xliv

Kinakabahan ako. Sino pipiliin nya?

"Ano, Mr. Oh? Bakit hindi ka sumasagot? Ang asawa mo o itong babae mo?" tanong ulit ni Zuki at marahas na hinila ang buhok ni Yna bago tinanggal ang nakatakip sa bibig nito. Yna's loud cry filled the entire room. "I want you to answer now, Mr. Oh! So what is your answer?" Zuki glanced at me, "Oh? Bakit hindi ka nagsasalita? SUMAGOT KA! AYOKO ng nagaantay!" sigaw nito na halos lumabas na ang ugat nya. Parang nanggigigil sya. Huminga sya ng malalim at kinalma nya ang sarili. "Sumagot ka! Sayang ang oras!"

Napakagat ako sa labi ko. Alam kong si Yna ang pipiliin nya. I know it's selfish to think pero umaasa ako na sana piliin din nya ako kahit ngayon lang.. kahit sa pagkakataon na ito lang but whenever I think of the kid, no. Naguguilty ako but, if he choose me, if only he'll choose me, may pagasa kaming tatlo. I only need to tap that ballpen's head para sa signal ng location namin. The thing is hindi ko alam kung 'ibibigay' nga nya sa akin yun.

Zuki's mind is twisted. For sure, ayaw nya matalo. "Ano Sehun? Kung ako ang pipili ngayon, baka may mabaon ako sa lupa." Lalong lumakas ang iyak ni Yna pero kasi manly ako, di ako umiyak. Kailangan kong magisip at hindi umiyak. "Ano? Ano ulit? Anong sagot mo? Lakasan mo hindi kita marinig!" dugtong nya at may pinindot sa phone nya. Lumapit pa sya palapit sa akin.

Itinapat nya ang phone dun sa gilid kung saan nandun ang isang monitor na meron din sa gilid ko kung saan kita ko din sila. I could feel my heart beating fast. Honestly, takot na takot na ako. Baka maihi ako dito. Kulang nalang sabon, malalabhan na tong mga baby bra ko. Tingini. Isip isip, Luhan!

"Fck you." I heard Sehun cursed.

The call is still on going. Trinatrack ba nila ang tawag? "Say something, Luhan. Bago mahuli ang lahat. Magpaalam ka ngayon sa asawa mo. Come on," dugtong nya saka tumawa ng nakakaloko. Parang baliw lang. Baliw nga naman talaga sya. Abnormal sya. Wala syang konsensya sa ginagawa nya eh.

"Sehun," I called crying, "Help-"

"Opppps, tama na. Ano Sehun? Hindi kasi ako nagbibiro. Ako nalang ang pipili kung masyado kang nahihirapan sa tanong ko." Zuki pulled a gun from the back of pants at tinutok yun sa akin. "I'm holding a GUN right now, Sehun pointing at your wife. If you choose now, may chance pa sya ng isa pang araw para mabuhay but if you don't pick any, I'll kill them both." he said, "No, I'll kill your mistress, wife and the baby."

"No! Don't, don't!" Sehun shouted.

"Bibilang ako ng tatlo, sumagot ka, Oh Sehun." he took a deep breath, "Isa," he started counting with this devilish grin on his face. "Dalawa," Inikot nya ang ulo nya. Parang hinihilot nya yun. Natatakot na ako.

Kahit may glass wall yun, hindi ko pa rin alam kung bullet proof yun. Kapag hindi talaga sya nagbibiro at pinaputok yun sa akin. It's the end of me? Matagal bago pa nakasagot si Sehun at mukhang naiinip si Zuki.. Gumagalaw ang daliri nya sa trigger na parang nangangati na sya at nagsimula syang magbilang. "Just take me instead."

"I'm sorry, wrong answer."

Napapikit ako nang ngumisi si Zuki at yun, narinig ko nalang ang malakas na putok ng baril. Nanginginig ang kalamnan ko na para bang nagmalfunction ang utak ko. Nanginig ang labi ko at—onti-onting idinilat ang mata ko. Nasa harap ko lang yung bala nung baril. Tumawa lang si Zuki ng nakakaloko. Seeing how sacred I am with this sweat around my forehead, natutuwa pa sya lalo dun. Tingini!

But then Sehun, didn't picked any.

Alam ko nahihirapan si Sehun but, his silence means, he picked Yna. Hindi nya masabi dahil masasaktan ako but I know, iniisip nya yung bata. It's father's instinct.

"Hahaha, relax Luhan. Hindi mo pa oras pero—dahil hindi sumagot ang asawa mo that means, he chose his mistress and his kid and now, you only have a day to live." Ipinasok nya ang CP nya sa bulsa at inilapag ang baril sa desk. "Too bad. Ganito nalang, ibibigay ko ang ballpen na sinasabi mo if, you'll cut this girl's nipples. How's that?" Lumapit sya kay Yna at sinira pa ang blusa nito, exposing her bosom. He pinched her nipples, making Yna cry even more harder. Scared for her own life and—for her baby.

"Please don't," Yna cried.

"I can't do that." I said in an low voice.

"Come on, Dr. Oh, you hate this woman right? Inagaw nya ang asawa mo. Gawin mo ang gusto mo sa kanya. Kill her," sabi nya at umupo ulit sa shivel chair. "And, the baby, mapapasayo na ulit ang asawa mo."

"Hindi ko dudumihan ang kamay ko dahil lang sa inagawan ako ng asawa, Zuki. May konsensya ako, isang bagay na wala ka." I said, fiercely, challenging him with my stare. Tumawa lang sya. "Why do you want me to write it on the piece of paper anyways?" I asked him, taking a short glance at the desk.

"I want to know.. because, I want to play your role well. You'll be my patient soon, Luhan. You want to understand them but the only way you could fully understand your patients is to suffer the same thing. I will make you.. CRAZY." he said, laughing.

"Ganyan ba ginawa mo kay Moon?"

Tinitigan nya ako ng ilang segundo, "Yes. I studied all his daily activities before we got into an accident caused by me. Ako," Tumayo ulit sya at lumapit sa akin, "Talaga ang pumatay sa kapatid ko. I took his life away from him. Ako na ngayon si Moon." he paused, "Besides, my name also means Moon in Japanese." he explained. Pati ang kapatid nyang lagi nyang kasama nun? FCK.

"Ang sama mo!" sigaw ko.

Hindi nya ako sinagot. :x

"Alin dito ang ballpen na sinasabi mo?" Hinalungkat nya ang bag ko, "Bakit may napkin ka?!" Kunot ang noo tanong nya habang hinahalungkat ang bag ko. Dafuq.

"Mas nakakaabsorb kasi ng pawis."

Hinagis nya basta yung napkin sa tabi at hinahanap yung ballpen. Tinitigan nya pa yun ng ilang segundo. "Bakit importante sayo ang ballpen na ito?" tanong pa nya, "Anong meron dito? Mukhang ordinaryo lang naman." sabi nya at sinuri muna yun.

"May magic kasi yan, pag pinindot mo yung ulo nya, may tutunog." I lied. Sana naman pindutin nya. "Isa pa, regalo kasi yan ng first boyfriend ko bago muna sya nagartista. Kilala mo si Lee Min Ho?" ani ko. Pitingini mocha Zuki! Pindutin mo yan!

"Hindi." he answered.

"Yan, busy ka kasi dito! Hindi mo alam nangyayari sa labas. Buntis na si Toni! Pumuti na si Totoy Brown!" sabi ko para madistract sya. Kapag nagalit sya eh, baka mapindot nya yun. Baka may pagkatanga? Pindutin nya sana! Isang araw nalang ako mabubuhay! I don't want to die! Ayoko pa! Rarampa pa ako for Victoria's SECRET! x.x

"Wala akong pakialam."

At inilapag nya yung ballpen. Sakit.

"Why put an X on their neck?"

"As an editor in chief; I evaluate, monitor and, change or delete unnecessary ideas. I always put X to ideas, I rejected. Simple as that. Sila ang flaws na tinatawag na gusto kong burahin." Ngumisi sya ng nakakaloko.

"What do you mean?" I asked.

"I killed Ms. Pilapil's sister and boyfriend because she don't know, they're having an affair. I killed Ms. Vinibivi's parents dahil masyadong sakim. Sinusugal lang nila ang perang pinapadala nito para sana sa anak nya. Masyado ng common, hindi ba? And I don't like common ideas. Si Krystal at—si Thunder, isa din silang pagkakamali." he stated, "Ang pagkakamali ay binubura na."

"But why my mom?!" I shouted.

"Why? Because all her life, she only do what your FATHER tells her to. Walang kwenta! Panira sa storya! Gusto mo ba syang makita?" he grinned, "I'm sorry, Luhan. My knife slipped down to her neck and, cut her throat. If you made it out alive, you can bury her." What the fck?! Naitikom ko ang kamao ko sa galit. Hindi! Buhay pa si Eomma, she can't be dead. No! Onti-onting nanghina naman ang tuhod ko.

"Gago ka!" sigaw ko.

Naiyak na ako dun.

Yung tapang tapangan na kamanly-han ko. Gumuho na. Nanghina na ako, knowing my Mom is no longer alive. Ang masaklap dun, hindi ko alam saan sya tinapon ng lalaking to. "Mamaya ulit, Luhan." sabi nya at saka binaba ulit yung blinds. Nakahiga lang ako dun sa sahig, umiiyak. Siguro, aantayin ko nalang na patayin nya ako. Ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako. JUST KILL ME.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga at tulala lang sa loob ng room. Nung tumayo ako at sumilip sa monitor. Nakita kong nakatali pa rin si Yna at may malay na si Vina. Si Moon naman nakaupo dun sa desk habang nagsusulat. Looking at him closely, parang nahihirapan sya? Agad na huminto sya at hinilot ang kanan nyang kamay bago nilipat ito sa kaliwang kamay.

At nagsulat sya ng mas maayos.

Nangunot ang noo ko at napaisip.

Nagprapraktis ba sya sa kanan?

Ang sabi ni Kharin nun, right handed nung sinuri nila ang hiwa na X mark sa batok ng mga biktima. Pero bakit parang left handed si Zuki? Kung right handed si Moon, sakto ang evidence sa kanya but then Zuki is left handed? Besides, mababaw lang ang hiwa giving the idea na 'babae' ang killer. Isa pa, kung gagamitin ni Zuki ang kanan nya eh, hindi nya mahihiwa ito ng maaayos di ba? But I saw the pictures, smooth cut yun eh.

"May kasabwat ba sya?" I whispered.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Sehun

"I'm sorry, wrong answer." sabi nito at nakarinig ako ng putok ng baril before the call ended. Nanlambot ako at napaupo dun sa couch. Nasapo ko ang mukha ko. Binaril nya ba si Luhan? That gun fire reminds me of my mom in the cellar. Napapikit ako as I try to shove her face out my head. No. FCK.

"Sehun, okay ka lang?"

"Si Luhan... I heard gun fire. Natrack nyo ba ang tawag?!" sabi ko at kinuwelyuhan si Kharin. Nanginginig ang kamay ko. Hindi ko kaya isipin na may nangyaring masama kay Luhan. Napaupo ako ulit at sinabunutan ang ulo ko. "Si Luhan.. No, he's still alive. That can't be him. Si Yna? No." Humigpit pa lalo kapit ko sa buhok ko. "Please, track them."

"Why didn't you say his name, Sehun? Di mo ba narinig? You only have to say one name at may chance pa sya ng isang araw. He remained quiet for three days kapag nakuha na nya ang biktima nya but now, he called you right away asking you such questions. Don't you think that's weird?" Kharin said, "Because.. Luhan is fighting. He's bargaining with him, risking. Don't you know your wife? He is a fighter." he added, making me quiet and bow my head.

"You, you don't know why it's so hard. If I choose Luhan, paano si Yna at ang bata? Kung pipiliin ko si Yna, paano si Luhan? Kung ikaw ba sa kalagayan ko, sino ang pipiliin mo?" seryosong tanong ko naman.

"Oo. Wala pa akong anak at asawa pero naiintindihan ko ang sitwasyon mo ano." Tinap nya ang balikat ko, "But you know what, it's your fault anyway. Kung hindi ka lang kasi gago at nambuntis ng iba. Isang batok ko lang sayo, patay ka na."

"Ano!?" I said.

"Sir, near sa area nyo ang tawag? Dahil masyadong mabilis, hindi ang exact na location." pagbabalita ng kasamahan nya.

"I can only think of one place, Moon's house." Kharin said, "Papasukin natin yung bahay. Magready na kayo." aniya. Susunod na sana ako sa kanila palabas but then, Kharin quickly tapped my shoulder.
.
.
.
"You hurt him again, Sehun because this time, hindi mo pa rin sya pinili." He said, "You're thinking about the kid, hindi ba? Only saving the kid. Your silence means you pick the other. I know, that's what he felt." he murmured.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top