"I was humiliated, Detective. Dahil dun, naapektuhan ang pangalan ko at—ang sales ng libro ko. Ano bang pinunta nyo dito?" Mataray na tanong nya, "Kung may gusto kayong itanong, itanong nyo na." she added, "Marami pa akong gagawin."

"Anong napagusapan nyo ni Krystal?"

"About sa reunion and I cursed at her. I grabbed her hair. Nagaway kami. That's all. Wala akong kinalaman sa nangyari sa kanya... Hindi porket nagsusulat ako ng story na puro patayan, baliw na ako. Mahilig lang ako sa mind games. Gusto kong ilagay yun sa mga—sinusulat ko. Hindi pa ba to nakasulat sa report nyo ha? Ilang beses ko na yang sinagot ah."

I clenched my fist. Sasabunutan ko to eh.

"What d'you know about Moon?" I asked.

Napayuko sya, "Moon Jiho, is just someone I looked up to. Just someone... I admire. I worked in the company for 6 years now. The first time I met him is nung kinontak nila ako para ipublish ang book ko. Moon Jiho is the quiet type of boss. You can only hear his voice in the meeting or — if he's giving advice and instructions. Hindi sya nakikipagusap ng di tungkol sa trabaho."

"You like him?" sabad ko.

Napatingin sya sa akin ng ilang segundo at tumango. "Nung hindi nabenta ang libro ko noon sabi nya, 'do not get your head blown up because of your greediness for success. If you love it, enjoy it and they'll feel it too when they read it. Just keep on writing, Vina.' I fell for him eventually. I thought he felt the same way. I even gave him my virginity." Napaubo kami ni Kharin dahil dun. Tingini. Wala kaming pakialam sa sex life nila. Tungkol lang kay Moon. Jeske. :x

"Um, Vina-" Vina cut him off again.

"Pero.. after nung aksidente, he shutted himself out na parang walang nangyari.  It's like he became a different person." I glanced at Detective pero nakatingin sya sa legs ni Vina, binatukan ko tuloy. "I thought, he don't see me that way. He only wants that.. I confronted him and he said, isa lang akong subordinate. Di ako galit sa kanya. I used him and, his words as my inspiration. Ngayon, past is past." aniya.

"Pero pag magkasama kayo, parang magboss na nga lang kayo. Congrats. Nakamove on ka na gurl." I cleared my throat, "Sabi mo, ayaw mong may ibang pumapasok sa office slash mini library mo sa taas pero bakit si Moon pwede? I mean, aside from the fact na gusto mo kasi sya. It's has strong aura. Possible kasing maisip mo, baka matakot sya."

"It's because... nabanggit nyang meron din syang library na... ayaw din nyang may ibang pumapasok." Nagkatinginan kami ni Detective. Ayon kaya ang library na tinutukoy ni Krystal?! Kung saan nakatago ang mga limbs na pinutol nya? Pero saan? I guess, yun dapat ang sinulat ni Krystal kesa binary codes na wala namang direksyon.xx

"Luhan??" Moon snapped his fingers right in my face kaya naibalik ako sa realidad eh.

"Sino yung witness?" tanong ko agad.

Tinignan nya muna ako ng ilang segundo bago sya nagsalita. "May nakakita kung sino ang gumawa nun kay Krystal bago bumalik ang katulong nito na pauwi na sana nun. Yung gardener nila." he took a sip of his coffee. Kapag tinitignan ko sya eh mukha syang normal, no abnormalities. It's in his inner desire that's crazy. "I'm telling you this instead of the police because, I don't trust them. Mabagal sila kumilos."

Lumapit ako sa kanya, "Mabagal nga sila kumilos. May nakuha akong libro mula kay Krystal. Di ko alam kung bakit ako? Siguro alam nyang ako ang isusunod ng killer.." Nangunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Lumapit ako lalo sa kanya, "Isa iyong riddle and — a message hidden in numbers. Hindi ko yun binigay sa pulis. Wala rin akong tiwala sa kanila.. Isa pa, mukhang wala namang kinalaman ito."

"Anong nakasulat?" he asked.

"Hindi ko matandaan," Nagpanggap akong pilit na inaalala ko, "Ano nga ba yun ulit?! Take me out of noon and you'll see.. Hihi. Sarreh. Sign of aging. Iniwan ko sa bahay. Sabi kasi ng friend ko, Krystal is a smart one who loves riddles, hindi ko rin kasi makuha ang sagot kaya, tinago ko lang."

"Nakabinary ba yung numbers?"

"Uy kilala mo talaga si Krystal ah. Ayie. Something something. Oo, binary nga." sagot ko at tinitigan ko sya. He didn't even flinched pero ramdam kong interesado rin sya. May nawawalang book kay Krystal and sure ako na may riddles din dun at.. hawak yun ngayon ng killer. He knows may hidden message dun at sigurado ako, kukunin nya.

I saw a smirk appeared on his face, "You seem so excited today, Dr. Oh." he rested his back on his chair, playing his thumb to the mouth of his cup. "Nakamove on ka na ata sa ginawa ng asawa mo." bulalas nya.

"Medyo," seryosong sabi ko. "Bakit hindi ikaw ang kumausap sa witness, Moon?" Pinagdaop ko ang palad ko at sinampa ang boobs ko este — braso ko sa table. "Gusto mo rin bang mahuli ang killer?" I asked.

"I don't want to get myself involve here. Baka target din sya ngayon ng killer." he muttured, "Ayoko pang mamatay, Dr. Oh. Ikaw? Natatakot ka rin bang mamatay?" seryoso ang tono ng boses nya. Sinalubong ko lang din ang tingin nya ng buong tapang. Hindi pa ko nakakasagot pero inilapag nya agad ang cup sa table. "Ito ang adress nya. Magpasama ka baka kung mapaano ka."

Kinuha ko yung papel. Kinuha nya agad ang jacket nya at lumakad na, "Hindi..." sagot ko na syang nagpahinto sa kanya sa paglalakad at napalingon, "Hindi ako natatakot kasi...
.
.
.
Sisiguraduhin kong mauuna sya."

Pero takot na ako... Manly ako. Manleh.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Tapang ni Luhan. Oha oha! Lie low muna sa hunhan for this chapter, focus muna dito. I guess, 3 chapters remaining nalang or 4?:")

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top