xlvii
May book 3 pa, tiwala lang sa hunhan. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
Luhan
"Why not fight? Luhan, I only want the kid. Please, let's make it work again." I shoved his hand, "I'm so sorry. Just give me.. a few months until she gave birth. She won't bother us. Huwag ka namang bumitaw." Sehun pleaded in a brittle tone.
"Siguro, kung hindi ko lang kayo nakita nun, baka nagbago pa isip ko. Pero shit naman, Sehun. Pag lasing ba, kailangan bumayo? Sinira mo yung tiwala ko sayo eh." Huminga ako ng malalim at tinitigan sya. "Sobra akong.. nasaktan sa ginawa mo. Galit na galit ako.. ginago mo ako."
"Hindi mo na ba ako mahal?"
"Fck! I do.. I still do." I answered.
"Then, I'll ask you again." Hinawakan nya ang kamay ko, squeezing it tightly. "Do you really want to end it?" Tinitigan ko sya ng ilang minuto. Some part of me, still want to hold on, believe in us, believe in him, want to forgive him and some part of me, DON'T. Hindi ako nakasagot. Yumuko lang ako dun. Sehun squeezed my hand, waiting patiently for my answer. "Luhan, please." he added.
"Give me some time, Sehun." pagkasabi ko nun, binawi ko ang kamay ko. "Lumabas ka na. Gusto ko munang magpahinga." ani ko tsaka humiga patalikod sa kanya. Nanatili pa sya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng silid. Napabuntong hininga ako dahil dun. Maya-maya lang, bumukas ulit ang pintuan. I turned my back and saw Kharin. Napangiwi ako ng konti ng gumalaw ako ulit dahil doon sa sugat ko sa likod. Nakaengrave name dun ni Sehun. Paano ko sya makakalimutan nun?
"Nakapagusap na kayo?" he asked. I only nodded my head. "Nagkaayos na kayo?" I shook my head. "Libreng sumagot, Luhan. Panis na ba laway mo? Ilang araw ka ring hindi nakakapagtoothbrush. Siguro nga." Nagsalubong kilay ko. Sarap batuhin nito ng hollowbacks. Ampotek. Inirapan ko lang sya.
"Tumira ka pa dito, Kharin! Salinan mo nalang ako ulit ng tubig!" utos ko lang sa kanya. Napakamot sya sa ulo tsaka naman ako sinalinan ng tubig. "He.. asked me if I want to end our marriage and I said yes. Tama naman desisyon ko di ba? He hurt me! Gago sya. He broke his own promise. Binigay ko lahat sa kanya.. kulang pa rin pala kasi gusto nya ng bata." Parang baliw na tumawa ako, "Kaya siguro tinataboy ko sya kasi... I feel so, useless. That he don't really need me. I thought he's contented but those smiles are just a lie because he wants more." garalgal na sabi ko sa kanya.
Kharin patted my head. "Hindi ba pwedeng isipin mo nalang, Luhan na, mahal ka nya at mahal mo sya? Masaya ka ba sa naging desisyon mo? Baka magsisi ka? Pagisipan mo muna. If you need time, he'll give you space." Hindi na ako sumagot. Humiga ako ulit sa kama at umupo naman sya sa upuan habang tinitignan ang phone nya. Meron ba syang inaantay na tawag? Galing kay Khou?
"Hindi mo makontak si Khou?"
"Ha? Oo eh. Ang sabi ng kasamahan ko, nagmamadali daw umalis habang nasa loob kami nung bahay." sagot nya habang nagdadial sa CP nya. "Hindi ko alam pero, kinakabahan ako para sa kapatid ko." he murmured. Nagsalubong ang kilay ko dahil dun. Bakit naman kaya sya kakabahan kung nahuli na naman ang killer? Isa pa, walang kinalaman na si Khou kay Zuki dahil hindi naman din sya target nito? Nakakapagtaka?
"Kinakabahan? Bakit?" I asked.
"Ha?" Napakamot sya sa batok nya, "Gago kasi yun eh. Kung anu-anong pinapasok na gulo. Haha?" sabi nya. I just shrugged. Bigla kong naalala ang nalaman ko tungkol kay Zuki. Yung pagiging left handed nya at connection nun sa pagkakaroon pa nya ng isang kasabwat na positibong babae pa ito.
"Kharin, habang hawak kami ni Moon este si Zuki pala." Hindi na sya nagulat nang sabihin ko yun. Marahil ay nakuhaan na ng statement si Vina. Sya lang naman sa amin ang hindi tinorture ni Zuki. Akala ko mas uunahin sya ni Zuki pero hindi. Isa pa, hindi ko napansin ang sugat nya. May dugo nun sa pinto ng kwarto nya? Sa likod kaya sya dinaplisan? "Nalaman kong hindi sya right handed? Left handed sya and, that means, hindi sya yung naglalagay ng X."
"Ibig sabihin, may isa pa?" Nangunot ang noo ni Kharin, "Base sa results, posibleng babae yun. Iimbestigahan pa namin ang tungkol dyan." Tumayo sya pero huminto din na tila may iniisip na malalim. "Pwede ka na palang sa makalawa, pahinga ka na muna." sabi nya tsaka lumabas na ng pinto.
I stayed in the hospital for the days at hindi pa rin mawala sa isip ko ang napagusapan namin ni Sehun. The next morning habang nagaayos ako, pumasok si Sehun. "Aalis ka na?" he asked and—I nodded. "Can I drive you home?" Tinitigan ko sya bago tumango. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Wala ni isang topic na maisip. Ang awkward lang.
"Nakalabas na ba si Yna?"
"Luhan, you don't have to ask about her." he said with a sigh, "Hindi pa sya pwedeng lumabas pero—nakalabas na kahapon si Lolo Sonmig. Kung puntahan ka man nya, please don't listen to him." mahinang sabi nya. Alam ko na rin naman ang sasabihin ni Lolo Sonmig. Sasabihin nyang, hiwalayan ko na si Sehun. I know that old man. He's quite greedy and manipulative. Gagawin nya ang lahat, maayon lahat sa gusto nya. I'm pretty sure, he wants Sehun to end up with Yna so that the baby will have a name with his true mother and not me. Laki ng galit sa akin eh.
"I made my own decision."
"Luhan-" I cut him off.
"Nandito na tayo." sabi ko. Pinark nya ang kotse sa tapat ng bahay at bumaba na ako. I opened the gate and looked at him. "Thank you for driving me home. Kaya ko na ang sarili ko.." Mapait na nginitian ko sya bago ako pumasok sa loob. Narinig ko nalang ang muling pagbukas ng makina ng kotse nya at pinaandar. Umupo agad ako sa couch. Hindi man lang sya naginsist na pumasok ano? xx
Ang tahimik ng bahay. Makalipas ang ilang minuto, umakyat na ako sa kwarto at agad humiga sa kama. Di ko nalang namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ako, madilim na ang kwarto. Kinapa kapa ko sa gilid ang lamp shade at—napatingin ako sa bintana. Nakikita ko lang si Thunder doon pero ngayon, patay na sya tapos si Eomma tsaka si Krystal. Ang daming namatay?! :-x
Lalabas na sana ako ng kwarto nang may marinig akong nabasag sa baba. Bigla ako kinabahan.. Dahan dahan akong lumabas habang kinakapa ang switch sa hagdanan. Bumukas ang ilaw sa hallway pero nagulat ako nang magring ang phone sa baba. Bigla kasing sumagi sa isip ko tawag ni Zuki nun. Binaba ko yun at sinagot pero wala naman. Haharap na sana ako pero, may pumukpok sa ulo ko mula sa likod. Feeling ko nabingi ako dahil sa malakas na impact nun. Dafck.
"Kamusta, Luhan?"
Tinignan ko ang taong yun...
.
.
.
.
"Vina?" halos ibulong ko nalang habang nakahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa kamay ko at may nakita akong dugo dun. Napatitig ako kay Vina. "Ikaw.. ikaw ang kasabwat ni Zuki?!" she only gave me a devilish smirk. Napaatras ako, kumakapa lang ng gamit sa likod ko na pwede kong panlaban sa baseball bat na hawak nya..
"Ako nga." sagot nya at hinampas ulit sa akin ang hawak nyang bat. Hinagis ko sa kanya yung nakapa kong kaldero pero she pulled out a gun and shot me on my thigh. Napaluhod ako sa sahig. "That was all an act.. ACT na kinagat nyong lahat. Well, I gave you an idea about Zuki. Nung araw na tinawagan kita asking for help, parte ng plano namin yun para.. makapasok si Zuki sa bahay ng litsing Detective na yun to get those stupid binary codes. I cut my arm and fake the kidnapping thing." she said with this evil grin at the corner of her lips. Pareho silang baliw ni Zuki. Pitingini!
"About Moon, was that all a lie?"
"Moon? Partly. He did say that. But I don't like him. He just reminds me of that kid I met. After ng aksidente, nakilala ko agad si Zuki. He's that kid, I saw torturing a cat back in Hacienda Tan." Naalala ko picture na nakita namin. Nakilala nya nga ang isa sa kambal dun. "My mom used to work there. Pinuntahan ko sya isang araw at—nakita ko si Zuki sa likod ng kulungan ng manok. Zuki listens to me. I'm the only ONE who understands him... Tinulungan ko sya sa obsession nya." Hinila nya ang upuan tsaka umupo habang nakatutok sa akin ang baril.
"Ikaw umuukit ng X?" I asked.
"Ako nga pero dahil nahuli si Zuki, ako tatapos ng nasimulan nya. May gusto ka pa bang sabihin, Luhan?" Minura ko sya pero tumawa lang sya. Tinapakan nya ang sugat ko at napasigaw ako sa sakit, trying to get her foot out of it. Nanghina ako dahil sa madaming dugo na ang nawawala sa akin. I bit my lips when she kicked it like a ball. In it's unbearable pain parang hihimatayin na ako. Marahas na hinila nya ako papunta sa pinto ng cellar at—tinadyakan pababa dun. Pakiramdam ko, namanhid ang katawan ko sa sobrang sakit ng paggulong ko sa hagdan.
Narinig ko ang harurot ng motor sa labas at ang paghinto nito. "Luhan?!" Si Kharin yun?
"KHARIN! TULUNGAN MO AKO!" sigaw ko but then Vina pulled the trigger at tinamaan ako sa braso ko bago nya sinara ang pinto ng cellar. Di ko na alam kung anong nangyayari sa labas. May narinig akong putok ng baril at kinabahan ako para kay Kharin. Pinilit kong tumayo habang hawak ang binti ko paakyat nang bumukas ang pinto. Si Kharin and he's wounded on his right arm. Nilapitan nya ako tsaka inalalayan palabas ng cellar. Pitingini.
"Luhan, okay ka lang ba? Parating na ang mga pulis, hahabulin ko lang si Vina." he said. Pinunit nya ang laylayan ng damit nya at—ibinalot yun sa tama ng bala sa hita ko. I held his wrist when he stood up. "Hold this gun, dito ka lang. You will be safe, Luhan. I'll make sure to catch her." bulalas nya pa.
"Magiingat ka, Kharin. Salamat."
"Basta ikaw, nanginginig pa. I'm just one call away. Nagmotor ako, nababahuan ka kasi sa kotse ko. Arte mo." he said, smiling.
Kahit sugatan na kami, nakukuha nya pang magbiro. Bago sya tumayo may kinausap sya sa phone, telling the plate number ng kotse. I think ito ang ginamit ni Vina para makatakas sya. She wasted her popularity para lang kay Zuki. A lot of people admire her for writing such mind blowing stories but, she's one of the villains in her stories. Dumating na ang mga pulis at—ang ambulansya. Tinulungan nila akong makasakay. Habang nasa loob ako ng ambulansya, kinakabahan pa rin ako eh?
Nagaalala ako kay Kharin.
I'll BLAME myself if something happens to him. The last thing I saw is the lights in the operating room, doctors and nurses, keeps on murmuring around and I fell asleep in a few minutes. When I woke up, I was already in a room. Kakalabas ko lang nun, nandito na naman ako. Sinugod agad ako ni Kyungsoo nang malaman nyang gising na ako. Kepkep pa more, buntis na nga lahat lahat. Kaloka!
"Baby deer, oki na ba u?"
"Dahil nakita ko ang mukha mo, masama ulit ang pakiramdam ko." pambabara ko sa kanya't hinampas nya ang braso ko kung san may benda ako. "Aray! Nahuli ba si Vina?" I asked and they nodded quickly as an answer. Nakahinga ako ng maluwag. "Si.... Kharin?"
Nagkatinginan sila...
"He's in a critical condition. Inaantay pa syang magising ngayon para... malaman kung ano pa epekto nito sa katawan nya. Brain injury." Baekhyun said, "Ang sabi ng doktor eh, may possibility na maparalyze daw ang kalahati ng katawan nya." aniya.
Fck! Kasalanan ko to eh.
"Gusto ko makita si Kharin."
"Pero Luhan, hindi pa-"
"Please," I told them.
Inalalayan nila ako kahit masakit pa rin ang sugat ko. Paglabas namin ng pinto, pumasok si Sehun. "Luhan, saan ka pupunta?" aniya at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko sya at hinawi ang kamay kong hawak nya pa rin.
.
.
.
.
"I'm sorry, Sehun but I don't have time to talk to you... I want to see, Kharin." I said.
Kharin saved me from all of this..
Kharin Mikuto needs someone now.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Naaamoy nyo na ba sinong pipiliin ni Luge? Sinong naiinis kay Luhan for giving up and still blaming Sehun for all this bullsh'ts? :))
Yes, this book contains all their struggles so stay tuned for they'll continue to sail guys.:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top