xxviii

Kabebes, chillax lang. Ang puso nyo.

This is dedicated to @yeojachingux sana magustuhan mo saeng. Iyak nalang tayo para kay Luhan. Hay, kawawang usa oh.

Again, some part can be either a clue or just a big fat lie kabebes. Panggulo lang.

Ayan pala si Yna Moe. Haha. :")
---------------------------------------------------------------------------------------------
"Si Tita Xiang at Ziyu, nawawala. Sabi ni Tita kahapon pupunta lang sila sa puntod ni Appa Lu Kreng eh pero hindi pa rin sila nakakabalik hanggang ngayon eh. Kagabi ko pa tinatawagan ang CP nila but cannot be reached.. Akala ko naman pumunta sa inyo kaya hindi ko na inantay." He stated.

Nabitawan ko ang phone ko. Parang biglang nagmalfunction ang utak ko. Yung feeling ko na dumating ang kinatatakutan ko. "Luhan? Anong nangyari?" Napasabunot ako sa ulo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ni Sehun at magkabilang balikat ko, "Anong sinabi ni Kyungsoo? Luhan? Sabihin mo,"

Hinawakan ko ang braso ni Sehun at gusto ko nalang maiyak sa balikat nya. Grabe ang kabang nararamdaman ko eh. Naisip ko kasi agad na baka kinuha sila nung killer. Hindi ko mapigilang isipin na baka nasa panganib na rin sila kasi hawak sila nito. Yung naiisip ko na baka gawin sa kanila yung ginawa sa mahal sa buhay ni Vinibivi at Pilapil. Hindi ko na alam kung ano ng iisipin ko. Hindi ko na alam kung ano bang uunahin ko. Parang masyado ng magulo at konti nalang bibigay na rin ako. Di ko namalayan naiyak na ako.

Ang hirap maging bida. Tingini. :"x

"S-Sehun, si Eomma... si Ziyu,"

"Anong nangyari sa kanila?"

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Sehun na parang ayoko ng tumayo kasi nanlalambot ang tuhod ko. "Nawawala daw sila. Sehun baka kinidnap sila nung killer. Sehun, si Eomma.. si Ziyu, baka kung anong gawin sa kanila... Sehun... hindi ko kaya." I said, bursting out crying then, I felt Sehun's arms wrapped around me and I cried even more.

"Irereport natin sa police," sabi nya saka kinuha yung phone kong nasa sahig. Grabe pa rin ang panginginig ng kalamnan ko eh. Dahil sa kakaisip ko sa problema namin ni Sehun, nababalewala ko na ang pamilya ko lately. Ano ng gagawin ko? Ni hindi ko man lang sila nabisita o nakita dahil... natatakot ako na baka ipahamak ko sila pero heto at, nadamay pa rin sila. Kasalanan ko lahat eh.

"Tawagan mo si Detective," sabi ko.

Napatingin sa akin si Sehun ng ilang minuto. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun pero I somehow trust Detective Mikuto. May trust issue ako sa ibang tao dahil dun sa nangyari kay Jibeom. Naiisip ko kasi, pagkakatiwalaan ko tapos ipapahamak lang ako pero alam ko, seryoso si Detective sa trabaho nya at isa pa, nasesense ko kasing.. totoo ang sinasabi nya.

Pinabayaan ko lang si Sehun na kausapin ang mga police. Tumayo ako dahil naisipan kong puntahan nalang si Kyungsoo sa bahay kasi baka umuwi na sila Eomma Lu Kreng. Baka nastranded lang sila somewhere? I need to find them as soon as possible. Please... lerd, wag sila. "Uuwi ako.. pupuntahan ko dun si.. Kyungsoo.. baka umuwi na si Eomma. Dun ako magaantay." Lalabas na sana ako ng pinto nang pigilan ako ni Sehun, "Sehun please, hindi ako mapakali." bulalas ko pa.

"Sasamahan kita," sambit nya.

"Luhan!" Narinig kong sigaw ni Detective sa ibaba. Parang kidlat to no? Isang tawag lang eh, nandyan agad. "Hindi mo pa rin ba sila makontak?" Umiling ako saka tinap nya ang balikat ko ng dalawang beses, "Huwag kang magalala, mahahanap din natin sila." sabi nya, "Sisiguraduhin kong, mahahanap sila Luhan... trust me." Napatitig ako sa kanya. I only nodded. Trust, such a big word isn't it?

Inalis ni Sehun ang kamay ni Detective sa balikat ko at inakbayan ako. "Gawin nyo nalang trabaho nyo," He said so sharply. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako. Hindi na ako nakapagsalita dahil dun.

"Sehun!" Napatigil kami sa tawag ni Yna habang pababa ng hagdanan, "Iiwan nyo ako?" Napatingin ako kay Sehun na hindi alam kung ano ang gagawin. Our eyes met. Naalala ko how trouble he is awhile ago sa isang bagay na hindi nya masabi sa akin eh. Onti-onti kong inalis ang kamay nya sa akin. Ayaw ko syang papiliin. I know that he also wants to ensure that kid's safety... Alam ko.

"Hindi mo na ako kailangang samahan. Besides, baka pumunta nga sila Eomma dito. Tawagan mo agad ako, Sehun. May nagbabantay naman dyan sa labas kaya wag kayo matakot." sabi ko at hinawakan ang braso ni Detective at hinila na sya agad palabas ng bahay bago pa makapagsalita si Sehun. "Gamitin natin ang kotse ko kasi amoy medyas ang kotse mo, Detective."

Napakamot sya sa ulo sya, "Grabe sya oh? Sigurado ka bang, iwanan ang asawa mo dito?" Hindi ako sumagot, "Okay sige na." Pumasok na kami sa kotse. Sya na ang nasa drivers seat.. Napako ang tingin ko sa wine na binigay sa akin ni Sehun. Onga, hindi ko pa pala napapasok sa loob. "Oh," Inabutan ako ni Kharin ng panyo, "Umiyak ka lang kung hindi mo na kaya." Naiyak ulit ako.

"Hanapin mo sila please,"

Tinapak nya lang ang ulo ko, "Yes sir,"

"Maam," ngumawa ako lalo ng malakas.

"Onga pala, Luhan. Nakuha na namin ang resulta ng finger print nung fake nail. We had trouble at our database looking for a match, ngayon lang sa amin naturn over and it turns out the finger print matches with Vina Yagan." Nangunot ang noo ko sa impormasyon na yun. Does that mean? She can be the killer or just another visitor eh?

"She could be the one?" I asked.

"Let's not discuss it for now. Puntahan na muna natin ang kaibigan mo at baka may balita na," Tumango nalang ako. Ano kaya ang plano na ngayon? Plano nilang palapitan ang serial killer pero baka magbago ngayon dahil sa finger print ni Vina. For now, Vina is the suspect for the police until everything is clear and evidence are given. Nakakastress.

"Detective, ang nakakapagtaka lang ah? Nung nakapasok sa amin ang killer, wala bang nakapansin sa alaga mo sa labas na nagmamasid ha?" Napaisip din sya, "May bakod sa bawat gilid eh, separating each houses. Kung may aakyat... mapapansin agad. Hindi sya pwede pumasok mula sa harap di ba? Kung sa backyard, mataas ang pader dun." Ngayon ko lang naisip eh.

"Yun nga rin iniisip namin eh."

"Baka tulog ang alaga mo?" Binatukan ko sya ng malakas, "Besides, may aso kami si Vivi na isang bichon. Hindi lang ramdam kasi laging tulog yun." Napasandal ako sa headrest habang umaandar ang sasakyan. I don't know what to think anymore. I'm tired with all of this sh!ts. Si Yna? May natanggap kaya syang tawag mula sa caller? Possible?

Did he make her do something?
---------------------------------------------------------------------------------------------
"Luhan, matulog ka na."

"Aantayin ko sila Eomma." sagot ko.

"Gigisingin ka naman namin kapag may balita na. Sa itsura mo na yan, mukhang lalagnatin ka pa." Umiling lang ako. Ayoko matulog hangga't wala pa ring balita kanila Eomma. Gabi na, nagaantay pa rin kami. Ni hindi alam kung saan magsisimula hanapin nila. Wala akong magawa kundi magantay. I wanted to think positive pero sa bawat oras na lumilipas, onti-onting pinanghihinaan na.

"Luhan, sige na" Detective said.

"Anak, magpahinga ka na." Eomma Bagin said, "Teka, nasaan ba si Sehun? His mom is missing tapos sya pa tong wala," sambit ni Eomma Bagin. Hinawakan ko ang kamay nya. Napakagat ako sa labi ko. I made him. I made him stay at the house. Hindi ko naisip na nagaalala din sya sa totoong nanay nya. All I could ever think is his feelings for the kid. Bakit ang babaw ko ng magisip?! FCK.

"Tita baka kasi dun dumiresto sa bahay nila si Tita Xiang di ba, nog?" sagot pa ni Kyungsoo dito, "Doon po sya nagaantay. Actually po, kanina pa text nang text."

Napahawak ako sa tyan ko kasi.. sumasakit na naman sya. Tumayo ako ng dahan-dahan papasok sa kwarto ni Eomma. Smelling her scent on the pillow, lalo ko syang namimiss. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip. Nagising ako dahil sa yumakap sa akin and that familiar scent filled my nose.

"Sehun," sambit ko kahit nakapikit.

Alam ko sya yun kahit nakapikit ako.

"Sleep for now," sabi nya at niyakap ko sya. Siniksik ko ang ulo ko sa may leeg nya. Hindi ko muna iisipin ang tungkol kay Yna, tungkol sa tinatago sa akin ni Sehun o tungkol dun sa bata. I don't like the atmosphere while we're talking, it seems like Sehun... is cornered for something na hindi nya magawang sabihin.

"Sehun, dito ka lang," I hugged him tightly enough to let him breathe. Yung kamay ko'y kapit na kapit sa t-shirt nya. "Hindi ko alam gagawin ko kapag ikaw, mawala rin." sabi ko at kinagat ang labi ko. Ayoko na umiyak. I don't know why things turned out this way. I just want Sehun and I — to spend our days as happy couples like, what I always imagined.

I felt his lips touched my forehead.

"I won't leave," he murmured.

"I'm sorry," sambit ko, "I'm sorry sa mga nasabi ko kanina.. for doubting you." He pulled me even closer, "And, for thinking na baka hindi lang talaga yung bata ang priority mo pati yung nanay," Inangat ko ang ulo ko para magtama ang mata namin. His eyes... it speaks as if it wants to tell me something that Sehun couldn't say. "Onga pala? Ano yung sasabihin mo sa akin?"

It took him a few minutes to answer.
.
.
.
"That kid... is a boy." he murmured.

"That's good," Inaantok na sabi ko.

Sehun stared at my face as if he was trying to memorize every part of it. He, then, cupped my face, "Mahal na mahal na mahal kita, Luhan, huwag mo sanang kalimutan yan. Marami akong kasalanan na hindi ko na pwede balikan para baguhin," He paused, settling his cheeks on my head and I smiled.

"I know," Niyakap ko sya lalo, "Pero kapag ikaw talaga nagloko, iiwan kita." sabi ko't naramdaman kong humigpit lalo ang yakap nya sa akin at saka ipinagala ang kamay nya sa buhok ko. Inantok tuloy ako dahil dun na parang.. BABY lang kasi ang hinahaplos nya.

"Sige na, matulog ka na." aniya.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako ulit. Nang magising ako, wala na si Sehun sa tabi ko but somehow, gumaan pakiramdam ko sa yakap nya even though sya naman ang isa sa dahilan ng pagkastress ko. Nakakawala ng to ganda ah. Paglabas ko, naabutan ko sa sala si Yna at rinig ko ang boses nila Kyungsoo dun sa may labas. Magkakausap sila ni Sehun eh.

"Nandito ka pala," sabi ko.

"Sinama ako ni Sehun." sagot nya.

"Malamang kasi kung ako masusunod. Di kita papapasukin dito ano." Mataray kong sagot at dumiretso sa kusina. Nakasunod sya sa akin. Kairita. "Gusto mo ng gatas? Kung gusto mo, magtimpla ka. Asa ka namang titimplahan kita." dugtong ko at, kumuha ng tubig. Ang sama ko ba? Hind lang talaga nakakagoodvibes kapag nakikita ko sya eh.

Natahimik si Yna ng ilang segundo, "Meron kasi akong gustong itanong sayo, Luhan." Mahinang sabi nya, "Paano kung malaman mong niloloko ka ni.. Sehun? Ano kayang gagawin mo?" Nakakaboset na tanong nya.

I remembered the same question Kyungsoo asked me years ago. Biglang nagplay nalang sa isipan ko. But, my answer will still be the same. "Hindi ko naisip yun kasi hindi yun mangyayari. Pinagkakatiwalaan ko sya."

"How sure you are?"

I rolled my eyes, "Kasi iba si Sehun. Mahal nya ako, hindi nya gagawin yun... Wag mo syang itulad sa tatay nyang anak mo, Yna. Wag mo akong bwisetin kagigising ko lang okay? Ay, nanlalapa pa naman ako." I said.

"Luhan?" Napalingon kami. Si Sehun. "Oh," Napailing ako sa arte nitong si Yna. Nahihilo pa kuno. The hell. "Anong problema, Yna?"

"Masakit lang ang ulo ko,"

"Alam mo namang mahina ang katawan mo. Ingatan mo sarili mo para sa bata." I was like.. what the fck? Dito pa sa harap ko?

"Bata? Anak mo 'to, Sehun." She said.

Hah? Anak? Kasi aampunin o, anak talaga? My forehead wrinkled... trying to decipher what she mean, what was that. Hinawakan agad ni Sehun ang braso nya at hinila na to paalis. Naiwan akong nakatayo, nagtataka..

Anak mo to, Sehun?
---------------------------------------------------------------------------------------------
There you go. Aw. Who wants to kill Yna? Chillax guys. Pakibatukan nalang si Sese. Sorry late, tinapos ko dito sa Mcdo Cubao.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top