xxix

Haha. Si Yna Moe ay girl version ni Lulu. May mga nagwelga. So, si Sehun version nalang ba? Para chillax lang ang puso?:)

Cheers sa naguguluhan!:) Magulo talaga kasi sinadya ko para magturo lang kayo nang magturo. You'll know soon, chill. :)

Plug ko lang isang on-going ko. One Drop per second (A ChanBaek story) Hope you can check it out. MPREG po ang story. :")
---------------------------------------------------------------------------------------------
Anak mo to, Sehun.

"Luhan, ayos ka lang ba?" Naalalayan agad ako ni Detective bago pa ako matumba. Bigla akong nanghina. Ang gulo ng isip ko. Iba ang kutob ko. "Minessage ka ba nung killer?" I just shooked my head. Gusto kong linawin sa akin ni Sehun ang narinig ko pero, natatakot akong habulin sya. "Pumasok ka na muna sa kwarto mo" Pinigilan ko syang itayo ako.

"Take me home for now, Detective. Hindi ba may operation tayo? Papalapitin natin ang killer dun. I'll stay there dahil, ayoko naman madamay ang mga taong nandito. I beg you," Hinawakan ko ang kamay nya at tumango sya, "Find the killer," I said like I am almost about to cry. Tinap nya ang likod ko at inalalayan na akong tumayo. Ang sakit na naman ng tyan ko pero binalewa ko lang.

Nagpalit lang ako ng lumang damit at dun nalang ako maliligo sa bahay. "Lowhen!" I heard Kyungsoo called, "Uuwi ka na? Sige, magtawagan nalang tayo ha? Ito namang si Baekhyun eh, tinatawagan ko ayaw pa rin sumagot. Hindi ba sya nagaalala para kela Tita? Duh! Nakitira din kaya sya dito for almost half a month ano?" bulalas nya.

"Baka busy lang happy feet." Tinignan ako ni Kwago na para bang hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya. "Wag kang magalala sa akin, makakarating pa rin ako sa kasal nyo ni Jongin." Niyakap ko sya, "Thank you for not leaving me, Kyungsoo pero ayoko," I sucked one lungful of air, "Ayoko na pati ikaw madamay so, I'm asking you to stay away from me until everything is alright. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag pati-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi niyakap nya agad ako and I cried again.

"Bestfriend tayo di ba? Hindi kita iiwan. Walang mangyayaring masama sa amin, Luhan. Mahuhuli din ang hinayupak na pitingini na yan at babangasan ko talaga yang mukha ng hayop na yan! Bilog ang buwan, malakas ang shakra ko." Natawa ako dahil dun sa sinabi nya, "Tawagan mo ako kapag may balita na sa kanila huh?"

"Salamat bes," Pilit na ngumiti ako.

"Onga pala, tignan tignan mo si Sehun at baka masungkit." Napayuko ako dahil dun. Hindi na ako sumagot at lumabas na. Hindi ko alam kung saan lupalop nagpunta si Yna at Sehun, hindi ko na sila inantay. Sumakay na agad ako sa kotse at pinagmaneho ako ni Detective. Ayoko talaga sa kotse nya, amoy medyas. Sakit sa ulo. Kawala ng points eh?

"Bakit hindi natin inantay si Sehun?"

"Uuwi din yun. Bakit ba hindi nalang ako ang kunin ng killer na yan at matapos na lahat ng ito? Wala ng madadamay," I said, staring at my nails. "Tama nga siguro ang sinabi ni Thunder eh? Kailangan ko lang mamatay. Should I just kill myself?" sabi ko dahil para mapapreno ng wala sa oras si Detective. "To put an end with my story?"

"Ano ba yang sinasabi mo? Wag ka ngang magisip ng ganyan! If you die, it will still continue. You should put an end with all of this by finding that goddammit killer! Napapengrish ako sayo, pitingini." aniya.

Alam ko hindi yun oras para tumawa pero hindi ko na napigilan. "Napaengrish ka pa tuloy, Detective.. Sorry naman? Masyado lang talagang magulo ang isip ko ngayon eh." sabi ko at sinandal ang ulo ko sa head rest at, pinagmasdan ang tanawin sa labas. Hindi na sya sumagot at pinaandar na ulit l sasakyan with silence filled around the air.

Pagbaba ko ng kotse, natanaw ko naman si Thunder na papasok sa bahay nila. Hinabol ko agad sya. Parang zombie house kasi ulit ang bahay nila.. parang laging walang tao? Tinawag ko sya. "Thunder!" Lumingon sya at napalinga sa paligid. "Ngayon lang kita ulit nakita.. around the neighborhood."

Ipinasok nya ang kamay nya dun sa bulsa ng jacket nya. "Buhay ka pa pala," bungad nya sa akin, "What do you want? Nasabi ko na lahat ng alam ko. Wala akong magagawa na para sayo, Dr. Oh. Ayoko pa mamatay, ayoko iwan si Kelly na nagiisa." wika nya.

"Kung ayaw mo mamatay, bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa rin umaalis?" I asked him and he heaved a long sigh after.

"Because somehow," he started with a low voice, "Umaasa pa rin ako na mahuhuli na ang killer but I think I was wrong. Wala pa rin silang kwenta," sambit nya't napatingin sa likuran ko. Sinundan ko ang tingin nya at nandun si Detective. "I told you, JUST DIE."

"I won't. Mahuhuli sya." Matapang na sabi ko. Tama si Detective. Kahit mamatay ako eh matutuloy pa rin ito at sa ibang tao naman. I don't want that. I want to end his games with all my might. "May gusto lang ako itanong sayo. Perhaps, nakita mong may pumasok sa kwarto namin the other day. Bukas ang kurtina at lagi kang nakasilip dun. Meron kasing nakapasok and, managed to put a message in.. Sehun's phone." I asked him.

Natahimik sya at waring nagiisip. "Yes, I do saw someone typing on the phone in your room. Yung isang kasama nyong buntis?" Nagkatinginan kami ni Detective. So, that is why, walang nakapansin at.. hindi nagreact si Vivi kasi kilala nya yung tao. "So okay na ba ha? Papasok na ako," Pagkatapos nyang sabihin yun, pumasok na agad sya sa loob. I was trying so hard not to burst out in anger.

That biatch. Siguro may kinalaman sya dito eh at gusto nya kaming sirain ni Sehun. Fck. Hinawakan ni Detective ang braso ko, "Bat hindi sinabi sa atin ni Yna? Kasabwat ba sya? O inutusan din sya?" Napatigil sya sa pagiisip ng biglang magring ang phone nya. Dinukot nya yun sa bulsa at sinagot. "Hello anong balita? Saang hospital? Okay sige? Sasabihin ko sa kanya." Binaba na nya ang tawag at hinawakan ang balikat ko, "Luhan nahanap na nila ang kapatid mo. He's in the hospital right now," balita nya sa akin.

Hinawakan ko agad ang kamay nya't hinila papunta kung saang hospital yun. While on our way, tawag nang tawag sa akin si Sehun pero hindi ko sinasagot. Hinahayaan ko lang na mawala ang tawag after... so many rings. Hindi ko alam kung bakit ayoko sagutin eh.

Anak mo to, Sehun.

Anak mo to, Sehun.

Anak mo to, Sehun.

It keeps on playing inside my head and that makes me scared. "Bakit hindi mo sagutin ang tawag nya? Nagaalala din ang asawa mo sayo, Luhan." Hindi ko sya pinansin at pinatay ang phone ko but then... CP naman nitong si Detective ang tumunog. Tinignan nya yun. "Asawa mo, tinatawagan ako?" Sasabihin ko sanang wag nya sagutin pero sinagot nya agad at sinabi kong saan kami papunta. "Wag mo syang pagalalahanin"

"Ewan ko sayo," pagtataray ko.

Tumawa naman sya ng malakas, "Ang cute mo magtaray, Luhan." komento nya pa na syang inirapan ko lang.. Napahawak ako sa tyan ko kasi sumasakit na naman. "Okay ka lang ba? Sinisikmura ka ba? Heto at may gamot ako dito," sabi nya at naghalungkat sa sa dashboard. "Oh heto, may tubig pa."

Napa-eh ako, "Ininuman mo na to."

"Sus, wala akong sakit. Sge na."

Nagdalawang isip ako kasi para na kaming nagindirect kiss eh. I shooked my head and drank the medicine. Umepekto naman ang gamot na yun after ng ilang minutes. Isang oras ang binyahe namin bago nakarating sa ospital kung saan nakaconfine si Ziyu. He's still at his puberty tapos pinagdadaanan na nya ang ganito. Halos maiyak ako sa itsura nya. Nakatamo sya ng limang saksak tapos, may small cut sya sa noo nya na para bang hinampas pa sya ng isang matigas na bagay.

"Si Eomma, wala bang balita?"

"Wala pa. Mukhang sinadyang iwan ang kapatid mo." Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. Detective tapped his shoulder, "Sige na. I'll lend you my shoulder." sabi nya and, I settled my forehead on his shoulder as I cry it all out. Sa dami ng iiyakan ko, sa kanya pa na humahandle lang ng kaso. From all of the people, why can't it be my husband, Sehun?

I stayed in the hospital. Di pa rin nagigising si Ziyu. Pitingini talaga nung killer na yun.
Sinadya nya para lumabas ako ng bahay. He knows the operation, I guess. Kaya siguro he left Ziyu. Paano kung di nabuhay kapatid ko? Dafuq. "Ugh," I groaned in pain. Sumasakit na naman ang tyan ko. Napapadalas na ito.

"Kumain ka muna," Detective said.

"Wala akong gana." sagot ko naman.

"Just a few bites, eat." Umiling ako.

Napakagat ako sa labi ko sa sakit.

And then, everything went black.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Madilim ang silid nang idilat ko ang mata ko. Hindi ko alam pero bigla akong nahilo. I was about to stand up to get something to drink but I heard the door opened. "Oh ano bang nangyari kay Luhan?" Tanong ni Chanyeol. Tumalikod ako sa pinto't nagpanggap pa rin na tulog. Hindi ko alam bat nagpanggap ako.

"Abdominal pain due to stress. Hindi pa sya nakakain ng maayos lately." sagot ni Sehun. Naramdaman ko ang tingin nila sa akin. Patuloy pa rin ako sa pagpapanggap.

"Tapos dinadagdagan mo pa? Dude be a man, hindi mo naman matatago yun sa kanya habang buhay. You'll still need to suffer the consequences for what you've done behind his back." Nangunot ang noo ko. Behind my back? Ano bang ginawa nya? Napakagat ako sa labi ko. Should I wake up now and stop pretending? No, not just yet.

"Hyung naman... Let's not talk about it here." I heard Chanyeol sighed, "Hindi ko masabi sa kanya dahil sa nangyayari sa ngayon. If I tell him, he'll leave me and, he'll feel alone.. Mas kailangan nya ako ngayon, hyung. Sasabihin ko naman eh. Just not now, ayoko ng dumagdag pa sa problema nya." Sehun said in a low voice.

"Kelan pa, Sehun?" Matagal bago sumagot si Sehun, "Fine, mas hindi kakayanin yun ni Luhan kapag nalaman nyang niloloko mo sya." Napakagat ako sa labi ko. Niloloko ako ni Sehun? Kelan pa? "Phew, still can't believe you slept with a woman, Sehun." Nakagat ko ng matindi ang labi ko.. trying not to let out a soft whimper. "Okay sana kung sex lang eh, kaso binuntis mo pa."

"I didn't want to! Didn't mean it,"

"Didn't want to? Nagingat ka sana. Wag mo na ako lokohin, Sehun. Pinilit ka na naman ni Lolo mo nun. Naisip mo yun." Nalalasahan ko na ang DUGO sa labi ko sa sobrang lakas ng pagkakakagat ko. He had fcking sex with somebody else.. Buntis? Si Yna ba yun? Anak mo to, Sehun. Now, it all make sense. "About Baekhyun, he told me not to come. He's scared locking himself inside our room. Tell Luhan.. he's busy."

"I will," Narinig ko ang yapak ni Chanyeol palabas ng silid at naramdaman ko namang umupo si Sehun sa silya sa likod ko. I felt his hand caressed my hair so gentle like, a new born baby. Napahikbi ako, "Luhan?" aniya. Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagiyak.

"Paano mo nagawa yun?" sabi ko at saka bumangon. He couldn't even utter a single word when I wiped my fckng tears. Mukha syang nabuhusan ng malamig na tubig. He tried to reach for my hand but I avoided it and shoved it like, it's the most disgusting.

"Luhan let me explain,"

"I've heard enough! I don't want to hear another fcking lie from you, Sehun! How could you? I trusted you!" Hinawakan nya ang balikat ko pero, pilit na inaalis ko yun. I was lost at that moment. Yun bang namatay ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa daanan mo. "You're such a fcking liar, Oh Sehun!

"Luhan please-" I cut him off.
.
.
.
I SLAPPED him over and over and over.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Aw. Ito na ba ang katapusan ng hunhan? Mukhang galit na galit talaga si Lulu eh. Kulang pa ba ang sampal kabebes? Haha.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top