Ang Huling Liham
Sa 'yo, aking Rene,
It has been two days since I received your letter. At hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan lahat. So, what you've said there explained everything. Kaya ka umalis na lang. Kaya kahit ano'ng text o tawag ang gawin ko wala sa mga 'yon ang sinagot mo. How could you be so unfair, Rene? Why did you keep everything from me? Akala ko ba team tayo? Bakit hindi mo man lang hinayaang makihati ako sa dalahin mo? Bakit natakot kang magiging pabigat ka lang sa 'kin? Na magiging balakid ang kondisyon mo para sa pangarap ko?
Hindi mo alam na ang takot mong iyon ang nagdala sa 'kin sa sitwasyong ito ngayon. I've never been whole since you left. Kalahati ng pagkatao ko ang dinala mo, Rene...
I'd been waiting and searching for you for eight years already. Araw-araw pinupuntahan ko ang train station kung saan tayo unang nagkita. Umaasa akong makikita kitang naghihintay sa 'kin doon. I realized, sobrang galing mo ngang magtago kasi sa loob ng mga taong iyon hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong mahanap at makita ka.
You knew what? Every single day, I was so desperate. At sa sobrang kagustuhan kong makita ka, I even devoted my days to top the boards. Kasi umasa akong sa pamamagitan no'n ay baka mapanuod mo ako sa TV o mabasa mo man lang ang pangalan ko sa diyaryo. And if you did, baka maalala mo ako at magkaroon ng chance na ikaw na mismo ang humanap sa 'kin.
But none of it happened. I waited and waited, pero hindi ka dumating katulad ng inaasahan ko...
Kuya Luke has been telling me to stop already. Ilang ulit na niyang sinabing itigil ko na raw ang paghihintay ko sa 'yo at kalimutan ka na. Hindi lang daw ikaw ang babae sa mundo. That I can still find someone better.
Pero paano ko ba gagawin 'yon, Rene? My heart refused to do it. Sa nakalipas na walong taon hindi ko nagawang ibaling ang tingin ko sa iba. Sa tuwing sinusubukan ko para bang libo-libong punyal ang itinatarak sa puso ko. The thought of finally letting you go suffocated me. Ayaw kong kalimutan ka, lalong-lalo na ang bitiwan ang kakaunting pag-asang makikita pa kita.
At gano'n na lang ang saya ko nang tila ba dininig ng Diyos ang matagal nang dalangin ko. Isang araw nakatanggap ako ng tawag kay Tita Nelia—ang Mama mo. She informed me she's been trying to find me. I was also told, you wanted to give me something.
Hindi mo alam kung paanong tumalon ang puso ko dahil sa sobrang saya nang sabihin niya 'yon sa 'kin. And so, walang pag-aalinlangang nakipagkita ako sa mama mo kahit pa may trabaho akong kailangang tapusin nang araw na iyon. I waited for years for that moment to happen. Matagal kong hiniling ang muli nating pagkikita.
Pero, Rene, bakit ganito ang reunion na ginusto mong ibigay sa 'kin? Sa St. Nathaniel Columbary ako dinala ng mama mo. Sa lugar kung saan nakalagak ang urn ng mga abo mo. Naaalala ko pa kung paanong nanginig ang kalamnan pati ang mga tuhod ko nang mabasa ko ang pangalan mo roon.
"T-Tita... w-what happened to Rene?"
I remembered, I couldn't even utter that question. Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko. Nagsimula ring umagos ang mga luha sa mga mata ko. I couldn't believe what I was seeing.
Then I saw your portrait. Napakaganda ng ngiti mo roon. Alam mo bang ang parehong ngiting iyon ang paulit-ulit ko pa ring nakikita sa tuwing naaalala kita? And that very moment I felt I was robbed, Rene. Kasi ipinagkait mo sa 'king muling makita iyon.
"She was diagnosed with Dementia eight years ago, hijo. Walong taon niyang nilabanan 'yon until her body finally gave up. Matagal nang nasa latent stage ang kondisyon niya and two weeks ago she left us..."
Nakita ko kung paanong tumulo ang luha ng mama mo bago siya muling magpatuloy sa pagsasalita.
"Ang makita kang muli ang huling kahilingan niya bago siya mawala, Vin, hijo. She tried her very best not to forget you. She scribbled notes containing information about you. At araw-araw binabasa niya ang mga iyon para hindi ka niya tuluyang makalimutan. And during her last days she made this..."
Those were Tita Nelia's words before she handed me that white envelope. Laman n'on ang sulat mula sa 'yo. Tuluyan na akong napaluhod at malakas na napahagulgol nang mabasa ko ang mensahe mo para sa 'kin.
Rene, bakit ang daya-daya mo? Bakit iniwan mo ako nang gano'n na lang? Bakit hindi mo ako hinintay katulad ng ginawa kong paghihintay sa 'yo? You've been so cruel, don't you know that? Sabi mo hindi mo ako nakalimutan. Pero bakit hindi mo man lang nagawang ipakita at ipadama iyon sa 'kin? If you were not able to have the courage to take even a single step towards me, then you should've let me do that...
What am I supposed to do now? Gusto ko pang paulit-ulit na sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal. Gusto pa kitang yakapin nang sobrang higpit and assure you that everything will be alright. Pero paano ko pa gagawin 'yon ngayong wala ka na sa tabi ko?
And this letter... alam kong hindi mo na ito mababasa pero isinulat ko pa rin. Kasi hindi ko alam kung paano ba palalayain ang sakit at pangungulilang nararamdaman ko.
Mahal na mahal kita, Rene, at kailanman hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa 'yo. Alam mo bang minahal na kita mula nang una tayong magkita sa train station na 'yon? The very moment I saw you cry as I was about to hand you your bag, I knew for sure that you already carved your place in my heart.
Nakakatawa hindi ba? Alam kong hindi mo na maririnig ang mga 'to mula sa 'kin pero gusto ko pa ring sabihin. Umaasa kasi akong may gigising pa sa 'kin mula sa bangungot na ito. Na hindi mo pa ako tuluyang iniiwan katulad ng katotohanang paulit-ulit na ipinaparating ng mga taong nakapalibot sa 'kin.
Gusto ko pang patuloy na maghintay. Kaso ilang araw ko nang ginagawa 'yon wala pa ring nagsasabing masamang panaginip lang ang lahat.
Rene, was it possible na nakikita mo ako ngayon up there? If you could, then would you promise me one thing? Could you let me meet you in our next lifetime? Sa lugar pa ring 'yon kung saan paulit-ulit kong iri-risk ang safety ko mahabol lang ang snatcher na hahablot sa bag mo.
At kapag dumating ulit ang pagkakataong mapapalapit tayo sa isa't isa, would you let me cling on to you no matter how difficult circumstances may appear? Kahit pa mangyari ulit ang kinatatakutan mo, ang araw na makakalimutan mo ako, hayaan mo sanang manatili ako sa tabi mo. Please let me hold your hand at 'wag mo na sanang bibitawan ang mga 'yon.
Please assure me you'll be back to me, Rene. Promise me we'll meet again someday...
Nangangakong patuloy kang mamahalin,
Vin
•┈••✦ ❤ ✦••┈•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top